Chereads / THE CHASE ESCAPE (ALGEA SERIES #1) / Chapter 33 - CHAPTER THIRTY-THREE

Chapter 33 - CHAPTER THIRTY-THREE

lizaroque: What ever happens 8-Cattleya, still kayo pa rin ang naging 1st advisory class ko, never mawawala sa puso ko yun, sana mag-iba man ang path ng bawat isa wag makakalimot sa na build nyong pagkakaibigan, maging sakin mga anak, sana san man tayo magkasalubong batiin nyo pa rin ako kahit simpleng Hi Ma'am at Cher lang masaya na ko ^^ pasensya na madrama ang Mamsh nyo >.<, love ko kayo mga 1st baby ko as of now hindi pa rin mag sink in sa isip ko yung mga nangyayari, Godbless us.<3 Mahirap pero kailangang tanggapin T_T Sana pag free kayo sama kayo bukas, I want to see you guys <3

Halos lahat kami ay naiiyak sa chat ng adviser namin. Talaga bang mawawala na ang JHS sa BHC? Hindi pa rin ako naniniwala at ayokong maniwala. Hindi ba pwedeng huwag na lang?

lizaroque: Mga anak wag nyo muna burahin gc natin hah, para may way parin para mareach out natin ang isa't isa at makamusta ko kayo <3

Lahat na naman kami ay nagrereklamo kesyo ayaw pa naming mawala ang JHS at sana huwag talagang matuloy ang desisyon na 'yun ng mga admins dahil kami rin ang kawawa. Kami na naman ang maga-adjust sa paligid namin. Nasanay na kaming kasama sila at ang iba sa amin ay nagsisimula pa lang bumuo ng mga memories kasama ang mga naging kaibigan nila.

lizaroque: 1pm po Meeting with Madam, kung marami pong aattend na parents, matutuloy po sya. Makisuyo na ko mga anak, kailangan ko confirmation ng parents nyo kung makakapunta po. Salamat ^^

Lahat ay nag-'opo' kay Ma'am Liza at ang iba naman ay nagpadala ng mga 'crying' emoji, hindi pa rin nagsi-sink in sa kanila na magkakaroon kami ng meeting tungkol sa pagkawala ng JHS. Nabigla lang rin naman kami. Ang saya pa naman namin noong natapus ang school year 'tas ganito lang ang sinabi sa amin habang papalapit na ang pasukan.

kzkden.lacruz.1: ma'am sure napu ba? 

hindi na po ba magbabago isip nila?

lizaroque: Wala akong rights mga anak para magbalita po, sana po makapunta bukas, sama din

kayo sa mga parents niyo nak

lynarne.silvan: @ Jason Dela Rosa @ Ellaine Yezdaeca Gonzales paano kayo? hala magkalayo

kayo

mariellim.04: anong meron sa kanila?

mikasalamander46: oo nga @ Jason Dela Rosa, anong meron pre? igop mo naman, mine!

mariellim.04: @ Ellaine Yezdaeca Gonzales anong meron sa inyo ni jason?

Hindi ko alam kung sasagutin ko ang tanong nila. We are staying private but I don't want to make it a secret also. I was just typing my answer when I saw Jason's chat.

lavin24: nililigawan ko siya

mariellim.04: ano?

mikasalamander46: @ Dylan Dela Cruz aray boi

kzkden.lacruz.1: oh bat dinadamay moko @ Sheedise Rocha

mikasalamander46: umamin ka pre

kzkden.lacruz.1: kanino? ala naman paps

lourinemae.gabriel: ayieee @ Ellaine Yezdaeca Gonzales hindi ako ung nag ingay 

@ Dylan Dela Cruz umamin kana, para kang tangang dumedeny

mikasalamander46: oh exMU na ang nagtalk

lynarne.silvan: oo nga

xxandrnxx: @ Dylan Dela Cruz hala mag chika ka naman samin, nakakapagtampo ka! -.-

kzkden.lacruz.1: pm na, pasa mo nalang kayla ysa

Kinabahan ako bigla pagkatapus kong mabasa ang mga chats nila. Dahil hindi pa ako nakaka-move on sa trauma ko sa kanya, nag-chat ako kay Lourine kung sino ang tinutukoy nila. Ang sabi niya ay hindi niya rin alam at ayaw sabihin sa kanya ni Lynarne. Wala rin daw alam si Lynarne at nakikiasar lang pero nararamdaman niyang alam ni Lynarne kung sino ang inaasar kay Dylan.

From: Lourine Gabriel

FEELING KO NGA IKAW kasi

nag-aray si sheedise eh

To: Lourine Gabriel

andami nating mga girls

pwede namang iba yun

From: Lourine Gabriel

OH bakit nag aray ang person

kung hindi ikaw?

umamin yun na nasa room

ang crush niya at na-mention

niyang dating MU niya raw nung

natapus kami

yun rin daw isang rason kung

bakit hindi kami ganun kaayus

To: Lourine Gabriel

posibleng si Mai d ba naging MU niya

rin yon?

From: Lourine Gabriel

matagal na rin silang wala bago ka

naging Mu ni Dylan kaya baka ikaw

pano yan kung bumalik nga talaga?

