Chereads / Project: Mystery / Chapter 9 - Chapter Four: Trial and Past

Chapter 9 - Chapter Four: Trial and Past

Cling! Cling! Clang! Cling!

I sighed. Ilang oras na ba magmula nang matapos namin ang kaso at nakabalik kami sa mansyon nina Flare?

Hindi ko na mabilang. Basta ang natatandaan ko lang, dumiretso kami papuntang backyard nila at nakita si Void doon na may katabing mahabang lamesa. Mayroon 'yong puting sapin at nakahilera ang sandamakmak na armas.

And fast forward, heto na nga tayo. Naririnig ang bawat cling at clang ng mga armas na pinili ni Void at Flare.

"Flare! 'Di ka pa ba tapos makipaglaban kay Void?! Ako naman oh!" reklamo ni Friar na nakatabi sa akin. Nakaupo kami sa damuhan sa ilalim ng malaking puno.

Flare blocked Void's blade attack by his left dagger and glanced at Friar's direction. "Wait, just a couple of minutes," sagot nito kay Friar.

"Anong couple of minutes ka diyan?! Kanina ka pa nakikipaglaban kay Void! Oh, look at the time! Magdadalawang oras ka nang nakikipaglaban kay Void!" sigaw ni Friar sa kanya.

Flare clicked his tongue and stopped Void's attack by his wrist. Lumingon si Flare kay Friar. "That's not enough."

"Anong hindi enough ang time na 'yon?! Give time for Mavis or for Lucas, will ya?" Tumayo siya at nilagay ang kamay sa beywang. "Don't be selfish, brother."

Flare sighed and tapped Void's shoulder two times bago pumunta sa pwesto namin. Umupo siya sa tabi ko at bumuntong-hininga ulit.

"Napagod ka ba?" Alam kong hindi naman kailangang tanungin sa kanya 'yon since bihasa na siya sa praktis nila na ganito pero feel ko, kailangan kong maitanong 'yon. Hindi ko alam kung bakit.

Humiga siya sa damo at nilagay ang bimpo sa kanyang ulunan. Ipinikit niya ang mga mata niya. Halata ang pawis na bumabagsak mula sa ulo hanggang leeg niya. Pati na rin sa braso niya. Nagpalit kasi siya ng damit. Hindi na ang isinuot niya no'ng sinundo niya kami ni Friar sa dorm.

"I'm fine. I just need to cool down for a bit," sagot niya at huminga ng malalim. Minulat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin. "Ikaw? Are you getting bored here? I haven't seen you spar or battle Void yet."

Dahil baka 'di ako kayanin ni Void. Iyon ang sagot sa utak ko pero siyempre, hindi ko 'yon sasabihin kay Flare. "Hindi naman ako naboboring. It's entertaining to watch my friends practicing."

"Spar with him, then."

Napatitig ako sa kanya. "Ha?"

"Spar with him."

Napailing-iling ako at pinanlakihan siya ng mga mata. "Seryoso ka diyan?"

He shrugged. "Why not? I haven't seen your 100% yet," sabi niya. Tinitigan niya ako. "I still remember that time you put him down at the library. That's not his 100% as well so you defeated him quite easily." Ngumisi siya. "I wanted to see the fight where you could fight Void with 100% attack. Not that I really want to see you two killing each other."

Umiling ako. "Ayoko. Delikado," sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya. Inintay kong may iba siyang sasabihin pero nagkibit-balikat lang siya at tinakpan ang mata ng bimpo.

"I won't force you if you don't want to. I'm aware of your difference among us. Though tao ka rin katulad namin, your strength is definitely, differently trained. So, I won't force you."

Napangiti ako sa kanyang sinabi. So, may pakiramdam pa rin pala ang yelo na 'to.

"Wow, never heard of a Flare Furrer na hindi nagpuwersa ng isang tao." I finched and looked at my other side where Friar's position was earlier. Nandoon si Lucas na may nanunuksong ngiti habang nakatingin kay Flare. "I heard all of it," he sang. "Bakit ka nagkakaganyan, ha, Flare? I never thought a day would come you would fall again into a woman."

