Chereads / THE CHASE ESCAPE (ALGEA SERIES #1) / Chapter 28 - CHAPTER TWENTY-EIGHT

Chapter 28 - CHAPTER TWENTY-EIGHT

"Hello? Ella! Ella to Earth po! Lumilipad na naman ang utak mong gaga ka!"

Naramdaman ko ang sakit ng kaltok ni Rain nang dumapo 'yun sa likod ng ulo ko. Ang lakas ng pagkakatulak niya sa ulo ko at napayuko na ako sa kinauupuan ko. Buti na lang at hindi ako natumba.

"Putek, ang lakas ha!" reklamo ko. "Bakit ba?"

"Kanina ka pa tulala matapus mong lapitan sina Sheedise sa likod. Ano bang problema mo?" tanong niya.

"Huh? Wala..." Pero ang totoo, meron. Namomroblema ako sa nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung papatol na naman ba ako sa love life na 'yan o hindi. Katulad nga ng sabi ng matatanda, bata pa ako at marami pa akong makikilalang lalaki. Hindi lang naman siguro ako kay Jason magkakagusto ng palihim pero hindi pa rin ako sigurado kung gusto ko na siya. Hindi ko nga rin alam kung mahal ko na siya. Basta ang alam ko ay may malabo akong pagtingin sa kanya.

"Wala...Weh? Ano bang sinabi sayo ni Sheedise?" Sinamaan ko siya ng tingin. Chismosa talaga siya. "Pasagap rin!" At dumagdag pa 'tong isa. Napapikit na lang muna ako at nagbuntong hininga bago sila hinarap.

"Wala raw tumingin kay Jason nang katulad ng pagtingin ko sa kanya," sagot ko.

"Huh? Pa'nong tingin?" Tinaasan pa ako ng kilay ni Elle. Bumuntong hininga na lang ulit ako sa pang-ilang beses.

"Hindi ko alam kung anong tingin. Tsaka, sa 'kin niya lang pala pinahawak ang cellphone niya simula nang pumasok siya sa school na' to."

"Eh, 'di hindi lang ikaw ang nakahawak kasi pwedeng may CP rin siya nung ele," ani ni Elle.

"Wala siyang ibang naging cellphone. Tablet lang at kahit 'yun, walang nakahawak na iba."

"Ha?!" sabay pa silang sumigaw. Tumango na lang ako at lalo nila akong pinanlakihan ng mata. "Jinjja?! Wae?!" Napairap na lang ako sa pag-Korean ni Rain na ang ibig sabihin ay 'Really?! Why?'.

"Yeah, soreha...hm...shinjitsudesu." Sa Ingles ay 'Yeah, it's the truth'.

"Gagi...Sis, baka gusto ka ni Jason!"

"Tanga, iba crush niya nung sinimulan niyang ipahawak sa 'kin ang cellphone niya," ani kong humalukipkip at sumandal sa upuan ko.

"Baka naman palusot lang 'yun para mapalapit sayo!"

"Sira. Hindu ganun si Jason kapag may gusto kay Ella. Lumalayo 'yun, 'di ba?" bulyaw ni Elle.

"Wala na namang rason para lumayo si Jason. Wala na 'tong gagang 'to at si 'betrayer'."

"Ang ganda ng nickname, huh? Betrayer." I scoffed.

"Pero...sure kang hindi ka gusto ni Jason, Laine?" tanong niya pa.

Tumingin ako sa screen ng cellphone ko at naghanap ng mga nawawala sa Find the Differences bago ko muling binaling ang paningin ko sa kanya.

"Malay ko pero...wala pa akong planong pumasok ulit sa MU," ani ko.

"Hindi mo sure~" pang-aasar ni Elle at siniko ko siya.

Nang tawagain na ulit kami ni Ash ay ako ulit ang tumawag kina Sheedise at Jason sa labas habang nakadungaw lang sa may pintuan. Nakita ko namang agad-agad tumayo si Jason at pinatay ang cellphone niya nang kalabitin siya ni Sheedise at sinabing tinatawag ko na sila.

