Chereads / THE CHASE ESCAPE (ALGEA SERIES #1) / Chapter 39 - CHAPTER THIRTY-NINE

Chapter 39 - CHAPTER THIRTY-NINE

"Sige, bababa na ako."

Rain called me immediately when the police arrived in front of the hospital. Nandito na rin sina Kharyl, Clyfen at Jason para sunduin na si Anna.

"Bakit? May pasyente ka, Ellaine?" tanong ni Gwy sa akin.

"Hindi. I am the hospital staff representative to face the police para sa rason kung bakit sila pinapunta dito. You can stay in the office if you like."

"Isama mo na si Jason sayo. Baka mapa'no ka pa," aniya.

"I'm fine. Natutukan nga ako ng baril kanina pero ayus lang ako."

"Baril?" kunot-noong pag-uulit ni Jason ng sinabi ko.

Bumuntong hininga ako at tumango. "Oo, baril."

"Tita, what's 'baril'?" tanong ni Anna.

"It's a gun, baby. It's dangerous to touch. Do not use or touch one if you see one, okay?"

"Okay!"

Nangiti na naman ako. Ang dali niyang kausap kaya pala nadakip rin siya. Gusto niya lang talaga sigurong makabalik sa kuya at mommy niya kaya siya sumama pero dapat talaga hindi siya sumama. Hindi niya naman kasi kilala ang mga taong 'yun.

"Jason, sumama ka kay Ellaine pag baba. Kami na lang ni Kairo ang maiiwan dito."

"Nako, huwag na. Ano...Baka ayaw kasi ni Jason, Gwy - -"

"I'll go with you," he cut me off.

I awkwardly look at him and he gave me a cold stare before walking away. Napataas ako ng kilay. Cold treatment, huh? May pa-contest ba ang freezer at naging 'palamigan challenge' 'to?

"'Sus, sungit-sungit pero umiiyak naman."

"Umiiyak?" tanong ko.

"Oo. Pwede na siyang artista sa dali niyang mapaiyak kapag pinainom kaya inihinto niya. Pina-shot namin 'yan dati ng blowjob 'tas pina-shot namin ng Red Kamikazee. Mataas naman tolerance niya pero dahil siguro sa sounds, medyo nalasing. Buti nandun 'yung tropa niya sa college. Sina Lucas at Dion."

Tama ngaang hinala ko at kakilala niya 'yun noong college.

"Meron ding babae, 'di ba?" tanong ni Clyfen.

"Meron ba? Ah, oo. I think her name was Christine."

Christine? Kaklase niya ba 'yun? 'Yun ba ang nasa wallet niya at hindi ako? Itinago ko ang kamay kong kumuyom sa likod ko.

"Kaklase niya?" tanong ko.

"Block mate?" sagot niya nang patanong rin.

"Nevermind. Hindi ko naman kailangang kilalanin pa ang babae. Alis na ako. Anna, behave okay?" sabi ko at tumango ang bata. "Sige, mauna na ako. Bye!"

Kumaway ako habang paalis pero habang naglalakad ako ay nasa utak ko pa rin ang sinabing pangalan ni Gwen. Christine.

Nagsimula na akong mag-isip kung isa lang ba 'yun sa mga kapatid niya sa side ng biological father niya pero iba ang kutob ko at hindi 'yun kutob na may iba na siya. Sinuntok ko na lang ang dibdib ko at tumikhim. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang makarating ako sa tapat ng elevator. Nakasandal lang ang likod ni Jason sa dingding katabi ng elevator habang tinignan ko siya ng masama at nilampasan.

I pressed the open button for the elevator and went inside. Jason did the same. Pumunta ako sa pinakagilid ng elevator bago ko kinuha ang cellphone ko at in-open ang main account ko sa IG. Tinignan ko ang following ko at hinanap ang account ni Jason pero wala na ang account niyang na-follow ko dati...O iniba niya lang ang username niya?

Nag-search ako ng pangalan at ang daming lumalabas na Jason Dela Rosa kaya sinubukan ko naman ang 'Lavin' pero wala pa rin.

"Lavincl, small letters."

Muntik na akong atakihin nang magsalita si Jason. Tumingala ako at sinamaan siya ng tingin. Tangina naman, bakit kasi nahuli pa akong mangso-stalk?

"Sige, salamat."

"You could have asked me instead of searching random people."

"Okay? Englishero ka na ha?"

"It's required for work."

"So...work pa rin habang kausap ako?"

"Need to be professional."

"Wala ka sa office o sa ginagawang bahay o kaya ginagawang kotse."

