Classes ended in the afternoon. Sinabi sa akin ni Flare na hapon daw ang pagpunta sa rooftop. I don't know how he knows the time sa pagpunta pero ang priority ko na lang ay ang pag-confront ng culprit.
"Third floor. Straight to the right and staircase with a door in the end. That's the rooftop," I muttered Friar's guide to me bago ako naglakad papunta sa rooftop.
I took a deep breath before opening the door. Malakas na hangin ang sumalubong sa akin. Napatakip ako sa mata ko sa nakakasilaw na liwanag.
"Miss Mavis?" rinig ko sa isang pamilyar na boses. Wait... Si ano 'yon ah...
Nang maka-adjust na ang mga mata ko sa liwanag ay dumiretso ako ng tingin. Unting-unti nanlaki ang mga mata ko ng makita si Joseph, ang nerd na natira kasama ng flirt na lalaki.
"Joseph Walter? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya at tumingin sa paligid. Nasa pinakataas kami ng high school department at ano mang oras ay delikado dahil riles lang ang nasa gilid.
"Uh, you gave me a letter," sagot niya sa'kin at may kinuha sa kanyang pocket. Naglabas siya ng isang white envelope. Kapareha iyon ng ibinigay sa akin ni Flare.
Teka... 'Wag mo sabihing...
"Wala akong binibigay na envelope sa'yo," ani ko at inobserbahan ang bawat galaw niya.
"Po?" nanlalaki ang mga matang sambit niya at iwinagayway ang envelope sa ere. "Pero, ang nakalagay na pangalan sa huli ng letter ay galing sa'yo, Miss Mavis."
Hmm... So that's what it is... Napaisip ako. Ibinigay sa akin 'to ni Flare. Inisip ko ang sinabi niya kanina.
'I shall trust your words that you know the culprit.'
'I shall trust you on revealing his identity and caught him.'
I chortled and shook my head. That man... He put on a trap by using me. He got me.
Tumingin ako kay Joseph. If he, the man who put me in this situation, predicted already that this trap works, I would be quite amused.
"Joseph," tawag ko at nginisian siya. Nakatitig siya sa akin nang may pagtataka. This is gonna be interesting. "Ikaw ang pumatay kay Karl Thomas, 'di ba?"
Kumunot ang noo niya pero unti-unti ay nanlaki ito. 'Di nakaiwas sa paningin ko ang paghakbang ng paa niya, isang beses patalikod. Naibaba niya rin ang kanyang kamay sa kanyang gilid.
Nerbyos siyang tumawa. "H-Ha? Anong ibig sabihin mo, Miss Mavis? I would never commit any murder," sabi niya.
"But you did..." Humakbang ako ng isang beses at humakbang siya palayo. Hindi ko tinatanggal ni isang segundo ang pagtitig ko sa kanya. "... right?" Patuloy ako sa paghakbang paharap at siya nama'y patuloy na umaatras. "You killed him, right?"
"A-Ano na naman po ang sinabi sa inyo ni Pres at inaakusahan po ninyo ako sa hindi ko ginawa?" tanong niya. He stopped moving. His body looks tense. "Look, Miss Mavis, I'm just here kasi sinabi mo iyon sa confession letter mo. I don't want any misunderstandings here."
"Oh... There are no misunderstandings going on here, Mister Walter," sambit ko at patuloy pa rin sa paglalakad patungo sa kanya. Ang ngisi sa labi ko'y hindi pa rin napapawi, bawat hakbang ng aking paa'y bumibigat, at ang aking titig ay lalong umiinit. "I'm just here to tell the truth."
"H-Ha?" naguguluhan niyang tanong. Napasigaw siya nang mabilis na inisang hakbang ko ang malaking pagitan naming at hinila siya sa kanyang necktie palapit sa akin.
