[Jason's POV]
"Uy, pre, masyado kang seryoso mag-aral diyan."
Inakbayan ako ni Dion habang nagre-review ako para sa exams namin. Kaagad ko namang inalis ang pagkakaakbay niya sa akin at bumalik sa pagha-highlight sa notebook ko. Kailangan kong mag-aral ng mabuti para mapasama sa mga top students. Kailangang gawin kong proud si Lai pagkatapus naming maghiwalay.
"Dion, walang time si Dela Rosa para makipag-usap sayo," rinig kong sabi ni Lucas.
"Last year rin ganyan 'yan. Inaasikaso si EX! Haha!"
Humigpit ang hawak ko sa highlighter na nasa kamay ko at isinandal ang likod ko sa sandalan ng arm chair ko bago ko siya pinukulan ng masamang tingin. Siniko naman siya ni Lucas para mapansin ang pagtingin ko sa kanila at nawala ang ngiti sa labi niya.
"Tol - -"
"Huwag na huwag niyong dinadamay si Ellaine dito kung gusto mo pa akong kaibigan, Garcia."
Nakita ko ang takot sa mga mata niya pagkatapus kong mabanggit ang pangalan ni Ellaine. Wala siyang nagawa kung hindi itikom ang mga kalokohan niya dahil alam niyang seryoso ako kay Lai. Ayokong dinadamay niya sa kalokohan ang ex ko dahil walang nakakatuwa sa paghihiwalay namin. Lahat 'yun seryoso at at pinag-usapan kaya hindi niya dapat ginagawan ng biro ang mga 'yun.
"Sorry, tol. Puro ka kasi aral. Wala ba tayong gala diyan? Aray ko, De Guzman!" Siniko na naman siya ni Lucas dahil sa pinagsasasabi niya.
"Tigilan mo na kasi si Dela Rosa. Palibhasa puro dos at tres ka diyan."
"At least pasado!"
"Tularan mo kaya 'yang si Lavin? Simula nang mag-first year ng college nakaka-dos nung una pero ngayon puro uno. May naibagsak ka na ba ngayong term, Lavin?" tanong ni Lucas.
"Wala." sagot ko.
"Question lang, Lavin," sabi ni Dion. Pabalik na sana ako sa pagha-highlight nang tawagin niya na naman ako.
"Oh?"
"Wala kang planong manligaw ng iba? Si Ellaine lang talaga? 'Di ba siya 'yung isa sa model 'dun sa tarp?"
"Wala, oo, at oo ulit," sagot ko at itinuloy ang pagha-highlight ko.
"Bakit?"
Sa ngayon, ang grado ko lang muna ang inaasikaso ko hanggang makatapus ako at wala akong planong manligaw ng iba kahit ang dami na ng nagkakagusto sa akin. Si Lai pa rin ang pipiliin ko. Siya pa rin ang liligawan ko kahit sa ibang universe, kahit sa ibang mundo. Isang Ellaine Yezdaeca Gonzales lang ang gugustuhin kong makasama sa buhay ko at wala ng iba pa.
"Because it's just her, Garcia," sagot kong bumalik na sa pagha-highlight at winalang paki ko na lang silang dalawa.
The third year ended and the start of the fourth year started. May mga naging ka-blockmates akong mga babae. Hindi pa rin nahihiwalay sa akin ng mga klase sina Dion at Lucas.
"Uy, pre, daming magaganda oh! Baka naman pumatol ka kahit kaunti. Mga type mo naman 'yang mga 'yan katulad lang ni ex," ani ni Dion sa akin sabay akbay nang makaupo ako.
Kaagad ko na namang tinanggal ang akbay niya. Bakla ba 'to o ano at laging umaakbay sa akin? Kung bakla siya, hindi ko siya papatulan.
"Walang katulad si Ellaine so stop comparing her to our blockmates," ani kong ibinaba ang gamit ko.
"Cold mo, pre," aniya at ngumuso.
"Hi! Anong names niyo?"
Narinig ko ang boses ng isang babae at parang nangati ang tenga ko dahil doon. Parang ang arte niyang magsalita at hindi ko gusto 'yun. Parang gusto kong lumabas ng room dahil sa boses niya.
"Ako? Dionisio Garcia! Ito si Lucas De Guzman. Ito," Naramdaman ko ang pagpatong ng braso ni Dion sa ulo ko kaya kaagad akong napasibangot at nararamdamang umiinit na ang ulo ko pero bumuntong hininga na lang ako at tinanggal ang braso niya sa ulo ko. "Ito si Jason Lavin Dela Rosa," pagpapakilala niya sa akin.
Humarap naman ako sa kanila at ipinatong ang braso ko sa sandalan ng upuan ko. Tinignan ko ang babaeng katabi ngayon ni Lucas at pinasadahan ng tingin sina Dion at Lucas. Para pang nagulat ang babae nang tignan ko ulit siya. Magkasing-height lang sila pero mas matangkad pa rin ako. They are around 5'7. Nakasuot pa lang ng ID ang babae. Naka-high waist jeans siya at crop top na pink na kaunti na lang ay lalabas na ang pusod niya.
"Why are you wearing a crop top?" kunot-noo kong tanong.
"Uhm, 'cause the school said that I should wear casual clothes muna since I don't have a uniform yet," aniya. "My uniform kasi last years is not kasya na so I need to replace it and - -"
"Hindi ko tinanong," malamig kong sabi kaya napahinto siya.
"Uhm, ok." Yumuko siya nang saglit bago iniangat ulit ang ulo niya para harapin ako at hingin ang kamay ko. "Christine Mae Ruiz," pagpapakilala niya nang nakangiti at tinaasan ko siya ng kilay pero parnag wala siyang pakialam doon. "I'm your new blockmate 'cause...I didn't see you around here in the past years so I come here to say hi."
"I don't do handshakes," ani ko.
Nakita ko ang pagwala ng ngiti sa labi niya at pagbaba ng kamay niyang naiwang nakataas sa ere nang i-reject ko 'yun pero mayroon sa kanyang binabagabag ako. Ang weird ng aura niya at ayoko nang pakisamahan 'yun. Ayokong isipin ni Lai na napagpalit ko siya sa babaeng 'to habang pinangakuan ko siyang maghihintay ako.
Lumipas ang mga araw at midterm na namin. Nagsimula na rin kaming pagawan ng research kaya lagi na naming kasama si Christine dahil kagrupo namin siya at dahil kay Dion. Ang bait kasi ng gago kaya napapasama sa amin. Wala naman akong nagawa pero hindi ko kinakausap si Christine kung hindi kinakailangan sa research. Pinagsasama pa kami ng mga timang para raw hindi ako mahirapan.
Hindi naman ako nahihirapan. Kaya kong gawing mag-isa ang parte ko sa research kaso shini-ship lang talaga ako ng gago. Si Lucas naman ay nananahimik na lang at hindi nagpapadamay sa kalokohan ng kaibigan namin.
