TW: Hemophobia and Trypanophobia
"You have a dog also, right?"
"Pomeranian."
"Same."
"I have the black one," ani ko.
"That's expensive."
"Yeah."
"I have the white one," he boasted.
"Mahal rin."
"Yeah, your favorite dog type's really expensive," komento niya.
Lumingon ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay. "Excuse me?" pagtataray ko. "Mahal ko si Sol kaya ayus lang kung mahal siya. Mahal na mahal ko naman 'yun!"
"Yeah, I love Luna also. She reminds me of you."
"'Di ako mukhang aso," ani ko at bumukas ang pintuan ng elevator at lumabas na ako. Dumiretso na ako papuntang condo ko habang nakasunod siya sa likod ko.
"But you used to call me 'Aso'."
"Syempre, galing sa pangalan mo," ani ko. "Tuloy ka?"
Binuksan ko ang pintuan ko nang tinanong ko siya at tumangon naman siya bilang sagot sa tanong ko kaya pinapasok ko siya sa loob.
"Umupo ka muna sa sala," ani ko at tinanggal ang sapatos ko at nilagay 'yun sa shoe rack.
Tumuloy akong pumasok sa kwarto at ni-lock' yun para sure akong hindi na mauulit ang nangyari sa sasakyan kanina. Hanggang ngayon ay naaalala ko lahat ng 'yun. On the second thought, wala pa kaming label nang gawin namin 'yun. When did I become so brave?
Itinambak ko muna ang bag ko sa kama at pumasok sa banyo para maghilamos. Pagkatapus kong makatatlong hilamos sa mukha ko ng tubig ay tumingin ako sa repleksyon ko. My hair was messed up and I don't have any tint now on my lips, naubos na siguro kanina.
Hinubad ko ang mga damit na suot ko at naligo lang ng saglit. I didn't wash my hair, half-bath lang naman ang ginawa ko. Nagpunas ako ng katawan ko bago nag-robe at lumabas. Inilagay ko naman sa lalagyan ng mga madudumi kong damit ang mga hinubad ko kanina bago ako lumabas. Pumunta ako sa closet ko at namili ng isusuot.
Lagi akong hindi nagba-bra sa tuwing nasa bahay lang ako pero dahil nandiyan si Jason ay kailangan kong magsuot ng may foam para naman hindi naka-display ang utong ko. Nang makapagbihis ako ay kinuha ko ang bag ko na nasa kama at sinabit 'yun sa sabitan sa loob ng closet ko at nagpabango ako ng Victoria's Secret Vanilla Lace dahil 'yun 'yung ginagamit ko tuwing gabi kahit wala naman akong kasama dito sa bahay.
Lumabas ako pagkatapus kong gawin lahat ng kailangan kong gawin para sa sarili ko. Nakita kong napalingon siya nang lumabas ako sa kwarto ko. Pinasadahan ko lang siya ng tingin at dumiretso sa kusina, sa tabi lang naman ng kwarto ko. It's just small, sakto lang sa akin. May pantry na rin at nandun lahat ng snacks ko.
Binuksan ko ang pantry para kumuha ng seasoning para sa onigiri na gagawin ko. Madalas 'yun lang rin ang kinakain ko dahil wala akong appetite galing sa hospital. Ikaw ba naman ganahan pa kumain nang may nakikita kang basag ang ulo minsan kapag napapadaan ka sa ibang department para mag-check ng room ng pasyenteng naka-assign sayo. Sanay na ako pero ang sikmura ko, hindi pa.
Nagsaing na rin ako ng kanin na sakto lang para sa amin ni Jason. Habang hinihintay ko 'yun ay kumuha ako ng dalawang baso sa dishwasher at muling hinugasan 'yun at pinunasan ng bimpo para masigurado kong walang ibang lasa 'yun.
Binuhusan ko ng tubig ang mga baso bago ko dinala 'yun kay Jason. Pinatong ko ang baso na para sa kanya sa ibabaw ng isang coaster sa coffee table na mayroong nakalagay na lettering na 'Astro' at may mga doodled stars 'yun sa paligid.
