"Mahal pa kita."
I was reading the chat of Harold when I woke up to check if I have reads again. Binago ko na rin ang pangalan ng story ko dahil parang ang pangit pakinggan ng 'The Mystery Love' tapus puro kaso ng detectives ang nasa kwento.
To: Frith Castillo
Ok? So ano?
Umirap ako nang ilipat ko ang Messenger papuntang Wattpad. Wala akong pakialam kung mahal pa niya ako o hindi. Inisip ba niyang may chance pa siya sa akin?
He's trying so hard until now even though I told him last week to stop bothering my love life. Kung hindi pa siya titigil, masasabihan ko siya ng mga masasakit na salita. I will ruin my own image in front of him para lang tigilan niya na ako.
'Enigma's Treasure'
Reads - 910 reads Votes - 42 Parts - 23
"Ang dami na," sabi ko nang makita ang reads ng story ko. I took a screenshot of it and sent it to Ellenie with a message of 'road to 1k na this!'. Tulog pa naman siya at naka-off ang data niya sa cellphone kaya hindi niya alam na nag-chat ako sa kanya.
Bumangon ako at inayus ang higaan ko bago ako pumunta sa banyo para maghilamos. Ang sakit sa mata ng muta. Nagpunas ako ng mukha at bumalik sa kama para tignan kung sino ang magcha-chat sa akin. Napairap ako nang makita kung sino ang nag-pop sa notification ko.
From: Frith Castillo
I'll court you again, Ellaine
Napahilamos ako sa mukha ko sa inis. He really has the nerve to push himself to me again, huh? Kaunti na lang ang natitirang pasensya sa akin at hindi na tunay ang nararamdaman ko para sa kanya kaya ayoko na.
Mga kilig na lang 'to sa mga nagawa niya dati at sa mga ginagawa niya ngayon pero wala na ang dating pagkagusto kong makasama siya hanggang dulo. He left me. I gave him my chances. I let myself chase him when he's liking other girls. Naging tanga ako. Ayokong maging tanga na naman ako.
To: Frith Castillo
Tumigil kana.
From: Frith Castillo
Pumayag si tito
To: Frith Castillo
wala siyang sinabing oo sayo
sa pagkakaalam ko.
hinayaan niya akong magdesisyon
and it's a no. hindi na ako pumapayag
From: Frith Castillo
I'll still court you, Ellaine
To: Frith Castillo
ano ka? obsessed?
i have someone i liked now!
tigilan mo na ko pls lang!
From: Frith Castillo
wala na ba talaga, ellaine?
Muli na naman akong napahilamos at napailing. It's too much for me. I felt bursting in anger. Hindi niya ba talaga ako titigilan?
To: Frith Castillo
pls just fucking stop! hindi na
kita gusto, ano pa bang gusto mo?!
From: Frith Castillo
Akala ko ba itry ko? Ibig sabhin
may pag asa pa ako
To: Frith Castillo
sab ko lng itry mo, but now im
telling u to stop so stop. wala na tlga.
it's been 3 months nang sabhin mong
mahal mo pa ako and thank u for
loving me pero i am not the same, free.
pinapalaya na kita, dati pa so pls do
me the favor na palayain mo rin ang
sarili mo.
From: Frith Castillo
pero ellaine ikaw ang pangarap ko
Mapait akong ngumiti habang binabasa ang sinabi niya. Pangarap niya ako? Wow, ngayon ko lang nakitang ganito siya magsalita. Gustong gusto niya talagang bumalik ako sa kanya 'no?
It's too late. He fell first and I fell harder but he left and I moved on. Now, he's falling harder while I have already forgotten my feelings for him.
To: Frith Castillo
lahat naman kayo pangarap ako.
Totoo namang pinangarap nila ako...Pinangarap na iwanan.
From: Frith Castillo
sinong hindi mangangarap sau?
ang ganda mo at mabait ka
To: Frith Castillo
yun lang?
From: Frith Castillo
Tanggap naman kita kahit ano
ugali mo, mabait ka naman
Lahat naman sila sinabing tanggap nila ako. Nung nagpakita na ako ng pangit na ugali ko, wala na. Sawa na raw at hindi na ako gusto. 'Tas pag nakitang tinatrato na ako ng tama ng isang tao, gusto nilang sa kanila ulit ako at aalagaan na raw nila ako ng tama.
