"What's the reason?"
Tinipa ko ang keyboard sa cellphone habang sinasabi ko ang itatanong ko kay Dylan. Pinadala ko 'yun at naghintay sa magiging sagot niya. It hurts and it will just get worse if I don't know the reason why he doesn't like me anymore. 'Yun ang kamalian ng utak ko, ang mag-overthink ng mga katanungang hindi pa nasasagot at pinapalabas 'nun na hindi pa ako nakaka-move on. It's not that I haven't moved on from Harold. I moved from him, but from the pain, no.
Moving on from the person and the feeling of pain are two different things. You can forget all of your feelings for the person. You can uncrush them. You can forgive them. But the pain that they gave you and the trauma that they gave you? That will last until it was healed by time or when you are treated right just how you wanted 'you' to be treated.
From: Dylan Dela Cruz
Wala na akong time sayo
Sorry talaga, Ellaine
That's it?
"Okay." Sinasabi ko 'yun habang tinitipa ko ang keyboard sa cellphone. Pinadala ko 'yun at naghintay ng reply niya. Medyo natawa lang ako sa rason niya. I can wait for him if he will use his hours for playing ML. I can just wait. Hindi naman kailangang gawing rason 'yun para iwanan ako pero...ito na 'yun. Tapus na ang lahat sa amin. We're back to strangers again.
From: Dylan Dela Cruz
Sorry talaga, Ellaine
puro ml na kasi ako kaya
ayaw na kitang pahirapan
I sarcastically laughed. What? Because of ML? Natiis ko ang paghihintay sa kanya dati at willing naman akong maghintay ulit para sa reply niya kung maglalaro siya nang maglalaro. It's not a reason to leave me, right?
To: Dylan Dela Cruz
dahil lng sa ml? o meron
ng iba?
From: Dylan Dela Cruz
Wala, walang iba
To: Dylan Dela Cruz
really? sige, i will let u go
na. wala ring sense if
gugustuhin pa kita
From: Dylan Dela Cruz
bkit hindi moko ipaglaban?
To: Dylan Dela Cruz
why would i if u already let go?
pinaglaban mo ba ako o
ginusto mo lng ako?
From: Dylan Dela Cruz
Ginusto kita, Ellaine pero
wala na talagang natira sakin
To: Dylan Dela Cruz
It all started in a chat
and it will also end here.
Sana hindi mo saktan ang
kasunod sa akin and i will
also do that. I'm signing off
as your MU now, Dylan Dela Cruz.
Six months ended so fast. These memories will never seem to fade until I die. The pain it brought taught me lessons whenever they flash through my mind. The pictures I have on my phone can be deleted, but the memories in my mind will refuse forever. I don't know, I hate this "so long"-term memory of mine. Flash drive kasi ang utak ko.
Tatlong linggo ang nakalipas pagkatapus matapus ang relasyon ko kay Dylan. We acted like nothing happened at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag-aaral, at sa praktis na pinapagplanuhan namin ngayon. Pati steps namin sa sayaw bilang grupo ay wala pa rin. Hindi kami magkasundo-sundo. Nakakahiya naman kasi ang ibang steps na sinasabi nila at hindi bagay sa music na gagamitin namin, New Rules by Dua Lipa.
"'Yung sa 'out of my mind out of my mind', ganito na lang kasi." Inikot-ikot ni Lourine ang upper body niya habang ang kamay niya ay hindi malapit at nakataas malapit sa tenga niya.
Napairap na lang ako sa sinabi niyang step dahil gusto niyang siya ang center ng dance group namin. Hindi nga pwede dahil ang liit niya. Kailangan namin siyang i-front sa intro pa lang kaya kailangan pa naming mag-isip ng ibang step. Wala naman rin kasi sa amin si Ash para mapadali 'tong pag-iisip. Kagrupo siya nina Dylan at Jason. Kamalasan nga naman.
"Huwag ganyan! Mukha tayong tanga diyan, Lourine! Huwag kang Jollibee. Bida-bida?" ani ni Mai.
"'Eh, anong gagawin natin? Hindi naman kumikibo 'yung kambal. Sila dancers dito. Hoy, Ellaine, Ellenie, kayo nga mag-suggest dito ng step!" Pasigaw ang pagsabi ni Lourine at palihim akong umirap. Pwera dancer, choreographer na rin? Sana kung kaya rin namin ay kanina pa kami nagpakita ng steps kaso hindi naman kami choreographers pero kaya naming tumingin ng steps kung bagay sa tugtog o hindi. Ang masasabi ko lang talaga ay hindi bagay sa music ang na-suggest niya. She's too...centered.
Puro siya ang nasa gitna nang pinagsa-suggest niya at hindi rason ang maliit siya para isentro namin siya. Gusto kong lahat ay masentro namin sa sayaw at makita ang highlights ng bawat isa. Hindi lang naman siya ang lalagyan ng grade sa sayaw na 'to, kami rin naman.
"Ang pangit tignan kapag ikaw laging gitna, Lourine," ani ni Mai. Woo! Go, Mai! I will just cheer for you! Tamang attitude 'yan.
"Ha? Ang ganda nga kasi ako ang maliit tapus kayo nasa baba. Mas fixed choreo kapag ganun, 'di ba?"
"Hindi ko alam sayo, gaga! Ang pangit ng ganun. Kahit tanungin mo si Ash. Manood ka nga ng sayaw sa KPOP kung laging centered ang maliit sa kanila. My gosh, hindi lang ikaw ang may grade after nito ha. Get a grip of yourself! Need rin namin maging center!"
