TW: Anxiety
R18
"Posesan niyo 'to!"
Valentine's Day at ang daming booths sa labas. Meron rin kaming dapat atendahan na mga seminars pero wala pa namang sinasabi sa aming umalis na kami kaya hindi pa kami kumikilos. Na-late rin ng pasok si Jason at sinabi niyang na-traffic siya pero hindi ako naniniwala. Ang imposibleng ma-traffic siya sa pagpasok sa school dahil malapit lang ang bahay nila. Ilang minuto lang ng byahe at pwede na siyang makapasok.
Gusto kong isipin na may binili siya para sa akin pero ayoko ring mag-isip dahil ayokong umasa. Hindi na ako umaasa dahil pare-parehas lang silang wala pang pambili ng pambonggahang bigayan sa akin sa Valentine's.
Pinusesan nila sina Mai at ang isang taga-ibang section sa SHS habang kami ay nakaupo lang ng matiwasay nang pati kami ay idamay na sa kalokohan ng booth.
"Itong sina Ellaine at Jason oh!" sigaw ni Lourine at inaya sina Ate Satine papunta sa amin. Napairap na lang ako nang mapagtanto kong booth na naman nila ang natapatan ko.
Noong MU ko si Dylan, sa booth rin nila ako napahita 'tas ngayong taon naman posesan ng compatible ang ginagawa nila.
"Masakit sa wrist 'yan eh!" reklamo ko.
"Arte mo, Ella! Ayaw mo bang maposas sa jowa mo kahit for one hour lang?" pagtataray ni Lourine.
Eh kung ibalik ko kaya 'to sa punso ng mga kauri niya? O kaya ibato ko na lang siya sa bermuda?
"Putek, eh masakit nga 'yan!" sigaw ko.
"'Te Satine, magka'no?" tanong ni Jason.
"40 para makawala. 80 kayo kasi dalawa kayo. Discount ko na lang, 40."
"Oh, bakit sa kanila discounted?!" reklamo ni Lourine.
"Aba'y syempre! Kasalanan niyo ni Dylan 'yan kaya wala kayong discount! Love ko kasi si Ellaine kaysa sayo!"
"Aray."
"'Te Satine, lumabas ka na," rinig kong sabi ni Dylan. Walang kaekspre-ekspresyon ang mukha niya at akala mong sinalo niya ang lahat ng sama ng loob ng mundo.
"KJ mo ngayon, Dylle. Broken kasi."
"Crush ka kasi," bulong ni Lourine sa akin.
"Woi, shh!" Pagbabawal ko.
"Hindi naman," singit ni Jason.
Inabot niya kay Ate Satine ang 40 pesos at lumabas kaagad si Ate Satine dahil ang sama ng tingin sa kanya ni Dylan. Binelatan niya si Dylan bago tuluyang lumabas ng room namin.
Nasa Grade 11 STEM A Room kasi kami ngayon dahil gagamitin ang room namin at iuusog ang mga divider. Events nga naman, estudyante ang maga-adjust.
"Ayiee~"
Dinig sa buong room ang hiyawan nila at hindi ko alam kung bakit kaya tumingin ako sa paligid habang kinakabahan. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan pero parang may nangyayaring hindi ko inaasahan. Kinalabit ako ni Jason at tumingin ako sa kanya. May hawak na siyang fake rose, isang lalagyan ng Stick-O, at isang lalagyan ng parang Ferrero na chocolate na nakalagay sa heart container.
"Hoy...Ano 'yan?!" tanong ko.
"Happy Valentine's Day," bati niya.
Hinampas ko ang braso niya at tumitig sa mga nakalagay sa arm chair niya. Tangina!
"Woi, sabi ko kahit huwag na!" bulyaw ko.
"A very special girl deserves a very special gift," aniya.
"Agassi Ching, 2019." At tumawa ako. "Pero woi, gagi! Hoy!"
"Para sayo 'yan," aniya.
"So...kaya ka late kasi...dahil dito?" tanong ko.
"Oo. Nagsinungaling lang ako pero pumunta talaga akong Vista kanina kasi naalala kong wala kang na-receive na ganyan dati kaya bumili ako. Worth it naman pagka-late ko, 'di ba?"
"Oo naman. Thank you, mahal!"
Inalog ko ang braso niya dahil ayokong yumakap at ang daming tao at alam kong alam niya 'yun. Bumungisngis ako habang unti-unting nagsi-sink in sa aking binigyan niya ako ng regalo ngayong February 14.
Mabilis ang tibok ng puso ko habang naririnig ko ang asaran sa paligid. Mas nananaig sa akin ang kilig sa bagay na 'to kaysa sa puro salita lang ang alam.