Tuloy-tuloy pumasok si Sheedise habang si Jason ay huminto sa harapan ko at inabot sa 'kin ang cellphone niya nang nakapamulsa at hindi nakatingin lang ng diretso sa dinadaanan niya. Kinuha ko 'yun at sumabay na ng lakad sa kanya pero dumiretso ako sa desk ko at nilagay ang cellphone niya sa loob ng bag ko para hindi ko mawala.

Nagpraktis ulit kami at inabot kami ng four rounds bago matapus ang praktis. Hapong hapo na rin kami ng matapus. Umupo ako sa upuan na nakadikit sa desk ko at umupo naman si Jason sa tabi ko at yumuko sa desk katabi ng desk ko. Pawis na pawis siya kaya hinawakan ko kaagad ang panyong nasa bulsa ko at nagdalawang isip pa kung ipapamunas ko sa leeg niya 'yun o hindi.

Hindi rin naman ako nakatiis at pinunasan ang leeg at ulo niya. Ibinangon niya ang ulo niya at kapagkuwang sumandal sa upuan habang pinupunasan ko na rin ang noo niya. Nakatitig lang siya sa akin habang ginagawa ko 'yun. Nang mailang ako sa titig niya ay tinignan ko siya sa mata at nginitian. "Pawis ka kasi," pagdadahilan ko bago ko binawi ang kamay kong hawak ang panyo ko at binadya kong ibaba 'yun.

"Teka."

Hinawakan niya ang pulsuhan ko at inilapat ang hawak kong panyo sa likod ng kaliwang tenga niya. Naramdaman ko na naman ang pagtibok ng puso ko. Tangina. Ang lambot rin ng palad niyang nakahawak sa 'kin. Parang may dumaloy na kuryente tuloy sa katawan ko dahil sa hawak niya.

Binitawan niya 'yun nang matapus siya at umiwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng hiya. Pucha kasi, bakit ganun siya? Binaliktad ko ng tupi ang panyo ko tsaka ipinunas sa noo ko. Wala na naman akong pakialam sa likod ko dahil malamig naman sa paligid, matutuyo naman agad 'yun.

"Ayiee~ Ehem...Ehem...Inuubo kami...Ehem...Ack!"

Sinamaan ko ng tingin sina Rain at Elle habang nakangisi na silang nakatingin sa amin ni Jason. Nang lingunin ko naman si Jason ay wala naman siyang inireaksyon sa dalawa at naka-poker face lang. Pinaglalaruan ba ako nito sa sweetness niya? Gwapo na siya at aaminin ko 'yun pero hindi naman ako mahilig sa gwapo kaya saan ba ako naa-attract sa kanya?

"'Yung titig, Ellaine, nakakatunaw."

Tumingin ako sa likod ni Jason at nakita 'dun si Sheedise na nakangisi na rin. Napairap na lang ako. Ano bang problema nila at ngisi sila nang ngisi sa akin ngayong araw?

I tapped my fingers on my desk to distract myself from my thoughts. Hindi ko pa rin kasi mapuna kung ano ba talaga ang totoo. Kung gusto ko na ba ang katabi ko ngayon o masyado lang talaga akong maalaga sa isang tao pero alam kong hindi naman ako ganito dati. Masyadong nag-aalala, masyadong attached, masyadong nagagalingan. I admired people but I cannot help to differ what I feel for Jason. Ano ba kasing meron sa 'kin at ganito ang nararamdaman ko para sa kanya? Para akong mababaliw. Ganito ba ma-in love?

"May dumi ba sa mukha ko, Lai?"

Nagulat ako sa biglaang tanong ni Jason kaya napalingon ako sa kanya. Kumurap pa ako para masiguradong hindi ako nananaginip na nagsalita siya.

"Ah...wala, bakit?" tanong ko at umiwas ng tingin, agad na nagpalung baba.

"Bakit titig na titig ka kanina?"

I hummed, pretending that I didn't hear him. Hindi ko naman sinasadyang tumitig sa kanya ng matagal. Nag-iisip lang talaga ako at lumulutang ang utak ko dahil sa kanya. Kasalanan naman niya kung bakit ako napatitig.

"Lai," tawag niya pero hindi ko pa rin ako namansin. "Lai, look at me."

Nang mag-English na siya ay tsaka ako napalingon at tinaasan siya ng kilay. "Wow, English!" I exclaimed. "Napapa-English ka kapag hindi ako tumitingin, huh? Englishero," pang-aasar ko.

