"May lakad ka mamaya? Tara SM!"
Nahulog ang highlighter ko nang kalabitin ako ni Xyril. Napamura tuloy ako sa isip ko at umirap bago ako yumuko para kuhanin ang highlighter na nalaglag.
"May lakad ako mamaya," ani ko.
"Kasama ulit si Jason?" tanong niya at tinaasan ako ng kilay. "Girl, napapadalas ka ng naggagala kasama siya. Sa'n ba kayo pumupunta ha?"
"Mag-jowa ka para alam mo," pang-aasar ko.
"Excuse me! Crush kaya ako ni Charles!"
"Hoy, hoy, hoy! Gaga! Anong crush kita?! Baklang 'to, feelingerang frog ka?" reklamo ni Charles, ang beki naming kaklase.
Napairap tuloy ako habang natatawa nang magbardagulan na naman sila sa likod ko. Ang sarap talaga nilang pag-umpugin at pagbuhulin. Kung hindi lang talaga beki 'tong si Charles, na-ship ko na siya kay Xyril. Close na close ang dalawa.
Nag-highlight ulit ako ng mga napag-aralan naming procedures na pwedeng lumabas sa RetDem para sasauluhin ko na lang pag-uwi ko mamaya. Wala kaming klase buong maghapon mamaya kaya pwede ng umuwi ang mga wala ng gagawin at ganun rin ang schedule ni Jason kaya pwede kaming magkita. Susunduin niya na lang ako sa tapat ng school ko.
We're going to Pilar to visit Bia, 'yung anak ng stepsister niya. Three years old na siya at turning four this year. Napabuntong hininga na lang ako nang mapagtanto kong pinapasok ko na ang mundo ng adulthood. Ang hirap pero masaya rin dahil nagiging independent na ako. Napapayagan na rin ako at pinagkakatiwalaan na rin ako nina mommy sa mga desisyon ko. Madalas, ako pa ang tama sa kanila ngayon.
"Huy, istorbohin natin si Eca," bulong ni Xyril. Paniguradong si Charles na naman ang kausap niya.
Napairap na lang ako nang kalabitin na naman niya ako. Alam kong siya na naman 'yun. Nasaulo ko na ang daliri niya dahil lagi niyang ginagawa 'to sa tuwing nagha-highlight ako ng mga kailangan naming sauluhin.
"Yes, Nurse Corpuz?" pormal kong tanong.
"Ay, bongga! Formal-an pala?" pag-iinarte ni Charles habang inilagay niya ang kamay sa dibdib.
"Oh, pero bakit ba, Xy? Nagha-highlight ako," tanong ko ulit.
"Itigil mo muna 'yan! Aral ka nang aral nung nag-start ang sem ng 2nd year, Eca. Wala ka ng ibang ginawa."
"Kailangan eh," sagot ko.
This is the only way I can cope with the pain of the thought that I and Jason will break up this year. I will just study and study to ease my pain until it never hurts me anymore. Profession muna. Pangarap muna.
"Ngayon ba 'yun, 'akla?" tanong ni Charles.
"'Yung ano?" tanong ko.
Isinarado ko ang librong hina-highlight ko at itinabi 'yun sa bag ko para makinig sa kanila. Baka tama rin si Xyril na I should take a break from studying at ganun muna ang gagawin ko sa buong maghapon. I'll refraiin myself from studying for the meantime.
"'Yung break up."
Nanuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang sinabi niya. Yes, the day that we fear came. The goodbyes needed to be said and I never thought that I will do it. April 3, our 6th anniversary and it fears me more when I know to myself that it's today.
"Oo," sagot ko.
"Ayus ka lang, Eca? Nandito ako ha?" Xyril comforted.
Tumango na lang ako sa sinabi niya dahil hindi ko rin matanggap na nandito na ang araw na 'to...Na kailangan na naming bumitaw para sa kapakanan ko. It was an Odyssey to be remembered.
Nang matapus ang sessions namin, iniligpit ko kaagad ang mga gamit ko at nagpaalam sa mga kaibigan ko. I rushed outside the campus dahil nagpadala na ng mensahe si Jason kanina sa 'kin. He's beside the gate right now.
"Jal!"
