"Malandi ka talaga 'no?"
Humawak siya sa sandalan ng upuan ni Lourine habang nakatingin ng masama sa akin. I smirked when I saw his hand gripping the chair tightly.
"Huh?" Ngumisi ako at pinatong ang mga siko ko sa patungan sa kanan ko nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. "Ako pa ang malandi? Mas magaling ka nga 'dun. Seven days, 'di ba? Ang lakas mo, lods!" pang-aasar ko pa.
I saw his desire to slap my face but the next thing wasn't expected to happen. Lourine pulled my hair and my head nearly bumped the chair in front of me but it didn't. Someone is holding my forehead for me.
"Tama na 'yan, Lourine."
Mabilis na tumibok ang puso ko nang mapagtanto ko kung sino ang sumapo sa noo ko. Naramdaman ko ang pagbitaw ni Lourine sa buhok ko kaya inayus ko 'yun at maayus na umupo. Hindi pa rin tumigil sa pagtibok ang puso ko. Tangina, kinakabahan ako.
"Jason...Ano...Kanina ka pa diyan?" Gulat na gulat siyang tinignan ni Lourine habang ang kamay niyang nanabunot sa akin ay naiwang nakalutang sa ere.
Tinignan niya lang si Lourine at hindi nagsalita bago niya pinasadahan rin ng tingin si Dylan na ngayon ay nakatingin na sa kanya.
"Wala kang sinabi sa aking kasama mo pala si Ellaine lagi, Lavin," ani ni Dylan.
"Oo, lagi ko ngang kasama." Nagkibit-balikat siya at naglakad papuntang upuan niya habang nakasukbit ang isang strap ng bag niya sa balikat.
"Traydor ka! Sabi mo sa 'kin, hindi ka magkakagusto sa kanya!"
"Huwag mong kitiran ang utak mo, Dylan. 'With Honors' ka, hindi katulad kong hindi," bulyaw ni Jason nang makaupo siya sa tabi ko. "Malamang kasama ko siya lagi ngayon dahil katabi ko siya."
I heard Rain scoffed, holding her laugh. Kahit ako ay nararamdamang matatawa na rin ako. Pinagsalita na naman nila ang tahimik.
"Anong reaksyon 'yan, Dylan? Bakit parang galit na galit ka?" tanong ni Lourine. Magka-krus na ang kanyang mga braso habang nakatitig ng masama kay 'babs'. "Nagseselos ka ba sa kanila?"
"H-Ha? Babs...Hindi." Gulat na gulat si Dylan sa tinanong ni Lourine. Hindi niya alam ngayon kung paano niya sasagutin ang katanungang 'yun. Hindi raw pero halata namang nagseselos siya. Bakit ayaw na lang kasi niyang aminin?
"'Uy, love quarrel!" bulalas ni Elle.
"Tigilan niyo 'yan. Tigilan mo rin ang pagseselos sa 'kin, Dylan. Wala na kayong relasyon ni Ellaine," ani ni Jason.
"Ano?" Kunot-noong tumitig si Dylan sa katabi ko.
Mag-aaway na naman sila. Bardagulan na naman sa harapan ko. Tapus na kami at lahat ni Dylan, nag-aaway pa rin sila. Dahil ba sinubukan ko lang na pagselosin siya kanina kaya ganito? Ang effective naman ng gayuma.
"Ang sabi ko, wala na kayo ni Ellaine kaya huwag ka nang magselos."
"Hindi naman ako nagseselos."
"Halata ka na, ide-deny mo pa."
"At ano naman kung wala nang kami?" All of us look at Dylan when he said that and he keeps his mouth shut the whole time we stared at him. The cat caught his tongue.
"Anong 'ano naman kung wala na' kayo? Nagseselos ka pa rin?" tanong ni Lourine. Lalong kumunot ang noo niya sa narinig.
"Ha? Wala akong sinabi, babs."
"Nako, away," bulong ni Elle.
"Nagseselos ka pa rin kay Jason? May feelings ka pa rin kay Ellaine?"
"Ha? Wala, babs..."
"Wala?"
Yumuko si Dylan nang marinig ang pag-uulit ni Lourine ng salita niya. Walang nagsalita sa amin. Nanatiling tahimik ang paligid bago ko narinig ang mga yabag ni Dylan na paalis. Nakatingin naman sa malayo si Lourine. Kinalabit ko siya at tumingin siya sa 'kin nang nakakunot-noo.
"Ano?" She shrugged my hand from her shoulder.
"Ayus ka lang? Sabog ka?"
