Chereads / THE CHASE ESCAPE (ALGEA SERIES #1) / Chapter 22 - CHAPTER TWENTY-TWO

Chapter 22 - CHAPTER TWENTY-TWO

"Okay? Eh, 'di...ayus?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya at natulala dahil sa isinagot niya. Eh, 'di sana lahat ganun? Bakit ko pa kasi tinanong 'yun?

Nakarating kami sa plaza ng maayus at hindi ko na pinansin si Jason. Nailang ako bigla sa Q&A na ginawa namin. Wala lang talaga akong magawa kanina dahil nagising ako sa isang panaginip na parang bangungot.

Bago pa ako makatayo ay may humawak sa pulsuhan ko. Napatingin ako sa kamay ng humawak sa akin at nang itaas ko ang paningin ko, nakita ko si Dylan na nanlilisik ang matang nakatingin sa akin.

"Bakit?" tanong kong nakakaramdam na rin ng pagod.

"Usap tayo."

"Teka, paalam lang ako." At tumango siya. Sinabihan ko muna si mommy na mayroon muna anong kakausapin at saglit lang 'yun kaya nauna na silang bumaba bago kami bumaba ni Dylan papuntang bench sa plaza, malayo sa service.

Lumayo siya ng kaunti at nagpamewang. Halata sa kilos niya ang rinding tinitiis niya kanina pa. Pagod na rin ako dahil sa field trip kaya paniguradong wala na rin ako sa tamang wisyong makipag-usap pero pipilitin kong sumagot ng maayus sa kanya kung sakali mang magtanong siya.

"Bakit ba?" pambabasag ko ng katahimikan.

Kanina pa siya ikot nang ikot sa harapan ko pero wala naman siyang sinasabi sa akin. Pwede na bang umalis? Ang dami niyang sinasabi sa chat pero ayaw isigaw sa harapan ko. Ayus lang naman eh.

"Nagseselos ako sa inyo," aniya agad nang dumapo ang nanlilisik niyang mata sa akin. He's a little bit taller than me kaya hindi ko na kailangan pang tumingala para lang makita ang mga mata niya. "Nagseselos ako sa inyo ni Jason."

"Saan?" tanong ko.

Hinilamos niya ang mukha niya at hinawakan ang pulsuhan ko. Ang higpit 'nun. Hinatak niya ako papalapit sa kanya at muntikan pa akong bumunggo sa kanya. Pwede kaming matumba dahil sa ginagawa niya! At sana lang hindi ako nakikita nina mommy na ginaganto ako ni Dylan. They will be furious for sure.

Nagulat ako sa iniasta niya ngayon. This is the first time he touched me with force and this will be the last, I swear.

"Ano ba?!"

Sinubukan kong bawiin ang pulsuhan ko pero nanghihina na ako dahil sa pagod sa field trip. Fuck, ang sakit ng hawak niya! Lalong humihigpit 'yun bawat segundong pumapalag ako.

"Sinungaling ka! Sabi mong lalayuan mo si Jason! Humiga-higa ka pa sa balikat niya! Pinapahiga mo rin pala sa balikat mo? Ang kapal niyo! Tsaka panigurado nilalandi mo na siya 'no? Kaya ka nagpapapansin sa kanya sa school kasi siya ang crush mo? Ano? Ako pa ba, Ellaine?"

Pumalag pa ako pero hindi ko matanggal ang kamay niya sa pulsuhan ko. Tangina, nababaliw na ba 'to? Siya nga ang pumayag na humiga ako sa balikat ni Jason at hindi ako 'yung humiga 'no! Inihiga ni Jason ang ulo ko sa balikat niya dahil pumayag nga siya! Tsaka, ako? Nagpapapansin sa mokong na 'yun? Ano bang nakikita nito? Puro mali lahat?

"Huwag ka ngang gumawa ng skandalo! Tsaka, pinaalam sa akin ni Jason na pumayag kang ihiga niya ako sa balikat niya para maging komportable ako! Sinabi pa niyang gusto mong komportable ako kaya ka pumayag. Ano bang pinagsasasabi mo ngayon? Saan 'yan galing? Anong pinuputok ng bituka mo ha?! Hindi ako nagmumura pero baka mamura kita sa kagaguhan na inaanunsyo mo sa akin dito! Aray! Bitawan mo 'ko! Ang higpit!"

Pinalagan ko pa siya nang pinalagan pero wala na talaga akong lakas. Sana lang ay may tumulong sa akin dito pero alam kong wala akong aasahan dahil nagsiuwian na sila at wala na rin ang mga bus. Walang makakakita sa amin dahil madilim na rin ang paligid. Tangina naman oh!