Kinunan ko muna ng litrato ang bigay ni Jason bago ko binuksan ang lalagyan ng Stick-O at kumuha ng isa 'dun. Dinagsa na rin ako nina Elle at Abi nang makitang nakabukas na 'yun.
"Penge!" sigaw ni Abi.
"Teka lang! Ako 'yung binigyan 'tas 'di pa ako nakakatikim, kumalma kayo! Para kayong mga gutom na leon!" reklamo ko.
"Sana all Stick-O! Ehem lang naman, ehem. Beke nemen," sabi naman ni Elle.
"Ah, talaga ba, Elle?" pang-aasar ni Abi at itinaas ang kilay niya.
Kumuha ko ng isang Stick-O bago ko sila binigyan. Pati na rin ang iba ay binigyan ko pwera kay Dylan. Hindi siya kumuha at hindi ko rin alam kung gusto niyang kumuha o hindi. Hanggang ngayon, nakakapagtaka ang pagtrato niya sa akin. Gusto niya bang hindi na ako makita? Kung oo, hindi pwede 'yun dahil magkaklase kami kaya nakikisalamuha ako sa kanya pero kung ayaw niya ay ayaw ko rin.
Sa mga sumunod na araw ay nag-aral kami at nag-praktis ng play namin para sa MAPEH kaso ay na-announce na magla-lockdown raw at na-cancel ang mga gagawin namin. Nag-group hug kami ng tropa at hindi na nagkahiyaan.
"Mamimiss kita," ani ni Jason habang yakap niya ako.
Ang higpit 'nun at parang ayaw pa niyang bumitaw sa akin. Hindi namin alam kung hanggang kailan ang lockdown pero sabi nila ay 2 weeks lang pero parang hindi kapani-paniwala 'yun.
"Happy Anniversary, love!" bati ko sa VC namin.
"Happy Anniversary, mahal," bati niya.
It was the 3rd year of my and Jason's relationship and nothing much changed. Nakaamin na rin kami sa mga magulang ko na kami na at hindi naging madali 'yun. We had ups and downs.
The worst fight that triggered my anxiety was in our 2nd year, December. Nakayanan ko namang kontrolin ang anxiety ko kaya hindi ako nagsabi sa mga magulang ko at kay Elle. When it worsens, I don't know what I should do. We talked about it and we managed to fix things. We lack communication even though we talk almost every single day. We lack communication about our feelings and we're not open to each other and that causes my anxiety. It was also the product of COVID. I was trapped and I cannot go outside.
"Nasagutan mo na 'yung sa stats and prob?" tanong ko.
"Oo, 'yung essay ko, nagawa mo na?" tanong niya.
"Hindi pa eh. Mamaya gawin ko."
"Ngayon na," aniya.
Nanikip agad ang dibdib ko nang marinig ko 'yun. That's also one of the things which trigger my anxiety and I told him that but...I don't know why he keeps saying that when I already told him about my anxiety.
"Mamaya," sagot kong nagkukunwaring matapang.
"Baka mamaya hindi mo na magawa."
Isa pa 'yan.
"Gusto mong hindi ko na gawin?" tanong ko.
"Sige, ako na lang. Nagagalit ka pa."
Pumikit ako nang sabihin niya na naman 'yun. Nag-pandemic lang, gumanito na siya.
"Jason, nagagalit ako dahil pinipilit mo ako at alam mong ayaw ko ng paulit-ulit sa akin nang gagawin ko naman."
"At pinapagpabukas mo naman."
"Hindi pa deadline niyan ngayon! Syempre, hindi naman tayo parehas ng section! May dumadagdag sa aming wala pa sa inyo, ano ba?!"
Nanggigigil na ako sa puntong 'to at hindi ko na alam kung paano ko pipigilan ang kamalditahan ko habang kausap siya. Three years at ang dami na naming napakitang masasamang sides namin sa isa't isa at parang kulang na lang sa amin ay magsama sa iisang bahay.
"At hihintayin mo pa ang deadline, love?"
Mahinahon ang boses niya habang tinatanong 'yun at hindi nakatingin sa camera na nasa monitor niya. Nakakainis. Napahilot ako sa sentido ko. He's not good at essays, I know but it's too much this time. Lalo nung nag-pandemic. Laging 'last na talaga' ang sinasabi niya sa akin pero sa akin pa rin napupunta ang mga written works ng parehas na section namin kasi iisa lang ang teacher namin sa mga written essays.
"Ikaw kaya gumawa? Syempre, kailangan ko ring ipahinga utak ko, Jal!" singhal ko. Bumuntong hininga ako nang maramdaman ko ang paninikip ng dibidb ko. "Pagod na ako sa ganito. Mag-focus kaya mua tayo sa studies?" tanong ko.
