[Jason's POV]
Pumasok ako sa school nang magla-lunch time na. First day pa lang naman at maluwag pa naman ang schedule namin. Orientations at pagpapakilala lang ng mga bagong teachers at estudyante ang gagawin ngayon kaya ayusz lang naman sigurong late ako.
Umupo ako sa bakanteng upuan nang makarating ako sa room. Nakuha agad ng babaeng katabi ko sa kanan ang atensyon ko. Makapal ang buhok niya, maliit, at payat. In short, maganda siya. Feel ko nga ay crush ko na siya kaagad.
Nagkaroon naman kami ng mga pre-test sa mga subjects at dalawang beses ko naging ka-partner si Ellaine dahil kinulang kami ng mga test papers.
"Tara, share tayo sa test paper. Sabi ni ma'am eh. Dito lang ako sa tabi mo. Magsagot ka lang diyan," aniyang sinimulang tignan ang unang parte ng test. Tinitigan ko lang siya at naramdaman ko ang pagkailang niya sa presensya ko.
"Wait lang, hindi pa ako tapus," aniyang ikinatigil ko sa pagbabaliktad ng papel. Nanghula lang naman kasi ako ng mga sagot dahil pre-test lang naman. Hindi ko naman kailangang seryosohin ang test. "Pero pwede ka naman magsagot! Ganto gagawin natin para hindi ka na mahirapan at matapus mo na pagsasagot mo," dagdag niya pang hinawakan ang papel sa gitna. Hindi ko na siya pinigilan sa paghawak niya roon.
Natawa na lang ako sa isip-isip ko. Pansin ko ring hindi niya ko tinatawag sa pangalan ko. Nakimutan niya ba kung sino ako? Wala rin naman akong planong sabihin kung ano ang pangalan ko kaya bahala na.
"Pwede naman nating gawin ang ginawa natin kanin--"
Napabuntong hininga na lang ako. Napakabait naman niya. Sobra siyang nahihiya at gusto niyang makapagsagot ako ng maayus dahil nauuna ako sa kanya. Lalo ko lang siyang nagiging crush dahil sa ginagawa niya. Maganda na nga, mabait pa.
"Tapusin mo muna 'yung sayo bago natin baliktarin," pagputol ko sa sasabihin niya.
Nakita kong natulala siya sa sinabi ko. Siguro, naninibago siyang nagsalita ako sa kanya. Wala lang talaga akong planong magsalita sa kanya dahil bago siya at hindi ako sanay makipag-usap sa mga bago.
"Tol, crush ko 'yung bagong kaklase natin," ani ni Dylan sa akin habang naglalakad kami papuntang canteen. Humiwalay muna siya kala Lexie para ibalita lang sakin 'yun?
"Sino 'dun?" tanong ko.
"Katabi mo."
Ah, si Ellaine.
"Ang ganda niya, pre! Huwag mong magugustuhan, pre, ah. Kukunin ko 'yun."
Oo, maganda nga siya pero hindi niya deserve matraydor ng isang katulad mo.
"Hindi ko na siya gusto," aniya nang makaalis na si Ellaine papuntang service.
Gabi na at katatapus lang ng tour namin. Hindi na naman kami nakauwi kaagad dahil nakita kong pinaghihigpitan ng kamay ni Dylan si Ellaine sa plaza at hindi ko nagustuhan 'yun. Dapat hindi niya pinaghihigpitan ng kamay ang babae kahit na nagagalit na siya.
"Bakit ka nagwawala kanina kung hindi na pala?" tanong ko.
"Nagseselos pa rin ako sayo kaya layuan mo siya," pagbabanta niyang ikinatawa ko. Walang laman ang banta niya dahil wala na raw siyang gusto kay Ellaine kaya paano niya nagagawang magbanta?
"Nagseselos ka sa 'kin? At bakit naman?" Nginisian ko siya, hindi naniniwalang hindi niya na gusto si Ellaine. Hindi na naman siya magseselos sa akin kung hindi niya na gusto si Ellaine.
"Dahil wala ka namang ginagawa, napapasaya mo siya. Bigla-bigla na lang siyang ngingiti sayo. Paano? Napagod na ako sa mga tingin niya na laging sayo nakasulyap."
Muli na naman akong napangisi habang nakatingin sa isang poste ng ilaw. Hindi ko rin naman alam kung bakit tumatawa nang tumatawa si Ellaine kapag sa akin. Mababaw lang siguro ang kaligayahan niya kaya ganun.
"Hindi sa 'kin nakasulyap 'yun," sagot ko.
"Ikaw siguro ang gusto niya." Ang lakas niya namang makaduda.
"You don't really knew her well, huh?" tanong ko at nakita ko ang pagtataka niya sa sinabi ko. "Tinawag mo siyang malandi at manggagamit pero nilandi ka ba niya para magustuhan mo siya? Hindi. Ginamit ka ba niya para makapasa sa mga subjects niya? Hindi. Hindi siya malandi at hindi manggagamit kaya napakalaki ng kalasanan mo sa pagpaparatang," ani ko.
Totoo naman mali siya kanina at sa paningin ko, dapat ay hindi hinuhugsahan ang isang tao dahil lang nakikisalamuha sila sa isang tao o sa ibang tao. 'Yun ang mali ni Dylan. Pinaratangan niyang malandi at manggagamit si Ellaine ng walang ebidensya at nainis ako 'dun.
Masungit at maldita ang ka-MU niya at aaminin ko rin 'yun pero hindi naman bato si Ellaine para pagsalitaan niya ng masasakit. May nararamdaman din siya. Tao rin naman ang kausap niya, hindi bagay. Naiinis ako pero tinitiis ko ang galit sa loob ko dahil hindi ko gusto ang naiinis.
"Gusto mo pa ba si Ellaine, Lavin?" tanong niya.