"Nagagalit ako. Naiinggit ako. Kayo? Close kayo! Tayo, hindi! So, anong gusto mong gawin ko, Ella? Magtiis? Pumayag ako kasi gusto kitang maging komportable pero sana ako 'yun! At sana ako ang pinayagan ng mommy mo!" bulyaw pa niyang ikinaiinis ko. Ano bang problema kung si Jason ang pinayagan? Siya ang katabi ko. Tsaka, kung siya ba ang katabi ko, ihihiga niya rin ako sa balikat niya? Hindi, panigurado! Mahiyain siya! My gosh! Ano bang nangyayari sa kanya? Naka-shot ba 'to ng gin?

"Huwag ka ngang tanga! Ikaw ang pumayag at ginawa lang ni Jason 'yun dahil pumayag ka! Hindi niya naman inulit!"

"Eh, 'yung sa pagtanggal ng 'All Rides' bracelet? Pumayag ba ako 'dun? Hindi, 'di ba?!"

Sinamaan ko siya ng tingin habang hawak niya pa rin ang pulsuhan ko. Lalo niya akong hinatak at lalong sumakit lang ang grip niya. Tangina! Ang sakit na ha!

"Ano ba, Dylan? Masakit na!"

"Masaktan ka na kung masaktan. Pinapamukha ko sayo ang kamalian mo! Ako ang sinasayang mo!"

And that hit me really hard. Nag-init na talaga ang ulo ko at nabanas na ako sa sinabi niya. Nandilim ang paningin ko at pinaikot ko ang braso niya. Pumunta ako sa likod niya para i-lock 'yun at napadaing siya sa ginawa ko.

"Pinapamukha? Ano bang mali sa nagpatulong ako? Kailangan ko bang tanungin rin sayo 'yun? Dylan, hindi ko alam kung masama na bang magpatulong ngayon kay Jason o minamasama mo lang at nilalagyan ng malisya, dahil ang bait ng tao. Gosh, Jason is a gentleman. Not to brag ha? Pero kasi...kaibigan ko 'yung tao. Best friend mo ginaganito mo? Pinapamukha?" Itinulak ko ang likod niya gamit ang braso niyang hawak ko pa rin sa likuran niya. "Anong ipapamukha mo sa aking kamalian? Ang kamalian ko sayo ay 'yung sa dare, dahil never akong nagkamali na kausapin siya bilang kaklase at kaibigan. Limitado kaming nag-uusap kung tutuusin at ang nakikita mo? 'Yun ang mga madalang."

Binitawan ko ang braso niya at maglalakad na sana paalis pero hinawakan niya ulit ako sa pulsuhan. Pagkalingon ko ay lalong nandilim na ang paningin niya. Bawat segundo ay nandidilim 'yun dahil sa galit.

"Madalang? Madalang ang magkagrupo kayo lagi? Siguro pinapakiusapan mo ang mga teachers para maging kagrupo mo siya kasi crush mo...hindi...May gusto ka sa kanya!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Saan nanggagaling ang mga paratang niya? Sa chismis? Galing kanino?

"What?"

"Siguro, nagdadahilan ka lang ngayon. Tama pala sila. Ginagamit mo lang ang ganda mo para linlangin kami at akit--"

Hindi niya natapus ang sasabihin niya nang may nagtakip ng bibig niya. His voice is muffled by the hand of some man. Napatingin ako sa likod at tumitig ako sa mga lalaking naroroon.

"Tama na 'yan, Dylle. Hinahanap ka na ni Ate Lyra, uuwi na raw kayo. Kanina ka pa hinihintay sa sasakyan nila Ate Yhesa," ani ni Jason habang nakatakip pa rin sa bibig ni Dylan.

"Nandito pa pala kayo, Sheedise? 'Di pa pala kayo nakakauwi? " tanong ko.

"Walking distance lang bahay namin mula dito, huwag kang mag-alala, Ellaine. Tsaka...nag-alala si truepa sayo." Tumango siya kay Jason at nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Jason nang lingunin ko siya.

"Nakita ko lang kayo ni Dylle na pumunta dito kaya napabalik ako. Nakatawid na kami kanina nang makita kita dito kasama 'tong madaldal na 'to." Dumahilan pa siya bago tinignan si Dylan nang mabanggit niya ang pangalan nito.

"Salamat," ani ko habang hinahaplos ang pulsuhan ko. Mahapdi pa rin 'yun dahil sa pagkakahatak ni Dylan.

