TW: Wounds and Guns
"Sure kang may iba na 'yun, Eca?"
I was arranging things in our ward while Xyril is questioning me continously. Ayokong pag-usapan at wala na kaming masyadong conversation dahil nagsabi rin ako sa tropa naming iiwas muna ako sa socmed noong nag-aaral ako at nag-intern na ako at baka minasama 'yun ni Jason. Wala na naman akong karapatan dahil ako rin naman ang nagtapus ng kung anong meron sa amin at kahit pa maayus ang pagtatapus namin ay hindi ko maikakailang masakit 'yun para sa kanya.
I was his girlfriend...His first girlfriend at walang nakakaalam sa hospital na 'to na ex ko 'yun, maliban kay Xyril.
"Xy, hayaan mo na 'yung tao," ani ko.
Umakma akong aalis dahil may kailangan pa akong kunin sa pharmacy para sa stocks namin sa ward pero muli siyang nagsalita.
"Eca, hindi ka na bata. Lumandi ka naman."
It strikes me so bad. Her words strike me and I cannot stop but just smile when I turn my gaze at her.
"I'll cross the bridge when I get there, Xy."
"'Yan ka na naman."
Napailing na lang siya bago ako tumuloy papuntang pharmacy. Kumuha ako ng tissue at bandage stock dahil ubos na ang nasa ward namin.
"Huy, Eca, kilala mo ba 'yung gwapo kanina?" tanong ni Bree. Siya ang pharmacy technician sa hospital na 'to.
"Sinong gwapo?" tanong ko habang nilalagay sa tray sa trolley na dala ko ang mga tissue at bandage stock sa counter.
"'Yung galing sa ER! 'Yung matangkad at gwapo. 'Tas 'yung biceps niya, mare, tsaka kamay! Engineer pa raw! Ack, bet ko siya! Kahit anakan at kabit niya lang ako, ayus lang!"
I frowned when I knew who she was talking about. Tall, handsome, toned biceps and big hands.
Ah, si Jason.
"Hindi ko kilala," pagsisinungaling ko.
"Ay, weh? Sayang...Pero dahil makapal ang mukha mo, pwedeng kausapin mo siya for me 'tas ibigay mo IG account ko? Please!" pagmamakaawa niya.
Napairap na lang ako. I never wanted to have any contacts with him since we met a while ago. Lahat ng memoryang nabaon na sa nakaraan ko ay biglang bumalik kanina. My world turned again to him.
"Ayoko. Babalik pa ako sa ward, Bree," ani ko.
"Bakit ayaw mo? Hindi mo na ako kaibigan?"
Ngumuso siya at sinamaan ko siya ng tingin bago umirap. Bumuntong hininga na lang ako bago ko inilahad ang palad ko sa counter. "Papel," ani ko.
"Yes, ma'am!" Sumaludo siya bago umalis.
Muli akong umirap at hinintay ang papel. Sinulatan niya pa talaga ang papel sa counter para lang makita kong magbibigay talaga siya ng papel. Pag pogi talaga, desidido 'tong gaga na 'to without her knowing that it's my ex she was talking about.
Well, wala na naman akong magagawa at dalhin ang papel kay Jason. Panigurado namang hindi pa siya nakakaalis ng hospital dahil kailangan niya pang kausapin ang mga naaksidente.
Bumalik akong ward at pumunta sa tapat ng mga lalagyanan namin. I grew taller at abot ko na ang upprr shelves kaya hindi na kami tumatawag pa ng mga lalaking nurses para tulungan kami. Inilagay ko doon ang tissue stock at sa mga available containers naman ang mga bandages bago ko itinulak sa isang tabi ang trolley.
Bumalik ako sa counter at tsinek ang main computer namin kung saan naka-register ang room o ward kung saan dinadala ang mga pasyenteng galing sa ER kung kailangan muna nilang i-confine dito. I used the mouse to scroll down.
"Hm...Guardian...Jason Lavin...Jason Lavin...Ah, ito!"
Binasa ko ang naroroon bago ako umalis para dalihin ang papel na pinapadala ni Bree. Nagdala na rin ako ng tubig at iilang pagkain para sa kanila at baka gutom na sila. Walang ibang naka-assign sa kanila kaya kahit sinong nurses ang pwedeng pumunta sa ward kung nasaan sila.