Nakabukaka ang mga binti niya at nakapatong sa hita niya ang magkabilang siko. Kapag ganun na ang posisyon niya, alam kong seryoso na ang usapan kaya nag-de kwatro ako para ipakitang seryoso rin ako sa pinag-uusapan namin. Medyo malayo sa amin sina Sheedise at hinihintay pa ako. Magkakalapit lang naman kami ng bahay kaya ayus lang na mag-antayan kami.
"Hindi na," sagot ko. "Kung hindi mo na siya gusto, sino na ang gusto mo, Dylan?" tanong ko.
"Si Lourine."
"Si Lourine? Ang sinabi mong hindi mong inasar sayo nung November? Kaklase natin 'yun ah."
"Oo."
Trinaydor pala niya si Ellaine...at kahit ako. Akala ko ay aalagaan niya si Ellaine pero hindi pala at parang hindi ko rin yata matutupad ang sinabi kong hindi ko na gugustuhin si Ellaine.
"Bakit si Lourine?" tanong ko. Naguguluhan pa rin ako kung bakit iiwanan niya si Ellaine para kay Lourine. Ayus naman si Ellaine.
"Ka-vibe ko, 'dre."
'Yun lang? Dahil lang 'dun?
"Pa'no si Ellaine?" tanong ko pa.
"Hinihintay ko na lang na iwanan niya ko."
Tumingin ako sa simbahan na nasa likuran namin ngayon. Gustong gusto kong ipagdasal si Ellaine ngayon na sana ayus ang puso niya hanggang sa malaman niya ang katotohanan. Ayokong pangunahan si Dylan kaya hihintayin ko na lang rin ang araw na 'yun.
"Kagaguhan 'yan."
"Alam ko."
"Sa ginagawa mo, ikaw na ang tumapus ng lahat."
"Wala, 'dre. Naasar kasi ako."
"Dahil sa asar, nagpadala ka at iiwanan si Ellaine."
"Wala namang 'kami', 'dre."
Tangina. Kahit wala namang sila, sinabihan niyang gusto niya si Ellaine at sana pinanindigan niya 'yun. Sana hindi siya nang-iiwan sa ere bigla.
Sa oras na 'yun, hindi ko na rin talaga napilit ang sarili kong itago ang totoong nararamdaman ko. May gusto pa rin pala talaga ako sa kanya. Meron pa rin pala talaga at mas gugustuhin ko pang maghintay ng ilang buwan para maghilom ang puso ni Ellaine dahil kay Dylan.
"Malandi ka pa rin talaga 'no?"
Narinig ko ang tanong na 'yun pagkarating ko palang sa pintuan. Kumuyom ang kamao ko at uminit ang ulo ko. Sa isip-isip ko ay hindi ganun si Ellaine.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nakita kong lumingon sa 'kin si Elle pero idinikit ko ang hintuturo ko sa labi ko para sabihing manahimik siyang naroroon ang presensya ko, kaya ibinaling niya ulit ang atensyon niya sa nangyayari. Pinagkrus ko naman ang kamay ko habang inaantay ang isasagot ni Ellaine sa tanong ni Dylan.
"Huh? Ako pa ang malandi? Mas magaling ka nga 'dun." Pinigilan ko ang tawa ko nang marining ang sinabi niya.
Mas magaling ka nga 'dun.
Tangina. Kahit ako, hindi ko made-deny na master of landi si Dylan ngayon. Ang bilis niyang makahatak ng gugustuhin niya eh.
"Seven days, 'di ba? Ang lakas mo, lods!" pang-aasar pa ni Lai kay Dylan.
Kitang kita ng mga mata ko ngayon ang pagkuyom ng kamao ni Dylan at ang nandidilim niyang paningin. Nakaka-satisfy makitang naiinis siya kay Lai.
Medyo deserve niyang masaktan sa parteng pinaglaruan pa niya si Lai habang ginusto niya na si Lourine nang saktan niya ang patuloy na nagkakagusto sa kanya. Tiniis ni Lai lahat noong araw na 'yun 'tas nalaman kong trinaydor pala siya ng dalawang 'to, ni Dylan at Lourine.
Hindi ko na nagustuhan ang sumunod na pangyayari. Sinabunutan ni Lourine si Ellaine at nang walang paalya ay tumakbo ako papunta sa kanila at sinapo ko ang noo ni Ellaine para hindi 'yun tumama sa sandalan ng upuan na nasa harapan niya.
"Tama na 'yan, Lourine," ani kong sapo pa rin ang noo ni Ellaine. Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya at binitawan ang buhok ni Lai. Tinignan ko lang siya habang seryoso pa rin ang mukha ko.
Naiinis ako sa iniakto niya. Hindi naman kailangang dumating sa sakitan ang pag-aasaran nila. Natamaan na siguro ng masyado si Lourine kaya biglaang nanabunot pero dapat kinontrol niya ang sarili niya para 'dun.
Nagsasabi lang naman ng totoo si Ellaine sa kanila at 'yun ang way niya para maibsan ang sakit na nararamdaman niya, ang pagtripan sila. Kung inaayawan nila ang talas ng dila ni Ellaine, sana ay hindi rin sila nangtraydor nung una pa lang. Si Lai ang biktima at ako ang witness.
Pero hindi ko sasabihing 'ako' ang nakapakinig ng sinabi ni Dylan na nagseselos siya sa akin kahit hindi niya na gusto si Ellaine para hindi na rin lumala pa ang sitwasyon.
"Jason...Ano...Kanina ka pa diyan?" Gulat na gulat akong tinignan ni Lourine habang ang kamay niyang nanabunot kay Ellaine ay naiwang nakalutang sa ere.
Tinignan ko lang si Lourine at hindi nagsalita bago ko pinasadahan ng tingin si Dylan. Selos at galit ang nababasa ko mula sa mga mata niya.