Yumakap kaagad ako sa kanya nang makalapit ako at niyakap niya rin ako pabalik. He fixed my hair before kissing me in the forehead. Mas lalo siyang tumangkad ngayon kaysa sa akin pero hindi pa naman ako napapag-iwanan.
"Let's go?"
Tumango ako nang nakangiti. Sumakay kami ng trike, nagpababa sa terminal at sumakay sa MASDA. Umupo kami sa kaparehong pwesto kung saan ako ang nasa tapat ng bintana habang siya naman ang malapit sa labasan. Sa MASDA rin ako umaming mahal ko na siya.
Niyakap ko ang bag ko nang maramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko sa sakit. Ang sakit isiping masasaktan ako sa hinaharap habang iniisip ang mga 'yun. It will become a painful memory and that's awfully sad.
"Ayus ka lang?" tanong niya at hinubad ang suot niyang jacket. "Tayo," aniyang inuutusan ako.
"Huh? Bakit?" tanong ko.
"Ipangsasapin natin sa pwetan mo. Puting puti ka, baka marumihan uniform mo."
Tumango na lang ako at sinunod ang sinabi niya. Pinagpagan ko ang pwetan ko dahil nakaupo na ako ng ilang minuto bago niya nasabi 'yun. Hindi naman gaano katagalan dahil kasasakay lang din. namin at hindi pa umaandar ang bus.
Pinangsapin niya ang jacket niya doon bago ako hinawakan sa may pulsuhan. "Upo," aniyang para na naman akong inuutusan.
Hindi naman siya malamig sa akin pero baka pagod lang siya ngayon kaya ganito siya magsalita. Saulado ko na siya dahil anim na taon rin kaming mag-jowa.
Umupo ako at inayus ang uniform ko. Kinandong ko ang bag ko at akmang hihiga na ako doon nang sapuhin ni Jason ang pisngi ko at inihiga ang ulo ko sa kanya. It's just like before. This scene is like when we were in the Grade 8 field trip.
"Happy 6th anniversary, love," bati ko.
He leaned on my head and planted a kiss there. He intertwined our fingers, caressing my hand with his thumb afterwards.
"Happy 6th anniversary to us, love," bati niya pabalik.
Hindi niya lang pinapahalata pero masakit para sa kanyang markahan namin ang date na 'to para sa break up namin. It's the date when we started dating and he started courting me.
Masakit rin para sa aking markahan 'yung date na 'to pero it's also the mark of a new beginning for us and he agreed with that reason. He's old enough to understand what I need to prioritize and he respects that.
Nang magsimulang umandar ang MASDA ay nakatulog ako sa balikat ni Jason kaya pagkagising ko ay nasa tapat na kami ng Vista Mall. Binuksan ko ang mga mata ko at nagtanggal ng muta. I am still half-asleep.
Nang nasa wisyo na ako ay tumingin ako sa gilid para i-check si Jason. He is leaning his head in the headrest of the chair and is snoring. Mahina lang 'yun pero naririnig ko. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak pa rin hanggang ngayon. Ngumiti ako dahil doon. It's always the little things.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinikap kong huwag bulabugin amg tulog niya. I took a picture of our hand and his side view while he's sleeping. I noticed that he has long eyelashes and it's naturally curled. Napanguso tuloy ako. Sana all naturally curled. Ang ganda ng pilik-mata niya!
After I took more pictures, I stopped and put it again in my bag. Inihiga ko na rin ang ulo niya sa balikat ko. He woke up half-asleep to look at me and I smiled at him. He just stared at me for three seconds and went to sleep again.
He's cute and will always be a baby to me. Sana ganito pa rin siya magpaalaga sa akin pagkatapus naming magawa lahat ng kailangan naming gawin mag-isa.
I woke him up when we are almost in Pilar. He's still not letting go of my hand kahit nagkukusot siya ng mata ngayon.
"Malapit na?" tanong niya.
"Oo."
"Alam mo pa daan kala ate?" He's still half-asleep.
Tumangi ako at nakangiting tumitig sa kanya. I would miss this face. For the next years, ako muna. Sarili ko muna. Kahit na alam kong minsan iisipin ko siya sa tuwing may gagawin akong masaya. I don't have anyone to tell my stupid jokes anymore. Busy na rin si Elle kaya hindi pwedeng sa kanya.