"Ayaw mo na sa suggestion ko? Oh, sige sino pa may suggestion?" tanong ni Lourine na halatang nagmamaldita na sa amin. Her eyes wondered.
Itinaas ko ang kamay ko kahit wala akong tapang na lumaban sa kanya. I almost puke earlier because of her and Dylan. Wala sanang malisya ang tingin ko sa kanila kaso mayroon talagang kakaiba sa kanila. Sila na ba?
"Pwede tayong pa-moon sa part ng 'talking in my sleep at night, making myself crazy' plus 'yung suggestion ni Lourine pero sa 'making myself crazy' 'yung sa pag-ikot. Pero hindi 'yung katawan ang iiikot natin, ulo."
Her face lightened up when I recommended her suggestion but it faded away when I didn't agree with the 'body spin' choreo she wanted.
"Bakit? Maganda naman tignan ah? Oh, ganun lang." She demonstrated it again.
"Pangit tignan sa iba. Sayo, maganda tignan. Paano naman kami?" Umirap si Mai at humalukipkip.
"Kasalanan niyo na 'yun!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kasalanan namin? Paano namin naging kasalanan ang hindi pagtanggap sa suggestion niya? We considered her choreo but I just made some changes.
"Pitong babae at apat na lalaki," panimula ko. Tumingin silang dalawa sa akin. Sila lang ang kagrupo kong galing sa tropa nila dahil magkasama sina Ash at Lynarne. "Sa tingin mo, 'yung choreo na na-suggest mo, Lourine, magagawa ng boys?" tanong ko.
"H-Hindi ko alam...Praktisin na lang nila!"
Napahilot ako sa sentido ko sa sinabi niya at nagpamewang. She's forcing me to guide this group. Ayoko ngang ma-involve sa leadering sa ganitong sitwasyon pag sayaw na ang usapan pero napipilit niya ako dahil sa inaasal niya. What's wrong with her?
"Praktisin? Can I suggest back flips for everyone 'tas sabihin ko ring praktisin mo na lang para magawa mo?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay.
"Anong gusto mo? Mabalian kami ng buto?! Ginagago mo ba kami, Ellaine?!"
"Exactly. Ang sinasabi ko ay ang tanga mo para hindi maisip ang sitwasyon ng ibang mahihiya sa choreo na 'yan. Agree, boys?" Nakita ko ang pagtango nila. "See? Ayaw nila ng choreo mismo na na-suggest mo, that's why binago namin kahit kaunti. Nandoon pa rin naman ang thought ng choreo mo, pinadali lang natin. Hindi lang ikaw ang nasa group na 'to, Lourine." Pinipigilan kong pagtaasan siya ng boses dahil ayoko ng gulo.
Bukod sa nag-iinit ang ulo ko sa kanya ay naninikip rin ang dibdib ko dahil three weeks pa lang ang lumilipas pagkatapus ng pagtatapus ng relasyon ko sa isang tao. Isama niyo pa na hindi madaling mag-move on kung laging nasa paligid mo ang taong nakasakit sayo. I liked him too late and he got tired, I think.
Narinig ko ang pagpilantik ng dila niya at umiwas ng tingin sa akin habang ang mga mata niya ay nandidilim bawat segundo.
"Tsk, papansin. Ang bossy, akala mo naman professional choreohrapher," bulong niya.
"Hm? Ano 'yun, Lourine? May sinasabi ka?" tanong ko.
"'Ah, wala. 'Yung suggestion mo na lang," aniya at bumulong ulit ng mga hate words tungkol sa akin. The matter of fact that she can blurt out hate words about me when she's 'that' kind of person.
Tumalikod ako sa kanya at pumunta sa boys. Tinanong ko sila kung saan sila mas komportableng step, sa step ni Lourine o ang combined step na naisip ko. They chose my idea at sinabi nilang mas madali para sa kanila 'yun. After that, I went beside Abegail. Ang sama na ng tingin niya kay Lourone.
"Oh, bakit ganyan ang tingin mo kay Lourine?" Umupo ako sa tabi niya.
"Laki ng ulo 'nun. Bossy ka raw, siya nga ang bossy. Naiinis ako sa ganyan, mas bet ko 'yung suggestion mo. 'Yung moon chu chu. Ang cute lang, sis." Nag-'beautiful eyes' pa siya sa harapan ko na parang manghang mangha sa na-suggest ko.
"Hayaan niyo na. Gusto ko lang komportable 'yung boys, we don't need the high grade."
"Pero panigurado, aim 'yun nina Mai at Lourine," ani naman ni Elle.
"For sure namang sa akin maga-agree si Mai. Nakita niyo namang hesitant rin siya sa suggestion ni Lourine. Hindi ko naman tinanggal ang gusto niya, nalipat lang."
"May point," pagsasang-ayon ni Abi.
"Excuse me? Can I talk to Ellaine?"
Lumingon ako sa harapan ko at nakita si Mai. Hindi na ako nagulat na pupunta siya sa akin pagkatapus niyang makausap ang kaibigan niyang gusto masunod sa step na na-suggest niya.
Tumayo ako at tinanguan siya na susunod ako kung saan siya pupunta o kung saan kami mag-uusap. Pumunta kami sa kabilang dulo ng silid kung saan malayo kami sa mga kaklase namin.
Tumingin pa siya sa paligid para masiguradong walang lalapit sa amin kapag hinarap niya na ako. Pagkatapus niyang makasigurado ay hinarap niya ako. Tahimik lang ako habang nag-iintay ng sasabihin niya.