Pumunta ako sa ward kung nasaan sila at nakapaskil sa taas ng entrada ang 'Ward 06'. Sa gilid naman ay ang name plate ng mga pasyenteng naroroon.
Fernandez, De Guzman, Toyama, Garcia, Diaz
Guardian: Engr. Jason Dela Rosa
Assigned Doctor: Dr. Kaito Daile Chavez
Suminghap muna ako ng hangin at pinakawalan 'yun bago ako pumasok. Kumatok ako sa isang tray sa isang trolley doon para mapansin nila ako. Nag-uusap-usap kasi sila at ayokong makisawsaw sa pinag-uusapan nila.
"Uy, ang ganda nung nurse!" sigaw ng isa.
"Chicks!"
"Engineer Lavin, chicks oh!"
I tried to maintain a smile while I felt my blood boiling. Sa lahat rin ng ayaw ko ay pinagpepyestahan kagandahan ko at sinasabihan akong chicks dito.
"Garcia, Diaz, Fernandez, tama na 'yan."
Napatingin ako sa lalaking nakasandal ang likod sa dingding sa dulo ng ward at ganun rin ang tatlong tinawag niya. His hands are in his pockets and his hard hat covers his face.
"Bakit, Lavin? Chicks nga oh! Mga type mo!"
Type? Kumunot ang noo ko. So mahilig na siyang mag-chicks pagkatapus naming mag-break? Sabagay, gwapo at matangkad siya. Matalino na rin kaya nga head ngayon ng department nila at kaya nga siya nandito ngayon.
Itinaas niya ang ulo niya at tinignan ang lalaking nagsalita at ginawaran siya ng seryosong tingin. Nawala ang aliw sa mata ng lalaki at yumuko. Nakita ko ang takot sa mga mata niya at pinagpalitan ko lang sila ng tingin.
This is the stare which also gave me shivers in my spine. Ang tingin na ginagawad niya sa mga lalaking nambabastos sa akin dati at naka-survive ako ng college ng wala siya sa tabi ko para ipagtanggol ako kaya nasanay na lang akong itago ang galit ko dahil kailangan kong maging magalang sa kanila. I'm a nurse after all.
Kailangan kong magtimpi sa magagalitin kong ugali. Kung hindi, hindi ko pwedeng tawagin ang sarili ko na nurse.
"Isa siya sa mga nurse na naggamot sa inyo kaya huwag niyong tinatawag na chicks, Garcia," aniya.
"Ate, single ka?" tanong pa rin ni 'Garcia'.
Nagulat ako sa biglang tanong ng kasamahan niya. Literal bang walang respeto 'to sa boss niya o magkakilala na sila dati pa?
"Um...Single," simpleng sagot ko.
"Whoo, shots talaga! Ito, Lavin! Single!"
"Garcia!"
Mariin at may halong pagbabanta ang pagkakasabi ni Jason pero mahinahon pa rin 'yun at nginisian lang siya ng huli. Hindi na nakakapagtakang mahaba ang pasensya ni Jason sa mga kasamahan niya dahil ako ay natiis niya ng ilang taon at nabago niya ako sa ugali niyang 'yun.
"Lavin naman kasi...Ang tagal mo ng single."
Itinaas ko ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya. Single? Single siya hanggang ngayon?
"Tigilan mo ako, Garcia. Gusto mo bang hindi ka na lang naligtas sa nangyari sa inyo at binabastos mo ang nurse?"
As he is speaking, he looked at me and I was stunned to say anything. Biglang nanuyo ang lalamunan ko at tumibok ang puso ko. After all these years of my hardwork for this course, I am still falling for him. Walang nakapantay sa pagbibigay niya ng ganitong pakiramdam sa akin. It was all a rarity for me.
"Sorry, Lavin."
The latter bowed his head. Jason grew without me and I'm proud of him. Nakakamanghang nandito nga siya sa ospital na pinagtatrabahuhan ko. That's what we said when we broke up in a good way. Na bibisitahin niya ang ospital kung saan ako nagtatrabaho and it happened...After 7 years.
Nang mahimasmasan ako ay itinigil ko ang pagtitig ko sa mukha ni Jason at isa-isang pumunta sa tabi ng mga kama nila para ilagay ang tubig at pagkaing dala ko sa mga table stand nila.
"Also, sir..."