"Astro?" Patanong nag pagkakasabi niya sa pangalan na nakalagay sa coaster na pinatungan ko ng baso niya.
Itinigil niya ang pagtitipa at pinatay ang cellphone niya para iangat ang baso na ipinatong ko sa coaster. Tinignan niya rin ang iba pang mga coasters na nasa lamesa. Apat ang natira doon at isa doon ay may nakalagay na 'Luna'.
"One of the stars," sagot ko.
"I know but I prefer using yours."
Hinawakan niya ang coaster na ginagamit ko. May pangalan ko naman 'yun at marble lang ang background design 'nun.
"Akin 'yan!" Hinablot ko sa kamay niya ang coaster ko at inilayo sa hindi niya maaabot.
I saw his eyes darkened. He glared at me like I defeated him in court dahil hindi niya nadepensahan ang client niya. Bumuntong hininga na lang ako para mawala ang kaba na nararamdaman ko. Narinig ko rin siyang bumuntong hininga kaya napatingin ako sa kanya.
He's back in his phone again, parang may kinakausap. Uminom na lang muna ako ng tubig at binuksan ang TV para makapanood ako nang palabas sa YouTube. I am rewatching Mischievous Kiss again and I'm in Season 2. Hindi pa rin nagiging luma sa akin ang palabas na 'yun.
It has my profession, nursing, kaya paulit-ulit kong pinapanood 'yun. Pati na rin ang Koi wa Tsuzuku yo Doko Mademo. Sa English ay 'An Incurable Case of Love.' 'Yun lang ang mga J-Drama na nagustuhan kong panoorin at hanggang ngayon ay hindi ko tinatantanang panoorin. Ang iba ay anime na pero tinigil ko na 'yun simula nang mag-college ako pwera sa Detective Conan.
Mischievous Kiss was on my TV when I leave it playing when my sense told me that the rice is cooked already. I scooped a portion of rice na alam kong enough na para makagawa ng walong onigiri. I also prepared cut seaweeds, water, and a tablespoon of white rice vinegar.
The cut seaweeds were preapred already from a container. Kapag bagong bili ko pa lang kasi sa malalaking seaweeds ay pinuputol ko na para hindi na ako magpuputol sa susunod. I also went to the dishwasher to grab my onigiri molder or a triangle rice ball molder at hinugasan 'yun at pinunasan para sure akong hindi 'yun madumi. I became a clean freak when I started living alone.
Pinaghiwalay ko ng bowl ang kanin bago ko nilagyan ng magkaibang seasoning ang bawat bowl. Sa una ay Beef Sukiyaki at sa isa naman ay Sake Salmon. Sa online ko lang rin nabili ang mga 'yun pero legit magtinda ang seller at masarap pa ang mga seasoning na nabili ko.
Mayroon pa naman akong ibang seasoning na nakatabi pero feeling ko hindi gusto ni Jason ang lasa kaya hindi ko na muna ipapatikim sa kanya. Tsaka na kung gusto ko na siyang pasukahin at may kasalanan siya, joke.
Hinalo ko ang seasoning kasama ang kanin sa magkabilang bowl bago ko iniisa-isang i-mold 'yun. First, I will soak my hands first with water and white rice vinegar to soak the corners inside the molder. Next, I will do the same thing, soak my hands with water and white rice vinegar before I will take two tablespoons of seasoned rice and place it inside the molder, leaving a space for the seal. I keep doing the same thing when I heard Jason speaking.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya.
Hindi ko alam kung para sa akin ba ang tanong na 'yun kaya hindi ako sumagot at tinapus na lang ang paggawa ko ng onigiri. I soaked the seaweeds a little bit before I placed it gently on the base of the onigiri.
Kumuha ako ng tray sa isang drawer sa tapat ko at nilabas 'yun para hugasan kahit ginamit ko naman 'yun kahapon. Pagkatapus kong hugasan 'yun ay pinunasan ko 'yun hanggang sa matayo bago ko inilipat doon ang gawa kong onigiri. Malalaki naman 'yun at nakakabusog.