But it's too late for them to give me the care I need. The care that they wanted me to feel after they left me. I am showing them my worst and they didn't want it so it means one thing to me...They're not truthful enough to want me as their girlfriend or marry.
Hindi ako pwedeng magpakasal sa hindi ako kayang kontrolin at tanggapin. Magkakasakitan lang kami. Wala pa namang divorce sa Pilipinas. Hindi naman ganun kadali 'yun.
To: Frith Castillo
just fucking stop, hanggang
kaibigan na lang talaga ang
turing ko sayo
From: Frith Castillo
ellaine pls give me a chance
baka mabago ko pa ang isip
mo
si jason ba ang gusto mo?
bakit siya?
mas matagal mokong nakasama
Uminit ang ulo ko ng mabasa ko ang mga chats niya. Tangina, ano naman kung mas matagal ko siyang nakasama? Sukatan ba 'yun kung sino ang pipiliin ko?
I can tell who's better for me at hindi siya 'yun. Ano bang problema niya at pinagpipilitan niya ang sarili niya sa akin? Iniwan niya na ako at nakapag-move on na ako sa kanya. Sana siya rin.
Pagkatapus kong tapusin 'to, hindi na ako magpaparamdam sa kanya. Mas makakatulong 'yun sa pagmu-move on niya.
To: Frith Castillo
your family loved me, free
and thank you for that pero
wala na talaga. hindi naman
ako ang bumitaw sa atin nung
una. naghintay ako ng ilang buwan,
hinihiling kong loko lang yun at joke,
pero hindi. pls let me go.
I like Jason. No, I think I am falling.
From: Frith Castillo
baka mabago ko pa ang nararamdaman
mo, ella, just give me a chance...last chance!
Kumunot ang noo ko. Saan niya nakukuha ang tapang niya? Hindi niya ba talaga ako titigilan?
To: Frith Castillo
I made it clear, didn't I?
Si jason ang gusto ko.
Siya lang ang kauna-unahang
lalaking hindi ko crinushback
lang para magustuhan ko, para
alagaan ako. Unlike both of u ni
Dylan so pls, hayaan mo na ako.
"Paalam, Free," ani ko habang tinitipa ang keyboard sa cellphone ko. Pinatay ko ang cellphone at tumingala para tumingin sa kisame, malalim ang iniisip.
Tumunog na naman ang cellphone ko at tinitigan ko lang 'yun habang nakakunot ang noo ko. Si Free na naman ba 'to? Kung siya na naman 'to, block na ang gagawin ko! Mabait pa ako sa hindi pag block sa kanya!
"I swear! Kung ikaw pa rin 'yan, Harold Frith Hernandez Castillo!"
Nanggigigil ako habang umiigting ang panga kong kinuha ang cellphone ko at binuksan 'yun. Huminga muna ako ng tatlong beses bago tinignan kung sino ang nag-chat sa akin.
From: Ligaw na Aso
good morning, love
Tumibok ang puso ko at nawala ang galit na nararamdaman ko nang makita ang chat na 'yun. Gago, baliw na talaga ako sa kanya!
To: Ligaw na Aso
good morning rin -.-"
From: Ligaw na Aso
what's our problem there?
why are you pouting?
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Bakit nagi-English siya ngayon? Anong nakain niya? Bakit 'pogi' typings siya?
To: Ligaw na Aso
hindi pa rin ako tinigilan kanina ni
y'know na.
From: Ligaw na Aso
busted na naman siya? ang lungkot naman
ng buhay mo, lai
To: Ligaw na Aso
oh, bakit ako?
From: Ligaw na Aso
mapanakit ka! ipaalala mo nga bakit ako nanligaw?
Napairap ako sa chat niya dahil naririnig ko ang boses niya habang sinasabi 'yun. Nang-aasar pa nga. Ipaalala niya rin sa akin kung bakit ko siya pinayagan?
To: Ligaw na Aso
dahil gusto mo ko
From: Ligaw na Aso
huh? pano mo nasabe?
hala, stalker!
To: Ligaw na Aso
hindi ako stalker
I switched Messenger to Facebook and search his name. Ngayon ko lang titignan ang Facebook account niya para lang i-screen record ang pag-search ko 'dun at i-send sa kanya as a proof kung paano ang pagso-stalk. When I saw his account and opened it, I immediately look in his 'about' and status.