"Mukha ba akong maayus?" Pagsusungit niya. "Pero salamat, Ellaine...Nakikita ko ang nakikita mo..."
"Pawalain mo 'yung nakikita mo. Iniinis ko lang siya."
"Nagbubulag-bulagan lang ako kasi crush ko siya pero nararamdaman kong nagseselos pa rin siya kay Jason kahit wala ng kayo...Alam ko namang may feelings pa siya sayo pero parang napilitan siyang patulan ako pagkatapus ng inyo."
"Hm...Halata nga," ani ko. Hindi na ako nagsinungaling pa tungkol 'dun dahil halatang halata naman.
"Paano kung bumalik siya sayo? 'Tas crush ka pa niya?" tanong niya. It's the same question from Ashton.
"He's welcome as a stranger or as a friend. Ngayon pa lang, welcome pa rin siya sa buhay ko...As a person na lalabanan ko na."
"Pero may gusto ka ba kay Jason?" She eyed Jason and I heard Jason coughed.
"Woi, Lourine, grabe sa paratang na may gusto 'yang si Lai sa 'kin!" He exclaimed.
"Hindi naman imposible, Jason. Naging crush mo siya dati."
"Dati 'yun. Iba ngayon."
"Talaga lang ha?"
"O-Oo." He stuttered and looked away.
"Pero sure ka, Ellaine, welcome pa rin siya sayo pagkatapus matapus nang sa amin?"
"Hm...Oo. Wala naman sigurong mali kung bukas pa rin ang pintuan ko para sa kanya. Ibang pintuan naman ang bubuksan ko para sa kanya, hindi naman ang pinto ng puso ko."
"Ang lalim 'nun pero paano kung...mag-decide siyang manligaw sayo?" tanong niya at natulala ako sa mukha niya nang marinig ang huli niyang sinabi.
Paano kung mag-decide siyang manligaw sayo?
"Ahaha. Huwag kang ganyan magbiro, Lourine." Tumawa ako para maibsan ang nararamdaman kong ilang sa sinabi niya. Nakakailang dahil tungkol sa panliligaw ang itinanong niya, pati tuloy ako ay napaisip kung ano nga ba ang isasagot ko kung manliligaw nga sa akin si Dylan. Kung babalik siya sa 'kin, kaya ko naman siyang i-reject agad. Pero kung panliligaw na ang usapan, iba na siguro ang desisyon ko 'dun. He can make me fall in love with him if he courts me. But they betrayed me so on the second thought, I might not fall in love with him or rather...I won't. I won't even try to fall for him. Sagana siya ng pulang bandera.
"Hindi naman ako nagbibiro. Paano nga? Papayagan mo?"
"Uhm..." Wala akong maisip na maisagot sa katanungan niya. Wala kasi sa isipan kong babalik si Dylan sa akin kahit na may feelings pa siya. Sa tahimik niyang 'yun, siguro ay wala na siyang lakas ng loob na sabihin sa aking gusto niya pa ako o gusto niya akong ligawan.
"Pwedeng gamitin muna ako ni Lai bilang fake boyfriend." Parehas kaming nagulat ni Lourine sa biglang pagsingit ni Jason sa usapan.
"H-Ha? F-Fake boyfriend...ko?" tanong ko.
"What the f...Lalo mong pinalala, Jason," komento ni Lourine.
"Mas thrill 'yun, 'di ba, Lai?" He is looking straight at my soul. Para niya akong binabasa sa tingin niya. Kumbaog ang dibdib ko sa kaba at parang kinulang ako sa hininga. Putagina ng lalaking 'to, nagpapasikip ng dibdib, pinapawalan ako ng hininga.
"Uhm...Hindi ko alam." Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Pero great idea 'yun, Jason," panimula ni Lourine. "Bet ko 'yung plan niyo. Like magtulungan tayong palabasin ang totoong 'Dylan' 'tas 'dun ko malalaman ang buong katotohanan. Then, case solved for the three of us! 'Di ba?"
"Great idea pero hindi ko type ang idea ng fake boyfriend," ani kong parang diring diri pa sa plano nila.
"Pagseselosin natin, ayaw mo pa?" Ngumisi siya sa 'kin habang nang-aasar ang kanyang mga mata.
"Pagseselosin pero walang ganap na fake boyfriend," I agreed.
"Narinig mo, Jason. Payag PERO walang fake boyfriend," pag-uulit ni Lourine.
"Sige, Lai," pagsasang-ayon rin ni Jason sa amin. Tinanguan ko na lang siya.
"Pero paano nga kung bumalik? Love is sweeter the second time around," aniya.