To: Lourine Gabriel

ignored? rejected? friendzone?

parang ang hirap naman sa akin kung

friendzoned eh ket nung Mu kami

hindi naman kami close masyado

From: Lourine Gabriel

gusto mo bang maging kaibigan siya?

To: Lourine Gabriel

kung gugustuhin niyang maging kaibigan

ako sige lang kung hindi wag na d ba? d

naman pwedeng ipilit ko ang friendship sa

ayaw

From: Lourine Gabriel

traumang trauma ka sa kanya no? flagpoles

tayo nadamay pa ko sa katangahan nayan 

kala ko d ako magiging tanga

To: Lourine Gabriel

ikaw ang gumustong magmana sa akin hahaha

From: Lourine Gabriel

PERO TEH MALAKAS TALAGA KUTOB KONG

IKAW!

To: Lourine Gabriel

d mo sureee

pero balitaan kita kapag umamin kapag

hindi edi mas ayus, mahihinto na pag-iisip

ko

From: Lourine Gabriel

alam ba to ni Jason?

To: Lourine Gabriel

ikekwento ko, mas gusto niyang sinasabi

ko ang nararamdaman ko sakanya kaysa

itago ko

From: Lourine Gabriel

AY UPDATED NAKS

Green flag ang ferson HAHAHAHA

To: Lourine Gabriel

thank you sa sagap

Maingay pa rin ang GC namin nang matapus kong i-chat si Lourine pero hindi ko na lang pinansin 'yun kahit nakailang mention na sila sa akin. Binuksan ko ang personal message namin ni Jason at nag-chat sa kanya tungkol sa pinag-usapan namin ni Lourine at sinabi niyang wala muna siyang komento tungkol doon habang wala pa naman kaming pruwebang ako talaga ang gusto ni Dylan. Nag-agree ako sa kanya pero dahil rin kay Lourine, malakas rin ang kutob kong ako pa rin ang gusto ni Dylan. Hindi dahil may feelings pa ako sa kanya kung hindi nararamdaman ko lang na tama si Lourine.

lizaroque: 1pm po Meeting with Madam, kung marami pong aattend na parents, matutuloy po sya. Makisuyo na ko mga anak, kailangan ko confirmation ng parents nyo kung makakapunta po. Salamat ^^

Dumating ang araw ng meeting. Pumunta kami ng school at pumunta sa bagong building sa likod na tinawag nilang Administration Building. Hinanap agad nng mata ko si Jason dahil sabi niya ay nandoon na raw sila ni mama niya. Napasimangot na lang ako nang hindi ko siya makita. Nasaan ba siya?

"Ella, pasama sa C.R," sabi ni Elle sa akin. 

"Tse, ang laki-laki mo na. Kakainin ka ba ng C.R?" pagtataray kong kunwari.

"Hoy, ate, mahiya ka naman!" bulyaw sa akin ni mommy at tumingin sa paligid. "Ginaganyan mo ang kapatid mo," dagdag pa niya at sinamaan ako ng tingin. Lalo akong hindi kumibo at muling hinanap ng mga mata ko si Jason. Nasaan na ba siya at lalo ko siyang kinailangan ngayon?

"'My, ganyan na talaga si ate! Huwag niyo nang pagsabihan," sagot naman ni Elle.

"Ikaw ang bunso, dapat hindi ka ginaganyan ng panganay."

"Duh, magkasing edad lang kami." Umirap naman si Elle na ikintawa ko nang patago. Minsan talaga, gaga rin siya. "Tara nga, samahan mo 'ko, Ella! Mag-C.R. lang kami, 'my! Baka hanapin mo pa kami!" sigaw niya bago kami umalis papuntang banyo.

Naglalakad kami, palampas sa stage nang magsalita ulit si Elle tungkol kay mommy, na masyado na raw sumosobra sa pagbabawal sa akin at minsan, hindi na rin angkop ang sinasabi niya sa akin. Minsan wala na nga akong ginagawa ay kung anu-ano na ang nasasabi sa akin at kapag sumagot ako ay bastso na ako.

Pumasok na kami sa banyo sa SHS Building at tumingin ako sa salamin para mag-peace sign lang at mag-pogi sign bago sumunod kay Elle nang papasok na siya sa isang cubicle.

"Ah!"

Napatingin ako sa kanya nang sumigaw siya bigla. Umurong siya palikod at lumabas ng cubicle, at tumabi sa akin na para bang takot na takot sa nakita sa balde sa loob ng cubicle.

"Anong meron diyan?" Tinignan ko siya bago ako pumasok sa cubicle kung saan siya pumasok kanina at sinilip ang balde. Natatawa akong tumingin sa kanya. "Palaka lang pala. Eh 'di pwede mo namang salukin 'tas ilabas na lang," pagpapaliwanag ko pero umiling siya at pumaosk sa ibang cubicle. Tumawa na naman ako sa iniakto niya. Takot talaga ang lola niyo sa palaka kapag iihi na. Ang lakas kasi ng imagination niya.

Sumandal na lang ako sa quartz na pader malapit sa tapat ng salamin doon sa banyo at tinignan ang sarili ko roon. Napakaganda ko naman kung ako ang tatanungin, imposible nga talagang walang magkagusto sa akin pero ang aayawan lang talaga sa akin ng mga lalaki ay ang ugali ko.