Nasa bahay kami ngayon ni Dion at magsi-sleepover. Pinayagan si Christine dahil sa ibang kwarto siya matutulog at lagi namang nakabantay sa amin ang mommy ni Dion. Ginagawa ko ang mga solving para sa research namin nang may bumunggo sa kamay ko kaya medyo nainis ako at lumingon sa katabi ko. Nakita kong si Christine 'yun kaya pinilit kong ikalma ang sarili ko dahil ayokong manigaw ng babae.
"Hoy, tigilan niyo 'yang kalokohan niyo at gawin niyo mga pinapagawa ko. Tsaka, nabubunggo niyo 'tong si Ruiz," bulyaw ko sa dalawang nagpipingutan at hampasan ng unan.
Umusog pa ng kaunti si Christine sa tabi ko kaya dumidikit ang dibdib niya sa braso ko. Hindi 'yun komportable para sa akin kaya umusog ako paalis sa tabi niya at umusog rin siya kasunod ko kaya kumunot ang noo ko. Umiling ako para maiwasang isipin na may gusto siya sa akin.
Binitawan ko ang ballpen na hawak ko at tumayo para pumuntang kusina. Kumuha ako ng baso sa dishwasher at binuksan ang ref nila para kumuha ng tubig.Nagbuhos ako sa baso ko at iinumin ko na sana nang may kumuha 'nun sa kamay ko at ininom 'yun.
Naiwang nakaawang ang labi ko habang tinitignan siyang inumin ang tubig ko. Humalukipkip ako at sumandal sa counter. Sinamaan ko siya ng tingin nang ilapag niya ang baso sa tabi ko. Gumawa 'yun ng tunog.
"What's your problem, Ruiz?" tanong ko.
"Why are you ignoring me, Lav?"
Kumunot ang noo ko sa itinawag niya sa akin. Ipinagbawal kong tawagin nila akong ganoon dahil pwedeng pagkamalang jowa ko sila kaya bakit ang tigas naman ng mukha ng babaeng 'to para tawagin ako sa nickname ko na 'yun?
"I told you not to call me that, Ruiz," ani kong naiinis na.
"Why can't you like me?" tanong niya kaya lalong kumunot ang noo ko.
"What?"
Hindi ako makapaniwalang tinanong niya 'yun. Hindi ko talaga siya magugustuhan dahil hindi ko siya tipo at kung tipo ko man siya ay hindi ko na rin siya tipo dahil ang tipo ko lang ay si Ellaine at wala ng iba pa. Walang makakapantay sa kanya. Kahit pa ang isang magandang actress pa ang iharap nila sa akin, wala akong pakialam. Siya pa rin ang pipiliin ko sa lahat ng mga babae sa mundo.
"Isn't it obvious, Lavin? I have fallen for you," pag-amin niya at hindi pa rin ako nagsalita. "Are you not falling in love with me? It's been months since we're together in the same units."
"At bakit naman ako mahuhulog sayo?" malamig kong tanong.
"I'm smart. To clarify, I am the SHS valedictorian and was a beauty pageant champion. I'm rich. I can give you anything you want!" pagyayabang niya.
Umismid ako at tinaasan siya ng kilay. "Mayaman ka? Mabibigay mo ang lahat ng gusto ko?"
"Yes - -"
"Then, give me Ellaine," sagot ko.
"What?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "I cannot buy an individual. Who are you talking about? Is she our classmate? Is Ellaine richer and smarter than me for me to give her to you? Who is she in your life, Lav?"
Kumuyom ang kamao ko at pinipigilang sabunutan siya dahil na naman sa itinawag niya sa akin. Hindi naman siya bingi para ulit-ulitin kong sabihin na huwag niya akong tawaging ganun.
"Stop calling me 'Lav'."
"Then, Jal. That suits you," aniya at lalong nag-init ang ulo ko.
"Boss - -" Napalingon ako sa entrada ng kusina nang marinig ko ang boses ni Dion at napahinto siya doon nang makita niya kami. "Oh, holy shit! Anong nangyayari dito?!" bulalas niya at lumapit sa akin para tignan ang mga mukha namin ni Christine. "Tol, bakit parang galit ka? Hoy, Christine anong ginawa mo kay aports?"
"I called him 'Lav' and 'Jal'," sagot ni Christine at lalo kong naramdaman ang pag-init ng ulo ko kaya napahilot na lang ako sa sentido ko.
"Shit," rinig kong mura na naman ni Dion. "Christine, dapat hindi mo siya tinatawag ng ganun, okay? Ayaw ni aports na tinatawag siyang ganun."
"Why?"
"Kasi - -"
"The only one who can call me 'Jal' was my ex, Christine," mariin kong sagot at hinarap siya. Walang kabuhay-buhay ang mga mata ko at nakita ko kaagad ang takot sa mga mata niya. "You asked me who is Ellaine? She's my ex."
"Boss, kumalma ka," pagpigil ni Dion pero huli na ang lahat dahil pinainit na ng babaeng nasa harapan ko ngayon ang ulo ko.
"Am I not falling in love with you? Hindi! Kahit ilang taon pa tayong magsama sa iisang room, hindi kita magugustuhan dahil hindi ikaw si Ellaine!"
"Boss - - "
"Pangalawa, she's smart. Valedictorian man siya o hindi, matalino siya at naging student leader. Ang dami nga niyang natulungan at isa na ako 'dun! For the record rin, Miss Brag, hindi siya mayaman."
Nakikita ko nang nangingilid na ang luha sa mga mata niya pero wala akong pakialam. Kanina pa siya nagyayabang ng mga nagawa niya at binibigyan ako ng rason para mahalin ko siya kaya ako naman ngayon ang magyayabang sa kanya kung sino si Ellaine, kung sino ang babaeng minamahal ko hanggang ngayon.
"Until to this date, Christine...Until to this date! Tandaan mong wala akong ipapalit kay Ellaine. Soon-to-be nurse 'yun at siya ang ex ko. Ex ko na hanggang ngayon mahal ko at hinihintay ko. She's my chase so stop trying hard to steal her spot dahil hindi mo kayang agawin 'yun."
"She's already an ex! If I would've known, siya pa ang nag-left sayo!"
"Oo," sagot ko sa mahinahong paraan. "Siya ang nag-iwan sa akin pero hindi lang siya basta 'ex', Christine. Siya ang nagbigay ng kulay sa buhay ko. Siya ang nagbigay ng mga hindi ko naramdaman noon. Siya ang bumaliw sa akin at siya ang kauna-unahang babaeng tumanggap sa akin, sa kung sino ako nang hindi bumabase sa itsura. Hindi ko mailalabas ang talino ko ngayon kung hindi dahil sa kanya, Christine. Kung ngayon, may kaya-kaya ako at nagustuhan mo ako. Pwes, kung hanggang ngayon ay mahirap ako? Gugustuhin mo pa kaya ako? 'Cause she did," pagyayabang ko. "Kaya bumalik kayo sa sala at gawin ang mga parts niyo sa research at tigil-tigilan niyo ako!" bulyaw ko.
"Christine, tara na," ani ni Dion na para bang nanginginig na rin nang alalayan niya si Christine pabalik sa sala. Samantalang naiwan naman akong nag-iinit pa rin ang ulo. Napasapo ako sa noo ko at pumikit para maibsan ang nararamdaman ko bago ako kumuha ng panibagong baso para uminom ng tubig.
