It is the second day of the first semester in my new school. Lumabas na ako sa college dorm at naglakad papunta ng Ferris University.
"Mav, gusto mo mag-shopping?" tanong sa akin ni Friar habang sabay kaming naglalakad. Iyon ang una niyang bati sa sa'kin sa pangalawang araw?
"And ditch class? No," pagtanggi ko. "At saka, hindi mo ako kaibigan. We're just acquiantances."
"Sama mo naman. Magkaibigan na tayo."
"Since when?"
"Since na tintulungan ka ni Flare sa kaso," sagot niya at binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "We're friends since then."
Napairap ako sa kanyang sinabi. Since when did she decide that I'm going to be her friend dahil lang sa pagtulong sa kapatid niya?
"Anyways, nahanap niyo na ba kung sino talaga ang may pakana ng secret admirer letter?" tanong niya. Nasa entrance na kami ng Ferris University at kakatapos lang naming mag-attendance.
"Wala pang sinasabi ang malamig mong kapatid," sagot ko sa kanya habang nakatingin sa dinadaanan.
Ngumuso siya. "Eh, 'yan ka na naman eh," reklamo niya. "Huwag mo namang tawaging malamig kapatid ko. Mukhang naging bangkay eh."
"Ay, buhay ba siya? Sorry. Akala ko na kasi patay siya dahil sa so~brang lamig," sambit ko sabay ngiti sa kanya.
"I am a person, not an ice, song thrush." Napahinto ako ng paglalakad at napatingin sa likod ko. Speaking of the devil. Narito na po ang 'bangkay'. "Don't compare me to corpses," sabi niya at lumapit sa akin.
"Oh, really?" Kunwari akong napapaisip. "Akala ko kasi katulad ka nila eh. Cold."
"Hoy, ano na namang problema ninyong dalawa at parang nag-aaway na naman kayo?" singit ni Friar sa gitna namin. Nakatuon pa rin ang tingin ko kay Flare at gayon din siya sa akin. "Uh, guys?"
"I know who is the culprit behind all these common Japanese high school love letters we're investigating," anunsyo ni Flare.
Nanlaki ang mga mata ko. "Who?"
He smirked. "Have an interest on who, song thrush?"
Napairap ako at humalukipkip. "Just tell me."
"The culprit is-"
"Flare Furrer! Flare Furrer!" naputol ang kanyang sasabihin nang may sumigaw. Sino ba ang umistorbo sa pinakamagandang parteng gusto ko nang marinig? Napalingon kaming lahat sa direksyon ng sumisigaw. Isa iyon sa mga teacher namin at namumutla siyang huminto sa harap namin.
"Good morning, miss. How can I help you this early in the morning?" nagtatakang tanong ni Flare. Halata sa ekspresyon niya ang pagtataka.
"Miss, ano po ang nangyari?" nag-aalalang tanong ni Friar.
"Karl... Karl Thomas... Si Karl Thomas... Nakitang patay sa photography club," hinihingal niyang sambit.
"Ano?!" sabay naming banggit ni Friar.
Napatingin ako kay Flare. Tumango siya sa akin at lumingon sa teacher. "I will check things out right away, miss. You could inform the students to stay in their classrooms until Friar received further notice from me that everyone could leave. Inform the dean as well. Could you do that, miss?"
Tumango ang teacher. "Thank you, Flare," sabi nito na parang nakahinga ng maluwag.
"Also, inform Karl's parents, Friar," utos naman ni Flare kay Friar. "And you," turo niya sa akin. "Let's go."
Tumango ako at sumunod sa kanya. Umaksyon na rin si Friar pati ang teacher. Umakyat kami ng mabilis sa third floor at dumiretso agad sa photography club. Wala roong mga pulis pero ang daming nakapaligid na estudyante sa walang buhay na Karl Thomas.
"Pres, si Karl..." sambit ng isang babae.
