"Lourine, are you stupid?!"
Hanggang sa pwesto nang pinagpapraktisan namin ay abot ang sigaw ni Mai. Wala na kaming ibang ginagawa kung hindi magpraktis nang magpraktis. Nahati kami sa dalawang grupo. Ang isa ay kaming tatlo nina Ash at Elle at ang isa naman ay sina Sheedise, Jason at Elle. Sila Mai naman ay pumupunta lang dito para manood o magbayad ng kulang pa nila sa tuiton.
"Woi, woi, nagpapraktis kami dito tapus may nasasabihang tanga diyan," ani ni Ashton nang matapus namin ang isang dance routine.
"Pagsabihan mo nga 'tong si Lourine! Nagpapakatanga na naman. Huwag na lang kayang um-attend ng recog 'to?" pagmamaldita ni Mai.
"Ano na naman ba kasi 'yan? Matiwasay akong sumasayaw dito ng Dura Dura," pagrereklamo rin ni Sheedise.
Tinampal ko ang noo ko sa gulong nagaganap sa paligid ko. Laging ganito ang naririnig ko kay Mai. Araw-araw niyang nasisigawan si Lourine. Alam kong gusto ni Lourine na palabasin ang totoong nararamdaman ni Dylan pero halos araw-araw siyang tanga dahil sa pakikipag-away kay Dylan.
"Nakikipag-away na naman sa shota niya. Kay Ellaine ulit," sagot ni Lynarne.
"Ako na naman. Nananahimik ako dito," reklamo ko.
"Wala namang ibang pwedeng ma-involve. Tsaka, gago 'tong si Dylan. Gusto ka pa pala?" Napakamot siya sa batok niya.
"Huh? Hayaan niyo siya."
Winagayway ko ang kamay ko sa kanila. Patapus na ang school year at malapit nang makompleto ang pagmu-move on ko kay Dylan. It's painful and hard but I get over it. Sana siya rin. Sana kalimutan niya na rin ang nararamdaman niya sa akin dahil simula nang traydorin niya ako ay awtomatikong wala na siyang babalikan. Hindi niya na ko mababalikan.
"Hayaan?" Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya. Alam kong nagtataka sila kung bakit gusto kong hayaan na lang si Dylan. Wala na naman akong pakialam kung may nararamdaman siya sa akin o hindi. Simula nang sabihin niyang hindi niya na ako crush o gusto, tapus na kami. "Gagi...Hoy, Lourine, tanga mo kasi! Iwanan mo na 'yan kaysa awayin mo nang awayin. Labas na labas na ang katotohanan, sis. Huwag mo nang palalain pa. Wala nang ginagawa sina Jason at Ellaine sa plano niyo dahil tapus na, nailabas niyo na!" aniya pa ni Lynarne.
"Tapusin ko na ba?" Nilingon ako ni Lourine at kumibit-balikat ako. "Iwanan mo kung gusto mo. Hindi ako ang magdedesisyon para sayo. Hindi ako si Lourine, hindi ako ikaw kaya ikaw ang magdesisyon," ani ko at pinatugtog ulit ang music ng sasayawan namin para sa recognition.
"See, Lourine? Stop being so stupid!" bulyaw rin ni Mai sa kanya.
Lumipas ang mga araw at puro praktis na lang amg inaatendahan namin sa BHC. Nagsuot lang ako ng blouse at pantalon para sa praktis ngayon. Nag-chat na rin ako kay Jason na huwag male-late dahil maaga kaming pinapapunta ni Ash para sa praktis. Bago mag-9 o 10 am ay dapat nasa school na kami, kung hindi ay makakaltukan kami ni dance leader.
"Alis na kami, 'my." Humalik ako sa pisngi niya nang isukbit ko ang bag ko sa balikat ko.
"Ingat. Hoy, ate, si bunso ah," bilin niya.
Napairap na lang ako dahil 'dun. Alam kong ibibilin niya na naman si Elle sa akin pagkasakay namin ng MASDA mamaya. Lagi namang ganun ang eksena. Ako ang ate kaya ako dapat ang may alam sa pag-aasikaso sa kapatid ko.
