Chereads / THE CHASE ESCAPE (ALGEA SERIES #1) / Chapter 34 - CHAPTER THIRTY-FOUR

Chapter 34 - CHAPTER THIRTY-FOUR

"Lai."

Pumunt akong locker at umupo sa tiles para maabot ko ang locker namin ni Elle. Nasa pinakababa kasi ang amin, sa gitna. Binuksan ko 'yun gamit ang susi at kinuha ang clear file briefcase ko sa loob at binuklat ang pinakadulong space, at kinuha ang one fourth doon. Naubos na kasi ang nasa bag ko dahil puro hingi lagi ang mga kaklase namin sa amin ni Elle. Sunod-sunod rin kasi ang quizzes namin. Literal na mas mahirap nga ang Grade 9. Mas malala pa sa Grade 8 ang mga lessons nila. Pati ang ESP ay ang hirap ng intindihin. Puro tungkol sa pagkatao at pag-intindi sa pagkatao ang kailangan naming sagutan. Ang lalim rin ng mga ibig sabihin noon. Nakakalula naman ang pagiging mabait kung makaka-100 kami sa ESP.

"Lai," tawag na naman sa akin ni Jason.

"Bakit?"

Tumayo ako at humarap sa kanya para pakinggan ang sasabihin niya. Kanina pa siya sunod nang sunod sa akin pero wala naman siyang sinasabi kung anong kailangan niya sa akin kaya hindi rin ako namamansin kanina pa.

"Anong ibig sabihin ng chat mo kahapon?"

"Ano doon?"

"And I never thought I'd found the painter of my unexplained masterpiece."

Ah, 'yung confession ko.

"Wala. Quote lang 'yun," palusot ko.

"Lai..."

Sinamaan niya ako ng tingin nang sabihin ko 'yun. Kailangan kong magpalusot. Ayoko pang umamin nang literal.

"Maya, sabihin ko. After class."

Napakagat ako sa labi ko nang masama pa rin ang tingin niya sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag ng mawala na ang sama ng tingin niya. Ang rupok ko talaga sa kanya kapag siya na ang nagbigay ng masamang tingin sa akin. Ayaw niya kasing hindi ko sinasabi ang katotohanan sa kanya. Saulo niya na ang ugali ko kahit na 8 months pa lang ang nakakalipas.

"Nice!" aniyang nakangiti. "Ayokong nagsisinungaling ka sa akin, Lai."

Yumuko ako nang maramdaman ko na naman ang sama ng tingin niya. Pagkatapus 'nun ay naramdaman ko ang kamay niyang pumalupot sa braso ko at hinatak ako papalapit sa kanya, at niyakap niya ako.

"Sorry for looking at you like that, love," pabulong niyang sabi.

"Para mo kong papatayin," Ngumuso ako. Totoo naman, para siyang mangpapatay sa tingin niya.

"Sana all!" rinig kong sigaw ni Sheedise. "Huwag na kayong gumanyan, mga pre! Maisyu na naman kayo!" sigaw rin ni Daniel.

Parehas kaming napatingin sa mga tropa namin. Naging tropa na rin namin sila sa tagal naming magkakasamang nagre-review sa quizzes at nagsasagot ng mga activities namin tuwing lunch. Tropa sila ni Jason kaya naging tropa na rin namin dahil nililigawan ako ng tropa nila at kahit dati pa lang ay pinuprotektahan na nila kami. Nahahalata na rin pala nilang may gusto sa akin si Jason, hindi lang nila sinasabi. Kaya pala puro sabi sa akin si Sheedise na prinsesa ako ni Jason.

"Subukan lang nila, pre! Hindi naniniwala sa kanila si mama!" sigaw pabalik ni Jason sa kanila.

Lumipas ang tatlong araw at hanggang ngayon ay hindi ko sinasabi kay Jason kung anong ibig sabihin ng chat ko sa kanya noong monthsary ng panliligaw niya at ng pagka-MU namin.

Gusto ko ng sabihin sa kanya ang tungkol doon pero hindi ko alam kung tamang desisyon ba ang naiisip ko pero gusto ko ng umamin. Alam kong tamang oras na. It's been 8 months and I am moved on already.

Inaya ako ni Jason ngayon na magsimba sa kanila. Ipinagpalaam niya rin ako kay daddy at mommy at himalang pinayagan ako sa kanya dahil hindi naman ako pinapayagang sumama sa iba. Todo tili pa ang gaga kong kakambal nang payagan na ako. Kinuyog niya pa ang ulo ko.

"Jason."

Pagkatawag ko pa lang sa kanya ay lumingon kaagad siya sa akin at tinaasan ako ng kilay bilang katanungan.

"Usap tayo after ng mass."

"Hm? Sige, sige," sagot niya at muling nakinig sa homiliya sa harapan.

Nang matapus ang misa, lumabas kami at naglakad papuntang pila ng mga trike. Hindi ko alam kung anong sinabi niya sa kuyang magpapaandar ng trike pero sige na lang ako kung saan niya trip maggala. Nakarating kami sa terminal at tinignan ko siya nang nagtataka.

"Bakit dito tayo?"

"Vista tayo," sagot niya.

"Hindi ko saulo 'dun! HUY!" reklamo ko.