"Ella, sorry kay MaeMae. That's Lourine, by the way, if naguguluhan ka. Also, I told her na 'yung combined suggestions niyo na lang na suggestion mo kanina ang gamitin since it was for the better of the group. True kasing hindi lahat tayo makakayanan ang sinasabi niya. Siya, aminado akong maliit siya kaya kaya niya 'yun, pero tayong mga natira...hindi naman malalambot katawan sa atin. Except for you and your twin," pagpapaliwanag niya. Kung si Mai lang naman ang pag-uusapan namin, she's the center of the empathy in their circle of friends. Napaka-neutral niya sa groupings.
"Sana lang huwag siyang magtaray sa practice." Humalukipkip ako at tumingin sa labas ng pintuang malapit lang sa amin.
"Don't worry, Ella! Ako ang bahala sa kanya if that ever happens. Sa ngayon, let's think about steps, then diskartehan nating i-combine, later if may vacant or tomorrow, since tapus na naman ang finals and final activities na lang ang need nating maipasa. Also, 'yung kay Ma'am Jane na lang naman. First to fourth grading random questions."
"Sige," tipid kong sagot.
Bumalik kami sa pagmi-meeting. Pinag-usapan namin kung kailan kami magbubukod-bukod sa steps at choreo, at kung sino ang naka-assign sa pagtuturo sa boys at girls. Na-assign ako sa boys habang si Mai naman ang sa girls. Mas madali ang ganun kaysa may mangyaring gulo sa amin ni Lourine dahil alam kong magkakaroon kami ng away sa kakareklamo niya kapag ako ang nagturo sa kanila.
We also did brainstorming about particular steps. Since I suggested the moon part, I told them that I got it from the choreo of GFriend's Time For The Moonnight song. It's the first part of the choreo, but we will change the choreography. Hindi naman pwedeng lahat ay gagamitin namin.
Also, we will use the bridge choreo in BlackPink Jennie's solo track, SOLO, for the bridge of our dance in New Rules by Dua Lipa. We took inspiration, too, from the choreography of TWICE's Yes or Yes. And the rest, we just made our own signature moves, but I know Ashton's group will get the highest score for this activity. But we will still give our best.
After the meeting, we have classes. Kaunti na lang ang mga nagkaklase dahil tinatapus na lang nila ang mga lesson plans nila. I also finished reciting for the AP requirement where we need to review the lessons from the first to the fourth quarter and our teacher will ask us random questions, either from the first, second, third, or fourth quarter. It's up to Ma'am Jane. And thankfully, I got a perfect score.
Wala naman na kasi akong iba pang gagawin at wala naman na akong ka-chat para maibsan ang boredom ko sa bahay kaya binasa ko na lang ang buong AP notebook ko at 'yun ang nangyari. Ang ibang lesson naman ay hindi ko na ni-review dahil flash drive nga ang utak ko at natatandaan ko pa ang ibang ni-lesson noong first to fourth quarter. Swerte na lang talaga ako na ang mga alam ko ang tinanong sa akin.
Lumipas ang mga araw. Nagpraktis kami ng sayaw namin sa walang lamang swimming pool sa likod ng bahay namin ni Elle tuwing Sabado. Ang ibang may mga agendas ay pinagbibigyan naming hindi umatenda at pumupunta naman kapag libre sila. Ang iba sa amin ay may samba naman dahil nga INC. Isa na doon si Abegail.
Ngayon ay ang huling araw ng praktis namin. Isusuot namin ang aming dance attire. For the girls, we will wear our school uniform's skirt, a black T-shirt, black knee socks and sneakers, and our school uniform's necktie as our headbands. Mai suggested it because it looks adorable. For the boys, they wore maong pants, a black T-shirt, black ankle socks, and sneakers.
Pagkatapus naming magbihis nina Abi ay nasa dulo lang kami ng pool at nakaupo. Sina Mai at Lourine naman ay nasa kabilang dulo ng pool kung nasaan ang hagdanan.
"Pst, Ellaine, may sasabihin ako." Napatingin ako kay Abi at pinanlakihan siya ng mata bilang 'ano?' sa pagtawag niya. Lumapit siya sa akin at tumabi. Tinignan niya pa sina Lourine bago ako niyakap. Anong meron sa kanya?
"Alam mo na ba?" tanong niya.
"Ang ano?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Anong kailangan kong malaman?
"Kay Dylan at Lourine," aniyang lalong ikinakunot ng noo ko. "May chismis akong nasagap na sila raw ay--"
Nahinto ang sasabihin niya nang makarinig ako ng Messenger call. Kanino naman 'yun? Napatingin ako sa paligid at nakita sina Lourine na naghahanap rin ng cellphone.
"Baba tayo, kunwari." Tumayo ako at hinatak pataas si Abi. Kinukutuban ako sa tawag na 'yun. I felt I've been lied all this time.
"Huh? Bakit?"
"Maki-chismis tayo doon. Masama ang kutob ko."
"Sige, samahan kita." At dumaan kami sa kabilang babaan na medyo malayo kala Lourine. Lalo akong kinabahan nang makita na nila ang cellphone na nagri-ring kanina pa.
Kinuha 'yun ni Lourine ang cellphone niya at inangat 'yun. Nakita kong napatingin pa sila sa akin. "Hm? Bakit? Mag-start na ba ng praktis?" tanong ko.
"Ah...uhm, hindi pa, Ellaine. Maya-maya."