"Bakit ka ba titig na titig kanina?" pag-uulit niya ng tanong niya.

"Wala," I hummed. "Hindi ko sinasadyang mapatitig habang nag-iisip ako ng random na bagay."

"Ah...Pahiram ako cellphone mo!" Hinablot niya ang cellphone kong nakapatong sa desk ko at binuksan 'yun. Wala naman akong pakialam kung mabuksan niya 'yun dahil hindi niya naman ginagalaw ang Messenger ko, pwera na lang kung sabihin kong may tignan siya habang naglalaro siya gamit ang cellphone ko.

"Wow, nagpapahiramanan ng cellphone at alam pass ng isa't isa! Eh, 'di sana langis!" sigaw ni Sheedise habang nakatukod ang siko niya sa may bintana.

"Tse!" ismid ko.

"Tse tse ka pa, Ellaine, para kayong mag-jowa ni Jason! Kayo na lang kaya? Matuwa pa 'ko."

"Hindi na ako papatulan niyan. 'Yung mga type niyan pang-Top One," sagot ko.

"Pa'no mo nasabing hindi kita papatulan, Ellaine?"

Lahat kami ay napatingin kay Jason pero alam ko sa sarili kong ako ang pinaka-nagulat sa tinanong niya. I was too stunned to speak. I was caught off guard by the question. Nakaawang ng kaunti ang bibig ko habang nakatingin sa kanya, tulala.

"What?" Nakakunot ang noo ko habang sinasabi 'yun. He smirked at me and lean foward. I am stun to speak again. "Hindi ka naman bingi, Lai. Ang sabi ko...Pa'no mo nasabing hindi kita papatulan...Ellaine?"

Inulit niya pa talaga. Kumurap ako nang marinig ko ang buong first name ko galing sa bibig niya. He never called me in my first name if it's in front of me. It's either Yezdaeca, Lai or Eca but never Ellaine. I was never Ellaine for him. I was unique to him.

"Type mo si Lynarne at for sure, may iba ka ring type na kasing ganda niya...kasing talino niya...kasing--"

"Lai.." I looked at him when he called me with his 'made-up' nickname for me. "...Sure ka?" His eyes screamed affection but I don't want to assume things...but I can tell he has feelings for me. Just like how I knew Dylan's feelings.

"H-Hindi...pero papatulan mo 'ko?" tanong ko.

Muli siyang sumandal sa upuan niya nang hindi pa rin inaalis sa akin ang paningin niya. I felt I'm melting because of it.

"Oo..." I felt my world stop. "...kung papayag ka," He finished his sentence. My heart couldn't stop beating. Para niya akong hinugutan ng hininga sa sinabi niya. Tangina, ngayon lang may nagsabi sa 'kin ng ganito.

"H-Hoy! Huwag kang magbiro ng ganyan! Friends lang tayo, hoy! Jason!"

"Ow, shi--Busted ka kaagad, pre! Ayus 'yan. Kanta ka na lang ng...Kung panalangin ko' y 'di marinig~ Eh, 'di sabihin pakuha mo na lang si Ellaine kay Lord."

"Gago ka, pre!" Sinuntok palikod ni Jason si Sheedise at umiwas naman ang loko 'dun.

"Gago! Ellaine, huwag mong papayagan 'yang patulan ka! Mamamatay-tao oh!"

"Gago!" sigaw ni Jason sa kanya.

Pinagpalit-palitan ko lang sila ng tingin habang nag-aaway sila. Gulong gulo pa rin ako sa sinabi ni Jason. Papatulan niya 'ko? Hindi pa rin nagsi-sink in lahat sa utak ko.

"Pero Lai..." Once again, he addressed me by that nickname. "...payag ka kung liligawan kita?"

Ligaw?!

"LIGAW?!" Dumagundong ang boses ng mga tao sa paligid namin. Nakanganga silang lahat habang ako ay nakatakip sa magkabilang tenga ko. Nakakagulat naman kasi talaga.

"Oh, bakit? Hindi ba pwedeng ligawan si Lai?" Itinuro niya ako at nilingon si Elle sa likod ko. "Elle?" He sounded like he's asking for permission.