"Oo na. Nasa akin na naman ang pamasahe. Elle, bilisan mo. Mapapagalitan tayo ni Ash kapag late tayo!" sigaw ko.
"Oo na, ito na! 8:15 pa lang, ang OA mo!"
Lumabas na ako at naghintay. Nag-chat na muna ako kay Jason kung gising na siya at kung hindi pa ay bumangon na siya dahil may praktis kami ngayon. Paulit-ulit ako sa kanya pero ang tapang ng gago at hindi nakikinig sa 'kin. Gusto niya bang sa nanay pa niya makarating ang pamimilit ko?
To: Jason Dela Rosa
Woi, good morning, aso
gumising kana at may praktis
tayo
gusto mo bang kay tita dina ko
pa ipadala ang message ko para
magising ka?
alam kong malapit ka sa school
pero bakit nalelate kapa rin ha?
hoy, active now tas d nagrereply
Sagot!
From: Jason Dela Rosa
Anubayan, Yezdaeca inaantok
pa ako mamaya mo na ko
pilitin
To: Jason Dela Rosa
8:20 na tas d ka pa rin nakabangon?
From: Jason Dela Rosa
3am maingay pa ung nasa patay
malapit samin may lamay kaya
puyat ako
Huh? Sinong nagtanong? Wala akong tinatanong kung anong ginawa niya nung gabi.
Lumabas na kami ni Elle ng gate at nag-abang sa dulo ng daan para sa tricycle na tinawag ko. Sumakay kami 'dun nang makalapit at sinabing papunta kami sa kanto sa Petron sa may tindahan 'dun. Nang makababa kami ay saktong may bus na agad. Genesis 'yun at sumakay na rin kaagad kami. Ayokong maghintay ng matagal. Ayokong ma-late.
Umupo ako sa bakanteng upuan malapit sa bintana at tumabi naman sa akin si Elle. Habang nasa byahe ay pinapadalhan ko pa rin ng mensahe si Jason.
To: Jason Dela Rosa
Updated ako sa buhay mo no?
Bumangon ka na jan
From: Jason Dela Rosa
Ano bang oras prac natin?
To: Jason Dela Rosa
nag eexist ang gc para iseen,
hindi para baliwalain tas sakin
magtatanong. sumasakit ulo ko sau
From: Jason Dela Rosa
mas masakit kapag walang ulo
To: Jason Dela Rosa
Babatukan talaga kita mamaya, aso!
From: Jason Dela Rosa
edi wow
ano ngang oras?
To: Jason Dela Rosa
9 gang lunch
From: Jason Dela Rosa
cge 9 ako pupunta
Baliw ba siya? 9 am ang simula ng praktis namin tapus kikilos lang siya ng 9 am?! Nasisiraan na ba 'to?!
To: Jason Dela Rosa
baliw, 8:30 ka pumunta
From: Jason Dela Rosa
asan na ba kayo?
To: Jason Dela Rosa
Orion na
From: Jason Dela Rosa
anong oras kau umalis sa bahay?
To: Jason Dela Rosa
8:17
From: Jason Dela Rosa
8:30 pa lang. Ang bilis niyo naman
To: Jason Dela Rosa
8:30 na pala, kumilos kana, deponggol
From: Jason Dela Rosa
Mamaya ng 9, Lai
Bumuntong hininga ako at nag-reply na lang ng 'bahala ka' sa kanya. Ikinabit ko ang earphones ko sa cellphone at nagpatugtog habang nakatingin ako sa labas, inaantay ang konduktor na magtanong sa amin.
"Ma'am, saan po kayo?"
Nilingon ko ang konduktor at sinabing sa BHC kami. Binigyan niya kami ng parang tickets o mga resibo at hinanda ko ang pambayad namin. Sinabi ko ring estudyante kami kaya may discount kami. Nang makaisang ikot siya at nakabalik sa amin para sa bayad ay agad-agad kong iniabot ang bayad namin.