Lalo akong kinabahan sa tono ng pananalita niya. Tono 'yun ng kinakabahan. I wonder why she seems nervous and why do I felt betrayed right now?
Nang makarating kami sa baba ng pool ay hinanap ko ang speaker at in-on 'yun. Binuksan ko na rin ang bluetooth ng cellphone ko at kinabit sa speaker. Pinatugtog ko ang Yes or Yes ng TWICE at sumayaw para maibsan ang nararamdaman ko. My heart's pounding crazily. Parang sasabog na 'yun sa kaba.
"Woi, may kausap na sila." Bumulong sa akin si Abi habang sumasayaw ako at napasilip na lang rin tuloy ako kala Mai.
[Dinig ako?]
"Oo," sagot ni Lourine.
[Anong ginagawa niyo diyan?]
"General practice namin. Bakit ka ba tumawag?"
[Wala lang.]
Lalong kumabog ang dibdib ko habang naririnig silang mag-usap. Naka-loud speaker ang call nila kaya naririnig namin. Tangina, sila ba?
"Sino 'yan?" tanong ni Sheedise kay Mai nang pumunta siya sa tabi nila para ilagay ang damit niya sa bag.
"Dylan," sagot ni Mai.
"Betrayed ka, mars," bulong sa akin ni Abi. Siniko ko siya dahil sa sinabi niya. Lalo lang pinasikip 'nun ang nararamdaman ko. She's right and that's the reason why I felt more pain in my chest. "Aray, totoo naman."
"Alam ko."
"Oh, bakit ka naniniko diyan?"
"Para masaktan ka rin."
"'Ay, ganun? Pasiko ulit."
Napairap ako sa sinabi niya. Supportive friend pa nga.
"Hoy, 'yung Stick-O ko sa Monday ha, babs!"
Babs? May endearment pa talaga sila, huh?
[Oo, pero hindi dito. Nakala Lynarne kami. Ang lawak pala dito.]
[Hoy, Dylle, pumunta na raw 'dun. Nagagalit na si Ashton!] Sigaw 'yun ni Mariel.
[Oo, ito na! Oh, sige na, babs, praktis na raw. Strict si leader.]
"Babs raw, wushu, 'tas ikaw si Ellaine ka lang naman, girl," bulong sa akin ni Abi kaya siniko ko ulit siya. Napadaing na naman siya dahil 'dun. Sinamaan ko naman siya ng tingin pabalik.
"Sige, ingat kayo!" pamamaalam ni Mai sa kanila at pinatay na ni Lourine ang call bago tumingin sa akin. Umiwas siya ng tingin nang makitang nakatingin ako sa kanila. They betrayed me behind my back, huh?
"Hoy, Lourine, kayo ni Dylan?" Sumigaw si Abi at hindi ko na siya napigilan sa tinanong niya. Para niyang binasa ang utak ko dahil sa isinigaw niya. Nakita kong lumunok si Lourine at tumingin kay Mai nang marinig niya ang sinabi ni Abi, parang nag-uusap sila ni Mai gamit ang kanilang mga mata.
"Oo nga, kayo ba? Pasagap ng chismis," ani ni Sheedise.
"H-Hindi..."
Nakaiwas siya ng tingin nang sagutin niya ang mga katanungang binato sa kanya. Ang 'hindi' niya ay hindi kapani-paniwala. It didn't satisfy me. Her answer...didn't satisfy me. It was a betrayal from the both of them.
Walang iba, huh?
"In denial pa nga," pang-aasar ni Abi kay Lourine. "Ano ang totoo? Ang 'hindi' o ang 'babs'?" Kininditan niya ako bago niya ibinalik ang paningin kay Lourine. Parang gusto niya ring masagot ang mga katanungang nasa isipan ko. Napailing na lang ako.
"H-Ha?" Pinanlakihan siya ng mata ni Lourine nang sabihin niya ang 'babs'. "Ano-Anong 'babs' ang sinasabi mo, Abegail?"
"Huh? Mali ba ako ng rinig kanina? Tinawag mong 'babs' si Dylan kanina?"
"H-Ha?" Nanginginig ang mga mata niyang tumingin sa kung saan-saan. Napasabay na rin tuloy ako sa pagtingin sa paligid para hindi siya mailang sa 'kin. Ano naman kasi ang titignan niya doon? Nakailang balik na sila dito kaya hindi na niya kailangang ilibot ang paningin niya sa paligid.
"Hindi ka naman siguro bingi, Lourine?" tanong ko.
Nanginginig ang mga mata niyang tumingin sa akin, sinisiguradong ako ang nagsalita. Nagulat siguro siya na komportable ako sa hot seat na nangyayari sa paligid ko. The truth is...I'm not. I am not comfortable with the topic, especially with their betrayal. Para nila akong sabay na sinaksak sa ginawa nila.
Ilang linggo pa lang ang nakakalipas nang matapus kami ni Dylan at ngayon, siya na ang MU? Agad-agad? Ang bilis naman maka-move on ni Dylan? O naka-move on na ba talaga? O ginamit niya lang si Lourine para mag-move on?
Ugh! Ang gulo!
"Hindi ako bingi," aniya sa akin.
"Buti naman. Narinig mo naman si 'babs' 'tas kami dito...biglaang hindi maririnig. Ang imposimble mo kapag ganun. Biglang natanggalan ng tenga?"
I heard Abegail and Sheedise scoffed, hiding their laughs with their hands. Hindi ko rin alam kung saan ko nakukuha ang tapang kong magsalita kay Lourine pero feeling ko lang na kailangan kong magsalita para rin sa kanya. I don't want her to feel threaten with my presence. Hindi naman na ako babalik.