"Here." Inabot ko ang ballpen na nahulog sa nurse na nakabungguan ko. Hindi ko alam kung pagod lang siya sa trabaho kaya sabog siya pero hindi ko na inabala pang tanungin. "I am sorry, nurse."
Kinuha niya ang ballpen sa kamay ko and her hand brushed a little in my fingers. I don't know what was with her but I felt something unusual with her. It was the feeling I longed for the past seven years.
"Don't worry about it. Sorry if I bumped into you, sir," she respectfully responded but something about her voice was familiar, too.
Umiling ako para hindi isiping siya 'yun pero kinukutuban ako. I was the 'assuming' type of person but...Is she really not Ellaine?
"Be careful next time, nurse," ani ko bago nagsimulang maglakad.
"Be careful also with your engineers next time, engineer."
Napahinto ako sa paglalakad ko at lumingon sa kanya. My heart skipped a beat when she said the word 'engineer'. Parang nang marinig ko 'yun, para bang si Ellaine ang nagsabi sa akin 'nun, na proud siyang engineer na ako ngayon. But...I don't want to assume it's her.
Nalipat na sa ibang kwarto ang mga hawak kong engineers including Garcia and De Guzman. Hindi naman ganun kalala ang natamo nila sa aksidente pero kailangan pa rin nilang magpatingin sa hospital kaya isinugod. Nakarinig kami ng isang katok sa isang trolley malapit sa entrada ng ward kung nasaan kami. I didn't mind looking because I'm talking to Lucas.
"Uy, ang ganda nung nurse!" sigaw ni Dion kaya napakunot ang noo ko.
"Chicks!" pagsunod naman ni Diaz.
"Engineer Lavin, chicks oh!" pagsunod rin ni Fernandez.
Napalingon ako sa nurse na nasa entrada ng ward at halata kong pinipigilan niya lang ang sarili niyang magsalita ng masama dito. Mga katarantaduhan kasi ang alam ng mga kasamahan ko. Mga nangangati na yata ang mga bayag dahil walang mga girlfriend.
I don't have a girlfriend also. I just don't want to.
"Garcia, Diaz, Fernandez, tama na 'yan," pambabawal ko.
Nakasandal ang likod sa dingding sa dulo ng ward. Nasa bulsa ko ang mga kamay ko at suot-sot ko ang hard hat ko kaya hindi malinaw sa akin kung sino ang nurse na bumisita sa amin.
"Bakit, Lavin? Chicks nga oh! Mga type mo!" sigaw na naman ni Dion. Ang hilig naman nito sa chicks. Sa kanya na lang kaya? Puro na lang ako lagi.
Sinamaan ko siya ng tingin at buti naman ay nadala siya. Mahirap nang pati ang nurse dito sa hospital na 'to ay madamay pa sa mga kagaguhan ng kaibigan ko. Mamaya talaga 'to sa akin.
"Isa siya sa mga nurse na naggamot sa inyo kaya huwag niyong tinatawag na chicks, Garcia," pambabawal ko.
"Ate, single ka?"
He plainly ignored me.
"Um...Single," simpleng sagot niya.
"Whoo, shots talaga! Ito, Lavin! Single!"
Pinapasakit talaga ng lalaking 'to ang ulo ko hanggang ngayon.
"Garcia!" Mariin na ang pagbabawal ko sa kanya pero nginisian niya lang ako.
"Lavin naman kasi...Ang tagal mo ng single."
"Tigilan mo ako, Garcia. Gusto mo bang hindi ka na lang naligtas sa nangyari sa inyo at binabastos mo ang nurse?"
"Sorry, Lavin."
Yumuko siya pero alam kong natatawa siya sa pagababawal ko sa kanya. Ganun talaga ang lokong 'to, walang masyadong pinagbago at nagkaroon lang ng trabaho. Nararamdaman ko rin ang titig sa akin ng nurse na hanggang ngayon ay hindi ko nililingon. Lilingunin ko na sana siya kaso ay nakaiwas na siya ng tingin at nilalagay na ang mga pagkain at tubig sa tabi ng mga kama ng mga kasamahan ko. Her cap and bun is covering her face kaya hindi ko pa rin maaninag kung sino siya. Kahit ang name tag niya ay protektadong protektado ng balikat niya.
"Also, sir..."
Lumingon siya sa akin at sinalubong ang tingin ko. My heart skipped a beat again when I saw her face. It's been years ago when I last saw her face. Second year of college 'til now, she looks exactly the same. She's still as gorgeous as she was before. She still has that effect on me. Nothing changed and I still kept falling for her.
"Our pharmacy technician wants to give you this."
Tinitigan ko lang ang kamay niyang may hawak na papel at napasadahan rin ng mata ko ang name tag niya, 'E.Y. Gonzales'. Palihim akong napangiti nang makita ko ang name tag niya.
She's officially a nurse now. I'm proud of her.
"Ano 'yan?" tanong ni Dion at dali-daling kinuha ang papel galing sa kamay ni Lai. Napailing na lang ako. "Uy, username! IG ba 'to?" tanong niya at tumango naman si Lai. "Miss, walang IG 'tong si boss eh. Sa iba na lang kamo siya magbigay."
Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Anong pinagsasasabi nito? Wala raw akong IG pero naka-follow sa akin? Gago talaga.
"As far as I know, Jal has an IG account."
Napalingon kaming lahat sa kanya. Napailing na lang ako nang tumingin siya sa paligid habang ang mga kasama namin ay litong lito na alam niyang mayroon akong IG account. She would definitely know. She's my ex after all.
"Ah!" sigaw ni Garcia at tinakpan ang bibig niya at tumuro kay Lai. "Bakit mo tinawag si boss ng 'Jal'?! May permiso ka ba, babae?!" bulyaw niya.
Napairap na lang tuloy si Lai at ako naman ay napasapo sa noo ko.
"She doesn't need permission, Garcia," sabi ko para mailigtas si Lai sa sitwasyon.
"Huh? Bakit? Kami nga...Hindi ka pwedeng tawagin sa ganun since college eh. 'Di ba, Lucas?"
"Gago," pagmumura ni Lucas.
"Your mouth, De Guzman," pagbabanta ko.
Sa lahat ng maririnig ni Lai, ayaw niyang may nagmumura sa paligid niya. Lalo dito at ospital 'to. Paniguradong nakaltukan niya na 'tong dalawa kung wala lang kami sa ospital.
"Sorry, engineer," pagpapaumanhin ni Lucas.
"Anyways, Garcia," Nilingon ko na kaagad si Dion na ang itsura ay parang nakikipagbiruan pa rin ako hanggang ngayon. "Do you want to resign? I can let you have the papers."
Namutla kaagad siya at parang hindi makapaniwalang sasabihin ko 'yun. I am their head engineer and I can remove them kahit mga kaibigan ko pa sila kung hindi nila tatratuhin ng tama si Lai. Ayokong ginagawan nila ng kalokohan ang trabaho ng minamahal ko. Hindi tama 'yun at hindi siya komportable kung lalandiin siya.
"Huy, Lavin, huwag namang ganyan! Para namang 'di mo ko kaibigan eh." Ngumuso pa ang gago.