"Ayoko na sa pagmamahal niya kung ganun. Trinaydor niyo na nga 'ko, babalik pa 'ko sa isa pang traydor." Tumingin ako sa labas ng bintana at inobserbahan ang mga dumadaan na mga crim students.
"Sorry sa pangtatraydor sayo pero tatapusin ko ang amin pagkatapus ng lahat ng 'to."
Nilingon ko siya at nginitian. "Salamat. At least parehas tayong hindi maghihirap sa kanya." Ngumiti lang siya sa akin at tumango. Wala na akong sinabi pagkatapus 'nun at lumingon sa may bintana habang natatanaw ko sa mga mata ko si Jason habang kausap sina Sheedise sa likod.
Dumating ang oras nang TLE at gumawa pa kami ng mga produkto namin bago 'yun binenta mula sa building namin hanggang sa SHS Building. Nakarating kami sa STEM Floor o second floor ng building. Hindi na kami umakyat pa sa third floor dahil baka matagalan. Pumunta rin kaming canteen at nagbenta 'dun. Sulit naman at maraming namili ng pastillas namin.
Pabalik na kami sa TLE Room habang nakakabenta pa rin kami sa mga nadadaanan naming estudyante sa daanan papuntang JHS Building. Ayus na sana kami sa mga nabenta namin nang may makita pang ibang estudyante si Rain at sinabi sa aming magbenta pa sa mga 'yun. Napairap na lang ako dahil parang hindi naman sila mga SHS students pero lumapit pa rin ako para magbenta.
"Kuya, good afternoon po. Gusto niyo pong pastillas? Masarap 'to!" ani ni Abi sa kanila.
Nginitian siya ng mga kinausap at tinignan mula ulo hanggang paa bago ko narinig ang tawanan at bulungan nila. Hindi 'yun malinaw pero wala akong pakialam dahil nandito ako para magbenta at hindi sila patulan. Huwag lang nilang subukang hindi kami respetuhin habang nagbebenta kami. Hindi ako makakatiis na pagsabihan sila kahit mas bata ako sa kanila.
"May free taste ba?" The boy that has a bangs, wearing his backpack, hands on his pockets and who is smirking at us, asked.
"Meron," ani ko. "Pero isang kagat lang po." Ipinakita ko ang paketa ng free taste namin at tinignan niya muna 'yun ng taimtim bago kumuha ng isa. Tinikman niya 'yun at walang sinabi pagkatapus niyang malunok ang pastillas. Tumingin siya sa akin nang itapon niya ang plastic sa lapag at sinundan ko ng tingin ang plastic na nalaglag lang sa tapat niya. Tangina, ano bang problema niya? Feeling ba niyang pagmamay-ari niya ang paaralang 'to?
"Pwede bang lahat 'yan free taste?" tanong niya at tinuro ang hawak ko. Agad-agad ko naman 'yung inilagay sa tray na hawak ni Rain. "Hindi po," sagot ko.
"Ang boring niyo naman magtinda. Dapat isang lalagyan ng ganyan ang free taste niyo sa 'min. 'Di ba, boys?" Tinignan niya isa-isa ang mga kasama niya, at ngumisi at tumawa sila. Alam kong pinagtitripan nila kami dahil nagagandahan sila kay Abegail nang lapitan niya ang mga lalaki. Hindi naman sila kagwapuhan. Kahit na hindi ako mapanghusga na tao, masasabi kong ang papangit nila dahil ang pangit ng mga ugali nila.
"Kaya nga tinawag na free taste, patikim lang, hindi lahatan. Kung gusto mo, kuya, bumili ka na lang ng isa. Bente lang naman isa nito, sulit ka na."
"Ang mahal." Nilinis niya ang tenga niya at nang matapus niyang linisin 'yun ay hinipan niya ang daliri niya papuntang direksyon namin. Dumapo ang dumi sa blazer ko at pinagpag ko 'yun gamit ang kamay ko. "'Yung free taste muna." Tinaas-baba niya ang kilay niya habang nakatingin sa 'kin. I know what he's doing. He's trying to flirt with me.
Sinamaan ko siya ng tingin at kumuha nang isang paketa ng pastillas namin at tinulak 'yun sa dibdib niya. "Kung bibili ka, bumili ka. Kung hindi ka magiging marespeto sa mga nagtitinda, pwes ay pasensyahan tayo, kuya, walang respetuhang magaganap. Hindi niyo ba 'to ginawa noong highschool kayo at gumaganyan ka sa 'min?" Inilahad ko ang kamay ko habang tulala pa rin siya dahil sa sinabi ko. "Bente," ani ko.