Dinala ko 'yun sa sala kung nasaan si Jason at nakita ko siyang nagtitipa pa rin sa cellphone niya, wala nang kausap. Ubos na rin ang tubig niya sa baso kaya kinuha ko 'yun. Kinuha ko rin ang remote ng TV gamit ang isa kong kamay at isinarado ko ang video ng Mischievous Kiss at nagpatugtog muna. Mahina lang 'yun para hindi masyadong nakaka-distract sa kanya. Baka kasi may kakausapin siya.
Tumalikod na ako para pumuntang kusina para lagyan ng tubig ang baso niya at nang matapus ko ng lagyan 'yun ay bumalik na ako sa sala. Nabawasan na ng dalawa ang onigiri na hinain ko doon. Ang isa yata ay nakain niya na at ang isa naman ay nasa kamay niya pa, kinakain.
"Masarap?" tanong ko nang umupo ako at nilagay ang tubig niya sa coaster.
Tumango siya bago bumalik sa pagtitipa. Medyo nailang na ako sa pagtatanong ko dahil mukhang busy siya kaya pinaalalahanan ko na lang ang sarili ko ng mga gagawin ko bukas at kinalimutan ang pagtatanong ko.
Kumuha ako ng isang onigiri para kumain at kinuha ang cellphone ko para i-chat sa Twitter si Xyril para kumustahin ang mga pasyente ko.
From: Xy
wait check ko sa laptop ko, kakauwi ko
lang eh
To: Xy
okie
Uminom ako ng tubig nang maubos ko ang onigiri na hawak ko. Jason's still on his phone. May tinawagan pa siya at lumabas muna sa balcony sa tabi ng sala. Bumuntong hininga na lang ako at kumain hanggang sa naka-apat na ako. Nagtira ako ng dalawa para sa kanya at niligpit ko na ang baso at coaster ko.
Hinugasan ko na rin 'yun bago bumalik sa sala para manood ng Mischievous Kiss habang hinihintay pa rin siyang matapus sa calll niya. It's 8 P.M. already.
"'Ay, tangina mo! Pinsan ka lang!" sigaw ko sa isang babaeng lumabas sa screen na nilalandi ang lalaking bida at pinaglalaban pang siya ang nauna sa lalaki. "Deserve!" ani ko nang labanan siya ng babaeng bida.
"Lai," tawag ni Jason sa akin kaya lumingon ako sa balcony.
He's leaning on the wall while his arm is raising the curtain and the other on his phone. His brows are furrowed. Nang makita ko na lahat ng 'yun ay inihinto ko muna ang palabas na nasa TV at hininaan ang volume 'nun bago ako muling lumingon sa kanya.
"Sorry," bulong ko.
He smiled and felt relieved. Tumalikod lang siya at ibinaba ang brasong iniangat ang kurtina kanina sa balcony at nagsalita ulit sa kausap niya. Bumuntong hininga ako at tumayo para pumasok ng kwarto ko para kuhanin ang mga libro ko tungkol sa mga iba't ibang sakit na kailangan kong aralin. Isinama ko na rin kuhanin ang notes ko tungkol sa kung anong gamot ang ibibigay sa kanila, o kung kailangan nila ng chemotheraphy o operahan o resetahan lang ng gamot o wala sa nabanggit.
Bumalik ako ng sala at naglalakad nang hindi ko sinasadyang marinig ang boses ng kausap niya.
[You're supposed to check this tomorrow, love.]
Tumaas ang kilay ko nang marinig ko ang tawag ng babaeng kausap niya sa kanya. Love? Akala ko ba wala siyang GF? So nakipag-sex siya sa akin nang mayroon na siyang GF? Cheater. Ano ang iniba niya sa ama niya kung ganun?
"Christine, I told you don't call me that," mariin na sabi ni Jason.
[Why? I used to call you that in college.]
Uminit ang ulo ko nang makaupo ako sa sala. Padabog ang pagkabagsak ko sa mga gamit ko at napatingin sa akin si Jason. Tinignan ko lang siya ng masama bago ko binuksan ang libro at notes ko para aralin ang mga kailangan kong impormasyon para bukas.