Hindi siya sumagot kaya tinipa ko ang keyboard sa cellphone ko at nilagay sa search bar ang binigay niyang username. Accounts popped out and I clicked the first one where a picture of a man wearing a hard hat and dress shirt, and holding a clipboard resting on his right arm, is showing. He's also looking down at the clipboard. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang bilang ng followers niya. Tangina...Ganito ba talaga kagwapo 'tong ex ko?

lavincl

3 posts - 1,596 followers - 40 following

Lavin

engineer, y.g. qd

Sino 'yun at ano 'yun? 'y.g.'? 'qd'? Jowa niya for everyday ganun?

Nag-scroll pa ako sa feed niya at tatlo lang ang naka-post doon. Picture ni mama niya noong maka-graduate siya ng college, noong nakapasa siya sa board exam at ang pinakadulo...Ang picture namin noong SHS Graduation.

Tumingin ako sa kanya at hindi umimik. Ayokong umasa pero 'yung yg...ako kaya 'yun? Baka naman nakalimutan niya lang tanggalin pero 'yung dati kasi 'e.y.g.' kaya baka iba ang 'y.g.' na nakalagay sa bio niya.

Umiling ako at humarap sa kanya para itanong sa kanya kung 'yun ba ang account niya kahit alam kong 'yun talaga dahil nandun ako. Imposible namang hindi 'yun ang account niya at edited ako, 'di ba?

"Jason, is this your account?" tanong ko.

Tinignan niya 'yun bago iniiwas ulit ang tingin sa akin. Napataas tuloy ako ng kilay ko sa ginawa niya. Ano bang problema niya?

"What do you think?"

Pinalobo ko ang magkabilang pisngi ko. Ugh! Nakakagigil siya! Bakit ba ganito siya sumagot sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ngayon ah?

"Who's 'y.g.'?" tanong ko, ignoring his question.

"Why do you want to know?"

Tinaasan niya ako ng kilay at inirapan ko naman siya. Aba'y mataray na siya ngayon? Antipatiko ang gago. Ang kapal rin ng mukha niyang sagutin ako ng tanong rin. Nilalabanan ako, nakakainis!

"Nevermind..." Umirap ako. "By the way, congratulations, engineer," bati ko.

"Thank you."

Tumango ako habang pinindot ko ang follow button sa IG at itinabi ang cellphone ko sa bulsa ng uniform ko.

"Pa-followback na lang."

"You don't use your main account that often, do you?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman? Stalker siya 'no?!

"Paano mo nalaman?" tanong kong kunwaring hindi ako nag-iisip ng kung anu-ano. Paano kasing hindi ako mag-iisip? Parang ang obvious niyang tinitignan ang account ko? I didn't even change my password. Pwede niya 'yung ma-open and he's allowed to. Hindi naman malikot ang kamay niya at bigla na lang magcha-chat sa mga followings ko doon.

"How did you know?" I casually asked.

"I checked. You're inactive and your last story was 7 years ago."

He's talking about my last story in Heroes where I took a picture of him while he was surrounded by trees, walking and his back was facing me. I posted it with a caption that has the meaning of I will leave him but I will still keep loving him forever.

"Ino-open mo 'yung account? Hindi ko naman binago ang pass 'nun."

"No. When we broke up, I let your account rot in my other cellphone."

I bit my fingernail when he said 'rot' for me to stop myself from feeling rage but the truth is I am infuriated already. Ang sama niya naman! Nabulok na nga ang main account ko, lalo pa niya pinagmukhang bulok!

"Gumagana pa rin ang lumang cellphone mo?" tanong ko to continue our conversation.

"Yes. I always brought it with me but it was turned off because of your loud Twitter account."

Pinalobo ko ulit ang magkabilang pisngi ko. His answers were infuriating! Nakakainis talaga. Ang sarap niyang sakalin pero kailangan kong maging professional sa hospital at 'yun ang ginagawa ko habang kinakausap siya. It's a casual talk using informal words pero hindi ko siya pwedeng saktan dito. It's against 'my' nurse rules.

"Pwede bang mag-Tagalog ka na?" pagtataray ko.

Kanina pa kasi siya English nang English. Kakayanin ko namang makipagsabayan pero pwede naman kasing managalog. Hello? Filipino siya, hindi foreigner!

"Why?"

Nagtaka pa nga.

"You're like...a different person."

Para kasi siyang mga mayayaman na tao kung makapagsalita. Amoy expensive. Ganun.

"I am," aniya. "I am better now."

"Are you moved on?" tanong ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko alam kung handa ako sa isasagot niya sa tanong ko pero kinakabahan ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko at ang gulo ng isipan ko.