Nakita kong napatingin doon si Sheedise. Lumingon siya kay Daniel at tumango. Kumunot ang noo ko sa mga ekspresyon nila. Bakit sila tumatango?

Nakita kong may kinuha si Daniel sa bag niya. Isang water bottle at isang ointment. Lalo akong nagtaka nang lumapit siya sa 'kin. Nakakunot ang noo kong tinitigan ang kamay niya nang ilahad niya ang mga hawak niya sa akin gamit ang kanang kamay niya. "Oh."

"Para saan 'yan?" tanong kong nagtataka.

"Cold compress. Idikit mo diyan sa pulsuhan mong namumula. Tsaka, ointment para hindi mangati 'yan. Fragrance-free 'yan, 'di ka lalong mai-irritate."

Lumiwanag ang mukha ko nang sabihin niya 'yun. "Salamat." Kinuha ko 'yun at dinikit ko kaagad ang water bottle sa mahapding parte ng pulsuhan ko. Napadaing pa ako ng kaunti nang maramdaman ko ang hapdi 'nun.

Nang mawala na ang pula sa balat ko ay nilagyan ko na ng ointment. Binalik ko kay Daniel ang mga gamit niya at itunabi niya 'yun sa bag niya.

"Prepared kayo ah. Sa akin ba talaga 'yan?" pagbibiro ko. Narinig ko ang tawa ni Sheedise. Kasunod 'nun ay ang pagtawa na rin ni Daniel. Ngayon ko lang sila nakitang tumawa dahil sa babae. Hindi naman pala sila mahirap pakisamahan.

"Baka nga. Prinsesa ka ng isa eh," ani ni Sheedise sa akin.

Napalingon na naman ako sa gawi nina Dylan at Jason na ngayon ay nagkakapalagan pero mas malakas pa rin ang pwersa ni Jason kaysa kay Dylan kaya hindi niya matanggal ang takip sa bibig niya. Napailing na lang ako.

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit priniprinsesa ka ni Jason, Ella." Napalingon ako kay Sheedise nang magsimula siyang magsalita. "Sa totoo lang, wala namang tinutulungan 'yan sa mga babae sa amin."

"Kahit si Lynarne?" tanong ko.

Natawa si Sheedise sa sinabi ko. "Kahit sino."

Ginulo nang sinabi niya ang sistema ko. So, what does he mean? Ako lang ang prininsesa ni Aso? Wala ng iba? Pero bakit ako? Si Lynarne ang crush niya at mahal niya 'raw' kaya bakit ako?

"Tinutulungan lang ako niyan," pagpapalusot ko. Ayoko kasing mag-assume ng mga bagay kaya gusto kong burahin ang sinabi niya sa isip ko.

"Pero wala na talagang tinulungan 'yan. Tumahimik na 'yan pagkatapus magpa-activity sa amin last year. Katulad ng pinagawan ni Ma'am Liza," ani ni Daniel. 'Yung tinutukoy niya siguro ay 'yung sa shape letters na pinagawa sa akin sa ESP. "Dati, sticky notes. Ididikit namin sa desk ng taong tingin namin kung sino ang 'pinaka-' sa section. Siya ang nakakuha ng pinakamarami sa pinaka-papansin at pinaka-maingay."

Pinakinggan ko siya habang nakatingin pa rin ako kay Jason at Dylan. Is it hard for him to talk to anyone? Is it really that hard for him? Kaya pala wala siyang sinabi noong in-eliminate siya ni Ma'am Sheila sa MAPEH. Now, I know why he didn't defend himself.

Nakita kong tinanggal na ni Jason ang kamay niya sa bibig ni Dylan pagkatapus niyang may sabihin dito. Nakatingin lang sa akin si Dylan na para bang maiiyak na. Ano bang sinabi sa kanya ni Jason?

Lumapit siya sa akin at napahakbang ako ng isang beses, patalikod. Takot na siguro akong masaktan ulit ng pisikal. That's the first time I experienced it and it will be the last. Hindi na ako magpapahawak sa kanya kahit kailan!

"Ellaine...Sorry...Hindi ko alam na sinabihan mo pala si Jason na sana hindi niya na lang ginawa ang pagpapahiga sayo sa balikat niya dahil sabi mo raw baka maisyu kayo at magselos ako lalo...Hindi ko alam...Sorry..."

Nakayuko siya nang sabihin niya 'yun. Nakahawak pa rin ako sa pulsuhan kong hinatak niya kanina. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari dahil hindi ako madaling makalimot. Nararamdaman ko pa rin ang higpit ng hawak niya sa pulsuhan ko kahit tapus na 'yun.