Bumaba kami ng MASDA at namasahe papuntang bahay ng stepsister niya. Nakabukod na sila ng bahay pero malapit pa rin kung saan nakatira ang pamilya ng napangasawa niya.
Maraming bata ang sumalubong sa amin. Ang iba ay anak na ng anak ng mga kamag-anak ng napangasawa ng stepsister ni Jason. Ang iba doon ay mga gala lang o nakiki-chismis.
"Oh, Ella! Jason! Sorry, wala pa akong ayus!" ani ni Ate Bibay.
"Maganda ka pa rin naman, ate," ani ko.
"Huwag mong binobola 'yan, lalaki ang ulo," sabi ni Jason kaya siniko ko siya.
Nakita kong bumukas ang pintuan ng bahay sa harapan ko at hindi makita kung sino ang lumabas mula doon kaya ang hula ko ay si Bia ang lumabas. Ang liit niya lang kasi kaya hindi siya kita sa terrace sa harap ng bahay.
"Ninong! Tita!"
She wore her sandals befoee running towards me. She hugged my right leg.
"Hello, baby! Tita missed you!"
"Lalaro tayo?" tanong niya.
Umiling ako. "Hindi, baby. May sasabihin si tita sayo."
"Ano 'yun?" Tinagilid niya ang ulo niya habang sinasabi 'yun.
"Hindi muna natin makikita si Tita Ella."
Naluluha na ang bata dahil sa sinabi ni Jason. Humarap si Bia sa akin at lalong niyakap ang binti ko. Ang hirap talagang magpaalam sa bata.
"Bakit, tita? Nag-away kayo ni ninong?" tanong niya.
"Yes. Mawawala muna si tita ng ilang taon kaya maging good girl ka para may present ka pagbalik ko, okay?"
I bent down in her level to tap her nose with my finger, and she giggled.
"Okay!" sagot niya.
Tumayo ulit ako at binaling ang tingin ko kay Jason. Hindi ko na kailangan sabihin pa ang gagawin niya dahil alam kong naintindihan niya na ang pinapahiwatig ko.
"Bia, tara sa loob ng bahay. Mommy and Tita Ella will talk," ani ni Jason habang nilalahad na ang kamay niya sa bata.
"Malaki talk?" tanong niya.
"Oo, malaki talk. Maliit ka lang kaya hindi ka pa pwede sa usapan nila."
"Paano kung malaki na rin ako? Pwede na?" tanong ni Bia.
"Syempre," sagot ni Jason.
"Okay!"
Tumakbo siya papunta kay Jason kahit katabi ko lang naman. Hinawakan niya ang kamay ng ninong niya at nagsimula na silang maglakad. Huminto muna sa harapan ko si Jason at hinalikan ako sa noo.
"Good luck," aniya.
"Thank you, love."
Tinanguan niya lang ako at tinuloy ang paglalakad kasama si Bia sa kamay niya. Nilingon pa ako ni Bia habang winagayway niya ang kamay niya sa ere.
"Bye bye, Tita Ella!" pamamaalam niya. Kumaway ako pabalik sa kanya. Hindi niya alam na ito na ang huling araw na makikita niya ako.
"Ella? Bakit?"
"Ate Jane."
Humarap ako sa kanya at mariin siyang tinignan. Umupo kami sa mga upuan sa may terrace nila bago ko sinimulang sabihin sa kanya ang lahat. Kumunot ang noo niya pagkatapus ng lahat ng explanations ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinagdikit ang mga 'yun.
"Kaya mo ba, Ella?" tanong niya habang hinihimas ang kamay ko gamit ang hinlalaki niya.
"Kakayanin namin," sagot ko at ngumiti.
I can see the worry in her eyes pero wala siyang magagawa. It's our promise. It's our decision. It's up to us to handle things. We're not little children anymore. We need to have challenges in life and our adulthood challenge starts here.
"Ayus si Jason sa set up niyo? Saan kayo nito pagkatapus?" tanong niya.
"Punta kaming Heroes. Wala raw masyadong tao dahil sa ibang lugar nag-training 'yung mga crim, overnight raw."
Tumango naman siya sa sinabi ko.