"Ang ingay ng Twitter account mo sa isa kong CP."

Huh?

Umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya at hindi ko na itinuloy pang sabihin ang mga nakahanda kong sagot para sa kanya kung mag-oo siya o hindi sa tanong ko. My thoughts ran in a circle because of him suddenly changing the topic. He literally dodged my question. Is he uncomfortable answering it?

Kung ako ang tatanungin, sasabihin kong hindi. I never moved on from him. Mas pinalakas at pinatatag ko lang ang sarili ko. I am the better version of myself today, and I will get better and better for my next experiences.

"Rants." 'Yun na lang ang sinabi ko para sumabay sa sinabi niya. I don't want to force it out of him. Kung naka-move on na siya sa akin, ayus lang. If hindi, it's also fine. It's his choice, not mine. "Wala eh. Wala akong kausap," dagdag ko pa.

"Si Elle?"

Umiling ako. "Busy na rin 'yun. Magkakaroon na nga ng pelikula 'yung first book niya. 'Yung nakekwento ko sayo?"

He didn't responded kaya hindi na rin ako nagsasalita hanggang sa makababa kami at pumuntang nurse ward. Nandoon na ang mga pulis at kinakausap si Xyril.

"Nurse Corpuz," tawag ko.

Lumingon siya at lumapit sa akin habang nakasunod naman sa kanya ang mga pulis. Ang iba ay mga bata-bata pa at malapit ang edad sa amin. Halos maglaway na nga ang iba sa kanila ng makita ako. Jusmeyo. Paki ko sa inyo?

"Sir, this is Nurse Ellaine Gonzales, 'yung nagpatawag po sa inyo," pagpapakilala ni Xyril.

"Good afternoon, ma'am. We would like to accommodate the mentioned situation in this hospital. Can you tell us how you know the child was kidnapped and where's the child?"

"Nasa office ni Doctor Chavez ang bata. Nasa third floor, sa dulo ng hall. 'Yung kidnappers naman nakatali sa ER. Xyril, binigay mo ba sa kanila ang plastic?"

"Oo."

"Buti."

"This is a stolen item, ma'am. Who owns this?" tanong ng pulis.

He's around the age of 40 and he's a little chubby. Seryoso ang mukha niya, hindi katulad ng iba niyang kasama na nakatitig lang.

"'Yung lalaking kasama sa kidnappers. Do you want to see them? Para maposesan na," I asked.

"May you lead the way, ma'am?"

"I will, sir."

Pumunta kaming ER. Nagising na rin ang babae at nakita ko kung paano siya namutla ng makita ang mga pulis sa harapan niya. Tristan, Seph and Faith guarded the ER for me.

"Welcome to the ER, sir...s?"

Binunggo ko ang balikat ni Tristan dahil sa sinabi niya. Loko-loko talaga 'to. Patanong ang pagkakasabi, hindi man lang inayus.

"I am Lieutenant William Montenegro and I am here to capture the suspects regarding the kidnapping. Nurses, where's the kidnappers Nurse Gonzales mentioned?" tanong niya.

"Here, sir."

Tinuro ni Seph at Faith kung nasaan ang mga kidnappers. Agad namang sinenyasan ni lieutenant ang mga kasama niyang pulis ngunit hindi siya pinansin ng dalawang pulis na nasa tabi ko. Ang isa ay nagtangka pang akbayan ako pero hindi niya nagawa dahil may tumabig sa kanya at humarang sa gilid ko, at sinigawan rin sila ni lieutenant.

"Officer Paco and Juarez! Nasa trabaho tayo at wala sa bar, tigilan niyo si Nurse Gonzales! Kung hindi, mananagot kayo kay Mendoza!"

"Yes, sir!" sagot ng dalawa at sumunod na rin.

"I'm sorry, Nurse Gonzales."

"It's fine, lieutenant. Hindi na bago sa akin 'yung mga katulad nila."

"In the matyer of circumstances, Nurse Gonzales, may I ask how you tied the two of them at paano niyo nakuha ang baril? Inagaw ba ng dalawang lalaking nurse na nandidito ang baril? May nasaktan ba sa inyo?"

"You may ask sir. Nagtulungan po ang nurses sa pagtatali sa dalawang kidnappers. Ako ho ang umagaw ng baril. Naging hostage po ang babaeng naroroon sa tapat ng kama ng isang kidnapper." I pointed Faith. "And no one was hurt naman, sir. I successfully removed the magazine of the gun and removed the bullets."

"Tinapat ba sayo ang baril?"