8:50 am na at nasa may Vista na kami. Kaunti na lang ay nasa school na kami kaya inalog ko ang ulo ni Elle na nasa balikat ko.
"Gising na. Vista na. Malapit na tayo," ani ko.
"Huh?" Kinusot niya pa ang mga mata niya. Nabitin pa yata siya sa tulog niya kagabi. Maaga naman kaming natulog kaya hindi ko alam kung inaantok lang siya sa lamig ng aircon o hindi siya nakatulog ng maayus kagabi.
"Heroes! Heroes!" sigaw ng konduktor kaya tumayo na kami. May mga kasabay kaming bumaba pero kaunti lang rin naman kaming pasaherong nag-aaral sa BHC.
Tumawid kami habang nakahawak sa braso ko si Elle. Napairap na lang ako nang hatakin niya ko ng kaunti. Muntik pa akong matumba sa ginawa niya.
"Shuta! Elle, huwag mo kong hatakin. Tumatawid tayo!"
"Baka mabundol ako."
"Putek, ang lawak ng kalsada. Bitawan mo ko!"
Ngumuso siya at bumitaw sa akin. Nasa gitna pa kasi kami ng kalsada nang hatakin niya ko. Ano bang mangyayari sa kanya kung susunod naman siya sa 'kin? Hindi ko naman siya ipapahamak.
Nakatawid kami at pumuntang entrada ng BHC. Pinakita namin ang mga ID sa guard at pumasok na kami. Hindi na namin kailangang sabihin ang agenda namin dahil may pasok pa naman ang iba at hindi pa naman bakasyon.
Dumiretso kami papuntang JHS Building at pumuntang silid. Inilapag ko 'dun ang small bag ko at nag-chat ulit kay Jason habang nag-aantay. Kami pa lang kasi ni Elle ang nandito. Pati sina Kuya Ranran nakita ko sa silid nila nang kakarating lang namin. May praktis rin yata sila o kinokompleto nila ang mga requirements.
To: Jason Dela Rosa
woi, ginagawamue?
kumikilos ka na?
From: Jason Dela Rosa
Ito nakahiga pa rin
He sent his message with sleepy emoji. Kumunot ang noo ko sa mensahe niya. Nakahiga pa nga. Gusto niya talagang ang nanay pa niya ang papadalhan ko ng mensahe para magising lang siya?
To: Jason Dela Rosa
sira, bumangon kana jan
sab mo 9am ka pupunta tas d
ka pa nga nakakabangon
niloloko mobako?
From: Jason Dela Rosa
sirang plaka ka? paulit-ulit, lai?
I sent him an annoyed emoji as a reply.
From: Jason Dela Rosa
sabi ko nga babangon na ko
To:Jason Dela Rosa
Okiee
Nang hindi na siya nag-seen sa 'kin, tumayo ako at nagpatugtog sa cellphone ko ng KPOP songs. Sumayaw na lang muna ako habang nag-aantay. At least I warmed up myself already before Ash came.
Ilang minuto pa lang ay dumating na rin si Ashton at sumunod naman si Rain. Nagpraktis kami nang mga nabagong steps sa sayaw namin at nang mapagod kami ay pumunta muna kaming canteen.
Natanaw ko na rin naman si Jason na naglalakad papuntang JHS Building nang lumabas kami. He's wearing a white polo shirt with violet diamond pattern as its design. It suits him. It made him more charming.
"Woi, late ka na naman, Aso!" sigaw ko habang kinakawayan siya.
"Kaaga-aga naninigaw ka, Lai!" sigaw niya pabalik at tumakbo papalapit sa akin. Nang makalapit siya ay inayus niya ang buhok niya sa harapan ko. He became taller again. Ano bang ginagawa nito at ang bilis tumangkad? "May tao na sa room?" tanong niya.
"Oo, naiwan si Ash 'dun," sagot ko.
"Wala pa si Sheedise?"
"Wala pa."
"Ang aga mo kong gisingin 'tas wala pa pala si Sheed dito." Ginulo niya ang buhok ko habang sinasabi 'yun.