"Oh, Ella, nandito ka pala. Sino kasama mo?" Lumingon ako sa gilid ko nang marinig ko ang boses ni Ysabella. Kinabahan pa ako dahil nakita ko si Dylan sa labas. Hindi niya naman siguro ako nakita dahil nakaiwas siya ng tingin sa direksyon namin, pero alam kong alam niyang nandito ako dahil sa sinabi ni Ysabella.

"Si Elle, umihi," sagot ko.

"Ah..." Tumingin siya sa gilid bago lumapit sa akin at yumuko ng kaunti. "'Te, pasok tayo, usap tayo."

Kumunot ang noo ko sa iniakto niya. Hindi naman ganito kumilos sina Bella kung wala siyang nalalaman tungkol sa akin. That's the good thing about them, they are honest with me at hindi ko naramdamang nagsinungaling sila sa akin.

"Bakit?" kunot-noong tanong ko.

"Pasok muna tayo."

Pumasok kami sa loob ng banyo, malayo sa entrada at muli akong sumandal a pader habang magka-krus ang mga braso ko. 

"Oh,bakit, Bella?" tanong ko ulit.

"Um, ayoko sanang pangunahan pero tungkol 'to sa asar nina Sheedise noong nakaraan."

"Huh? Ano 'dun? 'Yung kay Dylan?" sunod-sunod kong tanong. Nababaliw na kasi ako kakaisip tungkol doon dahil sa mga sinabi rin ni Lourine. Kinalimutan ko lang kagabi at ngayong araw para wala akong iniisip na iba. Bumalik lang ulit sa akin 'yun nang sabihin na ni Bella.

"Oo," sagot niya at nagsimula na akong kabahan. "May inamin na ba siya o wala pa?"

"Wala pa naman, bakit?" tanong ko ulit.

"'Yung totoo niyan, nag-PM kasi sa amin si Lex about diyan dahil siya 'yung unang inaminan ni Dylan. Hindi rin namin alam kung totoo pero, kasi, ikaw raw - -"

"Ano?" 

Lalong kumunot ang noo ko habang sinasabi ko 'yun. Hindi ko maatim na may feelings pa siya sa akin. Hindi ko rin alam kung nagsisinungaling 'tong si Bella sa harapan ko dahil hindi ako naniniwala. Ayokong maniwala na ako pa rin ang gusto ni Dylan dahil kay Jason na ako. Ayokong bumalik pa siya.

"Nakakagulat, 'di ba?! Like - kami rin nagulat! Sabi namin sa kanya, 'Bakit si Ellaine pa? 'Di ba nagkagusto ka na kay Lourine? Naging MU kayo, 'di ba? Ano pala 'yun?'"

"Anong sabi niya?" 

Naninikip ang dibdib ko sa naririnig ko pero kailangan kong malaman lahat para na rin malampasan ko na 'to. Pagkatapus kong malaman ang lahat, kakalimutan ko na ang mga nangyari sa amin. 'Yun ang ipinangako ko sa sarili ko at alam kong hahayaan ako ni Jason sa desisyon ko...sa pagmu-move on ko sa sakit na binigay niya dahil deserve naman ng sarili kong maka-move on sa sakit na dinulot niya...sa panloloko nilang dalawa ni Lourine.

Si Lourine, napatawad ko na. Siya? Hindi pa masyado dahil ang sakit na nagsinungaling siya sa akin tungkol doon. I felt like cheated right now sa mga naririnig ko galing kay Bella. He still like me? Bullshit. Na-realize niya rin bang masaya ako sa iba kaya gusto niya ulit ako? Pathetic.

"Nadala lang sa tukso pero 'yung totoo pala, ikaw pa rin. Mahal ka na yata 'nun. Hiindi namin alam pero sabi niya gusto ka pa niya. Sinasabi ko na sayo para hindi ka mabigla, Ellaine. Teka, ihi na muna ako, 'te. Hintayin mo ko diyan! Marami pa akong sasabihin," sabi niya bago pumasok sa katabi kong cubicle. Tumango lang ako sa sinabi niya.

'Yung totoo, ako pa rin? Parang ayoko na talagang maniwala. My chest was fully numb right now. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong ako pa rin o lalo ko siyang kamumuhian sa nararamdaman niya para sa akin, pero naiisip ko ring tao rin siya kaya pwede pang bumalik ang nararamdaman niya. 

Pero bakit ako pa rin?

Narinig ko ang paglubog ng tubig sa cubicle kung nasaan si Elle bago siya lumabas at tumingin sa akin habang inaayus ang suot niyang pantaloon. Lumapit siya sa akin nang seryoso ang mukha. Alam kong narinig niya lahat kanina. Siya lang naman ang nakarinig kaya mas ayus 'yun.

"Ikaw pa rin pala gusto 'nun?" tanong niya sa aking nakataas ang kilay. Narinig ko ang pagpitik ng dila niya. "Sabi na nga ba eh. Nagseselos pa rin 'yun kay Jason nung nakaraang nakita kayong magkasama. 'Yung tingin niya ang masama! Ang sarap tusukin!"

Pagkatapus niyang sabihin 'yun ay kasabay rin ng paglubog ng tubig sa cubicle na katabi kung nasaan si Bella. Binuksan niya na rin 'yun at nagkatinginan sila ni Elle.