"So, kailan pa kayo nag-start pumunta sa lahat ng parts ng relationship niyo? Six years rin, Ella. Hahayaan mo ba talagang mawala 'to?" tanong niya.
"Nung nag-start and 2nd year namin," sagot ko. "Six years pero need namin i-end, ate. Pagsubok ang pagpili at pili na dati pa kasi eh kaya kailangan kong ibigay ang thoughts ko. Nasakal na rin ako dati and our relationship improved because of communication at proud ako doon! Pero sa ngayon...sinusulit ko lang ang huling el bimbo namin."
Ngumiti ako ng mapait sa kanya. I know she's hurt also as she heard that I and Jason will break up today. Para naman kaming mamamaalam sa mundo sa ginagawa namin pero napag-isipan kasi naming sa paraang 'to, it's more casual. Parang nabawasan sa amin ang sakit na mararamdaman namin after the break up and it will be all normal menories for us. No pain, no secrets sa mga taong nakasaksi sa pagmamahalan namin.
"Huling el bimbo?"
"Huling sayaw, huling sandali. Mas ayus 'yun. Wala naman kaming pinagsisisihan, ate."
"Mahal mo pa?"
Tumango ako. "Oo naman."
I can feel my eyes tearing up because of her question. Ayokong naririnig ang tanong na 'yun dahil alam ko na ang isasagot doon at sobrang sakit sa aking marinig na mahal na mahal ko siya pero iiwanan ko siya para sa pangarap ko.
"Naiiyak ka, Ella."
She squeezed my hand and I am holding my tears. Sana hindi tumulo ang luha ko. Ayokong umiyak sa harapan niya. I made a strong image in front of her daughter so I should maintain that.
"Hindi ah, puwing 'yan!" palusot ko.
She took it as the truth at umiling. Ngumiti siya sa akin at muli akong niyakap sa huling pagkakataon.
"Mami-miss ka namin ni Bia, Ella. Ingat ka ha? See you kapag handa ka na ulit na pumunta dito. Welcome na welcome ka!"
"Thank you, ate."
Tumayo siya at tinapik ang balikat ko. Sinundan ko lang siya ng tingin nang pumasok siya sa bahay nila. Maya-maya pa ay lumabas si Jason sa bahay nila habang nakangiti pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. The pain multiplied inside him.
"Saan tayo sunod?" tanong niya.
"Heroes," sagot ko.
"Kagagaling ko lang 'dun kanina ih!" reklamo niya.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya bago umirap. Malamang galing siya doon kanina, school niya pa rin 'yun eh.
"Minsan talaga hindi ko alam kung nang-aasar ka lang o ano, Aso." Ngumuso ako.
"Asar ka na naman sa akin!"
Binelatan niya ako pagkatapus niyang sabihin 'yun. Nag-walk out lang ako at iniwan siyang mag-isa sa terrace nina Ate Jane.
"H-Hoy, Lai! Saglit!"
"Nang-aasar ka kaya ako lang ang mamamasahe papuntang Heroes," pang-aasar ko.
"Lai!" he shouted.
I smirked when I felt his hands on my waist pulling me close to him. Asar na asar na nga.
"Mapapagalitan ako sa sinasabi mo. Paano kung mawala ka?" tanong niya.
"Hindi naman ako mawawala, 'di ba?" I winked.
"Madalas talagang matigas ang ulo mo," reklamo niya at ginulo ang sariling buhok.
"You'll miss this side of me, Aso," I said.
Tinitigan niya ako at ngumiti. He pulled me closer and gave me a kiss on my forehead. Ang hilig niya 'dun ngayon. He never kissed me on my lips without my permission for six years and it's a wonderful thing. The amount of respect he gave me will be my standards.
Well, specifically, he became the standard.
"Totoo," aniya. "Let's go? Landian pa kasi," reklamo niya at nagsimula nang maglakad.
Tinangay niya naman ako kasama niya dahil nasa beywang ko pa rin ang kamay niya. Baka raw tumakas ako at mamasahe nga talaga mag-isa. Takot na takot mapagalitan ng mga magulang ko eh.
Sumakay kami ng trike para pumuntang Heroes. Huminto kami sa tapat ng overpass at umakyat doon. It was nostalgic. Dumaan rin kami dito noong pandemic noong bagong tayo pa lang 'to and now, it was three years ago.