Lumingon ako sa kanya at sinalubong ang seryoso niyang mukha. Bumuntong hininga na lang ako sa isip-isip ko dahil parang hinugutan niya ako ng hininga sa tingin niya.
"Our pharmacy technician wants to give you this."
Inilahad ko ang kamay ko habang hawak ang papel na ibinigay sa akin ni Bree. Tinignan niya lang 'yun bago ibinalika ng tingin sa akin. Hindi ko pa rin tinatanggal ang paningin ko sa mga mata niya at parang doon kami nag-uusap.
"Ano 'yan?"
May kamay na kumuha ng papel at parehas kaming napatingin doon ni Jason. 'Yung 'Garcia' na naman. Isa siya sa mga hindi masyadong napuruhan sa aksidente sa trabaho nila pero masyado naman yata siyang makulit?
"Uy, username! IG ba 'to?" tanong niya at tumango ako. "Miss, walang IG 'tong si boss eh. Sa iba na lang kamo siya magbigay."
"As far as I know, Jal has an IG account," I said.
I saw them blink their eyes while looking at me. Tinignan ko sila isa-isa at nagtaka kung bakit sila nakatingin sa akin. May masama ba akong sinabi?
Huli ko na napagtantong sinabi kong may IG account si Jason at tinawag ko siya sa nickname niya. Shit! How come things can get any worst because of my stupidity!
"Ah!" Tinakpan ni Garcia ang bibig niya at tinuro ako. "Bakit mo tinawag si boss ng 'Jal'?! May permiso ka ba, babae?!" bulyaw niya.
Napairap na lang ako at hindi na matiis ang nararamdaman kong galit. Nawala ang ngiti ko at tinignan siya ng masama. Aba'y tawagin ba naman akong 'babae'! Pwede namang 'nurse' o 'miss'. Close ba kami para tawagin niya akong 'babae'?
"She doesn't need permission, Garcia."
Narinig ko na naman ang boses ni Jason kaya nagwala na naman ang puso ko. Tanginang epekto 'yan. Nakakabaliw.
"Huh? Bakit? Kami nga...Hindi ka pwedeng tawagin sa ganun since college eh. 'Di ba, Lucas?"
Naghanap pa nga ng kakampi.
"Gago," ani naman ng isa.
"Your mouth, De Guzman," pagbabanta ni Jason.
"Sorry, engineer."
Buti pa 'to magalang.
"Anyways, Garcia, do you want to resign? I can let you have the papers."
"Huy, Lavin, huwag namang ganyan! Para namang 'di mo ko kaibigan eh."
Napailing ako sa kinikilos ng kasamahan ni Jason. Ganito ba talaga sila sa trabaho o sa labas lang ng trabaho?
"Dion, walang gumaganyan kasi sa nurses."
"Bakit 'yung ibang nurses naman kanina ginanun ko pero ayus lang kay Lavin? Eh, bakit dito kay Nurse..." Tinignan niya pa ang pangalan ko sa uniform ko bago ibinalik ang paningin sa kausap. "...kay Nurse Gonzales nangbabawal? Huh? Teka? Gonzales?"
Something hand-chopped his head and he dropped unconscious.
"Sabi ng huwag ginaganun ang nurses kasi. Ang tigas ng ulo," sabi ng kausap ni Garcia kanina. "Nurse Gonzales, sorry sa kakulitan ng tropa namin pero pamilyar ka. Parang ikaw 'yung nasa wallet ni Lavin?"
"Hindi siya 'yun, Lucas."
Nakatingin lang ako sa kanya nang sabihin niya 'yun. Nasaktan kaagad ako sa sinabi ni Jason. Hindi ako?
"Just take the paper from the patient, sir, if you're interested with our pharmacy technician. That's all."
I bow in front of him before turning my back on him. Malapit na akong makalabas ng tawagin niya ako.
"Eca."
"Yes, sir?"
I maintained my nurse duty to respect them. I pledged before this that I would devote myself to the welfare of those committed to my care and that's what I will do. I will devote myself to them and will hold in the confidence of all personal matters that I heard today.
"Is she prettier than you?"
Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Mas maganda nga ba sa akin si Bree?
"She's good for you, sir. She's an outstanding pharmacy technician and smart. She's your type, sir."
"Is she you?"
"Pardon, sir?"
Lahat kami ay napatitig sa kanya dahil sa tanong niya. Lahat kami ay hindi nagsalita hanggang sa makasagot siya sa sinabi ko.