"Hoy, huwag mong guluhin ang buhok ko at magbubuhol-buhol 'yan!" Tinapik ko ang kamay niyang nasa ulo ko at tinanggal niya 'yun habang tinatawanan ang nakasimangot kong mukha.
"Asar na asar ka na naman sa 'kin, Lai." At nginisian niya ako. Tumibok ang puso ko dahil 'dun at nararamdaman ang pagpula ng mukha ko. There's something about his grin and smile that can make my heart burst.
"Kung kay Arne mo 'yan ginagawa, lalo kang natutuwa," bulong ko sa kanya habang inayus ko ang buhok ko.
I was stunned when he tapped my head and walk ahead of me with his hands inside his pants pockets. I felt something is not right with him. Parang may mali sa presensya niya. Parang may kakaibang bumabagabag sa akin tungkol sa kanya at ano naman kaya 'yun?
"Hindi ko na siya crush, Ellaine," aniya. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang sabihin niya 'yun.
"Huh?" Tinaasan ko siya ng kilay at binatukan. Dumaing naman siya dahil 'dun. "Gagi, kailan pa ha?" tanong ko.
"Masakit 'yung pagkakabatok mo ha. Pinaplano mo bang tanggalan ako ng ulo?"
"Hindi pero kailan pang hindi?"
"March pa."
"Kailan pa 'nun?"
"Hindi ko na siya crush nang pagtripan nila ko at doon ko na-realize na hindi ko na pala siya gusto."
"Mahirap?"
"Anong mahirap?"
"Na mawalan ng crush."
"Hindi, bakit magiging mahirap?" tanong niya at umiwas ng tingin sa 'kin.
"Kung hindi na si Arne, sino na?"
"Anong 'sino na'?"
"Crush mo, natitipuhan mo. Ganun baga."
"Wala pa ulit."
"Duda ako."
"Wala nga."
"You're fishy," ani ko.
"Hindi ako isda."
"Tanga, suspicious kasi 'yun. Hindi ka kasi kapani-paniwala." Binatukan ko na naman siya.
"Aray, mapanakit ka na ah!"
"Wow, nahiya ako. Dati pa kita binabatukan, haler?" I snapped my fingers in front of his face.
"Basta...Hindi ko na siya gusto, Lai. Tsaka, sabihin ko sayo kung sino gusto ko kapag meron na ulit."
"Kunwari ka pang wala pa. Ramdam kong meron ng bago kaya wala na 'yung kay Arne."
He just gave me a small smile and walked out. Nagtaka naman ako sa ngiti niya. Ibig sabihin ba 'nun ay tama ako na may iba na kaya hindi na si Lynarne ang gusto niya? Nagbibiro lang naman ako pero may parte rin sa aking alam kong hindi biro ang sinabi ko. I want to know who's the girl even though I know it's none of my business.
"Ano 'yun? Nag-away ba kayo ni Jason?" tanong ni Rain nang sumabay ulit ako sa kanila sa paglalakad.
"Hindi. Nabatukan ko lang kasi sabi niya dati na mananatili niyang gusto 'yung crush niya hanggang makapanligaw na siya tapus ngayon sabi sa 'kin, wala na raw. 'Di niya na raw crush kaya 'yun, batok inabot sa 'kin!" pagpapaliwanag ko.
"Close na talaga kayo ni Jason 'no? Feel ko ikaw 'yung crush niya," ani naman ni Elle.
I scoffed before answering. "Ako? Putek na assumptions 'yan, hindi makatotohanan!"
"Ikaw ba, Laine? Hindi mo ba natitipuhan si Jason? Gwapo, magaling sumayaw, magaling sa math...Balita ko pa na pangarap niya mag-engineer. Bonus na 'yung pogi siya. Matangkad din. Bingo!" Nagbilang pa si Rain sa daliri niya habang sinasabi 'yun.
"I'll cross the bridge when I get there." Tipid ko siyang nginitian pagkatapus kong sabihin ang katagang 'yun. Galing sa AP lesson namin ang quote na 'yun at alam kong magagamit ko 'yun kaya sinaulo ko na rin. Hindi ko rin naman alam na dito ko pala magagamit ang quote na 'yun.