Napatingin na lang rin ako sa likod at nakitang nakasandal na ang pwetan ni Elle sa desk at magkakrus ang nga braso niya. "Hindi naman ako sila mommy. Kala mommy ka magpaalam," aniya.

"Eh, 'di pasabay umuwi mamaya."

Kumunot ang noo ni Elle sa sinabi ni Jason at nanuyo naman ang lalamunan ko, hindi pa rin makapagsalita. Hindi pa rin talaga nagsi-sink in sa 'kin lahat ng sinasabi niya. Ano bang nangyayari? Akala ko ba praktis lang ang gagawin ko sa BHC? Bakit panliligaw na ang usapan ngayon?

"Seryoso ka, Jason?" tanong ni Elle.

"Mukha ba akong nagbibiro?" He stand up and pats my head. Napatingin lang ako sa kanya at hindi nagsalita. Wala akong masabi. Totoo ba 'to?

"Manliligaw ako kay Yezdaeca simula April 3. Tandaan niyo 'yan."

Natapus ang praktis namin at inayus ko na ang mga gamit ko. Inilabas ko na rin ang cellphone ni Jason mula sa bag ko at ibinalik 'yun sa kanya nang hindi magsasalita. Paalis na sana ako sa harapan niya nang magsalita siya.

"Naninibago ka ba?" tanong niya.

Mabagal akong lumingon sa kanya nang nagsisimula nang mamasa ang kamay ko.

"Medyo...Hindi ko naman expected na tototohanin mo. Parang ang imposible kasi. April Fool's pa ngayon. Sure kang hindi ka nagbibiro?" tanong ko pa. It's already April 1 and we don't know if he's just fooling me or not. It can be...But based on his tone, he's not. I can tell that's he's not joking or fooling me.

"April Fool's pala? Wala akong pakialam 'dun."

Pinaikot niya ang cellphone niya sa ere at sinapo 'yun. Inulit-ulit niya lang ang pagbato at tumalikod na ako. Kinuha ko ang bag ko at akmang aalis na dahil inaantay na rin naman ako ni Elle at Kuya Ranran.

"Pasabay," aniya na ikinahinto ko. Lumingon ako sa kanya pero nasa gilid ko na siya nang lingunin ko. Ang tangkad niya talaga. "Punta rin ako sa inyo. Magpapaalam ako."

"Kanino?" patay-malisya kong tanong.

"Kanino?" pag-uulit niya. "Sa mga magulang niyo ni Elle. Ipagpapaalam ko kung pwede kang ligawan."

Muling tumibok ang puso ko sa sinabi niya. Tinotohanan niya ang mga expectations ko sa isang lalaking gustong manligaw sa akin. He exceeded the expectations and I was shocked. Lord, siya na ba?

"Sige..."

Sabay kaming lumabas at tumakbo kaagad ako kina Kuya Ranran habang kumakaway nang makita ko sila sa nalapit na bench sa tapat ng JHS Building.

"May pupuntahan pa ba kayo?" tanong ko.

"Uwi na rin kami. Sasabay raw kayo sabi ni Elle?" tanong ni Kuya Ranran.

"Oo, may sasabay sa 'tin."

"Sino?"

"Si Jason."

"'Yung pinagseselosan ni Dylan dati?"

"Soon to be manliligaw ni Ella," sagot ni Elle.

"Gagi, weh? Sasabay kasi..." Tinakpan niya ang bibig niya. "Sasabay kasi magpapaalam kala tita?!"

Tumango na lang ako at isinarado ang bibig niya nang maiwang nakaawang 'yun. Nasa labas pa naman kami, baka mapasukan ng langaw ang bibig niya.

Tinanguan ko si Jason na nasa likod ko na aalis na kami at nagsimula na kaming maglakad papalayo. Nakasalubong pa namin si Sheedise at kinausap muna siya ni Jason bago sumunod ulit sa amin. Tumango-tango naman si Sheedise at nginitian ako nang mapansing nakatingin ako sa kanila. Inirapan ko siya at nagkunwaring hindi ako nakikichismis.