"Tama ka naman, Elle. Nagseselos pa rin ang gagong 'yun. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak 'nun. Ang galing naman ng epekto mo sa lalaking 'yun, 'te," sabi ni Bella sa akin na may kaunting pang-aasar.

"Ganda ba naman nitong ate ko 'no, Ysabella?"

Inakbayan ako ni Elle at tinanguan si Ysabella. Ngumuso naman ako dahil muntik na akong matumba at sinamaan siya ng tingin. Bakit ba hindi na lang umamin 'tong si Elle na BI siya o tomboy? Tanggap ko naman siya eh.

"I think he misses your treatment. Ang pag-iintindi mo about sa matters niya sa kapilya and all. Wala pa raw nakakagawa sa kanya 'nun. 'Yung handa siyang habaan ng pasensya."

"Mm..." I hummed. "Wala na ako, paano ba 'yan?" tanong ko.

Pinanlikahan nila ako ng mata dahil sa sinabi ko. Parehas ko naman silang tinignan. Parang gulat na gulat sila sa sinabi ko.

"Ellaine?" pagtawag ni Ysabella.

"Yes?"

"Ikaw ba 'yan? Matapang tayo ah!"

"Pwede na namang mag-move on si Dylan after naming makapag-usap kung aamin siya sa akin ngayon. Ayus lang naman sa akin kahit masakit. Sinaktan niya ako, pisikalan, pero tanga ako dati so...hinayaan ko. Ngayon, ayus na na-realize niya ang nawala sa kanya and I hope makahanap pa siya ng katulad kong makakaintindi sa kanya. Hindi ko namang pwedeng sabihing duplicate ko, 'di ba?" 

Mapait akong ngumiti kay Ysabella bago kami lumabas ng banyo. Wala na rin si Dylan sa labas. Bumalik kami ni Elle sa Admin Building at sa daan namin papunta doon ay nakita namin si Jason sa mga benches. Nauna nang tumakbo papunta sa kanya si Elle habang ako ay naiwan pa ring naglalakad habang iniisip pa rin ang sinabi ni Ysabella kanina.

"Jason!" sigaw ni Elle mula sa malayo habang tumatakbo.

Lumingon sa direksyon niya si Jason pero mabilis lang niyang tinignan si Elle at dumapo agad ang tingin sa akin. Tumayo siya at nakapamulsang naglakad papunta sa direksyon ko. He tapped Elle's head when he went near her before he continued to walk towards me. He's just wearing slacks and black polo shirt. Bagong gupit siya at naka-relo pa. Pormang porma siya, huh? May date?

"Good morning, love," bati niya nang makalapit sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Naramdaman ko namang nagsisimula ng mamula ang mukha ko. He kissed my forehead after saying that. Hindi tuloy ako nakasagot kaaagad.

"G-Good morning."

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo? Kay Dylan pa rin ba 'to?" tanong niya.

"Oo," sagot ko. "Confirmed na."

"Siya ang nagsabi?" kunot-noo niyang tanong sa akin.

Umiling ako. "Nope. Si Bella ang nagsabi sa akin nung nag-C.R. kami ni Elle." Nagsimula kaming maglakad habang nakaakbay siya sa akin. Maliit pa rin ako kumpara sa height niya pero sumasabay naman kasi ang height ko habang tumatangkad siya kaya ganun pa rin ang pagitan ng mga height namin.

"Hoy, kuya! Bwiset ka! Bastos! Nilalampasan lang ako!"

Pumunta si Elle kung nasaan kami at tumabi sa akin. Naglakad kami papuntang Admin Building at tinawid ang court namin. Nang makarating kami malapit kay mommy, nagmano si Jason at nagmano naman ako sa mama niya. Kinausap naman ako ng kaunti ng mama niya bago kami lumayo para sumilong sa may cashier at doon umupo sa mga benches. Ang daming benches ng school na 'to.

"Anong sabi ni Ysabella sayo?" tanong ni Jason. 

Alam kong sawa na siyang marinig ang tungkol kay Dylan pero wala siyang magagawa dahil kailangan kong makalimot, at pinipigilan ko rin naman ang sarili kong banggitin ang pangalan niya pero hindi pa rin maiwasan dahil kaklase namin ang tao at wala kaming magagawa 'dun.

"Nami-miss raw ako," sagot ko.

I heard him scoffed. "Ganyan din ang sinabi sayo ni Harold."

Natawa naman ako sa sinabi niya bago ako tumingin sa ulap. Tama naman siyang ganun rin si Harold. Bumalik nga pero huli na ang lahat at nakalimutan ko na ang feelings ko para sa kanya pero ang sakit na binigay niya ay nasa akin pa. Hanggang ngayon, dala ko pa rin ang duda ko doon na wala ring ibang babae si Jason kaysa sa akin, na hindi lang ako ang nililigawan niya...na tatraydorin niya rin ako katulad ni Dylan.

He leaned his back on my shoulders while he also looked at the sky in front of us.

"Pero paano nga kung umamin at nakausap mo na siya, Lai?"

"Usap lang, Jal," sabi ko. "Wala na akong pake sa pag-amin niya. 'Di ba mayroon na akong 'ikaw'? Trinato mo ko ng tama kaya wala ng rason para piliin ko siya. Kung 'yun ang nasa isip mo."  