"Dion, walang gumaganyan kasi sa nurses," pang-aasar ni Lucas.
"Bakit 'yung ibang nurses naman kanina ginanun ko pero ayus lang kay Lavin? Eh, bakit dito kay Nurse...kay Nurse Gonzales nangbabawal? Huh? Teka? Gonzales?"
I hand-chopped his head before he can tell that Ellaine is the ex I'm talking about through all college years. Baka mamaya ay mag-'nice to meet you' na naman siya dahil nagawa niya na 'yun sa ex ni Lucas dati noong nakilala niya dati.
"Sabi ng huwag ginaganun ang nurses kasi. Ang tigas ng ulo," Umiling si Lucas. "Nurse Gonzales, sorry sa kakulitan ng tropa namin pero pamilyar ka." Tinignan niya ng mariin si Ellaine at doon na ako kinabahan. "Parang ikaw 'yung nasa wallet ni Lavin?" tanong niya.
"Hindi siya 'yun, Lucas," pagdepensa ko kaagad.
Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Ellaine. Iniisip niya sigurong may ibang babae sa wallet ko ngayon pero hindi 'yun ang katotohanan. Nagsinungaling lang ako kay Lucas pero ang totoo ay si Ellaine ang nasa wallet ko. Siya pa rin naman hanggang ngayon.
"Just take the paper from the patient, sir, if you're interested with our pharmacy technician. That's all."
She bowed in front of me na para bang ang taas ng posisyon ko kaysa sa kanya bago siya tumalikod. Paalis na siya nang tawagin na naman siya. Wala na akong pakialam kung ano ang itawag ko sa kanya.
"Eca."
"Yes, sir?" Lumingon siya sa akin.
"Is she prettier than you?"
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na 'yun pero bahala na. Halata ring nagulat siya sa itinanong ko.
"She's good for you, sir. She's an outstanding pharmacy technician and smart. She's your type, sir."
Nakangiti siya habang sinasabi 'yun at hindi ko inialis sa kanya ang tingin ko. She's my type? The pharmacy technician is my type? Paano nangyari 'yun? Eh, nurse ang type ko. Siya ang type ko.
"Is she you?"
"Pardon, sir?"
"Will I repeat myself again, Eca?"
Yumuko siya. "No."
"I supposed that's 'answers'."
Tumango muna siya sa akin bago muling tumalikod dala-dala ang isang tray. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng ward bago ako naglakad pabalik sa pwesto ko kanina at muling sumandal sa dingding.
"Bakit sinabi mong hindi siya ang nasa wallet mo, Lavin? Halata namang siya si Ellaine. Gonzales pa, 'di ba? You called her 'Eca'," sunod-sunod na sabi ni Lucas.
"I don't want her to feel uncomfortable around all of you. She's a nurse and her identity is only her name tag and her surname. Nothing more, De Guzman."
"By the way, congratulations, engineer," bati niya.
It made my heart skip a beat just like what happened earlier in the emergency room. Siya nga talaga 'yun. Ang boses niya, ang kamay niya...Lahat ng 'yun alam ko at na-miss ko lahat ng 'yun pero hindi pa pwede. Alam kong hindi pa.
"Thank you," ani ko.
Tumango siya at may pinindot sa cellphone niya. We talked about a lot of random things that didn't make any sense but it's all fine. Siya naman ang kausap ko at hindi ibang tao.
"Are you moved on?" tanong niya at pinatahimik ako 'nun.
Nanikip ang dibdib ko nang marinig ko ang salitnag 'moved on'. Ang totoo ay hindi pa ako nakaka-move on sa kanya. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon at hindi ko lang maipagsigawan 'yun sa ngayon. 'Yun ang gusto kong sabihin pero...parang may bumara sa lalamunan ko at pinipigilan akong sabihin 'yun.
"Ang ingay ng Twitter account mo sa isa kong CP," palusot ko.
Kaunting katahimikan ang sumalubong sa sinabi ko. Alam kong iniisip niyang iniwasan ko ang tanong niya pero hindi ganun 'yun. Sana ay huwag niyang masamain ang pag-iwas ko.
"Rants. Wala eh. Wala akong kausap."
Wala siyang kausap?
"Si Elle?"
Umiling siya. "Busy na rin 'yun. Magkakaroon na nga ng pelikula 'yung first book niya. 'Yung nakekwento ko sayo?"
Nanahimik ako at inisip ang sinabi niya. Wala siyang kausap sa loob ng ilang taong break kami? Nasaan sina Abi noong panahon na 'yun? Si Rain? Si Xy? Bakit mag-isa lang siya 'nun? Iniisip ko na lang ring nilabanan niya mag-isa ang hagupit ng bagyo ng problema na ibinigay sa kanya ng mundo ng mawala ako. Halata namang kinaya niya rin ang mga 'yun.
"Here, sir."
Tinuro ng dalawang nurse ang mga kidnappers na tinutukoy ni Lai at habang naroroon ang atensyon ni lieutenant ay may nakatingin na mga lalaki kay Lai. Ang laswa pa ng mga tingin nila kaya binantayan ko sila ng tingin.
Ang isa ay kunwari pang lumapit sa gilid ni Lai at nagtangkang umakbay pa pero agad ko namang tinabig ang braso niya at humarang sa gilid ni Lai. Sinamaan ko siya ng tingin at halata sa mga mata niya ang gulat nang gawin ko 'yun. Wala naman siyang nagawa kung hindi lumayo sa harapan ko. Nabulyawan siya ni lieutant dahil sa paglalaro niya sa paligid.
"Single ka?" rinig kong tanong ng isang lalaki sa may gilid ko kaya tumingin ako sa gawi ni Lai. She seems uncomfortable. Tumingin ako sa hita ni Lai nang makita ko siyang nakatingin doon na parang nandidiri pa. Nakita kong hinihimas ng lalaki ang hita niya.
Biglang uminit ang ulo ko at kumuyom ang kamao ko nang iangat niya pa ng kaunti ang kamay niya na para bang gusto niya ng hawakan ang gitna ni Lai.
"Gago ka ba?" tanong ko sa lalaki at tumayo nang himasin niya ulit ang hita ni Lai at napaurong pa patalikod si Lai sa direksyon ko. Tinanggal ko ang kamay niya mula sa hita ni Lai at pabato kong ibinalik ang kamay niya sa sarili niya. "Akala ko ba pre-watch? Kung gusto mong magpatanggal ng libog, ang daming websites diyan. Huwag lang 'tong kapatid ng boss mo. Piliin mo ang hinahawakan mo."
Masama ang tingin niya sa akin pero nawala 'yun nang lumapit na rin ang iba sa amin at kinausap siya. Natapus ang gulo nang dumating si Weather at si Abegail sa eksena. Pinaalis na rin ang gago sa loob ng sinehan para wala ng iba pang mabiktima. Kinamusta ng lahat si Lai pagkatapus ng nangyari at lumipat kami ng pwesto para hindi siya maging komportable. Ako na rin naman ang nagprisinta doon.