Nagkibit-balikat na lang ako dahil nararamdaman ko ang tensyong namumuo sa amin. Kung pagkatapus nito ay mawawala ang pagkakaibigan namin, eh 'di mawala. Hindi ako nangto-tolerate ng kaibigang traydor sa babae.
"Wala kang sinabi sa aking kasama mo pala si Ellaine lagi, Lavin," ani ni Dylan.
"Oo, lagi ko ngang kasama."
Nagkibit-balikat na naman ako at naglakad papuntang upuan sa tabi ni Ellaine habang dala-dala ang bag ko sa isang balikat.
"Traydor ka! Sabi mo sa 'kin, hindi ka magkakagusto sa kanya!"
Napintig ang tenga ko sa sinabi niya. Parang gusto ko na lang mabingi sa sinabi niya. Ako pa ang traydor sa amin?
Traydor ba ang tawag sa parehas kaming nagkagusto kay Ellaine noong first day pero nagparaya ako? Ako rin ba ang nagkagusto sa ibang babae sa likod nang ka-MU ko? 'Tas hindi pa niya sinasabi kay Ellaine noong wala na pala siyang nararamdaman sa kanya.
'Tas ngayon, magnamaktol siya sa harapan ko na traydor ako sa kanya? Tinitinidor ba niya ang hangin? Para siyang tanga sa harapan ko ngayon, puta.
"Huwag mong kitiran ang utak mo, Dylan. 'With Honors' ka, hindi katulad kong hindi," bulyaw ko nang makaupo ako. Hindi ko matiis ang init ng ulo ko sa sinabi niya. Hindi naman ako ang traydor sa amin. "Malamang kasama ko siya lagi ngayon dahil katabi ko siya."
Narinig ko ang pagpigil ng tawa nina Rain at Ellaine sa tabi ko. Samantalang si Elle ay nanatiling tahimik. Panigurado ako ay natatawa na rin siya sa isip-isip niya. Kahit ako ay natatawa na sa reaksyon ni Dylan.
Matalim siyang nakatingin sa akin at nilabanan ko 'yun. Wala naman akong sinabing mali sa pamimilosopo ko. Lagi kong kasama si Ellaine dahil araw-araw kaming nasa school. Hindi ba pwedeng ikonsidera 'yun na lagi ko siyang kasama? Kahit siya naman, lagi niyang kasama si Lai.
"Anong reaksyon 'yan, Dylan? Bakit parang galit na galit ka?" tanong ni Lourine. Magka-krus na ang kanyang mga braso habang nakatitig ng masama kay Dylan. "Nagseselos ka ba sa kanila?"
"H-Ha?" Nagulantang na ang gago. "Babs...Hindi."
Palihim akong napairap sa sagot niya. Bakit ayaw niya na lang kasing aminin?
"'Uy, love quarrel!" bulalas ni Elle.
Palihim akong tumawa ng mahina sa sinabi ni Elle. Love quarrel pa nga. Sinong hindi mag-aaway sa nagseselos ang ka-MU mo sa dating kinaseselosan niya sa ex-MU niya? Tsaka, anong rason ni Dylan para magselos pa sa 'kin?
"Tigilan niyo 'yan." Napatingin ang dalaw sa 'kin at napakibit-balikat na lang ako. Atensyon na naman. "Tigilan mo rin ang pagseselos sa 'kin, Dylan. Wala na kayong relasyon ni Ellaine."
Matalim kong tinignan si Dylan habang sinasabi 'yun. Kung makikipag-away siya sa 'kin, matatapus sila ni Lourine. Kung hindi, tatagal sila. Dapat ay hindi na siya nagseselos sa 'kin dahil wala na sila ni Ellaine, hindi na sila MU. Kung nagseselos pa siya, ibig sabihin hindi pa siya nakaka-move on kay Ellaine at ginusto niya lang talaga si Lourine dahil sa tukso.
"Ano?" Kunot-noong tumitig si Dylan sa 'kin.
Bumuntong hininga ako bago sumagot. Nakakabagot ba rin ang pagseselos niya kaya kailangan niya nang tigilan. Hindi si Ellaine si Lourine para pagselosan niya pa ko. "Ang sabi ko, wala na kayo ni Ellaine kaya huwag ka nang magselos," pag-uulit ko.
"Hindi naman ako nagseselos."
"Halata ka na, ide-deny mo pa."
"At ano naman kung wala nang kami?"
Napangisi ako dahil sa sagot niya. Huli pero 'di siya kulong!
"Anong 'ano naman kung wala na' kayo? Nagseselos ka pa rin?" kunot-noong tanong ni Lourine sa kanya.
Kung ako lang rin babae, magtataka rin ako kung bakit nagseselos pa 'to sa 'kin.
"Ha? Wala akong sinabi, babs."
Palihim na naman akong natawa. Wala pa nga.
"Nako, away," bulong ni Elle.
Idinikit ko ang kamao ko sa bibig ko, pinipigilang tumawa. Ayaw ba nilang masabihan ng katotohanan at ganun ang reaksyon nila?
"Nagseselos ka pa rin kay Jason? May feelings ka pa rin kay Ellaine?" tanong pa ni Lourine.
"Ha? Wala, babs..."
Deny pa more. Hindi naman masamang umamin minsan.
"Wala?"
"Paano kung bumalik siya sayo? 'Tas crush ka pa niya?" tanong ni Lourine kay Ellaine. Hindi naman sa nakikinig ako sa kanila pero hindi ko maiwasan dahil katabi lang ako ni Lai.
Suminghap ako ng hangin nang maramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Ano bang meron sa 'kin at nasasaktan ako sa tanong ni Lourine?
"He's welcome as a stranger or as a friend. Ngayon pa lang, welcome pa rin siya sa buhay ko...As a person na lalabanan ko na."