"Hindi ka galit, Ella?" tanong niya.
Mariin ko siyang tinignan bago ako nagpakita ng ngiti. I was...and will be. I will forever hate the betrayal. Grabe 'yun. February 15 lang natapus ah?
"Why would I, Lourine?" Nakangiti ako habang sinasabi 'yun, but my chest also tightens every minute that I can hear my heart skips a beat.
Napakabigat sa pakiramdam kong binigo niya ako. Binigo nila ako. Ako ang naakusahang manloloko, malandi at manggagamit pero siya rin pala ang manloloko rito. Niloko niya ako sa parteng walang iba nang tapusin niya ang relasyon namin. Is it planned beforehand?
"Kasi nasa akin na si Dylan at hindi na sayo--"
"Hindi mo na kailangang isampal sa akin 'yan kasi sinampal na ako ni Dylan niyan. We started in chat and we ended it there. Also, are you happy with him, Lourine?" tanong ko. Nakikita ko ang pagkaputla niya nang tanungin ko 'yun. Is it a hard question to answer?
"O nagpupunahan lang kayo ng needs niyo para sa mga nararamdaman niyo?" tanong ko pa. Binuksan niya ang bibig niya pero itinikom niya ulit 'yun. Siguro kaya ay ayaw niya akong sagutin ay may tama sa dalawang sinabi ko.
"Masaya ka ba?" tanong ko ulit.
"Are you, Ellaine? Masaya ka ba sa amin?" tanong niya. Nakatingin lang siya sa mga kanay niya at halata ang pag-aalala sa mukha ni Mai habang nakatingin sa kaibigan. Mukhang hihimatayin pa yata ang gaga.
Tumango ako. "Of course. Sino ba naman ako para paghiwalayin kayo. Tsaka, kailan pa?" Kinuha ko ang speaker at nilagay 'yun sa taas ng slope ng pool. I saw her gulped because of what I asked.
"February..."
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko at sumayaw pagkatapus kong maikabit ulit ang isang cellphone na pag-aari ng isa naming kagrupo. Kay Mai yata ang cellphone na ginamit namin para sa paghahanap namin ng steps. Kailangan pa naming masinsinang mapraktis lahat bago namin gawin ang mismong general practice ng sayaw.
"Ha?!" sigaw ni Abi. Napalingon tuloy ako sa kanya habang nagtatanong ang mga mata. Ang hilig niyang sumigaw bigla-bigla.
"Oh, bakit? Anong meron?" tanong ko.
"Hindi mo narinig?"
"Ang ano?"
"Feb-February...ano raw...22."
"22? Ang ano?"
"Naging kami...MU..." Nanginginig ang boses ni Lourine habang sinasabi 'yun. Tinignan ko lang siya ng walang kaekspre-ekspresyon. It hurts but that's fine. 7 days after the separation, huh? Ang galing naman.
"Ah, okay." 'Yun lang ang nasabi ko. "Paano naging kayo? Mai, pa-open cellphone mo, i-search ko na 'yung kay Jennie. May nakalimutan akong step eh," tanong ko pa nang lumapit ako kay Mai para ipabuksan ang cellphone niya.
"Crush niya rin daw ako."
Wala akong naging reaksyon sa sinabi niya. It's the typical reason and I wanted to laugh. Kailan pa ako niloloko ni Dylan na ako pa rin ang gusto niya? Ginusto niya na lang palang manatili noon.
"Ah, sige. Stay strong, mag-'babs'," asar ko at nakita kong namula ang mga pisngi niya. So, she's nervous, huh? Nakikita ko ang paglaro niya sa kanyang daliri nang sabihin ko ang 'stay strong'.
"Tara, praktis," pag-aaya ko nang walang pag-aalinlangan. Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Lourine nang lingunin niya ako. Pinakitaan ko na lang siya ng ngiti.
It's fine. Ayus lang na sila naman. They can do whatever they want but I still wonder...7 days, huh? Ang bilis mag-move on. Sana ako rin. Joke.
Nag-praktis na kami at tinuruan ko muna ang mga boys hanggang sa masaulo nila ang steps na hiniram namin sa Yes or Yes ng TWICE. Ganun rin ang ginawa ni Mai sa girls. Pagkatapus 'nun ay sumayaw na kami bilang isang grupo. It came up good. 'Yun lang ay hindi nila magawa ng maayus ang break dance namin.
Dumating ang araw ng sayaw at first subject pa namin 'yun kaya agad-agad kaming nagpalit ng damit. Sa silid nagpalit ng damit ang mga boys at ang mga girls naman ay sa banyo.
Papasok na sana ako sa isang cubicle nang marinig ko ang usapan nina Lynarne.
"Alam na ni Ellaine," ani ni Lourine. Pagak pa ang boses niya nang sabihin 'yun.
"Paano? Sinikreto natin 'yan ah?" tanong ni Lynarne.
"Tumawag si Dylan nung GenPrac namin sa lugar nila. Hindi mo ba nakita? 'Di ka kasama nung tinawag si Dylle?" tanong ni Mai.
"Hindi, nasa bahay pa ako 'nun, nagbibihis. Eh, anong naging reaksyon ni Ellaine? Nagseselos, ganun?"
"Hindi, parang...ayus lang siya. Parang hindi siya nasaktan."
