Sweet Nerds. 'Yon ang pangalan ng pastry shop kung nasa'n si Friar at Lucas ngayon. Kita mo ang nasa loob ng pastry shop dahil sa wall glass na nasa entrance neto at bukas na bukas ang pintuan na mayroong "welcome" sign na nakasukbit dito.
"Who made such shop if the name would be utterly seen by many folks?" rinig kong komento ni Flare. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa pangalan ng pastry shop.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo rin naman desisyon ang name ng pastry shop. Saka nakaka-attract naman sa mga tao so your opinion doesn't matter."
He clicked his tongue. "Still, the choice of words is too common. So predictable. I don't understand why such choice of words is interesting for the eyes of people."
Napairap ako sa kanyang pinasunod pang komento at pumasok na ng café. Doon pa lang ay nakita ko na ang mga yellow tape na nakapalibot sa isang table. Isang lalaki ang nasa crime scene. Bumubula ang bibig nito at nakahiga ang ulo sa table. Nakarinig ako ng iyak at tumingin sa gilid. Dalawang babae at isang lalaki ang naroon. Ang babaeng maikli ang buhok ay umiiyak. Pinapakalma siya ng isang babae habang ang lalaki nila kasama ay nakakunot ang noo habang nakababa ang tingin.
"Think that this case will be just a piece of cake." Napataas ako ng tingin at nakita roon si Flare. Nakatuon din ang kanyang tingin sa tatlo. Nakabulsa ang kanyang dalawang kamay at nakaharap ang katawan sa akin.
Napakunot ang aking noo. May alam na ba kaagad ang lalaking 'to tungkol sa kaso?
"Mavis! Flare! Dumating na pala kayo!" Bumaling ang aking tingin sa gilid at nakita ang kumakaway na Friar habang palapit siyang tumakbo sa direksyon namin. Hindi kalayuan ay makikita mong nakasunod si Lucas sa kanyang likuran na kumaway saglit sa direksyon ko. "Buti nakarating kayo! Akala ko hindi kayo makakarating!"
"Flare dragged me. Again," sabi ko. Ramdam ko ang pabibigay sa akin ni Flare ng masamang tingin. "Sa tingin ko, hindi mapapalampas ng yelo na 'to ang kaso."
"I'm not an ice. How shall I get you convinced that I'm neither an ice or a corpse but a living being?" komento ni Flare.
Napairap si Lucas. "Hindi mo lang matanggap na yelo ka naman talaga simula nang may mangyari sa'yong hindi maganda dati," nakangising panunukso ni Lucas.
"Luc, hindi na maganda ang panunukso mo," pagpigil ni Friar sa kanya. Nakasimangot ang mukha nito. Napaiwas naman ng tingin si Lucas at rinig ang pagtilansik ng kanyang dila. binalik niya ang tingin sa akin nang may nagliliwanag na mata. "Anyways, Mav, I wanted you and Flare to investigate this case. Alam kong gusto mo rin ng mysteries."
Yeah, right. She is my stalker in our own dorm. Alam na nga niyang mahilig ako sa Sherlock Holmes series dahil sa "pagbisita" niya sa kwarto ko.
Napairap ako. "What's the case all about?"
"Oh, it's actually a simple case. Two girls and two boys are sitting across each other in a 2-long chair table and they're just celebrating something." I glanced at the crime scene. "Names are Milo, Mira, Larah and Jomar. A girl excused herself to go to the bathroom as well as the other boy. Both have alibis since there are witnesses. Larah and Jomar was left in the table when Jomar suddenly groaned in pain and the flute glass he's holding breaks to the ground as his half body fell down to the table. Larah screamed and the other two left the bathroom in a hurry to see what happened."
So, the name of the victim is Jomar so the crying girl is Larah since she's only the possible person that got traumatize by what she saw. The girl comforting her must be Mira and the guy next to them is Milo. The broken flute glass is still in the crime scene as well.
"Now, here's the mystery. What happened and who's the culprit?" nakangising tanong niya.
"What an intermediate case you're asking me to solve, Friar," sabi ni Flare. "This is just a piece of cake."
"Oh! The clue is also piece of cake," dagdag ni Friar. "So, can you solve the mystery?" Ang mga mata niya ay nakatitig sa akin nang may nanunuksong kislap. If she thinks she could win her challenge, she's making a huge mistake right now.
"Yeah, I could," sabi ko.
"Stop playing games with her, Friar," sabi ni Flare at hinatak ako papunta sa kanyang likuran. "I will solve this case. I recall you messaged her for me to come here on solving the matter."
"Aw~ But, isn't it kind of boring if the case ended so easily? You should have at least let me have a little more exciting challenge and Mavis is perfect for that," reklamo niya.