"Aralin mong maging independent habang wala sila. Tsaka, hindi naman tayo pupunta sa Pampanga para mag-panic ka. Na-update ko na sila tita kanina."

Huh? Kailan niya ginamit ang cellphone niya? Hindi ko nakitang gumamit siya ng cellphone kanina. Nagsawalang kibo ako at sumunod na lang sa kanya paakyat ng MASDA. Pinaupo niya ako malapit sa bintana at siya naman sa tabi ko para raw safe ako. Tumingin na lang ako sa labas habang hinihintay na umandar ang sinakyan namin.

"Saan kayo?" tanong ng konduktor kaya napatingin ako sa gilid ko.

"Vista Mall lang, kuya. Dalawa," sagot ni Jason.

"Pinsan niyo, sir?" tanong ng konduktor.

Halatang binata pa siya at parang kaedaran pa namin. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at vice versa. Nakangisi pa siya sa akin kaya nandiri ako. Bakit ba siya nakangisi? Hindi niya pwedeng idahilan sa aking mabait lang siya kaya nakangiti siya sa akin?

"Correction, my girlfriend."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jason. Hinawakan niya ang kamay ko at inilusot ang mga daliri niya sa spaces sa gitna ng mga daliri ko, at ipinakita 'yun sa konduktor sa harapan namin. Nakita ko ang pagwala ng ngisi ng konduktor at tinignan ako na parang nanghihinayang. Umiwas naman ako ng tingin dahil sa ilang. Nakakadiri ang tingin niya. Para niya akong pinagnanasahan.

"Bakit ka nakatitig?" rinig kong tanong ni Jason.

"Sorry, sir, ang ganda kasi ng girlfriend niyo."

Naramdaman ko ang tingin sa akin ni Jason mula ulo hanggang paa ko hanggang sa naramdaman ko ang paglagay niya ng leather jacket niya sa balikat ko. Tumingin ako sa kanya nang gawin niya 'yun. I was wearing a sleeveless red dress.

"Huwag ka ng tumitig. Kung tapus ka na dito, umikot ka na ulit," rinig kong sabi niya.

Umalis ang konduktor at umikot na ulit sa ibang pasahero sa MASDA. Napatitig na lang ako kay Jason dahil sa ginawa niya. Lalo akong nahuhulog sa kanya. Niyakap ko ang sarili ko at hinatak ko ang leather jacket na ipinatong niya sa balikat ko.

"Thank you," ani ko.

"Little things, Lai," aniya at umayus ng upo.

Inusog niya ang mga binti ko gamit ang isa niyang binti para matakpan 'yun. Hinatak ko naman pababa ang laylayan ng dress na suot ko.

"Ayus ka lang?" tanong niya.

"Oo, kadiri lang tingin ng binata sa 'kin," sabi ko.

"Natipuhan ka siguro."

"I hate his stare, Jal," reklamo ko.

"Sa susunod, mag-iipon ako ng kotse para doon ka na sasakay."

"Ako ba ang mali sa suot ko?" tanong ko.

Umiling siya at mataimtim akong tinitigan sa aking mga mata. He's like reading my soul again, just like he always does.

"Ayus lang ang pananamit mo, Lai, kung diyan ka komportable. Ang mali ay ang ipaparamdam nilang hindi ka pwede maging komportable sa suot mo," aniya. "Habang nandito pa ako sayo, babantayan kita. Walang mambabastos sayo."

Bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin niya 'yun. He really knew how to make me flutter. Nakakainis, ang bilis niyang magawa 'yun habang ang iba ay hirap na hirap pa. Iba talaga ang epekto niya sa akin.

Umandar na ang sinasakyan namin habang nakatingin ako sa labas. Our hands are still intertwined at nakalagay pa sa ibabaw ng binti ko. His hand is warm. Samantalang ang akin, parang patay na ako sa lamig 'nun.

"Love?"

"Hm?"

"Anong pag-uusapan natin?"

Lumingon ako sa kanya at muntikan pa kaming magkauntugan pero buti ay lumayo siya sa akin nang lumingon ako.

"Tungkol sana sa sasabihin ko nung December 4," sagot ko.

"'Yung sa chat?"

He caressed my hands with his thumb and it sent electricity in my body. Ngayon ko lang ulit naramdaman 'yun. It's the same feeling I felt when we're in practice, noong hinawakan niya rin ang kamay ko. But this one is closer and it felt good. I feel safe.

"Oo," sagot ko.

"Oo nga, anong ibig sabihin 'nun? Nakalimutan ko na rin kasing itanong sayo kasi ang dami nating gina - -"

"Mahal kita."

"Huh?"

Itinagilid niya ang ulo niya habang nakatingin sa akin nang nagtataka. Wala akong ibang mabasa sa mukha niya kung hindi gulat pagkatapus niyang mahimasmasan sa sinabi ko. Kinakabahan pa ako nang nanlaki ang mga mata niya at umawang ng kaunti ang kanyang labi.

"Woi!"

Tinuro niya ako habang minementena niyang mahina ang boses niya sa loob ng MASDA.

"Lai! Weh?"

Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. He squeezed it gently. It's not hurting me.

"M-Mahal mo ko? Mahal mo na ako?!" Nauutal pa niyang tanong.