"I'll call you later," sabi niya bago ko narinig ang pagsarado ng sliding door sa balcony.
Umupo siya sa couch at kumuha ng isang onigiri para kainin 'yun. Uminom rin siya ng tubig. Hindi ko alam kung sinadya niyang lakasan ang pag nguya niya at pag-inom pero wala na akong pakialam. I thought he's not a cheater but I guess I thought wrong?
"Lai," pagtawag niya.
"Oh?" tinatamad kong tanong.
"Why did you slam your things over the table? What's our problem?" he asked, leaning on his thighs.
"Wala," sagot ko at pinagpatuloy ang pagbabasa. "Sorry kung naistorbo ko ang usap niyo. Hindi na mauulit."
"What?" I can see that his brows are furrowed from my peripheral vision.
"Nag-uusap pa kayo ng 'Christine' 'di ba? Tawagin mo na ulit. Baka...magtampo pa sayo 'yun," ani ko habang nagha-highlight.
I heard him laugh. "What are you thinking, Lai?"
Ang lakas ng tibok ng puso ko kanina pa at naririnig ko na 'yun dahil hindi naman kami nagpapatugtog at mga boses lang namin ang tanging naririnig ko sa paligid. Kung tatahimik kami, wala ng ingay sa paligid.
Tinakpan ko ang highlighter at inilapag 'yun sa librong nasa harapan ko ngayon habang hawak ko pa rin 'yun. Nanginginig ang kamay kong lumingon sa kanya. Lalong kumuyom ang kamay ko nang umulit sa utak ko ang tinawag sa kanya ng babae kanina.
Love...
'Yun rin ang dating tawagan namin. Ganun na ba talaga kababaw sa kanya ang kahulugan 'nun para gamitin niya sa iba? Pero sino ba naman ako para isipin 'yun, 'di ba? It's just an endearment. 'Just' an endearment. Bakit ba ako galit na galit?
"You're a cheater," prangka kong sagot at nakita ko ang gulat sa mga mata niya bago kumunot ang noo niya. Suminghap muna ako ng hangin bago muling nagsalita. "You're a fucking fuck boy. Kailan ka pa may GF? Niloloko mo ba akong wala para lang makipag-sex sa akin? Bakit? Hindi ba kayo nagse-sex ng jowa mo? Nandidiri ako sa sarili ko, Jason!" sigaw ko.
"Lai, calm down - -"
He tried to touch me but I keep on getting away from him.
"Huwag mo kong matawag-tawag na 'Lai' dahil nandidiri ako sayo!" sigaw ko at tumayo. "Sino ka para manloko?"
"Okay." Bumuntong hininga siya habang hinihilot ang sentido niya. "I'm not a cheater, Lai, believe me."
"Sinungaling."
Nahirapan akong huminga. Ang sakit ng dibdib ko. Alam kong hindi ko kailangang maramdaman ang mga 'yun dahil wala na naman kami pero mahal ko pa rin siya at pinaramdam niya sa aking mahal pa rin niya ako. Kasinungalingan lang ba 'yun?
"Where's the lie there, Lai?"
"Si Christine," sagot ko.
"Anong meron kay Christine?" kunot-noong tanong niya.
"Sino si Christine? GF mo? Huh, cheater." I rolled my tongue inside my mouth, getting irritated.
He laughed again. Lalong kumunot ang noo ko sa pagtawa niya. Ano ba kasing nakakatawa sa mga sinasabi ko? Hindi ba totoo? Babae niya lang ba? Hindi GF?
"She's not my GF, Lai," sagot niyang tumatawa pa rin.
"Eh, sino siya? Sabi ni Gwen kaklase mo siya 'tas nag-bar kayo dati, kasama rin siya. So, sino siya sa buhay mo? Babae mo?"
"I'm not like my dad, Lai. Don't make me one."