Nag-abot ng dalawang bente ang kasama niya sa akin at nanghingi pa ng isang paketa ng pastillas. Halatang nagulat rin ang mga kasama ng lalaking nambastos sa amin habang nagbebenta kami. Alam kong naramdaman ng mga nasa paligid namin ang galit at gigil ko sa kinausap kong lalaki. Sa lahat rin ng ayoko ay ginaganun kami habang nagbebenta. Marunong akong makisabay sa kalokohan pero hindi sa ganung sitwasyon. Hindi sa sitwasyong seryosong pagnenegosyo o pagbebenta ang ginagawa namin, 'tas gusto niya isang paketa ng pastillas ng tinitinda namin ang free taste. Eh, 'di gumawa siya mag-isa niya ng pastillas at tignan niya kung madaling gawin 'yun tapus ipa-free taste niya ang isang paketa sa isang tao.
Bago pa kami makalayo sa kanila ay muli akong nagsalita. "Tsaka, kung gagamitin mo ang mukha mo sa isang junior high na katulad ng grupo namin, huwag kami, walang epekto 'yan. Real talk? Hindi ka kagwapuhan, may appeal lang pero hindi nagsilbing gayuma para magkaroon ka ng free taste na paketa. Enjoy your pastillas, sir." Ngumisi ako at tumalikod. Sumunod ako kay Abi at tumabi sa kanya.
"Ang tapang, huh, pumalag sa Engineering Student," aniyang siniko pa ako habang dala niya ang isang plastic bag ng ginawa naming pastillas. Kaunti na lang ang natira 'dun.
"Engineering 'yun? Bakit parang hindi marunong sa math?" tanong ko.
"Paanong hindi?"
Umiling ako. "Basta."
Bumalik kami sa TLE Room at nakitang nandun sina Mai at Lynarne, nag-aayus ng mga ginamit nila para sa mangga at bagoong nila. Naubos 'yun dahil alam nilang paborito ng mga estudyante ang pagkaing 'yun. Nakalibre pa sila ng mangga at si Jason lang ang umaakyat ng puno para makuha ang mga 'yun. Ang bagoong naman nila ay gawa ng tita ni Lourine kaya nakakalibre sila. Ang mahirap lang na parte sa kanila ay ang pagbabalat ng mangga.
"Pabili ng dalawang maliit, Lourine," ani ko nang makapasok pa lang sa TLE Room. Baka kasi magkanda-ubusan na mamaya at wala na akong maabutan. Mabenta pa naman ang produkto nila.
Nag-abot ako ng sampung piso sa tray nila at kumuha ng dalawang maliit na baso na may lamang mangga at bagoong. Agad kong tinuhog ang mangga at nilagyan 'yun ng bagoong bago sinubo. Ang sarap!
Ninamnam ko ang sarap 'nun hanggang sa makabalik kami sa silid. Umupo ako sa upuan ko at kumain 'dun. Nang maubos ko 'yun, hindi pa rin ako makaramdam ng kabusugan kaya tinawag ko si Lexie at tinanong kung magkaano ang binebenta nila.
"Lexie!" Pinapunta ko siya sa lugar ko.
"Oh, bakit?" tanong niya habang may hawak-hawak na lalagyan ng fries.
"Magka'no isang ganyan?" Tinuro ko ang hawak niya.
"Sampu. Bakit? Bibili ka?"
"Oo, penge dalawa."
Tumango naman siya sa 'kin habang nakangiti. Hindi niya siguro expect na bibili ako sa kanila. Inilapag niya muna ang lalagyan ng fries na hawak niya sa desk niya bago lumabas para pumuntang TLE Room. Nag-intay na lang ako sa pagbabalik niya para maibigay ko ang bayad ko.
"Ano binili mo?" tanong ni Elle.
"Fries, 'yung binebenta nina Lexie."
"Ah...Benta nina Dylan," aniyang may pang-aasar sa tono.
"Oo, grupo ng tropa niya 'yun eh."
"'Nu ba yan? Hindi ka maasar."
"Nasanay na ako sa asar na 'yan. Paulit-ulit na lang."
Natigil kami sa pag-uusap nang marinig namin ang pagbukas ng pintuan sa harap at nakita si Dylan na pumasok 'dun. May dala-dala siyang apat na lalagyan ng fries sa mga kamay niya at ingat na ingat pa siyang hindi matapon ang nasa laman 'nun. Baka para kala Lourine 'yun.