"Oo nga, Flare. Bakit ayaw mo kasing ibigay kay Mavis? Takot ka 'no? Na baka ma-fail ni Mavis ang challenge ni Friar dahil hindi pa niya kayang tapatan ang mga pakana ng girl ko?"
Siniko siya ni Friar nang may kasamang masamang tingin. Nag-peace sign lang sa kanya si Lucas habang nakangising tumawa.
"She can," sagot ni Flare. Nawala ang ngisi ni Lucas at napatingin kay Flare. Gayon din si Friar.
"Eh, kung gano'n naman pala, why not give her a chance, detective freak?" ngising sambit ni Lucas. Tinitigan lang siya ni Flare. Nawala ang ngisi ni Lucas at napalitan iyon ng seryosong pagtitig. "You just wanted to not involve her again to your cases, right? You don't want her to get involve in your business again."
There's the heavy tension between them again.
Napabuntong-hininga ako. Hinatak ko siya sa likod at ako ay humakbang paharap. Tinitigan ko si Lucas. I felt Flare's grip my wrist as I was about to release my hand on his arm. Tinitigan ko ang mga mata niya. Kung sa iba'y walang emosyon ang mga mata niya, kita ko ang kaunting kaba niya.
Eyes are the gates to our soul, they say.
"Don't," he whispered.
I gripped his hand that is on my wrist and force his hand to let go of my wrist. Natanggal ko naman 'yon pero mas lalong nakita ko ang pagnginig ng mga mata niya.
Nag-aalala siya.
"I'm not going anywhere," bulong ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya at umiling. Seriously, what is wrong with this guy? Hindi naman mangyayari sa akin ang nangyari sa kaibigan niya years ago. Just how could I just get out of his worries without making him think that I will die?
"I'll take the case," ani Flare nang nakatingin kay Friar. Friar blinked numerous times before a wide smile that almost up to the ears formed on her lips.
She chuckled. "Okay, okay. Joke lang ang challenge ko. Simulan niyo na ang kaso. The police will return here for a minute or two," anunsyo niya. She wiggled her eyebrows. "Toodles~" pagpapaalam niya at hinatak si Lucas palabas pero nahinto siya nang tinawag uli siya ni Flare. Tila isang giraffe ang kanyang leeg na lumingon sa amin na may matang parang isang kuwago. "Hm?"
"Could you buy me something in return on inviting us to do the case?" Flare said. "You know what I would say."
"Oh. 'Yon lang ba? Okay. I'll buy it for you. We will be back in less than 30 minutes. Kapag hindi pa ninyo natapos ang kaso within the time na sinabi ko, you will not get your 'something', Flare!" sigaw nito bago mabilis na umalis sa cake shop.
Napabuntong-hininga ako at napailing-iling. "I don't know what you're thinking, Flare," sambit ko.
Tumingin siya sa akin. "Of course. A stranger like you could not comprehend my thoughts."
"No, hindi 'yon ang ibig kong sabihin."
Kumunot ang noo niya. "Then, what are you trying to make me understand?"
"Your past," sagot ko. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. "You still have that 'accident' in your mind, haven't you?" His chest rose and he looked away. I'm right. I sighed for the nth time. I looked at the crime scene. "I will just say this one time, Flare. I'm not someone from your past nor the accident will happen to me so you don't have to worry. Hindi ako siya at lalong-lalo na 'wag mo ako ikumpura sa nangyari sa kanya. Now, let's move on to the case."
I plan to go in the bathroom first to search on evidence for the case when Flare grabbed me by the wrist and said, "Stop." Nagtataka akong tumingin sa kanya at tatanungin sana kung bakit nang may magsalita na tao na 'di kalayuan sa amin. "Inspector Reed," tawag dito ni Flare.
Inspector? Napalingon ako sa "inspector" at naroon nga siya na may kasamang dalawa pang pulis sa kanyang likod. Hindi siya ang usual na matabang pulis at sa halip, ang katawan niya'y parang sa mga sundalo ngunit ang kanyang mukha ay may bahid ng ilang taong serbisyo sa pulisya.
"Oh, hijo, nandito ka na pala. Sinabi ni Friar na tinawagan ka na raw niya para maitapos agad ang kasong 'to. Nasabi na ba sa'yo ng kapatid mo ang nangyari?"
Tumango si Flare. "I go all the important coordinates. Did the forensics team got evidences through the case?"
"Well, to be honest," Napabuntong-hininga ang inspector at napakamot sa ulo," hindi namin mahanap ang pinanggalingan ng poison."
"Poison?" ani ko.
"Oo, hija. Mayroong poison sa—" Napahinto siya nang lumingon ang kanyang tingin sa akin. "Hija, bawal kang makisingit sa kasong 'to. Tanging mga awtoridad lamang ang pwedeng mag-imbestiga di—"
"I'm with him," turo ko kay Flare.
"Ah." Lumingon siya kay Flare. "Girlfriend mo, hijo?"