Pumasok ako sa cubicle at sinimulang magpalit ng damit habang nakikinig pa rin sa kanila. Hindi ko naman maiiwasang marinig sila dahil nasa tapat lang naman sila ng sink at salamin malapit sa entrada ng banyo ng mga babae.
"Wala siyang pakialam kay Dylle?"
"Wow, makapagsalita ka, Arne. Tandaan mong 7 days pa lang wala sina Ellaine at Dylan, 'tas kaibigan na natin," ani ni Mai.
"Ha?! Kailan ba naging kayo?" tanong ulit ni Lynarne. I can tell she's asking Lourine.
"Feb. 22," sagot naman ni Lourine.
"Kailan nawala sina Dylle?"
"Feb. 15."
"Gaga, kaya pala guilty ka diyan. So baliktad? Si Dylan ang walang pakialam. Kailan ka pa niya pinu-pursue, MaeMae?"
"December pa."
Ang necktie na lang sa buhok ang kulang ko nang marinig ko 'yun. December? 'Yung mga oras na naging cold na siya sa akin? Si Lourine na pala ang pinu-pursue niya 'nun? Bakit 'di man lang sinabi sa akin at para nakapag-move on agad ako ng maaga? Pwede naman 'yun eh.
"Tanga ka, 'tas pinatulan mo? First MU 'slash' parang jowa pa more. Tinu-two-time kayo eh!"
"Mabait naman si Dyla--"
"Tanga ka pa rin, gaga!"
"Pero MU lang naman sila, pwede pa--"
"Bobo, 'With Honors' ka ba talaga? Hoy, hindi ganyan ang tinuro ng magulang mo sayo, MaeMae." Halata ko ang gigil sa boses ni Lynarne habang pinagsasabihan niya si Lourine.
Gusto kong makisali pero hindi pwede. I don't want to be related to their topic anymore even though I am. Kasama pa rin ako 'dun pero ayokong mangialam. Sa kanila na ang problema kung pati ako sa personal ay idadamay nila. Huwag lang silang gagawa ng chismis tungkol sa akin at kay Dylan nang tapus na kami.
Lumabas ako ng banyo habang dala ko ang bag na pinaglagyan ko ng damit. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nila nang lumitaw ako sa harapan nila. Tinignan ko lang sila isa-isa bago lumampas sa gitna. Akmang magsasalita sana si Lynarne pero itinikom niya rin kaagad 'yun.
Nilingon ko ulit sila nang makalabas ako ng isang hakbang mula sa pintuan ng banyo. "Hindi pa kayo lalabas?" tanong ko. "Baka may huling praktis pa kayo, bumaba na kayo."
"Uhm...Oo...Bababa kami..."
"Sige, sunod na lang kayo ah. Tsaka, Lourine," Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at kaunti pa siyang napatalon nang tawagin ko ang pangalan niya. "Wala ka pang headband," ani ko bago tuluyang umalis at bumaba papuntang silid namin.
Pumasok ako sa silid. Nakabihis na ang ibang boys at mayroon pa rin namang natitirang nag-aayus. Lumapit ako sa upuan ko at isinukbit doon ang dala kong bag ng damit ko. Lumapit ako kina Abi pagkatapus at umupo sa upuang malapit sa inuupuan nilang desk.
"Natagalan ka yata. Meron ka?" tanong niya.
"Wala," sagot ko. She's referring to menstruation.
"Eh, bakit ang tagal mo?"
"Pinakinggan ko pinag-uusapan nina Lourine."
"Ha? Tatlo silang nandun?" Kumunot ang noo niya.
"Oo."
"Bakit mo papakinggan? Chismosa lang?" ani ni Mariel. Kunot-noo akong lumingon sa kanya. Bakit parang pagalit ang tono niya?
"Ako at si Dylan ang pinag-uusapan kaya nakinig ako. Pwede naman 'yun, 'di ba?"
"Chismis pa rin."
"So...chismis rin ang pinakinggan mo ang chismis na 'yun sa service kanina, Mari?" tanong ni Abi. Napangisi ako dahil 'dun. Now, this is getting exciting.
"Anong sinasabi mo? Walang sinabi si Lourine sa akin."
"Nagmaang-maangan pa." Lalong nang-asar si Abi. "Eh, kung nalalaman ko lang naman, naninira ka dito. You called Ellaine, 'not deserving', na hindi niya deserve ang binibigay ni Dylan."
Parang huminto ang paligid ko sa sinabi niya. Not deserving? Ako? Baka si Dylan ang 'di deserve ng pinakita ko. He betrayed me. Ako ang inaakusahang may gusto kay Jason pero siya pala itong nagkagusto na sa iba. I was stopping myself to like Jason. I was stopping myself because I don't want to be a two-timer, even though it's just a MU. Seryoso ako sa kanya.
"Wala akong sinabing ganyan!" sigaw ni Mariel na nakapagpapunta sa amin ng atensyon. Napahawak na lang ako sa sentido ko at hinilot 'yun. Hindi ba siya makatanggap ng katotohanan? Narinig na nga ng tao, ide-deny niya pa.
"Anong nangyayari dito?" Lumapit si Ash sa gawi namin. President siya ng klase kaya may karapatan siyang makisingit sa gulo.
"May sinasabi lang naman si Abegail na hindi makatotohanan tungkol sa 'kin," panunumbong ni Mariel at humalukipkip bago kami inirapan.