Tumango ako at lalong nawala siya sa sarili. Nawalan siya ng angas bigla sa inaasta niya ngayon at tinakpan niya ng kamao ang bibig niya para pigilan ang pamumula ng mukha niya pero hindi niya naman maitatago ang pamumula ng mga tenga niya.

"Lai, sure ka?" tanong niya pa. "8 months pa lang."

"Sure kang after 8 months lang?"

"H-Huh?"

Lalo siyang naguguluhan sa sinabi ko. Natawa naman ako dahil lalong namula ang tenga niya sa inaasta niya.

"July 26."

"Ano?"

Halatang kinakabahan siya sa sinabi ko dahil muli niyang piniga ang kamay ko at lalong uminit 'yun. Ako rin naman, kinakabahan sa pag-amin ko pero alam kong hindi naman ako mare-reject dito dahil una kong nalaman ang nararamdaman niya para sa akin at isang assurance na 'yun sa akin na hindi na ako niloloko ng lalaking kasama ko ngayon.

"July 26. 'Yun ang date kung kailan ko na-realize na mahal na pala talaga kita," pagpapaliwanag ko. "August 1, gusto ko nang umamin kaso puro issues pa kaya sabi ko, 'Huwag muna at aayusin muna namin ang problema namin'. Then, December 3 came. The 8th month of your efforts and love for me. Of your waiting...I confessed kaso pa-code nga lang."

Nginitian ko siya at tulala lang siya sa akin habang pinuproseso pa rin siguro lahat ng sinabi ko.

"Detective geek," aniya bago ako niyakap.

I hugged back knowing that my heart's happy with him, that I'm contented being with him. I feel safe around him. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay sa mga yakap niya at medyo naiilang pa rin ako pero mas ayus na 'yun kaysa masanay kaagad ako. Walong buwan pa lang naman.

Hanggang sa makarating kami ng Vista ay hindi niya inalis ang kamay niya sa kamay ko at nakangiting nakatingin sa harapan. Natatawa na lang ako at inaasar siya kapag nahuhuli ko siyang nakangiti at dine-deny niya ang pag ngiti niya. Kinikilig lang 'to.

"Vista Mall!" sigaw ng konduktor.

Inalalayan ako ni Jason nang bumaba kami at maraming taong nagdadagsaang bumaba galing sa MASDA. Pagkababa namin ay naramdaman ko kaagad ang tingin sa akin ng mga lalaking naroroon at inakbayan kaagad ako ni Jason para maibsan ang pagkailang ko.

"Bili tayo ng ipapalit mo sa dress mo. Naiilang ka na," aniya.

Tumango ako.

"Oo, sasabihin ko pa nga lang eh. 'Di ko naman kasalanang nag-dress ako 'no?" tanong ko.

"Hindi nga, Lai. I told you...Kung diyan ka komportable kanina, ayus 'yun pero dahil alam nating 'di ka na komportable, palitan na natin."

"Thank you," sabi ko at tinanguan niya lang ako.

Nagtuloy kami sa loob ng Vista at umikot. Hindi ko alam kung bakit naisip ko na sana ay hindi namin makasalubong dito si Dylan pero ang galing talaga

ni tadhana, ayaw akong pagbigyan.

Napasapo na lang ako sa noo ko nang matanaw ko siya sa labas ng Timezone. Napatingin tuloy sa akin si Jason.

"Bakit?" tanong niya.

"Si Dylan, nandiyan."

"Saan?"

Tumingin siya sa paligid hanggang sa mahagip na rin ng tingin niya si Dylan. May kasama siyang apat na babae at hindi sina Lexie 'yun. Ang tatlo ay sina Ate Lyra, Ate Satine at Katkat pero sino 'yung isa?

Masaya siyang kasama sila at ipinatong ng babae ang kamay niya sa balikat ni Dylan. Bigla akong natawa ng sinabunutan siya 'nun at piningot. Tumikhim naman si Jason kaya tumingin ako sa kanya. Bigla akong kinabahan pero nawala rin 'yun nang makita kong nakangiti siya sa akin. Hindi 'yun mapait kaya nginitian ko siya pabalik.

"Nage-enjoy ang bebe sa pananakit sa exMU niya ah," asar niya nang magsimula na naman kaming maglakad.

"Mhm." Tumango ako.

"Familiar ang mukha ng isa pang kasama nila," aniya.

"'Yung babaeng mapanakit?" tanong ko.

"Ouch! Ang harsh!" reklamo niyang humawak pa sa dibdib niya na akala mo siya 'yung sinabihan ko.

"OA mo, beh!"

"Sa'n mo gustong mag-lunch, Lai? Need kitang ihatid bago mag-3. Kung gusto mong masubukan mag-Timezone, eh 'di mag-Timezone tayo."

"Hm...Jollibee?"

"Baka puno 'dun. Ayaw mo sa Mcdo?"

"'Di ko bet lasa ng food pero sige. Want mo ba 'dun?" tanong ko.

"Oo, sana, kung gusto mo pero parang ayaw mo yata."

"Ayus lang! Let's go, wonder pets!"