Yumuko ako para tignan ang sapatos ko dahil nananakit na ang paa ko. Kanina pa ako nakatayo mula sa office ni Doctor Chavez para abangan sina Gwy hanggang sa pagbaba dito. Parang pupulikatin tuloy ako, puta.

"Yes, sir."

"Hindi pinutok?"

"Hindi naiputok, sir, dahil sinugod ko ho kaagad."

"That's dangerous Nurse Gonzales. Hindi ka professional para gawin 'yun but you still managed to do it. Saan mo natutunan 'yan?"

"Anime, sir, and by reading books about guns."

"Anime?" Umiling siya at kaunting ngumiti. "Iba talaga ang mga kabataan noon."

Ngumiti ako sa kanya dahil sa sinabi niya. It was unusual to see a nurse disassembling a gun, lalo at ang inaral lang namin ay kung paano mag-alaga ng tao at ang mga sakit. Also, insert anatomy.

Pinanood ko kung paano nila pinosesan ang mga kidnappers at dinala palabas ng ER. Tumitingin pa rin sa akin ang mga kaedaran kong mga pulis pero agad rin nila 'yung binabawi habang namumutla. Bakit kaya?

Tsaka, sino ang humarang kanina sa tabi ko? I should thank that person. Ang disrespectful ko naman kung hindi ko pasasalamatan. Naligtas na naman ako sa kalandian ng iba and their stares are...Yuck! I can just puke. Kadiri ang mga tingin nila sa akin kanina. Para akong pinagnanasahan habang nakadamit ako ng disente dito.

Lieutantant also asked me to bring him where Anna is, kaya umakyat kami sa third floor gamit ang elevator at pumuntang office ni Doctor Chavez. Kumatok muna ako at pumasok lang kami nang buksan ulit ni Anna ang pintuan para sa akin.

"Ate Nurse!" tawag niya sa akin at nakasunod naman sa kanya sa likod sina Gwy. Tumingin si Anna sa tabi ko at agad na tinuro si lieutenant. "Policeman!" sigaw niya.

"Opo, policeman."

"Can we ask the child about the kidnapping?"

"Kausapin po muna namin si Anna, pwede po ba? Baka po kasi na-trauma ang bata," ani ni Gwy.

"Please do."

Pumasok sa loob ng office sina Gwy at sinarado ang pintuan. Naiwan kami sa labas nina lieutenant at Jason.

"Are the bruises from the kidnappers?"

Tumango ako sa tanong ni lieutenant at kumunot ang noo niya. Nakita ko rin ang pagkuyom ng kamao niya pero hindi 'yun halata sa mukha niya.

"Tell her guardians that I'll talk to the kid tomorrow."

"Makakarating, lieutenant."

"Good afternoon, then, Nurse Gonzales."

Tinanungan ko siya nang ibaba niya ang cap niya para harangan ang mukha niya. Umalis siyang mag-isa, leaving me alone with this aho. That means 'idiot' in Kainsai dialect.

"Do you have any work later?"

Lumingon ako sa kanya habang nagtatanong ang mga mata ko. Ako ba ang tinanong niya o may pinapadalhan siya ng mensahe?

"Ako ba?" tanong ko. Just to make sure it was me he was talking to.

"May iba bang tao dito?" tanong niya.

Ngumuso ako. Malay ko bang ako. Ayoko na kasing umasang nasa akin lang ang atensyon niya. 7 years rin ang nawala sa amin kaya hindi ko alam kung mayroon na siyang iba ngayon at ano namang paki ko kung meron nga?

"Baka kasi kausap mo ang GF mo 'tas sinasabi mo lang tina-type mo."

"GF?"

Tinaasan niya ako ng kilay at nagtaka naman ako. Bakit niya inulit ang sinabi ko? Tinaasan pa ako ng kilay. Wala ba siyang GF?

"Who told you I have one, Lai?" He tapped my head while saying that.

Lai...

Tumibok ang puso ko nang maalala ang tinawag niya sa akin. It's been years since I heard that nickname and it pains me. Ilang babae kaya ang ginawan niya ng nicknames? Panigurado namang hindi lang ako.

"Um...Baka lang kasi."

"Well, I don't have one...for now."

Tinaasan ko siya ng kilay. Anong 'for now'?!

"Huh? So nagkaroon ka ng girlfriend kasunod ko?"

"And so if I did? It's not like I don't need fun after we broke up."

I frowned and rolled my eyes. Boys will always be boys and so...I will be 'me' here.

"Ako rin," panimula ko. "I had a boyfriend before."

Nakita ko ang panlilisik ng mata niya ng sabihin ko 'yun at ngumisi ako ng kaunti. He's mad, huh?