"I know. Tell all the members to leave. You, as well, Ms. President." Tumango ang babae at inaya ang mga miyembro ng photography club na umalis ng kuwarto. "Song thrush, can you close the door?" Sinunod ko ang sinabi niya at tumingin sa kanya. I noticed he is wearing latex gloves and touching Karl's body. "His body got cold. He has a small dot in his neck, right side."
"Someone pierced him," sabi ko. Tumango siya at lumapit sa leeg nito. "H-Hoy! Anong-"
"His neck smells like almonds. Cyanide, probably," sambit niya. "Poisons spread about 15-60 minutes so he should be dead by around..."
"Quarter to 8," I replied.
Napatingin siya sa akin. Tumitig siya sa'kin ng ilang segundo bago ngumisi. "Hm. Not bad for a song thrush."
Napakibit-balikat ako. "I just calculate the time. That's all. And cyanide is dangerous for the body so don't overdo the investigation so much," sabi ko.
He nodded and stood up. Inayos niya ang kanyang blouse at may ibinigay na envelope. Isa iyong white envelope. Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"I found this on the girl's locker section. The back says 'To my beloved Mavis' and I do not know any names such as Mavis in this university except you so..." He nodded his head towards the envelope. "Take it and let's see your stalker's next move."
"Move? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
"Karl Thomas is dead. Your stalker probably killed him. There's someone pulling the strings behind your stalker. Whether my prediction is wrong or not, I might guess this is not just the part of the scheme."
Kinuha ko sa kanya ang envelope at tiningnan ang laman niyon. May picture na naman. This time, it is a picture of me in the dorm's bathroom. Nanlaki ang mga mata ko sa takot. Hanggang sa pambabaeng dorm, nakakapunta siya?!
"I supposed he did worse than before based on your reaction," rinig kong sabi ni Flare. Nakita ko siyang tumalikod. "I could sense that it is a nude picture?"
"Don't. Say. That. Word," sabi ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay sa ere. Napabuntong-hininga ako at tiningnan ang naka-fold na papel kasama nito. Mayroong nakalagay na message doon pero ang pumukaw ng atensyon ko ay ang kasunod na lyrics nanakakonekta sa unang note kahapon.
The note says:
"What if we rewrite the stars?
Say you were made to be mine,Nothing could keep us apart,'Cause you'll be the one I was meant to find.
It's up to you,
And it's up to me,No one can say what we get to be,So why don't we rewrite the stars?
Maybe the world can be ours tonight..."
I dreamed of you every day, every night. Would you say that you can be mine?
-Anonymous
Ibinalik ko ang picture at ang note sa envelope at tumingin kay Flare na nakaharap na uli sa akin. "So? Your plan?"
"Tell me who's the mastermind," sabi ko sa kanya. "I'm disgusted. Hanggang sa dorm ko, kinuhanan niya ako ng picture. Paano niya ako nakuhanan ng picture sa banyo?"
"I do not want to talk about some pornography."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ako? Pornography?" Napailing-iling ako. "Never mind. Just tell me who's the mastermind."
"Lucas Freed," sagot niya.
"Ah, okay, okay. Ngayon, hanapin na natin siya at-" Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantunan kung sino ang binanggit niya, "Ha? Pakiulit?"
"I know you heard me," sabi niya.
"Oo nga, narinig kita pero pwedeng pakiulit?" Tinitigan niya lang ako. Napabuntong-hininga ako. "Okay. Seryoso ka ba diyan? Si Lucas? Bakit?"
"My archnemesis... He planned the secret letter for your admirer that turns into a stalker."
"Pero paanong naging siya? 'Di ba R.V. daw ang initials ng Anonymous?"
"R.V. stands for the trusted person in the lower rank of our family's company. He is the same age as us but he is in another country doing our family's business. He just used it to hide his identity." Kung iisipin, parang gagawin talaga 'yon ni Lucas.
"At paano mo nalaman na si Lucas?"
He shrugged. "A mere prediction," sagot niya. Awkward akong tumawa. Seryoso ba 'tong lalaking 'to? "Friar also sent me a message that they informed everyone to not leave their classrooms and find suspicious persons to all levels. I supposed she picked out nice suspects on the toll."