Flare's eyebrows knit. "What nonsense are you talking about, Inspector? I would not go here with a girlfriend. And perhaps, you would consider her as one of my temporary Watson within this case." Sinamaan ko siya ng tingin at siniko sa gilid. Sinamaan niya ako pabalik. "We should not waste our breath on discussing unimportant things. So, shall I take a look on what I needed?"
Hindi siya pinansin ng inspector at habang nakatingin sa akin nang hawak ng dalawang daliri ang kanyang baba, nagtanong ito, "Hija, relate ka ba kay Inspector Vicente Throver?"
Parang akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Napayuko ako. Napahawak sa'king dibdib na tila sumisikip.
The memories arise again within my memories.
"Hm... Baka nagkakamali lang ako. You just remind me of him. Magkahawig kayo nang unti. That eyes and your expressions... Kuhang-kuha mo kay Vic pero baka nagkakamali lang ako. Sorry, hija," rinig kong pagpapatuloy niyang pagsambit.
Mas lalong kumabog ang pagtibok ng dibdib ko kasabay ng pagpintig ng ulo ko. Unti-unting nagdodoble ang paningin ko.
Bakit pa ngayon dumale ang kondisyon ko?! I don't want Flare to see this! I don't want them to see me vulnerable! I am vulnerable but why... Why now...
"Mavis?" rinig kong tawag sa'kin ng isang boses. Ah... That voice... It's Flare...
Wala na. Mahina na ako sa paningin niya. It's the end of my plans. I couldn't hide my vulnerability in front of him. In front of the person I wanted to loathe.
Ramdam ko ang paghina ng aking tuhod at hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Hinintay ko na lang na maramdaman ang malamig na sahig pero ang naramdaman ko ay hindi ang sahig kung 'di isang mainit na bagay. Hindi man komportable pero sinalo ako nito.
"Mavis," tawag muli sa'kin ni Flare. Naramdaman kong gumalaw ang sumalo sa akin. Ah... Si Flare pala ang nakasalo sa akin... "You're still with me?" bulong niya. Ang lapit niya sa'king tainga. Kahit man hindi ko siya nakikita, ramdam ko ang hininga niya sa tainga ko para man lang bumulong.
Ipinikit ko ang aking mata at binuksan ko muli iyon para ma-adjust ang paningin ko. Unti-unting nagliwanag paningin ko pero 'di pa rin nawawala ang pagpintig ng ulo ko. Hindi ko mapigilang mapaigik sa sakit.
Napahawak ako sa damit ni Flare at patuloy sa pag-igik. Ang sakit... Parang hinahati sa dalawa ang ulo ko.
Suddenly, I felt a wet thing touched my forehead. Napalingon ako sa kanya. Ang mga mata niya'y malumanay, hindi katulad kanina na mukhang malamig na yelo. He caressed my hair and kiss my forehead again.
That one gesture and I felt relieved again.
Parang may mahika siyang ginamit para mawala ang pagpintig ng ulo ko. "Flare..." I trailed off. Hindi ko alam kung anong sunod kong gustong sabihin sa kanya.
"I'll talk to him, alright?" he said softly. His eyes suddenly flashed to the inspector. "Inspector Reed, I hope you'll never mention that name ever again."
Matalim ang pagkakasambit niya sa bawat salitang binitawan niya sa inspector. At dahil doon, parang akong nabuhusan ng malamig na tubig.
Nakaramdam ako bigla ng hiya. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. I recalled how he kiss me in the forehead and his soft gaze to me while I act vulnerable!
Waah~ Anong gagawin ko?! Napakita ko sa kanya vulnerability ko!
"Ah, uhm, Flare, sa tingin ko, 'wag mo nang alalahanin 'yong nangyari sa 'kin at—"
Tinakpan niya ang bibig ko at binigyan ng ngiti. "You shut up there for a second, song thrush, and I'll just have a one-to-one talk with the inspector here, okay?" Ramdam ko ang sarcasm niya sa "one-to-one talk" na binaggit niya.
"Hm? Pero, Flare, nagtanong lang naman ako sa kanya," inosenteng banggit ng inspector.
"And that's why I am respectfully suggesting not ever mention that name again, Inspector, if you want to live longer if you know what I mean," reply niya rito habang nakalagay pa rin ang ngiti sa kanyang labi. Iyong ngiting mukhang inosente pero may tinatagong banta.
"Flare, I'm fine na. Tama na, plea—" Hinatak niya ako palapit sa kanya at tinago ang mukha ko sa kanyang dibdib. Hindi na naman nakikinig sa 'kin ang lalaking 'to.
Ganito ba talaga ka overprotective 'to kapag may nasasaktan na babae ha? Oh, right. He also do not care if he hurt a woman just like before. Yep.