"Boyfriend? So, hindi mo tinotoo ang ako lang, Lai?" tanong niya.

"Wow, nakakahiya. It's not like I don't need fun after we broke up," panggagaya ko.

His gaze turned a little darker and he faced his back at me. I also noticed that his ears turned red. Is he really mad?

"Jason - -"

"I'll just call my secretary."

Nilampasan niya ako at hindi man lang ako tinignan nang sabihin niya 'yun. Natawa na lang ako ng kaunti nang mapansin kong nagagalit nga talaga siya sa sinabi ko. Naasar na nga.

Bumuntong hininga ako bago naglakad papuntang elevator para bumaba sa nurse ward. Nasa loob na ako ng elevator nang mag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yun sa bulsa ng uniform ko at binuksan. IG Notification 'yun. Tinignan ko kung ano 'yun at lumiwanag ang mata ko nang makitang na-followback na ako ni Jason sa IG.

"Shit, na-follow niya na ako! Woohoo!" sigaw ko. Buti na lang at walang tao sa loob ng elevator, kung oo, masasabihan akong isip-bata dito. "At ngayon..."

Binuksan ko naman ang messenger ko at 99+ na ang chats doon. Ang daming nangangamusta sa akin pero ang hinanap ko lang ay ang chat na sinasabi ni Gwy sa akin. Nang mahanap ko ang pangalan ng mama ni Jason ay agad ko 'yung binuksan at binasa.

Medyo naluha pa ako sa recent chat niya dahil nangangamusta rin siya sa akin. She said that Jason was crying when he failed one of his exams sa college. She mentioned also that he drinked beer and went to a bar with Gwy and his friends. 'Yun siguro ang kwinento ni Gwy kanina.

Nag-scroll up pa ako hanggang sa makita ko ang chat niya tungkol sa college graduation ni Jason, at nakapasa siya sa board at Top Four. She also sent me pictures with the message to update me. I can feel my tears falling down my eyes. Bakit ang tanga kong hindi siya pansinin? Am I dedicated too much?

Binasa ko ang buong chat niya sa akin mula sa college graduation ni Jason hanggang sa pagpasa niya sa board.

From: Tita

Ellaine, alam kong wala na kayo ni Jason pero ito ang masasabi ko sayo. Salamat. Salamat sa pagbibigay mo ng motivation sa kanya para makapagtapos. Salamat dahil binigyan mo siya ng rason para magmahal ng katulad mo. Nakapagtapus si kua ng walang nagiging gf hahaha ikaw lng yata pipiliin nito hanggang mamatay to pero d ko hihilinging bumalik ka sa kanya kung ayaw mo na pero salamat anak at ikaw ang dumating sa buhay niya. Wala na siguro akong magugustuhan maliban sayo kahit may ipakikilala pa siya. Cum Laude siya at uno lagi. Baka siguro hindi moto mababasa dahil late ko na rin sinend at nabanggit ni kua na hindi ka nagbubukas ng mga accounts mo. Miss ka na niya, Ellaine. Miss ka na namin.

Tinuruan ako mag PS ni kua kaya ito ang PS ko sayo: Huwag mo sabihin sa kanyang sinabi kong umiyak siya dahil bumagsak ang isa niyang exam sa isang major subject at sinab niyang baka malungkot ka kapag nalaman mo kahit noong mga panahon na yun ay wala na kaung communication. Nabawi niya rin naman yun noong pinagawan na sila ng project at nakipag-inuman siya kala gwy pagkatapus ng grad, inuwi ng tropa nya si kalbo ng tulog na. umiyak raw at namimiss kana.

Nami-miss na ako ni Jason? So, he's really missing me for two years, huh? Ngayon kayang nakita niya na ako, miss niya pa rin ba ako? Kasi ako, miss ko na siya. I miss my home but I cannot go there yet. Walang permiso.

Sunod kong binasa ang tungkol sa pagpasa niya sa board exam.

From: Tita

Gud morning, Ellaine, hindi mo pa rin pala nakikita ang sinend ko dati baka cguro nagtetake ka rin ng exams ngaun sabi sakin ni jason goodluck raw dahil nakapasa siya sa boards! Top four, anak! Sana mabasa moto at maging proud ka sa kanya! Kumusta ka na, nak? Sana makita kana ulit namin, hanggang ngayon wala pa ring pinapakilalang bago c jason puro date lang raw siya pero hindi ako naniniwala. Iba ang ngiti niya kapag ikaw ang kasama niya. Anak miss ka na namin.

A tear fell down my cheeks when I read the last message.

Anak, miss ka na namin...