'Jason Dela Rosa'
dios me dio a ti [eyg]
- Single
- Followed by 1,208 people
- Joined November 2018
Tumaas ang kilay ko ng mabasa ang nasa status niya. Single? Ready to mingle ba siya? Ready naman akong lumandi sa kanya kahit hindi ako marunong. Tsaka, 'followed by 1,208 people'? Famous pala ang manliligaw ko? Hindi ako na-inform.
His profile picture is him standing and not looking at his left side while both of his hands are in his pockets. He's wearing fake piercings, a watch, black slacks, a black belt, white sneakers, and a long sleeve white polo which is tucked inside the black slacks. His profile picture is private.
Ang daya, i-save ko sana.
I scrolled down and saw his pictures. It was publicized and girls keep commenting.
'taken na ba dis? akin na lang!'
'mine, poging matangkad'
'basketball player rin, mine'
'new crush unlocked'
Napangisi na lang ako sa mga nababasa kong comments. Puro tungkol sa kapogian niya ang comments nila. Ang dami ring nagma-mine pero natatawa na lang akong mag-isa. Hininto ko ang pag-screen record at ini-send ang video kay Jason.
From: Ligaw na Aso
what's that, sis? why anjan akes?
Napairap ako sa tawag niya sa akin. Gumamit naman siya ng 'bestie' typings ngayon.
To: Ligaw na Aso
eg ng isang stalker
From: Ligaw na Aso
eg?
woi bakit nasa comment ka?
nagbabasa ka no? selosa!
To: Ligaw na Aso
exempli gratia = for example
hindi ako selosa!
I sent my message with an 'annoyed' emoji.
From: Ligaw na Aso
ahhh asar!
He sent it with a 'closed one eye and stuck out tongue' emoji. I sent an 'annoyed' emoji again. Nakakaasar naman talaga siya!
From: Ligaw na Aso
pero bakit ka nagbabasa?
To: Ligaw na Aso
natatawa ako sa mga mine sau
star pala tlga ang nanliligaw sakin?
From: Ligaw na Aso
mukha at height ko lang gusto ng
mga yan
To: Ligaw na Aso
gwapo mo kasi
magaganda naman ang mga choices
mo sa kanila oh. bakit ako? may
consistent kang fan tas feeling ko sikat
rin
From: Ligaw na Aso
sino?
To: Ligaw na Aso
Kharyl Guinevere
From: Ligaw na Aso
That's my cousin
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napa-stalk ako bigla sa account ng babaeng nakita ko na nag-comment ng 'mine' rin. Her profile picture is in public and she got 2, 510 followers. Tama nga ako, sikat. She's studying in Bataan National High School and her status is single. Wow, single pa siya sa ganda niya?
I clicked her picture and it surpassed 250k reactions. Gaano ba siya kasikat? May naliligaw ring mga taga-ibang lugar sa profile niya. She's not looking at the camera and was just showing her back. She's stunning in her white dress as the strap of it crisscrossed on the back, making her backless, and her long hair curled with pins. Also, her hair was draped on her shoulders making her hair a little messy.
To: Ligaw na Aso
sikat to? artista ba to?
From: Ligaw na Aso
sikat pero hindi artista,
magaling lng mag-ayus.
ako ang nag-picture sakanya diyan,
kasing-edad natin yan.
bday yan ng kamag-anak namin.
en grande ung theme eh kaya yun
din ang suot ko sa pic ko
Napaawang ang labi ko at nag-stalk ulit sa timeline ni Kharyl Guinevere. Nakita ko ang recent pictures niyang kasama si Jason. Para silang mga artista sa gitna ng mga pinsan nila. I saved it and send it to Jason.
From: Ligaw na Aso
ano naman to?
To: Ligaw na Aso
mukha kayong artista
sa gitna nila, jal
From: Ligaw na Aso
pinagkamalan kaming magjowa
sa lugar na yan. magkaiba kasi
kami ng apelyido.
side ng stepfather
To: Ligaw na Aso
grabe magjojowa ako ng
sikat?
From: Ligaw na Aso
hahahaha you're not answering
me yet, lai. hindi mo pa ko jojowain
can i call?
Napakagat ako sa labi ko. Ang aga pa. Anong naisip niya para tumawag?
To: Ligaw na Aso
kunin ko lang ang earphones ko
Ngumiti ako bago ako bumaba ng kama para kunin ang earphones ko sa bag ko. Bakit naman kasi English siya nang English sa akin? Lalo siyang pumopogi. Bakit ba hindi siya 'With Honors'? Mukha naman siyang matalino.