"So, Inspector? Would you like to have a tour early in heaven or live on the earth as long as you can?" tanong ni Flare na may halo ng may masamang intension.
This is getting out of nowhere.
Pinilit kong umalis sa pagkayakap niya at sinuntok siya sa tiyan. 'Yong tamang puwersa lang para mapansin niya ako pero napaubo pa rin siya sa suntok ko. Inaamin ko namang medyo napalakas ko yata ang pagkakasuntok ko.
"Hey!" He gave me a glare. "What's that for?!"
"Hindi mo ako pinapansin so I needed to punch you," pagrarason ko at tumayo na. Kumuha ako ng lakas ng loob bago ako tumingin sa inspector at sabay sabing, "Vicente is my father, Sir."
"Hey, I'm just worried about you!" Tumayo na rin si Flare at parang naka-recover na agad sa suntok ko. Well, I guess he has abs to protect his stomach. "You're in pain earlier."
Nagliliwanag ang mga mata ng inspector at parang gusto pa yatang magsalita pa patungkol kay Dad pero bigla siyang pinigilan ni Flare.
"Stop it, Inspector, or I'll sew your mouth with red threads. Oh! Maybe, pluck and cut your tongue? That would be interestingly gruesome if I may say," sabi niya.
Napatawa ang inspector habang ako napa-awkward laugh. Ang ganda niya magbanta talaga, another level dating.
~***~
After the short drama, the inspector explains how the pieces of evidence are related to the case and about the poison they haven't gotten yet, he told us the possible locations but the most suspicious location is...
"Hindi pa masyadong natitingnan ng forensics team ang girl's bathroom. Maybe, nandoon ang poison. Karamihan ng mga nagfoforensics ngayon ay mga lalaki and they mainly focus on the location of the crime and the boy's bathroom. I don't think may nag-inspect ng masyado sa girl's bathroom."
"As I suspected," Flare replied. He is back to his detective mode again. He held his chin between his thumb and forefinger while looking down. "Most of the forensics team right now are men, right?"
Inspector Reed nodded. "Hindi naman dapat kami magkaroon ng malisya sa banyo ng mga babae pero there is a concern sa lugar na 'yon."
Napakunot ng noo si Flare sa kanya. "And what would be the case?"
"There's a sign that says that we can't go inside. Pero nang matanong naman ang mga staffs, sabi nil ana pwede namang pumasok sa girl's bathroom. Ang problema lang, we can't go in unless we confirmed na pwede ba talagang pumasok doon. Our suspicions about that place is still ongoing."
"Hmm..." Flare's eyes stared on the ground for a long time, constantly thinking of a solution. "Mavis," tawag niya bigla at nagtaas ng tingin sa akin. "You go."
Tinuro ko ang sarili ko. "Ako?"
"Yes, you. You go and inspect the girl's bathroom," he repeated without looking at me.
Napabuntong-hininga ako at hinatak ang dulo ng kanyang damit. Napatingin siya sa akin. "Gloves..." I muttered.
"Hey. Stop bothering me if you don't want anything," sabi niya.
I clicked my tongue and pulled the collar of his shirt, pulling him down. "I said, gloves. Bigyan moa ko ng gloves bago ako pumunta ng girl's bathroom." Binitawan ko ang collar ng shirt niya at inayos iyon. "Hindi naman ako puwedeng kumuha ng ebidensya hangga't hindi malinis ang pagkakakuha ko roon..." Nagtaas ako ng tingin sa kanya at ngumiti ng bahagya. "... 'di ba?"
Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi yata niya expect na magsasabi ako ng gano'n sa kanya after ang nangyari kanina. Well, I would tell that I'm still slowly recovering from the short drama before but I'm much better now.
He sighed. "Right. I forgot about that." May kinuha siya sa kanyang paketa at naglabas ng isang pares ng gloves. "Here. Take it. Be careful while searching."
"Hai, hai," panunukso kong banggit sa tonong Hapon at kinuha ang pares ng gloves sa kanyang kamay. "Thanks," sabi ko bago mag-proceed papuntang girl's bathroom.
Friar's POV
"Hm~ Hmm~ Hmm~" Kamusta na kaya ang dalawang 'yon? Natapos na kaya nila ang kaso?
"Friar."
Makakaabot yata kami doon? Sana matapos nila ang kaso.
"Friar!" rinig kong sigaw ni Lucas na ikinahinto ko ng paglakad. Lumingon ako sa kanya at sinimangutan.
"Ano 'yon, Luc?" tanong ko sa kanya.
"Are you sure you want to leave Mavis alone there?" Napakunot-noo naman ako sa kanyang sinabi. Palabas na kami ng store kung saan namin binili ang kailangan ni Flare. "You know, Flare is in there. She's not safe with him."