"Pahinga ka lang. Kung makikipag-break ka, hindi ako papayag. 'Di ba dalawa tayo sa relasyong 'to?"
"Pero pagod na nga ako. Pwede bang magpahinga muna ako? For one month or one year, at least."
"One year?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Ang tagal 'nun, mahal!"
"Pagod na kasi 'yung puso ko eh. Para akong aatakihin, alam mo 'yun?" pagbibiro ko.
"Love..."
"Can we rest muna, Jason? Na-unmotivate kasi ako nung una eh. Hindi mo ba kayang makipag-communicate sa mga classmates mo for purposes?" tanong ko.
"Alam mong ikaw lang ang nalalapitan ko."
"I am here, Jason, pero...Sumobra na ang pagiging dito ko eh. Pwede bang kumilos ka rin para sa sarili mo? I need your efforts."
"Anong efforts ang sinasabi mo, Lai?"
Napintig ang tenga ko nang marinig ko ang nickname na 'yun. It was always 'mahal ko' and 'love' and that nickname will be the last thing I will hear from him. Ibig sabihin ay seryoso na siya kapag ganoon ang tawag niya sa 'kin.
"To your activities. Nale-late ka na rin madalas at kailangan mong bawiin 'yun kasi ikaw na rin nagsabi na kailangan mong galingan kasi hindi mo nakuha 'yung discount na kinuha namin nina Sheed sa pinasagutan dati - -"
"Lai...Hindi ba efforts ang pagiging line of 7 to 9 ko? Hindi ba efforts na nakakapasok ako sa honors ngayon? Hindi ba efforts para sayo 'yun, Lai?"
His words are daggers and I know every single one of them pierces me painfully. Alam kong effort 'yun pero ako lang 'tong mayroon pang hinahanap na gusto kong maramdaman ngayon. Ang pagtulong niya sa akin dahil mabigat rin para sa akin ang pagiging class president. Halos ng mga kaklase ko ay nararamdaman kong kalaban ko at ayaw nila sa pamamalakad ko.
Mayroon pang nangyari dati na nagpa-meeting ako sa mga leaders para sa isang group activity para isama ang pitong natitirang mga kaklase namin sa groups nila pero ayaw nila dahil raw mga pabigat sila at hindi madaling makausap. Nung sinabi ko naman ang pinapatanong ng isa kong kaklasena lalaki na parang bakla sa teacher namin at pina-screenshot nila ang sinabi ko kay ma'am, sinabi nilang wala silang sinabing ganun. Ang sinabi nila ay kung pupwede bang hindi na magsali kung hindi papayag ang mga kagrupo nila at naka-English ang pagkakasabi nila 'nun sa GC namin na wala ang adviser namin.
Ang nangyari para maayus ang problema ay kinupkop ko ang sinabi nilang mga pabigat at ako ang nag-handle. Ayus lang sa akin 'yun at kaya ko naman. Ako na lang ang gumawa ng script nila at edit ng video habang may isa pa akong grupo kaya dalawa ang grupong inalalayan ko.
"Alam mo namang nagha-handle pa ako ng iba kong kaklase, 'di ba?" pagpapaliwanag ko. "Alam mong kailangan kong gawin 'yun dahil responsibilidad ko bilang class president ang alalayan sila - -"
"Pero hindi mo responsableng kupkupin sila. Alam mo namang pati ako iha-handle mo, paano naman ako?"
Lalong nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya at hindi ako kumibo. Kinupkop ko sila para makita ko ang mga kakayahan nila at matanggal ang awkwardness sa kanila sa loob ng klase pero parang pinipigilan yata ako ni Jason gawin 'yun. I know he's also not comfortable with his section pero bakit pati ako nadadamay?
"Ano?" Madiin ang pagkakasabi ko doon. "Jason...We talked about this before! Alam kong kaya mo at tinutulungan naman kita pero parang sobra rin namang ipapagawa mo sa akin, 'di ba? Halos buong school year mo rin akong pinagawan ng essays mo!"
"So, labag sa loob mo ang mga pinagawa ko?"
"Hindi!" Napahilamos ako sa mukha ko. "Hindi laba sa loob ko 'yun pero pakiisip naman ngayong nahihirapan rin ako. Gusto ko lang ring tulungan ang mga kaklase ko, hindi ba pwede 'yun?"
"Eh, paano nga ako?"
"Anong 'paano'? You can do it, pero nandito lang kasi ako kaya ayaw mong gawing Jason...This is why I became unmotivated. Unang week pa lang ng pasukan natin, nasasakal na ako sayo."
"Bakit ka naman masasakal? Eh, gusto kong ako nga ang tutulungan mo at sasabayan mo at tuturuan mo kaya pa'nong nasasakal ka?" tanong niya.