Bumalik ako sa kama at ikinabit ang earphones sa cellphone ko bago siya pinadalhan na chat na 'okay na'. My phone rings and I answered it immediately. It's just a call so I don't need to show my face.
[Good morning.]
Napakagat ako sa labi ko. Kagigising lang niya kanina nang i-chat niya ako 'tas ngayon, tumawag naman at mababa pa ang boses niya. It's husky and...hot. Shit, nakakabaliw.
"Good morning," bati ko pabalik.
[Tangina...Ang ganda ng boses...] I heard him whispering before clearing his throat. [Yun...umm...Meron akong tanong.]
"Ano?"
I don't know why I am excited about the question. Maybe, I was happy he called 'tas umagang umaga pa. Hindi ko naman naranasan 'to dati dahil nahihiya akong may ka-call ako at hindi naman ako marunong sa pakikipag-usap.
[Bakit sinabi mong 'jojowain ko' kaysa 'manliligaw ko'? Lai, may plano ka na bang sagutin ako?]
Napakagat ako sa labi ko dahil sa tanong niya. Kinabahan ako bigla pero kasabay rin 'nun ang excitement na nararamdaman ko. Ayoko pang sagutin siya pero nagtatalo ang utak at puso ko para doon.
"Sorry, nadala. MU na kasi tayo," ani ko.
[Nadala ka sa kgwapuhan ko.] He laughed and teased.
"Ang kapal mo!" I pouted. "Pero parang mayaman si Kharyl, bakit sa BNHS lang nag-aaral?"
[Puro public pinasukan niya noong bata siya kaya itinuloy niya. Ayaw niya sa mga pang-mayaman. Hindi naman maarte si Kharyl.]
"She's pretty," sabi ko.
[Maraming may gusto sa kanya.]
"Halata naman, but she's single. Bakit hindi pa siya pumili sa mga nagkakagusto sa kanya?"
[Hindi ko alam. After ng first boyfriend niya, sunod-sunod na ang pakikipag-break niya at laging walang tumatagal sa kanya.]
"Oh, bakit?"
[Hindi ko rin alam.]
"I hope she will get the love she deserves. Katulad ko," sabi ko. Halatang naging play girl siya dahil sa naging first boyfriend niya at gusto kong malaman kung ano ang rason niya para doon. Flings? Talking stages na jinowa niya lang?
[Katulad mo? So, dapat gwapo rin? Ang swerte niya naamn kung duplicate ko!] pagmamaybang niya at napairap ako.
"Ang kapal mo talaga!" Nakakainis ang kayabangan niya! Pero totoo naman.
[Oo nga pala, Lai. Blocked na ba si Harold sayo? Iniistorbo ka pa ba niya?]
"Hindi pa. Hindi naman ako iniistorbo. Ayoko kasing maging masama kaya hindi pa blocked," sagot ko.
[Buti. Kung guguluhin ka, doon mo i-block. Ikaw ang bahala sa kanya.]
"Hindi ko na rin naman papansinin. Mas makaka-move on siya kapag ganun. I think infatuation na lang naman nararamdaman niya. It's not his past feelings anymore."
Masakit ang katotohanan pero 'yun ang totoo.
Wala na talagang mababalikan si Harold at hindi niya na rin mababago ang isip ko tungkol kay Jason. I like Jason and no one can change my mind.
[Lai, hindi ka na nagsalita.]
"A-Ah...sorry. Space out."
[Are you guilty?]
"H-Ha? Saan?" nagugulantang kong tanong.
[Sa pag reject sa kanya. Hindi ka pa rin moved on sa kanya 'no?] tanong niya. His voice was soft and understanding. Hindi niya ako inaangkin at tinuturing akong babaeng nasaktan na kailangangang pakinggan. Dylan never asked me this and I chose not to tell him. Alam kong magkakagulo lang kami dati dahil seloso siya.
"Naka-move on sa tao. Sa pain? Hindi pa. Nasa utak ko pa rin eh," ani ko. Lumunok ako bago muling nagsalita. "Same kay Dylan. Natatakot lang ako. Baka kasi bumalik rin 'yun. Ano ang gagawin ko?" tanong ko.
[Do you still like him, Lai?] tanong niya. Nag-isip ako at pinakiramdaman ang sariling puso. I can still tell that I still have feelings for him but it's fading away slowly.
"Pawala na."