Tinawanan niya ako at 'dun rin naman kami tumungo. Siya ang nag-order at namili na lang ako sa mga available. Nang ma-serve na sa amin ang pagkain namin ay tinikman ko ang napili ko at ayus lang naman. Nang matapus kami ay ako ang nagbayad ng bill dahil siya na ang gumastos sa pamasahe namin kanina sa pagsundo niya sa akin at sa pagpunta namin dito kaya ako naman. Para fair lang. Tsaka ipon ko 'yun, hindi naman ako basta-basta hihingi kala mommy ng pera para lang makipag-date.

Umikot ulit kami para mamili ng damit na ipamamalit ko sa dress ko at sinuot ko 'yun bago kami pumuntang Timezone at pina-loadan niya ang card niya. Hindi ko alam kung paano gumagana 'yun pero siya na ang gumawa dahil first time ko pa lang naman sa Timezone. Kapag gusto kasi naming maglaro doon ay puro sabi sa amin ng 'sa susunod na lang' nang 'sa susunod na lang'.

Bumalik siya sa akin pagkatapus niyang mapa-loadan ang card niya at pumunta kami kahit saan. Inuna namin ang bowling na laro sa dulo ng Timezone. He swiped the card and plays. Dalawang pins ang natira sa unang tira niya at nanonood lang ako sa screen na nasa harapan ko.

Kung tama ang pagkakaalala ko ay isa 'to sa mga napanaginipan ko dati, ang nakikipaglaro ako kasama ang isang lalaki sa isang arcade pero hindi ko naman inaasahang ito pala 'yun.

"'Uy, 99 pins!"

I cheered for him when he hit 99 pins in the final round. Pina-swipe ko naman ang card sa katabing laro ng bowling simulator. Iceball ang pangalan na nakalagay sa taas 'nun. Shooting lang 'yun na parang bowling at ang pinakamalayo na pwede mong makuha ay 10,000 points.

Unang bato ko ay hindi pumasok sa 10,000. Ganun rin sa pangalawa. Sa pangatlo ko ay pumasok 'yun sa 10,000 kaya kinuyog ko ang braso ni Jason habang hawak niya ang isang bowling ball sa kanang kamay.

"H-Hoy, Lai!"

"Sorry, sorry."

Nag-peace sign ako. Medyo natulala pa siya sa akin bago pinisil ang pisngi ko at nagreklamo ako dahil 'dun. Tatanggalin niya na yata ang pisngi ko! Hindi, hindi pwede! Walang kukuha ng siopao ko!

"Aray naman!"

"Sorry, sorry. Siopao kasi."

"Tara sa ibang games!"

"Air Hockey?"

"Ano 'yun?" tanong ko.

"'Yung tinitignan mo kanina."

"Ah! 'Yung labanan malapit sa entrance. Oh, sige! Tara!"

Hinatak ko pa siya dahil excited ako sa paglalaro 'nun. Nakabunggo pa ako ng iba pero nag-sorry naman ako. Nakarating kami sa gitna at mayroon pang mga taong naglalaro sa Air Hockey kaya pumunta kaming ibang laruan. Naglaro kami sa isang claw machine pero wala kaming nakuha. Sad.

Sunod naming pinuntahan ay ang Ice Man. Para siyang Plant Vs. Zombies pero kami ang mga tumitira sa zonbies at nagiging ice sila. Sunod naming sinubukang laruin ang mini basketball sa tabi ng Piano Blocks. Hindi ko alam kung anong name 'nun at hindi ko na rin tinignan dahil tinatamad ako. Basta pina-swipe ko kay Jason ang card at nagsimula na akong maglaro. I press the button with force.

"Galit ka ba?" tanong niya.

"Hindi."

Patuloy ko pa ring pinipindot ng mabilis ang button sa larong nasa harapan ko para lang ma-shoot sa 3-point rings ang mga bola.

"Ang bilis ha. Para kang nag-aano..."

"Ano?" tanong ko habang pinipindot pa rin ang button.

"Wala," aniya habang pinipigilan ang tawa.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Parang nag-aano ba? Sunod naming sinubukan ay ang 'Hit the Clown'. Ako talaga ang nagprisintang pumunta doon dahil tipo ko ang pagbato doon.

Hinatak ko lang rin dito si Jason dahil gusto ko 'cause why not? Pagbigyan niya na ako at minsan lang ako mapayagan sa mga ganito. Ni-swipe niya ang card at pinindot niya ang start button tsaka bumaba ang mga bola sa amin. Nung una, nahihirapan pa akong batuhin ang mga clowns, pero nang tumagal ay natantsa ko na kung saan ako babato.

Matapus naming gawin 'yun ay pumunta kami sa karaoke doon. Alam kong karaoke 'yun dahil nakita ko na 'yun dati sa mga 'My Day' at mga posts sa FB ng mga kaibigan, kaklase o kamag-anak namin. Excited akong pumasok 'dun at umupo habang sumunod na lang sa akin si Jason, walang magawa. Isinarado niya rin ang pintuan ng karaoke box.

Hinanap ko ang kanta ni Taylor Swift na Love Story sa song book at nakita ko 'yun.

"Pahiram card, Jal," ani kong iniabot pa ang kamay ko.

"Ako na. Ano bang numero?"

Tumayo siya at pumunta sa tapat ng karaoke at naka-ready ng magtipa doon.

"Platinum 'to. Tama bang gagana 'to?"

"Tignan natin."

"44843."

He swiped the card before pressing the buttons to insert the numbers I said to the screen.

