Chereads / Project: Mystery / Chapter 1 - Chapter One: Anonymous' Letter (Part I)

Project: Mystery

MQWrites
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 23.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter One: Anonymous' Letter (Part I)

I am walking down the hallway as students keep on walking passed through me while talking with their friends or some sort of acquaintances. Some glances in my direction and murmured beside another. Some eyed me up and down.

Sa tingin ba nila isa akong magandang bulaklak na dumadaan para matitigan nila ako ng ganoong masinsinan habang dumadaan sila?

I've got no idea why I am here and why do I agree with coming here. Long story short, I transferred to this university because of some "issues" from my other school, and plus, my mom insisted me on transferring dahil mas maganda ang quality of education nila daw dito.

Huminto ako sa isang pintuan at napabuntong-hininga. "This is it," bulong ko sa sarili ko. I looked up and checked if it's the right room. Right, HUMSS 11-A. Bagong atmospera, bagong ako.

Or that's how my mom tries to imagine me.

Binuksan ko na ang pintuan at rinig na rinig ko na ang mga ingay na nagmumula sa loob. I got in and I find a seat beside a window. Unluckily, okupado na ang nasa pinakalikod so wala akong choice kung hindi umupo sa pangalawa sa harap na upuan.

"Hi." Napaigtad ako sa aking kinauupuan at napatingin sa babaeng nasa harapan ko. She has the same uniform as mine—dark blue blazer, assorted blue checkered knee-length skirt and long-sleeve undershirt. The only thing na pinagkaiba is the blue brooch in her right chest. "You're the new student, right?" nakangiti niyang tanong sa akin.

I stared at her. Is she... befriending me?

"Oh, I'm Friar Furrer by the way." Right, looks like it. Inilahad niya ang kamay niya sa'kin. "I'm the Vice President of the Senior Student Council and your classmate as well. Your name?"

Guess it is not bad to talk to her. "Mavis. Mavis Sherlia Throver," ani ko at tinanggap ang kanyang kamay.

"Nice to meet you, Mavis. If gusto mo ng tour sa buong school, don't hesitate to ask for my help."

"Thanks, pero nakapag-tour na ako when we got here for my application."

"Oh." There's a tinge of disappointment in her voice. Hindi ko naman gustong tumanggi but it's true. I took the tour with the dean when he offered it to me as I applied to Ferris University. "Sorry. How dumb of me. Mayroon pa lang isinasagawa na tour tuwing may mag-a-apply sa school. What school are you transferred from?"

Iyon na ang kanyang ikalawang tanong sa akin. "That's confidential," sagot ko sa kanya.

"I like you already," natatawa niyang sambit. Napakunot ako ng noo. May ngiti pa rin ang kanyang labi habang nakikipag-usap sa akin. "Last question. Can we be friends?"

Already? Never I imagine that someone will ask me if they would want to be friends with me in my first day in my transferred school. I ignored her and looked outside the window. Puro ulap ang nasa langit at wala ni isang ibon ang makikita rito. Napatingin ako sa orasang nasa taas ng blackboard sa harapan ng classroom. 7:56.

"Four minutes before the adviser comes in," she blurted out kaya napatingin ako sa kanya habang nagtatakang nakatingin sa kanya pero ginawaran niya lamang ako ng isang nakakasilaw na ngiti.

"Hindi ka nakatingin sa orasan," pagkokomento ko.

"Yep," aniya. Nakaupo na siya ngayon sa upuan na nasa harapan ko. I did not notice na doon pala siya nakaupo until now.

"How did you—"

"I just read you, that's all," sagot niya nang hindi niya pinapatapos ang gusto kong sabihin. I'm not a talkative person but this person seems to make me wanna talk with her. "So, can we be friends?" Napatitig ako sa kanya. Does she really just read me or she glances at the watch without me noticing? "Curious kung paano ko nakuha ang exact leftover time? Your eyes. That tells me that the time would be near 8 o'clock. As of sa 4 minutes, I just guessed it."