Idinaan ko ang mga daliri ko sa buhok niya at niramdam ang lambot 'nun nang paulit-ulit. Ngayon ko lang naramdamang komportable ako sa isang tao kahit gusto ko siya at malapit siya sa akin ng ganito kalapit. 

Hinawakan niya ang kamay ko at inilusot ang mga daliri niya sa spaces sa gitna ng mga daliri ko, at nagulat ako doon. Naramdaman ko na naman ang pamumula ko. Bumangon siya at tumitig sa akin habang hindi ko pa rin maialis ang tingin ko sa kamay naming magkahawak na ngayon. It's warm and comforting at the same time.

"Lai..."

Itiningala ko ang aking paningin mula sa mga kamay namin papunta sa mga mata niyang nakatingin ng diretso sa akin. It's mesmerizing. Bumaba ang paningin ko mula sa mga mata niya papunta sa labi niya at napalunok dahil sa naiisip ko. Ano kayang pakiramdam ang humalik?

"Hey," He called and he held my chin, making me look at him straight in the eyes.

"Hm?" 

Tinaasan ko siya ng kilay habang nakangiti ako. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero nahuhulog ako. Kung tatanungin nila ako kung anong nagustuhan ko sa kanya, may masasagot pa ako pero kung anong rason kung bakit nahuhulog na ako? Hindi ko alam. He makes me fall for him without even trying.

"I will chase you forever."

Parang nalaglag ang puso ko sa sinabi niya nang sabihin niya 'yun. It's not the simple ILY's that I hear. Hindi tumitigil ang bilis ng tibok ng puso ko. Hibang na yata 'yun kay Jason. Why am I falling for this guy continously? Shit, pumapag-ibig na yata ako.

"Anong ibig sabihin 'nun?" patay-malisya kong tanong.

He smiled and I know it melts my heart. Ang ganda ng ngiti niya at gusto kong makita pa 'yun ng matagal. Sana hindi na lang matapus 'to.

"I love you, Lai."

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at gumilid. Kinabahan ako kaya hindi ako makagalaw at hinayaan na lang siya. Akala ko ay hahalikan niya ako sa labi pero itinaas niya ang ulo niya at ibinaba naman ang baba ko, at hinalikan ako sa noo. His lips brushed at my lips lightly when he did that. I was shocked all of the sudden.

Hindi pa rin nagsi-sink in sa aking niloko niya akong hahalikan niya ako sa labi at kaunting dumikit 'yun sa labi ko. Natulala ako sa kanya bago ko siya hinampas sa braso. Tangina, nahihiya na ako! Bwiset siya!

"Bakit?" Mapang-asar ang tono niya nang magtanong siya.

"Bwiset ka!" Patuloy ko siyang hinampas.

"Babae ka na ba o matigas ka pa rin?" tanong niya nang huminto ako sa kakahampas sa kanya.

"Slight nang nawawala ang pagka-boyish side ko dahil sayo, umay ka!" singhal ko.

"Gusto kong ibalik ang dating 'ikaw', Lai."

Napatitig naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. 

"Mahirap 'yun, Jal," ani ko. "Matagal ang pagpapabalik sa akin sa dati dahil...halos isang taon rin akong broken at hindi ayus - -"

"Years, then."

Lalo akong natulala sa kanya sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Tama ba ang naririnig ko? Tama ba ang pagkakarinig kong 'years' raw? Makakayanan niya kaya akong tiisin ng ganun katagal? Maibabalik niya kaya ang dating 'ako' sa loob ng 'years' na sinabi niya?

"Give me three years, Lai."

Three?

"Bakit three? Parang kulang 'yun ah."

"April 3 ako nagsimulang manligaw kaya three years rin."

"Sure kang kakayanin mo ako sa three years na 'yan?"

"Oo."

The day went by and Dylan never called for me so I called our feelings, quits. Hindi ko na siya gusto at kung hindi siya aamin, eh 'di huwag. Manigas siyang nakatingin lang sa akin habang masaya ako. Also, it was announced that JHS will no longer be removed from the school because of the complaints of the majority. 

lizaroque: Mga anak, praise God according po sa desisyon nila Sir V at Madam papatapusin po lahat ng batch ninyo na makatapos ng Junior High School dito sa Heroes, wala na po tayong grade 7, We only have grade 8, 9, @ 10, dahil kayo po ang priority naming makagraduate. Pls. pm everyone na wag na po lumipat. Answered prayer po ^^ <3

Sadly, others enrolled in a different school already including Ashton. Halos lahat sa amin ay nalungkot. We also lost Riel and Zyrille. Nag-enroll kami at pumasok pagdating ng pasukan. Iba na rin ang naging room namin at napunta kami sa Admin Building. Ang tanging harang lang sa pagitan ng mga grade levels ay ang mga sliding dividers kaya kapag nag-aaral kami o nagle-lesson ay nagkakarinigan kami. Lagi ang section namin ang nasisising maingay kahit madalas, hindi naman kami ang nag-iingay. Pero tinatanggap na lang namin ang paratang nila.