Bumuntong hininga ako at hindi umimik. Nag-sorry siya pero may magbabago ba? Nasaktan niya na ako. Katulad lang rin 'to ng pagtakbo niya sa pekeng kasal namin noong Foundation Day. Katulad lang rin ng ginagawa niya ngayon ang peace offering na Jollibee fries na binigay niya sa akin noong panahong 'yun. Ganito lang rin 'yun. Pero...

"Oo na, hayaan mo na."

Kaya ko naman siyang patawarin pero hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman ko sa pananakit niya sa akin. Should I tell his sister that he lay a hand on me? That he hurt me unintentionally? Should I?

Nagdadalawang isip ako. Bukod sa, kapag nabanggit 'yun ni Ate Lyra kay tita ay baka pati na rin si tito ay pagalitan si Dylan. He hurt me but I still have conscience. I still have generosity. I still have a good heart but...a part of me wanted to see him suffer from the consequence and I cannot blame myself for thinking that way.

"Talaga? Sorry talaga!" aniyang kumislap ang mata at gumuguhit ang ngiti sa labi. Nakataas ang kanyang mga braso habang papalapit sa akin at kinabahan ako dahil doon. Kinilabutan ako at niyakap ko ang sarili ko, kasabay ang pag-iwas ng tingin sa kanya. Pinaplano niya bang yakapin ako?

I still didn't look back and waited for him to hug me, but I didn't feel any arms around me. I look in front of me and was clearly shocked. Jason is holding Dylan back. His right hand is placed in the latter's shoulder.

"Huwag mo ng yakapin," ani ni Jason.

My heart skipped a beat. Nagulat ako sa sinabi niya pero nawala naman ang kaba ko dahil 'dun. He just stopped something that will make me uncomfortable.

I heard Dylan scoffed before laughing when Jason spoke. Napakunot ang noo ko sa pagtawa niya. Anong nakakatawa roon? Hindi ba niya naramdamang hindi ako komportable sa paglapit niya dahil may ginawa siya kanina? Pinatawad ko siya pero hindi naman kaakibat 'nun ang paglimot agad sa pisikal na pananakit na ginawa niya.

"Ano ka, Jason? Knight in shining armor ni Ellaine? Ikaw lang ba ang pwedeng yumakap diyan? Sabagay, ikaw ang niyakap dahil sa dare!" panunumbat na naman niya.

Ang kalmadong mata ni Jason ay biglang nandilim dahil sa isinumbat ni Dylan. Nagseselos na naman ba 'to? Parang ganun kasi ang nangyayari. Dahil ba pinipigilan siya ni Jason na yakapin ako? Dahil ba 'dun?

Akala niya yata ay mas gusto ni Jason na siya ang yayakapin ko kaysa sa ka-MU ko. Mga 'akala' na naman 'to ni Dylan. Hindi ba siya nauubusan ng mga 'akala'?

"Dylle, daig mo pa ang lasing sa sinasabi mo. Nakahingi ka na ng kapatawaran at sapat na 'yun kay Ella. Huwag mo ng yakapin, hindi siya komportable sa gagawin mo."

"Hindi komportable? 'Tas sayo komportable? Ganun ba? Tsaka, bitawan mo ko, taksil." Iwinagayway niya ang balikat niya para matanggal ang kamay ni Jason doon at 'yun ang nangyari. Pagkatapus ay hinarap niya si Jason habang halatang halata kong nagtitimpi na lang si Jason sa kanya. Malapit na siyang sumabog. "At 'Ella'? Ella talaga ang tawag mo ngayon ha? Tinawag mo siyang 'Lai' kanina sa Star City tapus 'Ella' ang tawag mo sa kanya ngayon? At bakit? Nahihiya kang tawagin siya sa nickname na 'kayo lang ang nakakaalam' sa harap ng tropa mo?"

Umigting ang panga ni Jason at lalong nandilim ang mata niya sa naririnig niya. Kahit ako ay naiinis na sa sinasabi ni Dylan. Hindi naman namin tinatago ang nickname na 'yun. Nagawa lang naman kasi 'yun para pang-asar.

"Nasabi ko na sa kanila ang tungkol doon at kanina pa nila ako inaasar dahil 'dun. Nirerespeto kita dito kaya 'Ella' ang tawag ko kay Ellaine at hindi naman 'to biro-biro para tawagin ko siyang 'Lai'."