"Wow, ha? Lang? LANG, HUH?! Narinig na nga, ide-deny pa. Pres, sinasabihan niyang chismosa 'tong si Ellaine kahit pinakinggan niya lang naman ang pinag-uusapan tungkol sa kanya. Eh 'di sinabihan ko lang rin namang chismosa si Mariel dahil 'yung mismong narinig kanina ni Ellaine ay mismong 'yun rin ang sinabi kay Mariel kanina sa service. So, parehas kayong chismosa? Fair enough, 'di ba, Pres?"
"May point pero pointless," ani ni Mariel at umirap ulit. Tuhugin ko kaya mata nito?
"What's happening here? Ash?" Nakapasok na sina Mai at nakapaglagay na ng headband si Lourine sa ulo niya. Tinignan niya ako pero saglit lang 'yun at agad niyang iniiwas. Bagay nga talaga sila ni Dylan. Parehas iwas nang iwas.
"Nagkakagulo lang."
"May pinag-usapan raw kayo tungkol kay Ellaine," ani ni Mariel bilang sagot kay Mai. Tangina, bakit kailangan niyang manlaglag?
"What?" Kunot-noo akong tinignan ni Mai. "You eavesdropped on our conversation?"
"Hindi ko sinasadya pero wala naman akong pakialam sa sinabi niyo," ani ko.
"Asus, kunwari ka pa, Ellaine."
"Manahimik ka nga, Mariel! Isa ka pa!" Halata sa boses ni Ash ang gigil at galit.
"What did you hear, Ellaine?" Matalim ang tingin sa akin ni Mai habang sinasabi 'yun.
"Na kung alam ko na ang kay Lourine at Dylan." Pabulong ang pagkakasabi ko 'nun para kami lang ang makarinig. Pero...Nagulat ako nang biglang sumigaw si Lexie. Nasa tabi na pala siya ni Mai nang hindi namin napapansin.
"Ano?! Hoy, Dylle! Wala kaming alam dito ah!"
"Ano ba 'yan, Lex?" Lumapit na rin si Dylan kung nasaan kami at dumapo agad ang paningin niya sa akin. "Ellaine..." Pabulong niyang tawag at tinanguan ko na lang siya.
"I-reveal niyo na kaya? Nandito na naman na sa harap mo si Ellaine, Dylan," ani ni Ashton.
"Ang ano?" Kunot-noo siyang nagtanong, halatang naguguluhan.
"'Yung 'thing' between you and Lourine raw." Si Lexie na ang sumagot.
"Thing?"
"MU kayo, 'di ba?" He looked at me with confusion and I fight his cold stare. Napakalamig 'nun. Parang tinatanong ng mga mata niya kung paano ko nalamang MU sila ni Lourine. "February...'Yun ang month, 'di ba?" tanong ko pa.
Lalong dumilim ang mga mata niya na para bang gusto niya ng umalis sa harapan ko pero ang kasunod na nangyari ay hindi ko inasahan. Hinawakan niya ako sa pulsuhan at akmang hahatakin ako. "Mag-usap lang muna kami sa labas, Ash," aniya.
"Bilisan niyo." At lumabas na kami ng silid.
Pumunta kami sa likod ng JHS Building at pinaupo niya ako sa isang hakbangan ng hagdanan na naroroon. Humawak siya sa barandilya sa gilid ng hagdan at umiigting ang pangang tumingin sa akin ng matalim.
"Paano mo nalaman?" Pagalit ang tono niya habang nagtatanong. Suminghap ako ng hangin bago pinakawalan 'yun. Para niya akong inuubusan ng oxygen sa paligid dahil sa galit niya dahil nalaman ko ang tungkol sa kanila. Bakit galit siya? Wala naman akong sisirain at hindi ko sila sisiraan.
"Narinig namin kayo nung GenPrac namin. 'Babs' tawagan niyo ah, ang cute. Mga anak kayo ng baboy kaya 'babs'?" tanong ko. Bakit kasi 'babs'? Nagtataka lang ako kaya ganun ang pagkakatanong ko at tsaka, para hindi awkward pero nakita ko lang ang lalong pag-igting ng panga niya. Kumukuyom na rin ang kamao niya sa galit. Alam kong tinitiis niya lang ako. "Nakuha mo pang magbiro 'no?"
"Oh, nagsalita si 'puro asar' boy sa akin dati. Know the feeling na, huh?" pang-aasar ko pa.
"Ellaine!"
Bumuntong hininga ako. "Dylan...Mas mainam ngang nagjo-joke ako dito kaysa sabihin kong niloko mo pala ako." Kumunot ang noo niya kaya bumuntong hininga ulit ako. It's for the nth time. "You and Lourine betrayed me. Sabi mo walang iba nung natapus tayo, 'tas 7 days...7 days after nating matapus, may iba ka na agad?"
"MU lang tayo, walang 'tayo' at hindi naging 'tayo."
"Alam ko," ani kong nanginginig na ang boses dahil nasasaktan na ako. "Alam kong hindi naging 'tayo' pero...pero Dylan...Parang hindi mo nirespeto ang pinagsamahan natin nang after 7 days, may iba ka na agad...At kaklase pa ulit...Kailan pa?" I am refraining myself from crying. It's not worth my tears. This talk doesn't deserve my tears and it will never be deserving.
"December...No...Actually, November pa. Inasar ako sa canteen na bagay kami ni Lourine dahil nakakapag-usap kami sa personal and all, at parehas kami ng tropa at trip. Suddenly...Noong Deecember, around Year End, nagugustuhan ko na siya...Nagiging crush ko na siya...Kahit na nagseselos pa rin ako kay Jason sa paligid mo...Kahit na pinagsabihan kita noong tour...I already liked her that time."