"Why not?" tanong ko sa kanya. "Mavis will be safe with him. Besides, mahilig si Mavis sa mga detective things. Siguro namang magkakasundo ang dalawa sa pagtatapos ng kaso."
He sighed. "You know that I have another meaning of what I said, right? Hindi naman ako magrereklamo kung wala."
Nang makalabas kami ng store, pumunta kami sa pinakamalapit na milktea store. Ako lang ang bumili samantalang taga-bantay naman si Lucas sa mga binili namin.
"Alam kong magkalaban kayo ng kakambal ko sa pagkuha ng posisyon ni Dad pero hindi ibig sabihin no'n ay delikado na ang kakambal ko ha? You should know that Flare is so protective to all the person he likes." Nagsimula na ulit kami maglakad pabalik sa Sweet Nerds. "Hm. Ang sarap ng milktea nila. Gusto mo i-try?"
"Pero isa lang ang straw. Alam mong bawal akong—"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Iyan na naman sa reklamo na 'yan. We've been partners for years. 'Wag ka ng maging sensitibo," sabi ko sa kanya at nilapit ang milktea sa mukha niya.
Kita ko pa rin ang pag-alinlangan niya pero sumipsip na rin naman siya sa kaisa-isang straw na nakalagay sa milktea. "Oo nga, masarap."
" 'Di ba~ Kaya bumili ka na sa susunod~" pagkukumbinse ko sa kanya at siniko siya sa tagiliran.
"Hoy, 'wag mo 'ko isiko! Baka may mabasag sa binili natin!"
I chuckled. "There's no way! Ang mababasag lang naman diyan ay ang binili natin para kay Flare eh."
Biglang dumilim ang kanyang mukha at lumingon sa bag kung nasaan ang pinabili ni Flare. "Then, we should break it. I hate him anyway." Masamang-masama ang tingin niya sa bag. Habang patagal nang patagal, feeling ko ibabagsak na niya talaga 'yong bag para mabasag ang gamit na pinabili ni Flare.
Ngumuso ako. "Alam mo, pera ko ang ginamit ko diyan. Kung babasagin mo lang 'yan, hindi na tayo bati, Luc."
Napaigtad naman siya at tumingin sa akin nang may nag-aalalang tingin. "Ha? 'Wag naman gano'n, Fri! Kakabati lang natin last year!"
Oo, last year ang previous away namin. At kapag nag-away kami, isang taon ko siya 'di papansinin. So, that one threat would make him sway with just a snap of a finger.
"Hoy, true ba, Fri? Hindi mo 'ko bati? Please, bati na tayo? Joke lang naman 'yung pagbasag eh." Para siyang bata na nanghihingi ng acceptance sa kanyang pagpapaumanhin.
I chuckled. "Joke lang," I sang and wrapped my arm around his arm. "Alam mo namang hindi ko na rin kakayanin na hindi ka pansinin ng isang taon, 'di ba?" nakangiti kong sambit sa kanya.
He smiled back. "Yeah." He leaned in and kissed my forehead. Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya. "Thanks, Fri."
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Ito na naman si Lucas, pinaglalaruan ang feelings ko. Bakit ba hindi na lang niya hayaan na ang maging relationship naming is just partners?
"Oh, right! I will call Mavis!" Friar, galing mo mag-divert! Good job, self! Kinuha ko ang cellphone ko sa pocket pants ko at sinimulang ni-dial si Mavis.
After a few rings, someone picked up the phone.
Mavis' POV
"Hello?" sabi ko sa kabilang linya habang chine-check ang pangalawang cubicle sa girl's bathroom. Apat ang cubicle sa girl's bathroom at bawat isa ay may trash can. There are cabinets but I'm pretty sure the culprit would not hide something suspicious in the cabinets when there are people going back and forth in the bathroom. Naroon din ang mga gamit ng mga cleaners ng cafeteria.
"What are you doing now?" tanong ni Friar sa kabilang linya. "Pabalik na kami ni Lucas."
"Investigating something," sagot ko sa kanya. Nakaipit ang cellphone ko sa aking balikat. "Kayo? Musta naman?"
"I got what Flare wants me to buy," sagot niya sa kabilang linya. "Nandito rin pala si Lucas. Say hi, Luc!"
"Hi, princess!" bati ni Lucas sa kabilang linya. Nai-imagine ko ang malawak niyang ngiti habang sinasabi niya 'yon. Typical Lucas.
"Hoy, anong princess?! Akala ko baa ko lang princess?!" reklamo ni Friar. Nakairnig ako ng unting tunog at kasabay niyon ay ang pag-"aray" ni Lucas. Friar nudged Lucas with her elbow. Yep, that's what I imagined of what happened through the other line. "Sorry kay Lucas ha, Mav. Masyadong makulit 'to. By the way, good luck while investigating. See ya!"
The call ended and I continued to search through the trash cans. "Wala rito," bulong ko sa'king sarili at pumunta sa kabilang cubicle.