"I'm not the one who sent the confession letter," sabi ko at saka inagaw ang envelope sa kanya. Lumayo ako habang binuksan ang confession letter. Binasa ka iyon:
"I accept your proposal to be yours. I wish that we could last long until the moment of our lives to be a lifetime. I'm already yours, my beloved.
From your soon-to-be beloved, Mavis."
I cringed. Seriously?! Sa dinami-dami ng mga salita, this is his chosen words to play for the trap?! I crumpled the letter with the envelope and throw it on the floor. I'm pissed. I will give my revenge later on you, you Sherlock addict.
Humarap muli ako kay Joseph nang may ngiti sa labi at tinaasan-baba siya ng tingin. Napansin ko ang mga mata niya ay nakatingin sa ibang direksyon. Maybe, on the crumpled paper. "Let's say I really did confess my love for you." Napatingin siya sa akin nang magsimula ulit ako magsalita. "Would you want my confession and take our relationship to the next level?"
Ang mga mata niya'y akala mong inosente ay biglang nagliwanag. I narrowed my eyes. Bingo. You're caught.
"Kaya 'huwag ka nang magpanggap pa. I know you are my stalker, Joseph Walter." Nawala muli ang kislap sa mga mata niya. He really deserves an Oscar award for acting. "I know you're also the one who killed Karl Thomas."
His eyes suddenly looked at me with no emotions. He looked down. I thought he will give up pero nakita kong gumalaw ang kanyang balikat at nakarinig nang isang mahinang tawa mula sa kanya. Tinaas niya ang kanyang ulo at tumawa ng malakas.
Baliw ba 'to?
Malawak ang ngiti sa kanyang labi nang huminto siya sa kanyang pagtawa at lumingon sa direksyon ko. Ibang-iba ang aura niya. Hindi na ang ma-ala-inosente na akala mo'y hindi siya sangkot sa kaso.
"You found out? Ah~ Plano ko pa naman sanang hindi ma-reveal ang identity ko," sabi niya at napakamot sa kanyang ulo. Tinanggal niya ang makapal na nerd glasses sa mata niya at binato iyon sa sahig para lang apakan. "Tch. I'm sick of acting all nerdy in front of that guy. Who cares kung detective siya," he muttered pero rinig ko ang bawat salita niya.
So, this is the real Joseph Walter? Ang layo sa nakita ko kanina.
Tumingin siya sa akin nang may demonyong ngiti. "Hi there, Mavis," bati niya at humakbang papalapit sa akin. Hindi ako gumalaw ni isa mula sa kinatatayuan ko hanggang sa makalapit siya. "You're mine now," anunsyo niya habang nanlalaki ang mga mata at mas lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
The nerve of this man para angkinin ako. Halatang may binabalak pa sa aking masama.
I looked at him with death glares. "I'm no one's property. I'm not yours and I'm not born to be yours," anunsyo ko sa kanya at puwersang tinanggal ang kamay niya sa balikat ko nang hindi nag-aalis ng tingin sa kanya. "I'm here to just confirm. Ikaw ang stalker ko and I'm your target."
"And my target is here. And now, you will..." Ang ngiti niya ay nawala na sa kanyang labi pero ang baliw na pagtingin niya sa akin ay nando'n pa din. Ibinalik na naman niya ang kamay niya sa'king balikat. "...become mine."
"Let go," matigas na sambit ko sa kanya.
He tilted his head with a reply, "hm?"
"Let go," pag-uulit ko. Hindi niya ginawa ang sinabi ko at kinilig pa. Ah, gano'n. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at walang kahirap-hirap na binali ang kanyang pulsohan. Narinig ko ang pagsigaw niya at napaupo siya sa sahig. Umupo ako sa harap niya para magkasing-level kami. Kita ang takot sa kanyang ekspresyon nang lumingon siya sa akin. "I told you to let go but you didn't do it." Ngumisi ako. "What do you want me to do next? Break your arms..." I glided my fingers to his arms. "...break your hip bones..." I trailed down to his hip bones. "... or... oh, right!" I trailed down his knees and grabbed it hard. Rinig ko ang pagsinghap niya at maluha na ang kanyang mga mata. "Should I break your legs so that you can't move anymore para i-stalk ako?"
