Chereads / Project: Mystery / Chapter 8 - Chapter Three: Poisons, Poisons, Not Fallen Far (Part I)

Chapter 8 - Chapter Three: Poisons, Poisons, Not Fallen Far (Part I)

Third day of the first week of the first semester at narito ako ngayon sa living room kasama si Friar na humihimig habang umiinom ng tsaa. We are in the same dorm room at siya rin ang nag-suggest kasi na lumipat ako sa dorm room niya since "besties" na raw kami.

And to think that this girl has the nerve na i-one snap na ilipat ang gamit ko from my dorm room to her dorm room sa pamamagitan ng mahiwaga niyang kapangyarihan as SSC Vice President.

"So, Mav," she sang as she put the cup on the table. She gave me a oh-so-bright smile na akala mo nasa mga ngipin niya ang araw. "Plano kong pumunta ng mall today. Wanna come?"

Napatigil ako sa pagkain ng pancakes ko. "Ha? Sabi ni Yna kahapon na pupunta tayo sa bahay ninyo para mag-training, 'di ba? Bakit kang pupunta ng mall?" kunot-noong tanong ko.

She clapped her hands at ngumisi. "May bibilhin lang ako. At saka may new cake shop akong nabalitaan. It even has free books na available basahin. Oh! And I heard na full volumes ang Sherlock Holmes series do'n." Napaismid ako sa iniinom kong kape at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya. She wiggled her eyebrows. "So~ Wanna come?" tanong niya na may halong panunukso.

It has been only one night since pina-move ako ni Friar sa college dorm room niya pero nalaman niyang mahilig ako magbasa ng libro, especially Sherlock Holmes series since I love detective books.

"Tinutukso mo ba ako, Fri?" And yeah. I somehow managed to copy Lucas' nickname on her. It's convenient though since ayokong tawagin siyang Friar lagi.

Umiwas siya ng tingin sa akin pero nakalagay pa rin ang ngiti sa kanyang labi. "Ikaw... Kung gusto mo lang naman na sumama..." Sabay taas-baba ng kanyang mapanuksong tingin.

Sinamaan ko siya ng tingin at tinapos ang pagkain bago tumayo sa upuan ko at nilagay iyon sa lababo. Papasok n asana ako ng kuwarto ko nang may humablot sa kamay ko at paglingon ko ay si Friar.

"So, hindi ka sasama?" tanong niya. Wala na ang ngiti sa labi niya. Sa halip ay may pagkabahala. Siguro dahil sa aksyon na ginawa ko kanina.

Tinanggal ko ang kanyang kamay at sabay sabing, "I'll go. Susunduin naman tayo ni Flare, 'di ba? Might as well take that as an opportunity para mag take ng tour, right?"

Nagliwanag ang kanyang mga mata. "Thank you, Mav! The best ka talaga!" sigaw niya at niyakap ako.

"H-Hoy! Tumigil ka nga! N-Nasakal na ako!"

"Ay, sorry." Kaagad siyang kumawala at napakamot sa ulo. "Na-excite lang," natatawa niyang sabi.

We went to our rooms and changed clothes. I wore a white, sleeveless crop top with a super cropped jacket hoodie. Sa bottom part, I wore black sweatpants with the belt and a pair of white sneakers. Nag-high ponytail din ako to complete the look. I wore a little bit of powder and tint para naman hindi ako mukhang bangkay.

"Ay, wow. Nagpabongga," komento ni Friar habang tinitingnan ang outfit ko. "We're just going to the mall and train sa bahay namin."

"Same to you. Hindi naman halata na nagpabongga ka rin," sarkastiko kong sabi sa kanya habang tinitingnan ang outfit niya. Hair tied in a high bun, simple make-up, beige cropped plaid top, black slit pants and a pair of silver kitten heels. "Mukha kang pupuntang formal party."

"Oh, really?" Tumingin siya sa kanyang suot at ngumiti sa akin. "But this is my everyday outfit whenever I go training. And also, pupunta naman tayo sa mall. Why not dress up lovingly, right?" She twirled around.

Napairap ako at inaya na siyang lumabas ng college dorm room. Pinagtitinginan kami ng ibang mga girls dahil sa suot namin. Ang iba'y kumukunot ang noo, ang iba tamang gossip sa katabi nila.

Sino ba naman kasing hindi makakapansin ng mga suot namin? The first one looks like going to a dance practice and the other one is going to a simple themed luxurious party.

"It's fun to see their reactions," natatawang bulong sa akin ni Friar.