Kalmado ang boses ni Jason habang sinasabi 'yun. Pinipigilan niya pa rin ang galit na namumuo na sa kamao niya. Ang higpit ng pagkakasarado 'nun. Fuck, parang may masisira pa akong pagkakaibigan.

"Tsaka, pumayag ka sa paghiga niya sa balikat ko. Walang malisya 'yun. Gusto mong komportable siya. Nagseselos ka sa sariling pagpayag mo? Bakit ganyan ka sa 'kin, Dylle?" ani pa ni Jason.

"Nakakainis kayo!" sigaw ni Dylan. "Nakakainis kayo ni Ellaine! Lalong nakakainis ka!" Dinuro niya si Jason. "Wala ka namang ginagawa, wala kang ginagawa sa akin pero nagseselos ako sayo! Ano nga bang nakakaselos sayo? Hindi ka naman matalino, puro laro lang naman ang alam mo, wala ka rin namang honors kaya anong meron sayo?!"

"Dylan!" Sumigaw ako dahil sa inis. Hindi na maganda ang mga sinasabi niya. "Tama na."

"At bakit?! Anong meron sa kanya, Ellaine?!"

"Anong meron? Kailangan bang meron laging rason para magselos ka? Kailangang magselos ka rin kapag magkagrupo kami at kakausapin ko siya dahil ako ang leader? Kailangan ba?" panimula ko. "Kailangan bang ipasok ang salitang MU sa groupings? Kailangan? Kailangan kong magpalipat kung magseselos ka kay Jason?"

"Oo! Nagseselos ako diyan sa lalaking 'yan pero lapit ka pa rin nang lapit sa kanya!"

What?

"Kagrupo ko siya madalas, Dylan! Malamang sa malamang lalapit ako sa kanya para tanungin ang parts niya! I'm the leader of our group, madalas! I'm responsible sa mga groupmates ko at dapat masigurado kong magpapasa sila!"

"Putek, dapat nagpapalipat ka ng grupo, sa grupo ko!"

Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Dylle, tama na."

Hinawakan siyang muli ni Jason sa balikat pero pumiglas ulit si Dylan.

"Magtatanggulan kayong dalawa ni Ellaine?"

"What?" Kumunot ang noo ko at umiling-iling. His jealousy went overboard already.

"Kayo na ba?" tanong niya pa. Saan nanggagaling ang paratang niya at sino ang nangbe-brainwash sa kanya?

"Hindi--"

"Sabihin niyo na lang ang totoo!"

Kumabog ang dibdib ko sa takot dahil sa sigaw niya. Bakit ba ganito siya? Nagseselos siya, alam ko, pero bakit ganito na kalala?

"We're not together, Dylan. Saan mo nakukuha ang mga paratang na 'yan?" tanong ni Jason.

"Oo nga, saan?" dagdag pa ni Sheedise.

Umiwas ng tingin sa amin si Dylan. Magsasalita pa sana ako pero dumating na ang driver ng service namin. Kanina pa pala ako nandito. Mag-uumaga na pala.

"Oh, anong nangyayari dito?" tanong niya. "Magsiuwi na rin kayo, mga bata. Baka hinahanap na kayo ng mga magulang niyo."

"Pauwi na rin po, kuya. Nag-uusap-usap lang. Ellaine, umuwi ka na. Kami na ang bahala kay Dylan," ani Sheedise sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya bago lumipat ang tingin ko kay Dylan at Jason na nagpapalagan pa rin hanggang ngayon. Matalim ang tingin ang ipinukol sa akin ni Dylan habang tinanguan na lang ako ni Jason na nagsasabing umalis na ako sa harapan nila. 'Yun ang ginawa ko.

Umalis ako at sumabay na sa driver namin, at sumakay na ako sa likod ng service. Umupo ako sa upuang nakaharap kala Elle. Tulog si Elle sa balikat ni mommy habang ako ay tahimik na umupo roon.

"Hoy, bakit tulala ka?"

Napatingin ako kay Abi. Nasa silid kami at tanghalian na. Halos isang linggo na rin pala ang nakalipas nang mangyari ang usapan sa plaza. Hanggang ngayon ay hindi kami nag-uusap nina Dylan at Jason. Saglit lang kami nag-uusap ni Jason kung magiging magkagrupo kami at agad-agad na lang siyang nagpapasa. Siguro ay naiilang rin siya sa pinapakita kong pagkailang sa paligid niya.

"Wala," sagot ko.

"Ano bang nangyari sa inyo ni Dylan? Lalong lumala ang hindi niyo pagpansin sa isa't isa," tanong rin ni Mariel.