Ha? Pinagsasabi nito ni Lucas? Fall again into a woman? Anong ibig niyang sabihin sa katagang 'yon?

"Ugh. Shut up, will ya, Freed..." reklamo ni Flare at tumagilid ng higa.

"Hmm... Hindi mo ako mapapahinto, Flare. Why you let that side of you be exposed to the woman we just met and befriended?" Lucas asked.

Nagkaroon ng ihip ng hangin sa gilid at pagkatingin ko ay may matalim na spearhead-shaped na bato na nakatutuok sa leeg ko. At ang may hawak? Si Lucas.

"Should I kill your song thrush now? Baka i-expose ka pa niya sa publiko kapag nakalabas siya sa mansyong 'to. Or she would give the location of this house. Our mafia and family would be a rope on a neck if that happens." Bawat pagbitaw niya ng salita ay may halong laman, may matatalim na panama sa akin.

Right. I am still a stranger. And they're still a stranger to me. Ilang araw pa lang kami magkakasama. How could I expect that I could gain their trust so easily?

Hindi gumalaw si Flare sa pagkakahiga niya. Gano'n pa rin ang kanyang posisyon. Nakahiga at nakaharap ang likod sa akin.

Hayst. Buhay ko nga naman. Nakikipaglaro muli sa mga delikadong sitwasyon.

Hinintay ko na lang na makitil ako ni Lucas at napapikit na lang. Kung eto ang huling pahina ng buhay ko, thank you na lang sa lahat.

Ilang minuto ang nakalipas. Nagbilang pa yata ako ng mahigit limang minuto para lang malaman kung ilang segundo bago ako maputulan ng buhay pero walang nangyari.

Kunot-noo kong binuksan ang mga mata ko at napalingon kay Lucas. Eh? Wala siya sa likod ko.

"Mav, hinahanap mo ba si Lucas?" Napataas ako ng tingin at nakita si Friar sa harap ko.

"Eh, 'di ba nandito lang siya sa likod ko? May tinutok pa nga siya sa'king matalim na bato eh," turo ko sa aking likuran.

"Ah... Tungkol doon. Nakita ni Void na pinagbabantaan na naman ni Lucas si Flare. Alam mo na, mechanism niya para makipag-away ang bunsong kapatid ko sa kanya. 'Yon nga lang, epic fail. Ayun, na-drag sa punishment room."

"P-Punishment room?"

"Oo, punishment room. 'Yong mga nakikita mo sa mga bdsm na sites. Gano'n naroon. Pagkakaiba, apakabrutal ginagawa nila doon." Sinabi pa ni Friar 'yon ng nakangiti.

"Ugh. And why are you searching for him?" Hinatak ang kamay ko at napaharap ako kay Flare. Nakaupo na siya habang napakusot sa kanyang mata. "You want him?"

"Ha? Pinagsasabi mo?" Inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko. "Bigla kasi siyang nawala kaya hinahanap ko."

"So, in short, gusto mo siya makita," sabi niya at biglang nag-blangko ang pagtingin niya sa akin. "I guess I'm wrong in choosing you then."

Nagtataka akong tumingin sa kanya. Choose? Ako? Para saan?

"Hay, Flare... Hinahanap lang niya dahil biglang nasa bingit ng kamatayan si Mavis kanina. And of course, dahil nagtitiwala kang 'di naman papatayin talaga ni Lucas si Mavis, 'di ka gumalaw. Tapos magseselos ka? Aysus," ani Friar at umupo sa tabi ko. "Alam mo, Mav. Don't mind my brother. He is just being jealous about small little things. And oh! Baka ma-misunderstood mo. Flare only does that to the person he likes! Example, ako!" She giggled.

Ako...? Gusto ako ni Flare...? Parang gusto kong matawa sa sinabi ni Friar. Imposibleng mangyari. Flare practically hates me. He always gives a reason para makipag-away kami. Pa'nong magkakagusto sa akin si Flare?