I sighed. "Never I did once to call it fun though," ani ko.

She nudged me by the elbow. "Oh, come on. Apaka-introvert mo naman. Pay attention to them sometimes and turn it to comedy."

"I'm not like you. Stop forcing your habits to me," I coldly reply.

Napanguso siya. "Alam mo. Dalawang araw lang kayong almost magkasama lagi ng beloved brother ko, nahawa ka na kaagad sa kalamigan niya."

Habang palabas kami ng dorm gates, kitang-kita sa aming distansya ang mga nagkukumpulang mga babae. Rinig ang kanilang pagsigaw.

'I love you, Flare!'

'Oh my gosh! Nasa harapan ng dorm gates natin si Flare'

'Woo~ Wahh~'

Nakita ko ang pagtampal ni Friar sa kanyang noo at napailing-iling. "Sabi ko kay Flare na 'wag siyang magpakita sa labas ng dorm gates eh," she muttered.

"Ha? Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Kita mo 'yang mga umaaligid na mga babae? That's his fans. Mga adik sa kanya since malakas ang dating niya sa mga babae," turo ni Friar sa mga babae. "Hays! Ano ba naman 'yan?! Bakit pa kasi nagparke sa harap?! Hindi na naman nakikinig eh!"

Sinigawan ni Friar ang mga babae na tumabi at nahati sa dalawa ang grupo. Ramdam ko ang masasamang tingin at ang mga panlalait nila sa'ming dalawa ni Friar. Sinamaan ko ng tingin ang isa nang makita kong nakatingin siya sa'kin habang may binubulong sa katabi niya. Kaagad niyang hininto ang ginagawa niya at napayuko.

"I told you na 'wag ka ditong pumarada sa harap ng dorm gates, 'di ba? We have a private parking lot near the school. Sabi kong do'n tayo magkikita-kita, 'di ba?" sabi ni Friar kay Flare. Nakapameywang siya habang pinagbabawalan ang kapatid.

He doesn't look at her but he looks at me. Maybe, I would prefer to say "staring". Ilang minuto na naman siyang nakatitig sa akin habang si Friar, dinadakdakan siya.

Narinig kong napabuntong-hininga si Friar. "Fine. Total naman hindi ka nakikinig," ngumiti siya rito, "can we go shopping first? I wanna go to the mall."

Doon lang tumingin sa kanya si Flare. "Good morning. I supposed that will not be on my schedule for today so no," reply niya rito at lumingon ulit sa akin. "Good morning, song thrush."

"Morning," bati ko pabalik sa kanya. Nakarinig na naman ako ng bulungan. Kung bakit daw ako close kay Flare. Paano ko raw nakakausap si Flare eh, cold daw siya sa mga babae except lang sa kapatid niya. Gano'ng mga bulungan.

I rolled my tongue inside my mouth. Seryoso ba sila? Binati lang ako. And even though nakakausap ko si Flare, is that really a big deal for them?

"Flare, girlfriend mo siya?" Ayan na nga ba at may matapang. Napaharap ako sa grupo ng mga babae at nakita na ang nagtanong ay ang babaeng nakataas ang kamay at nasa pinakaharapan pa siya. Naka-school uniform siya, straight hair with a pink hand band na may bow sa gitna at naka-make-up.

"Who?" rinig kong tanong ni Flare dito.

"That 'song thrush' na tinawag mo kanina," sagot niya at lumingon sa akin nang nakasimangot. Gusto yata nitong makipag-away. Umagang-umaga ah.

"If I should say I will keep your question ongoing for at least 20 light-years, would you mind waiting?" sambit ni Flare. "And don't call her 'song thrush'. That's what I call her. For the record as well, don't call me Flare. We're not friends and not even acquaintances."

She gasped. "You do not know me?!" Sinapo niya ang kayang dibdib na parang nabaril ng bala. "I'm the most popular girl in school!"

"I'm not interested with 'fancy' things," komento niya rito na nagpagulat uli sa babae. "And..." May biglang humatak sa akin at inakbayan ako. "... I'll take Miss Mavis with me and my sister. Watch your step later, miss stranger. You might fall hard and I mean it."

"Oh, you're concern about me?" Nawala na ang ma-ala-actress niyang pagpapanggap kanina at napalitan iyon ng ngiti. "I really love you."

"I mean it that I hope you will fall down," dagdag ni Flare na kaagad ikinabagsak ng tuwa ng babae.

"What?!"