Lalong nanikip ang dibdib ko at alam kong maya-maya ay hindi na ako nakakahinga dahil sa mga sinasabi niya. Sinusubukan ko pa ring intindihin ang sitwasyon ngayon at baka stress lang rin siya. Hindi kasi ako sanay na sinasabi ang totoong nararamdaman ko kapag ganitong sitwasyon. Marami talaga akong sinasabi para maparamdam sa kanyang hindi ako okay sa mga ginagawa niya pero hindi ko alam kung bakit ngayon ay ganito. Bakit ba parang ayaw niyang mahiwalay sa akin? Kahit section lang.
"Jason, hindi kita ka-section at ginagawa ko ang mga activities ko kasama ang mga kaklase ko para matapus ko na kaagad ang akin, at kung kailangan kitang turuan sa activities mo ay maituturo ko. Bakit ba hindi mo naisip 'yun? How could you be so selfish with me?"
"'Tas makikipagkasatan ka sa Vice President niyo?"
"What?"
"Kay Dohan."
Oh, our Class Vice President na BI. Si Donovan Hanno De Guzman.
"Lumalayo na nga ako, 'di ba?"
"May gusto ka ba sa kanya, Lai?" tanong niya na ikinatulos ko sa kinauupuan ko. What's the question for?
"Mas matalino 'yun sa akin at nagkakaintindihan kayo sa parehas na bagay, 'di ba? May gusto ka ba sa kanya kaya mo siya pinaglalaban sa akin dati?" tanong pa niya.
"Huh?" Nagtataka ako sa mga tinatanong niya. Alam kong nabanggit ko sa kanyang panigurado namang hindi ako type ni Dohan dahil Bi 'yun and mostly, he is interested with boys. Straight ako, duh.
"Pinagsasasabi mo? Hindi. Pinagtatanggol ko lang siya kasi wala namang ginagawa sayong masama 'yung tao pero magagalit ka."
"3 hours kayo dati sa Gmeet."
"I told you na it's for a recording."
"Sabi mo nagkwentuhan pa kayo."
"Para magmukhang casual lang kami sa recording! It's a trick! Ano ba, Jason? I-try mo kaya para malaman mo?"
He's turning into a red flag right now. I cannot handle it because it's my first time to hear him 'this' serious. Nakakabingi ang katahimikang iginawad niya sa akin at napalunok ako.
"Gusto mong magpahinga?" tanong niya at doon ako kinabahan.
"Oo," sagot ko. "Will you wait for me?"
Lumunok ako nang hindi siya sumagot na para bang may hinihintay pa siyang may sabihin ako kasunod nang sinabi ko.
"Like years, kung tatagal ako...will you?"
"After adoring the sunshine, you took hold of the sunset, huh?"
"Ha?"
He chuckled when I said 'ha'. Yes or no lang naman kasi 'tas i-englishin pa ako. Hindi ko rin talaga alam kung paanong hindi siya magaling sa essay pero magaling naman sa pagsasalita ng English.
"Pagkatapus mo akong mahalin, iiwanan mo na ako?"
Masakit para sa akin ang sinabi niya at alam kong masakit rin para sa kanya ng tinanong ko. Pinigilan kong umiyak at nanuyo ang lalamunan ko. Three years...pero kailangan kong bumitaw para sa sarili ko...para sa future ko...para sa focus ko sa future profession ko. Alam niya 'yun pero nagkakagulo kami ngayon kaya kailangan ko munang kumilos mag-isa para sa sarili ko at sana...kumilos rin siya para sa sarili niya.
"Mahal kita pero...Napagod ako at kailangan ko lang ng pahinga," sabi kong pinipigilan ang pagpiyok ng boses ko. "Can you wait?"
Narinig ko na ang paghikbi niya sa kabilang linya at winasak 'nun ang puso ko. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay naririnig siyang umiiyak 'tas dahil sa akin pa ngayon. Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang iyak ko. It is hard for the both of us.
"Oo..."
Mahina lang ang pagkakasabi niya 'nun at lalong nanikip rin ang dibdib ko. Kaya niya? Napapatanong na naman ako sa sarili ko. Bakit ko nga ba ginagawa 'to? Itutuloy ko pa ba 'to?
"Pahinga muna tayo?" pag-uulit ko.
"Pahinga ka lang, maghihintay ako sayo...Basta huwag mo akong hiwalayan, mahal..."
"Kahit 10 years?"
"Gurang ka na 'nun."
"Baliw! Pero magpapahinga muna ako pero ise-send ko sayo ang essay."
"Hindi na siguro," aniya.