We spent time studying until December came. Sa ilang buwan na nagkasama kami ni Jason, issues spread at napatawag pa ang mga magulang namin sa school. Ang ibang issues ay hindi naman katotohanan at muntikan na akong magwala sa room namin kung magkakaroon ulit kami ng isa pang offense. 

Sinabihan na rin akong iki-kick out ako sa school kung hindi pa namin ititigil ang PDA namin ni Jason at inirason pa sa aking baka may mangyaring kakaiba sa amin kaya pinaglalayo kami. Nang irason ko naman ang tropa nina Dylan na sila naman ay babae at lalaki rin ang tropa, sabi sa akin ay iba naman raw ang kanila at wala naman silang mga relasyon. May relasyon kami ni Jason pero hindi naman kami ganoong kapusok katulad ng nababalitaang nilang mga nabubuntis na mga estudyante sa paligid dahil nakakasama naman namin ang pamilya ng isa't isa. Pumupunta pa kaming simbahan bago dumalo sa ibang okasyon kaya bakit pa kami gagawa ng katarantaduhan sa school?

"Issue na naman kayo. Ano bang pinaggagagawa niyo sa school ni Jason?" tanong ni mommy sa akin, kauupo ko pa lang sa sofa.

"Nag-aaral lang kami. Review for quizzes at discussion sa assignments na binigay. Ano pa bang dapat naming gawin sa school? Sila lang maisyu!"

"Ayusin mo ang pananalita mo sa akin, Yezdaeca! Hindi kayo iisyu ng mga 'yun kung wala kayong ginagawa!" bulyaw niya na lalo kong ikinasimangot. Pinaghihinalaan niya ba ako? Wala naman talaga akong naiisip na pwedeng issyu sa amin ng mga kaklase at teachers namin dahil wala naman talaga kaming ginagawang kasuklam-suklam! Ni akbay at hawak-kamay ay iniiwasan ni Jason para hindi kami maisyu!

"Ano ba, 'my?! Nagkaro'n ako ng manliligaw at akala ko magiging maayus ka sa akin dahil 'Yehey, magiging independent na anak ko kasi may lalaki nang nanliligaw sa kanya' pero hindi pala?"

Nag-iinit na ang ulo ko ngayon at hindi ko mapigilan ang bibig ko sa pagsasalita. Matagal akong nagtiis sa treatment niyang ganito.

"Huwag mo akong pinagtataasan ng boses!" Nangingilid na ang mga luha niya habang nakatingin sa akin pero hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kanya. "Alam ko kung anong mas mabuti sayo dahil ako ang magulang mo! Fourteen ka pa lang!"

"Oo! Fourteen ako!" sigaw ko at ibinaba niya ang daliri niyang idinuduro sa akin. "At sana maintindihan niyong hindi na ako bata, 'my. Hindi na ako seven sa trato niyo. Oo, magulang namin kayo pero paano naman ang buhay ko bilang teenager? Paghihinalaan niyo ako dahil sa isyu nila? Dahil nagkaroon kami ng offense ng wala silang patunay? Ni hawak-kamay alam niyong hindi ginagawa ni Jason sa akin sa school kapag wala kami sa labas ng school, 'di ba? Kapag nakabantay na nga lang kayo sa paligid, pati 'yun nirerespeto niya 'tas hindi niya alam na ginaganito niyo ako?" Tinuro ko ang sarili ko. "'My, may paki ka ba sa akin o kay Elle lang? Kay bunso lang? Paano ang panganay? Independent na ako? Kaya ko na ang sarili ko at need kong maging responsable sa kapatid ko?" 

Tinuro ko si Elle na nakatulala lang sa akin. Nag-iinit ang ulo ko dahil sa sinabi niya na huwag ko siyang pagtaasan ng boses dahil ngayon ko lang ako sumabog. Iyun ang ayaw abangan ni Elle dahil naranasan niya ang ibang side ko. Ang sumabog na ako.

"'My, kailan kayo magkakaroon ng pakialam sa akin? Kapag patay na ako?"

"Huwag kang magsalita ng ganyan, ate!"

"Ano na naman, 'my? Kasi baka mangyari? 'My, muntik na akong mamatay nung nagka-amoeba ako dati, 'di ba? Kasi nagkukulang na ako ng oxygen dahil dehydrated ako 'tas ang bata ko pa. 'My, paano kung nawala kaya ako 'nun? Maiisip mo pa rin kaya ako? O nandito pa rin ako kaya ginaganito mo ako?" Nararamdaman ko ang luha ko pero pinigilan ko 'yun. I need to act tough in front of her. "Huwag kitang pagtaasan ng boses? Paano naman akong panganay na laging napagtataasan ng boses? Paano akong pinapasahan niyo ng karanasan niyo kala lola? 'Di ba ayaw niyo ring nasisigawan kayo? Kaya nga mahina ang loob niyo eh. Bakit niyo rin pala pinasa kay bunso 'yang nararamdaman niyo?"

"Ate, crossed the line na 'yan!" sigaw ni Elle.

"Pero totoo naman, 'di ba?" Padabog akong tumingin sa kanya. "Pare-parehas lang tayong nahihirapan dahil patuloy na pinapasa niyo ang nakagisnan niyo na sa tingin niyo tama. Bakit? For us to be tough? Thank you, 'my! Sobrang lakas na ng loob ko sa ginawa niyo eh!"