Nakita ko rin ang poster namin sa labas ng school habang naglalakad sa overpass. Photoshoot 'yun noong malapit na magtapus ang pandemic at kailangan na ng mga enrollees ng school. I and Elle were the HUMSS models kahit hindi naman ako humanities dati.
My face is so young in the poster. Grade 11 days, how nostalgic. Time really flies so fast and I am a second year nursing student already. Parang dati lang nag-aalala ako kung anong mangyayari sa akin sa college.
"Mukha mo 'yun, Lai, oh!" sigaw ni Jason.
"Huy, gagi! Lakas boses mo!" reklamo ko at tinakpan ang bibig niya habang naglalakad kami.
"Im kashi kar shawaga you," sabi niya habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig niya and let me translate, 'Eh kasi ikaw talaga 'yun'.
"Hai, hai. Wakateru," ani ko.
Tinanggal ko ang kamay ko sa bibig niya nang maramdaman kong dinilaan niya 'yun. Tangina, baliw talaga 'tong na-BF ko!
"Kadiri!" Pinunasan ko ang palad ko gamit ang panyo ko. "Bakit ba kailangang mandila?"
"Takip-takip pa kasi ng bibig ko. Pinipigilan mo ko sa freedom of speech," aniyang nagtaas-noo pa.
Umirap ako dahil sa sinabi niya. May freedom of speech naman siya pero sumigaw kasi siya kanina. Hindi ba siya nahihiyang marinig ng mga dumadaan?
"Tigilan mo," reklamo ko.
Binilisan ko ang paglalakad ko para mauna sana sa kanya pero nakakahabol pa rin talaga siya. Ang tangkad kasi ng tinamanang.
Nakarating kami sa entrada ng school at kinausap pa ni Jason ang guard para mapapasok ako pero agad na rin naman kaming pinapasok nang mamukhaan ako ng guard.
Pumunta kaming Criminology Building at masyadong tao roon kung hindi ang mga bagong estudyante o mga nakabalik na galing training sa court. Pumunta kami sa tapat ng dati naming room kung saan kami nagkakilala.
I stared at it imagining things. All of our memories came back. From how it all started up to this moment. I reminisced about the things he did for me. Nung hinayaan niya muna akong matapus sa pagsasagot ko ng pre-test bago niya baliktarin ang test paper, nung pinagtanggol niya ako kay Dylan noong tour, nung nagpaalam siya kay Dylan noong naisipan niyang hindi ako komportable sa posisyon ko, noong nirespeto niya ang kung anong meron sa amin ni Dylan at siya na ang lumayo, at nung pumunta siyang bahay para magpaalam na liligawan niya ako. All those things are wonderful and will be...wonderful.
"I love you, Lai."
Hinalikan niya ang noo ko habang nakatayo kami sa labas ng room kung saan kami unang nagkakilala at kung saan nangyari ang lahat. Pwera sa pagbisita ko, pumunta talaga kaming school para mag-enroll siya para sa susunod niyang term. Gusto niya raw na kasama ako sa pag-enroll niya para sa sunod na term nila. Preparations na rin para sa upcoming exams nila.
Ako rin. Kailangan ko na ring mag-review ng mga procedures para sa RetDem. Buti at nag-highlight na ako kanina kahit ginugulo ako ng bakla kong kaibigan at ni Xyril.
"I love you, Jason Lavin Dela Rosa," bulong ko sa kanya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
Iniharap niya ako sa kanya at niyakap, at ipinatong ang baba niya sa ulo ko. Nagtagal rin 'yun at humigpit. Hindi ako nagsalita para bigyan siya ng panahong mag-isip at alalahanin lahat.
Nararamdaman ko ang tibok ng puso niya. It was fast and I want the time to stop.
"So, goodbye na 'to 'no?" tanong niya at mapait na tumawa.
Ibinaon ko lalo ang mukha ko sa dibdib niya nang maramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. Even me, I cannot accept that we need to break up and we need to grow individually. Akala ko dati kaya ko pero wala eh. Nangako kami. Nagkasundo kami. Kahit ito man lang ay matupad namin para sa sarili namin.