He stood up and placed his hands inside his pockets. Matalim siyang tumingin sa akin bago kinuha ang huling onigiri sa tray at lumapit sa akin. Sinundan ko lang siya ng tingin, at natulos sa kinatatayuan ko nang ipatong niya ang kamay niya sa ulo ko at dinikit ang noo niya sa akin.
Mabilis ang pagtibok ng puso ko at nararamdaman ko ang pangingilabot ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa highlighter dahil sa kaba. The fuck, ano na namang nangyayari sa akin? Nagagalit ako kanina, 'di ba? Bakit ganito ngayon ang nararamdaman ko?
"It was you all along, Lai," aniya.
My heart cannot stop beating so fast. Was it really me all along?
"Alis," ani ko.
Tinulak ko siya ng mahina para lumayo siya sa akin at doon lang ako nakahinga ng maayus. Para akong tinanggalan kanina ng hangin sa baga sa tuwing malapit ako sa kanya.
"Okay."
'Yun lang ang isinagot niya sa akin at umalis na siya sa harapan ko. Nang marinig ko ang pagsarado ng pintuan ng condo ko ay agad akong napaupo sa lapag. Nanghina ako dahil doon. Nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya.
It was you all along, Lai...
Napatakip ako sa mukha ko at umiling nang maramdaman ko na naman ang bilis ng tibok ng puso ko. Tumunog ang cellphone ko at kinabahan pa akong kunin 'yun dahil baka si Jason ang lumabas sa notification ko pero...
From: Xy
Kahapon nakalabas na si Thea,
tas yung iba niresetahan. Also,
one is scheduled to be operated
tomorrow
To: Xy
sino?
From: Xy
si alexa
To: Xy
ok, thank u sa update, xy
From: Xy
sige, magrereview pa ako para
sa mga cases ng mga patients ko
To: Xy
same lang
Dumating ang kinabukasan at as usual ay nagbihis ako, inayus ang gamit ko at pumasok gamit ang sasakyan ko. I showed my nametag to the guard and he let me in. Tumango naman ako sa mga bumati na intern sa akin dahil umagang umaga pa lang ay naririto na sila sa hospital.
Pumunta akong ward namin at ibababa ko lang sana ang tote bag ko sa may locker namin ay biglang tumatakbo na papunta sa akin ang isang intern. "Nurse Ellaine, someone...had a fracture. You're...needed there," aniyang hingal na.
"Did they call the Code Blue?" tanong ko habang naglalakad kasama niya papuntang ER.
"Yes, ma'am."
"Good. What's the kind of fracture the patient have?"
"Transverse, ma'am."
Hindi ganun kalala katulad ng mga nakikita ko dati na fractures. 'Yung iba literal na nakalabas na ang mga buto pero buti ay nabuhay pa ang iba at naputulan lang ng paa o kamay. 'Yung iba DOA na nung dumating ng hospital at 'yung iba naman ay sinubukang i-revive pero hindi na kinaya dahil ang daming dugong nawala sa katawan.
"Okay, that's noted. Can the patient talk?"
"Yes, ma'am."
"Did the patient lose a lot of blood?"
"No, ma'am."
Pumasok kami sa ER at kinuha ang isang clipboard sa isang tray, katabi ng kama kung nasaan ang na-fracture. Hindi ko pa nakikita kung sino 'yun dahil nakaharang pa ang kurtina. Binuksan ko 'yun habang hindi pa rin tumitingin sa pasyente dahil pagkahawi ko ng kurtina ay naka-ready na ang kamay ko sa pagsusulat tungkol sa personal information ng pasyente.
"What should I call you, sir/ma'am?" tanong ko dahil hindi ako nakatingin.
"Sir," sagot niya.
Kaunting kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ng pasyente. Parang pamilyar ang boses niya pero hindi ko matandaan kung saan ko narinig 'yun kaya ipinagpatuloy ko ang pagtatanong ko.
"State your name, sir."
"Jason Lavin Dela Rosa."
Jason Lavin Dela Rosa?
Inangat ko ang ulo ko para masiguradong hindi siya 'yun pero nanlaki ang mata ko ng siya ang nasa hospital bed kung saan ako nagta-trabaho. He's still on his uniform but without his hard hat. Maybe, kinuha ng mga nasa ambulansya para hindi siya mahirapang humiga.