He smirked. "Hope you have the worst day, popular girl. And I think your number one rank in being famous among girls will be removed someday so make sure to sit still and wait 'til your record will be passed by someone. Let's go, song thrush," sabi niya, ang huling salita ay sa'kin niya ibinulong.

He pulled me towards the right side of his Mercedez-Benz-not that I'm trying to brag na mukhang mayaman sila-and pushed me to the back seat, then close the door. I saw Friar open the front right door and sat in the passenger seat.

She glanced at me with a smile. "How's the feeling na ipinagtanggol ka ni Flare for the first time?" tanong ni Friar habang inaayos ang kanyang seatbelt.

"Uh..." I trailed off. Ano bang dapat kong sabihin? That I'm happy? "Nothing?"

I saw the reflection of her eyes widened. "Ha? Swerte ka na kapag pinagtanggol ka ni Flare!"

"Stop acting like a proud sister and stay silent while I'm starting to drive," komento ni Flare nang maisarado niya ang pintuan sa driver's seat at sinimulan na ang pagbubukas ng engine.

"Oh come on, Flare! Bihira ko kaya ikaw nakikitang nagtatanggol ng ibang tao. Besides, Mavis get her first tanggol from you," nakangising sambit ni Friar dito.

Nagsimula nang lumayo ang kanyang sasakyan sa school's gate. Lumingon ako sa likuran. Kita ko sa malayo ang gulat pa ring mukha ng popular girl.

"Fri, I have no time to waste my breath on something that isn't important."

"Heh~" Mapanukso ang mga tingin niya kay Flare. Humalukipkip siya at sumandal sa passenger seat. "Baka nakakalimutan mo, you only do things like that whenever the person is special to you. Hindi mo 'yon ginagawa sa iba. Ba't mo ginawa kay Mavis 'yon kanina?"

Nakita kong humigpit ang pagkakahawak ni Flare sa manibela at binigyan ng matalim na tingin si Friar.

Huh? What does even Friar mean? "Special person? Sino?" nalilito kong tanong.

Lumingon naman sa akin si Friar nang may ngiti sa labi. "You see, Mavis, apakabait talaga ng kapatid kong 'yan kahit na mukhang yelo sa labas. Ang kaso nga lang, mabait lang 'yan sa-"

"Fri, shut up!" sigaw ni Flare. Nagulat ako sa pagsigaw niya pero si Friar hindi tuminag at nagpatuloy sa pagsasalita.

"-mga pabor niyang tao," pagpapatuloy niya. Tinaas-baba pa niya ang kanyang kilay kay Flare matapos niyang tapusin ang sinabi niya sa akin.

Napabuntong-hininga si Flare at tumingin ng diretso sa daan. Ramdam kong naiinis siya. Sino ba namang hindi maiinis sa ginawa ng kapatid niya, 'di ba?

"Is Mavis really getting in to your system? How humble of you to welcome her while you can't welcome me." Napaigtad ako at kaagad na lumingon sa gilid ko. There, I saw Lucas. Kumaway siya sa akin at binati ako nang may ngiti.

"Smug," rinig kong sabi ni Flare.

"Tell me, Mavis. Type mo ba 'yang Sherlock wannabe na 'yan?" tanong ni Lucas sa akin. Pansin kong nakatukod lang ang dalawa niyang braso sa back seat ng kotse.

"Hoy, ba't ka nandiyan? Pa'no ka nakapasok?" tanong ni Friar.

"Sneak in," sagot niya at tumalon sa tabi ko at lumingon ulit sa akin. "So? Your answer?"

"Pano'ng type?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Type like crush type, ideal type, love interest type, human type. Any type," sabi niya.

"No, he's not," sagot ko. Even though he has a lot of characteristics that I surely approved, ani ko sa utak ko.

"Ooh~ Hoy, Flare. Hindi raw. Luge ka. Hindi ka na magkakajowa forever," tukso ni Friar sa kanya.

"I don't need a woman in my life. Romantic relationships are somewhat the overpour to my soup. I shall not surrender myself to such ridiculous thing," komento ni Flare. He glanced at the rearview mirror. "And the smug at the back, please make sure to leave your body off my car. It'll leave a stain."

"Ha?" Tiningnan ni Lucas ang inupuan niya kung may mantsa at nagtatakang lumingon kay Flare. "Wala naman ah."

"Idiot. Your whole entire being will leave a stain on my car, that is what I meant," aniya at pinahinto ang sasakyan sa isang gilid. "Get out. There's the door to your right side. You could leave at any moment, smug."