"Wala."

"Ano bang 'wala'?! Meron! Hindi ka magmumukmok diyan kung wala, gaga!" Bigla akong binatukan ni Abi pagkatapus niyang sabihin 'yun. "Tsaka, maiba ako, nagcha-chat kami ng Miaxel. Mukhang galing RPW."

"Oh, anong balita? Kayo na?" walang gana kong tanong.

"Next time ko na lang nga ikwento at wala ka sa mood! Ano kasing nangyari?"

Napahawak tuloy ako sa pulsuhan ko nang maramdaman ko na naman ang mahigpit na hawak sa akin ni Dylan nung gabing 'yun. It still traumatized me. Nararamdaman ko pa rin ang init sa pulsuhan ko kahit tapus na 'yun. It still felt the same if they asked about it.

"May...nangyari ba?" tanong niya pa. Napatingin siya sa pulsuhan ko nang hindi ko pa tigilang haplusin 'yun. "Sinaktan ka ba niya?"

"Hayaan niyo na."

"Ano?!" Mariel shouted. Maldita at chismosa 'tong babaeng 'to pero ayaw na ayaw niyang nakikitang nasasaktan ako. Ang motto nga nila ay kami lang ang magkakasakitan gamit ang mga salita namin pero kapag iba na ang mananakit sa amin, iba na ang usapan doon. "Hinatak ka diyan?!"

Tinignan niya ang pulsuhan ko nang magsalita siya. Buti na lang ay kami lang ang nasa silid at wala ang iba, namili sa cafeteria. Tumango na lang ako sa tanong niya.

"Oh, may 'to the rescue' bang dumating?" tanong ni Rain, nag-aalala na rin.

"Tropa nila Jason," sagot ko.

"What's the reason? Bakit sinaktan ka niya?"

"Selos," tipid kong sagot.

"Dahil tinutulungan ka ni Jason nung tour?" Tumango ako. "Bullshit," bulong niya.

"'Di ba nag-uusap lang naman kayo? And...tinutulungan mo siya sa crush niya?" tanong ni Abi.

"Yes."

"Alam ba ni Dylan?"

"Oo," sagot ko.

"Oh! Updated naman pala ang mokong! Anong ginagawa 'nun sa kaibigan natin?"

"Sabi niya there's someone na may nagsabi sa kanya na nilalandi ko si Jason kaya ako nagpapapansin."

Sabay-sabay kumunot ang mga noo nila habang nagtitipa pa rin si Elle sa cellphone niya. Alam niya na 'to kaya ayus lang na hindi siya makinig.

"Sino?" tanong ni Abi bago siya tumingin kay Mariel. "Wala ka namang kinalaman dito 'no?"

"Oh, bakit ako? Wala. Baka sila Lourine. May pinag-uusapan sila nung nakaraan eh."

"Oh, paano mo alam? Kasama ka sa kulto nila?" Lalong sinamaan ng tingin ni Abi si Mariel.

"Kausap ko si Lourine lagi, 'di ba? Tsaka, kung laglagan lang ng chismis dito at involve 'tong sina Ellaine, talagang maglalaglag ako dito."

"Siguraduhin mo lang na hindi mo sisiraan 'tong si Laine, Mari."

Nanahimik si Mariel pagkatapus 'nun. Paniguradong ayaw niyang mangako. Alam ko ang tabas ng dila ni Mariel at hindi niya maiiwasang masiraan rin ako dahil alam kong may galit rin siya sa akin, dahil alam niyang matibay ako sa mga isyu. Hindi niya idadaan sa isyu at chismis ang paninira sa akin, sigurado ako doon at ayus lang 'yun. Alam ko namang ganun ang ugali niya. Ayus lang kung ako ang sisiraan niya, huwag lang ang taong nasa paligid ko. Hindi ko gusto ang ganun.

"Pero ayus ka lang ba, Ellaine?"

"'Yung totoo? Hindi."

Nanginginig pa ang kamay ko habang naaalala ang nangyari. Wala sa isipan kong magagawa ni Dylang ang saktan ako. Ang paghigpitan ako ng kamay dahil may nararamdaman siyang selos o inis sa amin.

"Tangina, mamaya 'yan sa 'kin!" Tumayo pa siya habang ang kamao niya ay nasa ere, nakahanda ng umamba sa kung sino man.

"Huwag na, hayaan niyo na."

"MU pa rin kayo?" tanong niya pa.

Tumango ako at dinagukan niya ako. Ang sakit 'nun ha!