Pinalobo ko ang mga pisingi ko para pigilan ang inis at hiya na nararamdaman ko habang pinapalibot ko ang mga mata ko sa buong katawan niya. Kahapon lang nagkita kami ah? Bakit naaksidente agad siya? Ang galing mo namang maglaro, tadhana.
"What are you doing here?" kunot-noo kong tanong.
"Obviously, for treatment, nurse," pabalang niyang sagot.
"Kilala mo siya, Nurse Gonzales?" tanong ng isang nurse doon na medyo mas bata sa akin.
"We met yesterday in my sister's...event and he was there. Just a little fight," sagot ko.
"Ah..." Tumango-tango siya.
Muli akong lumingon sa pasyente namin slash ang ex kong nakita ko kahapon na nakaaway ko pa. Itinuloy ko ang pagtatanong sa kanya.
Well, the 'little fight' thing wasn't true, because what happened yesterday was big. Literally big because they are big-time stars and someone from them literally tried to sexually harass me.
"Profession, sir."
"Mechanical Engineer."
"Age, sir."
"26."
"What happened to you, sir?"
"We're just fixing something but I was in the car creeper, lying down when some thick heavy pipe came down and hit my ankle."
Napahinto ako sa pagsusulat nang marinig ko kung ano ang nangyari. Humigpit ang hawak ko sa ballpen. Sino ba kasing tangang hindi inayus ang trabaho nila at may nabagsakan pa?
"Which part of his ankle was injured?" tanong ko sa isang nurse doon.
"The anterior part, Nurse Gonzales."
"Okay."
'Yun lang muna ang sinabi ko at ginala ko na ang mga mata ko sa paligid para hanapin si Doctor Chavez. Nang makita ko siya ay nagsalubong kaagad ang mga mata namin kaya itinaas ko na lang ang kamay ko para palapitin siya.
"What's the matter, Nurse Gonzales?" tanong niya.
"Someone had a fracture and here's the information you needed. Will he be confined or not? Did we need to give him an IV?"
"You must give him an IV, Nurse Gonzales. He was fractured and bled. And yes, he needs to be confined until his bone is healed and he can walk. He also needs to cancel his schedule."
He returned the clipboard to me and I nodded. Tatalikod na sana ako nang ipatong niya ang kamay niya sa balikat ko, dahilan para muli akong humarap sa kanya.
"Yes, Doctor Chavez?" tanong ko.
"Stop the formality when we're talking with just the two of us, Ellaine."
"Ah, sige, Kaito."
"Pucha, ang cold mo magsalita kapag hindi ka formal." Nag-akto pa siyang parang nangingilabot sa tinawag ko sa kanya.
"Oh, bakit nga?"
"Are you fine?" tanong niya.
"Yes," sagot ko. "Bakit naman hindi?"
"I think you don't like the patient. Do you know him?"
"'Yan 'yung ex ko."
"Huh?!" pabulong niyang reaksyon. "'Yan 'yung Jason?!"
Strike two nang pagkagulat niya.
"Oo nga," sagot ko.
"What a small world for you two."
"Alam mo? Kung mang-aasar ka lang, Kaito, bumalik ka na lang sa pagche-check mo sa ibang pasyente."
Sinuntok ko ng kaunti ang dibdib niya at umusog siya ng kaunti palayo sa akin, nagkukunwaring lilipad na. Parehas kaming tumawa sa ginawa niya.
"Nurse na may kausap na doktor sa tabi at tumatawa, i-dextrose mo na raw ako!"
Narinig ko ang sigaw ni Jason kaya nawala ang ngiti sa labi ko at kumulo ang dugo ko. Ano bang problema niya? Nakikipag-usap pa ako kay Doctor Chavez!
"Oh, someone's jealous, Ellaine. What are you going to do?" Kaito teased.
"Shut up, quack."
"I'm not a quack, you know that."