Nagsimula na rin ang palabas at ilang minuto pa lang ay nakarinig na ako ng tiyang gutom. Napatingin ako sa sarili kong tiyan at baka tiyan ko ang naririnig ko pero tumingin ako sa tabi ko at nakitang hindi mapakali si Lai habang nanonood. Naisip ko tuloy na gutom na siya dahil hindi naman kami namili kanina ng popcorn o kahit anong drinks.
"Are you hungry?" I asked. Tumango naman siya. "What do you want?" tanong ko pa pero hindi siya sumagot kaya bumuntong hininga ako bago muling nagsalita. "Eca, this is not about the past. Don't worry too much. Now, what do you want?"
"Popcorn and a drink, please?" sabi niya.
"Iced tea?" tanong ko para sa drinks pero hindi siya sumagot kaya alam ko na kung ano ang sagot doon. "Maybe, water na lang."
Tumayo ako at bumaba. Pumunta muna ako sa row nina Elle para magpaalam na lalabas ako. Tumango naman siya at inasar akong inaasikaso ko na naman daw ang ate niya pero sabi ko ay kukuhanan ko lang ng pagkain dahil nagugutom na.
"Ako rin, bilhan mo," aniya.
"You have your popcorn already, Elle."
"Ay, act of service naman sa kapatid oh! Ang sama mo, kuya!"
"I'll go out for your sister, not you. Just call Weather. Babalik naman 'yun."
"Wews, eh 'di wow. Sige, mamaya na lang kay Weather. Damot mo."
Ngumuso siya at umiling ako bago ako tuluyang bumaba para mamili sa snack section sa labas. Pumunta ako roon at bumili ng dalawang popcorn at dalawang water bottle. Kinuha ko na ang wallet ko para magbayad pero nang lingunin ko si ate na nagtitinda ay hindi pa rin siya nakakakilos.
"Um, miss? Can you do my order already?" tanong ko.
"Ah sige, love - - Ah, sir! Okay, sir! Sige!"
Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya bago siya dali-daling kumilos para magsalang ng popcorn at ni-ready ang mga pampalasa na gagamitin niya. Kumuha na rin siya ng dalawang water bottle na hindi malamig sa isang lalagyan at inilagay sa counter sa harapan ko. Naglabas na rin ako ng perang pambayad. Kinuha niya 'yun at nagmamadaling kumuha ng panukli pero sinabi kong huwag niya na akong suklian.
"Keep the change," ani ko.
"Eh, sir, ano..."
"Ano?"
"Ano pong number niyo?"
"Huh?" naguguluhan kong reaksyon. "For what?"
"For forever." Natulala na naman siya.
"Miss, if you're thinking I'm your Mr. Right, please consider the answer no, I have a girlfriend."
"Ah - Ay, joke lang kasi, sir!"
Tumawa ako ng kaunti dahil sa sinabi niya. Nang matapus ang niluluto niyang popcorn ay naglagay na siya sa mga lalagyan at kinuha ko 'yun pagkatapus. Nagpasalamat ako sa pagtatrabaho niya bago ako bumalik sa sinehan at tumabi kay Lai. Nanood kami buong magdamag hanggang sa marinig ko ang pagrereklamo ni Lai.
"You're different when you're acting and when you're off-cam," komento ko.
Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Lai habang nanonood ako. I think my comment caught her off-guard. Alam kong hindi niya naman ako tinatanong pero sumagot ako para hindi niya isiping wala siyang kausap.
Lumingon ako ng saglit sa kanya bago kumuha ng tissue sa bag ko. She's messy. May powder pa sa labi niya. Hindi siya gumalaw kaya mas madali sa aking linisan ang bibig niya. Nang matapus kong tanggalin ang dumi sa bibig niya ay itinupi ko ang tissue at itinapon sa gilid ng bag ko.
"B-Bakit?"
"Your upper lip's messy that's why I cleaned it."
"P-Pero bakit mo nilinis gamit ang tissue?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. What does she mean by that?
"Why? Do you want me to use my mouth to clean your upper lip?" sarkastiko kong tanong.
"H-Huh?! Hindi ah!" she answered panicking.
"You should've told me sooner. I can do that."
Ngumisi ako bilang pang-asar pero uminit na rin ang katawan ko nang sabihin ko 'yun. Shit, ako rin ang bumibiktima sa sarili ko para gumana ang sex drive ko.
"Wala akong sinabi - -"
I cut her words and held her chin. Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya bago bumaba ang paningin ko sa labi niya. Gusto ko na kaagad siyag sunggaban kaso wala pa akong permiso. I longed for her kisses again. Napadila ako sa labi ko nang maramdaman ang pagtibok ng ibabang bahagi ng katawan ko.
Ah, shit.
"Can I?" tanong ko nang hindi na ako makatiis at tumango naman siya kaya kaagad ko siyang sinunggaban. Natapus 'yun nang mabilis dahil kaagad niya akong tinulak nang mahawakan ko ng pangalawang beses ang dibdib niya. Kahit madilim ay kitang kita ko ang pamumula ng mga pisngi niya kaya ngumisi at napailing ako. "You felt it again, huh? The electricity," pang-aasar ko.
"Tigilan mo 'ko!" singhal niya.
Habang inaasar ko siya ay lalong tumitindi ang pagnanasa kong makipag-sex sa kanya pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Wala rin akong permiso niya para gawin 'yun, para gawin ulit namin 'yun.
"Why are you squirming?" tanong ko nang makita kong pinagdidikit niya ang mga binti niya.
"H-Hindi ah!"
In denial pa nga.
"Are you sure, Lai?" tanong ko. "Can I check?"
Tumayo ako at pumunta sa harapan niya pero puro reklamo lang ang narinig ko kaya tinakpan ko ang bibig niya at idinikit ang noo ko sa noo niya para i-check kung may lagnat siya pero wala naman kaya isa lang ang naiisip ko na pwedeng nagpamilipit sa kanya.
"Sex drive?"
Umiwas siya ng tingin sa akin kaya alam kong tama ako. Tumawa ako ng mahina at sinamaan niya ako ng tingin.
"Do you want to do it inside my car?"
"Fuck you." And she raised her middle finger in front of me and I don't know why it turned me on.
"Should the nurse treat her patients like that?"
"Shit," rinig kong bulong niya at napangisi ako.
"Let's go," pag-aaya ko.
"B-Bakit?"
"Let's fix your sex drive. You're turned on. We need to switch that off."
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ko para ayain siya pero ginawa rin naman namin sa loob ng kotse ko. Sa lahat ng naisakay ko sa kotse ko, siya lang ang nagustuhan kong sumakay doon dahil sinakyan niya ako sa loob 'nun.
Her moans, her mouth, her kisses, everything. She turns me on when she's not that hot but she looks hot in my eyes. Puta, baliw na talaga ako sa kanya.
Pagkatapus naming magparaos ng init namin ay hinatid ko siya sa lugar niya habang nag-uusap kami tungkol sa iba't ibang bagay at nag-stay muna ako ng saglit doon. Medyo naiilang kami parehas dahil wala namang kami pero pinaraos namin ang isa't isa. Tinawagan ko muna si Dion at lumabas sa balcony ng condo ni Lai para tahimik ang paligid. Nang sagutin ni Dion ang kabilang linya ay agad akong nagsalita.