"Dahil lang dito, gaganyanin mo na ako? Paano 'yung mga ginawa ko para sa inyo mula nung isinilang kayo sa mundo, ha, ate?" aniyang umiiyak na sa harapan ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko nararamdamang umiyak kasabay niya. Manhid na ba ako? Masama na ba akong anak nito?

"I'm thankful for that." Tumango ako. "Sobra-sobrang pasalamat kong pinalaki niyo kami pero ginusto ko bang ipanganak, 'my? Ginusto ko bang maging panganay?"

"Ate!" sigaw ni Elle sa akin at lumapit kay mommy nang maupo na siya sa sofa, malayo sa akin.

"Did I wish for it? Pero no choice akong mapanganak sa mundo, 'di ba? Tsaka, don't talk harsh about Jason. Did I cross the line? Well, you crossed the line also. 'Di naman ako bumawi. Kung iiyak kayo dahil sinagot ko kayo tungkol dito, pakiisip rin ang mga hirap ng mga anak niyo sa sinasabi niyo. I know the feeling of mothers out there, 'my, including you. Pero sana...sana pati mga anak niyo pakinggan niyo rin dahil alam naming mga magulang namin kayo...but also don't cross the line. Magulang namin kayo, anak niyo kami, at tao rin kami. Gusto ko ring maramdamang mahal mo ko, na hindi ako left out sa amin. Alam ni Elle 'yun oh."

Hindi sila kumibo kaya itinuloy ko ang sasabihin ko habang pinipigilan ko pa ring umiyak.

"Kung huhusgahan niyo kaming may ginagawa ni Jason? See it for yourself. Stalk us sa school, wala namang nagbabawal sa inyo! Be a chaperon! Hindi ko ikakahiya 'yun kung 'yun ang makakapagpakalma sa inyo sa iniisip niyo! Never kayong binigyan ng doubts ni Jason tungkol sa kanya and I never did, too, kaya nga nagtataka ako kung bakit ganyan kayo sa akin eh. Mabait nga akong ate eh. Mabait akong anak. Lagi akong sumusunod kahit palasagot ako dahil hindi kayo nakikinig sa katotohanan na sinasabi ko tungkol sa ugali niyo."

Kaya rin naiinis sa kanya si daddy dahil sa ganitong ugali niya. Minsan, magpaparinig 'tas kapag kinumpronta namin siya ay totoo naman at bato-bato sa langit, ang matamaan huwag magagalit. Hindi naman dahil sa natamaan kaya nagalit, dahil sumosobra na siya. Inubos niya ang sarili niya 'tas sa amin ibubuhos lahat ng sakit na nararamdaman niya. Pati mental health naming magkapatid nadadamay, lalong lalo ako. 

I was very thankful for Jason that he lets me escape reality every time we are together. Sinasabayan niya ang trip ko kahit pagod na siya at pinapasaya niya ako sa mga simpleng bagay. Lagi kaming dumadaan sa simbahan sa tuwing makakapunta kami sa mismong sentro ng Balanga.

"Sana naman intindihin niyo rin ako katulad ng pagtitiis ko bilang anak niyo sa ugali niyong hindi ko tinataniman ng galit. Sumabog lang ako, 'my, dahil kailangan niyo ng marinig ang nararamdaman ko, hindi dahil galit ako. Nasasaktan ako sa pagtrato niyo sa akin at lalo akong pinapatatag 'nun. Pangako, 'my, hindi mararanasan ng mga anak ko 'to."

Lalampasan ko na sana silang dalawa ni Elle at aakyat na ng hawakan niya ang kamay ko habang umiiyak at humihikbi. Nararamdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko at ng mga balikat ko sa nakikita ko pero hindi ko magawang umiyak. Hindi ko kayang sabayan siya sa nararamdaman niya dahil nasanay na akong umiiyak ng mag-isa. Hindi niya naman kasi ako hinayaang umiyak dati sa harapan nila dahil dapat ay ako ang sumalo ng kasalanan ni Elle kahit nakita na siya ni mommy na siya ang gumawa. Kahit umamin pa siyang siya ang gumawa ay ako pa rin ang mapapagalitan.

She took care of me since I was born and I am very thankful for that but I never wished I was born. 'Til now, I am thinking...What if I wasn't born? What if I died when I got an amoeba before when I was dehydrated? Many 'what if's played in my mind.

"Ate, magulang mo ako..." Humihikbi siya habang sinasabi 'yun. "...pero hindi ko alam na ganun ka na pala nasasakal sa akin...Akala ko nagsisinungaling lang rin si daddy sa akin kapag sinabi niyang hayaan muna kitang mag-explore...Akala ko nagsisinungaling siyang nasasaktan na kayo dahil wala naman kayong sinasabi sa akin..." Umiyak na siya sa harapan ko at nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. "...Ate...magulang mo ako...kaya nag-aalala lang ako para sa future niyo...Buhay pa naman ako..."

"'My, may sariling desisyon na naman kami, 'di ba? Hindi ba pwedeng hindi kayo mangialam kung 'yun ang pipiliin namin? Parang ramdam lang namin ang kalayaan sa pagpili, sa course lang na kukunin namin sa college," ani ko.