"Pumunta muna tayo kay Lucas," sabi ko sa kanya at saka nilagay sa bag ang envelope. Binuksan ko na ang pinto ng photography club at lumabas doon. Ramdam kong sumunod siya sa akin. "I need to get his confirmation dahil sa sinabi mo."
"I guess a mere talk about him being one of the villains in this case can't satisfied you enough unless you go, huh?" sabi niya. Na-i-imagine ko na nakangisi siya habang sinasambit ang mga salitang iyon.
"Pres," rinig kong sambit ng isang babae. Napalingon ako sa aking likuran at nakitang kaharap na naman ni Flare ang babaeng tinawag niyang 'Ms. President'. "Kamusta ang investigation?"
Flare shook his head. "Unfortunately, Karl is really dead." Nanlaki ang mga mata ng mga estudyante sa sinabi ni Flare. "However, I found information about his death. It seems I could keep on investigating who is the killer."
Nakahinga ng maluwag ang babae. "Thank you talaga, Pres."
Flare gave her a slight smile before turning his lips into a thin line. "Call the cops. Make sure to leave the body marks on the photography club and tell them to put the suspicious things inside only. Said that it is per request of Furrer's son." Tumango ang babae at inilabas agad ang kanyang cellphone. Lumingon sa akin si Flare at inaya na akong bumaba.
-***-
Nang pumasok kami ng classroom, tahimik ang buong paligid pero nakatitig ang lahat sa amin. May mga tumayo at biglang tinanong si Flare kung kamusta na si Karl. Hindi ko akalaing gano'n ka-famous ang Karl Thomas na 'yon sa buong klase namin.
Hindi sinagot ni Flare ang kanilang mga tanong at dumiretso sa kung saan nakaupo si Lucas. Nakita namin siyang nakapatong ang dalawang paa sa desk niya, may librong nakatakip sa kanyang mukha.
"Lucas," tawag niya rito. Medyo nagulat ako nang tinawag niya talaga ang totoong pangalan ni Lucas dahil nalaman kong magkaaway nga sila.
Tinanggal ni Lucas ang libro sa mukha niya at kunot-noong napataas ng tingin kay Flare. Mas lalong kumunot ang noo niya nang makita niya ang pagmumukha nito. "Ano?"
"Come," aya ni Flare at kaagad lumabas ng classroom.
Napairap si Lucas pero tumayo naman agad at sumunod kay Flare. Sinundan ko rin sila. Hindi ko ba alam kung archnemesis ba talaga sila at kaya pa nilang makita ang isa't isa sa gano'ng distansya.
Nang huminto na kami sa isang sulok kung saan walang masyadong estudyante ang dumadaan, nagsimula na ang aming pag-uusap.
"Oh, Mavis!" tuwang-tuwang sambit ni Lucas. "Good morning~," bati niya habang kumakaway-kaway sa akin na may malapad na ngiti sa labi.
Ayan na naman po siya. Nag-fi-flirt. "Morning," maikling bati ko sa kanya.
"Ang lamig mo naman. Parang hinahawaan ka na ng virus ng Sherlock panget na 'to," turo niya kay Flare nang may kasamang masamang tingin.
"I could say the same to you, dance head. You're ugly as well," pagbalik nito kay Lucas.
Bumuntong-hininga si Lucas, inilagay ang mga kamay sa paketa ng kanyang school trousers at sumandal sa dingding. Tumingin siya ng diretso kay Flare. "So, what is this all about? Why did you call me?"
"Ako ang gustong makipag-usap sa'yo, Lucas," ani ko at lumingon siya sa akin.
"Mavis? Bakit?" nagtataka niyang tanong.
Bumuntong-hininga ako. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Lucas." Tinitigan ko siya sa mata. "Ikaw ba ang tumulong sa secret admirer ko na magsulat ng mga love letters?"
Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko pero ilang segundo lang ang pagkagulat niya. Yumuko siya at nakarinig ako ng tawa. Tinaas niya ang kanyang ulo at may naglalarong mapanuksong ngiti sa kanyang labi. "So, you found out? Ang galing mo naman, Mavis."