"Sinong bumili ng dalawa? Sabi ni Lexie," tanong niya sa lahat. Mahina pa 'yun at hindi pa 'yun ang pinakamalakas niyang sigaw.
Nagtaas ako ng kamay sa tanong niya at napalingon siya sa direksyon ko nang walang kaekspe-eskpresyon. Kumunot ang noo ko nang lumapit siya sa direksyon namin at naglapag ng dalawang lalagyan sa arm chair ni Rain.
"Sa 'kin?" tanong ko.
"Oo, ikaw ang nag-order, 'di ba?"
"Ah, oo." Inabot ko sa kanya ang bente pesos.
Hindi na siya kumibo nang maiabot ko na ang pera at sinundan ko na lang ng tingin ang pagpunta niya sa harapan nina Lourine. Inilapag niya 'dun ang order ni Lourine. "Oh, ito bayad diyan," ani ni Lourine.
Hindi pa rin maipinta ang mukha ni Dylan habang kaharap si 'babs' niya. Nakalahad pa rin ang kamay ni Lourine habang hawak ang bente pesos. Kaunting sinuntok siya sa tiyan ni Lourine nang tulala pa rin siya.
"Hoy, ito bayad." Tinignan ni Dylan si Lourine bago dumako ang paningin sa kamay ng kaharap. "Ah, sorry." Kinuha ni Dylan ang bayad at akmang aalis na nang mapansin niyang tinaasan siya ng kilay ni Lourine at bumuntong hininga. "Anong reaksyon 'yan?" tanong niya at lumingon ulit kay Lourine.
"Ang ano?" Sumubo ng fries si Lourine habang nakatingin sa kaharap. Wala man lang bahid nang inis ang mukha niya habang tinatanong kung ano ang ibig sabihin ni Dylan. Pinagkrus niya ang binti niya nang hindi pa rin umaalis si Dylan sa harapan niya. "Anong 'anong reaksyon 'yan'?" pag-uulit niya.
"Bakit ka biglang humihinga diyan? Galit ka pa ba?"
"Pa'no mo nasabi?" Muli siyang tinaasan ng kilay ni Lourine habang nginunguya ang kinakaing fries. "Ayus naman tayo."
"Nagagalit ka pa rin ba tungkol sa pagseselos ko kay Jason kanina?"
"What?" Natigilan si Mai sa pagsubo ng pagkain at matalim na tinignan si Dylan. "You got jealous with Jason? At bakit? Are you stupid? Hindi nga gusto ni Lourine 'yun! Ni minsan ay hindi ka naman pinagselos nitong nuno na 'to!"
"Grabe sa nuno, mars." Sinamaan siya ng tingin ni Lourine.
"Sorry." Mai gave her a peace sign. "But anyways, bakit ka nagselos?"
"Dahil kay Ellaine," ani ni Lourine at sumubo ulit ng fries.
"What?!" Mai shouted and her voice echoes. Tinignan niya nang hindi naniniwala si Lourine bago ibinalik ang tingin sa lakaking nasa harapan niya. "You're jealous with Jason because of Ellaine?! What are you? Stupid?!"
Hindi nakatingin si Lourine sa kanila habang si Dylan naman ay nakatingin lang kay Mai, hindi kumikibo. Hindi niya siguro alam ang isasagot niya.
"May bibig ka ba?! Sagutin mo ang tanong ko!" sigaw ulit ni Mai, halata ang gigil 'dun.
"Hindi," mariin na sagot ni Dylan. "Pero...oo, nagselos ako." At tinampal ni Mai ang noo niya dahil sa sagot ni Dylan.
"You are so stupid, Dylan. Hindi pero oo, nagselos ka? Tanga ka ba? Bobo? Hindi ka magseselos kung dahil kay Lourine because Jason never liked her!"
Hindi pa rin kami kumibo at nakinig na lang habang kumakain. Lourine seems to be chill but she's hurting inside. Matapang lang sa labas 'to katulad ko.
"Sorry."' Yun lang ang nasabi niya at yumuko.
"Ayan, patol pa more after 7 days," pang-aasar naman ni Lynarne. "Parehas lang kayong may kasalanan ngayon ni Lourine. Ayan 'yung price ng ginagawa niyo. Ang bilis ng karma ha? Sinumpa yata kayo ni tadhana na karmahin ng maaga."
"True!" Mai seconded the notion. "So, Dylan, you still like Ellaine?" Hindi sumagot si Dylan at umalis na lang. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng pintuan.
Sumandal si Mai at hinawakan ang ulo niya. Nanahimik ang paligid habang kumakain lang kami ng fries. Pumasok sa silid ang tropa nina Jason habang tumatawa-tawa at naulo sa kanilang mga upuan.