Napatakip ako sa bibig ko habang humahagulgol. I cannot believe I'm still the one for all those years. That two years and the other months which I kept myself busy to forget that I can chat with Jason whenever I wanted to and whenever I feel to. Parang pinatatag ko lang ang sarili kong wala siya habang nandiyan naman siya. He let me despite the fact that he was hurting.

I swiped the message towards the right and replied to her messages. She's active five minutes ago. I was still sobbing when I sent it pero pinunasan ko rin naman ang mga luha ko dahil napansin kong malapit na ako sa ground floor.

To:Tita

I passed the board rin po pero hindi kasinggaling ni Jason! Nakita ko rin po siya dito sa hospital sa manila kung san ako nagtatrabaho, malapit lang po pala siya dito? Bisita po ako sa bataan if may time ako tita kasi busy talaga ang hospital ngaun! Nurse na po itong another niyong anak!

Kumusta po kau jan? Si Prim po ba anong balita sa colllege niya? ano po bang kinuha niya? mamaya ko na po kayo marereplyan kung sasagot po kau sa akin tita, may work pa po ako. Nag-take break lang po ako. Miss you rin tita!

Pagkatapus ko siyang reply-an ay tinignan ko pa ang ibang chats at natapat ako sa GC naming magto-tropa. Nagawa 'yun noong pandemic noong plinano naming gumawa sana ng YT channel para sa ML pero wala kaming pang-record kaya hindi natuloy. It was named Maximus Philomena.

Maximus means greatest, and Philomena means powerful love where philos means friend or lover and menos means mind, purpose, strength, or courage. On the other hand, philoumene can be a root of Philomena also, which means loved.

Kaya kapag pinagsama ang dalawang salitang 'yun ay magkakaroon 'yun ng ibig sabihin na 'greatest and powerful love' o 'greatest friend of strength'.

Ako ang nag-isip ng pangalan dahil tamad silang mga lalaki. Nag-seen ako sa GC namin habang nag-uusap na naman si Sheedise at Daniel doon tungkol sa mga trabaho nila. They are also ME's katulad ni Jason pero sa ibang firm. Si JV ganun din. Seven years ko silang na-ghost dito at sadya 'yun.

sheedisewhiz: hoy @ Ellaine Yezdaeca Gonzales welcome back ghoster!

danielmndz: yow, pre naging bagong JV ka. Ilang taon ka nawala? 6 o 7?

Me: seven

danielmndz: oh tignan mo nga antagal mo, gago! nampatay kana ba ng pasyente jan?

Me: tanga hindi

Natawa ako sa mga chats nila habang pababa pa rin ang elevator. Nang makarating na ako sa ground floor ay itinigil ko muna ang pagce-cellphone at bumalik sa ward tsaka ko itinuloy ang pakikipag-usap sa kanila nang makaupo na ako. Kaunti pa lang ang nasasabi ko kanina, ang dami na nilang chats pagkabalik ko. Ang dadaldal talaga.

sheedisewhiz: @ brokenhearted seener ka pre? ayan na si miloves mo, pakain kana!

lavin04: naopen ko lng tong gc.

sheedisewhiz: AHAHAHA cold typings ang gago. isahan natin to ng amba @ Daniel Mendoza

danielmndz: tara ba!

lavin04: hindi ako cold, gago

sheedisewhiz: kung hindi ka yelo, upgraded ka. freezer ka sa lamig mo!

Gago anong d cold?

D ka ganyan kahapon tanga!

HAHAHAHAHAHA

Tumawa lang ako nang tumawa sa kanila dahil sa bardagulan nila. Lalo pa akong natawa sa chat ni Sheedise na 'Kailangan ni Jason Lavin ang init ng pagmamahal ng isang Ellaine Yezdaeca'.

Tangina, na-miss ko ang mga typings nila. Walang masyadong nagbago sa kanila pwera sa nicknames sa GC at mga profile pictures nila.

Iniwan ko muna sila sa GC at binuksan ang FB ko para magpalit ngb profile picture ko. It's been seven years and I didn't even changed it. Ang bata ko pa tignan sa profile picture ko.

Wala na naman akong masyadong pictures dahil lagi akong nasa hospital, pero dahil kay Xy, nagkakaroon ako ng mga stolen pictures sa ward o kaya sa mga patient's room. Basta kahit saan sa ospital meron! 'Tas sine-send niya ang mga 'yun sa PM namin.

I picked the one where I am checking the IV of one of the patients I was assigned to. My back is facing the camera in the picture. I captioned it with a bio idea I saw long before in Tiktok.

'The simple act of caring is heroic.'