"Ha?" She guessed it? There's no way na ni-guess niya lang ang ganoong bagay! Tinitigan ko siya sa kanyang hazel na mata. Hindi ko mawari kung ano ba ang iniisip nitong babaeng ito. "Who are you?" mabagal na tanong ko sa kanya. Binigyan lang niya ako ng isang pilyo na ngiti.

Bigla kaming nakarinig ng isang malakas na lagabog galing sa direksyon ng pintuan. "Am I late?" tanong ng lalaking nasa pintuan. His hair is a mess. His necktie is still hanging loose on his shoulders with his blazer. Naka-unbutton pa ang dalawang taas na butones undershirt niya.

Nakita kong napairap si Friar sa harap ko. I remained silent and observed kung ano ang sunod niyang gagawin sa lalaki. I feel that she knew the boy. "No, you're not," sagot ni Friar sa kanya. Lumapit sa posisyon naming ang lalaki.

"Thank goodness. Akala ko late na ako," aniya sabay ng paghinga niya ng maluwag.

"Ayan kasi. Sinabi ko na sa'yo kanina na kailangan gumising ka na. Tumingin ka kasi sa oras," sabi ni Friar dito.

Tinaasan siya ng kilay ng lalaki. "Excuse me, ha? Sinubukan kong gumising 'no! Kaso nga lang hinatak ulit ako pabalik ng magandang dilag sa panaginip ko!"

"Oh, so that girl in your dream is important more than school? Sige! Bumalik ka sa higaan mo and put yourself back to sleep again para makita mo ulit ang 'magandang dilag' na sinasabi mo," aniya.

"I'm also late dahil may ginawa pa akong 'importante'," sagot pabalik ng lalaki. Napansin kong nakaayos na ang loose niyang tie at nakahawak doon ang kamay ni Friar. Are they arguing while fixing the boy's outfit?

"Anong 'importante'? Ah, oo, tama! Ang 'importante' na sinasabi mo is the girl in your dreams."

"You know what I mean!" sigaw niya

"And that's what you mean!" sigaw pabalik ni Friar.

Nakatitig sila sa isa't isa. Nakatayo na si Friar nakapameywang sa kanya habang ang lalaki ay nakatitig sa kanya pabalik. Ang mga mukha nila ay isang sinulid na lang ang distansya.

Great. First day of school in my new school and now, I'm seeing the first fight inside of it.

"And I think you two should both stop quarreling in front of me," reklamo ko nang maramdaman kong nag-iinit na ang kanilang away. Napatingin silang dalawa sa akin. My voice is not that loud to stop them but they still stop so that's kind of fine. "Kung gusto niyo mag-away, can you politely leave the room? And oh! Pwede naman magpa-request ng private room for lover's quarrel, hm?"

Tumitig sila sa akin. Walang masamang tingin na nakalahad kung 'di isang plain na titig. Seriously, anong ginawa ko? Parang may ginawa akong masama sa uri ng pagkakatitig nila sa akin.

"Uh, Fri. Who's that?" turo sa akin ng lalaki habang nakatingin kay Friar.

"That's the transfer student, Mavis. Hindi ka ba na-inform?"

Sinamaan siya ng tingin ng lalaki at tumingin sa akin. Binigyan niya ako ng isang ngiti. "Hi, Mavis. Name's Lucas. Lucas Freed but you can call me baby," aniya sabay wink. This man has no hint of any embarrassment left on his body, I'm sure of it.

Siniko siya sa tagiliran ni Friar at umiling-iling. "Don't take what he said seriously, Mav, but his name is seriously Lucas Freed. Iyon lang ang serious sa sinabi niya."

"Mavis," sabi ko. She replied a "hm?" with a confusing look at me. "Mavis. That's my name. Iyon ang itawag mo sa akin."

"Okay, Mav," nakangiti niyang pag-uulit sa nickname na ibinigay niya sa akin. Hinayaan ko na lamang siya. "Lucas is also the leader of the dance club sa Ferris University and part of the Senior Student Council as well."

"Yep. If you are interested in dancing, just come to my dance club, Mavis," sabi ni Lucas sabay wink ulit sa akin.