We finished Grade 11 and both of us has 'With Honors'. Wala ring nakakaalam na nagpahinga muna kami dahil nag-act pa rin kami bilang mag-jowa at medyo awkward sa part namin 'yun. Alam naming hindi kami nag-break pero hindi na kami nag-uusap tungkol sa mga personal na bagay.
Naimbitahan rin ako sa birthday ng anak ng stepsister ni Jason at sinabi ko 'yun sa mama niya para maniwala naman. Nag-chat rin kami tungkol doon at pinayagan ako. Ipapalusot na lang siguro ako sa mga kamag-anak naming pupunta sa bahay para sa isang celebration na magaganap dahil may birthday ang isa sa mga kamag-anak namin.
Napag-usapan namin ni Jason na susunduin niya ako at papasukin niya na lang ang trike sa street namin at papahintuin sa harapan ng bahay. Doon na lang ako sasakay kapag nakahinto na ang trike. Sinabi ko rin sa kanyang may bibilhin kami sa Vista na request ni Elle. Kinakabahan ako sa pakikitungo namin sa isa't isa sa araw na 'yun. This will be the first date again for years for the both of us and it will be extremely awkward.
I wore a simple polo shirt, maong jeans, a white belt, and a half-round sling bag. I also used the cologne his mom gave me as a present for an 'I don't know' occasion. Pupunta kasi kami sa birthday ng one-year old kaya kailangang hindi matapang sa pang-amoy niya ang gagamitin kong cologne. The cologne I used smells like a baby.
Nang i-chat niya akong nasa labas na siya ay sumilip na ako sa bintana ng bahay namin habang kinakabahan. Mayroon ng trike sa labas at agad naman akong tumayo para mag-kiss sa pisngi nina mommy at daddy. Nagpaalam na ako pero sumunod pa rin si mommy sa akin at kinausap pa si Jason. I was half-eavesdroping them. Sumakay na rin ako ng trike at ako ang nagsabi kung saan kami ibababa.
Dinala kami ng trike sa Townsite Waiting Shed o kung ano ang tinawag nila mommy 'dun. 'Yun ang waiting shed papuntang Jollibee Limay.
Pagkarating namin doon ay may bus ng nag-aabang kaya sumakay na kaagad ako at sumunod naman si Jason sa akin. Umupo ako malapit sa dulo at tumabi naman siya sa akin. Ako ang malapit sa bintana at siya naman malapit sa labasan. Medyo awkward dahil ang tangkad niya kahit nakaupo kami. Tumangkad din naman ako, hindi lang halata.
Siya ang nagbayad sa pamasahe namiin kahit sinabi kong mag-aambag ako. Tangina, ang bait niya naman. Gentleman. Sabagay, ngayon na lang ulit kaming nagkita at kaming dalawa lang talaga ang umalis ha? Hindi kasi sumama si Elle at magiging third wheel lang raw siya.
"Lai."
"Yes?" tanong ko habang may chinecheck sa CP ko.
"Ihahatid kita before 3. Pauwi. Tama?"
"Mhm," I hummed as a yes.
"Okay."
Tumango ako at tumingin na lang sa labas. Hindi naman kami hiwalay pero ang awkward talaga sobra. Dati, ako pa ang nage-execute ng mga usapan namin 'tas ako ngayon ang ganito. Tangina.
"Lai."
"Hm? Bakit?"
"Bakit ang tahimik mo? 'Di ba madaldal ka?"
"Huh?" Pinanlakihan ko pa siya ng mata. "Ah...Hehe...Wala...Ano lang talaga, tinatamad akong magsalita. Malapit na ba tayo sa Pilar?"
Tumingin na naman ako sa labas para makaiwas ng tingin sa kanya. Lalo siyang gwumapo and his biceps are toned more. Nagwo-workout ba siya?
"Hindi pa naman," sagot niya. "Lai, ako pa ba?"
"H-Huh?"
Nagugulantang na ako sa kinauupuan ko dahil sa mga tanungan niya. Kanina pa ba niya gustong tanungin 'yun?
"Ako pa ba?"
"Bakit mo naitanong 'yan?"
"'Di ba cool off tayo kasi pahinga ka?" tanong niya.
"Kind of...Pero wala, bakit?"
Pa'no ba napunta dito ang pagsakay namin sa bus? Sino ba kasi ang nagsabi ditong may iba na ako? Loko 'yun ah!
"Rumors na may iba ka na raw. Mas gwapo at matalino," sagot niya.
"Kanino galing?" tanong ko.
"May nagsabi kay Sheedise. He PM-ed me."
"'Raulo 'yung nagsabi 'nun ah. Wala naman eh, ikaw pa rin naman. Sino ba kasi - - Ano..."