As I got in, napansin kong may plastic doon na mukhang kakatapon lang. Nagtaka naman ako kaya lumapit ako sa trash can na 'yon at kinuha ang plastic bag. I opened it and my eyes widened as I saw what's inside. A bottle of medicine!
I read the name of the bottle and it says, "TTX-0145". No description on how they produced it and what ingredients they used in the back. No expiration date either.
"I need to tell this to Flare," bulong ko sa aking sarili at lalabas na sana ng bathroom when I saw another suspicious thing behind the opened door ng girl's bathroom. Lumapit ako roon at nakakita ng handkerchief. Kinuha ko rin 'yon para ma-inspect.
There are many theories that I have in my mind while walking out the bathroom but let's see what will be Flare's conclusion on this case.
Nakita ko si Flare at si Inspector Reed na nag-uusap ulit pero malapit na sa crime scene si Flare.
I called him without hesitation at tumingin naman siya sa akin. Lumapit ako sa kanila at pinakita sa kanila ang mga nakuha ko.
"Tetrodotoxin, huh?" banggit ni Flare. Lumingon siya kay Inspector Reed at binigay dito ang bottle. "Inspector, please bring this on the analysis team. Also, this handkerchief as well. I have my suspicions on who it belongs to."
"Oh, meron ka ng suspect agad-agad? Wala talagang makakapantay ng IQ mo, hijo," sabi ng inspector. "Sasabihin ko sa mga kasamahan ko na bilisan ang pag-analysis ng mga 'to."
"You can count on us anytime, Inspector Reed," sabi ni Flare. You can count on us. For once, I felt kind of happy with his words. Nang makaalis na ang inspector, binigyan niya ako ng isang tingin bago bumaling sa crime scene. "Any leads kung sino ang magiging suspek natin?"
Nanlaki ang mga mata ko sa bigla niyang pagsalita ng Tagalog pero napabuntong-hininga na lang ako at sinagot ang tanong niya. "Yes. I have one culprit in mind. You?" I took a glance at him.
"I have one culprit in mind and how that person put the poison onto the cake," reply niya. Hindi ko alam kung namamalik-mata ako o hindi but I saw him smirk for the first time. "I know this is a piece of cake for me but..." He looked at me and his smirk widened more. "... I guess this case would be a worthwhile experience with you."
Ba-thump! Ba-thump!
Napahawak ako sa dibdib ko. Ba-thump! Ba-thump!
Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya. 'I guess this case would be a worthwhile experience with you.' Sa isang pangungusap lang na 'yon, biglang tumibok puso ko. Hindi sa way na mayroon ng pagmamahal sa taong nagsabi niyon pero...
Napatingin ako sa kanya at tumango kasabay ang pag-ngiti ng matamis sa kanya. "Yeah!" sagot ko sa kanya.
Maybe, it's not bad to have a connection with him after all.
~***~
After a few minutes, Inspector Reed came back with an analysis about the Tetrodotoxin. "There are signs of tetrodotoxin in the handkerchief. The drug also matches the one in the victim's body. Furthermore, it matches the drug in the cake. As of the fingerprints, there are couple of fingerprints that matches the victim's friends' fingerprints." Dalawa raw ang fingerprints na nasa handkerchief maliban sa biktima—si Mira at si Milo.
"Thanks for the info, Inspector." Lumingon siya sa akin na may ngisi sa kanyang labi. "Now, shall we close the curtains now?" Kumikislap ang kanyang mga mata sa excitement.
I chuckled and teased him, "Huwag kang masyadong excited, Flare. Nakakatakot ka."
Napasimangot si Flare and I don't know if he noticed, but he is pouting. Cute. "Hindi naman ah. I'm just interested to put the culprit down and put them into their place."
Pinatawag na kami ni Inspector Reed at ni-lead kami patungo sa mga kaibigan ng biktima. Akala namin ay matatapos agad ang deduction show namin pero ang tumambad sa'min ay ang seremonya ni Mira.
"Bakit mga high school students ang nandito? Dapat walang mga batang nakikialam sa trabaho ng pulis! The victim is my friend! Hindi puwedeng dalawang high schoolers ang mag-e-end ng kaso!" pasigaw niyang sambit na may halong inis.
"May I ask kung bakit mga high schoolers po ang pinaharap niyo po sa amin?" mahinahong tanong ni Larah sa amin. Siya ang kaninang umiiyak. Si Milo naman ay pinipigilan si Mira na umatake sa amin. In-introduce kami ni Inspector Reed sa kanila at tumango-tango lang si Larah habang si Mira patuloy pa rin ang pagreklamo.
"Even though detective siya, hanggang sa campus lang dapat nila siya may panunungkulan sa pagiging isang detective. It doesn't mean you need to meddle with the police's business!" sigaw niya.