"Lucas Freed, kung makikipag-flirt ka lang sa ibang babae sa first day ng school, I could assure you na pwede kitang ipa-request na i-remove sa section na 'to at ilipat sa pinakamababang section ng HUMSS," pagbabanta niya.

Nawala ang nanlalanding tingin niya at napakagat sa labi habang nerbyos na nakatingin kay Friar. "P-Pero hindi mo akong pwedeng patanggal kasi Tito wants me too—"

"And that's confidential," pagpuputol sa kanya ni Friar. Confidential? About what?

"I apologize for the lack of perspective of these two in your own personal space." Napaigtad ako nang makaramdam ng malamig na dumampi sa balikat ko. His voice is deep. Dali-dali akong tumingin sa likuran ko. He is tall and has black, dull eyes. His hair is messy yet looks clean. He has the same brooch as Friar and... Friar? "Did I intrude you in your own mind palace? And I'm not Friar nor you're hallucinating. I'm just the half of the woman whom you first talked to."

"I did not say anything yet."

"But you will say if I'm a hologram of Friar or if you're hallucinating. Thank you for admiring my pass-through-generation's beauty but I will not accept such common compliment."

Narinig kong tumilansik ang bibig ni Lucas. "Fri, see you later. I'll just sit far from him," sambit niya at nakarinig ako ng papalayong mga yapak. The atmosphere darkens all of a sudden.

"Sorry for that, Mav. Hindi lang bati ang kapatid ko pati si Lucas," bulong sa akin ni Friar. "Anyways, let me introduce you to this man who surprised you. Flare Furrer, kapatid ko. Siya ang President ng Senior Student Council and also established the first-ever detective club among all universities."

Pagkatapos niyang i-introduce ang "President" ay wala itong ginawang kahit anong kibo o common "nice to meet you" greeting. He just stands there staring at me. Tumitig ako sa kanya pabalik.

"You're a victim," he muttered suddenly after a few seconds of staring at me. My eyes widened. How did he—Narinig ang biglaang pag-ring ng bell at kasabay niyon ay ang pagbukas ng pintuan ng room. Nagsiayos ng umupo ang aking mga bagong kaklase sa kani-kanilang puwesto at nagsimula na ang pag-e-explain ng schedules, starting introductions and book distributions.

-***-

Natapos na ang klase at nagsilabasan na sa classroom ang mga kaklase ko. Hindi naman nag-start ng mga unit lessons ang mga teachers kaya naman maaga kaming ni-dismiss ng lunch.

"Mav!" Naramdaman ko ang kanyang braso sa aking balikat at ang kanyang mabigat na katawan sa aking tagiliran. "Gusto mo sumabay sa amin mag-lunch?" aya niya sa akin.

Lumingon ako sa kanya at sa tinuturo ng kanyang hintuturo. There's Lucas waving at me with a smile. "Sure," sagot ko. Wala naman akong magiging kasama. It's a better option than nothing.

May biglang humatak sa akin at puwersang tinulak ako sa kanyang dibdib. "I shall take her to lunch with me," sabi ng humatak sa akin.

Nagtaas ako ng tingin at kaagad kong sinamaan siya ng tingin. "Sino may sabi?"

Binabaan niya ako ng tingin. "Me," sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Napabuntong-hininga ako at tinulak siya nang hindi pinuputol ang titigan namin. "First, I'm not going with you so don't go decide on your own." Narinig ko ang pag "oh~" ni Lucas sa likuran ko. "Second, wala tayong planong magkasama at hindi kita boyfriend so don't suddenly push me on your chest." Another extra sound effect ang narinig ko galing kay Lucas. Napairap ako. "And third, I do not know you. I met you just a few hours ago."

"You did also meet my twin sister and that smug a while ago as well," turo niya kina Friar at Lucas. Narinig ko ang pag-"boo" ni Lucas sa kanya. "No reason to hang out with them as well, aren't you, Miss Throver?"

"Have a point but it's my decision whom I will choose to be or not to be," sabi ko. Tumalikod na ako sa kanya at inaya sina Friar at Lucas na pumunta sa canteen.