"Will I repeat myself again, Eca?"
Yumuko ako. "No."
"I supposed that's 'answers'."
Tumango ako bago muling tumalikod dala-dala ang tray sa kamay ko. Hindi ako kumibo hanggang sa makarating ako sa ward namin. Umupo ako sa swivel chair sa tapat ng isang computer doon. Hinilot ko ang sentido ko habang wala pa namang tumatawag sa akin. Ayaw ring tumigil ang bilis ng puso ko. Parang gusto nung kumawala.
Naramdaman ko ang pagnigilid ng luha sa mga mata ko pero idinaan ko na lang 'yun sa hikab at pinunasan ang mata ko gamit ang panyo ko. Ang sakit pa lang makita na naman siya at ganun ang maririnig ko galing sa kanya...Na hindi ako ang nasa wallet niya. Pero naisip ko ring kaya baka hindi ako ang naroroon ay picture 'yun ng pamilya niya.
Nagkita na kaya sila ng daddy niya? Ng mga kapatid niya? Bigla-bigla ko na lang naiisip ang mga 'yun dahil ilang taon na rin naman ang nakalipas.
I am already turning 27 next year kaya rin inaasar ako nang inaasar ni Xyril na lumandi na dahil sa 7 years na nakalipas nang mag-break kami ni Jason, wala akong ginawa kung hindi magtrabaho para sa sarili ko at para sa pamilya ko. Elle is a famous writer now, Abegail's a model and Rain's working inside PNP. She's sort of a secretary and at the same time, a forensic analyst in a forensic place near the police statioon she's working in.
And here I am, a nurse. Next year, I am scheduled to travel to the US as a recruited nurse. Ngayon pa talaga na-timing na nakita ko ulit si Jason. Ang galing mo, tadhana.
"Eca, Eca!"
"Oh, bakit?"
"Emergency Room daw ulit, need kayo! Bilis!"
"Bakit?"
"Basta! Kay Doctor Chavez mo na lang alamin!"
I immediately went to the ER and it's still morning. Wala pa akong tulog at dito pa ako natulog sa hospital. Pasalamat na lang ako at hindi ako ang naka-assign na umikot sa buong hospital dahil baka himatayin na ako kung ako ang pinaikot. Marami na akong naranasang paranormals pero hindi naman malalang malala. Mayroon lang kunwaring magpaparamdam sa tapat ng OR o kaya sa mga room ng mga namatayan. Ganun lang naman.
"Doctor Chavez, what should I do?" tanong ko.
"Can you handle the child over there? Hindi siya nagsasalita eh pero meron siyang mga sugat at pasa sa katawan. She's with the other two there."
Tinuro niya sa akin ang isang babae na nasa 30s niya at isang lalaking nasa 40s niya na siguro. Ang bata naman ay mukhang 3 o 4 years old.
"Okay, doctor. Also, mukhang hindi niya magulang ang mga 'yun," bulong ko habang tinitignan ang mga dalawang matandang pasyente namin.
"Nurse Ellaine, huwag kang manghusga kaagad."
"It just...doesn't feel right, Kaito."
"Use your skills, detective."
Nginisian niya ako bilang pang-asar at tinanguan ko na lang siya. Pinuntahan ko ang bata na sinabi niya. Meron na rin namang nag-aasikaso sa kanya pero ako ang pinakamagaling sa bata sa ER, kasunod kay Doctor Chavez.
"Hi, good morning, ma'am! What's your name po?"
Tumingin siya sa akin at tinitigan ako. Ganun rin si Tristan na nag-aasikaso sa kanya. He's an intern at ako ang nag-aalalay sa kanya.
Hindi pa rin nagsalita ang bata pagkatapus ko siyang tanungin. Tumingin ako sa braso niya at sa binti. She has a Type 1 laceration and her left arm have purplish mark. Sa isip-isip ko ay nakakunot na ang noo ko. Sino ang nananakit sa kanya?
I wear non-toxic elastic gloves and get clean tissue and hydrogen peroxide to clean her wounds. She flinched when I place the tissue near her wound.
"Sorry, bebe. Tiis lang, okay?" ani ko.
"Mm..." Tumango siya.
"So, I have a story," I said while still working with her wounds. "There's a couple and a pig."
"Pig?" tanong niya.