Napairap si Lucas. "Oh, come on. Pare-parehas lang naman tayo ng destination, 'di ba? Even though we're enemies or whatever," he did the peace sign thin on both hands, "just once, can you please be considerate?"

"How should I be considerate?"

"Well, um, for example. Isang destination lang tayo so payagan mo na ako na nakaupo dito sa kotse mo para isang byahe na lang tayo. Deal?" nakangiting sambit ni Lucas at inilahad ang kamay niya kay Flare.

Ewan ko ba kung may topak talaga si Lucas o hindi at may deal-deal pang nalalaman. Tinitigan iyon ni Flare ng isang segundo bago nagtaas ng tingin at sabay sabing, "No." May pinindot siya at narinig kong nag-unlock ang kotse. "Get out of the car. Now."

Napasimangot si Lucas at lumingon kay Friar. "Fri, talaga bang mukha akong rival niya? Ako nan ga nagpapaka-down-to-earth eh."

"Baka down-to-you," sabi ni Friar. "Tara," aya niya at saka lumabas ng sasakyan. Lumabas na rin ng sasakyan si Lucas. Wala din kasi siyang choice. Pinapaalis na siya ni Flare. "Flare, stay safe. Ingatan mo rin si Mavis. Make sure na normal speed lang pagpapatakbo mo ha?"

"Yes, ma'am," malamig na sagot ni Flare. Ngumiti si Friar at nag-blow ng flying kiss bago sinarado ang pinto. Sinarado na rin ni Lucas ang pinto at nagsimula ulit magmaneho si Flare.

Matagal ang maingay na katahimikan sa loob ng sasakyan. Ang tanging naririnig lamang ay ang tunog ng engine at ang brakes at clutches habang nagmamaneho siya. Habang patagal nang patagal ang pagbibiyahe papunta ng bahay nina Flare, mas lalong tumataas ang kaba ko dahil sa kakaibang daanan na tinatahak namin.

I slowly started to panic. "Uh, Flare? Tama ba 'tong dinadaanan natin?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa harap. Puro malalaking puno sa gilid ang dinadaanan namin at ang tanging sasakyan lang na dumadaan lang doon ay ang sa amin. "Naliligaw na yata tayo." Pero hindi ako pinansin ni Flare. "Hoy, Flare! Naliligaw na ata tayo! Ibalik mo sa daanan 'yong kotse!"

"Don't panic, song thrush," kalmado niyang sambit na ikinakunot ng noo ko. Ang lakas-lakas na ng tibok ng puso ko sa takot.

"At bakit ako hindi magpa-panic ha?! Naliligaw tayo, Flare! Gusto ko pa mabuhay, ayoko pang mamatay ng maaga kaya please lang, ibalik mo sa tamang daan. Ikaw na lang ang kunin ni kamatayan, 'wag ako." Mangiyak-ngiyak na ako sa sitwasyon namin pero ang kalmado niya pa rin at patuloy pa rin sa pagmaneho. Bakit pa kasi dito niya minaubra ang sasakyan?! Talaga bang hanggang kamatayan isasama niya a-"

"Cut out the drama, song thrush. I'm trying to drive," inis niyang reply at napabuntong-hininga. "Hindi tayo naliligaw. We're in the right path."

Parang ako nabusuhan ng malamig na tubig sa sinabi niya. "Ha?"

"You heard me. We're in the right path. This is the way leading to our home so don't panic." He glanced on my way and glared at me. "It's irritating." Nakahinga ako nang maluwag at napasandal sa back seat. Akala ko naliligaw na kami, hindi pala. "You're calm now?" tanong niya at lumingon sa akin ng kahit isang segundo man lang sa rearview mirror.

Tumango ako at napabuntong-hininga ulit. "Akala ko talaga ma-mi-meet na natin si kamatayan."

"You're over-exaggerating. I will not let myself die in a car accident. Not that I planned to do it anyways with you."

Nanlaki ang mga mata ko at binigyan siya ng masamang tingin. "Hoy, anong ibig mong sabihin doon? Ayaw mo akong makasama hanggang sa kamatayan?"

"I told everyone before, right? You, that smug and Friar, that I have no time to waste on something such as a romantic relationship."

"Pwede mo naman akong kasama kahit na hindi tayo magkarelasyon. It doesn't make sense kung iisipin mong magka-relasyon tayo hanggang kamatayan just because na magkasama tayo."

