"ML lang ba talaga ang rason mo? Kinulang lang ba ng oras ang rason mo? O rason mo na rin pati ang nagustuhan mo si Lourine, Dylan?"
I pushed him away and walked out. Bumalik ako sa silid at pumasok. Pinukulan ko ng tingin ang lahat at ngumiti. "Oh, bakit? Mag-ayus na kayo."
"Ayus ka lang, Ella?" tanong ni Lynarne.
"Bakit? Oo naman," sagot ko.
"Mukha kang paiyak."
Binigyan ko lang siya ng ngiti nang sabihin niya 'yun. I felt crying but I can't and I won't.
Bumalik na rin si Dylan sa silid at agad-agad niya akong nilapitan. Hinawakan ako ni Abi sa braso at niyakap ako habang lahat kami ay nakatingin kay Dylan. Lumapit na rin si Lourine at tumabi sa lalaking nasa harapan ko.
"Oo," Hinihingal pa siya nang sabihin niya 'yun. It's the answer from my question. "Isa 'yun sa mga rason but I liked you. I did before."
"Ellaine, tama na." Pinanlakihan ako ng mata ni Lourine habang sinasabi niya 'yun. Isa pa siya. She is really acting like she's not involved with my and Dylan's separation. Siniraan niya ako pero may bait pa rin naman ako.
"Tama na rin ang pagpapanggap, Lourine. Ikaw ang nagpakalat na malandi at manggagamit ako. Huwag kang magmaang-maangan."
"H-Ha? Anong sinasabi mo?"
"Lourine...Anong sinasabi ni Ellaine? May sinabi kang ganun?" Confusion is the only thing that can be read in Lynarne's face. The same goes for the others in the classroom. "Lourine!"
"Meron..." Yumuko siya.
"Tangina, nagkakagulo na dito! At Ellaine, sinong nagsabi sayo niyan?" tanong ni Lexie. I didn't answer her. Instead, I looked at Dylan who's standing in front of me and Lexie's eyes widened. "Puta...Dylan! Kailan mo sinabihang malandi at manggagamit 'tong si Ellaine?! Hindi ka namin tino-tolerate ng ganyan ha! Wala kaming sinasabing ganyan!"
"Nung tour..."
"Nung tour? Puta, nung gabi?" Tumango siya kay Lexie at napahilamos na lang sa mukha si Lexie, naiinis sa nalaman. She's one of the trustworthy classmates here and I know she's also controlling her anger right now. Kaibigan ba naman niya ang nagsabi ng ganun sa akin. "Tangina, alam mong hindi ganyan si Ellaine, Dylan! Ano bang iniisip mo?!"
"Anong nangyayari dito?" Sumingit rin sa eksena si Sheedise. Napakagat ako ng labi nang mapagtanto kong nadadamay na ang lahat sa gulo.
"Sinabi ni Lourine kay Dylan na malandi at nanggagamit lang si Ellaine at sinabi naman ni Dylan 'yun kay Ellaine nung gabi ng tour," pag-uulit ni Lynarne sa kanya.
"Ah, oo. Nandun kami nung nangyari 'yun. Medyo nasaktan si Ellaine 'nun."
"Nasaktan?" Kunot-noong lumingon si Ash kay Sheedise. "Paanong nasaktan?"
"Pinaghigpitan ng kamay ni Dylle sa pulsuhan si Ellaine 'nun," aniyang kinakamot na ang batok at nag-peace sign kay Dylan. "Saktong dating namin, ganun na ang naabutan namin. Hinatak lang ni Jason 'yang si Dylan, palayo."
"Si Jason?" Hindi naniniwalang pinukulan nina Mai at Lourine nang tingin si Sheedise. "Jason saved Ellaine?"
"Oo 'di ba kakaiba sa pandinig?" pagbibiro pa ni Sheedise.