Love Story

By: Taylor Swift

Napangiti ako nang makita ko ang title. Wala siyang ideyang sasagutin ko siya dito gamit ang kantang 'to.

"Mic, paabot," sabi ko at sinunod niya kaagad 'yun. Prinsesang prinsesa ang datingan ko sa kanya.

Nagsimula ng tumugtog ang nasa karaoke at hinihintay ko na lang na umandar ang blue color para makakanta na ako. Nang umandar 'yun ay kumanta na ako.

"We were both young...When I first saw you...I close my eyes and the flashback starts...I'm standing there...On a balcony, in summer air..."

Kumanta ako nang kumanta kahit alam kong nahihiya ako kay Jason dahil hindi pa ako masyadong confident kapag kumakanta ako sa paligid niya. Tinapus ko ang pangalawang chorus hanggang sa umabot na ng bridge.

"I got tired of waiting...Wondering if you were ever coming around...My faith in you was not...fading...When I met you on the 8th grade, around...And I said..."

Napatingin sa akin si Jason nang iba ang kantahin ko sa bridge. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Bakit naiba ang lyrics?" tanong niya.

"Kasi...I love you and that's all I really know. I talk to your dad and go pick out a white dress...It's a love story, baby, I'll say...Yes!" I shouted.

"Huwag kang iinom, Lai. 'Di ka bagay sa inuman, lalo kang mababaliw!"

"Alam ko!" sigaw ko sa microphone kaya nag-static bigla 'yun. "Jal, yes!" sigaw ko ulit ng sinabi ko kanina.

"What 'yes'?"

"Yes!"

"Saan nga?!"

"Your courtship is over!"

"Ano?"

Tinasaan niya ako ng kilay ng sabihin ko 'yun at nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung ano ang ibig kong sabihin.

"Huh?! Weh?!"

Tumayo siya at nilapitan ako. Niyakap niya ako at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. I can feel him breathing there. Nakakabaliw ang ginagawa niya at nag-iinit ang katawan ko. Bumitaw rin naman siya kaagad at baka naisip niyang nailang ako. Ginawaran ko siya ng ngiti at ngumiti siya sa akin pabalik.

"Yes?" tanong niya ulit.

"Oo nga."

"Girlfriend na kita?"

"Oo."

"Yes!" sigaw niya. He stretched his arms in the air before hugging me tightly again. "I love you, Lai."

He kissed ny forehead and we stayed like that for several minutes before we decided to sit again. Sinarado ko ang song book at hinili ang ulo ko sa balikat niya. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan niya lang ako.

"Itago kaya muna natin, Jal?" tanong ko at nilaro ang mga daliri ko.

"Sige, kung saan ka komportable," sagot niya.

"Sila mommy lang naman ang nakakaalam na nililigawan mo ko at hindi ang buong angkan na nandito sa Bataan. Baka mamaya, magaya ako sa pinsan naming babaeng mas matanda sa amin na ganitong edaran nagb-BF rin 'tas ipapakilala sa kanila 'tas nag-break rin," pagpapaliwanag ko.

"Ayus lang," sagot niya ulit.

"Bakit ayus na ayus sayong itago? 'Yung iba gustong pinapakilala agad sila, 'di ba?" kunot-noo kong tanong.

"Hindi naman lahat ng babae papayagan agad magkaroon ng BF lalo kung magaganda katulad niyo." He's referring to Elle. "Ayus lang sa aking itago natin relasyon natin hanggang sa magkatrabaho tayo."

"Sorry, magulang kasi ni mommy is much more strict kaysa sa kanila pero wala naman silang magagawa kung ako naman ang may gusto pero mapapagalitan pa rin ako," pagpapaliwanag ko. "Mas ayus nang mapapagalitan ako kaysa ikaw, 'di ba?"

"Hindi naman ako manliligaw sayo kung hindi ako handang mapagalitan, Lai," aniya.

Naramdaman ko na naman ang pamumula ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Sana all handang mapagalitan para sa akin. Ganun rin naman si Harold pero si Dylan, hindi. Gusto niya talagang itago namin ang amin at gusto niyang ipapakita naming magkaibigan kami o walang koneksyon talaga, parang normal na magkaklase lang ganun, sa harap ng tatay niya. He's a private person kaya pati ako pina-private. Joke.

"Kinikilig ka ba?" tanong niya.

"Huh? Hindi ah!" Oo, tangeks!

"Weh?"

"Hindi nga!" Oo nga! Mapansin mo naman sana.

"Sige, hindi."

Ngumuso ako nang sabihin niya 'yun. Hindi napansin ng deponggol! Maya-maya pa ay pinisil niya ang magkabilang pisngi ko at tinawanan ako.

"Oh, akala na naman ng bebe hindi ko napapansin ang feelings niya. Hindi ka na nasanay na inaasar kita."

"Nakakainis ka," bulyaw ko.

Muli siyang tumawa. Pagkatapus ng gala ay inihatid niya na ako pauwi at buti naman ay walang tumitingin sa akin na binata ngayon. Kung meron, panigurado ay nakipagbardagulan na naman 'tong si Jason. Ayaw niyang tinitignan o tinititigan ako ng may kasamang pagkabastos kapag napupuri nila ang kagandahan ko. I cannot deny the facy that my dad's genes are stronger than my mom's. Halos sa akin napunta ang features nila, samantalang kay Elle naman ang kala mommy.