"Yes."
"Next, next!" she chants and I smiled.
She looked like a smart kid. Maybe, I should use her skills to know the truth.
"Okay, so the pig has an accident and she was brought to a place by this couple and she was treated by a nurse but she doesn't know her name and age. Can you give her one?"
"Anna."
"Anna?"
"My name's Anna so I should name her that!"
"And her last name?"
"Estrella!"
Narinig ko ang pagsigaw ng isang babae sa likuran ko sa kabilang sideng ER. Lumingon ako sa kanya at pumapalag na siya sa mga nurses doon. Nakita ko namang niyuko ni Anna ang ulo niya nang marinig ang isinigaw ng babae. Ibinalik ko ang tingin ko kay Anna habang pinipigilan na ng ibang nurses at Docto Chavez ang babae. Wala namang ginawa ang lalaki.
"I will ask you again, Anna. What's her last name?"
"Estrella."
Huh? Her last name's familiar.
"How old is she, Anna?"
"Anna's four!"
"Anna!" sigaw ng babaeng nasa ER.
"The-They're not my parents, ate," bulong niya.
"Are they uncle and aunt, or lolo or lola?" tanong ko.
"No, I am in a park with mommy and kuya, and they told me they will bring me to kuya pero they bring me here instead."
"Where do you live, Anna?" tanong ko at umiling siya.
She's four and it's hard for her to distinguish things if their place is crowded.
"Can you tell me what your place looks like? Like if there's a church and what it looks like?"
Nilagay niya ang daliri niya sa sentido niya at nag-isip bago niya itinaas ang daliri sa ere.
"Putangina..." Narinig ko ang pagmumura ng lalaking sinabi nilang kasama ng bata.
"The church in my place has school at the side of it!" aniya. Tumingin siya sa likod ko at nagtago ulit. They hurt me, ate...They slap me and use string. The - The sugat is from the tali!" ani pa niya at lalong kumunot ang noo ko. Sinasaktan nila ang bata? Sila ang nanakit kay Anna?
"The pangit girl and the lolo bad there!"
Tinuro niya ang dalawa kanina kaya lumingon ako. Napalingon rin sa akin si Doctor Chavez nang mapagtanto niyang tama ako kaya tinanguan ko siya at tinapus ko ang paggagamot kay Anna.
"Very good, Anna. Can you go with the doctor?"
"Is he bad like the pangit girl and the lolo bad?" tanong niya.
"No, he's not. He's a good guy. He's a friend of mine!"
"Are you not tricking me, ate?"
"No! Ate's a nurse, like 'the' nurse in my story."
"Ate, help me."
"Ate's going to help you. Do you know the number of your mommy? Can you state it for me, baby?"
Tumango siya at inilagay ko ang numero sa isang papel bago siya pinababa sa hospital bed nang lumapit na sa amin si Doctor Chavez. Sinabi ko rin sa kanyang isama muna si Anna sa office niya para hindi na siya magulo pa ng dalawang taong naaksidente sa ER. I also contacted Rain for her to call the nearby police station.
[Yes? Good morning. This is Officer Rain Mendoza speaking. What should I do for you?]
"Rain, patawag naman ng malapit na police station dito. Wala akong number nila eh."
[Luh, sino 'to? Kilala ba kita?]
"Maangan pa ba? Ako 'to, si Nurse Ellaine. Hello, officer?"
[Ellaine? Ikaw 'yan? Shocks! Hoy, nasa trabaho ako. Bakit ka ba tumatawag?]
"I need the police. May mga kidnappers dito sa ospital."
[Pa'no napunta 'yan diyan?]
"May na-report ba sa TV or headlines na may nawawalang bata sa Luzon? Anna Estrella, four years old. I think taga-Orion siya sa Bataan. Ang layo ng napadpad ng batang 'to. Nasa Manila ako at swerteng dito pa sila naaksidente. Hindi swerteng naaksidente pero swerteng napadpad dito."
Bumubulong lang ako habang nagsasalita dahil alam kong nakaabang sa sasabihin ko ang matandang lalaki dahil naabutan kong pinatulog nila ang babae dahil nagwawala na nga kanina.
[Meron, isa. Annaliza Estrella ang nakalagay at four years old ang nawawala. Tama ka na taga-Orion ang bata dahil hinahanap siya ng mga magulang niya at huling nakita sa Capitol sa BTC.]