"Kamusta ang bahay sa Bataan?" tanong ko.
[Hindi ko pa natatanong kay Christine. Hindi mo ba natawagan kanina?]
"No, meron akong pinuntahan kanina. Are you still in the building?"
[Kakauwi ko lang, boss. Nagda-drive.]
"Okay, thank you. I will call Christine after I hung up."
[Sige, boss.]
Pinatay ko ang call namin at tinawagan ko si Christine. Nakailang ring pa bago siya sumagot, baka nasa building pa siya kaya ganun.
[Oh, hi, Lav! Why did you call?]
"I told you to stop calling me like that, Ruiz," ani ko. "Anyways, how's the house in Bataan?"
[Hm, they told me they will update you tomorrow.]
"Bakit hindi ngayon?"
[I don't know. I am not the civil engineer, Lav.]
"Stop calling me that."
[Argh, fine. I will just call you again once I called Architect Valeria and Engineer Reyes.]
The call's on hold at hinintay ko 'yung umandar ulit habang nag-iisip. Malapit nang mabuo ang bahay kung saan titira kami ni Ellaine kapag bumalik na ulit siya sa akin. Kung hindi man sa amin mapupunta 'yun ay sa akin na lang. Doon na lang kami titira ni Luna at pupunuin ko 'yun ng magagandang ala-ala.
Narinig ko ulit ang boses ni Christine sa cellphone ko kaya itinapat ko ulit 'yun sa tenga ko.
"Yes, Ruiz?"
[I called Architect Valeria.]
"And what did she say?"
"Ay, tangina mo! Pinsan ka lang! Pucha, deserve!"
[Who's that? Who's yelling? She's going to burst my eardrums!]
"Wait, on hold, Ruiz." Pumasok ako ng kaunti sa balcony at tinaas ang kurtina habang pinapanood kong manood ng Mischievous Kiss si Lai. She looks cute but I need her to lower the volume of the TV even though I don't want to ruin her fun.
"Lai," tawag ko at lumingon naman kaagad siya. Medyo napatalon pa siya at kaagad na kinuha ang remote controller. "Sorry," bulong niya at ngumiti ako bago tumalikod. Hindi na ako lumabas at itinuloy ang pakikipag-usap kay Christine. "So where are we?"
[I called Architect Valeria and she said that you need to check something there.]
"Okay, we will head there tomorrow."
[You're supposed to check this tomorrow, Lav.]
"Christine, I told you don't call me that," pagbabawal ko ulit. Sumasakit na ang ulo ko sa kanya.
[Why? I used to call you that in college.]
"You're making someone angry here."
[Who? You're living alone in your condo, Lav. What are you saying?]
"I'll call you later." At pinatay ko ang call ng ganun-ganun lang.
Nararamdaman ko ng gulo ang pinasok ko at alam kong narinig ni Lai ang itinawag sa akin ni Chrstine. Alam ko ring mali ang pagkakarinig niya doon at hindi ako nagkamali dahil nag-away nga kami ng gabing 'yun. She even called me a cheater.
Nag-init ang ulo ko doon pero pinigilan ko na lang dahil siya naman ang kausap ko. Galit siya kaya nasasabi niya 'yun at mas pipiliin ko na lang na intindihin siya kaysa masabihan ko rin siya ng masasakit na salita. Alam kong iniisip niyang sinungaling ako pero kailangan ba ako nagsinungaling sa kanya tungkol sa mga babae?
Sa sunod na araw ay naaksidente ako at dinala sa ospital kung saan nagta-trabaho si Lai. Naging personal assistant ko pa siya dahil sa selos ko sa doktor na katrabaho niya. I stayed in the hospital for weeks. Naisipan ko ring pagtripan si Lai na natanggalan ako ng cannula at dinamay ko pa si Xy, ang SHS-to-college classmate niya, na katrabaho niya na ngayon.
Kasama ko si Christine sa kwarto nang madatnan akong nakahiga ni Lai. Nagtalo pa kami dahil kunwaring hindi ko alam kung anong sinasabi niya na natanggal ang cannula ko.
"Sir, Nurse Corpuz said you need my help. If it's not about the cannula, what is it, sir? I also charged my fee for a Type O- bag for you, sir. Nag-aalala po kasi akong baka naubusan po kayo ng dugo nung matanggal ang cannula niyo. It's just for emergency cases, sir."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ganito pala talaga siya kaseryoso sa nangyari sa akin? Nagdalawang isip na tuloy ako kung bakit ko ginawang biro ang trabaho niya.
"Magka'no?"
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya habang masama ang tingin sa akin habang inaayus niya ang dextrose ko.
"500 pesos lang, sir."
"Bayaran ko."
"Sir, huwag na. Ako naman ang gumastos," aniyang nakangiti.
Nang sabihin niya 'yun ay ipinatawag ko si Christine at tinanong sa kanya kung ano pa ang mga gagawin namin ngayong araw. Siya na lang ang uutusan kong pumunta sa mga locations na sana ay pupuntahan ko ngayon.
Pagkatapus niyang umalis ay nagkaiyakan pa at nag-away pa sa loob ng room ko bago napunta sa sex. Nang matapus kami ay magpo-propose na sana ako sa kanya kaso umayaw si Lai at aaminin kong nasaktan ako doon pero naiintindihan ko ang side niya. Siya ang magdedesisyon sa aming dalawa kung kailan kami ikakasal dahil siya ang aalis ng Pilipinas, hindi ako. I agreed with her terms. 'Til she came back, I'll wait.
Nanguha ako ng litrato niya habang naglalakad na siya palayo sa akin at papunta na siyang airport. I posted it in my story with a caption, 'Safe skies e.y.g.' Nag-post rin ako ng tatlong candid photos niya na kinuhanan ko sa kotse. The first photo was her vibing with the music and has the caption of 'you.' The second photo was her laughing and has the caption of 'love'. The third photo was her sleeping and has the caption of 'your moon and two stars.'
Ilang taon ang lumipas, tutok lang ako sa trabaho ko at binibisita ko paminsan-minsan ang pamangkin ko kay Rain. Napag-alaman kasi naming buntis siya three years ago sa Despedida party ni Ellaine bago siya umalis. Sayang lang at hindi naka-attend si Lai sa kasal nina Rain at Kaito dahil kompleto sana kami kung nakarating siya. Wrong timing lang talaga at marami raw pasyente doon nung mga oras na malapit na ang kasal nina Rain at Kaito.
Nag-doorbell ako sa tapat ng gate ng bahay nina Rain at sumilip naman kaagad si Rain sa pintuan ng bahay nila. "Oh, Jason, napadalaw ka ng maaga ah," aniya.
"Napaaga ang tapos ng trabaho ko. Si Bebang?"
"Three years na ang nakalipas nung umalis si Ellaine pero 'yun lang ambag niya noong nanganak ako, ang galing," reklamo niya at natawa ako. "Oh, Nyca, your ninong's here."
"Ninong Jal is here, mommy?"
Inilabas ni Bebang ang ulo niya sa pintuan ng bahay at hinanap ako. Nang mahagip ako ng paningin niya ay kaagad na nagningning ang mga mata niya.