"Nag-enjoy ka?" tanong niya.

"Oo," sagot ko habang iniisip kung ipapalupot ko ba ang braso ko sa braso niya dahil parang ang sarap yakapin 'nun. His biceps are fine. Parang masarap kagatin, char.

"Buti walang tumitingin sayong lalaki."

"Bakit? History repeats itself ba?" pang-aasar ko.

"History na ba 'yung kanina? Pero oo, mauulit 'yung kanina kung may malagkit na namang mata ang titingin sayo," aniyang nanlilisik na ang mga mata.

"Chill, mahal ko. Masyadong mainit ulo mo sa mga lalaki."

"Ano?"

Nakakunot ang noo niyang tinignan ako at matawa-tawa ako sa reaksyon niya. Nagsisimula na ring mamula ang tenga niya.

"Masyado kakong mainit ang ulo mo sa mga lalaki."

"No, 'yung nauna. Pakiulit!"

Napairap na lang ako at naisip ulit ang scenario na kaparehas nito. Parehas lang kaming nagugulat sa mga sinasabi namin dahil mas showy siya sa actions at ako naman ay masyadong matago sa feelings ko. Perfect balance lang.

"Chill ka lang, mahal ko."

"Mahal ko...Ack! 'Yung puso ko nalaglag. Pakisalo, nurse!" bulalas niya. Humawak pa siya sa puso niya, kunwaring nalaglag pa talaga 'yun at sinusubukan niyang saluhin gamit ang dalawang kamay.

Natawa na lang ako sa pinaggagagawa niya. Nababaliw na talaga siya. Una, umamin ako na mahal ko siya. Pangalawa ay sinagot ko siya at pangatlo, tinawag ko siyang 'mahal ko' kahit 'di ko naman nakasanayang gumamit ng mga endearments na ganun. At ngayon, para siyang batang binigyan ng candy sa pagseselebrasyon.

"Mahal mo na ba talaga ako, Lai?" tanong niya.

"Tinatanong pa ba 'yun, Aso?" pang-aasar ko.

"Opo, master. Arf! Arf!"

Tumaw na naman ako. He's imitating a dog now, huh? Ang simple niyang magpatawa at ako naman, mababaw ang kaligayahan. Halos siya na siguro ang nagtanggal ng sakit sa puso ko, ng mga duda ko.

"Thank you, Jal."

"Para saan? Sa gala? Walang anuman!"

Sumaludo pa siya sa harapan ko at ako naman ang nahiya para sa kanya. May mga taong nakaupo sa likod namin kaya nakakahiya. Ang ingay pa naman namin 'tas ngayon sasaludo siya. Hinawakan ko ang pulsuhan niya at binaba ang braso niya.

"Baliw...Thank you kasi napapasaya mo ako kahit sa simpleng bagay na ginagawa mo," ani ko.

"Hm...Talaga?"

Kunwari pa siyang nag-isip pero alam kong tinatakasan niya lang ang kilig na nararamdaman niya dahil namumula na naman ang tenga niya. Talaga nga namang hindi niya mapipigilan ang pamumula 'nun. Ibubunyag at ibubunyag siya ng tenga niya.

"Oo, kinikilig ka na naman," pang-aasar ko.

"Huh? Hindi ah!" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Your ears cannot lie, Jal," pang-aasar ko pa.

"Patanggal ko na lang kaya?"

Muli na naman niya akong tinaasan ng kilay. Napasapo na lang ako sa noo ko bago ibinaling ulit ang tingin sa kanya. Ngayon naman ay hinahatak niya ang tenga niya habang nakakunot ang noo niya. Parang timang lang talaga 'to. Abnormal rin katulad ko.

"Tundol!"

Bumaba kami sa waiting shed at sumakay sa trike para makauwi na ako. Pinapasok na rin namin ang trike sa likuan papunta sa bahay namin. May nakapaskil doon na 'S. Juntura St.'

"Dito lang po," sabi ko nang malapit na kami sa tapat ng bahay bago ako bumaba at nagbayad.

Nagpaalam na rin ako kay Jason at sinabihan siyang mag-ingat. Nag-chat siya sa akin nang makauwi siya sa kanila.

Two months have passed and nothing changed except Jason being clingy every month have passed. Malapit na rin ang Valentine's Day at wala akong inaasahang regalo galing kay Jason dahil wala rin namang binigay sa akin si Dylan last year dahil nga wala raw yatang Valentine's Day sa INC.

From: mahal ♥︎

anong gusto mong

narireceive?

chocolates o flowers?

To: mahal ♥︎

chocolates kasi d

nalalanta pero kung

flowers mas prefer

ko ung fake kasi d

nalalanta tsaka pwedeng

itabi pa, ung totoo kasi

nalalanta kaya ayoko

From: mahal ♥︎

okieee

To: mahal ♥︎

bkit? Reregaluhan moko?

I sent my message with a 'smirking' emoji as a tease.