[Eh, 'di maghintay tayong mawala ang feelings mo sa kanila. Liligawan pa rin naman kita. Madali lang mahintay sayo, Lai. Komplikado ka pero mas komplikado kung hindi kita iintindihin at hindi tutulungan sa pagmu-move on mo. I need to prove myself to you and that's what I will do.]
"Luma ng linya 'yan," pang-aasar ko pero totoo naman. Luma na sa pandinig ko 'yun. 'Prove myself' pa. 'Yung iba nga pagkatapus kang magustuhan at pakitaan ng 'the moves' nila, iiwanan ka rin kapag ikaw na ang nagkakagusto sa kanila.
I heard him laugh at the other end of the call before speaking. [Let's make it one of your standards then?]
Nahinto ako sa sinabi niya at tumibok ang puso ko dahil sa tawa niya. Tangina, bakit kapag tumatawa siya ang gwapo 'tas kapag ako na ang tumawa parang mawawalan na ng hininga? Ang unfair.
"Tse!"
[Kinikilig ka lang eh.]
"Hindi," pagtataray ko pero totoo namang kinikilig ako.
[Paniguradong namumula ka ngayon, Lai.]
"Hindi ah!" bulyaw ko.
"Oo, namumula siya, kuya!"
Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ko ang boses ni Elle. Kagigising niya lang at nakangisi sa akin habang naka-peace sign. Kanina pa ba siya nakikinig?
[Oh, 'di ba?] He teased.
"Tse!" singhal ko. "Hoy, kagigising mo lang, bunsoy?" Nilingon ko si Elle.
"Ah, oo. Nagising ako ng ingay niyo. Nagva-vibrate 'yung tanong ni Jason sa earphones mo. 'Yung tanong lang naman na sinagot ko 'yung narinig ko. Doon lang ako nagkaroon ng wisyo," sabi niya.
[Kuya ang tinawag niya sa akin kanina. Tama ba ako ng dinig, Lai?]
"Oo, tama ka ng rinig."
[Parte na agad ako ng pamilya ah.] He laughed.
Nakakagigil talaga ang tawa niya. Lalo akong nahuhulog. Sana naman saluhin niya na ako kahit hindi pa ako umaamin. Mahal niya na rin kaya ako? Joke. Huwag ganun. Hindi naman ako malandi pero bakit ang landi ko sa iniisip ko na 'yan? Ganito ba talaga kapag nahuhulog na?
"Swerte mo. Ikaw lang tinawag ni Elle na 'kuya'," ani ko sa tonong nagtatampo.
[Hindi niya kinuya sina Dylan?]
Alam kong kumunot ang noo niya sa sinabi ko dahil sa tono niya. Both of us are shocked. I was shocked when Elle started calling him 'kuya' when she didn't 'kuya' my past MU's. Mahirap siyang papiliin kung sino ang gusto niyang mapangasawa ko sa hinaharap at mapili rin talaga siya kaya nagulat rin akong may tinatawag na siyang 'kuya' ngayon.
"Hindi, ikaw lang," sagot ko.
[Woah...Sana all talaga ganun.]
"Anyways, kikilos na ako. Ang aga pa. It's 6:30 already, babe."
Ngumisi ako nang sabihin ko ang endearment at nanahimik si Jason sa kabilang linya, halatang natulala.
[B-Babe? Hoy, babae!]
"Bakit? Kinikilig ka?" pang-aasar ko.
[Hindi kaya, Lai.]
"Weh?"
[Um...Oo, kinikilig ako...mahal.]
I froze. Bwiset na endearment 'yan, nakakakilig.
"Tse! Off ko na nga ang call!" bulyaw ko sa kanya.
"Hala, bakit ka namumula, Ella?!" sigaw ni Elle at sinamaan ko siya ng tingin. Ang ingay niya!
[Kinikilig ka?] He chuckled.
'Yan na naman ang tawa niyang nakakabaliw.
"Eh, ano naman?"
[Hays, napakilig ko ang maldita!]
Umirap ako. Nagyabang na nga. But he's right. Hindi naman ako kinilig sa iba. Hindi naman ako natutulala kaagad-agad kapag may sinabi silang mga banat. Hindi naman kasi bumabanat si Jason, nang-aasar naman siya. Hindi ko rin talaga alam sa sarili ko.
"Tse! Sige na, bye!"
He chuckled before letting me end the call. [Okay, love. Take care. Chat ka lang kung tapus ka na sa mga gawaing bahay. Kikilos na rin ako.]