Nakahinga ako ng maluwag nang isagot 'yun ni Lai. Paano kaya ako? Welcome kaya ako sa puso niya kung sakaling umamin ulit ako? Ang alam niyang crush ko ay si Lynarne kaya ang hirap para sa kanyang mahalata na gusto ko siya.
"Pero may gusto ka ba kay Jason?"
Tinignan niya ko at kunwari akong naubo sa tanong niya. Tangina, bakit bigla-bigla namang nagtatanong ng ganun si Lourine?
"Woi, Lourine, grabe sa paratang na may gusto 'yang si Lai sa 'kin!" sigaw ko.
Kahit na gustuhin kong gustuhin niya ko, siya pa rin naman ang masusunod sa nararamdaman niya. Kung hindi ako, ayus lang. Prinsesa pa rin ang turing ko sa kanya.
"Hindi naman imposible, Jason. Naging crush mo siya dati."
"Dati 'yun. Iba ngayon." Dahil gusto ko na siya ngayon.
"Talaga lang ha?"
"O-Oo." Iniwas ko ang tingin sa kanya. Tangina, nautal pa ako.
"Pero sure ka, Ellaine, welcome pa rin siya sayo pagkatapus matapus nang sa amin?"
"Hm...Oo. Wala naman sigurong mali kung bukas pa rin ang pintuan ko para sa kanya. Ibang pintuan naman ang bubuksan ko para sa kanya, hindi naman ang pinto ng puso ko."
Ah, sarado.
"Ang lalim 'nun pero paano kung...mag-decide siyang manligaw sayo?"
Natulala ako sa huli niyang sinabi. Naramdaman ko ang galit sa puso ko. Siguro ay wala namang plano si Ellaine na pumayag na manligaw si Dylan sa kanya. Masakit matraydor at paniguradong ayaw niyang maalala 'yun. Para pa namang flash drive ang utak ng babaeng 'to.
"Ahaha. Huwag kang ganyan magbiro, Lourine." Tumawa siya para maibsan ang halatang sakit na nararamdaman niya.
"Hindi naman ako nagbibiro. Paano nga? Papayagan mo?"
Huwag.
"Uhm..."
Huwag, Lai.
"Pwedeng gamitin muna ako ni Lai bilang fake boyfriend." Nakita ko ang gulat sa mga mukha nila nang sabihin ko 'yun. Pinigilan ko naman ang tawa ko nang makita ang nakaawang na bibig ni Lai.
Taena, ang cute niya.
"H-Ha? F-Fake boyfriend...ko?" Halatang hindi pa siya nahihimasmasan dahil sa sinabi ko.
"What the f...Lalo mong pinalala, Jason," komento ni Lourine. Pinigilan kong tumawa sa kanila.
"Mas thrill 'yun, 'di ba, Lai?" Tumingin ako ng diretso kay Lai at natulala siya dahil 'dun. Lagi na lang siyang nagugulat sa 'kin.
Hindi ba niya naranasang bigyan ng offer na ganito? Na may magkukunwaring boyfriend niya para makatakas siya sa dati niyang MU?
"Uhm...Hindi ko alam." Iniiwas niya ang tingin sa akin habang pinaglalaruan niya ang nga kamay niya. Humarang na rin sa mukha niya ang bangs niya.
Ang cute, gagi.
"Pumunta ka kaya sa infirmary?"
"Huwag na. Saglit lang naman siguro 'to. Wala na 'to mamaya."
Dumugo ang ilong ko kanina dahil binatukan ako ni Sheedise. Hindi ko naman alam na magkakaroon pala 'yun ng impact sa 'kin.
"Pre, pwede mong ikamatay 'yan. 'Tas, sasabihin naming cause of death mo, pagkuha ng chocolate. HAHAHAHA!" pang-aasar ni Sheedise.
"Kung kayo rin kaya paduguin ko ilong niyo?" Sinamaan sila ng tingin ni Ellaine at sumalungat agad sila ng tingin. Takot pala ang mga tropa.
"Pre, ano 'yun?"
Tumuro sa labas si Sheedise at napabuntong hininga lang ako dahil, 'dun.
"Pre, puno," sagot ni Carlo.
Sana kainin na lang ako ng lupa sa kalokohan ng tropa ko.
"Puno 'yun, pre?"
"Oo. Natatanga ka?"
"Dati na akong bobo, pre."
Ngumiti na lang ako dahil hindi ako pwedeng tumawa at dumudugo ang ilong ko. Baka mamaya maubusan pa ako ng dugo kapag ginawa ko 'yun. Ayoko pang mamatay.
Sumandal na ako sa upuan at nag-de kwatro. Itinaas ko ang ulo ko habang habang hawak ko pa rin ang panyong nasa ilong ko. Napatingin ako sa tabi ko nang maramdaman ko ang titig ni Lai. Kanina pa ba nakatingin ang babaeng 'to?
Tinitigan ko rin siya bilang pambawi sa titig niya pero hindi niya pa rin napapansin na nakatingin na ako sa kanya. Nagpapantasya pa ba siya?
"Hoy, titig na titig ka diyan sa 'kin, Lai." Pinitik ko ang noo niya at napadaing siya dahil 'dun.
"Aray!" daing niya at hinampas niya ang noo niya gamit ang daliri. "Hindi ako nakatitig sayo, huwag kang feelingero, Aso!" bulyaw niya. Ngumiti ako habang hindi siya nakatingin.
Ang ganda niya namang mairita.
"Hindi ako feelingero. Ganito pa ang tingin mo oh."
Ginaya ko ang pagkakatitig niya kanina at nakita ko ang pag nguso niya, halatang naaasar na. Ang dali niya namang maasar. Magandang madaling maasar.
"Mag-infirmary ka na kasi, Aso. Ang epal mo. Tigilan mo ang pang-aasar sa 'kin," pamimilit niya.
"Huwag na, Lai. Kaunti na lang, wala na ang dugo sa ilong ko. Hindi ako mahina," pamimilit ko rin.