"Lourine, Dylan, anong ginawa niyong dalawa? MU kayo pero ganito pala nagawa niyo sa isang tao?" Kung kanina ay mababa pa ang chance na sumabog sa galit si Ashton, ngayon ay galit na ang tono niya at nakakunot ang noo niyang lumapit sa magkatabi. "Oh, alam kong normal magchismisan kasama ang tropa, Lourine, pero sumobra ka ngayon. Hindi malandi 'tong si Ellaine at hindi rin manggagamit. Kung manggagamit 'yan, eh 'di 'With Highest' na 'yan ngayon."
That's true. If I used them then, I will be on top right now. Ang kaso nga lang ay hindi naman ako ang top one at hinding hindi ako magiging ganun, dahil ayokong nasa pinakataas ako ng klase.
"Pero, hindi ba totoo? Puro siya dikit kay Jason at tsaka--"
"Tsaka ano?" Jason entered the stage.
"Tsaka..."
"Kung ano mang sasabihin mo tungkol sa tour, huwag na. Pumayag si Dylan 'nun kaya tigilan niyo na si Ellaine. Wala namang ginagawang masama sa inyo. At kung ano man ang nakita niyong pinag-uusapan namin ni Ellaine dati, as groupmates 'yun. Kung tumatawa siya dahil sa akin, mababaw lang talaga ang kaligayahan niya. Hindi niyo kailangang bigyan ng meaning lahat."
Hindi ako nagsalita habang nakikinig sa isinagot niya. It's satisfying to hear because that's what I wanted to say and he said it. He defended me even though I didn't tell him to.
Naalala ko na naman ang sinabi sa akin ni Sheedise nung gabing 'yun. Prinsesa ako ni Jason, huh? I can see that but I still cannot sink it in.
"Bakit ba pinagtatanggol mo siya? Gusto mo ba siya?" Sinamaan ng tingin ni Dylan si Jason habang tinatanong niya 'yun. Nagpamulsa na lang si Jason bago sumagot. "Kapag ba pinagtanggol mo si Ate Lyra, gusto mo na rin ang ate mo?"
"Hoy, Jason! Anong pinagsasasabi mo? Incest 'yun!" sigaw ni Lourine.
"'Yun nga ang punto ko. Pwera pinagtatanggol ko si Ellaine ay gusto ko na siya. Hindi ba pwedeng bilang lalaki ay ipagtatanggol ko siya sa mga nang-iinsulto sa pagkatao niya? Parang hindi mo siya naging MU, Dylle. Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa kanya? Malandi? Manggagamit? Ginamit ka lang ba niya? Akala ko ba pinag-usapan na natin 'to?"
Hindi na nagsalita ang lahat nang marinig namin ang pagbukas ng pintuan. Nakita namin' dun ang principal ng JHS at MAPEH Teacher. She's one person.
"May meeting ba diyan?" tanong niya nang lumingon kaming lahat sa gawi niya.
"Wala po, ma'am! Start na po ba?"
"Five minutes. Kung magmi-meeting pa kayo, take your time."
Lahat kami ay nagtinginan bago iniiwas ang mga tingin habang nanatili ang paningin ko kay Jason. He's still staring at Dylan. He's quiet all this time and his words did hit them hard. Tama nga sila. Huwag na huwag mong tatangkaing pagsalitain ang tahimik.
Bumalik kami sa mga grupo namin at nag-usap-usap. Mai acted like normal and as so as everyone else in the group except for Lourine. She's still shifting gazes from me to Dylan to Jason and everyone else. Nilapitan ko siya nang mapansin ko ang mga tingin niya.
"Huy, Lourine, sabaw pa utak mo? Kunin mo na lang mamaya ang Stick-O mo kay Dylan pero sa ngayon, sumayaw muna tayo," tawag ko sa kanya. Nakita ko na naman ang pagtalon niya sa kinauupuan niya. Lagi na lang siyang nagugulat sa 'kin.
"S-Sige..." Tumayo siya at pinagpag ang palda niya. Bumalik naman ako kala Abi nang matapus ko siyang gisingin sa pagkatulala.
"Woi, Abi!" tawag ko.
"Oh, ano, Laine? Satisfied ka sa sinabi ni Jason? Napaka-true 'nun!"
"Unsatisfied kay Mariel."