Nakita kong nakatulala lang siya sa akin habang sinasabi ko 'yun. Napatakip naman ako sa bibig ko at napaiwas ng tingin nang madulas ang dila ko. Puta. Hindi ko talagang maiwasang mahulog nang mahulog sa kanya. Hindi ko maiwasang aminin ang pagmamahal ko sa kanya dahil totoo naman talagang wala akong iba. Siya lang at wala ng iba.
"Abnormal ka!"
Ginulo niya ang buhok ko at hinawi ko naman ang kamay niya.
"Tigil, Aso!"
"Ayoko nga, Lai. Haha!"
Tumawa ako dahil 'dun at pinagbawalan siya ng makita kong may nakatingin sa aming bata. Hindi ko alam pero nawala kaagad ang awkwardness sa pagitan namin. It's a great feeling after weeks of not talking in chat. It's like technology didn't exist. Halos aminin ko na ngayon sa sarili ko na kailngang balikan ko na siya pero hindi pwede. Pinaplano ko ngang tapusin ko muna ang relasyon namin bago ang college. Iniisip ko kung gagawin ko ba 'yun o hindi dahil baka hindi siya payag.
"Um...Jason."
"Oh? Bakit?"
"Kapag ba sinabi kong makikipag-break ako bago mag-college, payag ka?"
Nakakunot ang noo niyang nakatuon lang ang paningin sa akin. Every second his stare is getting darker and darker at nararamdaman kong tumatayo na ang mga balahibo ko dahil doon.
"Bakit?"
"Para makapag-focus ako sa studies ko. Like...Nursing is hard, 'di ba? You'll go to college naman 'no?"
"Hindi ko pa alam. Baka magtrabaho muna. Kailangan naming umalis sa puder ng stepfather ko."
"Ah..."
"Lai...Ikaw na lang ang nalalapitan ko. Iiwanan mo ba talaga ako?"
"I am just cutting off the relationship pero pwede mo naman akong i-message if may kailangan ka sa akin, 'di ba? Tsaka...Diyan lang rin ako mag-aaral sa Balanga. BPSU lang! Oh 'di ba? SM tayo minsan!"
"Lai..."
"We'll miss each other...I know, Jason, kahit hindi mo sabihin. Alam mong ikaw lang ang minahal ko ng ganito, Jason," sabi ko at isinandal ang ulo ko sa sandalan.
Nagulat ako ng ibaba niya ang mask ko at hinalikan niya ako sa labi ko. It was just a peck but I never experienced being kissed before so...This is my first! Takte! Nakaw!
"J-Jason..."
"You challenged me before in the chat, right?" Sumandal rin siya sa sandalan habang tinititigan ko lang siya ngayon. "Sabi mo na subukan kong nakawin ang unang halik mo dahil wala ka pa 'nun. Well...kinuha ko na para wala ng makakakuha."
He smirked at naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa ginawa niya. 'Yung first ko...Hindi pa rin ako maka-get over sa ginawa niya dahil ramdam ko pa rin 'yun sa labi ko. Ano ba 'to? Advance 18th birthday gift?! 17 pa lang ako, jusmeyo mahabagin!
"Um...Okay..."
'Yun na lang ang tanging nasabi ko dahil nablangko ang utak ko dahil sa ginawa niya. Nararamdaman ko ang init ng katawan kong pumupunta sa mukha. Panigurado, mukha na kong kamatis dito sa pula. Nakakainis!
"Lai? Ayus ka pa?" Inilagay niya ang likod ng kamay niya sa noo ko. "You're hot. Gusto mo bang dumiretso na tayong Balanga 'tas patingin ka na sa doktor o iuuwi na kita?" aniya.
"H-Hindi...Ayus lang ako."
"Dahil ba sa halik 'yun?"
Lalo kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Inulit pa nga!
"Aray! Ano ka ba? Stove?! Ang init mo, Lai!" reklamo niya at sinamaan ko siya ng tingin.
Ibinalik ko ang paningin ko sa daan at nag-isip ulit. Nag-flashback sa akin ang lahat ng mga pinagsamahan namin mula una hanggang dito sa oras na 'to. Baka hindi ko alam...O alam ko na ito na pala ang huli.
"Pero Jason, payag ka? Kung makikipag-break ako para sa pangarap ko? Hihintayin mo naman ako, 'di ba?"
"Siguro papayag na ako sa mga panahong 'yun na hayaan ka muna sa desisyon mo. We grew together, Lai. It's fine for us to grow individually rin."
Bumuntong hininga siya at humawak sa dibdib niya. Alam kong nasasaktan rin siya na pakawalan ako pero kailangan para sa sarili ko. I placed my hand in his chest and he's shocked because of my sudden action pero hinayaan niya lang ako. Naririnig ko ang bilis ng tibok ng puso niya at nanakip rin ang dibdib ko dahil 'dun.
