"Ayus lang naman. Bakit?"
Sinabi ko 'yun habang tinitipa ko ang reply ko kay Harold sabay ang pagpatay kaagad ng data ko. Bakit kasi nagcha-chat basta-basta? Nakakailang!
Nagbasa na lang ako ng Wattpad para mawala sa isip ko ang chat na 'yun. Nakatapus ako ng ilang chapters nang makabalik na ang iba sa bus. Naunang umakyat ang tropa nina Lourine at kasunod naman nila sina Dylan. Ngingiti na sana ako kay Dylan kaso nakita ko ang matalim niyang tingin sa akin nang makiraan sa akin si Jason para makaupo na siya. Anong problema niya?
Bigla akong kinabahan. Dahil ba sa paghiga ko sa balikat ni Jason kanina? HIndi ako 'yung gumusto 'nun ah! Hindi ako 'yung humili sa balikat! Si Jason ang nagpahiga ng ulo ko sa balikat niya, hindi ako! O 'yung pakikipag-usap ko ba kay Jason kanina ang kinaiinis niya? 'Yung usap namin bago kami pumunta nina Rain sa Snow World. Siya rin naman ang hindi sumagot 'nun. Siya ang tinatanong ko 'nun. Nag-ala spokesperson lang naman si Jason para sa kanya.
Nang ianunsyo na nila na aandar na kami ay sinimulan ko nang tanggalin ang gloves na suot ko at tinabi 'yun sa bag ko. Sinubukan ko ring tanggalin ang bracelet pero hindi ko matanggal. Napahigpit yata ang pagkakakabit ko 'dun at naninigas pa rin ang mga kamay ko para matanggal 'yun. Naka-aircon rin kasi ang bus namin kaya nanigas ulit ang mga kamay ko.
Tumingin tuloy ako kay Jason na ngayon ay natanggal na ang bracelet at gloves niya. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya napatingin rin siya sa akin. Tinagal ng dalawang segundo ang titigan namin bago siya nagsalita.
"Bakit?" tanong niya.
Naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko at ang pagsimula ng pagpula ng mukha ko. Shit, paano ko sasabihing kailangan ko ng tulong?
Inangat ko ang pulsuhan ko at umiwas ng tingin. Naramdaman ko ang mainit niyang titig sa mukha ko. Puta, tigilan niya na sana ang pagtitig. Nilakasan ko na nga lang ang loob kong manghingi ng tulong!
"Patulong tanggalin 'to. Naninigas ang kamay ko eh," ani ko sa kanya, kumakabog ang dibdib sa kaba. Bakit nga ba ako kinakabahan? Nagpapatulong lang naman ako.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Ang simple niyang tanggalin, 'di mo matanggal?" tanong niya at itinabi ang gloves at bracelet sa bag niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Kumabog lalo ang dibdib ko. Tangina!
"Woi, ayus ka lang?" tanong niya at lumunok ako. Hindi! Malamang sa malamang, hindi! Ang lapit mo, gago! At hinahawakan mo ang kamay ko! Hindi ako ayus!
Natulos lang ako sa kinauupuan ko habang nakatingin sa kamay niyang nasa kamay ko. Hindi ko tinanggal 'yun at natulala na lang. Wala pa kasing naglakas-loob na hawakan ako ng basta-basta sa kamay ko nang hindi naiilang kaya nakakailang sa akin ang ikinilos niya. Alam kong gusto niya lang tumulong pero required bang tumibok rin ang puso ko kasama ang pagtulong niya?
Ugh! Nakakabaliw! Ano bang nangyayari sa akin! May ka-MU ako! Hindi pwede 'to! Kahit sabihing walang kabit na nagaganap ay ayoko pa rin! Ayokong kiligin! Ayoko! Hindi pa ako fully healed kaya bakit? Bakit titibok ulit ang puso ko sa isang tao? Ayoko pa! Puso, tumigil ka! Jusko!
"Oo, ayus lang ako," ani kong walang pinapakitang ekspresyon sa kanya. Ayokong ipakitang nagpa-panic na ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Pinakatitigan niya pa ako na lalo kong ikinailang pero nilabanan ko lang ang mga mata niya. Kumunot ang noo ko dahil tumagal rin ang titig niya. "Bakit ba?" tanong ko.