"Ninong!" sigaw niya. "Wait for me! I'll wear my shoes!"
"Crocs lang naman," sabi ni Rain sa akin at umirap.
Binuksan ko ang gate nila at pumasok sa may garden nila. Ang kapatid raw ni Kaito ang nag-ayus ng interior at exterior 'nun dahil architecture raw ang kinuhang course kasabay ng pagme-med school. Napag-alaman rin naming siya ang babaeng nag-inarte sa akin sa Ocean Park noong field trip namin nung Grade 8. Tadhana nga naman.
"Uwi ni Ellaine ngayon, 'di ba?" tanong ni Rain habang nasa tabi siya ng pintuan.
"Yes, kaya rin maaga natapus ang trabaho ko dahil susunduin ko siya."
"Ngayon?"
"Oo. Bebang can go with me."
"Isama mo na para nakakapasyal. Three years old na rin naman 'yang batang 'yan. Huwag mo lang iwawala. Patay ka sa ama nito."
"Baka sayo," pang-aasar ko at nakita ko ang pag-irap niya.
"Ninong, I'm ready!"
Lumabas si Bebang sa pintuan habang suot-suot ang pink crocs niya. She's wearing the summer set clothes that Ellaine gifted her, a pink sleeveless ruffle top and pink pants. She looks cute.
"Oh, Nyca, pakabait, okay? You will get to see Ninang Ella today."
"Ninang Ella?" Iginilid ni Bebang ang ulo niya habang nakatingin sa mommy niya habang hawak ko ang kamay niya.
"The one I'm talking about na twin sister ni Ninang Elle, baby," Rain explained.
"Ah! The wife of Ninong Jal!"
"Ha?" Tinignan ko ng masama si Rain. "Anong sinasabi mo sa bata?"
"Hehe," Pinakitaan ako ng peace sign ni Rain habang tumingin naman sa akin si Bebang.
"Am I wrong ba, ninong?" tanong niya.
"No, you're not, Bebang, pero....Ninang Ella is not yet my wife, okay?"
"Pero love mo siya, 'di ba?"
"Yes, baby."
"Then, dapat she's your wife 'cause you love her! Daddy married mommy because daddy loves her!"
Sinamaan ko ng tingin si Rain at umiling. Kung anu-ano yata ang itinuturo nitong babaeng 'to sa anak niya at biglang nagiging si kupido.
"Ninong will marry ninang, Nyca," sabi ni Rain sa anak.
"Really?"
"Oo, 'tas ikaw flower girl nila."
"Desisyon ka ah," reklamo ko.
"Oh, subukan mong i-turn down 'yun at hindi ko na ipapakita sayo si Bebang."
"That's bad, mommy!"
"Oh, bad ka raw sabi ng bata," pang-aasar ko at ngumuso si Rain sa anak niya. "Alis na kami. Ito nga pala, onigiri."
"Marunong ka ng gumawa nito?" tanong ni Rain nang maiabot ko sa kanya ang lalagyan.
"May recipe si Lai sa condo niya. I just checked."
"Wala namang lason 'to 'no?"
"Mukha ba akong manlalason?"
"Umalis na nga kayo!"
"Bye, mommy!" paalam ni Bebang sa mommy niya at naglakad na kami palabas ng bahay nila.
Nasa tapat lang naman ng bahay nila ang sasakyan ko kaya nabuksan ko na kaagad 'yun gamit ang controller. Una ko munang isinakay si Bebang sa likod at kinabitan ng seatbelt dahil hindi pa siya pwede sa shotgun seat bago ako pumasok para umupo na rin at makapag-drive.
"Ready to see Ninang Ella, baby?" tanong ko.
"Yes, ninong!"
"Okay, ninong will drive na. Embrace yourself."
Inayus ko ang rear mirror para makita ko siya nang maayus at nakita kong niyakap niya ang sarili niya habang nakakunot pa ang noo kaya natawa ako. Ang cute talaga ng batang 'to. Who would have think she will be the oldest sa mga magiging anak ng magtotropa?
Nag-drive ako palabas ng village to the airport where Ellaine's airplane will land. Nakatulog na rin si Bebang sa byahe pero hinayaan ko na lang. Nag-text na rin ako kay Lai na papunta na kaming airport. Nag-park muna ako at pinahinto ang makina ng sasakyan tsaka bumaba para gisingin si Bebang. Mabilis lang manan siyang nagising dahil nabuhayan ang katawan niya nang makita ang airport sa harapan niya.
"Ninong, airport!" bulalas niya.
"Let's go na. Nasa arrivals na raw si ninang."
Kinarga ko siya pababa at isinarado ko ang pintuan ng kotse tsaka ni-lock 'yun gamit ang key controller. Dumiretso kami sa loob ng airport habang nagkukulit na si Bebang sa kamay ko. Hinayaan ko lang siya dahil doon siya masaya. Pumunta kaming Arrivals Terminal at pumwesto sa likod dahil ang dami na ring tao. Nag-text na rin ako kay Lai na nandito kami sa likod at nag-reply naman siyang nasa gilid siya at nakikita niya kami kaya lumingon ako sa magkabilang gilid ko.
Natanaw ko na siya kung nasaan kami ni Bebang. She's wearing a high waist faded blue jeans and an apricot floral print tie-front flounce sleeve blouse. Hindi nakaipit ang buhok niya at hanggang balikat niya 'yun. Nang matanaw niya kami sa mga tao ay nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya at tumakbo kaagad siya sa akin dala-dala ang mga maleta niya.
"Jal!"
Yumakap siya sa akin at nabitawan ko ang kamay ni Bebang sa proseso. Natulos pa ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang init ng katawan niya. Nang mahimasmasan ako ay niyakap ko siya pabalik.
"You're back, Lai," ani ko.
Naramdaman ko ang pagtango niya at pagyakap niya pa ng mahigpit sa akin bago bumitaw. Pagkatapu sniyang bumitaw ay nilabas ko ang red velvet box na nasa bulsa ko at binuksan 'yun sa harapan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang lumuhod ako habang naiwan naman si Bebang sa gilid namin, nanonood.
"Ninong's going to marry ninang na! Yehey!" bulala ng bata.
"Lai, will you marry me?" tanong ko at nakatakip lang siya sa bibig niya, pinuproseso ang nangyayari.
"You know what's my answer, Jal. I told you a promise before I left, remember?"
"Just say it," ani kong parang inuutusan siya.
"Yes!" sagot niya at tumayo ako para yakapin ulit siya.
I planted a kiss on her forehead before I removed the ring from the box and slid it to her left middle finger. Itinaas niya pa ang kamay niya at pinakatitigan pa 'yun nang nakangiti. I love her smiles.
"Sh- -"
"May bata, Lai," paalala ko.
Napahinto pa siya sa sasabihin niya sana at tumingin sa baba para tignan si Bebang. "Sh-Sheesh kasi 'yun!" bulyaw niya at mahinang hinampas ang braso ko bago siya umupo para magkasing-tangkad na sila ni Bebang.
"Hi, little one. What's your name?" tanong niya kay Bebang.
"Nyca Ali...Aloquist Hira...Hiraeth Chavez!" Pasigaw pa ang pagkakasabi ni Bebang sa apelyido niya kaya napailing ako.