I ended the call dahil masyado na akong pinapakilig ng lalaking 'to. He fixed my mood. Feeling ko kanina ay dead battery ako pero nung nakausap ko siya, bigla akong na-recharge. Masyado niya akong binihag sa mga ngiti niya at talento.
"Hoy, hindi ka pa tumayo diyan! Ang paalam mo, kikilos ka. Hindi tutunganga!" bulyaw ni Elle sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. Kapag kapatid talaga, ang galing nilang manira ng mga moments 'no? Tumayo na ako at tinanggal ang earphones ko sa cellphone bago 'yun inayus at nilagay 'yun sa night stand kasama ang cellphone ko. Sinuot ko ang tsinelas ko at inayus ng kaunti ang kama ko dahil medyo nalukot nung umupo ulit ako doon.
"Bumaba ka na pagkatapus mo ah," sabi ko nang lumingon ako kay Elle.
"Oo," aniya.
Lumabas ako ng kwarto namin at bumaba para tumulong. Mabilis lang ang isang buwan. Nalaman ko ring wala na sina Lourine at Dylan dahil tinapus na raw ni Lourine lahat. She spilled the tea to me when she got a time. Nasawa na rin siya sa puro five minutes ni Dylan at sa inuugali sa kanya. She tasted the medicine I intake before.
Kung natitiis ko ang kapaklaan ng gamot na 'yun, pwes naiba siya dahil niluwa niya 'yun. Mas ayus 'yun kaysa maging tanga siya katulad ko. Iniinom ko lagi ang bittersweet na gamot kahit alam kong hindi na kaya ng puso ko hanggang sa ang gamot na mismo ang nagpasuka sa akin.
Hanggang ngayon, wala pa ring alam ang iba na nililigawan ako ni Harold pwera sa tropa ni Dylan. Sa kanila lang sinabi ni Dylan ang nalaman niya. Jason's story about his talk with Dylan after the recognition ended there. Siguro mas gusto niyang sarilihin muna ang mga napag-usapan nila. I didn't bother to ask more of their talk. That's their privacy and I respect that.
lizaroque: Good afternoon 8-Cattleya, pakisabi po sa mga parents/guardian may meeting bukas 9 am, lahat po dapat umattend. Salamat po.
My notification sent me that message from our class group chat. Pinag-send kasi kami ng mga numbers ng mga magulang namin at hindi namin alam kung para saan gagamitin 'yun until I read the next chat from Dylan.
kzkden.lacruz.1: Mam @ Lisa Roque bat po mawawala ang junior? mam papanu yun hirap naman nun mawawala ang junior
He sent three 'crying' emoji after his messages. Kumunot ang noo ko dahildoon. Mawawala ang JHS? Anong ibig niyang sabihin?
lavin24: @ Dylan Dela Cruz junior high ang mawawala?
kzkden.lacruz.1: oo paps
lizaroque: Wala akong rights mga anak para magbalita po, sana po makapunta bukas, sama din kayo sa mga parents niyo nak
Nag-ingay na sila ng matindi sa GC pagkatapus sabihin ni Dylan 'yun. Kahit ako ay lumutang ang pag-iisip ko. Mawawala na ang JHS sa BHC habang nagsisimula pa lang kaming gumawa ng mga memories kasama ang section na 'to? Lord, sana huwag naman oh. Patapusin niyo po muna kami ng JHS. Tsaka niyo na tanggalin kapag natapus na kami at ang lahat ng nakapila pa sa likuran namin.
The day of the meeting comes near and near, and I am pretty much nervous. Paano na kami ni Jason? Kakayanin ko bang wala sila sa paligid ko? Paano kung plastik ulit ang buong klase namin? Mage-enjoy ba kami sa kanila? May magiging kaibigan ba kami sa kanila?
From: Ligaw na Aso
hi, love. how are u feeling?
Tinitigan ko ang chat ni Jason sa akin at nag-isip. Malalayo na siya sa akin. Paano kung magkagusto siya sa iba? Paano kung muling maulit sa akin ang ginawa ni Harold nang magkalayo kaming dalawa? Paano kung mapagod siyang maghintay sa akin? Paano kung akitin siya ng iba sa magiging school niya? Paano ako?
To: Ligaw na Aso
hindi ayus :<
i will miss u at nag-aalala
ako. baka mamaya may
magustuhan kang iba dun na
mas maganda sakin, mas
matalino. top one!