Naputol ang aking pagmumuni-muni nang makarinig ako ng ringtone. "Oh, that's mine!" naaliw na sabi ni Friar at kinuha ang kanyang selpon sa pocket ng kanyang pants. "Hello? Ah, tapos ka na? Sige, puntahan ko na lang siya sa kuwarto." Pinatay niya ang tawag at humarap sa amin. "I gotta go. Tapos na raw ang pakikipaglabanan ni Lucas sa lasso. Toodles!"

At umalis nga siya.

Nanahimik ang buong lugar kasi dalawa na lang kami sa ilalim ng puno. Ang awkward naman... Napatingin ako kay Flare na nakatingin sa langit.

"So, you like me?" tanong ko sa kanya. Bumaling ang lingon niya sa akin pero wala siyang sinabi.

So, magse-staring contest kami dito? Ganun?

"As a person, yes," sagot niya at muling nanahimik ang buong paligid.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa kanyang sagot. Akala ko kung ano ng pagkagusto ang sinasabi ni Friar. Talagang nagbibigay ng mataas ng expectations ang babaeng 'yon.

"Why did you not come with Friar? Hinahanap mo si Lucas, right?" tanong niya na nakapagpaputol sa awkward na katahimikan.

Napakunot-noo ako at tumingin sa kanya. "Nando'n pa rin ba tayo? Hindi mo pa ba titigilan? And why does it also matter to you kung simpleng hinahanap ko si Lucas? Of course, I would search for the person who tried to kill me. Hello! Hindi naman ako tanga na hindi nakita si Lucas kanina na may hawak-hawak na matalim na bagay at halatang bibigyan na niya ng katapusan buhay ko 'no." Umirap ako sa kanya at biglang na-realize kung ano ang inaakto niya. "Teka. Flare, nagseselos ka ba?"

Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Natawa naman ako sa kanyang reaksyon.

"I am not feeling jealous. You just assumed that because I'm trying to portray my feelings when you asked where Lucas was," sabi niya.

"Eh, jealousy nga tawag do'n."

He rolled his eyes and sighed. "Whatever."

At may dumaan na namang anghel sa pagitan namin dahil sa sobrang ingay ng katahimikan. Napabuntong-hininga ako.

So, ano na ang gagawin namin dito nang matapos ang training? Tutunganga?

"So..." Napatingin ako sa kanya. "... do you want to go in the kitchen?"

~***~

Mabango ang aroma na bumungad sa amin pagkapasok ng kitchen. Akala mo ay pumasok ka sa isang bakery shop. It is a medium-sized French style kitchen with an island in the middle.

"Oh, Sir Zeus! Good timing you're here for breakfast." Napatingin ako and I saw Yna walking towards us while wearing a pink apron and a spatula at hand.

"Hi, Yna," bati ko.

"Hi, Mavis!" nakangiti niyang bati sa akin at lumingon muli kay Flare. "The boys are here waiting for the food. Wala nga lang si Lucas at Void. I recall na sinabi sa akin ni Void na pupunta raw siya rito after some work."

Natawa ako sa kanyang sinabi. Oo. Some work na ginawa niya kay Lucas.

"Ate Mavis!" May bigla na lang tumalon sa akin at niyakap ako. "Buti nandito ka! May niluluto kami ni Ate Yna!"

Tumikhim si Flare at kaagad namang kumawala sa pagkakayakap si Light sa akin.

"Oops! Nakalimutan ko palang possessive si Kuya, hihi."

"I'm not," reply naman ni Flare rito.

"Anong niluluto niyo?" pag-iiba ko ng usap sa kanya.

"Oh! We made cookies and ice cream cake!" Tinaas pa niya ang dalawa niyang kamay sa ere habang may hawak-hawak na frosting bag sa kamay niya.

"For breakfast?" nagtataka kong tanong.

"Nope, it's for dessert later," pagsingit ng isang babae. Nakaputing apron siya at naka-ponytail ang kanyang buhok. "Elixir Faeliz Mendoza. Codename: Athena. Pwede mo na lang akong tawaging Liz."