"Nawala ka nga nung isang buwan ng school year."
History na ang topic ngayon. Ang tagal na 'nun pero naaalala niya pa ring nawala ako ng mga panahon na 'yun. Na-miss ba niya ang presensya ko ng mga panahon na 'yun kaya naaalala niya pa?
"Dengue naman 'yun at dehydrated ako. Talagang manghihina ako 'dun. Ito naman, hindi naman ako mamamatay dahil dito."
"Kahit na."
Alalang alala talaga siya sa 'kin ha?
"Huwag na." Pero gusto kong sumunod pero ayoko rin. Saglit lang naman talaga ang pagdugo ng ilong ko. Hindi naman ako nabugbog at nabalian ng ilong.
"Sige na kasi."
"Alalang alala ka 'no?"
Nagulat na lang rin ako sa sarili ko ng sabihin ko 'yun. Nasabi ko ang dapat ay nasa utak ko lang. Natigilan rin siya sa tinanong ko.
"Magnu-nurse ako at dumudugo ang ilong mo kaya nag-aaalala ako. Huwag ka na namang feelingero, Aso," pagpapalusot niya pero halata namang na-mental block siya sa tanong ko kanina.
"Huh...Talaga lang ha?" Ngumisi ako bilang pang-aasar at natigilan na naman siya dahil 'dun. Kulang na lang maging estatwa siya sa tuwing matutulala siya.
"O-Oo!"
Nauutal pa nga.
"Oh, wala ng dugo. Sabi sayo, hindi ko na kailangang pumuntang clinic eh." Tinanggal ko ang panyo ko sa ilong ko habang sinasabi 'yun. "Nabigla lang siguro ang ilong ko," dagdag ko pa.
"Sana natuluyan ka na lang. Nakakainis ka!"
Umirap siya at umiwas nang tingin, halatang naiinis sa 'kin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ginawaran ko siya ng matalim na titig.
"Ayoko pang mamatay, Lai. Huwag mong hinihiling 'yan."
"Oo na, hindi na...Kunin mo na chocolate mo dito." Tinuro niya ang lalagyan ng fries at tumingin ako 'dun. Ayaw ba niyang kanya na lang 'yun?
Kinuha ko 'yun at tumingin sa kanya bago ko hinati ang chocolate. Hindi rin naman ako masyadong mahilig sa chocolate kaya hati na lang kami, tutal birthday niya rin naman ngayon. Regalo ko na lang sa kanya ang hati ko.
Kinalabit ko siya at nilingon niya naman agad ako. Inilahad ko ang kamay kong hawak ang hati ng chocolate. Nakakunot ang noo niyang nakatingin 'dun.
"Oh, happy birthday, Lai."
Kinuha niya ang chocolate na hawak ko at tinitigan muna 'yun. Ganun ba siya kagulat?
"Thank you...sa pagbati."
Ngumiti ako habang nagwawala na ang puso ko sa pasasalamat niya. Tangina, simple lang 'yun pero ramdam kong mababaliw na ako.
"Hoy, Jason, nagbibigay ka pala ng pagkain mo? BIgyan mo rin kami! Sharing is caring!" Kinalabit ako ng gago kong kaibigan. Gagawin talaga ng tropa ko ang lahat para lang maasar ako.
"Bakit? Hindi ba nagbibigay si Jason sa inyo?" tanong ni Ellaine.
"Hindi. Ikaw lang binigyan niyan."
Naramdaman ko ang pagtingin ni Ellaine sa akin matapus sabihin 'yun ni Sheedise. Bigla akong kinilabutan sa tingin niya. Binalikan ko siya ng tingin pero saglit lang at binawa ko rin. Ibinaling ko ang paningin ko kala Sheedise bilang palusot.
"Napakasinungaling niyo naman kay Ellaine," Kumibit-balikat ako.
"Hindi kami nagsisinungaling. Hoy, Ellaine, hindi kami nagsisinungaling! 'Yung katabi mo 'yung nagsisinungaling ah," bulalas naman ng tropa ko.
Nilalaglag pa talaga ako.
"Kahit anong sabihin niyo, wala akong pakialam. Pagkain naman 'to. Eh, 'di thank you."
Gumaan ang paghinga ko sa sinabi ni Ellaine na...medyo nasaktan. Ouch sa walang pakialam, kilig sa thank you.
Araw ng praktis at nakahiga pa ako pero gising na ako. Nakatulala lang ako sa taas ng kubong tinitirahan namin. Renta lang kami at lumilipat kami kapag may nakitang mas disenteng lugar si mama. Mas maliit pa sa kubo na 'to dati ang tinitirahan namin. Buti ngayon, umaayus-ayos na. Pero ayus lang sa akin kahit saan kami tumira basta may mahigaan kami at may bubong kami. At kasama ko si mama. 'Yun lang naman ang gusto ko.
Bumangon ako para kunin ang cellphone ko at i-check kung may chat na si Ellaine. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at matic na ang message niya ang titignan ko kaysa sa ibang nagnonotif sa cellphone ko. Natawa na lang ako sa mga nabasa ko. Clock ko ba 'to?
From: Laing
Woi, good morning, aso
gumising kana at may praktis
tayo
gusto mo bang kay tita dina ko
pa ipadala ang message ko para
magising ka?
alam kong malapit ka sa school
pero bakit nalelate kapa rin ha?
hoy, active now tas d nagrereply
Sagot!
Tumawa muna ako bago nag-reply. Bakit naku-cutean ako kapag siya ang nangulit sa akin? Tangina, iba na ang tama ko sa kanya.
To: Laing
Anubayan, Yezdaeca inaantok
pa ako mamaya mo na ko
pilitin
Kunwaring masungit lang para akalain niyang tulog pa nga ako pero ang totoo, kanina pa ako gising dahil alam kong magagalit na naman siya kapag late akong nagising.