"So, ikaw rin ba ang nagpapatay kay Karl Thomas?" sunod kong tanong sa kanya.
Itinaas niya ang dalawang kamay sa ere. "Nope. Not me. I'm not the mastermind on that," pagtanggi niya at ibinalik ang mga kamay sa pockets. "But I could tell you, ako ang may pakana ng love letters."
"I could say that it is more troublesome and a waste of time," komento ni Flare.
Sinamaan siya ng tingin ni Lucas at binaling muli ang tingin sa akin nang may ngiti sa labi. "I just wanted to tease the new transferee a little kaya ko nagawa 'yon."
"At dinamay mo si Karl Thomas sa panunukso mo?"
"He's just a pawn to my plan. Besides, I have the card to put an order to him. I did just that, nothing more, princess," aniya habang nakatingin sa akin nang may panunukso.
"She's not your princess," malamig na sambit ni Flare at hinarangan ako mula sa pagkakatitig ni Lucas.
Nawala ang ngiti ni Lucas at malamig na tinitigan si Flare. "So, she's your princess? What a coincidence." Lucas smirked. "I also wanted her."
Ramdam ko na naman ang tension sa pagitan nilang dalawa. Seryoso?
"I'm not going to be the princess of you two," sabi ko sa kanilang dalawa at pumagitna. Sinamaan ko ng tingin si Lucas. "Entertaining yourself and pissing someone off as usual, Lucas?" He laughed. Tumigin ako kay Flare. "And you? Stop protecting me so much from him. Alam kong archnemesis mo siya but I will not let him take me. Besides, wala rin ako sa side mo so stop it." He nodded and looked away. Napabuntong-hininga ako. Mga senior high students na sila pero parang bata pa rin kung mag-away.
"Wow, I'm surprised you could control him," rinig kong sabi ni Lucas. Kunot-noo akong tumingin sa kanya. "Wala pang nakakapagpasunod kay Flare simula nang mawala si Olivia."
Ayun na naman ang pangalan ng babaeng ayaw marinig ni Flare. Napatingin ako kay Flare. Ganoon pa rin ang ekspresyon niya-walang ekspresyon. Nakahinga naman ako ng maluwag at lumingon kay Lucas.
"Lucas, I told you something before, right?" sabi ko sa kanya. Unti-unting nawala ang kanyang ngisi nang makitang nakangiti ako sa kanya. "I hope na natatandaan mo pa ang sinabi ko sa'yo. I will may be your enemy," I mouthed the last sentence silently.
I saw his licked his lips as his eyes are shaking. Binukas niya ang bibig niya pero kaagad niyang sinarado. Umiwas siya ng tingin sa akin.
"Now, back to our Q's and A's," pagpapatuloy ko sa usapan naming. Tinulak ko si Flare sa gilid ko para hindi niya ako nahaharangan. "Who's your guest in this case?" tanong ko kay Lucas.
Napatingin siya sa'kin. "I could not mention his name. However, I could tell you his classroom address," sabi niya nat umiwas muli ng tingin sa akin. Maybe he is still taken aback by what I said.
"Spill."
"Grade 11. Male. Strand is also HUMSS. Lowest section," sabi niya at lumingon kay Flare. "You could inform Friar to search through the students' archived files. Maybe she could lend you some help about it."
Flare just nodded and pulled me as we walked away. So, gano'n-gano'n lang 'yon? One time, they're glaring at each other and then parang biglang nagbago ang mood nila sa isang pitik and boom! Bati na sila kahit ilang segundo lang? Seriously, paano ko ba maiintindihan kung bakit nila tinatawag ang isa't isa na archnemesis?
"He's helping me because you asked him. That's all it is, Mavis," ani Flare at huminto sa tapat ng isang pinto. Pagkalingon ko ay nasa tapat kami ng SSC Office. "We're not even close nor even call ourselves "friends". Not even acquaintances would fit our relationship. It's just a mere delusion for both of us to have the so-called relationship with each other."