"Ah, wala."
Inilipat niya ang paningin niya sa bracelet ko at sinubukang punitin 'yun pero naiipit lang ang balat ko sa ginagawa niya. Tumingin siya pataas para makita ang mukha ko.
Napakagat ako sa labi ko. Tangina. Anong titig ba 'to?! Wala namang ginagawa sa akin 'yun pero para akong tutunawin 'nun. Kumabog na naman ng malala ang dibdib ko.
Tinigil niya ang ginagawa sa bracelet ko at sumandal sa headrest ng upuan niya. Humalukipkip siya at pumikit ng ilang segundo bago tumayo. Sumilip siya sa likod kung saan nakaupo si Lynarne.
"Arne, may gunting ka diyan?" tanong niya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Tinulungan niya ako kanina at tumigil 'tas ngayon, kakausapin niya ang crush niya at mahal 'raw' niya. Saan niya nakukuha ang katapangan niya ngayon para lang manghiram ng gunting?! Tsaka, para saan ang gunting? Magsi-stress eating ba siya dahil na-stress na sa 'kin? Huh? Naguguluhan na ako!
"Wala eh pero si Mai, meron. Mai!" dinig kong sigaw ni Lynarne.
"Oh, bakit? Natutulog si Lourine, huwag kang maingay!" sigaw naman pabalik ni Mai. "Oh, ayan 'yung sewing kit ko. Balik niyo na lang kapag tapus niyo nang gamitin."
Nakita kong may binato si Mai kay Lynarne at inabot niya 'yun kay Jason. May sinabi pa siya pero hindi ko na narinig kung ano 'yun. Alam kong chismosa ako pero nililimitahan ko ang sarili ko lalo at kung ayoko naman ang topic nila, at kung para sa akin ay walang kwenta 'yun.
"Salamat."
'Yun ang huling sinabi ni Jason kay Lynarne bago siya umupo sa tabi ko pagkatapus niyang makuha ang hiningi niya. Para saan ba kasi talaga ang gunting na 'yun?
Binuksan niya ang sewing kit na hawak niya at kinuha doon ang maliit na gunting bago tumingin ulit sa akin habang nakalahad ang kamay niya. Napatitig tuloy ako 'dun. Hawak niya ang gunting sa kanang kamay niya at ang kaliwang kamay niya naman ang nakalahad sa akin.
"Anong gagawin ko?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay.
"Kamay."
"B-Bakit?" tanong ko. 'Di ba siya kakain kaya siya nanghiram ng gunting?
"Tatanggaling natin 'yang bracelet. Hindi matanggal gamit ang kamay, gamitan natin ng gunting. Nasasaktan ka kapag kamay gamit ko kaya guntingin na lang natin."
And what he said did strike me. Ang tanga ko sa parteng hindi ko naisip na para sa bracelet pala ang gunting na hiniram niya. Mukha kasing stress na stress siya nang bitawan niya ang bracelet kanina.
Natulala pa rin ako sa kanya. He made an effort to borrow scissors for me because he did hurt me. Pero kurot lang naman 'yun at sanay na naman akong nasasaktan sa balat dahil nadadapa rin naman ako dati. Normal na 'yun sa 'kin.
Hinawakan niya ang kamay ko at medyo hinatak papalapit sa kanya bago niya inalalayan ang pulsuhan ko. Dinahan-dahan niya ang paggupit sa bracelet hanggang sa matanggal na 'yun. Nahulog 'yun sa hita ko.
"Salamat," ani ko at hinaplos ang pulsuhan ko.
"You're welcome."
Ibinalik niya ang gunting sa sewing kit at tumayo ulit siya. Akala ko ay iaabot niya lang 'yun kay Lynarne pero hindi pala. Nakiraan pa sa akin ang mokong!
"Tabi ka muna. Ibalik ko lang kay Mai."
"Pwede mo namang iabot kay Arne ah."
"Nahihiya na ako. Huwag kang magulo, Eca."