"Kay Longfellow 'yan ah," reaksyon ni Elle.
"Henry Wadsworth Longfellow," pagkokompleto ko. "Ang ganda kasi, kaya sinaulo ko."
"Ginamit mo na nga," ani ni Rain.
Tumawa na lang ako at hindi literal na sinagot ang tanong niya kanina. I know my feelings and I cannot express it for now. Ayokong pumasok muna sa buhay ng iba. Mambubulabog lang ako kung ganun. Broken pa ako at hindi pa ako handa kaya kahit crush ko si Jason ay hindi pa ako pwedeng umamin. Nakakatakot.
Dumiretso kami sa canteen pra bumili ng makakain bago bumalik sa silid. Nakita kong nasa labas sina Sheedise at Jason, nakikipaglaro ng ML sa mga kaklaseng lalaki ni Kuya Ranran.
"Woi, gago, dalaw sa 'kin!"
"Gago, teka, binubugbog din kami."
"Tanga niyo! Back up dito!"
Napailing na lang ako sa mga sigawan nila. Bardagulan pa nga. Nasanay na rin ako dahil lagi namin silang kasama. Sinanay nila ako sa mga pagmumura nila at hindi na ako nasasaktan kapag nasabihan akong tanga o bobo. Hindi pa naman ako gaanong sanay pero alam kong nasa proseso na akong hindi na ako masasaktan sa mga salita nilang pang bardagol.
Inilapag na namin ang mga gamit namin sa desk ko at nagpraktis ng ilang steps bago kami inutusan ni Ashton na hatakin na papasok ng silid ang dalawang lalaking kasama namin na nasa labas. Sumilip na lang muna ako sa pintuan at sinubukan silang tawagin mula 'dun kaso parang mga bingi yata ang mga loko kapag naglalaro kaya lumapit na ako.
"Pahiramin ko kayo ng tenga, Rocha, Dela Rosa?" Pumamewang ako sa harapan nila at itinaas ni Sheedise ang ulo niya para lingunin ako. Si Jason naman ay hindi ako nilingon at tutok pa rin sa nilalaro niya. "Woi, Jason, hindi ka pa titigil? Praktis na, hoy."
"Teka lang, Ellaine. Kapag namatay ako, sunod na ako 'dun."
Triple Kill.
Hindi pa rin siya namamatay hanggang ngayon at mage role pa ang gamit niya. Kadita pa ang gamit niyang hero sa pagkakaalam ko. Hindi naman ako maalam sa ML pero dahil nanood kami dati sa kanila ay nalaman ko ang pangalan ng main hero niya.
Shut down.
"Oh, namatay ka na. Tara na. Mag-AFK ka na," ani kong tinakpan ang screen ng cellphone niya.
Tinignan niya ako at ngumuso. Ibinalik niya sa home ang screen niya at tinanggal ang ML doon. Iniabot niya sa akin ang cellphone niya at nagpamulsa sa harapan ko.
"Sayo na muna cellphone ko. Baka galawin ko ulit. Alam mo naman pass niyan."
Napatango na lang ako sa sinabi niya. Natulos ako sa kinatatayuan ko habang sinusundan siya ng tingin. Ano na naman ba ang nangyari? Bakit ang simple ng sinabi niya pero parang feeling ko ay nasa Wattpad ako? Na parang nangyayari sa akin ang main character vibes sa isang kwento?
Alam ko ang password ng cellphone niya dahil nakikilaro ako 'dun dati pa. Ganun rin naman siya sa cellphone ko at 'yun ang pinagtataka ng mga kaklase namin. Madalas kaming naaasar na mag-jowa dahil alam namin ang password ng cellphone ng bawat isa. It seems normal to us, but to them, napaka-weird raw. Hindi naman daw kami mag-jowa.
I am starting to overthink things. Totoo naman ang sinasabi nila na para kaming mag-jowa pero ayokong mag-assume sa mga sinasabi nila na kesyo gusto ako ni Jason kaya ganun siya. Lagi rin akong pinagtatanggol ni Jason at naaasar rin ako dahil 'dun. Para na kasi kaming mag-best friend.