Tumango ako at naramdaman ko na lang ang lalong paghigpit ng yakap niya. Hindi ako nagreklamo kahit medyo hindi na ako makahinga. Kaya ko pa namang indahin 'yun. Itinago niya ang ulo niya sa leeg ko at naramdaman ko na lang na nabasa 'yun.
Umiiyak siya.
Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang iyak ko. Isa 'yun sa mga ayokong maramdaman o makita. Ang mga luha niya. He's too soft. Nagpapakatatag lang rin siya sa labas at parehas naming alam 'yun dahil open naman kami sa isa't isa.
"Kakayanin natin 'to. Study hard, okay? Ipasa ang board exam. Fighting!"
Ito na ang paalam.
I caressed his head. Gustong gusto niyang ginaganito ko siya dati kapag natutulog siya sa lap ko at comfortable siya doon. Tumigil siya sa kakaiyak pagkatapus ng ilang minuto dahil kailangan niya pa akong ihatid pauwi. He's the only man my parents trust aside from our tropa also.
Wala namang ibang pinagkatiwalaan ang mga 'yun sa lahat ng naging ka-MU kung hindi siya.
"Ipapasa ko ang board exam para sayo, Lai," aniyang humihikbi pa.
I smiled because of what he said. I caressed his cheeks para tanggalin ang luha niya doon. Para ko tuloy siyang binubully dahil sa pag-iyak niya, pero 'di naman talaga. Parang lang.
"Do it for youself," pananalungat ko.
I tiptoed and kissed him. Muling tumulo ang luha niya at yumakap sa akin. Ang hirap niyang makitang ganito. Nagdadalawang isip tuloy ako kung iiwanan ko siya o hindi. It's really painful for me to see him like this.
"Hindi ko kaya, Lai..."
Humagulgol siya sa balikat ko at hinimas ko na naman ang likod niya. Six years rin ang tinagal namin bago humantong sa ganito. Nakakainis ako sa sarili ko pero makakawala na muna kami sa mga hindi pwede pero panigurado, walang magloloko sa amin dahil hahanapin at hahanapin namin ang presensya ng isa't isa sa mga taong makakasalamuha namin.
It was 'that' hard for us. Wala na kaming ibang makikitang ibang tao para sa amin kung hindi ang isa't isa. I doubt I'll fall in love again like I did with him or...I'll never.
"Kaya mo 'yan, Kakayanin mo. Study hard," I comforted.
"Sayo rin ah? Bibisitahin kita sa ospital kung sa'n ka magtatrabaho."
"Kung mahahanap mo ko," I joked.
Kinindatan ko siya at ngumiti siya. Mapait 'yun at nanikip ang dibdib ko dahil 'dun. My thoughts are running in circles like a train.
"Kinaya naman natin ng anim na taon, 'di ba, mahal?" tanong niya. "Kinaya naman natin, 'di ba? Bakit..." His voice cracked. "Bakit ngayon pa tayo bibitaw?"
The question strike me hard but I gave him a bitter smile. I know he knew I am also sad about our break up, but we need to. Ang bigat ng mga kailangan naming gawin at ayokong umabot pa sa puntong magkalabuan na kami. Habang ayus pa kami at napag-uusapan namin ang mga bagay-bagay ay gusto ko na munang mag-focus kami sa kung anong kailangan naming gawin.
He needs to go out from the life of his stepfather while he's studying engineering, and I need to study hard for nursing.
"I have things to do, Jason. I have things na kailangang pagtuunan ng pansin at sana maintindihan mo. At alam kong...naiintindihan mo. Chase your dreams, okay?"
"Right..." He kissed my forehead once again. "So, I'll just see you around, love?"
A tear streamed down my face. I cannot hold the pain in my chest any longer. He looked at me with all of his heart. He smiled at me like it was the last time we were going to see each other.
"See you. Be successful and don't stop the chase, engineer."
I caressed his cheeks. He touched my hand and squeezed it a little while looking straight at me. A tear also streamed down his face.
"You, too, nurse." His voice cracked again.
We shared the last holding hands, the last hug, and the last kiss for this moment. This is for the better marking our start before, the end today, and the start for tomorrow. As we will keep the chase for improvements, dreams, and succession...And for the last one, we will keep the chase for our escape from the pain of the ending of our six years of love and intimacy.