Binigyan ko siya ng nakakaasar na tingin at tinignan niya ako ng masama. Alam niya na sigurong mang-aasar ako. Ngayon pa siya nahiya sa crush niya 'slash' mahal niya 'raw' na si Lynarne'-san', parang kanina lang ang tapang niya magtanong ah.
"Ay, ganun? Ang tapang kanina pero ngayon, torpe? Ang hina mo, boy!" pang-aasar ko.
Nakita ko ang pamumula ng tenga niya habang isiniksik niya ang sarili niya palabas. Napasandal tuloy ako sa kinauupuan ko. Aba, ang kapal ng mukha ng asong 'to! Pwera close kami, gagantuhin niya ako ah! Hindi ako papayag!
Sumilip ako sa gilid at pinanood siyang ibalik kay Mai ang sewing kit. Nakita ko ring may sinasabi si Mai sa kanya at hindi ko marining 'yun. Ano kaya 'yun? Nakita ko ang pag pula ng tenga niya dahil doon.
Nang makita ko siyang pabalik na ay umayus na ako ng upo, kunwari ay hindi ako nakikichismis sa ginawa niya. Ipinasak ko na lang ang earphones ko sa tenga ko at nakinig sa music. Binuksan ko rin ang data ko para tignan ang laman ng Messenger ko. Nakita ko doon na may chat sa akin si Harold pero hindi ko pinansin 'yun, dahil nakuha ng atensyon ko ang chat ni Dylan. Tatlong chat? Bakit? Ano kayang sinabi nito sa 'kin?
From: Dylan Dela Cruz
Matulog ka ng mabuti jan
kay Jason ka hihiga yiee
Kumunot ang noo ko sa message niya. 'Di ba siya ang pumayag 'dun? Kaya bakit ako nagi-guilty sa message niya na 'yun? Tsaka, hindi ako ang naghiga sa sarili ko. Wala akong malay 'nun at mahimbing akong natutulog kaya hindi ko namalayang inihiga na ako ni Jason sa balikat niya para maging komportable ako. Totoo namang naging komportable ako pero sana hindi na lang ginawa. Panigurado, pagkatapus ng lahat ng 'to ay magiging isyu 'yun sa klase namin. O ang masama pa, sa buong HS Deparment.
Sunod kong binasa ang pangalawang chat niya at lalong kumumot ang noo ko 'dun. Ano bang problema niya sa akin? Sa amin ni Jason?
From: Dylan Dela Cruz
mukang nag enjoy ka
kausap siya may tawagan
pa kayo
ano uli un aso at lai?
Umiinit lalo ang ulo ko sa kanya. Pinadala niya ang chat na 'yun nung mga oras na matapus ko siyang tanungin kung nasaan na sina Ysabella at si Jason ang sumagot ang para sa kanya. Bakit parang kasalanan ko pang nakipag-usap sa akin si Jason dahil hindi siya sumagot 'nun?
Hindi naman pagpapapansin ang ginawa ko o ni Jason nung oras na 'yun. Kung 'yun ang iniisip niya ay tapusin ko na lang kaya ang MU namin? Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa matitiis ang ugali niyang ipinipilit ibunton sa akin ang hindi ko naman kasalanan. Is it my fault na kinausap ko si Jason 'nun at hindi siya dahil hindi siya sumasagot?
I read the last chat and that was sent one minute ago. I turned my head to where he is and looked at him with furious eyes. Nagagalit ako sa inaasta niya. Akala ko pa naman ay matino ang ikikilos niya pero hindi rin pala.
My friendship with his best friend has no malice but he is really getting into my nerves, because he's giving it a meaning! Hindi ko na alam.
Hinilot ko ang sentido ko sa inis. Hindi siya nakatingin sa direksyon ko at nakatingin lang sa harapan ng bus kaya napatingin rin ako kung saan siya nakatingin. May salamin sa taas ng entrada ng bus at doon ko lang napansin na hanggang sa tour na 'to ay binabantayan niya ang mga kilos ko. Kumabog ang puso ko sa kaba. So, nakita niya ang ginawa ni Jason kanina?