I just posted it when hearts and wow reactions went to my notification. Marami rin akong nakitang nagko-comment doon na kakilala ko. Ganito ba ako katagal na nawala?

Some of the comments are funny, some welcome me back, and some are congratulating me for being a nurse already, but one comment took my attention from the others. It stands out to my eye.

Jason Dela Rosa

congratulations on escaping the chase, princess.

Napakagat ako sa labi ko. Binasa ko 'yun nang paulit-ulit hanggang magsawa ako. Nag-comment rin sina Sheedise sa picture ko at natawa ako sa mga kagaguhan nila. Talagang hindi sila magsasawang asarin ako 'no?

Sheedise Sanchez

Welcome back after 7 years of bed rest!

Daniel Mendoza

Claim your FREEBIE of 1GB for surfing valid for 7 days now! Simply load a total of P90 before it expires tomorrow. #BestTimeWithGlobe Share-A-Load not included.

Gamed so hard you ran out of data? Don't worry! You can still borrow 5GB data, unli allnet texts, and 1GB GoWifi valid for 3 days. Just text LOAN GO50 to 3733 or dial *143# and choose LOANS. Pay for this on your next load purchase of P60 (P50 and P10 service fee) or more.

Umabot na ng 200 reacts ang DP ko kahit 3 minutes pa lang ang nakakalipas. Ang ibang comments ay galing sa mga kaklase ko dati. May comment rin doon si Frith na inaasar akong nawala raw ako ng parang bula at baka raw naghanap na ako ng bagong best friend at pinalitan na siya.

I checked his status and he's now happily married. Hindi na rin ako naimbitahan katulad ng napagkasunduan namin at ayus lang. I sent regards to his wedding post and his wife replied to me. Nakakatuwa lang isipin na nahanap niya na ang makakasama niya pang habang buhay.

I replied people's comment to my limits before I closed my FB and went back to Messenger to check the GC. Ang ingay na naman nila pero ngayon ay dumagdag na si Elle.

Nag-send siya ng invitation sa amin para sa upcoming pre-watch ng movie niya at limited tickets lang ang mayroon para doon. Ang totoong released talaga 'nun ay after two months pa mula ngayong araw.

sheedisewhiz: g ba lahat kapag pumunta sa pre-watch ng movie ni ellenie?

danielmndz: bakantahin kona yan

sheedisewhiz: dapat lang

tablado na kami dati sau eh

HAHAHAHAHAHA

lavin04: @ Ellaine

Nagulat ako sa pag-mention sa akin ni Jason. Nagsi-seen lang naman ako para makita kung ano ang pinag-uusapan nila pero bakit may pa-mention naman?

elleniezy.writes: ay may pamention ang kuya mo!

sheedisewhiz: manok ko yan!

danielmndz: tumatapang ang truepa

You replied to Jason Lavin Dela Rosa:

bakit?

lavin04: are u going to elle's movie pre-watch?

Napataas na lang ako ng kilay ko habang binabasa ng paulit-ulit ang chat ni Jason. Hindi niya ba alam ang word na 'automatic na' na nandoon ako dahil hindi ako pwede mawala doon? O nakalimutan niya na dahil nakalipas na ang ilang taon nang mag-break kami?

I typed my answer to be formal with him in the GC. Ang kapal naman ng mukha ko kung magmamaldita ako sa GC after ko silang i-ghost ng 7 years.

Me: oo

ellenniezy.writes: pupunta yan dahil kung hindi magtatampo ako hahahahahaha

Me: yah yah ako pa mawala ako ang ate mong kambal mo

lavin04: do you already have someone who'll take you there?

Nagwala ang dibdib ko sa kaba nang tanungin niya 'yun. He always makes me nervous with each question he will ask. He's like taking the oxygen in front of me. I cannot breathe. Suminghap ako nang hangin bago pakawalan 'yun at nag-type ng sagot ko habang ang ingay pa rin nina Sheedise at Daniel.

Me: wala pa isabay ko siguro si rain sa akin

lavin04: I'll take her with me. I know where she's working.

Kumunot ang noo ko sa chat niya. Susunduin niya si Rain? Bakit? Ayokong bigyang malisya ang sinasabi niya pero hindi ko talagang maiwasang mag-overthink. 