"Liz," pag-ulit ko sa kanyang palayaw para ma-recognize ng bibig ko ang kanyang pangalan.

"Ang magiging breakfast ngayon ay Spanish bread at mango shake," pagpapatuloy niya at inayos ang pagkatali ng buhok niya. "Join the table kung gusto niyong magbreakfast."

Tumalikod na siya at umalis. Napansin ko rin na may isa pang babae sa kitchen counter na naghihiwa ng mangga.

"Is Tyrone currently doing the operation?" pagtatanong ni Flare bigla.

"Anong operation?" tanong ko kasabay ng aking paglingon.

"None of your business," sagot niya. Ayan na naman... Bumalik na naman si yelo.

"Kuya~ Hindi ka ba nakikinig kanina? The boys are all here except for Lucas and—Oh! Hi, Kuya Void! Nasa kabilang island counter sina Ty!"

Napalingon kami sa likuran at nakita nga namin si Void doon. Nakasuot na ng polo shirt at brown trousers. Yumuko si Void kay Flare at dumiretso na sa kabilang counter. Light scolded Flare a little before leaving us. I saw Flare rolled his eyes in annoyance.

Hindi na ako nagkomento pa. Baka kung ano na namang masabi sa akin ni yelo.

Pagkarating namin sa kabilang counter, nag-uusap-usap na ang mga kalalakihan doon. Mukha palang isang maliit na bar counter ang design dahil sa dark brown na walls at yellow lights.

Nang makita nila kami, kaagad na tumayo silang lahat at yumuko ng 90 degrees. Pagkatapos niyon ay inaya nila si Flare ng normal. Parang walang nangyaring pormalan.

Ganyan ba talaga sila? Magagalang sa kanya?

"Hey, song thrush," napatingin ako kay Flare na nakaupo na sa isang stool. He motioned me to come.

Lumapit ako sa kanya at tumabi sa bakanteng stool. May hawak si Tyrone na rock glass at may kausap siya na kamukha niya.

Kinalabit ko si Flare. "Uh, kakambal niya?" turo ko sa kausap ni Tyrone.

"Kapatid niya 'yan, miss." Napalingon ako sa sumagot. Nagulat ako ng nasa harapan ko siya. Pang soft boy ang outfit niya. 'Yong tipo bang pupunta kang coffee shop sa Korea. "Xellion Cornelius Ramirez," he bowed down like a prince, "at your service..." Kinuha niya ang aking kamay at hinalikan ang likod nito. Nagtaas siya ng tingin at ngumiti. "...my lady."

I snatched my hand away from his grasp and looked at him up and down. "Codename?"

Nanlaki ang mga mata ng lalaki at tumayo ng maayos. "Pa'no mo..." Kumunot ang noo niya.

I liked my lower lip and glared at him. "Are you, perhaps, a Master?"

Napanganga siya. "Teka, pa'no mo—"

"A guess," pagputol ko. "And I would guess na mas matanda ka sa'kin?" I tilted my head.

"Y-Yeah," sagot niyo. "Pero teka, bago ka lang dito, 'di ba? First timer?"

"Oo."

"Eh, bakit alam mo na ang tungkol sa Master keme keme." Nanlaki na naman ang kanyang mga mata at humakbang palayo habang turo-turo ako. 'Yong tipo bang parang nakakita ng multo, gano'n. "Hala, baka spy ka ng gobyerno ha. O kaya nung, nung kalaban."

"Tanga-tangahan na naman si Kuya Xel," rinig kong komento ni Void. Inakbayan niya ito at humarap sa amin. "Mavis, pagpasensyahan mo na 'to. Mas mataas pa talaga ang luwag ng tornilyo ng ulo nito kaysa sa'kin."

"Sir Zeus, who's that woman?"

Napalingon ako sa direksyon ng nagtanong. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa direksyon ko. Ang nagtanong ay ang lalaking kausap kanina ni Tyrone.

"Mavis," sagot ni Flare.