"Bataan Tourism Center?"
[Oo. Halos dalawang araw na raw nawawala ang bata.]
"Contact the given number na nakalagay diyan and tell them the name of our hospital."
[Sige, sige. Mention ko na rin bang nasa'yo 'yung bata para 'yun na lang ang itatanong nila diyan pagkapasok?]
"Tell them to ask for the office of Doctor Kaito Chavez."
[Yes, ma'am.]
"Thank you." At in-end ko ang call.
Lumapit ako sa mga nurses na naroroon at tumulong sa pagtatali sa dalawang taong naroroon. Buti na lang at sila pa lang ang pasyente sa ER, kung hindi, magkakagulo kami dito dahil magpa-panic ang mga tao.
Madali naming na-belt ang kamay at binti ng babae habang nahirapan naman kami sa lalaki dahil pumalag siya. He's strong despite his age. Naglabas pa siya ng baril, at halos lahat ay nag-panic at lumayo sa kanya. Ako ay nakatayo lang sa likod niya habang ginawa niyang hostage ang isa sa amin.
Nang pagbantaan niya kami at itinapat sa harapan ko ang baril, hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari dahil nandilim na ang paningin ko. Ang huling alam ko ay nawalan na ako ng pakialam kung marumihan ang uniform ko at inagawan siya ng baril. Tinanggalan ko 'yun ng bala at idinikit ang muzzle 'nun sa ulo niya. Nakita ko kung gaano kabilis namutla ang mukha niya ng gawin ko 'yun.
"Sir, weapons are not allowed inside the hospital. Republic Act No. 10591 states that the intent to possess a firearm is not a criminal offense, sir, as long as it went through the legal process of obtaining the license to own and possess the same. It is the intent of acquiring them illegally that is being punished and prosecuted."
Nakita ko ang lalong pagputla niya ng sabihin ko ang law na 'yun. Pinag-aralan ko 'yun at ang iba pang mga batas dahil naadik ako sa Detective Conan dati at hindi ko naman inaasahang magagamit ko ang kaalaman ko sa hospital. Ang alam ko lang ay maggagamot ako dito at tutulong, hindi magiging detective o lawyer na alam ang mga batas.
"Also, sir..." Lalo siyang namutla nang idiin ko ang muzzle sa ulo niya. Hindi ko alam kung bakit pa siya kinakabahan 'dun dahil nakita niya namang tinanggal ko na ang mga bala sa loob ng magazine. Baka siguro takot lang siyang mamatay kaya ganun.
Kung takot siyang mamatay dahil sa baril, bakit siya nangho-holdap sa loob ng ER? So weird.
"Alam mo bang sinabi sa Republic Act No. 1084, Article 267 na any private individual who shall kidnap or detain another, or in any other manner deprive him of his liberty, shall suffer the penalty of reclusion perpetua to death?" tanong ko.
Natulos lang siya sa harapan ko habang pinagpapawisan na ang katawan at patingin-tingin sa kasama niya. Takot ba talaga siya sa sinasabi ko o hindi niya lang maintindihan?
"Gusto mo bang tagalugin ko pa sayo, si - -"
"H-Hindi po!"
"Buti naman. Magpatali ka na lang at baka magwala ka pa dito o gusto mo pang patulugin ka namin gamit injection?" tanong ko at tinanggal ang muzzle sa noo niya.
"Mag - Magpapatali na lang po..."
"Good. Tristan, Seph, itali niyo na."
"Y-Yes po, ma'am!" sagot ni Tristan at inayus na ang mga belt kung saan nila itatali ang lalaki. Lumingon naman ako sa isa pang nurse na nakatayo doon at nakatulala lang. "Ate Esther," tawag ko at lumingon siya sa akin. "Can you get me a container for the gun and the bullets?"
"Y-Yes. Right away, Nurse Ellaine!"
Umalis na kaagad siya pagkatapus 'nun. Napabuntong hininga na lang ako ng tumahimik ang paligid, Paniguradong nag-panic silang lahat nang maglabas ng baril ang lalaki at ako lang ang natirang aware sa paligid.
Nilapitan ko si Faith at niyakap siya. She's the hostage earlier and 'til now, she's shocked. Mangiyak-ngiyak na siya nang bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. She's one year younger than me.
"Ate..."
"Shh...You're lucky enough to have me here, so don't worry, okay?"