From: Laing
8:20 na tas d ka pa rin nakabangon?
Gago, ang cute niyang magtaray. Ganito ba talaga kapag gusto mo ang tao? Lahat na lang, kahit chat niya ang cute? Tanginang pana ni kupido, diretso talagang tumama sa 'kin!
To: Laing
3am maingay pa ung nasa patay
malapit samin may lamay kaya
puyat ako
Totoo 'yun. 3 am, maingay pa ang paligid at hindi ako makatulog kahit nakatalukbong na ako ng kulambo kaya napuyat ako. Pero para kay Lai, gumising ako ng maaga kasi alam kong magagalit siya kapag hindi pa ako bumangon. Kahit bumangon man lang magawa ko, galit na kasi siya kapag nakahiga pa rin ako 'tas malapit na ang time ng praktis.
Malapit lang naman ang school sa 'min. Wala ng problema ang pag byahe pero para kay Lai, kumikilos na ako. Napaka-sensitibo niya sa oras.
From: Laing
Updated ako sa buhay mo no?
Oo. Gusto kong pangungunahan na kita sa mga rason ko kaysa tungin mo pa ako.
From: Laing
Bumangon ka na jan
Nakabangon na nga po ako, prinsesa.
Tumayo ako para kumuha ng twalya at susuoting damit. Polo na may design ang susuotin ko para sa pang taas, pants at sneakers. Nag-chat na muna ako kay Lai para paniwalain pa siyang nakahiga pa rin ako.
To: Laing
Ano bang oras prac natin?
Pagkatapus kong ma-chat 'yun, inilapag ko ang cellphone ko sa kama at pumunta na akong banyo para maligo. Mas maayus nang mapagalitan ni Lai nang nakaalis na ako at nasa school na kaysa naman sa hindi ako kumikilos habang pinapadalhan ko siya ng mga reply. Hindi ako takot sa kanya pero ayokong pinag-iintay ko siya dahil mahalaga ang oras sa kanya.
"Oh, ang aga mo maligo," ani ni mama nang makita ako sa tapat ng banyo, nagpupunas ng buhok habang nakasuot ng pants at topless.
"May praktis kasi kami, ma," sagot ko.
"Ang sabihin mo, may magagalit."
Ngumuso ako nang palihim. Paano niya nalaman? Instinct niya lang siguro.
Hindi ko na siya pinansin at pumunta ng kwarto para magsuot ng damit. Nakasalubong ko pang tumatakbo ang kapatid ko pero hindi ko na lang pinansin. Buhay niya na 'yan, hindi sa 'kin.
Kinuha ko ang cellphone ko pagkatapus kong maisuot ang polo at nang makapag-ayus na ako ng buhok ko. Naglagay na lang rin ako ng pabango sa leeg ko at tinabi 'yun bago ko kinuha ang cellphone ko para tignan kung nag-reply na si Lai. Alam ko namang nag-reply na 'yun, gusto ko lang isipin na hindi pa.
From: Laing
nag eexist ang gc para iseen,
hindi para baliwalain tas sakin
magtatanong. sumasakit ulo ko sau
To: Laing
mas masakit kapag walang ulo
From: Laing
Babatukan talaga kita mamaya, aso!
To:Laing
edi wow
Natawa na naman ako. Asar na asar talaga siya sa 'kin. Ang masungit at malditang babae ng section namin ay lalo ko pang pinapasungit. Ang ganda niya kasing magalit.
To: Laing
ano ngang oras?
From: Laing
9 gang lunch
From: Jason Dela Rosa
cge 9 ako pupunta
Pero ang totoo, paalis na ako ng bahay. Kinuha ko ang bag ko at nagpaalam na kay mama. Tumawag ako ng trike at sinabing sa Heroes ang punta ko. Tumunog na naman ang cellphone ko. Alam kong si Lai na naman 'yun. Talagang hindi niya ako titigilan hanggang bumangon ako ah? Ang consistent naman niya.
From: Laing
baliw, 8:30 ka pumunta
Nasa byahe na ako, prinsesa ko.
To: Laing
asan na ba kayo?
From: Laing
Orion na
To: Laing
anong oras kau umalis sa bahay?
From: Laing
8:17
To: Laing
8:30 pa lang. Ang bilis niyo naman
From: Laing
8:30 na pala, kumilos kana, deponggol
Natawa na naman ako nang pinapakilos niya na ako. Ang hindi niya alam ay nasa trike na ako at papunta na ng school. Napailing na lang ako sa naiisip ko. Hindi niya alam kung paano niya binago ang body clock ko para lang sumunod sa kanya. Ginusto ko siya kaya gusto ko ring sundin siya.
To: Laing
Mamaya ng 9, Lai
Nagsinungaling na naman ako.
Hindi na siya nag-reply at nag-'active 1 minute ago' na ang status niya kaya tumingin muna ako sa daan. Nakarating ako sa school at nagbayad sa trike. Pumunta ako sa entrance ipinakita ang ID ko sa guard bago pumasok.
Pagkaupo ko sa isang bench malapit sa entrance, biglang nag-notif ang cellphone ko. Hindi ko pinapatay ang data ko para lang makita kung nag-chat na siya o hindi. Ayokong pinaghihintay siya.
From: Laing
woi, ginagawamue?
kumikilos ka na?
She's always checking up on me, huh?
To: Laing
Ito nakahiga pa rin
From: Laing
sira, bumangon kana jan
sab mo 9am ka pupunta tas d
ka pa nga nakakabangon
niloloko mobako?
Hindi, dahil mas maaga pa ako kaysa sa 9 am. Nasa school na ako at hinihintay na lang sila. Susulpot na lang siguro ako mamaya kapag nakarating na sila sa room para hindi halatang nauna ako. Hindi niya naman siguro ako mapapansin sa mga benches malapit sa entrance.
To: Laing
sirang plaka ka? paulit-ulit, lai?