"Mira, tama na. Hayaan muna natin silang magsalita para malaman natin kung sino ang tunay na salarin sa pagpatay kay Jomar," awat ni Milo sa kanya.
"Tama si Milo, Mira. Kailangan mo munang huminahon. Oo at mali ang makialam sa kasong kinasasangkutan ng pulis pero nakita kong may naitulong ang dalawang estudyanteng nasa harapan natin ngayon," pumapangalawa ni Larah.
Binigyan kami ng matalim na ngiti ni Mira. "Fine!" Pilit na umalis siya sa pagkakahawak ni Larah at Milo. "Sabihin na ninyo kung sino ang pumatay kay Jomar para wala ng tago-tago ng sikreto." I saw her glanced at Larah and slightly smirked when she said those words.
Flare smiled and tilted his head while his hands are still on his pocket. "Shall we?" Kitang-kita ang excitement sa kanyang mga mata. Lumingon siya sa akin at tumango.
Tumango ako pabalik. "The culprit..." Paunti-unting tumaas ang kanang kamay ni Flare. "...is..." Hanggang sa tumapat na ito sa may sala ng kasong 'to. "...you!" pagtapos ko.
Nanlaki ang mga mata ng salarin pero agad siyang natawa. "Ako ang culprit? Weh?" sabi niya habang may ngisi sa kanyang labi. "Nasa'n ang ebidensya?"
Napabuntong-hininga ako. "Huwag na po kayo mag-maang-maangan at niloloko niyo lang po ang sarili ninyo." Biglang nawala ang ngisi sa kanyang labi. "Sabihin niyo na po, Miss Mira, na kayo ang pumatay sa inyong kaibigan."
Natawa na naman siya. "Hindi ako ang pumatay kay Jomar! At wala kayong ebidensya! Hindi ko kayang patayin si Jomar dahil kaibigan ko siya!" Parang natulos sa kinatatayuan sina Milo at Larah sa kanilang narinig.
"Mira, totoo ba?" tanong ni Larah. Nagsisimula na naman na mamasa ang kanyang mga mata. "Ikaw ba ang pumatay kay Jomar?"
"Hindi ako! Hindi ako ang pumatay sa kanya! Maniwala ka sa akin!" Parang baliw na nagmamakaawa siya kay Larah.
Kunot-noong napatingin si Milo sa amin. "Paano siya ang naging suspek sa kasong ito?"
Inabot ng isang officer kay Flare ang dalawang Zip Lock na naglalaman ng bottle at ng handkerchief. "Ring a bell on these things, Miss Mira?" tanong niya rito na ikinalaki ng mata ni Mira.
"I-Iyan ang panyo ni Mira noong sinundo namin siya sa kanila. Hiniram ko pa nga iyan sa kanya kaso tumanggi siyang ibigay sa akin dahil daw sa kanya 'yan eh," ani Larah.
"Napansin kong hindi nga rin niya ginagamit ang panyo niya. Ni ilabas, 'di ko nakita ginawa niya. Nakikita ko nga lang siyang kumukuha ng tissue compartment," sabi naman ni Milo.
"Because she will use it as a camouflage to her crime," sabi ko. Napabuntong-hininga ako. "She used her handkerchief to put the poison on your friend's food without you knowing."
Nanlaki ang mga mata ng dalawa. Samantala, si Mira, binibigyan kami ng masamang tingin. "Hindi sa akin 'yan! Nasa'n ang iyong ebidensya?" Tumawa siya. "Malay mo binili niyo lang pala 'yan para i-confront niyo ako sa kasong 'to? Ba't ayaw niyo isisi sa kanilang dalawa ang nangyari?!" turo niya sa dalawa.
"At bakit naman kami ang papatay kay Jomar?!" inis na sambit ni Larah. "Wala kaming dahilan kung bakit naming gustong patayin si Jomar. Ni hindi nga rin namin alam kung bakit kailangan mo patayin si Jomar."
"Ikaw ba talaga pumatay kay Jomar, Mira? Pero bakit... bakit mo siya kailangan patayin?" mahinahong pagtatanong ni Milo ngunit may halong pagkadisgusto sa mga mata niya.
"Hindi nga ako sabi ang pumatay kay Jomar!" Uh-oh, she snapped. "Baka nga isa sa inyo ang bumili ng tetrodotoxin na 'yon at binigay sa kanya 'yon!" sigaw niya pero bigla na lang siyang napatigil sa pagsigaw.
I heard Flare whistled and I sighed. "Gotcha," sabi ni Flare habang nakangisi. "Hindi pa namin sinasabi if what drug is in this Zip lock. How do you know it is tetrodotoxin?"
"U-Uh..." Unting-unti lumingon siya sa amin. Bumubukas ang kanyang bibig pero walang lumalabas na salita rito.