"Huwag po," nanginginig niyang sambit.
Aba'y ito nga namang lalaking 'to. He really deserves an Oscar award for acting like a victim.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya hanggang sa tila isang sinulid na lang ang pagitan ng mukha namin. "Hoy. Ako ang biktima dito. Huwag kang mag-victim act ha? I deserve to get revenge. Paano ka nakapasok ng dorm ko ha? I also know who assists you in doing the confession letters. Ginamit mo ang R.V. initials, 'di ba? Para ma-kontrol si Karl Thomas at sumunod siya sa lahat ng gusto mo? Your assistant gave you a high boost on that."
"I did that because I was in love at first sight to you!" sigaw niya sa pagmumukha ko. Buti nakaiwas ako sa bigla niyang paglapit. "Ginawa ko iyon dahil mahal kita sa unang tingin pa lang... Pero... Pero ang Karl Thomas na 'yon... Sinabi niya ang lahat... lahat... Lahat! Lahat doon sa detective na 'yon! At nandoon ka pa kasama niya! How dare he stole my woman! Ako ang nauna kaysa sa kanya!"
Napairap ako. What is he? A child? Parang kasi nasa harapan ko ngayon ay parang nagmumukmok na bata.
"So, I killed him... I killed him... I killed him na may tulong ni Leo..."
Napakunot-noo ako. "Leo?"
"Leo helped me para patayin siya nang hindi napapansin ng iba noong gabing 'yon. Leo helped me to kill him! And I did! Haha! I did it!" sabi niya at tumingin sa akin nang may ngiti sa labi. Ikinasasaya niya talaga na napatay niya si Karl. "And now, I get to see you." Lumambot ang ekspresyon niya pero bigla siyang nagalit. "But that guy! 'Yong Sherlock Holmes ng university na 'to, sinira niya ang plano ko! Sinira niya lahat! Ginamit ka lang niya para atakihin ako! Ginamit ka lang niya!"
Napabuntong-hininga ako. Right. He used me pero gusto ko rin naman dahil gusto ko, ako ang magtapos ng kaso and he trusted me on the finale.
"First, you will be arrested on killing someone," sabi ko sa kanya at hinawakan ang damaged niyang mga kamay para hindi siya makagalaw. Napangiwi siya kahit na hindi ko binibigyan ng pressure ang damaged na mga kamay. "Second, 'wag mong isisi kay Flare ang pagfi-figure out. We both investigated. I helped him. He helped me. So, stop pointing. And lastly..." I gave a little pressure to the damage at napaigik siya sa sakit. "... don't come near me again. I hate stalkers. Especially, ang nagtatago talaga sa likod ko kahit na nandiyan lang sila. Mali ka ng ni-stalk, Joseph Walter. Hindi ka na makakatakas ngayon."
"I-I will call my brother for help to kidnap you!" sigaw niya sa'kin. "I'm sure na tutulungan niya ako!"
Tumawa ako. "Not happening," tanggi ko.
Nawala ng kulay ang kanyang mukha. "Ha?"
"Your brother will not help you," seryoso kong sabi sa kanya. "He gave me the look kanina sa opisina. He doesn't care about you being arrested."
"No... No..." Ano mang oras ay mababaliw na si Joseph dahil sa sinabi ko. Malaki ang mga matang nakatingin sa akin at panay ang lunok ng kanyang laway. Nanginginig ang kanyang mga labi at ramdam ko ang paglamig ng kanyang mga kamay.
Napabuntong-hininga muli ako. "So, just turn yourself in. Mas makakabuti sa'yo kung hindi ka tatakas."
-***-
Nasarado na ang kaso tungkol sa stalker ko at ang paghahanap ng killer sa pagkamatay ni Karl Thomas. Naibigay na siya sa mga pulis at na-inform na rin sa kanyang pamilya ang nangyari.