To: mahal ♥︎

Pero ayus lang naman

kahit wala, mahal ko

From: mahal ♥︎

ala akong pera ngaun

pero try ko, mahal ko

To: mahal ♥︎

naku, wag ka ng mag

abala, mahal!

ayus lang kung wala,

presensya mo nga lng

ayus na ko

Lumipas ang mga araw at nag-focus muna kami sa pag-aaral. Tumaas rin ang mga grades ni Jason. Mula sa line of 7 papuntang line of 8 hanggang line of 9 ngayon. Nakaka-perfect pa siya sa mga tests namin at nararamdaman kong mas marami pang nagkakagusto sa kanya dahil 'dun. I can notice Lynarne reaching out on him at naiinis ako 'dun.

Nasa dulo si Jason ng first row at nasa harapan niya naman si Lynarne kaya pwedeng pwede siyang kausapin ni Lynarne. Katabi ko ngayon si Abegail at nakikinig kami sa lesson sa Math habang patingin-tingin kami sa likod, binabantayan si Lynarne. She's being touchy with Jason at hindi 'yun napapansin ni Jason dahil kalahating tulog pa rin siya dahil kagigising pa lang sa kanya ni Elle noong last subject namin.

"Ella, ang lapit ni Arne kay Jason," bulong ni Abi sa akin.

"Alam ko. Nakakainis nga eh," sagot ko.

"Ellaine Gonzales!" tawag ni Ma'am Jera kaya humarap kaagad ako sa harapan. "Answer the question written on the board."

Tumayo ako para sagutan 'yun at panlalaki pa ang lakad ko. Hindi ako mawawalan ng angas sa nakita ko at hinding hindi ako papayag na mamali ko ang isasagot ko sa board dahil lang naiinis ako. Nakakainis naman talagang nilalandi ng Top One namin na dating crush ng BF ko ang BF ko nang hindi niya naman natipuhan si Jason noon. Kung kailan pa na pinasipag ko si Jason na mag-aral, doon pa niya matitipuhan. Well, too late, bitch. He's mine. You cannot have him.

Hinawakan ko ng mahigpit ang yeso at mabigat ang bawat pagbagsak ng yeso sa blackboard habang sinasagutan ko ang equation na nasa harapan ko. Mahaba ang kailangang sagutan pero wala akong pakialam dahil madali lang 'yun para sa akin.

Pagkatapus kong sagutan 'yun ay humarap ulit ako at pinasadahan ng tingin si Jason na ngayon ay nakatingin sa akin, inaantok pa rin. Sinamaan ko siya ng tingin at bigla siyang napatikhim. Hindi ko alam kung napansin niyang naiinis ako o hindi pero ang mahalaga ay napansin niya ang presensya ko. Bumalik ako sa upuan ko at muling tumabi kay Abegail.

"Ang bilis ha? Galit na galit?" pang-aasar niya at sinamaan ko siya ng tingin. "Sabi ko nga, zipper mouth," bulong niya at muling tumingin sa harapan bago naki-chismis ulit sa likod. "Gago, hoy! Ang higad, gumagalaw!"

"Abi!"

Siniko ko siya at tumango naman siya sa direksyon nina Lynarne kaya napatingin na lang ako. Alam kong tinutulungan niya lang akong mahuli si Lynarne pero nakakainis pa rin kasing tignan siyang nilalandi si Jason.

May hinihiram siyang notebook at inilapag naman ni Jason ang notebook niya sa harapan ni Lynarne. Tapus na rin ang Math namin at mamaya ay may long quiz naman kami sa Science kaya siguro nanghihiram ng notebook si Lynarne pero imposible namang wala siyang notes dahil hindi siya absent nung nagle-lesson.

Kumuyom ang kamao ko at tumalim ang paningin ko sa kanila nang makita ko ang kamay ni Lynarne na pumatong sa kamay ni Jason. Hindi pa tinanggal agad ni Jason ang kamay niya doon kaya lalong kumulo ang dugo ko.

"Tangina, sis! 'Yung kamay!" pasigaw na bulong ni Abi.

"Alam ko."

"Nagseselos ka?" tanong niya.

"Naririndi ako, beh," ani ko.

"Sugurin natin!"

Napairap na lang ako. Palaban ang gaga.

"Huwag na. Mamaya na lang komprontahin."

"Nako, beh! Kung 'di mo lang ako pinipigilan, kanina pa 'yung kamay ko sa buhok niyang higad na 'yan!"

"Hayaan mo na muna."

Lumabas na ang lahat para mag-recess at kaunti na lang ang naiwan sa room, kasama na doon ang tropa namin at si Jason. Pumunta sila sa gawi ko at umupo sa sahig sa tabi ng desk ko kaso ako rin ang hindi umupo sa sahig nang ayain ako ni Jason.

"What's our problem, Lai?"

Lai?

Tinaasan ko siya ng kilay at umirap. Nagpalung baba na lang ako sa desk ko habang nag-iisip. Wow, 'Lai' ang tinawag sa akin. Hindi 'love', hindi 'mahal ko'. 'Lai' talaga! Gusto niya pa ba si Lynarne? Panakip-butas lang ba ako?

"Wala," daing ko.

"Weh?"

"Wala nga."

Sinubukan niya akong hatakin pababa pero nilalabanan ko ang pwersa niya pero sumuko rin ang katawan ko at nagpadala sa hatak niya. Napaupo ako sa harapan niya habang hawak niya pa rin ang pulsuhan ko. Nakatingin ako ng masama sa kanya habang nagmamakaawa naman ang mga mata niya. Nakakapanghina 'yun pero nilalabanan ko ang panlalambot ng mga braso ko dahil sa tingin niya.