"Gwapo si Jason, in fairness! Naka-pull ka ng gwapo, Ellaine, ha!" Siniko ako ni Kuya Ranran habang sinasabi niya 'yun. Kumunot ang noo ko at inirapan siya. It was unexpected. Hindi ko namang hiniling na ligawan ako ni Jason. "Matangkad pa at moreno. Type mo mga ganyan eh!"

"Sa anime 'yun, hindi sa totoong buhay," pangongontra ko. Totoo namang sa anime lang ang type kong ganun. Hattori Heiji forever!

"Ang bitter. Iniwan lang ni Dylan. Lhen, pakipasakan nga ang pinsan ko ng dosage ng pagmamahal. Kinulang!" sigaw ni Kuya Ranran kay Ate Ericka na nasa tabi ko. Nasa gitna kasi nila ako.

"Tigilan mo siya, Raniel. Normal lang ma-broken."

"Asus, parehas lang kayo broken. Nakipag-break na kasi sayo jowa mo."

"Tse! Ayus na 'ko! Huwag mo ng ipasok ang ex ko dito!"

"Sana all ex," ani ni Elle.

"Buti naman nagsalita ka na, 'hindi na magkakajowa'?" pang-aasar naman ni Kuya Ranran kay Elle.

"Nakakahiya sa nagsalita na laging broken 'tas pinapaiyak," bawi naman ng kakambal ko.

"Mapanakit ka ha!"

"Hindi ako ang nauna." At binelatan siya ni Elle.

Naglakad kami papunta sa harapan ng BHC at nag-abang ng bus na dadaan para makasakay na kami. Nasa likod ko naman si Jason. He's quiet and holding the strap of his bag. He fixed his hair when the wind messed it up.

"Hoy!" Binunggo ni Ate Ericka ang braso ko at napadaing naman ako dahil 'dun. "Huwag puro titig. Makipag-usap ka.

"Tinitignan ko lang eh," ani kong ngumuso habang hinimas ang braso kong binunggo niya. Nakakapanibago lang talagang may nagkagusto sa aking ganun kagwapo. Hindi ko first time na may magkagusto sa aking gwapo pero iba ang dating ni Jason.

"Gwapo 'no?" Muli akong binunggo sa braso ni Ate Ericka. Magre-wrestling ba kami?

"Oo pero hindi ko siya gusto." Weh, self? Duda ka rin sa sarili mo.

"Weh? Hindi 'yun ang sinasabi ng mukha mong nangingiti ngayon." Tinuro niya ang mukha ko.

"Ate Ericka, hindi nga!"

"Naku, in-denial pa pala ang puso ni ineng."

"Malay."

Dumating na ang hinihintay naming bus at sumakay kami 'dun. Pinakita namin ang mga ID namin para mayroon kaming discount tsaka nagbayad. Ganun rin naman ang ginawa ni Jason.

Sa likod kami nakasakay at malapit ako sa bintana. Sa tabi ko naman ay si Jason. Sinundan siya nina Ate Ericka, Kuya Ranran at Elle. Nagsuot na lang ako ng earphones at nag-music.

Nang antukin ako ay ihinili ko ang ulo ko sa sandalan at pumikit. Medyo nauuntog ako at hindi komportable sa posisyon ko pero ayus lang. At least hindi ako hihiga sa balikat ni Jason habang nasa byahe.

Ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa rin ako makatulog ng maayus. Parang paiglip-iglip lang ang nagagawa ko dahil sa pag-untog ng ulo ko sa sandalan. Nakakainis na pero ayoko namang humiga kay Jason.

"Lai."

"Hm?"

Kumunot ang noo ko sa pagtawag niya at sinubukan uling matulog pero wala talaga at iglip lang ang magagawa ko. Ang tagal pa ng byahe namin at medyo traffic pa sa may bandang Pilar dahil may ginagawa na namang daan. Palagi namang may ginagawang daan sa may banda 'dun. Lagi bang sinisira ni Hulk ang daan 'dun para i-repair nang i-repair?

Muli kong sibunukang matulog pero wala talaga. Naramdaman ko na lang ang pagtulak ng isang kamay sa ulo ko at awtomatiko na akong napahiga sa balikat niya. Sa init ng kamay niya na nakadikit sa tenga ko ay naramdaman ko bigla ang init ng katawan ko na umaakyat hanggang sa mukha ko. Mahabagin! Sabi kong hindi ko kailangan ng balikat para makatulog!