Nag-send siya ng naiinis na emoji at nakataas ang mata. Naririndi na talaga siya sa akin, 'no? Akala niya siguro hindi pa talaga ako bumabangon.
To: Laing
sabi ko nga babangon na ko
Kahit nasa school na ako.
From: Laing
Okiee
Alam kong natutuwa na siyang nakabangon na ako pero natatawa ako sa reaksyon niya. Hanggang ngayon ay hindi niya alam na nasa school na ako dahil wala akong balak na sabihin sa kanya.
Ngumiti ako nang makita sina Elle at Lai na papasok ng entrance pero hindi nila ako napansin. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ako tumayo sa bench at dumaan sa gilid.
Natanaw ko si Lai sa harap ng JHS Building habang kumakaway sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang ganda niya sa suot niya. Ang simple lang pero ang ganda niya.
Tangina, ang lakas talaga ng dating niya sa akin.
"Woi, late ka na naman, Aso!" sigaw niya habang kinakawayan niya ako. Ang lakas ng boses niya. Akala mo naman nasa bundok ang kausap.
"Kaaga-aga naninigaw ka, Lai!" sigaw ko pabalik at tumakbo papalapit sa kanya. Nang makalapit ako ay tinignan ko siya pababa. She's smaller than me. Maybe around 5'1 or 5'2.
"May tao na sa room?" tanong ko.
"Oo, naiwan si Ash 'dun," sagot niya
"Wala pa si Sheedise?"
"Wala pa."
"Ang aga mo kong gisingin 'tas wala pa pala si Sheed dito." Ginulo ko ang buhok niya habang sinasabi 'yun.
Kunwari ay naiinis ang tono ko pero sa totoo lang, inaasar ko lang siya. Ang aga ko talagang pumuntang school para hindi mainip at mainis si Lai. It's the least I can do for her. She's my princess after all. She's the only one who made me woke up early just for me to see her and to not let her be mad at me even though she's not 'yet' my girlfriend. I will make effort to make her my girlfriend soon. I will do everything for her...For Ellaine Yezdaeca...For Lai...For my princess.
She deserves the love she wants and that's my wish because that love took every effort she made for a boy and she was taken advantage.
"Hoy, huwag mong guluhin ang buhok ko at magbubuhol-buhol 'yan!"
Tinapik niya ang kamay ko kaya tinanggal ko 'yun mula sa ulo niya at tinawanan siya. Nakasimangot na nga siya pero ang cute pa rin.
"Asar na asar ka na naman sa 'kin, Lai," pang-aasar ko.
"Kung kay Arne mo 'yan ginagawa, lalo kang natutuwa," bulong niya habang inaayus ang buhok.
Itinigil ko ang pang-aasar ko nang marinig ang pangalan ng ginawa kong panakip-butas para sa feelings ko para sa kanya, si Arne. Lynarne Silvan. Top One ng klase namin at hindi ko naman talaga siya mgiging crush kung hindi ko pinilit ang sarili kong magka-crush sa kanya.
Komplikado ang feelings ko noon at hindi ko rin pwedeng ilabas 'yun. MU sina Lai at Dylan noong nagustuhan ko rin si Lai. Sabay kasi kaming nagkagusto sa kanya noong nagsa-start pa lang ang Grade 8 life namin.
I tapped her head and walked away with my hands in my pockets. Medyo nabwisit ako sa pangalang 'yun. Noon, ayus pa akong inaasar niya ako kay Lynarne pero iba na ngayon. Mas gusto kong asarin niya akong gusto ko siya katulad ng dati kaysa naman ibang pangalan ang naririnig ko mula sa kanya.
Bad trip ako sa pang-aasar niya pero wala naman kasi siyang alam na siya pa rin talaga. Pinigilan ko lang bilang respeto sa kanila ni Dylan pero nawalan ako ng respeto sa pag-aalaga ni Dylan nang trinaydor nila si Lai.
"Hindi ko na siya crush, Ellaine," ani ko.
"Mahirap?"
"Anong mahirap?"
Naguguluhan ako sa tanong niya. Anong mahirap?
"Na mawalan ng crush."
"Hindi, bakit magiging mahirap?" tanong ko at umiwas ng tingin. Medyo nailang ako sa tanong niya. Bakit naman ako mahihirapan na mawalan ng crush kung may gusto na akong tao? Siya ang taong 'yun, ang taong gusto ko.
"Kung hindi na si Arne, sino na?"
"Anong 'sino na'?"
Ang dami niyang tanong. Baka umamin ako ng wala sa oras ah.
"Crush mo, natitipuhan mo. Ganun baga."
"Wala pa ulit."
Meron, pero ayoko pang sabihing ikaw 'yun.
"Duda ako."
"Wala nga."
Nagsinungaling na naman ako.
"You're fishy," ani ko.
"Hindi ako isda."
"Tanga, suspicious kasi 'yun. Hindi ka kasi kapani-paniwala." Binatukan niya na naman ako.
"Aray, mapanakit ka na ah!" daing ko.
"Wow, nahiya ako. Dati pa kita binabatukan, haler?" pagmamaldita niya.
"Basta...Hindi ko na siya gusto, Lai. Tsaka, sabihin ko sayo kung sino gusto ko kapag meron na ulit."
"Kunwari ka pang wala pa. Ramdam kong meron ng bago kaya wala na 'yung kay Arne."
Ngumiti lang ako ng kaunti. Ikaw ang crush ko, LaiĀ pero hindi ko masasabi 'yun at ayoko pang umamin. Hahanap na lang ako ng tyempo para sa pag-amin ko pero hindi pa ngayon. Hindi pa ngayong oras. Mahirap pa para sa kanya.
She's still in her healing process from Dylan. I want her to take her time. Hindi niya kailangang madaliin ang sarili niya para magkagusto sa iba...o magkagusto sa akin.