"But society's mind differs. They will assume both of us are couples." He glances in the rearview mirror again. "Get my point, song thrush? Most of the percent of couples are with a male and a female so the possibility of assuming we're a couple when we're both dead in the same spot, riding on the same vehicle with just the two of us, is positive."

Napairap na lang ako at napahalukipkip. This man's reasons are enough pero gets ko naman punto niya. Tahimik na ang buong biyahe hanggang sa makarating na kami sa aming destinasyon.

-***-

The house is screaming luxurious. Automatic gateway, royal-like mansion, may iba't ibang sasakyan na nakalagay sa malawak na espasyo sa isang gilid. And the gate is gold, alright? Parang ma-ala-five-star hotel ang bahay nila. Kaya pala tagong-tago ang bahay nila sa kagubatan.

Pinababa ako ni Flare sa sasakyan at kaagad naman akong sumunod. Napatingin ako pataas at manghang-mangha sa kagandahan ng mansion. Mayroong fountain sa gitna sa harapan ng mansion na napapalibutan ng mga bushes na mayroong white angels. So beautiful. Labas pa lang 'yan, pa'no pa kayo 'yong sa loob?

"Let's go," rinig kong sabi ni Flare. Napalingon ako sa aking gilid at napaigtad nang magtagpo ang mga mata naming. Bahagya akong yumuko at naramdamang umiinit ang pisngi ko. Marahan akong tumango.

Iginaya ako ni Flare sa pintuan ng bahay at dalawang pinto ang bumungad sa amin. Mukhang katulad iyon ng sa Quiapo Chruch pero mas maliit nga lang medyo kumpara doon. Kumatok dito si Flare at onting humakbang palayo. Unti-unting bumukas ang malaking pinto. Sa pagbukas nito ay may makikita kang crystal chandelier na nasa loob na halos umabot na sa round table na may vase sa gitna nito.

Sabay kaming pumasok ni Flare sa mansion at nawala ang atensyon ko sa chandelier nang marinig ang sabay na magagalang na boses na bumati, "Welcome back, Sir Zeus."

Napahinto ako at napatingin sa magkabilang gilid. May dalawang babae na nakasuot ng maid dress na abot hanggang taas ng kanilang mga hita. Black leather moods na hanggang baba ng tuhod na may putting truffles sa taas ang kapares nito. Ang mas nakakainteresado pa ay parehas sila ng itsura.

Humakbang ako ng isa agad nahinto, itinaas ng awtomatiko ang mga kamay nang makita ang mabilis na pagtutok ng mga baril sa akin sa magkabilang direksyon. Nanlaki ang mga mata ko pero kaagad ko binawi ang lakas ko upang makapagsalita. Pero isang buntong-hininga ang lumabas sa bibig ko nang magtanong ang isa kanila, "Who are you?"

"Who are you?" tanong ng isa nang hindi ako sumagot. Narinig ko ang pagtanggal ng safety switch sa baril nila. "Are you following Sir Zeus?"

Napairap ako. Mukha ba akong susunod lang kay Flare? "I shall tell you in the first place..." I glanced to the woman on the left side. A smirk slowly curved on my lips. "... who I am first before you attempt to threaten me." Mabilis akong umupo at sinipa ang nasa kaliwa na babae. She shrieked. Sinalo ko ang ulo niya at hiniga ng maayos sa sahig bago mabilis na tumalon papunta sa isa, na kaagad tinutok sa akin ng diretso ang baril saka pinaputok ito.

"Mavis!" rinig kong sigaw ni Flare pero nginitian ko lang siya nang maiwasan ko ang bala. Nanlalaki ang mga mata niya.

Lumingon ako sa maid at kaagad na hinawakan ang baril saka tumalon para sipain siya sa mukha. I have no mercy on people who points a damn gun on me, kahit babae pa. I heard her groaned. I smiled in satisfaction. Kinuha ko ang baril mula sa kamay niya at saka itinapat iyon sa likod ko at walang hesitation na pinaputok iyon. Nakarinig na naman ako ng isang pagsigaw sa likod at nang lumingon ako, nakita kong kakalapag lang ng isa pang baril sa sahig. Nakatayo na ang babaeng tinumba ko kanina.

"L-Let go of me." Napalingon ako sa babaeng inuupuan ko sa tiyan. Nakahawak ang isa kong kamay sa baril habang ang isa ay nakahawak sa leeg niya. Pinipilit niyang tanggalin ang kamay ko gamit ang dalawa niyang kamay.

I narrowed my eyes and pointed the gun at her forehead. Nanlaki ang mga mata niya at napatingin sad ulo ng baril na nakatapat sa noo niya.