"Ate...Akala ko mamamatay na ako, buti na lang nandiyan ka!"
Humikbi siya sa bisig ko at hinimas ko naman ang likod niya at ulo. Nakakatakot naman talaga kung ikaw ang hostage pero dahil nandito ako ay ayus na ang lahat. Hindi ko na rin pinaputok ang baril dahil delikado rin 'yun para sa akin dahil ako ang pangalawang tinutukan 'nun.
I don't know, but it was my and Elle's thing. Kung nasa kapahamakan kami ay biglang nandidilim namin sa paligid at iba ang lakas na naibibigay namin sa masamang taong nasa harapan namin. And we are underestimated by our dad when we're telling him stories about it. Pero ngayon, pinagkakatiwalan niya na kami.
"Faith, malakas ka at lakasan mo pa ang loob mo. Hindi mapepreno nito ang pangarap mo, 'di ba?"
Tumango siya at kumalas sa yakap namin. Lumapit naman sa akin si Tristan at Seph pagkatapus nilang matali ang lalaki. I tap their shoulders dahil mas matangkad sila sa akin kahit mga mas bata sila sa akin at interns.
"Good job, both of you, pero be aware of incidents like this. You're lucky enough to experience this so you know now how to protect a girl, okay? Also, what I did is just for incidents like this only, okay? Huwag na huwag niyong gagamitin ang skills na 'to sa labas kapag nakipag-away kayo."
"Yes, ma'am," sagot ni Seph.
"So naranasan niyo na ang ganitong insidente, Nurse Gonzales?" tanong ni Tristan.
"Maybe...Maybe not?"
Nginitian ko sila bago umalis at binilinan ko silang bantayan ang babae at lalaki hanggang sa makarating ang mga pulis. Nakasalubong ko si Ate Esther at may dala na siyang zip plastic. Doon ko nilagay ang baril at ang mga bala. Pumunta akong nurse ward para doon itabi 'yun. Pinaubaya ko muna ang responsibilidad sa kanya na bantayan ang baril.
Also, Rain already contacted me regarding the guardians of Anna. Binigay niya rin ang numero sa akin ng tita ni Anna at tinawagan ko 'yun gamit ang cellphone ko habang papunta akong office ni Doctor Chavez.
"Hello, ma'am, this is Nurse Gonzales from the hospital where Anna is."
[Ellaine?]
"Pardon, Ma'am?"
[Gaga, si Gwy 'to!]
Napahinto ako sa paglalakad ko at tinignan ang numerong tinawagan ko. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong si Guinevere nga ang kausap ko. Tangina.
"Gwy! Oh my gosh...So 'yung nawawalang bata? Kilala ni..."
[Ni Kairo, oo. Pamangkin sa kapatid niya.]
"Hindi pa kayo kasal?" tanong ko.
[Hindi mo ba nakikita ang story ko sa IG? I am engaged, Ellaine!]
"What? Congratulations!"
[So, kamusta kayo ni Jason? Are you both...okay?]
Her question literally stunned me for a moment. All of my memories with him flashbacks, and Guinevere was also one of my memories with him because she is his cousin on his stepfather's side. Nagkikita pa kaya sila?
"I'm fine and I think ayus lang rin siya sa trabaho niya."
Nagpatuloy ako sa paglalakad at pumila para sa elevator. Hindi naman ako nagmamadali kaya ayus lang na maghintay ako para sa elevator.
[He mentioned na nakapunta siya sa hospital kung nasaan ka. He sent us the location. We're on our way also. Baka gabi pa kami makarating, actually. Medyo traffic, sis.]
"It's fine. Anna is safe," ani ko. "Um...Gwy?"
[Yes?]
"Si Jason ba...nagkaroon ng ibang GF nung natapus kami?"
[Nung natapus kayo? Hm...Sa pagkakaalam ko, bukambibig ka niya sa akin these past weeks. The last seven years, he fixed himself. Emotionally rin, syempre, pero mas sinunod niya mga gusto mong umayus sa kanya like his teeth, right? 'Yung iba may bulok, right? Nung nakaipon siya before sinabi sa akin ni tita na nagpaayus na ng ngipin si Jason and he also did X-Ray if I remember 'cause he told tita na you told him to. Dentist ka, girl?]