"Pa'no mo nasabing hindi kita papatulan, Ellaine?"
Lahat sila ay napatingin sa akin at alam kong naiilang ako pero tinatapangan ko na lang dahil nasabi ko na. Nainis kasi ako sa sinabi ni Lai na ang mga papatulan ko lang ay ang mga pang-Top One. Nata-timing lang na palaging Top One ang mga nagiging crush ko. Hindi ibig sabihin 'nun ay ang tipo ko lang ay ang mga nakaka-Top One.
She's the exception. Siya ang kakaiba sa mga naging crush ko dahil siya lang ang ginusto ko at mayroong malaking epekto sa pagkatao ko kahit wala naman siyang ginagawang iba kung hindi sungitan ako. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako natatakot sa kanya. Sa teacher nga namin, takot ako. Bakit kapag sa kanya na, hindi?
"What?"
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Halatang nagtataka siya sa sinabi ko. Ngumisi ako at sinandal ang mga siko sa hita ko habang nakatingin ako sa kanya. Tulala pa rin siya sa akin.
"Hindi ka naman bingi, Lai. Ang sabi ko...Pa'no mo nasabing hindi kita papatulan..." Lalo akong ngumisi. "Ellaine?"
Kumurap siya ng ilang beses nang masabi ko ang pangalan niya. Naninibago siguro siya sa pag-iba ko ng tawag sa kanya. Madalas ay Lai, Yezdaeca o Eca lang ang tawag ko sa kanya kaya naninibago siya sa first name niya.
"Type mo si Lynarne at for sure, may iba ka ring type na kasing ganda niya...kasing talino niya...kasing--"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Literal na binigyan niya na ako ng tipo kong babae ah.
"Lai...Sure ka?"
Tinignan ko siya ng mariin. May pagdududa pa rin sa mga mata niya. Parang hindi siya naniniwalang papatulan ko siya dahil hindi siya kasing-talino ni Lynarne o ng naging crush ko ng two years.
"H-Hindi...pero papatulan mo 'ko?" tanong niya.
Sumandal ako sa upuan nang hindi pa rin inaalis sa kanya ang paningin ko. Nakatingin lang rin siya sa akin
"Oo...kung papayag ka."
Tulala pa rin siya hanggang ngayon. Puro tili at pang-aasar ang naririnig ko sa paligid pero parang walang naririnig si Lai. Nang mahimasmasan siya ay patalikod siyang umusog habang nakaturo sa akin, nanlalaki ang mga mata. Nangiti naman ako sa reaksyon niya.
"H-Hoy! Huwag kang magbiro ng ganyan! Friends lang tayo, hoy! Jason!"
Ouch. Friends.
"Ow, shi--Busted ka kaagad, pre! Ayus 'yan. Kanta ka na lang ng...Kung panalangin ko' y 'di marinig~ Eh, 'di sabihin pakuha mo na lang si Ellaine kay Lord."
Sinamaan ko siya ng tingin. Gago pala 'to! Lalo akong inasar pero sana hindi kunin ni Lord si Lai dahil papakasalan ko pa siya. Soon...Kung maging kami.
"Gago ka, pre!"sigaw ko at sumumtok patalikod. Nakaiwas naman ang gago.
"Gago! Ellaine, huwag mong papayagan 'yang patulan ka! Mamamatay-tao oh!"
"Gago!" Hindi naman ako mamamatay-tao. Gumagawa ng kwento ang puta.
"Pero, Jason, may gusto ka kay Ellaine?" tanong ni Ash at tumango ako.
"Hindi ko siya papatulan kung wala akong gusto sa kanya."
Tumango-tango si Ashton at paglingon ko kay Lai, nakatulala pa rin siya. Lumulutang na siguro ang utak niya. Saan na kaya napadpad? Huwag naman siguro sa Antartica, baka naging yelo na 'dun.
"Pero Lai...payag ka kung liligawan kita?"
"LIGAW?!"
Dumagundong ang boses ng mga tao sa paligid. Nakanganga silang lahat habang nagtakip naman ng tenga si Lai. Magka-krus lang ang dalawa kong braso at naka-de kwatrong upo.
Gulat na gulat namang silang nagtanong ako pero kahit ako ay nagulat sa sarili ko. Bakit ko nga ba tinanong ang bagay na 'yun?
"Oh, bakit? Hindi ba pwedeng ligawan si Lai?" Itinuro ko si Lai bago tumingin kay Elle. "Elle?"
Itutuloy ko na 'tong sinabi ko kaysa bawiin ko. Ayoko namang mapahiya dito si Lai at isipin nilang hindi ako seryoso sa siansabi ko. Wala akong maraming pera pero kakayanin kong ibigay ng lahat ng pagmamahal na kailangan ni Lai. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.
"Hindi naman ako sila mommy. Kala mommy ka magpaalam," aniya at lumiwanag ang mukha ko. Nagustuhan ko ang tunog ng pagkakasabi niya 'nun.
"Eh, 'di pasabay umuwi mamaya."
Kumunot ang noo ni Elle at hindi umimik si Lai. Siguro, hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya lahat ng nangyayari.
"Seryoso ka, Jason?" tanong ni Elle.
Kahit pala si Elle ay hindi pa rin naniniwalang manliligaw ako sa ate niya.
"Mukha ba akong nagbibiro?"
Tumayo ako at tinapik ang ulo ni Lai.
"Manliligaw ako kay Yezdaeca simula April 3. Tandaan niyo 'yan."
At tutuparin ko 'yun. Wala sa plano kong manligaw at magbigay ng motibong umaamin na ako pero gusto kong patunayan kay Lai na papatulan ko siya kahit hindi siya Top One.
Dahil hindi ko tipo ang mga Top One. Ang tipo ko ay si Ellaine Yezdaeca Gonzales. Siya ang gusto kong alagaan. Siya ang prinsesa ko kaya siya ang tipo ko.