"Jason..." Itinaas ko ang ulo ko para makita siyang nakatingin lang ng diretso. Namumula na rin ang tenga niya dahil siguro sa init.

"Matulog ka na lang, Lai. Mas komportable ka kapag ganito, 'di ba?"

"Pero--"

"Huwag ka nang mag-dahilan. Wala ng rason para humindi ka sa paghiga sa balikat ko. Matutulog ka lang, Lai. Gawin mo ng unan ang balikat ko."

Hindi na ako nakakibo pa sa sinabi niya. Tama naman siya sa parteng wala na akong rason para humindi sa kanya pero nakakaramdam pa rin ako na may niloloko ako.

Siguro ay nasanay lang akong may MU ako kaya naiilang ako sa pinapakita ni Jason. Hindi ko first time maalagaan ng ganito pero iba ang psg-aalaga niya. Iyun ay ang gusto kong pag-aalaga sa akin. Ang pag-aalagang alam kong hindi ako mapapahamak. He became my safe place today.

Humiga na lang ako sa balikat niya at hindi na nagreklamo. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang matulog. Hindi niya inalis ang kamay niyang nasa ulo ko at kaunti niyang hinimas ang gilid ng ulo ko. It sent electricity to my body and ny heart won't stop beating.

Nakakaantok ang haplos niya sa akin. Para akong tutang nakadikit sa amo niya at natutulog dahil sa haplos ng amo. It just made me feel at ease. Parang wala akong prinoproblemang sayaw para sa recognition.

Ganito ba talaga dapat i-celebrate ang April Fool's Day?

"Lai, malapit na tayo."

Bumangon ako dahil sa pag-amo niya sa ulo ko. Kinusot ko ang mga mata ko at tsinek kung merong muta 'yun. Sumandal ako sa upuan ko bago tumingin sa paligid. Medyo blur pa ang paningin ko dahil kagigising ko lang pero maayus naman akong nakatulog. Nanaginip pa akong nakauwi na ako at kami na raw ni Jason. Wala na raw ligaw-ligaw na naganap. Parang tanga lang ang panaginip ko.

Nilingon ko si Jason at nakitang nakangiti siya habang tinitignan ako. "Bakit?" tanong ko habang inaantok pa rin.

Tinawanan niya lang ako at kinalabit si Kuya Ranran. Hindi ko narinig ang sinabi niya kay Kuya Ranran pero naramdaman kong may kumalabit sa hita ko at nilingon ko kaagad 'yun para malaman kung sino 'yun. Si Elle lang pala.

"Sarap tulog natin ah?" Nakangisi siya habang sinasabi 'yun at sinamaan ko siya ng tingin bago ibinaling ang mata sa labas.

Itinabi ko ang earphones ko sa bag at binuksan ang cellphone ko para ma-text si mommy.

To: Mommy

pauwi na kami malapit na

andiyan si daddy sa baba?

Saktong pagkapadala ko ng mensahe ay huminto ang sinasakyan namin. "Tundol, Tundol!" sigaw ng konduktor. Bumaba na kaming lima at hunintay na makaalis ang bus sa harapan namin bago kami tumawag ng dalawang tricycle para masakyan. Isa para kay Ate Ericka at Kuya Ranran at isa naman para sa amin nina Elle at Jason.

Tumunog ang cellphpone ko at tinignan ko kung sino ang nag-message sa akin. Si mommy lang pala. Sinilip ko kung anong sagot niya sa text ko kanina.

From: Mommy

Oo nand2 sa baba bakit

ingat kayo

To: Mommy

may bisita kayo kasabay namin,

sabihin niyo kay daddy importante

Sumakay kami nang tricycle pagkatapus kong maipadala ang text ko kay mommy. Kami ni Elle sa loob ng tricycle habang sa likod naman umupo si Jason. Sinabi ko kung saan kami at umandar na ang tricycle papunta sa bahay. Nang makarating kami 'dun ay nagbayad kami at bumaba. Nakita ki naman ang pagkakadungaw ni mommy sa screen door sa harapan ng bahay.

Inaabangan pa nga kami.