Bakit niya sinasabi sa akin 'to? Is he shocked by an electricity or something? Para kasi siyang naging robot kung umasta.
Saktong bumukas ang pintuan ng SSC Office at bumungad sa amin ay si Yna. "Ah, good morning, Pres," bati niya kay Flare sabay yuko. "And... good morning to you too, Mavis," nakangiting bati niya sa akin.
"Good morning," bati ko pabalik sa kanya. "Nandiyan ba si Friar?"
"Ah, oo. Nandito siya. Gusto niyo ba pumasok ni Pres?" tanong niya habang ang mga mata'y papalit-palit ang tingin sa aming dalawa.
"No, take her here. I don't want to talk inside the office. The noise could be annoying and it'll get me out of focus," rason ni Flare. Napairap ako sa kanyang sinabi.
Tumango si Yna at pumasok sa isang pintuan. Ilang segundo ay lumabas ulit siya kasama si Friar. "Flare, bakit?"
"You have a new task," sagot ni Flare. "Search through the Grade 11 HUMSS, Section D's students' archived files. I want you to search through someone."
"Okay," pakantang sambit ni Friar. "Pero bago 'yan, can you follow me? Ang sinabi kong mga suspicious students ay kanina pa naghihintay sa president's office." Tumango si Flare kay Friar at sumunod sa kanya. Sumunod rin ako sa kanila. Hindi ko naiwasan ang nagtatakang tingin sa mga mat ani Friar habang tinitingnan ang kanyang kapatid. "Hi. Sorry for the wait pero narito na si President," bati niya sa mga estudyanteng nasa loob ng opisina.
"Um, sorry, pero kailangan ko na talagang bumalik ng classroom. Mag-aaral pa kasi ako," ani ng isang lalaki na nakaupo malapit sa office desk. Nakasalamin siya at ayos na ayos ang kanyang pananamit.
"Hi, miss. Gusto mo bang mag-ditch class mamaya? Libre kita sa isang magandang lugar, labas ng campus," sabi ng isang lalaki naman katabi ng nakasalamin habang nakatingin sa akin nang may mapang-akit na ngiti at nanunuksong mga mata.
Napairap ako at tiningnan ang isang lalaking tahimik kasunod niya. Marami siyang piercing sa kanyang tainga. Pati sa ilong at bibig ay mayroon siyang piercing. Kapansin-pansin ang mga tattoo sa kanyang braso dahil nakatupi ang blouse niya hanggang sa siko. Kulay pula ang dye ang dulo ng kanyang buhok. Nakadekwatro siyang upo at nakatingin sa kawalan.
May dalawang lalaki pa pero hindi ko na iyon pinansin dahil hindi naman sila gaano ka-suspicious tingnan. Sadyang takot na takot lang ang kanilang ekspresyon habang nakatingin kay Flare.
"Eto na ang mga suspects, Friar?" tanong ko kay Friar.
Napatalon siya sa kinatatayuan niya at pinanlakihan ako ng mga mata. "Mavis!"
"Ha? A-Anong suspect?" nanginginig na sambit ng nerd at napatayo. "A-Ako? S-Suspect?"
Napairap naman ang lalaking may mga tattoo. "This always happens to me. Yeah. Accuse me as you can, President Sherlock. But you know the truth, right?" sabi nito at tumingin kay Flare.
"Yeah. You can go now, Mr. Walter," anunsyo ni Flare at lumingon sa dalawang nasa gilid na mukhang mababasa na ang mga pantalon sa takot. "And you two, get out of my office. You're innocents." Tumango-tango ang dalawa at tumakbo palabas ng opisina ng magkahawak-kamay. Ang lalaking tattoo naman ay binigyan ako ng tingin bago lumabas ng opisina.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng tuluyan sa SSC Office. Ano ang ibig sabihin ng pagtingin niya sa akin? Napansin ba niyang nakatitig ako sa kanya kanina?
"Wait. Bakit si Walter pinaalis niyo, Pres? Dapat ako din. I don't deserve to be here," sambit ng lalaking katabi ng nerd. "At, miss. Can you accompany me out of here and come with me for a better pleasure?" tukso niya sa akin.