"Tanga mo! Itigil mo na! Isa ka ring tanga eh! Ako sa academics, ikaw sa puso. Itapon na kaya kita sa dagat?" bulyaw niya sa akin.

"Gusto ko pa siya. Tsaka, napatawad ko na naman na. Ako na ang bahala."

"Hindi ka preschool para magpaka-bonakid diyan! Ano? Si Wonder Woman ka ba? Tigilan mo! Itigil mo na! Uulitin mo na naman 'yung kay Harold?"

Nagpapakatanga na naman ba ako? Katulad na naman ba 'to kay Harold? Am I restarting my escape again?

"Hayaan niyo na."

"Hays, ang tanga talaga!"

"Kung ako sayo, iiwan mo na at iiwan ka lang rin niyan."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mariel. Anong alam niya? May kinalaman ba siya sa mga nangyayari?

Dumating ang araw ng periodical test at malapit na rin mag-Valentine's Day. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng excitement habang papalapit 'yun. Wala na akong inaasahan. Alam ko namang walang magbibigay sa akin ng regalo kung hindi si Harold na bumibisita sa bahay namin occasionally, kasama sina Trix.

Walang ibang nangyari sa nakalipas na mga araw kung hindi exam. Hanggang sa Valentine's Day ay ganun lang rin ang nangyari. Kinabahan ako nang pumasok ako sa silid. Nararamdaman ko ang tingin sa akin ni Dylan. Matalim 'yun at nakakakaba. Bakit ba hanggang ngayon ay nag-iinit ang ulo niya sa 'kin?

Umupo ako sa upuan ko at nagsimulang magbasa tungkol sa asignaturang kukuhanan namin ng test ngayon. AP, English at Science. Nagsama-sama pa talaga ang pinakamahirap na subjects except sa English. Nag-review ako ng AP habang hindi pa naman kami nagsisimula.

"Patricians, mayayaman na romano...Plebians naman, mahihirap na Romano. May limang sektor na humahati sa dalawang lipunan na 'to: ang senado, konsul, diktador, asamblea at tribune. Ang senado ay binubuo ng 300 na patricians kung saan ay sila ang kumokontrol sa pananalapi at relasyon sa ibang banaa at ang halal pang-habang buhay. Ang konsul naman ay binubuo ng dalawang taong inihalal sa senado na may 'veto power', ibig sabihin ay pwede nilang hindi tanggapin ang batas o pahintuin ang batas kung kailan man nila nais. Ang diktador naman ay ang taga-pamagitan sa dalawang konsul. Asamble naman ay binubuo ng mga patricians na ang layunin o tungkulin ay gumawanng batas..."

At binasa ko ang iba pang mga nakasulat roon. Kasama na ang 'kung paano tinakot ng mga plebians ang mga patricians', 'ano ang tribune at sino ang bumuo nito', 'ano ang layunin ng pangkat na nagpapalakad ng tribune', ang digmaang Punic hanggang sa limang mabubuting emperador na sina Nerva, Trojan, Hadrian, Antonius Pius at Marcus Aurdius, at ang mga ambag sa kabihasnan: ang panitikan at estraktura.

Nang pumasok ang aming bantay ay unang ibinigay sa aming mga Grade 8 ang English test. Ganun rin ang ipinamahagi ng teacher sa kasama naming Grade 10. Isang oras ang ibinigay sa amin para magsagot. Buong araw ay 'yun ang ginawa namin. Nagsagot kami nang nagsagot hanggang sa matapus namin lahat ng dapat masagutan. Natagalan lang ako sa AP dahil nalula ako bigla nang makita ko ang sasagutan naming papel. Puro identification!

Itinukod ko na lang ang siko ko sa lamesa at pinapalo ko ang dulo ng ballpen ko sa sentido ko. Hindi nga talaga kami binibiro ni Ma'am Jane nang sabihin niyang magsaulo kami dahil identification ang ibibigay niya. Buti na lang ay nakapag-review ako sa lahat ng nakalagay sa test paper kung hindi ay babagsak ako.

Natapus kong sagutan 'yun matapus ang ilang minutong pag-aalala ko sa pagkasunod-sunod ng mga lesson. Dinaanan ko lang ng mata ko ang iba tsaka ko na lang binasa ang mga hindi ko masyadong napakinggan kay Ma'am noong nagre-review ako kahapon. Wala naman akong dapat basahin masyado at madali lang ang lesson niya. Marami lang talagang pangalan at mga petsa. Nakakalulala pero masaya, kompleto naman ang notes ko.