"Lai, alam kong meron. Ano ba?"

"Wala nga."

Binatuhan niya ako ng candy at ibinato ko 'yun pabalik sa kanya. Kumunot ang noo niya dahil 'dun. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako kinabahan ngayon pero isa lang ang alam ko, naiinis talaga ako sa nakita ko kanina.

"Yezdaeca."

Mariin ang pagkakasabi niya sa second name ko kaya itinaas ko ang tingin ko sa kanya. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin habang ang mga mata niya ay nagtatanong. Ayokong sumagot. Ayokong sabihin. Naiinis talaga ako.

"Ano?" tanong ko nang naiinis.

"Naiinis ka eh. Bakit ba?"

"Wala."

"Eca."

"Wala nga."

"What's wrong, love?"

"Wala nga. 'Dun ka na kay Lynarne," ani ko.

"Huh?"

Lalo siyang nagtaka sa sinabi ko. Gusto ko siyang itaboy at talagang sasabog na ako dito.

"Anong meron kay Lynarne?" tanong niya.

"Huwag na," sagot ko.

"Lai, hindi ganyan sumagot sa tanong ko."

"Paano ba? Demonstrate!"

Nakita ko ang pag-irap niya at naramdaman ko ang pwersang humatak sa akin papalapit sa kanya. Nilabanan ko 'yun at sinubukan kong kalasin ang kamay niya sa pulsuhan ko pero wala talaga. Hindi naman ako nasasaktan pero ang tigas ng pulsuhan niya at hindi ko maikot 'yun.

"Hindi gagana kamalditahan mo sa akin, Lai," aniya.

He kissed my forehead and I froze. Tanginang 'yan. Tama na naman siya sa sinabi niya. Nanghihina na ako.

"Ano nga?"

Ngumuso ako dahil sumuko na ang braso ko sa pagpalag. Tangina, ang lakas niya. Hindi ko kaya.

"Hinawakan ni Lynarne kamay mo kanina," pag-amin ko.

"Kailan?" kunot-noo niyang tanong.

"Nung nanghiram sayo ng Science Notebook."

"Hinawakan niya 'tas 'di mo agad tinanggal."

Ngumuso ako habang tinawanan niya naman ako. Ano bang nakakatawa? Naiinis na nga ako eh.

"Nagseselos ka?" tanong niya.

"Hindi, pero naiinis ako."

"Bakit?"

"Parang may gusto sayo si Lynarne."

"Imposible, Lai."

"Babae ka na pala? 'Di ako na-inform na iba na gender mo?" pagmamaldita ko. "Pati instincts mo naiba na pala?"

"Lai, wala naman talaga."

"Tanungin ko ba?"

"Oo na, sige na. Baka pero hindi ko naman alam kaya sige na lang ako sayo."

"Psh...Nakakainis. May gusto ka pa ba sa kanya?" singhal ko.

"Huh? Pinagsasasabi mo?"

"Parang gusto mo pa 'yung hawak niya kanina eh."

"Tsk, duda, Lai."

"Crush mo dati 'yun. 'Di imposible."

"Ikaw GF ko, Lai."

"Pwede namang gawin mo siyang kabit," Ngumuso ako.

"Lai!"

"Joke lang."

Bumuntong hininga siya at hinilot ang sentido niya gamit ang isa niyang kamay habang nakahawak pa rin ang isa niyang kamay sa pulsuhan ko.

"Joke ba 'yun?"

"Nakakainis kasi."

"Hindi ko lang napansin."

"Hindi napansin...Ang tagal sa kamay mo 'tas 'di mo napansin?!"

"Are we going to fight over this, Lai?"

"Mhm..."

Tumango ako pero natatakot na ako sa tono niya. Siya lang naman ang nakakapagpatahimik sa bagyo ko. Mahirap ako i-handle pero ginawa niya lang na piece of cake ang pagpapakalma sa akin.

"Kung mamalditahan mo ako, sige pero masamang paratangan mo ko habang mahal kita."

"Huh?!"

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. Hindi ko masyadong naintindihan 'yun.

"Ang sinasabi ko...Ikaw lang talaga, Lai. Ano naman kung crush ko siya dati? Half-asleep pa ako kanina."

Idinikit niya sa labi ko ang candy at hindi ko binuksan ang bibig ko at tinitigan lang 'yun kaya itinulak niya pa sa bibig ko ang candy. Napilitan tuloy akong isubo 'yun. Nakakainis naman oh! Ang dali niya akong mapalambot!

Kinikilig ako pero hindi ko lang sinasabi. Bakit naman kasi ganun siya manuyo? Parang mapipilitan na lang talaga akong patawarin siya?

"Weh?"

"Anong 'weh'?" tanong niya.

"Ako lang talaga?" tanong ko.

Naitanong ko na rin sa iba ang tanong na 'yun pero parehas lang naman sila ng mga sagot at ang huli, iiwan lang rin naman ako.

"Oo," sagot niya.

"Mhm," I hummed.

"Ikaw lang, mahal ko."

And he kissed my forehead.