"Hoy, pre, tsokolit," ani ni Jason kay Sheedise nang makaupo sila.
"Teka, pre, kukunin ko pa sa bag ko."
"BIlisan mo! Ang bagal! Ang kupad!" sigaw niya. Nang mapansin niya ang presensya ko ay pinitik niya ang noo ko.
"Aray!" Hinawakan ko ang noo ko. Tumama pa talaga ang daliri niya sa pimple ko.
"Tulala ka diyan, Lai. Anong meron" tanong niya habang nakaharap pa rin sa likod ang katawan niya habang ang ulo ay nakaharap sa akin.
"Alam ba rin nila Mai ang tungkol sa kanina sa pagseselos ng nagseselos sayo," pagpapaliwanag ko.
"Oh, tapus nag-aalala ka? Pre, akin na 'yan!"
Kinuha niya ang lalagyan ng chocolate galing kay Sheedise at kumuha 'dun bago niya ibinalik. Natawa na lang ako sa bardagulang nagaganap sa harapan ko.
"Gago, ang laki ng kinuha mo!"
Binatukan siya ni Sheedise at napakalas yata 'yun. Dumugo ang ilong ni Jason nang iangat niya ang ulo niya. Kinuha ko kaagad ang panyo niyang nasa arm chair at pinatakip sa ilong niya. Pinataas ko na rin ang ulo niya para hindi tumulo sa notebook ko ang dugo sa ilong niya. Mahirap na at notes ang nakabuklat sa notebook ko.
Kinuha ko rin ang chocolate na hawak niya at nilagay sa lalagyan ng fries ko.
"Ano ba 'yang ilong mo? Sa batok ko, dumugo agad?" Tumawa silang lahat habang dumudugo pa rin ang ilong ni Jason.
"Pumunta ka kaya sa infirmary?" tanong ko habang hawak pa rin ang panyo niya sa ilong niya pero tinabig niya ang kamay ko para mabitawan ko ang panyo at ipinalit niya ang kamay niya 'dun.
"Huwag na. Saglit lang naman siguro 'to. Wala na 'to mamaya," aniya.
"Pre, pwede pong ikamatay 'yan. 'Tas, sasabihin naming cause of death mo, pagkuha ng chocolate. HAHAHAHA!" pang-aasar ni Sheedise.
"Kung kayo rin kaya paduguin ko ilong niyo?" Sinamaan ko sila ng tingin at sumalungat sila ng tingin sa akin, kunwaring hindi sila tumawa. "Pre, ano 'yun?" At tumuro si Sheedise bilang palusot.
"Pre, puno," sagot ni Carlo.
"Puno 'yun, pre?"
"Oo. Natatanga ka?"
"Dati na akong bobo, pre."
Napairap na lang ako sa sinasabi nila. Kapag boys talaga ang nag-uusap, wala akong naiintindihan. Ang random nila.
Lumingon ulit ako kay Jason. Nakasandal na siya sa upuan niya at naka-de kwatro habang nakataas ang ulo niya at nakahawak sa panyong nasa ilong niya. Nakabukas rin ang butones ng blazer niya. He looks fine...Gorgeously fine.
Umiling ako sa iniisip ko. Dapat hindi ako nag-iisip ng ganun. Nagugustuhan ko na ba siya at nagagwapuhan na rin ako sa kanya? Pero normal lang namang magwapuhan, 'di ba? Hindi naman ibig sahihin nang nagwapugan ako sa kanya ay may gusto na ako sa kanya. Hindi ganun' yun.
Hindi pwede. Hindi pa pwede. Hindi pa ako nakaka-move on sa sakit na dinulot sa 'kin ni Dylan kaya hindi pa ako pwedeng magka-crush at kiligin ulit.
"Hoy, titig na titig ka diyan sa 'kin, Lai." Pinitik niya ang noo ko. Aba, nakaka-dalawa na 'tong pitik sa 'kin ah!
"Aray!" daing ko. Hinampas-hampas ko ng daliri ko ang noo ko hanggang sa mawala ng hapdi 'nun. Ang sakit niya pumitik. "Hindi ako nakatitig sayo, huwag kang feelingero, Aso!" bulyaw ko sa kanya.
"Hindi ako feelingero. Ganito pa ang tingin mo oh." Ipinakita niya pa kung paano ang itsura ko at napanguso ako. Nakakaasar siya.
"Mag-infirmary ka na kasi, Aso. Ang epal mo. Tigilan mo ang pang-aasar sa 'kin," pamimilit ko.