"You're a victim," he muttered. Natulos ako sa kinatatayuan ko. He said that again. Hindi ako lumingon sa kanya pero binigyan ko siya ng sagot na, "I'll meet you later inside the classroom before class starts. 12."

-***-

"You're a victim.' Woo~ Bakit ba gustong-gusto ng lalaking 'yon na maghanap ng skeleton in the closet sa buhay ng iba ha?" ani Lucas habang naglalakad kami papunta sa locker section ng university. I told them that I needed to get a few things before going back in the classroom.

"Hoy, tigilan mo nga ang kapatid ko. Alam mo namang hindi niya mapigilan ang sarili niya sa mga gano'ng bagay," pagsisita ni Friar. Well, mukha namang isang Sherlock Holmes enthusiast ang kanyang kapatid kaya ganoon na lang ang galawan.

"Here's my locker," I introduced. I don't know why, I just felt like I just need to. Bubuksan ko sana iyon pero napansin kong may kakaiba sa lock ng aking locker. It is a password lock with a keyhole on the side that you could reset the password. Mayroon siyang small scratches at naka-default ang password. Binuksan ko ang pinto ng locker ko. I pulled out a notebook at bago ko pa masarado ang locker ko, something caught my eyes.

Nakakita ako ng isang papel na nakasingit sa mga empty folders na naroon. Kaagad ko iyong hinila palabas at nanlaki ang mga mata ko nang hindi iyon isa sa mga folders ko. It's a freakin' big white plain envelope!

Nilukob ng kaba ang buong Sistema ko. Masama ang kutob ko habang pinagmamasdan ang envelope. It is just a normal envelope, right? Napabuntong-hininga ako, trying to convince myself na hindi ang iniisip ko ang laman ng envelope.

I slowly open the lid of the envelope with shaky hands and pulled out what's inside. There are three inside! Inilabas ko iyon sa envelope at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtuntunan ko kung ano ang mga iyon. There are pictures of me! A solo shot of me with my back facing the camera inside the classroom and a picture with Friar and Lucas eating in the canteen. I checked the back of the pictures in case na mayroong additional notes. In the back of my solo shot, there is one!

But no, it's not a note. It's a song lyric! Napakunot-noo ako habang binabasa ang song lyrics na nakalagay dito.

The note was scribbled like this:

"You know I want you,

It's not a secret a tried to hide,

I know you want me,

So don't keep saying our hands are tied.

You claim it's not in the cards,

The fate is pulling you miles away and out of reach from me,

But you're here in my heart so who could stop me if I decide that you're my destiny~."

I've been in love at first sight with you, Mavis. Please be mine.

-Anonymous

A confession letter on the first day of my school and a stalker in disguise by the name of Anonymous?

Isang nakakapangilabot na excitement ang naramdaman ko sa buong katawan ko. This is just like the one I have been reading in my all-time favorite genre!

Nilagay ko sa envelope ang mga pictures at sinarado ang aking locker. Ni-lock ko iyong mabuti bago ako lumapit kina Friar at Lucas na napansin kong nakaupo sa isang malapit na bench.

"Hey," tawag ko sa kanilang dalawa. Tumayo sila at tinago ang kani-kanilang cellphone saka bumati pabalik.

"Tapos mo na kunin ang kailangan mong kunin sa locker mo?" tanong ni Friar.

Tumango ako. Nag-aya na siyang bumalik pero pinigilan ko siya. "What's wrong, Mavis?" tanong ni Lucas.

"I need you two to go alone," sabi ko sa kanila.

"Ha?" nagtatakang tanong ni Lucas.

"Wait, ano?" Napailing-iling si Friar at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "What are you saying all of a sudden? Ikaw ang nagsabi kay Flare na magmi-meet up ka sa kanya ng 12. Now, you're saying that... we should go alone? Both of us? But why?"

"This." Pinakita ko sa kanila ang white envelope. "This contains something I should investigate on my own."

"A file? Sa first day ng school natin, may file ka na agad na nakuha? I am not informed by the SSC about this," aniya.

"Come on, Fri. Hindi 'yan galing sa SSC office 'no. That's a confession letter. Tama ba ako, Mavis?" tanong ni Lucas.