"Thank you, love. You made me the better version of me," ani kong kinakausap ang puso niya. "Alam mo? Hindi mo alam kung gaano mo ko nabaliw. Hm...Paano nga ba?"
Nagkunwari akong nag-iisip habang nangilid na ang mga luha ko dahil sa mga bumabalik na ala-ala sa utak ko. It was amazing how he managed to put that memories in me without making me doubt that he's cheating. Well, I have doubts with the girls around him pero sa kanya mismo, wala. He never made me feel that he was cheating because he told me that his father is a cheater at ayaw niyang gayahin ang daddy niya. Kung manahan lang ang usapan, 'yun ang ayaw niyang manahin sa daddy niya.
Cheating is a choice, not a mistake.
"Sayo lang rin naman tumibok ang puso ko, Ellaine."
Napatingala ako nang tawagin niya ako sa first name ko. It was unusual of him to call me that. Natulala ako sa mukha niya bago bumaba ang paningin ko sa labi niya. 'Yun ang kumuha ng first kiss ko kanina. 'Yun ang nagparamdam ulit sa akin na wala ng susunod pa. Kung hindi siya, huwag na lang. Tatanda na lang akong dalaga at itutuloy ko na lang ang pagiging nurse ko.
We enjoyed the day and bought what we needed. We also went to Timezone and took pictures in the photobooth. I also typed my Gmail there for them to send me our pictures.
After we enjoyed the vacation, it was finally announced that we will have a face-to-face classes. We're still in different sections and our relationship improved but our promise will be the same. We will be apart when we reach 2nd year college and that scares me the most. Hindi ko alam kung kakayanin niya dahil alam kong makakayanan ko ang sakit na mararamdaman ko.
We've been through so many mountains and oceans, and I don't know if he can handle himself. Alam kong kakayanin niya para sa akin. Mahal ko siya pero kailangan muna naming bumitaw pansamantala.
"Happy 18th Birthday, Ellaine and Ellenie! The kambal of Escaler Family!"
Our 'legal' birthday came and our tropa came. They will all dance us. Nang makarating na sa part ni Jason ay doon na nag-announce ang MC na mayroon akong sasabihin sa kanilang lahat.
It's time to reveal the truth.
"Ladies and gentlemen in this event, in this party, may you lead me your ears for my announcement and may Jason Lavin Dela Rosa come forward, please?"
Tumayo si Jason sa kinauupuan niya at lumapit sa tapat ko. Yumuko siya na para ba akong prinsesang kailangang igalang dahil sa gown na suot ko.
"Everyone, my family, I would like you to meet my boyfriend."
The school year went fast and I didn't fail. Nasa honors pa rin ako ngayong taon. I did my best not to fall behind and I will do my best also in college. Nag-picture rin kami ni Jason para raw sa IG niya. Hindi ko alam kung bakit bigla niya naisipang gamitin ang IG niya dahil hindi naman siya gumagamit 'nun.
"Ipo-post mo sa IG? Marunong ka ba niyan?" tanong ko.
"Yup, tinuruan mo kaya ako dati."
He posted it with the caption, 'At last @ ellayg'. I smiled because of the thought he is already recording our endings.
"I love you." Hinalikan niya ako sa noo. "Goodluck sa college!"
"Cheers to our ends and beginnings!" sigaw ni Sheedise at lumapit sa amin. Kasunod niya sina Carlo at JV. Tumango ako sa sinabi niya at ibinato namin ang mga graduation caps namin sa ere.
1st year of college and my schedule was purely hectic but I managed my time. Ka-block ko rin ang isa kong kaklase noong SHS sa ilang subjects lo sa nursing, dahil wala na raw siyang ibang pwedeng pasukan na college kung hindi BPSU. Hindi rin daw kasi siya papayagan sa Manila. Buti na lang at nakakuha rin siya ng slot.
"May klase ba mamaya sa HumDev?" tanong ni Xyril habang naglalakad kami sa hallway.
"Oo yata," sagot ko.
"Bakit 'yata'?!"
"Hindi tayo magka-block sa HumDev, Xy," ani ko. "Kami kasi meron mamayang 1 P.M."
"Kinakabahan ako sa RetDem. Hindi pa ako nakakapagsaulo ng procedures. Ikaw ba?" tanong na naman niya.
Papunta kaming canteen para bumili ng pagkain. I will just order vegetables and eat the rice balls I made. Makikikain lang rin naman si Xyril kaya siya nakasunod sa akin. Gustong gusto niya kasi ang mga rice balls na ginagawa ko.
"'Yung venipuncture dati naaral ko na at inaral ko ulit kasama si Jason. 'Tas 'yung iba binasa ko na lang ng paulit-ulit."