"Huwag na, Lai. Kaunti na lang, wala na ang dugo sa ilong ko. Hindi ako mahina," aniya.
"Nawala ka nga nung isang buwan ng school year."
"Dengue naman 'yun at dehydrated ako. Talagang manghihina ako 'dun. Ito naman, hindi naman ako mamamatay dahil dito."
"Kahit na."
"Huwag na."
"Sige na kasi."
"Alalang alala ka 'no?"
Natigil ako sa tanong niya. Alalang alala naman talaga ako dahil dumugo ang ilong niya. Tsaka gusto ko lang namang maayus ang kalagayan niya kaya ganito ako mag-alala pero bakut alalang alala nga ba talaga ako? Parang hindi na normal ang pag-aalala ko.
"Magnu-nurse ako at dumudugo ang ilong mo kaya nag-aaalala ako. Huwag ka na namang feelingero, Aso," pagpapalusot ko, hindi pinapahalatang medyo na-mental block ako sa tinanong niya.
"Huh...Talaga lang ha?" Ngumisi siya at natigilan na naman ako. Tangina naman ni Jason, nakakaasar talaga siya. Pucha.
"O-Oo!"
"Oh, wala ng dugo. Sabi sayo, hindi ko na kailangang pumuntang clinic eh." Tinanggal niya ang panyo niya sa ilong niya habang sinasabi 'yun. "Nabigla lang siguro ang ilong ko."
"Sana natuluyan ka na lang. Nakakainis ka!" Umirap ako at umiwas ng tingin dahil nararamdaman ko ang pag-init ng ulo ko.
"Ayoko pang mamatay, Lai. Huwag mong hinihiling 'yan."
Binigyan niya ko ng matilim na tingin nang sabihin niya 'yun. Ang tingin niya ay nagpakaba sa 'kin at lalong bumilis ang tubok ng puso ko. Nakakakaba ang titig niya at siya lang ang nakapagpakaba sa akin ng ganito. Hindi naman kasi ako kinabahan ng ganito katindi sa buong buhay ko. Anong epekto ba 'tong ginagawa niya sa 'kin?
"Oo na, hindi na." Umiwas ako ng tingin sa kanya at kumain ng fries. "Kunin mo na chocolate mo dito." Tinuro ko ang lalagyan ng fries ko at nakikita ko sa peripheral vision ko ang pagtitig niya doon.
Kinuha niya 'yun at tumingin sa akin bago hinati ang chocolate. Baka kakainin niya na 'yun kaya niya hinati pero hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang tumingin sa 'kin bago niya kainin 'yun. Umiwas ako ng tingin at tumingin sa labas ng pintuan. Kinakabahan na ako sa mga titig niya at hindi ko alam kung bakit.
Sumubo ako nang sumubo hanggang sa iisa na lang ang natira sa lalagyan ko. 'Yung isang binili ko napunta kala Elle. May kamay na kumalabit sa akin at nilingon ko naman agad 'yun. Nakita ko ang nakalahad na kamay ni Jason at tinignan ko siya nang nagtatanong ang mga mata ko. Bakit binibigyan niya ko ng chocolate?
"Oh, happy birthday, Lai."
Nagulat ako sa pagbati niya at napakagat ako sa labi ko nang maramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko naisip na babati siya dahil hindi ko naman binabanggit ng madalas ang birthday namin at wala siya sa paligid kapag nababanggit ko 'yun. Tinitignan niya ba ang birthday ko kapag may pinapasagutan sa aming personal information? Imposible namang nagsagot siya sa parehas na papel na sinulatan ko dahil panigurado, bago makaabot sa kanya ang papel ay puno na ang first page na sinagutan ko ng pangalan, birthday, adress at pirma ko.
Kinuha ko ang chocolate na hawak niya. Cadbury Dairy Milk Chocolate 'yun at 'Fruit and Nut' flavor. Tinitigan ko muna 'yun at pinoproseso pa rin ng utak ko ang pagbati ni Jason. It's so unexpected. May pa-chocolate pa. Parang pinalitan niya lang ang dapat na ibibigay sa 'kin ni Dylan. Alam ba niya?
"Thank you...sa pagbati." Kumagat ako sa chocolate na hawak ko at mabagal na ngumuya. Hindi ko kaagad maubos 'yun dahil kaunti nga lang ang binigay niya sa 'kin at masyado ring matamis 'yun.