"Pasensya ka na..." Humikbi siya. "...at nararamdaman mong nangingialam ako sa inyo...Pero mararanasan niyo naman 'yan paglaki niyo...Ang bata niyo pa, mag-aral muna kayo."

Ano? Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero nagwalang kibo na lang ako at hindi sinagot ang sinabi niya kahit mayroon pa dapat akong isasagot. Huwag na lang at pabalang na naman akong sasagot sa kanya. 

"Oo na lang. Ano bang magagawa namin?"

Iniiwas ko ang tingin ko habang naninikip na naman ang dibdib ko sa pag-iisip tungkol sa buhay ko. Pati ba hanggang sa maging 17 ako, ganito pa rin ba? Marami akong tanong na tumatakbo sa isipan ko at hindi niya masasagot lahat ng 'yun dahil hindi niya naiintindihang nahihirapan na rin ako sa pagiging strikta niya. Kay daddy, medyo lumuluwag na. Sa kanya, para kaming 7 years old na mawawala kahit sa school lang. Ayus ako kung si Elle lang ang aatupagin niya dahil aminado naman akong hindi sanay sa tao si Elle, pero dinadamay niya pa rin ako. Hindi ko maramdamang panganay ako. I want her assurance na kaya ko, at pagmamahal niya at tiwala niya sa kakayahan ko.

"Sorry rin at napagtaasan ko kayo ng boses. Minsan, makinig kayo sa akin. Kayo na rin ang nagsabing wala kayong alam sa panahon ngayon kaya huwag rin kayong aastang alam niyo kung ano ang mga gusto namin dahil akala niyo lang 'yun at desisyon niyo 'yun," ani ko at tumango na lang siya. "Oh, sige na. Aakyat na ako. Elle...Ikaw rin umakyat ka na kung tapus ka na kay mommy. Ayoko munang bumaba mamaya. 7 na tayo kumain."

Umakyat ako habang seryoso ang mukha. Dala ko na rin ang cellphone ko. December 3 pa naman at ika-walong buwan na ng panliligaw ni Jason sa akin, tapus ganito ang nangyayari sa bahay. Nagpalit ako ng damit bago humiga sa kama ko at sumigaw sa unan ko. I am infuriated at ipinaramdam ko na lang sa aura ko 'yun kaysa sa pananalita ko kanina. Mahinahon pa ako sa lagay na 'yun.

Nag-chat ako kay Jason tungkol sa nangyari sa bahay at nalungkot siya sa nababalitaan niya ngayon. Si Tita Dina naman raw ay walang sinabi kung hindi, hindi raw siya naniniwala sa isyu sa school kahit na nakita niya ang mga offense namin ni Jason, dahil alam niyang hindi magagawa ni Jason ang mga 'yun. Kahit naman ako, alam kong hindi niya ginawa sa akin ang mga paratang na nakalagay sa mga cattleya's namin. 

From: mahal ♥︎

it's ok, love. tita is free

to judge me dahil 8 months

pa lang naman akong

nanliligaw sayo, hindi pa

buo ang trust niyan sakin

no worries if rejected pa ako

ngayon, basta si tito ayus na

ayus, aports ko na yon hahaha

To: mahal ♥︎

ayoko lang na ginaganun ka,

dinadamay ka sa trato sa akin.

ano yon? package? kapag

treatment sa akin, treatment

rin sayo? ano ka? minamalas?

-.-"

From: mahal ♥︎

ayus lng sa aking ganyan siya,

at least iniluwal ka sa mundo

To: mahal ♥︎

i was questioning my existence

earlier when we're talking :))

From: mahal ♥︎

kung wala ka sa mundo, lai, ala

akong liligawang kasing tapang

mo, mas matapang ka pa sa amoy

ng putok HAHAHAHAHAHA

To: mahal ♥︎

-.-"

From: mahal ♥︎

hindi na hindi na

pero hindi ako magiging ganito

kabaliw kung hindi ikaw ang 

nakilala ko panigurado computer

pa rin pinaggagastusan ko ng bente

To: mahal ♥︎

maniwala ako sau, dami mo nga

naging girls sabi mo

From: mahal ♥︎

flings

pogi ko eh hahaha

To: mahal ♥︎

nadagdagan na nga followers mo

nasa 4k+ na

nababash pa ako ha, maganda kaya

ako

From: mahal ♥︎

you're much more beautiful than

them so don't wish you're not

born, lai.

the oceans will be nothing without

waves that's why my heart isn't colorful

without u, my love

Naramdaman ko ang pagwala ng lungkot ko sa message niya. Iba talaga siya magbigay ng kilig sa akin. It's been 8 months and he's still like this. Ganun pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko na siya, 'yun ang alam ko at hindi ko alam kung kailan ako aamin sa kanya pero...Subukan ko kaya ngayon?

To: mahal ♥︎

and i never thought i'd found the

painter of my unexplained masterpiece.

From: mahal ♥︎

Ha? Confession ba yan?

Napangisi ako dahil sa tanong niya.

To: mahal ♥︎

secret

And I sent a 'winking' emoji, teasing him more. Gulong gulo pa rin siya sa sinabi ko habang ako ay masayang nakikita siyang naguguluhan sa confession ko...na mahal ko na siya nang hindi niya alam.