Nakaupo na si Jason sa tabi ko nang hindi ko napapansin. Ngayon ko lang napansin ang presensya niya nang napalingon ako sa gawi niya para sana tumingin sa labas ng bintana, kaso mukha niya ang bumungad sa akin.
Napasimangot ako. Nakapikit ang mga mata niya habang ang ulo niya ay nakahili sa gilid ng headrest ng upuan ko dahil nakausog ng kaunti, palikod ang upuan niya. Nakahalukipkip ang mga braso niya at tahimik na natutulog. Tulog na naman ang mokong. Kulang ba ang isang araw para sa tulog niya?
Tumingin ulit ako sa cellphone ko para basahin ang recent chat ni 'not meritorious'. Naiinis pa rin ako habang binabasa 'yun
From: Dylan Dela Cruz
Wow, tinulungan tanggalin
ang bracelet sana ako din
Pucha talaga! Pati ba naman 'yun? Tumulong lang ang tao eh!
"Hays, pucha naman..."
Pinatay ko ang cellphone ko at nagpakawala ng malakas na hangin para mapigilan ang namumuong galit sa ulo ko. Ayokong gumawa ng skandalo sa tour na 'to.
Alam kong thirteen pa lang ako pero kailangan bang pagselosan ang simpleng pagtulong? Kapag ba may nangangailangan rin ng tulong sa paligid niya at babae 'yun, hahayaan niya lang? Kailangan ko rin bang magselos?
It's not my forte. This is not what I wanted but it's happening right now. Gusto ko lang namang magpatulong kay Jason pero nagseselos siya at may nararamdaman rin akong kakaiba kay Jason sa mga simpleng bagay na ginagawa niya. Ano ba 'to? It's not love, is it? I think it's not. Maybe, I'm just...fluttered.
I'm not in love. It's just a game of heart. It's not a chase.
Sinarado ko ang mga mata ko at isinandal ko ang ulo ko sa headrest ng upuan ko at natulog. I can feel my hands numb because it's cold. Naka-aircon kasi.
Nakapikit lang ang mga mata ko at sinusubukan kong matulog pero hindi ko magawa. Bukas pa rin ang tenga ko at ang isip ko ay nagliliwaliw sa kung anu-anong bagay. Hindi pa rin kami nakakalampas ng Batangas.
Iniisip ko kung paano kung maaksidente kami at mamatay kami, handa ba ako? Kung may mang-holdap ba sa amin ay manlalaban ba ako? Kapag ba nanlaban ako sa mga holdaper at nabaril ako ay tatanggapin ko na lang na nabaril ako at mamamatay? Paano si Elle? Paano ang mga kaibigan ko? Paano ang pangarap ko?
Habang iniisip ko 'yun ay hindi ko maisip si Dylan. Bakit? Bakit hindi siya kasama sa mga naiisip ko? Siya ang ka-MU ko at ni-crushback ko siya kaya bakit hindi ko siya maisip? Bakit wala siya sa mga inaalala ko? Iba pa ba ang makakatuluyan ko?
And there's a light in front of me. Biglang napunta ako sa bahay nina lola. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nakita ko sina Era, East at Janjan sa isang sofa. Sina Kuya Arc at Kuya West naman ay kasama ang iba pa naming mga lalaking pinsan sa isang tabi. May kausap silang isang lalaki at hindi ko maaninag ang mukha niya mula sa pwesto ko. Sino 'yun?
Hindi siya isa sa mga pinsan ko at lalong hindi siya isa sa mga tito, lolo o ninong ko. Pinagsingkitan ko silang lahat at tumingin sila sa akin.
"Sino 'yang kausap niyo?" tanong ko.
"Hoy, Ellaine, dito ka nga! Nag-banyo ka lang, nakalimutan mo ng may boyfriend ka?"
Tinaasan ko ng kilay si Kuya Arc. Boyfriend? Wala pa akong boyfriend. Sinong 'boyfriend' ang sinasabi niya? Kahit panaginip pa 'to, sino ang tinutukoy niya? Alam kong wala akong iniisip na tao na pwede kong maging boyfriend kaya wala rin akong ideya kung sino ang sinasabi niya.