"Hoy, Jason, nagbibigay ka pala ng pagkain mo? BIgyan mo rin kami! Sharing is caring!" dinig kong daing ni Sheedise kaya tumalikod ako sa kanila. Napatingin naman silang lahat sa akin at nag-peace sign. Akala siguro nila ay naiingayan ako sa kanila.
"Bakit? Hindi ba nagbibigay si Jason sa inyo?" tanong ko at muling kumagat.
"Hindi. Ikaw lang binigyan niyan."
Lumingon ako kay Jason at tinignan niya rin ako pero mabilis niyang binawi 'yun at lumingon ulit sa tropa niya.
"Napakasinungaling niyo naman kay Ellaine," aniyang nagkibit-balikat.
Alam kong nagpapalusot lang siya at nakikita ko 'yun. Ayaw niya lang malaman kong ako lang ang binibigyan niya ng hati sa pagkain niya. Ang tanong ko lang naman ay bakit? Bakit ako?
"Hindi kami nagsisinungaling. Hoy, Ellaine, hindi kami nagsisinungaling! 'Yung katabi mo 'yung nagsisinungaling ah," bulalas naman ni Carlo.
"Kahit anong sabihin niyo, wala akong pakialam. Pagkain naman 'to. Eh, 'di thank you."
Muli akong kumagat sa chocolate na hawak ko hanggang sa maubos ko 'yun. Nakanga-nga lang sila habang pinapanood ako. Nginitian ko sila habang pinapagpag ko ang mga kamay ko at pagkatapus, kinuha ko ang tubigan ko. Uminom ako ng tubig tsaka humarap ulit sa kanila.
"Oh, bakit ganyan mga mukha niyo?" tanong ko. Para silang gulat na gulat sa sinabi ko kanina.
"Wala ka namang sakit 'no, Ellaine?" tanong ni Daniel.
"Hm? Wala, bakit?" Ang weird naman nilang magtanong.
"Ang bait mo ngayon. Hindi ka ba magsusungit?"
"Huh? Hindi, bakit ba?" Kumunot ang noo ko sa sinabi nila. Ganun ba ang tingin nila sa akin? Masungit lagi? Pasensya na sla at broken ako nung mga panahong 'yun.
"Kasi nag-start ang school year, masungit ka," ani naman ni Sheedise.
"Ah, broken ako 'nun."
"Ha?!" sabay-sabay nilang reaksyon. Para naman silang nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ko. Normal namang ma-broken, 'di ba?
"Oo, broken ako. Kagagaling ko lang sa MU 'nun."
"The fuck...Ang ganda mo naman. Dyosa pala 'to?! 'Di ako na-inform! Ay, gago, ouch!" Siniko ni Carlo si Sheedise nang mang-asar sa akin. "Gago, pag 'yan nagalit, yataps tayo, men," aniya.
"Gago, huwag kang matatakot diyan. Hindi naman nakakatakot 'yan," ani ni Jason. Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. So all this time, he's not afraid of me, huh? He has the guts to say that.
Piningot ko ang tenga niya at napadaing naman ang gago. Hinawakan niya ang tenga niya at sinungitan ako ng tingin.
"Para sa'n 'yun?!"
"Hindi ka pala takot sa 'kin?"
"Bakit naman ako matatakot? Ang sarap mo kayang asarin kapag galit ka." Nginisian pa ako ng loko.
"Tse!"
Inismiran ko siya at binelatan bago ako nagpalung baba at palihim na ngumiti habang nakaiwas na ng tingin sa kanya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko ng gawin ko 'yun. Para akong naging masaya bigla nang magawa ko 'yun at para akong nakakawala sa kulungan nang gawin ko 'yun. Parang malayang malaya ako kapag kausap siya. Hindi ko rin alam kung bakit pero napapatanong na ako sa sarili ko. Crush ko na ba siya? Hinahangaan pa ba ang kailangang itawag sa nararamdaman ko o gusto ko na siya?
Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko sa kabang ayokong i-assume kung ano ang nararamdaman ko dahil natatakot ako. Baka hindi ko na siya crush o gusto. Baka rin pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil gusto ko lang gamitin siya para pagselosin si Dylan dahil naiinis ako. At baka pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil hindi pa ako handa sa bagong papasukin ko.
Takot na naman akong masaktan. Takot na naman akong magamit lang sa sandaling panahon at hindi pang habang buhay ang ipapangako sa akin. Kawawa ang susunod dahil alam kong matindi na ang trust issues ko. Mahirap nang magtiwala sa tao. Mahirap na ulit magkwento. Mahirap nang umasa ulit na mananatili na naman sila.
Crush ko ba o gusto ko na? O...mahal ko na?