From: Ligaw na Aso
hahaha
nag-aalala ang prinsesa ko, nako
Hindi po ako ganun, Lai ko
Lai ko. That gave me butterflies in my stomach.
To: Ligaw na Aso
Di ba nandun ung dati mong elem
crush, ung 2 yrs tinagal? baka naman
gumanda na un! baka un na
patulan mo. ayieee!
From: Ligaw na Aso
past na siya, lai, kinalimutan ko na siya
hindi ako type nun
To: Ligaw na Aso
oo nga pano ka d naging type nun?
gwapo ka rin naman nung maliit ka
From: Ligaw na Aso
nasa lower section ako d ba? mas
mataas ang section nila kaysa sa
amin kaya alang chansa yon
To: Ligaw na Aso
pano kung ngaun meron na?
From: Ligaw na Aso
wala na po ikaw lang ang gusto ko
nag iisa ka lang, Ellaine Yezdaeca
Dela Rosa
Lalong nadagdagan ang bigat ng pakiramdam ko sa huli niyang sinabi. Alam kong pang-asar 'yun pero...parang bagay sa pangalan ko.
To: Ligaw na Aso
woi! wala pa ngang tayo tas
dinudugtong mo na last name
mo sakin? abnormal ka!
From: Ligaw na Aso
ang pangit ba? hihinto na ako kung
hindi bagay sayo, ayokong ligawan
ka kung hindi pala to date to marry
baka hindi tayo talo, hindi mo lang
sinasabi na dati kang lalaki ah? siga
mo, lai
To: Ligaw na Aso
hindi naman pangit
I sent that message without typing my next thoughts, Ang ganda ko naman maging Mrs. Dela Rosa.
To: Ligaw na Aso
tsaka, anong d tau talo? babaeng
babae ako no?! may female
reproductive system ako at boobs!
From: Ligaw na Aso
pader lang nakikita ko lagi sayo, lai
To: Ligaw na Aso
edi dun kana kay 2 yrs crush mo!
malaki hinaharap nun d ba? dun kana!
sus kasi kunwari kapa! panakip butas
lang ako dito. mga tipo mo malalaki
hinaharap, yung yumuyugyog
From: Ligaw na Aso
lai, ang tipo ko pader, hindi cocomelon
To: Ligaw na Aso
megacocomelon lang
Inasar ko pa siya nang inasar tungkol sa crush niya dati at nagsisimula na akong magselos sa sarili kong kalokohan. Samantalang siya, sinusuyo lang ako at hindi nagagalit. Nakikipag-usap lang siya ng casual sa akin nang walang halong kahit anong negative feelings.
To: Ligaw na Aso
hindi moko aawayin, jal?
From: Ligaw na Aso
bakit naman kita aawayin?
To: Ligaw na Aso
'cuz i keep mentioning her
From: Ligaw na Aso
Athena? Past na nga siya, mahal.
Pass na rin. Ayoko na sa kanya
Tsaka, ayus lang na gumanyan ka,
diyan ko nalalamang may gusto ka
talaga sakin ahahaha
Para akong baliw na nakangiting mag-isa habang nakadapa sa kama. Buti na lang, hindi dito tumambay si Elle sa kwarto. Kung hindi, kanina pa kami nagbabardagulan dahil namumula ako.
From: Ligaw na Aso
Kung matutuloy na mawalan ng
JHS dito, saan kang school?
To: Ligaw na Aso
BNHS ung nasa utak ko para mas madali
pero baka hindi pumayag parents so baka
ibalik kami sa SFCS o sa ibang private
school sa orion
From: Ligaw na Aso
ang layo mo naman, hard to reach, sis
To: Ligaw na Aso
ikr
I sent my message with 'glimmering' and 'nails' emoji.
From: Ligaw na Aso
basta, lai, hindi ako hihintong ligawan
ka kahit pa makita ako sa susunod mong
school, bibisitahin kita sa bahay niyo every
wednesday twice a month, ayus ba?
To: Ligaw na Aso
ayus na ayus!
I smiled before deciding to type again. Napaka-swerte ko naman sa kanya. Tama nga sila. Hahamakin ng pag-ibig ang lahat pero hindi pa naman ako nabubulag 'nun. I felt that my chase won't be over yet. I think it was reset for a better reason and I am willing to do anything for my chase again.
To: Ligaw na Aso
thank you, jal, my knight in shining armor