"What?" Galit ako. Galit na galit. Sinaktan niya ako nung gabing 'yun dahil nagseselos siya. Sinaktan niya ako dahil galit siya. Pinagbuhatan niya ako ng kamay 'nun dahil galit siya. And now, he is telling me that he already likes Lourine that time? Ano bang kabaliwan 'to?
"I like her, Ellaine."
I laughed before I smiled at him. "Oo nga, sabi mo nga. Eh 'di...Stay strong sa inyo."
Tumayo ako at pinagpag ang palda ko. Nasa barindilya pa rin ang mga kamay niya at humaharang sa dadaanan ko. Hinigpitan niya ang hawak doon at nakikita ko pa rin ang galit sa mga mata niya. Para kaming magkasing-tangkad dahil nakatungtong ako sa hakbangan ng hagdan.
Ang lapit rin ng mukha niya sa akin. We can kiss by accidently anytime but I don't want that to happen. Ayokong makuha niya ang first kiss ko. Hindi niya deserve ang first kiss ko.
"Tabi," ani kong tinutulak siya pagilid. Hindi siya nagpatinag at tumayo lang sa harapan ko habang matalim pa rin ang titig sa akin. "Tabi, sabi!"
"Nag-uusap pa tayo."
"Ano pa bang dapat pag-usapan? Ang history niyo? Gusto mo bang i-share sa akin? Huwag na kung oo. Sa inyo na 'yan. Wala akong planong gumanap na kabit."
"Ginagawa mo ba akong joke?!"
"Sino bang ginawang joke ang taong natiis at ginusto siya pero iniwan rin kasi naasar lang at naging crush niya at nagustuhan niya ang naasar sa kanya? Ako ba?"
"Nauna kang pumatol kay Jason."
"Hindi ako pumatol sa kanya."
"Pumatol ka! Sabi ni Lourine--"
"Ni Lourine?" Kumunot ang noo ko. "Sinabi ni Lourine 'yun?"
Namutla siya habang nakatingin sa akin. Para siyang may sinabing dapat ay hindi niya naibunyag sa harapan ko. Si Lourine ang nagsabi sa kanya ng mga chismis tungkol sa akin? Na malandi at ginagamit ko lang ang ganda ko para akitin sila? Siya 'yun? Pero bakit?
"Sabihin mo, Dylan...Si Lourine ang nagsabi sayong ginagamit ko lang ang ganda ko para akitin ka? Na hindi kita ginusto? Na nanlalandi ako?"
Tumango siya at inalis ang mga kamay niya sa barandilya. Yumuko ako at tinignan ang sneakers na suot ko habang kinokontrol ko ang namumuong galit sa dibdib ko. So, it's Lourine all along?
"Nagustuhan mo pa talaga ang nanira sa akin, 'no?" I sarcastically laughed. "Grabe, ang talino niyo ha? Saan napunta 'yun? 'With Honors' kayo ha? Where did that go nung sinabi sayo ni Lourine ang chismis na 'yan? Ang paratang na 'yan? Naniwala ka kaagad sa kanya? At kapag ako na ang nag-explain o kapag si Jason ang mage-explain, ignored kami, ganun?"
My chest wanted to burst. Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala. Gusto ko siyang sampalin. Sa ginawa niyang pag-amin, lalo lang nadagdagan ang bigat ng nararamdaman ko. Ang kaba ko ay nawala at napalitan 'yun ng tapang. Tapang para labanan ang sakit at ang betrayal na ginawa nila.
"Inakusahan mo akong may gusto kay Jason pero ikaw pala 'tong nagkakagusto na sa iba habang inaalagaan ko kung ano ang atin...habang nirerespeto ko kung ano ang atin...habang nilalayuan ko ang taong lagi kong kasama sa groupings at ang nililimitahan kong lapitan dahil nagseselos ka...'Tas ngayon, malalaman kong gusto mo na si Lourine sa panahong pinaghigpitan mo ako ng hawak noong gabing 'yun...noong gabi nang matapus ang tour..."
"Ellaine, sorry...Tapus na 'yun...Kalimutan mo na lang."
"Kalimutan?" Pinagtaasan ko siya ng kilay habang diretso akong nakatingin sa mukha niyang nakalihis na ang tingin sa akin. Hindi niya siguro kayang tumingin sa akin. "Inakusahan mo ako at biglang niloko sa parteng sinabi mong 'walang iba' nang maayus kitang tanungin sa chat. And now, you are telling me na kalimutan ko na lang? Lang? Saan pwedeng ma-bluetooth ang mararamdaman ko sayo 'no? Para nararamdaman mo 'yung sakit. You know I was hurt when you liked me and you fill some of the void inside me and...that lessen the pain...Pero, Dylan...Sa ginawa mo, parang ibinalik mo lang lahat ng sakit na pinunan mo at may extra pa! Dahil ba special ako?" I sarcastically laughed to stop the tears that is forming in my eyes.
Nangingilid na 'yun kaya itinaas ko ang ulo ko at hinilamos ang mukha ko. Naiinis na ako sa sinasabi ko. Tinitiis ko ang galit ko dahil ayokong sumigaw at ayaw ko siyang murahin. He did a great job for relieving the pain of mine.
I was about to escape the chase but...he made me go back to my track where I started to escape the chase...where Harold also brought me before...and now, it was the same maze again. It was the same goal again. To escape the chase of the pain...of the burden of guilt that I liked him...of the sadness that I didn't become the girl he wanted.