I rolled my eyes when he winked. Akala naman kina-gwapo niya. Wala pa rin naman siyang jowa dahil hindi raw siya interesado. Ang minamahal lang raw niya ay ang hospital na 'to.
They own the hospital that's why nakapasok agad ako. Well, I did the interview kahit tanggap na naman ako nung una kong tungtong dito dahil magulang niya na ang nag-anyaya sa akin.
Nagustuhan raw ako, bonakid.
"Well, at least your mom wanted me to be her daughter-in-law before," I smirked.
"You're crazy," komento niya.
"Maghanap ka na kasi ng jojowain mo," ani ko habang naglalakad kami papunta sa direksyon kung nasaan si Jason.
"May kaibigan ka bang single?"
"Meron pero 'di ko alam kung papatol sayo."
"Really? I'm handsome, smart, tall, and the heir of this hospital. What does she want pa?"
"Assurance, love, and understanding. A funny one pa pala, hindi ikaw 'yun."
"Really? But I can do that if she's my ty - -"
Pinatahimik ko siya gamit ang kanang hintuturo ko nang makarating na kami sa harapan ni Jason. Masama ang timpla ng mukha niya habang nakatingin sa akin papunta kay Doctor Chavez at alam ko na kung bakit kaya bumuntong hininga na lang ako bago inilapag sa tray na katabi ko ang clipboard na hawak ko.
Mayroon doong hugasan ng kamay kaya naghugas muna ako bago kumuha ng gloves para isuot. Naroroon na rin ang IV kit, ang IV tubing line, at ang iba pang mga gamit na kakailanganin ko para kabitan ng IV si Jason. I was careful not to touch anything that is needed to refrain from touching.
Pagkatapus kong gawin tignan kung kompleto na ang mga gamit ay suminghap ako ng hangin at pinakawalan 'yun bago humarap kay Jason nang nakangiti.
"Good morning, sir. I am Nurse Ellaine Gonzales and I will perform intravenous cannulation or for short, IV. Your non-dominant hand, sir? Can I take a look at it for your veins?"
Tumango lang siya habang seryoso pa rin ang mukha niya pero wala akong pakialam kung galit ba siya sa pakikipag-usap ko kay Doctor Chavez kanina o hindi. Nawala na rin ang ibang nurse sa paligid pwera na lang sa mga intern na kailangang obserbahan ang ginagawa ko.
"The cannula will serve as a way for the fluids from the tubing line to go to your bloodstream. Like...you're eating but the vitamins will go through your veins to your bloodstream," I explain while I wrapped a tourniquet on his upper arm.
I sterilized the back of his hand with ChloraPrep for 30 seconds while I explain the procedure to him and let the antiseptic dry. I get the cannula and remove the cap, and when I turned around to talk to him, I saw how he turned pale.
"Sir, this will hurt but it's just a plastic needle as you can see. Are you afraid of blood, sir?" tanong ko at ngumisi. "And please clench your fist, sir," dagdag ko pa.
Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya dahil sa tanong ko. I'm aware that he has a fear of blood but I'm just asking as a nurse para naman hindi halatang kakilala ko ang pasyente. Ang masama pa, ex ko pa.
"No," He answered while I was touching the vein on the back of his hand.
"Talaga?" pabulong kong tanong.
"No," pabulong niyang sagot.
"Sinungaling," ani ko and clicked my tongue.
I put a light pressure under the site before I positioned the cannula tip adjacent to the vein aimed toward it. I watched the blood return in the chamber afterward before I advanced the cannula a little to make sure it is in the vein.
Then, I thread the cannula in the vein, meaning I put pressure near the tip of the cannula inside the vein so that the blood won't leak when I press the needle safety button. I removed the tourniquet from his arm and pressed the needle safety button. I was explaining the procedure while I am doing it.
Next, I connected a tube in the chamber and secured it neatly. Then, I check for blood return by aspirating with the flush, and then, I flushed the IV using the push and pause technique as I observed if there was bubbling in the tube. If there was bubbling, that means there's still some air in the tube, and if there wasn't, it means infiltration.
"How does the site feel to you, sir? Is it hurting you?" I asked Jason while I am pushing the plunger.