"Wow, pinabantayan ang CP sayo ah. Hindi niya pinapahawak 'yan sa iba."
Natauhan ako nang magsalita si Sheedise. Tumingin ako sa kanya nang nakakunot-noo. Hindi pinapabantayan sa iba? Ibig sabihin, sa tuwing hinihiram ko ang cellphone ni Jason at iniiwan niya sa 'kin 'yun ay pinagkakatiwala niya sa 'king iingatan ko ang cellphone niya?
Napatangin ako sa cellphone niyang hawak-hawak ko. Tinatanong ko tuloy ang sarili ko kung anong meron sa akin at pinagkakatiwalaan ako ni Jason sa mga bagay niya. Kahit pa sa panggigising sa kanya ay sa akin lang siya nakikinig. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa kanya at sunod siya nang sunod sa akin kahit hindi ko naman sabihing sumunod siya. Pilitera lang talaga ako at sinasabayan niya lang ang ugali ko.
"Kahit kami, hindi matagal na nakakahawak ng gamit ng lalaking 'yan. Nanakawan ng cellphone nung nag-Manila. Simula 'nun, sayo na lang nagpapahawak ng cellphone 'yan. Anong sikreto mo? Share mo naman. Sharing is caring."
Tumawa na lang ako sa sinabi niya at pumasok ng silid. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa narinig ko mula kay Sheedise. Nabunyag na naman si Jason sa 'kin. Totoo man o hindi ang sinabi ni Sheedise, mas lamang pa rin sa akin ang naniniwala 'dun dahil mas nakikita nila ang mga galaw ni Jason kaysa sa akin. Two years na silang magkasama at normal nang malaman nila ang mga kilos ng bawat isa.
Nakita kong nagse-stretching si Ashton sa isang gilid, nag-uusap sina Elle at Rain sa may desk ko, at nakaupo naman si Jason sa upuang malapit sa teacher's desk habang nakatukod ang siko niya roon at nakapatong ang pisngi sa kamay.
Lumapit ako kay Jason at hinampas ang likod ng cellphone niya sa ulo niya. Napadaing naman siya sa hampas ko at tinakpan ang ulo niya. Binelatan ko siya nang samaan niya ako ng tingin bago ako lumapit sa bag ko at nilagay ang cellphone niya sa loob 'nun. Mabuti ng nasa loob ng bag ko kaysa mawala ko pa mamaya.
"Bakit ka ba nanghahampas, Lai?" tanong niya. Nilapitan niya ako at ginulo ang buhok ko. Hinawi ko ang kamay niya at nagpahawi naman siya.
"Ikaw ha, hindi ka nagsasabing crush mo ko," pang-aasar ko. Ngumisi ako sabay halukipkip. Hanggang leeg niya lang ako, ang tangkad niya kasi.
Wala siyang sinabi nang ilang segundo at tumingin sa likuran ko kung nasaan ang bintana ng silid. "Sino namang may sabi?" tanong niya. Napansin ko rin ang pagpula ng tenga niya habang tinatanong niya 'yun.
Lalong kumunot ang noo ko sa pagtataka sa pagpula ng tenga niya. Hindi naman mamumula ang tenga niya kapag hindi siya nahihiya sa sinasabi niya at 'yun ang napansin ko sa buong taon naming magkasama bilang magkaibigan at magkaklase kaya...Nahihiya ba siya nang asarin ko siya?
"Woi, bakit namumula tenga mo?" Piningot ko ang kanang tenga niya at muntik pa siyang matumba dahil 'dun.
"Aray, pu--"
"Huh?" Tinaasan ko siya ng kilay nang malapit niya na akong murahin.
"Pu-Putlong. Lai, masakit! Bitawan mo!" daing pa niya.
"Bakit namumula tenga mo nang asarin kita ha? May something ka ba sa 'kin?" Hindi na ako nagpaligoy-lingoy pa at nagtanong. Napaka-halata na niya. Ano bang nangyari sa kanya at bigla siyang namula sa asar ko?