"Boyfriend?"
Kumunot ang noo ko. Tinawanan nila akong lahat. Naramdaman kong inakbayan ako ni daddy habang pinagkrus ko naman ang mga braso ko sa inis. Sino ba kasi 'yun?
"Si Jason, ate. Nag-C.R. ka lang naman. Kinain ba ng C.R. ang memorya mo?" aniya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Si Jason?!
Nawala sa paligid ko ang bahay at ang mga kamag-anak ko. Nawala rin sa harapan ko sina Kuya Arc at iba ko pang mga lalaking pinsan. Ang natira na lang sa paligid ay ako na nakatayo at si Jason na nakaupo sa upuan. Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Bakit siya?
May namamagitang distansya sa amin ngayon at namumuo ang kamao ko. Sa paghigpit 'nun ay kasabay rin ang paglalim ng pagtataka ko para sa isipan ko at sa Diyos. Siya po ba? Hindi ko maiwasang magtanong.
Kinabahan ako nang tumayo na siya mula sa upuan niya. Lumapit siya sa akin habang ako ay pinapanood ko lang siyang maglakad. Gusto ko siyang batukan at sampalin. Para akong ginawang taksil ng panaginip ko. Sabi kong hindi ako magkakagusto sa kanya, 'di ba? Bakit ganito ang ipinapakita sa akin ng panaginip ko?
It's just a dream.
Pinaulit-ulit ko 'yun sa sarili ko dahil alam kong pwede na akong mabaliw sa mga iniisip ko ngayon. Ano ba talaga ang nararamdaman ko? Ano ang totoo? How can I escape the chase if the chase is coming after me also? Paano? Paano ko malalampasan 'to?
Am I a two-timer? Pero hindi ko naman sila pinagsasabay 'ni hindi ko nga ginugusto si Jason. Wala akong dahilan para magustuhan siya. Wala akong dahilan para matipuhan siya. Wala akong rason para pagtaksilan ang kaibigan niya at alam kong ganun rin siya kaya bakit? Bakit siya ang nasa harapan ko ngayon? Bakit?
"Eca," aniyang nakatingin sa akin. Tinitigan ko lang siya habang hinapit niya ang beywang ko papalapit sa kanya. I felt butterflies in my stomach when he did that. Panaginip lang naman 'to, bakit naman ganito?
"B-Bakit?"
"Eca, gising."
"Ha?"
"Gumising ka!"
Minulat ko ang mata ko at nakitang nasa byahe pa rin kami. Huminga ako ng malalim bago ito pinakawalan. Tumingin ako sa paligid at tulog ang lahat. Napahawak ako sa dibdib ko habang nahihirapan ako sa paghinga. Gagi, ano 'yun?
"Nanaginip ka yata."
Medyo napatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Jason. Napatingin ako sa tabi ko. Siya lang pala ang hindi ko tinignan kanina para masigurado kong wala akong nabulabog. Mabuti at hindi ako sumigaw pagkagising ko. That will make things worst.
"Ah, oo," sagot ko at kinuha ang water bottle sa loob ng bag ko. Uminom ako ng tubig para gumaan naman ang paghinga ko. Kinabahan ako sa panaginip ko. Bakit kasi siya ang nasa panaginip ko?
"Nightmare?"
"No."
Nakatingin siya sa labas ng bintana habang nakasandal ang ulo niya sa headrest ng upuan niya. Mukha ring hindi niya kagigising.
"Bakit gising ka na? Hindi ka na makatulog?" tanong ko habang binabalik ko ang water bottle sa bag ko at kinuha ko naman ngayon ang Pik-Nik.
Binuksan ko 'yun at kumain.
"Binabantayan kita. Baka mamaya ay hindi ka naman komportable sa posisyon mo pero komportable ka naman kaya ayus na."
Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Kumakain pa lang ako pero may naramdaman na naman ako sa sikmura ko. Bakit kasi ganito ang lalaking 'to? Hindi naman mabubulaklak ang pagkakasabi niya pero bakit iba ang dating ng mga 'yun?