"Mr. Quezon, I could assure you that your major violations are from your previous advisers and are on-hold to be sent to your parents," anunsyo ni Flare sa kanya. Namutla ang kanyang mukha sa sinabi nito. "And you would not take a huge risk to escape the continuative case I am holding, right?"
"I-I..." Nagbukas ng bibig ang lalaki pero kaagad niya iyong sinarado at umupo muli sa kanyang upuan.
"B-Bakit naman po ako naiwan dito, Pres?" tanong ng nerd at lumapit kay Flare. Sinarado na ni Friar ang pintuan ng opisina at umupo sa kung saan nakaupo kanina ang dalawang halos na mabasa ang kanilang pantalon. "Inosente po ako dito."
"I politely ask you to sit back on your seat, Mr. Walter," sambit ni Flare dito at dumiretso sa kanyang office desk. Umupo siya sa swivel chair na naroon at itinukod ang dalawang siko sa table habang magka-link ang mga daliri.
Napakunot ako ng noo. "Walter? 'Di ba Walter na 'yong kanina?" nagtatakang tanong ko.
"That's Mr. John Walter from Grade 11 ABM, Section A," ani Friar. "Ito ay ang kakambal niya. Grade 11 HUMSS, Section D, Mr. Joseph Walter," turo niya sa nerd.
Napatingin ako sa lalaki. Nakatingin siya sa akin na may natatakot na ekspresyon. Gumalaw siya sa kinatatayuan niya pero hindi siya umupo pabalik kung 'di tumakbo siya papunta sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at nilapit ako sa kanya.
"T-Tulungan mo ako, please." Umiling-iling siya. "H-Hindi ko kaya na may maraming tao akong kasama. P-Please. A-Alisin mo ako sa lugar na 'to."
"I will ask you a couple of questions and then, you may go as you please. Three questions that you have to answer after I speak the question. Is that clear?" anunsyo ni Flare.
Napalingon si Joseph sa kanya at tumakbo papunta sa office desk. Mabibigat ang mga kamay niyang pumatong sa office desk. "I really need to go, Pres. Hindi ko pwedeng sayangin ang oras ko dito," pagmamakaawa nito dito.
"The rules are clear. Three questions asked that you should answer right away. Is that not clear enough for you to excuse yourself for a reason you are not comfortable, Mr. Walter?" sambit sa kanya ni Flare. His eyes turned into slits. "I supposed you know the rules here, Mr. Walter."
"Tch. Lagi naman 'yan ang ginagamit mo sa'ming mga estudyanteng hindi sumusunod sa'yo tuwing nagkakaroon ka ng imbestigasyon dito sa university. Ginagawang alas ang pagiging President para i-blackmail kami. What a controllable president you are," komento ni Quezon.
"Flare, pwede mong payagan si Mr. Walter na umalis sa office mo? Hindi na raw siya komportable," komento ko sa kanya. "Students' mindset goes first before rules, right?"
Tumingin sa akin si Joseph at para siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko. Ngumiti naman si Quezon. "Makinig ka sa girlfriend mo, Pres. Buti pa siya mas naiintindihan niya kami kaysa sa President na ilang taon nang nakalagay sa posisyon ng President," pagpaparinig niya rito.
Napabuntong-hininga si Flare at napapikit. "Fine." Tumingin siya sa akin. "I'll let the two students go." Narinig ko ang silent "yes" ni Mr. Quezon. "But I have one question." Hindi umiwas sa paningin ko ang pagsimangot ni Quezon at ang hindi komportableng ekspresyon ni Joseph. "You two watch the movie, The Greatest Showman, right?"
"Ha?" sabay-sabay naming sambit kay Flare. Si Friar lang ang tanging nakita kong ngumiti sa sinabi ng kanyang kapatid.
"Hoy, Pres. Don't tell me na kaya tinatanong mo sa amin 'yan, gusto mo kasama kami manood ng movie na 'yon?" tanong ni Quezon. Nakatayo na siya ngayon. Gano'n siya nagulat sa weird na tanong ni Flare.