Binitawan ko ang tenga niya at hinatak niya ulit 'yun para siguro maibsan ang manhid nang pagkakahatak ko. Medyo napahigpit yata ang mga daliri ko sa pagkakahawak ng tenga niya.
"Sino ba kasing may sabi sayo 'nun? Muntanga ka." Umupo siya sa upuang malapit sa teacher's desk at nagpalung baba ulit.
"Wala, inaasar lang kita kaya bakit ka namula? Hindi ka naman ganyan kapag inasar kita kay Lynarne." Lumapit ako sa teacher's desk at umupo'dun, nagdadalawang isip kung itatanong ko ba ang nasa isip ko. "May crush ka ba sa 'kin?" tanong ko at nakita ko ang pagtingin niya sa akin at mabilis na pagbawi niya 'dun.
"Wala. Wala pa kasi...kaya nakakailang 'yung tanong mo," aniyang mahinahon ang tono.
"Ang bait ng tono mo ngayon. 'Asan si Jason na mapang-asar?"
"Kinulong ko. Nakakainis ka na raw."
"Huh? Marunong pala siyang mainis?" Hinawakan ko ang baba ko at kapagkuwang nag-isip.
"Ano ako? Diyos? Mabait palagi?"
"Hm...Wala akong sinabi, Mr. Pogi."
"P-Pogi?!"
Pinanlakihan niya ako ng mata at nakaawang ang labi niya kaya natawa ako.
"Pogi...Pogi-ta."
Nakita ko ang pag nguso niya pagkatapus kong sabihin 'yun at tuwang tuwa naman ako sa reaksyon niya.
Tinawag na kami ni Ash para sa praktis at pumosisyon na kami. Unang sayaw namin ay ang Cheap Thrills ni Sia. Pagkatapus 'nun ay nag-remix ang music at napalitan ng intro ng DALLA DALLA ng ITZY. Pagkatapus ng intro ay nag-transition agad ang music sa chorus nang makatayo kami. Unang salang pa lang namin nang praktis 'to pero nakakapagod na agad.
"Next na 'yung Dura. Umayus kayo sa likod, Jason at Sheed. Rain, ayusin mo 'yung dalawa," ani ni Ash habang sumasayaw pa rin kami. Alam kong pinipigilan niya rin mahapo dahil kailangan naming ma-master ang sayaw na 'to.
Sumunod na tumugtog ang Dura ni Daddy Yankee at sumayaw na sina Rain, Jason at Sheedise habang kami ay pumosisyon na sa likod dahil susunod na ang special intro ng Rough ng GFriend. Sinayaw naming lahat ang part na 'yun. Kahit sina Sheedise at Jason ay hindi makaka-ayaw kay Ash sa parteng 'yun.
Saktong anim kami at anim rin ang GFriend kaya wala talaga silang choice kung hindi sumama sa formation. Ginawa namin ang pinakadulo ng Rough at ang clock formation. Ilang beses kong prinaktis ang step sa braso at na-perfect ko 'yun ngayon.
Inulit-ulit namin ang choreo namin at nilinis ang ibang mga steps hanggang ma-achieve namin ang 'near perfect'. Hapong hapo na kami nang matapus kami.
Umupo ako sa lamesang malapit sa gilid ko at umupo naman sa lapag sina Jason at Sheedise. Pagod na pagod kaming lahat. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng hita ko. Ako ba naman ang gumawa ng part ni Yeji sa intro ng DALLA DALLA, hindi ba naman ako mahapo? Paulit-ulit ko pang ginagawa nang walang pahinga.
Uminom ako sa tubigan ko at huminga ng ilang beses bago tumayo. Hindi ako tatagal ng nakaupo dahil baka mahimatay ako. Gusto kong kumikilos ako. Nag-stretching ako at jumping jacks para maibsan ang hilong nararamdaman ko at gumana naman 'yun.