"Ah...Pwede ka namang matulog kung hindi ko na kailangan ng tulong. Oh, gusto mo?" Itinapat ko sa mukha niya ang hawak kong pagkain habang sinubo ko ang nasa kamay ko. Makalat akong kumain ng Pik-Nik kaya pag pasensyahan niya na lang siguro ako.
"Ayoko, busog pa ako."
"Huh? Busog ka pa ng 11 pm? Lakas mo naman."
Ngumuso ako nang bawiin ko sa harapan niya ang lalagyan na hawak ko. Nang mabusog ako ay tinakpan ko ang pagkain at nilagay ko 'yun pabalik sa bag ko bago kinuha ko ulit ang water bottle para uminom.
"Anong panaginip mo?"
Napahinto ako sa pagsasarado ng takip nang marinig ko ang tinanong niya. Tumibok ang puso ko, mukhang ayaw huminto. Kinakabahan ako nang hindi ko malaman. Sasabihin ko ba o huwag na lang?
"Something about me having a boyfriend."
Ibinalik ko ang water bottle ko sa bag at isinarado 'yun. Isinandal ko ang ulo ko sa headrest ng upuan ko at tumingin sa labas. Nakikita ko ang mga billboards at mga pamilyar na mukha ng mga actresses sa labas.
I want to escape his question but I guess I cannot. Hindi ko makakalimutan ang panaginip na 'yun hanggang sa mamatay ako. If it's true then, goodluck for my journey to the doom of 'not meritorious' jeealousy. I am going to be dumbfounded again if the time comes.
"Nagka-BF ka na ba?" tanong niya.
"No." Nagbuntong hininga ako. "Wala pa. MU, oo, pero boyfriend, wala. Sabi ko, after college."
"Ang layo."
"Ikaw ba?" tanong ko. Kami lang naman ang gising kaya mag-uusap na lang kami sa walang kwentang bagay.
"NGSB."
"Ahay, weh? Himlay ka! Bakit? Gwapo ka naman. Bakit wala kang ligawan? For sure, sasagutin ka kaagad ng mga 'yun."
I heard him laugh.
"Ayoko."
"Torpe."
"Hindi naman."
"Aminan mo na."
"Hindi nga."
"Eh, bakit ayaw mo?" tanong ko.
"I want someone to pursue me. Wala pang gumagawa 'nun."
"Meron kaya! Kanina sa Ocean Park. 'Yung...'Yung Shantallian! She pursued you pero umayaw ka."
"Hindi ko gusto vibe niya. Mayaman."
"Choosy ka pa. Mayaman na nga, pinakawalan mo pa. Ang arte!" Humalukipkip ako.
"Ikaw ba kapag mayaman ang manliligaw sayo, papatulan mo? Imposibleng walang nagkagusto sayong mayaman." He smirked.
"Marami," ani ko. "Kaso ayoko rin. Rejected lahat. Kahit sa FB, marami. Maraming may gusto sa akin pero lowkey ako. Even kay Elle, marami pero mas marami nga lang ang akin. Some of them ay nagkakagusto kay Elle pero gusto lang dumaan sa akin kasi ang panganay. I rejected them. Ang bata ko pa. Ayoko pa pumasok sa girlfriend-boyfriend thing."
"Same."
"Kahit fling wala ka?" tanong ko. "Or even, ex-FUBU?"
"FUBU?"
Tumingin muna ako sa paligid bago tumingin sa kanya ng mariin. Hindi niya ba alam ang ibig sabihin 'nun?
"Fuck buddies, Jason." Pabulong kong sinabi 'yun.
Natawa siya at tumingin sa akin habang nakangisi.
"Wala."
"Huh?! Eh, 'di ba lalaki ka? May needs ka ganun na ma-experience ang something...extraordinary?"
"Extraordinary ba ang sex?" Tumawa ulit siya ng mahina. "Wala, hindi ako interesado. Required bang maranasan ko 'yun?" tanong niya sa akin habang nakangisi. He's sure handsome.
"Hindi naman. Wala lang sa itsura mo."