Natawa ako sa sinabi niya at pumasok na sa elevator nang makabalik 'yun. Pumwesto ako sa pinakalikod. Medyo maluwag pa naman kaya hindi ako naiipit sa loob ng elevator. Sinabi ko na rin sa kanila kung saang floor ako pupunta and I thanked them after.
"He did?" tanong ko.
[Yes! Also, he also topped the board on the first try! Top Four!]
"T-Top Four?"
[Hindi ka nag-check ng Messenger mo?]
"Hindi, itinigil ko nung nag-third year ako. I think twitter na lang ang ino-open ko pero ang dump account ko lang. Hindi ko na nao-open ang main ko."
[You should check it! By the way, later na lang! 24/7 ka ba diyan ngayon?]
"No, aalis rin ako ng 10 P.M. dahil may pupuntahan akong agenda until the next two days."
[Pahinga?]
"Yes."
[See you later, sis! Medyo malapit na pala kami. Baka mga tanghali nandiyan kami sa Manila.]
"Ikaw lang naman ang OA, Gwy," ani ko.
[We will go with Jason. Medyo malapit raw sa company niya ang ospital niyo. Kahit binigay niya na sa amin ang direction, baka maligaw kami. Ang laki kasi ng Manila!]
"Oo na. I will go to Anna sa office ni Doctor Chavez. Gusto mo bang makausap siya?"
[Ellaine.] Boses 'yun ni Clyfen.
"Yes, Kai?"
[Stand by ka muna at kakausapin ko si Anna kapag nakarating ka na sa office ng doctor na sinasabi mo.]
"Sige lang."
[Hoy, Clyfen, ayusin mo 'yung pananalita mo kay Ellaine! Para ka namang makikipag-away sa kanto! Hindi naman ah? Ayusin mo!]
Napangiti na lang ako nang marinig ko ang away nila. I'm not that sensitive kasi sinanay ako ni Jason sa mga ganitong usapan nila. He adjusted me with his environment and I adjusted him to my environment. Puro bardagol ang nasa paligid niya pero maganda naman ang pagpapalaki niya sa sarili niya at ni tita. Maaga siyang naiwang mag-isa ni tita at simula 'nun ay inaral niyang mamuhay mag-isa hanggang sa dumating ang araw na binalikan rin siya.
Dati ay sinasabi niya sa aking hindi niya kakayanin kung wala si tita pero ngayon, masasabi kong kinaya niya. Nakauwi na si mama niya galing abroad at siya na ang nagsusustento sa kanilang pamilya. Her sister from his stepfather came with them and she's in college now. How time flies so fast for us when I am so focused with my life.
Nakarating ako sa office ni Doctor Chavez at kumatok doon. Bumungad naman sa akin si Anna at niyakap niya ako.
"Ate Nurse!" tawag niya sa akin.
"Hi, Anna! Your tito and tita called."
"Who?"
Itinagilid niya ang ulo niya nang sabihin ko 'yun. Kabata-bata pa niya, nagkaroon na kaagad siya ng trust issues sa kapwa niya dahil na-kidnap siya. Tangina kasi ng mga kidnappers.
"Tito Clyfen and Tita Kharyl, Anna."
"Tito! Where is he?"
"On the phone, baby."
[Iabot mo sa kanya ang phone mo, Ellaine.]
"Sige," sagot ko kay Clyfen at inalis sa tenga ko ang cellphone ko. "Anna, Tito Clyfen wants to talk with you."
"Okay!"
Excited siya kaya inabot ko na kaagad ang cellphone sa maliliit niyang kamay.
"Hi, Tito! Anna's fine kasi she's with Ate Nurse! She's a superhero!"
Tumango-tango pa siya habang sumasagot sa phone at ngumingiti ako sa tuwing tumitingin siya sa akin. Naiisip ko tuloy kung ano ang pakiramdam ng may anak dahil hindi ko pa ulit alam kung paano ako magmamahal. Hindi ko alam kung paano ako magmu-move on sa mga ala-ala namin ni Jason.
Parang ayoko.
Mas gusto kong siya ang kasama ko sa pagtanda ko at panghahawakan kong kami hanggang dulo. Maghihintay ako sa pagbabalik namin habang ang mga nasa paligid ko ay mga ikakasal na. Aasa pa rin ako para sa kanya. Patuloy pa rin akong mahuhulog sa kanya.
I won't stop the chase. Just this chase.