Lumabas siya at ineskamina si Jason gamit ang mga mata niya. "Sino 'to?" tanong niya. Napahampas na lang ako sa noo ko.

"Good afternoon, tita. Jason Lavin Dela Rosa po." Nagmano siya kay mommy habang sinasabi 'yun bago bumalik sa tabi ko. "Itatanong ko lang po sana kung pwede ko ho bang ligawan ang panganay niyo?"

Umawang ang labi ni mommy at binigyan ako ng nagtatakang tingin. Umiwas ako ng tingin. Kahit ako naman ay nagulat nang sabihin 'yan kanina ni Jason.

"Ate...Hindi mo sinabing...'yung importanteng bisita ay manliligaw mo pala?" Napakamot na lang ako sa ulo ko sa tanong niya. Hindi ko rin naman alam na manliligaw sa akin si Jason. Biglaan lang din siyang nagsabi kanina sa praktis.

"Ah...Eh..."

"'My, magiging manliligaw pa lang niya. Magpapaalam pa sa inyo," ani ni Elle.

"Ah...Taga-saan ka, Jason?" tanong ni mommy. So, the interview started.

"Balanga po."

"Ha?!" Pare-parehas kaming nagulat sa reaksyon ni mommy pero agad niya namang binawi 'yun at tumikhim bao ulit nagsalita. "Paano ka nakarating dito?"

"Kasabay namin kaya ibig sabihin sumabay sa 'min, 'my," sagot na naman ni Elle.

Alam niyang hindi ako makakasagot kay mommy at hindi ako makakakibo dahil nabigla lang rin naman ako. Hindi ko nga alam na may planong manligaw sa 'kin si Jason! Ni hindi ko nga rin alam kung gusto niya 'ko! Pucha kasi. Bakit biglaan?

"Oh, antay kayo diyan sa may payong. Tawagin ko lang si daddy niyo."

Pumasok sa bahay si mommy at pumunta kami sa payong para doon umupo. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Jason habang tumitingin sa paligid.

"Maaliwalas pala dito," komento niya. Napangiti na lang ako sa reaksyon niya.

"Oo," ani ko.

Umupo ako at yumuko. Nararamdaman ko pa rin ang antok ko mula sa byahe. Biglang may pumatong na kamay sa ulo ko kaya napatingala ako at tinignan ng masama si Jason. Ginagawa niya na akong aso sa oras na 'to.

"Ikaw ang aso kaya dapat ikaw ang tina-tap sa ulo!"

Inabot ko ang ulo niya at ginulo ang buhok niya. Tumawa siya nang mahawi niya ang kamay ko mula sa ulo niya at natawa na lang rin ako pabalik.

"Ella, 'asan bag mo? Akin na, ipasok ko na sa bahay. Iwanan ko muna kayo. OP ako eh," ani ni Elle at inilahad ang kamay niya. Ibinigay ko ang bag ko sa kanya at tumatalong dumaan sa likuran ng bahay para makapasok.

Pinanood ko lang si Elle hanggang sa makapasok. Naramdaman ko tuloy ang tensyon nang mawala na si Elle sa paningin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayon dahil naiilang ako sa tuwing naaalala kong nandito si Jason para tanungin sina mommy at daddy kung pwede akong ligawan. Wala sa isipan kong magpapaligaw ako ng Grade 8 pa lang ako. Wala 'yun sa utak ko.

"So..." Lumingon ako kay Jason. Itinukod ko ang kaliwang siko ko sa lamesa 'dun bilang suporta at inihiga ko ang pisngi ko sa palad ko. "...Bakit mo napagdesisyunang ligawan ako?" tanong ko.

Binabagabag ako ng katanungang 'yun nang simulan niya akong ipagtanggol kay Dylan. Hindi ko alam kung normal lang ba talaga sa kanyang iligtas ang isang babae dahil lalaki siya o special treatment ang ginagawa niya sa 'kin.

"Pag umamin ba ako, hindi mo ko lalayuan?" tanong niya. Lumingon siya sa akin at medyo nagulat ako nang mapagtanto kong malapit kami sa isa't isa.