"Naks, Jason! Hindi ka ba kinakabahan?"
"Kinakabahan pero kailangan kong tanggalin kaba ko."
"Musta?"
"Anong 'musta'?"
"Kayo ni Jason? Next year na kayo maghihiwalay, 'di ba? May deadline talaga?"
"Need ko 'yung time na 'yun para mag-focus na bilang intern, Xy. Ikaw ba? Anong plano mo?"
"Batukan ka. Sabi mo stay strong lang kayo 'tas ganito sasabihin mo ngayon sa 'kin. Tanga ka lang?"
"Gaga, agree naman siya sa akin."
"Ayaw mo bang pabaunan siya ng kahit sex man lang bago kayo mag-break?"
"S-Sex?"
"Oo."
"The fudge, Xy! Bakit mo tinanong 'yan?!"
"Ella, kumikita ka na sa published books mo ngayon, 'di ba? Huwag ka ng mag-alala sa financial mo. If magkabata, ayus na!"
"Xy!"
"Joke lang! Peace." At nag-peace sign siya.
Tinignan ko siya ng masama. I and Jason didn't think about having sex in college. Ang pinag-usapan lang namin ay ang magbe-break kami pagtungtong ng 2nd year at wala ng iba pa. But what if we try?
Curious ako pero ayoko pa dahil nakakatakot. What if I get pregnant? Parehas kaming takot ni Jason at ayoko pa magka-baby ngayon kahit sabihin kong may pangtustos ako sa bata. I am not yet stable. 'Yun ang inaalala ko. Paano kung magkulang ang pera ko, 'di ba?
"It's not a good joke, Xy."
"Pero want mo ring i-try, 'di ba? Hello? You're already turning 20 next year! Ayaw mo ba talaga?"
"Ikaw ba na-try mo na?" tanong ko.
"Hm...Hindi pa, pero gusto ko. Ireto mo na kasi ako para magkaroon na ako ng boyfriend!"
"Haha, nakakatuwa kayo ng kakambal ko. Gusto mo sa kapatid ni Weather?"
"Ng manliligaw ng kapatid mo? He's hot, though. Single ba?"
"Hindi."
"Baduy."
Tinawanan ko siya dahil sa reaksyon niya. Jowang jowa na rin talaga 'to. As of Elle, she and Weather is in the process of improving their relationship. Buti naman at kahit papaano ay masasabi akong may love life na ang kakambal ko.
Vacation came to me at napagdesisyunan ng tropa na pumunta sa Boracay. The rules are 'They can bring their jowa with them' kung meron. First time namin ni Elle na makakapunta ng Boracay kaya kailangan naming manguha nang manguha ng pictures para ipakita kala mommy. This will be our first 'out of town' vacation with friends without a chaperon!
Nang makarating kami sa resort kung saan kami tutuloy ay nahati kami sa tatlong room. Si Weather rin ang nagbayad sa mga gastusin namin. Ang yaman kasi ng lolo niyo.
Sa unang room ay may dalawang kama na pwedeng higaan ng dalawang tao ang bawat isang kama. Sa pangalawa ay may dalawang kwarto. It's like a suite, I think. It was for me and Elle. May dalawang single bed sa bawat kwarto. The last one is like the first one.
"The twins, Jason and me will go to the bigger one. The twins are separated from us so don't worry. The three of you will decide where you will stay in the other two suites," Weather explained.
"Ang yaman mo, 'tol. Sana kami rin."
"Sheedise!" pagbabawal ni Elle.
Nag-peace sign naman si Sheedise sa kanya habang nagpapa-cute. He became slim now because his workout paid off.
"Love, dalhin ko na ba mga gamit mo sa kwarto niyo?" tanong niya.
Nang marinig ko ang salitang 'kwarto', naramdaman ko ang pag-init ng katawan ko. Bwiset kasi si Xy, kung anu-ano ang sinasabi sa akin. Alam namang mala-flash drive ang utak ko pero ganun 'yung sinabi. My gosh, hindi na ako inosente katulad nung elementary!
"S-Sige," nauutal kong sagot.
"Hm? What's wrong, love? Bakit ka namumula? May sakit ka?"
"W-Wala."
"Kwarto raw kasi," ani ni Sheedise.
"Kwarto?"
Lumingon sa kanya si Jason habang naramdaman ko na namang umakyat ang dugo ko sa mukha ko. Puta! Bakit ni-reveal?! Ang shunga!
"Kasi 'eherm'. Ya'know bro-skie? HAHA! 'Yung ano...Sinasabi ni Elle dati!"
"Anong sinabi ko?" kunot-noong tanong ni Elle.
"Chug-chug."