Pagkatapus kong sagutan ang table na hindi ko makumple-kumpleto kanina ay tumayo na ako at ipinasa 'yun. Nakita ko ang gulat sa mga mata ng mga kaklase ko. May nakakagulat ba? Pwede ko ngang ma-peefect ang test na 'to dahil saulo ko ang buong fourth grading namin nang isang beses lang ako nag-review at binasa ko na lang ngayong araw.

Bumalik ako sa upuan ko at yumuko sa dalawang braso kong nasa lamesa. Nakakatamad at wala akong magawa. Susunod na test na ay ang Science at alam kong may solving na gagawin 'dun. Masakit na ang ulo ko pero pinipilit kong alalahanin ang boses ni Sir Riecho para maalala ko ang lesson niya tungkol sa Animal Kingdom, velocity, distance at sa mass. Meron pang iba pero bahala na sa test niya at masasagutan ko naman ng maayus lahat 'yun.

Nang matapus magsagot lahat ay lumabas na ang bantay at umalis. Recess naman ang kssunod kaya lumabas halos lahat. Naiwan ako, si Dylan at ang iba pang mga boys sa silid. Pinaglaruan ko na lang ang ballpen ko sa mga daliri ko at pinalipat-lipat 'yun. Nakakatamad at ayokong mag-review. Gusto kong kumain pero feeling ko busog pa ako.

Maya-maya pa ay nakita ko si Jason na tumatalon-talon papunta sa silid namin habang dala-dala ang red bag niya sa balikat. Pumasok siya sa silid at pumunta kala Dylan, at nakipag-usap. Binatukan pa siya ni JV dahil sa pinag-uusapan nila. Napangiti na lang ako. Buti naman ay maayus na sila ni Dylan.

"Dylan, wala kang ibibigay kay Ellaine?" rinig kong tanong ni Daniel sa kanya. Siya ang pinaka-romantiko sa magkakaklase.

"Ano bang meron?" tanong niya.

Nakikinig lang ako sa kanila habang kumakabog na ang dibdib ko sa kaba. May pinaplano ba silang bigyan ako ng chocolates o roses? Huwag na sana. Ayoko. Nakaka-trauma na. Sapat na ang ginawa ni Harold. Tama na sa mga bagay na pwedeng magpaalala tungkol sa kanya.

"Valentine's ngayon! Hindi mo alam?" tanong nila.

"Wala kaming ganun."

My world was crush when he said that. Alam ko 'yun pero masakit pa rin na marinig 'yun galing sa kanya.

"Pero kung pagbibigyan ka, anong ibibigay mo kay Ellaine?"

"Hindi ko alam."

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Wala silang Valentine's Day at wala rin siyang naiisip na ibigay sa akin kung sakali. Pero bakit nga ba ako nasasaktan? Una pa lang naman alam ko ng INC siya.

"Ako na ang magbibigay."

Nang magsalita si Jason ay napalingon ako sa gawi nila. Nakatingin na siya sa akin nang dumapo ang paningin ko sa kanila. All of them are looking at me while Jason's eyes pierce in my soul. I think he knew I am listening.

Sinubukan kong labanan ang tingin niya ngunit binawi niya agad 'yun at tumingin kay Dylan nang nakangisi.

"Ako na ang gagawa para sayo." And I experienced slow-mo upon hearing that. He's going to do it for Dylan and for...me?

My heart beats faster every second. May magbibigay sa akin ng regalo? Wala akong iniisip na ganun at alam ko sa sarili kong ayokong makatanggap ng regalo ngayon, dahil parang wala ng saysay sa akin ang Valentine's Day simula nang iwanan ako ni Harold at nang maging cold si Dylan.

"Ano? Ikaw ang magbibigay?" Pagalit ang tono ni Dylan nang sabihin niya 'yun. Nawala ang pagtibok ng puso ko at napalitan 'yun ng pagtataka. Ano na namang skandalo ang gagawin niya?

Napahawak ako sa pulsuhan ko nang maramdaman ko ulit ang ginawa ni Dylan sa akin sa plaza. Naramdaman ko na naman ang masakit niyang hatak sa akin.

Kumabog ang dibdib ko nang makita ang eksenang nasa harapan ko ngayon. Nanlilisik na naman ang mga mata ni Dylan habang nakatingin ng matalim kay Jason. Handa na rin ang kamao niya para suntukin siya.

Ano na naman bang mangyayari? Bakit pinag-aawayan na naman nila ako? Ano ba 'tong ginawa ko sa kanila? God, when will this chase end? What's my escape? Where is it?