Ginulo ng distansya namin ang utak ko at lalong nagulantang rin ako dahil sa katanungan niya. Bakit ko naman ako lalayo sa kanya? May rason ba? O napansin niya lang na dumidistansya ako kay Dylan noong MU kami kaya niya naitanong?

"Huh? Bakit ako lalayo?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Kasi 'yun ang ginawa mo kay Dylan at kay...Harold."

"Paano mo nalaman ang kay Harold?" tanong kong nagtataka. Wala akong naikwento sa kanya nang kahit anong bagay tungkol kay Harold.

"Kay Dylan," sagot niyang walang pagdadalawang isip na ibunyag sa akin. "Pinagseselosan niya rin. Matalino rin ba 'yun?" tanong niya.

"Sakto lang, bakit?"

"Sasagutin mo kaya ako kahit hindi ako matalino?" tanong niya.

I stared at him. Ngayon ko lang na-realize na first time ko rin pa lang magkaroon ng nararamdaman sa isang katulad niya. Aaminin kong hindi naman siya matalino sa pag-aaral pero may iba naman siyang talento at hindi ko 'yun maipagkakait sa kanya.

"Balik tayo sa tanong ko...Bakit mo ako liligawan?"

"Simula na ba 'to ng interview?" He chuckled. His laugh also screams elegance.

"Hindi naman pero bakit?"

"Thank you for your wonderful question, Yezdaeca." Kunwari pa siyang yumuko sa harapan ko na parang prinsipe. "To answe your wonderful question, I would like to say...thank you." Yumuko ulit siya. Umirap ako at binatukan siya dahi ayaw niya pang sagutin ang tanong ko. Dumaing siya dahil 'dun at ibinangon ang ulo niya. "Ito na nga, Lai. Sasagot na."

"Bilisan mo."

Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib ko at sumandal. Nakalimutan kong wala nga palang sandalan dito kaya muntik pa akong matumba sa kinauupuan ko. Pucha, bigla akong natatanga dahil sa presensya niya.

Sinalo niya ang likod ko at inalalayan akong makabalik sa pagkakaupo ko. Hinabol ko ang hininga ko at mabilis ang pagtibok ng puso ko. Jusko. Mahabagin. Kinabahan ako!

"Matutumba ka pa," pang-aasar niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at nagpalung baba sa lamesa. Narinig ko ang pagtikhim niya kaya tumingin ako sa kanya.

"Oh, may sagot ka na?" tanong ko.

"Lalayuan mo ba ako?" tanong niya pabalik.

Huminga ako ng malalim. Wala akong hindi nilayuan noong nagka-crush ako noong elementary pwera na lang kung close na close ko na ang nagin crush ko. Parang naging extra na lang sa pagkakaibigan namin ang crush dati at saglit lang. Parang naging fling lang sila sa akin.

"Hindi," buong desisyon kong sagot. "Kaya sagutin mo ang tanong ko. Bakit mo nga 'ko liligawan, Aso?"

Tumalim ang tingin niya sa akin pagkatapus kong sabihin ang tanong nang pabiro. Napalunok ako at napakagat sa pang-ibabang labi ko dahil sa nararamdaman kong kaba. Nakakainis. Ayaw huminto ng puso ko sa pagtibok habang nillalabanan ko ang titig niya.

"Lai..." Lalo akong kinabahan nang banggitin niya ang nickname na 'yun. "Ellaine Yezdaeca Gonzales..." Lalo pa niyang pinalala ang kaba ko nang banggitin niya ang buong pangalan ko. Lalo kong nilaliman ang pagkagat sa labi ko. Shit. Bakit ganito katindi ang kaba ko?

Huminga siya ng malalim bago pinakawalan 'yun at nabawasan 'nun ang kaba ko. Alam kong kinakabahan rin siya dahil baka iwasan ko siya kung makaamin na siya. Pero paano ko siya iiwasan kung liligaw niya 'ko, 'di ba? 'Yun rin ang tanong ko.

Tsaka, wala akong planong iwasan siya. Wala talaga. Hindi katulad sa iba ay malala ang nararamdaman kong ilang. Sa kanya, parang kasama ko lang si Elle. Parang tahanan ko lang siya at hindi ko rin alam kung bakit ganun.

"Lai, gusto kita." At huminto ang ikot ng mundo ko ng sabihin niya 'yun.