"Huwag mong ibase sa itsura ang experience. May mga mas itsura pang matino sa akin pero may experience na. May kaibigan akong may experience sa ganyan at naikwento lang pero hindi ako interesado." Umiwas siya ng tingin pagkatapus niyang sabihin ang huli.
"Bakit?" tanong ko.
Hindi ko rin alam kung bakit ko tinatanong ang mga bagay na 'yun. Alam kong lalaki ang kausap ko at usapang lalaki dapat ang ganun pero alam kong open naman siya sa usapang ganito ay itinuloy ko na.
"Reserved." 'Yun lang ang sinagot niya.
"May hinihintay ka o may nakipag-usap sayo na babalik siya 'tas magse-sex kayo?"
I heard him laugh again. Nakita kong napatakip na siya ng kamao sa bibig bago ako tinignan habang tumatawa pa rin. Pinilit niyang pigilan 'yun para makapagsalita.
"Hindi ko alam kung saan mo nababasa yan, Ella, pero wala akong hinihintay o kinausap. Naka-reserved lang talaga."
"Para saan nga? Like kahit naman mawala 'yung V Card sa inyo, ayus lang kasi hindi naman kayo ang mabubuntis."
"Ella, thirteen pa lang tayo. Marami ka pang malalaman. Ang bias mo sa sinabi mo pero ito lang ang sasabihin ko, sex is not just a game and it's not simple. Pwede kang makabuntis, pwede kang mabuntis, kaya ko iniiwasan. Semilya ang usapan, hindi lang ang V Card. Kung mawala 'yan sa isang tao, ayus lang. Pero kung makabuntis ka, responsibilidad na 'yun. Alam kong alam mong hindi 'yun biro. Mapalalaki, mapababae, dapat nag-iingat. 'Huwag kang bubuntis ng babae' sabi ni mama sa akin, dati pa. Dala-dala ko 'yan hanggang ngayon at hanggang sa magka-GF ako, dadalihin ko 'yun."
Huwag kang bubuntis ng babae...
It's my first time na makarinig ng magulang na sabihin 'yun sa anak nilang lalaki. Hindi lahat ganun ang mindset.
"Bakit niya sinabi 'yun?"
"Maaga siyang nabuntis, Ella." Pabulong ang pagkakasabi niya 'nun, nag-iingat na baka marinig ng nasa harapan at likod namin ang pinag-uusapan namin. "18 years old."
Para akong binunutan ng tinik sa sinabi niya. Eighteen. Debut pa. Edad ng babae na magde-debut, buntis na ang mama niya. How hard it is for her?
"Ikaw ba ang dala?" tanong ko.
"Hindi, kuya ko. Iba ang tatay niya sa tatay ko. Wala na rin naman akong tatay." Iniiwas niya ang tingin niya sa akin.
Kaya pala wala siyang nababanggit na pangalan ng tatay niya kapag nababanggit ang tungkol sa pamilya. Stepfather lang.
"Pero...balik tayo sa tanong ko. Privacy na 'yung iba sa buhay mo, pero secret lang natin ang nasabi mo na. Balik tayo...Kanino ang reserved?"
Hinili niya ang ulo niya sa bintana at tumingin sa labas. Pinagkrus niya ang mga braso niya. Tumingin na lang rin ako sa labas habang hinihintay siyang sumagot. Hindi ko naman siya pipiliting sumagot sa tanong ko kung ayaw niya pero nagtataka lang talaga ako kung bakit sinabi niyang reserved. Wala rin naman daw siyang hihintay para ibigay 'yun, so kanino?
Nakaramdam na naman ako ng antok kaya medyo iginilid ko ang ulo ko sa headrest ng upuan ko at pumikit. I hummed the song, Crush by David Archuleta.
"Lai."
Narinig kong tinawag niya ako kaya iniangat ko ang ulo ko at agad-agad na tumingin sa kanya. Baka iyun na ang sagot na hinihintay ko galing sa kanya. Kung para kanino ang reserved na sinasabi niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Gusto mo malaman kung bakit reserved ang V Card ko, 'di ba?"
"Oo? Ayus lang naman kung ayaw mong sabihin. Sayo naman kasi 'yu--"
"Sa mapapangasawa ko."