Ngumisi ako. "You should know first the identity of a guest before pointing a gun," sambit ko bago inilapag sa gilid ng ulo niya ang baril nang naka-safety switch at tumayo.

Napabuntong-hininga at lumingon kay Flare. Nanumbalik na ang kanyang cold expression. Para talagang alien, kaagad nababago ang ekspresyon ng isang segundo.

"Maids should greet the guests first before pointing a gun," pagpapatuloy ko at lumingon sa maid na nakaupo na sa sahig. Pinipilit nyang abutin ang baril na hindi gaanong kalayo sa kanya. Naglakad ako papunta sa kanya at umupo rin para magkasing eye level kami. Kaagad niyang nabitawan ang baril at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. "Anong ginagawa mo?" mabagal kong pagtanong sa kanya habang may ngiti sa labi.

Her face instantly paled and scoot back. "W-Wala po," she stuttered. Ibubuka ko sana ang bibig ko para magsalita ngunit nakaramdam ako ng malamig na bagay sa likod ng aking ulo. Kasabay niyon ay ang pag-ngiti ng babaeng nasa harapan ko at matalim sa'king tumingin. "Go to hell," bulong nito.

I stared at her and slowly raised both of my hands, closed my eyes and wait for the bullet to strike on my head. Narinig ko na ang pagkasa ng baril. Tumitibok ng malakas ang dibdib ko. Nakakatawang isipin na pumasok lang ako ng isang bahay na walang ginagawa pero mababaril na ako agad sa ulo.

Ilang beses na nga ba akong nakipagpantitero sa panganib? Maraming beses na. Sa sobrang-sobra ng maraming beses na 'yon ay natatandaan ko pa ang pinakahuli kong ginawa. Ang mapait na mga pagpatay ng ilang libong mga bata sa isang kuwarto. Ang pagiging isang miyembro ng hindi ko kilalang organisasyon. Ang pagkamatay ni Daddy. Lahat ng 'yon ay nasa memorya ko.

Bawat pagtibok ng puso ko ay kasabay ng pagbilang ko sa utak ko kung ilang segundo bago pumasok ng tuluyan sa bungo ko ang bala. Pero wala. Walang nangyari.

"What are you effin' doing?!" rinig kong sigaw ng maid na nasa likod. Unti-unti kong ibinaba ang mga kamay ko at lumingon sa 'king likod. There, I saw Flare in front of her with one bent leg suspended in the air while his hands are on his pockets. Nakahawak sa pulsohan ang babae at pansin ang pagpula nito. "Why did you stop me?!"

Umayos ng tayo si Flare at tinitigan siya. "She's a guest, Jane. Not a terrorist or enemy."

Ah. So, iyon pala nasa utak nila nang inatake nila ako. Napatawa ako at saka humalukipkip bago ako ngumisi rito. "Salamat at hindi mo ako pinatay ng maaga."

Sinamaan niya ako ng tingin at tinanggal ang kamay ko sa balikat niya. "Nice to meet you, miss," she emphasized the word 'miss'. "I'm Jane at ang pinagbabantaan mo ay ang kakambal kong si Jade. And for your f*cking information, we're not maids."

"Jane! Watch your words!" pagalit na sambit ni Flare sa kanya. "Don't cuss in front of a guest!"

"And why not?" mataray niyang tanong dito. "I could cuss the hell time I want. I'm your cousin. Ako lang ang may Karapatan na panagutan ang sarili ko kung pwede akong magmura o hindi. Halos lahat naman sa bahay na 'to nagmumura, including you, dear cousin."

"Jane, don't repeat myself," aniya. Ramdam ko ang pag-iba ng atmosphere ni Flare. Itim na ang kanyang mga mata at walang bahid na kahit ni isang kurba ng ngisi sa labi niya.

Jane just sighed and gripped Flare's shoulder. "Just stay with her and you," she glanced at me. "If malaman kong may ginawa ka sa pamilya ko, I will never ever have a second thought to kill you until you can't even speak anymore." Inosente akong tumitig sa kanya habang inakay niya ang kanyang kapatid. I chortled and laughed. "Oh, bakit tumatawa ka?" kunot-noo niyang tanong.

I tilted my head and smiled sweetly at her. Napailing-iling ako. "Nothing. I guess you could say that to me to threaten me not to do anything pero hindi mo alam..." I glanced a second at Flare before looking back at her. "... maybe, I could be a foe hiding in a sheep's clothing."

###