He shrugged. "I just asked. No harm in asking such simple question. The Greatest Showman is my recent fav movie after all." Friar snorted.
"N-Napanood ko na siya. My brother forced me to watch it," sagot ni Joseph sa kanya. "So, can I go now?'
"Oh, I actually watched it many times. Maganda kasi," sagot naman ni Quezon. "Okay. Alis na ako. Bye."
Umalis na silang dalawa. Tumayo na si Friar at lumapit kay Flare. "You know the culprit, right?"
"Yeah," sagot ni Flare sa kanya.
Napatulala ako sa kanilang dalawa. "Ha?"
"Mav, nandito ka na nga sa kuwarto hindi mo pa alam kung sino?" inis na tanong ni Friar sa akin.
Is this woman trying to interpret na hindi ako observant sa nangyayari kanina?! I'm pissed off. Really pissed off.
Sinamaan ko siya ng tingin. "I swear na nakikinig ako," sabi ko.
"Sige nga. Sino?" tanong niya. Ang mga mata niya ay naghihintay ng kasagutan, naghahamon rin sa akin.
Napabuntong-hininga ako. "Alam ko kung sino but the thrill would be gone if I say it. Right?" sabi ko sabay lingon kay Flare sa huling salita.
Nakatitig siya sa akin nang walang emosyon. Mga ilang minuto rin kami nagtitigan hanggang sa lumingon siya kay Friar. "I should agree with her statement. Thrill would be gone if the mystery has been revealed."
Napabuntong-hininga nang malakas si Friar. "Halata namang walang akong choice," reklamo niya at nagkibit-balikat. "Fine. Do as you wish." Binuksan niya ang pinto ng opisina at lumingon sa amin. "Basta, paalala ko lang na mag-iingat kayo," dagdag niya.
"Friar," tawag sa kanya ni Flare.
"Ano na naman?" reklamo nito. Hindi naiwasan ng mata ko ang pag-irap niya.
"Tell the teachers to continue their classes as well," sagot nito. May maliit na ngiti sa kanyang labi. "And thank you for helping."
Napabuntong-hininga siya at nginitian si Flare. "You're welcome. Your sister's always here, bro," sabi nito at nag-wink bago tuluyan ng umalis sa opisina.
Namayani ang maingay na katahimikan sa buong opisina. Bumalik ang tingin ko kay Flare. Nakatitig siya sa akin. Gano'n lang ang ginawa namin hanggang sa nagsalita siya, "Here." May inabot siya sa'king isang white envelope ulit.
"Ano 'to?" sabi ko sabay abot ng white envelope. Tiningnan ko ang likod kung mayroong nakalagay. "Location," iyon ang tanging nakasulat doon. Binuksan ko ang white envelope at nakakita ng isang white card. May note iyon na ang sabi:
"Meet me at the rooftop."
Naka-cursive iyon na may gold ink. Sa sobrang perpekto ng pagkakaguhit ng fancy na cursive, aakalain mong ibinigay 'yon sa'yo ng isang kingdom-na sa pagkakaalam ko ay pantasya lamang.
"I shall trust your words that you know the culprit." Napatingin ako kay Flare. Tumayo na siya sa kanyang kinauupuan at nilagay sa paketa ng kanyang trousers ang mga kamay. "I shall trust you on revealing his identity and caught him."
Seryoso ba 'tong lalaking 'to? "Excuse me? I thought na wala kang planong ibigay ang kahit anong kasong hinahawakan mo sa iba?"
"That's your case in the first place. I apologize for butting in, which I am grateful because I've been helpful for your investigation, but I would leave the best scene to your hands, song thrush," nakangisi niyang sambit. Ang ibinigay niyang palayaw sa akin ay sinabi sa mababang tono.
Tumango ako at tumingin sa note saka binasa ulit ang nakalagay doon. Malalaman ko na kung sino ka at sisiguraduhin kong pagsisisihan mong bumangga sa akin.
###