Tumango ako at binalik ang tingin kay Friar. "That's why I needed you to inform Flare that I could not meet him. Anonymous ang nagpadala ng letter."

"Mas delikado ang gagawin mo, Mavis. Kailangan mo ng tulong. Right, let my twin brother take this as his—"

"No," pagtanggi ko sa kanya. Tinanggal ko ang mga kamay niya sa mga balikat ko. "I need to do this on my own."

"No," pagtanggi niya.

"What?"

"No," pag-uulit niya. Hinawakan niya ako sa pulsohan ng sobrang higpit. "Pupunta tayo sa kanya. Sa iisang taong kaya kang matulungan sa kasong ito." Ngumisi siya sa akin. "And I will force you to follow me, Miss Mavis Sherlia Throver."

Wala akong nagawa kung hindi hayaang hatakin niya ako papuntang classroom kasama nila. Noong nakapasok na kami, kaagad kami isinalubong ng kanyang kapatid ng isang malamig na titig.

"You're three minutes late," reklamo niya pero hindi iyon pinakinggan ni Friar at sabay lapit sa kanya habang sabi, "Look at this, Flare." May ibinigay siyang white envelope dito. Teka, white envelope?

Napatingin ako sa aking kamay at noon ko lang napagtanto na wala na pala sa aking mga kamay ang white envelope. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Friar. "Paano mo—"

"She snatched it fast," pagpuputol sa akin ni Lucas. "That's my baby girl." Lahat na lang ng babae siguro considered niya as baby, pati si Friar tinawag na baby.

Hindi ito narinig ni Friar at patuloy ang pakikipag-usap sa malamig na istatwa—Ay, hindi pala estatwa, malamig na nilalang lang. Ewan ko kung tao siya eh. He just looks like a walking corpse. Not a zombie either, just a different kind of corpse.

Kumunot ang noo ni Flare at lumingon sa akin. "Where did you get this?"

"Sa locker ko. May kukunin lang akong gamit then I notice that. Plano ko siyang imbestigahan mag-isa so can you please give it back?" sagot ko nang nakalapat ang kamay sa kanya.

"No, Mav. Kailangan mo ng tulong ni Flare," pagtanggi ni Friar sa aking kamay at lumingon kay Flare. "Right?"

Flare ignored him and walked towards me, stopping on his tracks when there's a little distance between us. Nakataas ako ng tingin sa kanya habang siya'y nakababa ang tingin sa akin. Hawak-hawak niya ang white envelope sa kanan niyang kamay. His hands are wide so the pictures are also been held with the same hand.

Nagkatitigan lang kami sa isa't isa. I don't like this kind of atmosphere between us. He is towering me. May kung ano sa atmospera niya na kakaiba kaysa kina Friar at Lucas. It is more tense and heavy. Feeling mo ay china-challenge ka niya. Like he wants you to get down on your knees.

Pero hindi ako nagpatalo sa atmospera niya at humakbang ng isa sa direksyon niya. Hindi siya umurong kaya naman halos dumikit na ang mukha ko sa kanyang dibdib. Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatitig ko sa mga mata niya.

"Give the white envelope back," pangunguna ko sa pagbubukas ng pakikipag-usap sa kanya, ni isang kurap ay hindi ko ginawa sa pagtitig sa kanya.

Kumurba ang gilid ng kanyang labi. Nagkaroon ng kislap ang mga mata niya. "Interesting," he muttered. Itinaas niya pa ang white envelope sa ere habang nakatitig sa akin. "Take it then. I dare you." It's no doubt, he's challenging me. "If you get this, white envelope to me, I would leave you on solving the case you want to solve yourself."

"Flare! Hindi mo pwedeng hayaan si Mav na—"

"Miss Throver wants to solve this case by herself," pagpuputol sa kanya nito. Nawala ang ngiti niya nang sinabi niya 'yon at lumingon kay Friar. "Don't interrupt. This will be a fair game for both of us."

I heard Lucas scoffed. "A game? This? What are you planning, Flare?" malamig niyang tanong rito.

Lumingon sa kanya si Flare. "I don't want to hear your words, Freed," malamig nitong ani dito at lumingon muli sa akin. "So? I dare you to take it."