Bumalik ako sa desk ko at binuksan ang bag ko para kunin ang cellphone ni Jason para ibigay na sa kanya. Break time naman na kaya pwede niya na ulit gamitin 'yun. Tsaka ko na ulit kukunin kapag magpapraktis na.
Tumingin ako sa paligid at hinanap siya ng mga mata ko. Nakita ko siyang nasa dulo ng silid at naglakad ako papunta kung nasaan sila ni Sheedise. Nakatalikod si Jason, parang may inaayus sa polo niya.
Sumandal ako sa malapit na desk doon at pinaglaruan ang cellphone niyang hawak-hawak ko, iniingatang hindi malaglag 'yun. Mukhang bago pa naman ang cellphone niya, nakakatakot ilaglag.
"Pre, si Ellaine." Tumango si Sheedise sa direksyon ko nang makalabit niya si Jason.
"Huh?" Lumingon naman si Jason sa akin at tumalim ang tingin ko sa kanya. Lumingon siya sa akin nang hindi nakasarado ang mga butones ng polo niya. Tangina naman.
"Isarado mo 'yan," ani ko at tinignan ang mga mata niya para hindi niya maisip na pinapantasya ko siya.
Hindi naman talaga pero maganda ang katawan niya. Wala siyang abs pero flat ang tiyan niya at nakikita ko ang collarbones niya. May tanda rin siya malapit sa kanang collarbone niya. His shoulders are broad and his hands are big and he looks fine.
"Bakit ba? Anong kailangan mo? Nag-aayus lang ako ng damit dito," aniya.
"Cellphone mo." Inilahad ko ang kamay kong hawak ang cellphone niya.
"Ah..." At kinuha niya 'yun mula sa kamay ko. Inilapag niya 'yun sa desk kung saan ako nakaupo at napairap na lang ako. Ibinalik pa rin nga sa akin.
Tumalikod siya at iniayus nag kwelyo ng polo niya bago isinarado niya ang mga butones. Humarap siya sa akin habang inaayus pa rin ang kwelyo niya. "Ayus na?" tanong niya.
Idinaan ko ang mga mata ko mula sa kwelyo hanggang sa seam ng polo niya. Naka-tuck in kasi siya.
"'Yung dulo hindi," ani ko at tumayo. Inayus ko ang dami niya at muli siyang tinignan. "Ayan, ayus na."
"Salamat..." He whispered.
Naramdaman ko ang paglagay niya ng braso niya sa gilid ko at ngiti ang iginawad niya sa akin bago ko naramdaman ang pag-alis niya.
Why is he so fine? Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko.
"Tulala ka diyan, Ellaine." Sheedise snapped his fingers in front of me.
"H-Ha? Hindi ah. Imagination mo lang 'yan," pagpapalusot ko at tumalikod sa kanya, nagbabadyang umalis.
"Walang babaeng tumingin ng ganyan kay Jason, Ellaine." Nahinto ako dahil sa sinabi niya. Anong tingin ang ibig niyang sabihin? "May gusto ka ba kay Jason?" tanong pa niya.
"Wala, bakit?" Mabilis akong sumagot pero nagdadalawang isip na ako sa nararamdaman ko.
"Wala?" He let out a laugh before tapping my shoulder. "Sure ka diyan, huh? Kasi hindi 'yun ang nakikita ko sa mga mata niyo." And then, he left.
Bumalik ako kala Rain at umupo sa upuan ko. Kinuha ko ang cellphone ko at naglaro ng Find the Difference. Nagdadalawang isip ako ngayon kung ano nga ba ang nararamdaman ko.
Hinahangaan ko pa ba siya o gusto ko na? Ginugulo ako 'nun simula nang lumilinaw na sa akin ang lahat, simula nang matapus kami ni Dylan, at simula nang masaktan ako. Ano nga ba talaga ang nararamdaman ko?
Takot lang ba ang humihinto sa akin at nagbabalakid na maglakas-loob o ayoko pa talaga? O in-denial pa rin talag ako sa nararamdaman ko?
Nakakainis na talaga! Kailan ba ako makakatakas sa ganitong pakiramdam? Kailan?