Umiling ako para iwasang isipin na mayroong namamagitan sa kanila dahil hindi sila ganung klaseng tao at pinagkakatiwalaan ko silang dalawa na wala silang magiging anong relasyon kung hindi magkaibigan lamang. Ayoko na namang maranasang traydorin ako ng mga  pinagkakatiwalaan ko.

sheedisewhiz: gago englishero kana? minumura mura mo lang kami dito ah

danielmndz: iba tlga kapag kausap ang ex, pre @ Jason Lavin Dela Rosa may chix na naman ba sau? penge, pakilala moko.

lavin04: @ Ellenie sasabay ka ba sakin?

elleniezy.writes: ay bakit, kuya? sunduin moko? wag na, sasabay ako sa mga actor at actresses sa movie, isasabay ko na rin si abegail sa akin, teh

Me: kasama siya sa cast mo?

elleniezy.writes: secret~~

Me: baduy secret pa

All of them laughed at my chat except for Jason. Bakit ba napaka-cold niya sa akin? Ang hirap niyang ka-bonding ngayon, para akong others sa paningin niya. Others na mamahalin. 

Char. 

Ito ang mahirap sa akin. Naging nurse na ako at lahat pero wala pa rin akong makitang pwedeng landiin ng pangmatagalan. I keep ignoring all of the boys in my DMs in my other IG account na nirereto ni Xyril sa akin pero wala tlaga. Wala pa rin talagang papalit sa kanya.

lavin04: I'll pick up Rain otw to u @ Ellaine just send me your location

sheedisewhiz: wow, para-paraan ka boi?

danielmndz: sama!

elleniezy.writes: may magdadala ng BMW, wow

sheedisewhiz: baka mercedez benz sedan kamo

danielmndz: ako kasi ano lang tricycle

sheedisewhiz: ugok, gamitin mo bago mong car ung A180 mo

danielmndz: sunduin ba kita pre?

sheedisewhiz: ay g! tinatamad akong dalhin ung car ko eh, makikisakay na lang ako

danielmndz: send location na lang

Natulala ako at binabasa na lang ang mga chats nila. Nawala na ang chat ni Jason kanina dahil sa kadaldalan nila pero hindi pa rin nawawala 'yun sa isipan ko. Paulit-ulit pa rin 'yun sa utak ko. The thought of him picking me up from my condo is still processing.

At BMW o Mercedes Benz pa ang ipangsusundo sa akin? Ganun na ba talaga kalaki ang kinikita niya para makabili siya ng ganung sasakyan? 

I was shocked and at the same time, I am feeling proud of him. He reached so high. He did chase his dreams and now, here he is. A successful man who has a line of 7 grades before and is a Top 4 board exam passer. 

Nangiti na lang ako sa iniisip ko. Nakayanan niyang makatapus at makapasa sa board exam. Nakayanan niyang lumaban para sa sarili at para sa pamilya niya. Nakayanan niya ang lahat ng 'yun nang hindi ako kasama.

"Excuse me?"

Medyo napatalon pa ako nang marinig ko ang boses niya. Napatingin ako paharap sa counter at nakita siyang ngumisi ng kaunti kaya naramdaman kong umakyat ang dugo ko sa magkabilang pisngi ko. Nakita niya bang ngumiti ako kanina?

Binalik ko sa home ang screen ng cellphone ko at pinatay 'yun bago ako tumayo at inayus ang sarili ko. Tumikhim ako bago lumapit sa counter with a serious face.

"Yes, sir," I said formally.

"Can I know your location, princess?" He smiled.

Tumikhim ako nang maramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Tangina, alam na alam niya talaga kung paano ako asarin. He's the only one who can tease me with simple expressions and gestures. 

"Ri-Right away, sir," utal kong sagot.

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at pinadala sa PM namin ang location ng condo ko. He checked and he gave it a thumbs up. I saw him smile a little before looking at me with his serious face again. Kahit naman seryoso siya, pogi pa rin at walang nagbago doon.

"I'll pick you up in this location on the movie's day, alright?" tanong niya.

Tumango ako at pinaglaruan ang mga daliri kong nakatago sa counter. Hindi pa rin tumitigil ang bilis ng tibok ng puso ko. Tangina talaga.

"Do you have an agenda later?" tanong niya habang itinago ang cellphone niya sa coat na nakasabit sa braso niya.

"Magkikita kami ni Abegail sa isang resto," sagot ko.

Tumango siya. "Okay, take care. I'll go first. Gwen and Clyfen are still upstairs."

"Sige...Ingat, Jal."

I heard him scoff.

"How long did I long for you to call me that again?"

Tinalikuran niya ako at umalis na. I was left thinking. He longed for me to call him that? So, he missed me? 

I am still confused at the moment but I managed to think straight and sit again on the swivel chair. I made myself busy with a book I have in my organizer to forget he talked to me today, asked me for my location, and told me that he will pick me up in the pre-watch of Elle's movie.