Napatingin ako sa white envelope. It is above my own height. Matangkad din kasi siya at mahaba ang mga bias so it's possible to take the envelope pass my height pero hindi imposible para makuha ko.

Lumingon ako kay Friar. Nag-aalala siya sa akin. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago muling iginawad ang tingin sa white envelope. Napabuntong-hininga ako at tumalon ng buong makakaya ko para abutin iyon ngunit hindi ko inaasahan na tinaas pa niya ng mas malayo ang envelope.

"Can't reach it, can you?" May naglalarong tuksong ngiti sa labi niya habang nakatingin sa akin. Sinusubukan talaga ako ng lalaking 'to.

"Shall we call this quits now, Mister Furrer?" sabi ko sa kanya.

"Why should I consider it to call as quits, Miss Throver?"

"That envelope is mine. Give it back."

"Words could not give it back. Actions do so, however."

Lucas snorted. "Again with the philosophical wisdom you have. Hindi mo forte ang ganyan. You lied down low, Flare."

"Lucas, can you just shut up for a moment, please?" rinig kong bulong sa kanya ni Friar.

Hindi ko pa rin inaalis ang titig ko sa kanya. He's really challenging me in a cunning way. "If I could take the envelope, you would not interfere with the case?"

Nagkibit-balikat siya. "That depends, song thrush."

Napakunot ako ng noo. "Song thrush?"

"That's the meaning of your name, Mavis. Song thrush."

Napairap ako. May gana pa siyang pangaralan ako tungkol sa meaning ng aking pangalan. Bumalik na naman ang kanyang nanunuksong ngiti at nakakagambalang tingin.

"Hey, guys. Sa tingin ko, pwede naman talagang matapos ang kaso kapag nagtulungan kayo?" sabi ni Friar.

"No!" sabay naming sambit ni Flare.

"Hindi ko kailangan ng tulong niya," turo ko kay Flare. "I could do it by myself." Kaagad akong tumalon. Pansin kong itinaas niya muli ang envelope ng mas mataas sa abot ko kaya naman humawak ako sa kanyang balikat, nag-hand stand, nag-twist at ni-lock ang kanyang braso ng binti ko at kinuha iyon sa kamay niya.

Rinig ko ang kanyang mga dinaing nang makababa ako mula sa kanya. Lucas whistled and I also heard Friar's "whoa~" impression.

"Never thought you could do that," reklamo niya at dumaing pa rin. "You almost broke my arm, song thrush."

Lumingon ako sa kanya habang ipinakita sa kanya ang hawak-hawak ko nang white envelope. "Don't underestimate song thrushes sometimes, sudden light blaze," sabi ko nang may ngisi sa labi.

Sinamaan niya ako ng tingin. "You are lucky I went easy on someone like you," aniya.

"Just tell her na talagang hindi mo inaasahan ang atake niya. She caught you off guard. You're really getting low, Flare," tukso ni Lucas sa kanya.

"I don't remember that I want your reply for my commentary, Freed," malamig na sabi niya rito.

"Uh, so ano na ang mangyayari?" tanong ni Friar. "Hindi mo na ba tutulungan talaga si Mav sa kaso?" tanong nito kay Flare.

"The game is fair. She retrieved her envelope, then I would not take her case as my case so the deal between us is totally off, sister," sabi ni Flare sa kanya.

"One condition," sambit nito kasabay ng pagtaas ng isang daliri. "Go with her for protection."

"No, thank you. I could handle myself just fine," pagtanggi ko sa kanyang offer.

"Sure. Just for protection. I will not help her through the case," pagpayag ni Flare sa kanyang kapatid. Hindi ba niya narinig ang sinabi ko? Humarap sa akin si Flare at inilahad ang kanyang kamay habang nakatitig sa mga mata ko. "Meeting you is one of the pleasures I did. Hope we could have better experiences with each other as acquiantances. Flare Furrer is my name, the Sherlock Holmes of Ferris University."

And this is how my temporary journey starts with the pathetic Sherlock Holmes of Ferris University.

###