"What site?" he asked and I rolled my eyes.
"The flushing, sir. What does it feel?"
"Nothing."
"Just normal?"
"Oo," sagot niya.
"Okay."
I used a negative pressure syringe so I clamped first before I disconnect the syringe from the tube. Then, I applied a cap to the tube to protect the site. I also taped the cannula on the back of his hand to be sure it was secured and the same with the extension.
"All done, sir. You'll be assisted by other nurses to your room," I said while I placed the disposals in a small plastic bag and closed it before I remove my gloves and wash my hands.
"Hindi ikaw ang nurse ko?" tanong niya.
I looked at him in shock. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at baka may nakarinig sa kanya. Narinig ko lang ang pagpipigil ng tawa ni Docotr Chavez kaya ko siya sinamaan ng tingin at tumikhim siya bilang palusot.
"Sir, Nurse Gonzales is just an ER nurse and none other more. She has patients, too, in other wards that were tasked to her so Nurse Fernandez will assist you to your room," ani ni Doctor Chavez sa kanya.
Nang marinig ni Faith ang apelyido niya ay lumapit agad siya sa amin pero may kalayuan rin. Hindi naman maipinta ang mukha ni Jason habang nakikinig kay Kaito pero alam niyang wala siyang magagawa dahil pasyente siya dito at kung gagawa siya ng skandalo ay madadawit rin ako at si Kaito.
"Sir, I heard my surname. Is there something I could do?" tanong niya habang ang mga kamay ay mgkahawak sa harap niya at nakatingin kay Kaito.
"I need you to assist Mr. Jason Dela Rosa to his chosen room. Is that okay with you?"
"Yes, sir!"
"Good. You may ask two more nurses to help you transfer the patient."
"Thank you, sir!" masiglang sagot ni Faith kay Doctor Chavez bago ibinaling ang tingin kay Jason. Nakita ko ang kaunting paghanga niya sa lalaking nasa harapan niya ngayon at napabuntong hininga na lang ako at iniiwas ang tingin ko.
"Is that okay with you, Mr. Jason?"
Narinig ko ang pag buntong hininga ni Jason. "Okay, fine," sagot niya. "But I want to hire Nurse Gonzales as my personal nurse."
Lumingon ako sa kanya nang nanlalaki ang mga mata. He will hire as his what?!
"Your what?!" I exclaimed at medyo napalakas 'yun kaya napatingin sa amin ang mga tao sa loob ng ER at sa entrada ng ER papuntang loob ng ospital. Tumikhim ako bilang palusot bago nagsalita. "Sir, what? Your personal nurse?" mahinahon kong tanong.
"Yes. Is that okay, Doctor..." Tinignan niya ang dibdib ni Kaito. "...Chavez?"
"We will inform the director and the Department Head right away, sir," pormal na sagot ni Kaito.
Nanlambot naman ang kalamnan ko sa isinagot niya. Pumayag siya?! Bakit?! Nang-aasar yata 'to!
Binigyan ko siya ng masamang tingin at nginisihan niya lang ako. Umirap na lang ako at walang nagawa dahil panigurado ay idederetso niya na agad ang impormasyon na 'yun sa tatay at nanay niya. Her mom was the head of the department while his father is the director of the hospital.
"Nurse Gonzales," tawag ni Doctor Chavez, nang-aasar pa rin. "Document all of this and check your other patients before going to my office."
"Yes, sir."
"Okay, you may go."
Muli akong umirap bago kinuha ang disposal bag at clipboard na nasa tray, at umalis. Nang madaanan ko ang disposal trash can ay itinapon ko doon ang disposal bag bago bumalik sa nurse ward at umupo sa swivel chair ko. Humarap ako sa computer at binuksan 'yun bago ako nag-add ng panibagong file para sa pasyente.
I typed all of the information needed before standing up to monitor my other patients. When I finished I return to the ward to type their information again. It was all normal for me since then, but today was different. It was tiring because my mind was spacing out because of what Jason requested from Kaito.
I want to hire Nurse Gonzales as my personal nurse...