Nakita ko naman ang paglaki ng mga mata ni Lai nang marinig niya ang panglan ng bata bago siya tumingin sa akin para ikumpirmang anak 'yun ni Rain at tumango ako. Alam kong 'yun ang nasa isip niya dahil tinulungan niyang pangalanan ang bata.
"Ikaw na 'yan?! Oh my gosh! I'm your Ninang Ella!"
"Ninong Jal will marry you? You looked like Ninang Elle," ani ng bata at itinagilid ang ulo niya. Ang cute.
"Grabe, ang cute naman nito! Yes, I looked like Ninang Elle kasi ako ang twin sister niya."
"Who's the oldest, ninang?" tanong ni Bebang.
"Me," sagot ni Lai.
"Why did you left ninong? Hindi mo siya love?"
Nawala ang ngiti ni Lai nang marinig 'yun pero nabawi niya naman ang nakalamutak niyang mukha at sarkastikong tumawa bago niya hinawakan ang magkabilang kamay ni Bebang. They looked cute. Para silang mag-inang nag-uusap.
Napatakip ako ng kamao ko sa bibig ko nang maisip ko 'yun. Malala na talaga ako. Ngayon na engaged na kami ni Lai, ang lawak na ng imagination tungkol sa magiging pamilya namin.
"Ninang Ella loves Ninong Jal for sure, little one," She brushed her forefinger on the nose of Bebang. "But ninang is a nurse and she left to save and cure people."
"So you're like a superhero, ninang?" tanong pa ng bata.
Tumingin tuloy sa akin si Lai at parehas kaming tumawa.
"Yes, like that! But si ninang, walang superpowers."
"Paano na you're a superhero without powers, ninang?"
"With physical strength and some bell!" Nag-acting pa si Lai sa harapan ng bata at mukhang manghang mangha naman si Bebang. "Let's go home na? I have some pasalubong fror you katulad ng ni-wear mo," aniyang tumayo at hinawakan ang isang kamay ni Bebang.
"Okay!" sagot naman ng bata.
"Panganay 'to ng next generation ng tropa 'no? tanong niya sa akin habang naglalakad at tumango ako. "Si Gwy raw malapit na rin due, 'di ba?" tanong niya pa.
"Yes."
"Kailan?"
"Tomorrow."
"Oh, umabot pa pala ako. Anong date bukas?"
"April 3."
Ako na ang nagdala ng mga malaeta ni Lai habang nakikipag-usap siya kay Bebang. They are talking about a lot of things and I am just smiling. Lai's going to be a good mother soon, I can see it.
Lumabas kami at pumunta sa parking lot para pumunta sa sasakyan ko. Binuksan ko 'yun gamit ang controller at inuna ko munang isakay si Bebang at nilagyan ng seatbelt bago ko pinagbuksan ng pintuan si Lai. Nang makasakay siya tsaka ko nilagay sa likod ang mga maleta niya at iba pang gamit na nakapatong doon bago ako sumakay sa sasakyan at nag-drive. Nakatulog naman ang dalawa sa byahe.
"Months have passed, here we are again," I started as I am saying my vow to Ellaine, the only girl I ever loved, the girl who made me fall for her without doubts, as we are surrounded by the crowd and the white-and-gold theme decorations.
"On this date, making my devotion, marking my love for you in front of God. This is where it all started. The date of April 3..." Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko habang sinasabi ko 'yun. "where it all began, ended and started again. The date when you left the Philippines to chase your dreams, and the date when Kharyl gave birth to her son, Alpas, when you returned. The date that would be marked as our wedding anniversary..."
Suminghap ako bago nagsalita ulit.
"Ellaine Yezdaeca Gonzales, ikaw ang unang babaeng tumanggap sa akin nang hindi dahil sa itsura ko. Ikaw ang babaeng nagsabi sa aking habulin at abutin ko ang pangarap ko kahit alam mong mahirap sa akin nung mga panahon na 'yun na abutin 'yun. You're the reason and the strength which made me keep going. Up to this day, dinala ko 'yun. Nung mawala ka, akala ko hindi ko na kaya but I became stronger for you. Sulit lahat ng paghihintay ko. In front of your family, my family, and God, today I can say na akin ka na. We are one and now, I can stop chasing you 'cause I won't chase you anymore. I'll chase now for our future together and we will handle it hand by hand. I love you, Lai, my moon, my first girlfriend, my first heartbreak, my chase, my life, and my wife."
Hindi ko na napigilan ang luha ko pero pinunasan 'yun ni Lai gamit ang hinlalaki niya. Nginitian ko siya at nginitian niya ako na para bang walang nakatingin sa amin. Nang sabihin ng pari na si Lai naman ang magbabahagi ng vows niya ay binuksan niya ang papel na hawak niya at kinuha ang mic sa kamay ko.
"Okay, so here it goes. April 3, you started courting me. You confessed that you like me and will do everything for me, at nagawa mo. It made my standard so high that I couldn't wish for more. Hindi pala talaga ako huminto kakahabol sayo. When our relationship ended and our communication was cut, akala ko nakalayo na ako pero hindi pala. You're the chase I want to continously pursue even I will lose or even I will hurt myself. Ikaw lang ang susugalan ko at ikaw lang ang hinabol kong lalaki sa buong buhay ko 'cause you know that hindi ako nagfi-first move mang-iwan or kumausap. You made my 'maldita' side easy to handle kahit hindi naman. Thank you for always handling me when I am still immature back then. Ngayon, alam ko ng nasaktan lang ako noon kaya nasasabi kong matured ako but the truth is I was not. In front of God today, I will tell you that you are the painter of my unexplained masterpiece since then, and I am the waves of your ocean. You, Jason Lavin Dela Rosa, is the end of the chase of Ellaine Yezdaeca Gonzales. Her finish line to forever, her life, her star, her first boyfriend, and her last. Today, I will stop the chase as I begin to pursue for our future together. I love you from the beginning to the end of the chase, my husband."
After that, the exchange of rings happened and the priest announced us as husband and wife. "You may now kiss the bride!" the priest said.
Hinawakan ko ang dulo ng belo na suot ni Ellaine at dahan-dahan 'yung iniangat hanggang sa ulo niya papunta sa likuran niya. Nang matanggal na 'yun sa harapan ng mukha nya ay para akong nakakita ng anghel. It feels like I was living in a dream.
Hindi ako makapaniwalang pinakasalan ko ang babaeng unang mamahalin ko at ang una kong iha-handle sa buong buhay ko. Ang babaeng pinaghintay ako ng sampung taon para dito. Ang babaeng napilit ako para gawin ko ang lahat para sa kanya at para sa pangarap ko.
"Oh, nakangisi ka diyan?" tanong niya habang nakasakay kami sa kotse papuntang reception.
"Hindi ah," pananalungat ko.
"I know you are. We're official now!" bulalas niya at nginitian ko siya.
Now that we are husband and wife, there's more to come and to cherish.
This is Engineer Jason Lavin Dela Rosa,
taking his leave from his work to devote himself to his family,
to his next life, to his wife,
and to next chase ahead.