"Cat got your tongue, miss?" tukso ni Flare rito. Sinamaan ko siya ng tingin. I saw him flinched and sighed. "Well, tell us your reason why you know this drug and you will be further questioned with the police."
Ibinalik na ni Flare ang dalawang Zip lock sa pulis at kinausap sila tungkol sa pagpapatuloy sa kaso. Habang ako, binabantayan ko si Mira. I noticed her fist was balled tightly on her side while looking down.
Hm?
Napansin ko ang kanyang bibig ay mayroong sinasabi. Hindi ko iyon naririnig but she is muttering something. Habang patagal nang patagal, lumalakas iyon. "Hindi ako..." Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamay niya. "Hindi ako ang pumatay kay Jomar!" sigaw niya, sabay ng pag-angat ng kanyang ulo at ng kanyang kamao. Papunta siya kay Flare.
Kaagad akong pumunta sa likod ni Flare at umiwas pakanan sa malapit niyang suntok. Hinawakan ang pulsohan ng aatakeng kamao niya gamit ang kanang kamay ko at hinatak siya palapit sa akin. Humakbang ako ng isa, saka binigyan ng light kick ang kanyang tuhod dahilan para mapaluhod si Mira at hinatak pataas ang braso niya. I heard her shout in pain.
Binabaan ko siya ng tingin. "Attack my partner again and you will get more than this pain," pagbabanta ko sa kanya.
Pero hindi siya natakot sa sinabi ko. Mabilis ang pangyayari. Nakarinig ng pagkasa at pagtutok ng baril.
Napangisi ako. "Weapons with no license is considered a crime, Miss Mira." Binalikan ko ng masamang titig ang kanyang matalim na mga mata. "Gusto mo bang magpataong-patong ang magiging kaso mo at magkaroon pa ng ilang taong pagkakakulong sa preso?"
"Papatayin ko kayong lahat!" sigaw niya. "Papatayin ko kayong lahat para walang makaalam na ako ang pumatay sa hinayupak na rapist na 'yon!"
Tinitigan ko lang siya. So, there's more to this case more than we saw today.
Then, an unexpected thing happened. I heard a gunshot. But not on Mira's gun but on someone else's.
Napalingon ako sa likod ko at nakita si Flare. May hawak-hawak siyang baril. Umuusok pa ang dulo ng kanyang baril. Napatingin ako kay Mira. May galos ang kamay niya at ang baril na hawak niya ay nasa sahig na.
Pinanlakihan ko ng mata si Flare. "Flare!"
"Don't point a gun at her again or I'll kill you," sabi niya kay Mira. Madilim ang mga mata niyang nakatingin rito. Mas lalong bumaba rin ang tono ng kanyang boses. "If you don't want me to continue any more violence towards you, go with the police and f*ck off."
"Ha! Anong klaseng highschooler ka?! Detective? Mas mukha kang mamamatay-tao para sa akin!" sigaw sa kanya pablik ni Mira at lumingon siya sa mga pulis. "Nagbubulag-bulagan na ba ngayon kayo sa mga ganitong tao? He hurt me! He wanted to kill me! Seize him as well!"
"Galos lang ang nakuha mo. I stopped you pointing your gun at my woman," sabi ni Flare. At teka, anong 'my woman' pinagsasabi nito?!
Kinuha na si Mira ng mga pulis at nag-sorry sina Larah at Milo sa pag-aabala. Flare also apologized in his immature acts earlier.
Natapos na ang kaso at saktong nakabalik sina Friar at Lucas sa Sweet Nerds. Umuwi na agad kami matapos ang akala mong mahabang-haba na pagtatapos ng kaso.
"In the end, nangupit ka pa ng baril ng isang pulis para lang pigilan ang suspek na magtutok ng baril kay Mavis? Brother, you know that's against the rules, right? Buti hindi ka sinita ni Inspector," ani Friar habang palakad kami sa back garden ng mansion nila.
"I'm sure he will get scolded by Tito later. Hindi kase puwedeng kumupit ng weapon sa iba eh. Ganyan ba ang magiging future leader ng mafia natin? What a dumb*ss," ani Lucas.
"Your words are as dull as your blade, Luc," sabi ni Flare at binigyan siya ng nanunuksong ngiti. "I think that's why you still can't penetrate my sister even though you're her Master."
Namumula ang mukha ni Lucas doon at napanguso naman si Friar. "Hey, Flare! Anong penetrate ka diyan?!"
Tumingin sa dinadaanan naming si Flare. "I said what I said. Just figure out what I just meant."
Patuloy sa panunukso si Flare kay Lucas at nagrereklamo na si Friar sa kanilang dalawa habang ako, ito, out-of-place again between the three of them.
Napabuntong-hininga ako. Another case that Flare and I solved but I wonder how many more days until I get the solution I had wanted to that case?
###