Hinatak ni Flare ang stool na kinauupuan ko palapit sa kanya at hinawakan ang aking beywang. Nagulat ako sa kanyang ginawa.

"She's a Throver," dagdag pa niya at pansin kong nandilim ang pagtingin niya sa lalaki. "Don't you dare lay a finger at her, 'Seidon."

"I won't," reply nito at tinungga ng isahan ang inumin sa rock glass niya. "Mavis, right?" Tumango na lang ako. Halatang lasing na siya kahit sa isang baso lang na 'yon. "Did you know that man's history?" turo niya kay Flare. "He's a puppet of his own father in early age."

"Throne, I think you had enough drinks," komento ni Tyrone at inalog ang kanyang kapatid. "Snap out of it, Throne."

The man who named Throne slapped his brother's hand away from his shoulder. "Bitiwan mo nga ako, Ty. She needs to know the truth after coming here with that bastard."

"I apologize, Sir Zeus, Miss Throver. My brother is just drunk—"

"Huwag kang mag-apologize diyan, Ty. Kailangan niya talagang malaman 'to—hic." Lumingon siya sa'kin at ngumisi. "That man lead the way of his former assistant's death in a car crash."

I saw Flare's shoulder stiffened. Napahawak ng mahigpit sa beywang ko ang nakapulupot pa ring braos ni Flare. He's affected again by that story.

"That man is the reason why the whole mafia is on hiatus for a new heir. Sa sobrang tiwala sa kanay ni Tito, he was given the title of the new heir of the mafia yet there are conditions to be fulfilled to put himself in his title. Ang kalabanin ang kanyang kakambal."

Throne continues to blabber things that Light and Tyrone previously told me about Flare. At kasunod ng kuwento na 'yon? He told many curses towards Flare.

"You would not find a woman who will perfectly stand by your side!" sigaw nito kay Flare. Dinuro-duro pa niya ito. "A king without a queen is not a king at all. That's the silent rule of becoming a ruler of our mafia. If you become the king, I would entirely turn my back on the Furrer Mafia."

Nakatingin lang sa kanya si Flare pero nanlalamig na ang kamay niya sa beywang ko. Nanginginig. Humihigpit ang pagkakahawak.

Huminga ako nang malalim. Namemersonal na ang lalaking 'to. He is overstepping the boundaries way too far than he walked into.

"What if I become his queen?"

Nahinto si Throne sa pagsasalita. Void gasped. The soft boy's eyes widened and Tyrone's stared at me with disbelief.

"Weh~ Gusto mo?" tanong ni Void.

"Ngayon lang ako nakarinig nang gustong maging assistant ni Flare ng kusa," sabi ni soft boy.

"Really, Throver? You want to participate?" tanong ni Tyrone.

Flare looked at me. He is still calm yet his eyes are... sparkling? Teka, masaya siya?

Throne scoffed and laughed loudly. "Imposible! You?! You are not perfect to be his Hera! How could you be—"

Napatigil siya ng pagsasalita at sa ilang segundo, mayroon ng isang malinis na diretsong galos sa kanyang mukha. Nanlaki ang kanyang mga mata. I smirked at him and crossed both my legs.

"Ha? Ah—Eh? Hoy, bakit biglang nawala 'yong Swiss army knife ko?" Kinapa-kapa ni Void ang bulsa ng trousers niya.

"Dude, nandoon na oh," turo ni Xel sa dingding na ilang numero ang layo sa amin.

"Luh, pa'no napunta doon 'yon?" nagtataka niyang tanong.

"Don't underestimate me, Throne Montenegro. You don't know me. You don't my motives. And you don't know what I can and could do."

Magsasalita pa sana si Throne nang biglang tumaayo si Flare at binigyan siya ng malamig na tingin. "I will make you recall this day, Poseidon. If you do not approve her being the Hera and she did not win the trial, then she shall receive a punishment—"

"H-Ha? Hey, I do not agree with this! Reklamo ko.

"And if you lose this bet..." He smirked as he give me a second glance before shooting back a cold stare on Throne again. "... then bow down to her and serve her until the end."

###