"Hindi ko pa rin expect na siya ang pumatay kay Karl. Ang bait kaya niya," ani Friar habang pabalik kami sa classroom para kunin ang mga gamit namin.
"Personalities are just images. It doesn't define your real image," komento ni Flare habang nakasandal sa frame ng pintuan dala-dala ang kanyang bag.
"Like you," komento ni Lucas sa kanya. Nagbigay sila ng masamang titig sa isa't isa. "I didn't help you to this case. I just answered dahil si Mavis ang nagtanong. I would never help you."
"I could not also accept your request if you ever do that," sagot ni Flare sa kanya. They gave each other one last look before Lucas leave the room.
Lumabas na rin kami ng classroom. "Hi, Friar, Flare!" Napatingin ako sa direksyon kung saan ko narinig ang pamilyar na boses. "Oh. Hi, Mavis," bati nito sa akin.
"Ah... Hi, Yna," bati ko pabalik.
"Friar, Flare, you'll have training tomorrow. Lucas will be also with you," sabi nito sa dalawa.
"Oh. Bukas na ba 'yon? Eh 'di~ Hindi kami makakapasok ng school bukas?" sabi ni Friar.
Yna nodded. "Don't worry naman. Napa-excuse ko na kayo sa adviser ninyo."
"What type of training?" tanong ko sa kanila.
Napatingin sila sa akin. Friar tilted her head. "You curious, Mavis?" tanong niya.
"Don't mind telling her. She will be useless once she's informed about it," ani Flare.
Sinamaan siya ng tingin ni Friar. "Ah. Normal training lang. Parang tradition na ng pamilya naming once a week para makita kung gaano pa kami kalakas. Bakit? Gusto mo sumama?"
"Uh, Mavis, sa tingin ko hindi pwedeng sumama ang mga outside—"
"Oh, Mavis! Sasama ka sa training bukas?" pagpuputol ni Lucas kay Yna. Kita ang pagkislap ng mga mata niya sa distansya. Malayo kasi siya sa amin kasi nga ayaw niyang malapit kay Flare.
"Tradition? Normal training niyo ba is like gun aiming and firing, short-range 1v1 fight, bare-hand-and-foot battle saka physical training?" tanong ko sa kanila. "If you don't mind, pwede akong sumama do'n? I'm kind of bored." Nakatitig lang sila sa akin. "Uh... Something wrong..." Nakita kong napanganga si Friar at halatang malapit ng tumulo ang laway ni Lucas. "...with what I said?" tanong ko sa kanila.
"Ah, wala, wala," sagot ni Friar at umaayos ng tayo sabay ngiti.
Napailing-iling si Lucas at inayos din ang sarili katulad ni Friar. "Nothing, mademoiselle," sabi niya nang may banyagang tono.
"Uh, how did you know?" tanong ni Yna. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.
"Uh... Because that's my normal practice?" sagot ko sa kanila.
"HA?!" sabay-sabay nilang sambit.
"Interesting," ani Flare. Hindi nakaiwas sa paningin ko ang malawak niyang pag-ngisi at pagliit ng kanyang mga mata. "It's quite unusual for a woman to have those as 'normal' practice."
Napairap ako. "And a quite unusual for you na gumawa ng isang corny na letter para maging trap sa suspect," komento ko. Inulit ko ang nabasa ko sa papel kanina with matching 80's tone.
Nakita ko ang panlalak ng mata ni Flare at sinubukang takpan ang bibig ko pero tumakbo ako palayo sa kanya habang inuulit-ulit ang nakalagay sa note. Rinig ko ang pagtawa ni Friar habang si Yna ay nakakatulala kasabay nang pang-aasar na may halong pang-iinsulto ni Lucas.
This is the first case being closed with the detective that I've met at Ferris University. Yet, the question remains on one thing: Who is Leo?
###