Sinamaan ko ng tingin si Mariel sa kabilang grupo.,Pinagsasabihan pa rin siya ni Ashton habang nakita ko namang kinakausap ni Lexie si Dylan. I can tell that she's disappointed. All of them are disappointed. Babae ang mga tropa niya kaya siguradong magagalit sila sa pananakit sa 'kin ni Dylan.
"Pero sa lahat nabunyag ang nangyari," ani ni Abi. Isa rin 'yun sa mga magiging isyu ngayon, ang pananakit ni Dylan sa akin. Hindi ako ang nag-reveal ng pananakit, si Sheedise. Pero konektado naman kasi 'yun sa topic kanina at ang tanging hiling ko lang ay hindi 'yun makaabot kay Ate Lyra. "Hayaan mo na," ani ko.
"'Yung bait mo, pagsasawaan mo rin, Ella. Nagmamaldita ka nga pero ang limitado. Pakidagdagan ang level para hindi ka nasasaktan lagi."
Nag-antay na kaming matapus ang limang minuto bago kami pumosisyon sa gitna. Nakatayo ako sa pinakagitna ng buwan na ginawa namin. Nakatalikod, nakaluhod at nakaupo ang iba. Ang mga lalaki naman ay hati sa dalawang pangkat nang mayroong tig-dalawang tao sa bawat pangkat. Nakayuko kaming lahat habang hindi pa namin naririnig ang pagtugtog ng New Rules. Kami ang unang sasayaw.
"Ready, Group One?" tanong ni ma'am at tumango ako.
Narinig ko ang pagtugtog 'nun at ginawa ko ang prinaktis namin pero ngayon ay mas seryoso ang pag-execute ko 'dun. Ipapamukha kong hindi ako apektado sa nangyari kanina. I performed the hand gestures as a solo.
"One..."I extended my arms to my left and right side."One..." I rotate my arms and place my right hand in front with my index finger out. "One..." I rotate my wrist. "One..." I place my right hand on the left side of my face. "One..." I wave my other hand on the other side before waving my right hand again.
After that, we do our hand gestures for the first part of the first verse, 'Talkin' in my sleep at night, makin' myself crazy'. "Out of my mind, out of my mind." Lourine stood up for that part to do what I told her to do and at the same time, I kneeled down to make it her moment.
After the first verse, we did the other dance steps. There's a part where we need to lean on the shoulders of the boys and I didn't include Lourine because she's too small for the boys. She cannot reach their shoulders, that's why, but I gave her steps so she is still part of the choreography. She's not included in us dancing with the boys but Dylan gave me death glares. Ano namang ginawa ko sa kanya?
"But my love..." I and Abegail did the honor of charming the boys of the other group while they are watching us in front. It's not in our plan. I just told her that we need to freestyle and I gave her some steps. I went in front of Dylan and stare at him intensely, giving him death glares. I raised my hand near his chin. But before it brushes his chin, I immediately placed my hand on Jason's chin and held it upwards when the lyrics changed. He was shocked. "He doesn't love me, so I tell myself...I tell myself..." I sang it while I stare at his confused and shocked eyes. And when the repeating 'I do' played, I backed off and went back to my spot in the chorus formation.
When I faced them again, Dylan's eyes got darker while staring at me. Every second, it leaves an impression that he is still jealous...that he, still, has feelings for me. Ayokong maging assumera pero halata na siya. Parang ginawa niya lang panakip-butas si Lourine para sa totoong nararamdaman niya. Ginusto niya ba talaga si Lourine?
While we are still dancing, my mind wandered and my heart aches when I think he just used Lourine to relieve the pain he is feeling right now, but I also knew he was not lying in the part he did fall into the trap. The trap of teasing which I experienced its consequences already.
"Don't let him in, don't let him in...Don't, don't don't..." And we did our break dance for the ending part. We went from forming the moon in the beginning to forming a sun in the end. We got the idea from the intro choreo of GFriend's song, Sunrise. I thought of it at the last minute of our general practice. I just did an extra effort of brainstorming for the ending part of the boys and I managed it.
The boys kneeled around us while we lie on the floor, forming a sun. Our choreography for 'New Rules' signifies that the dark will not forever trap you from forming 'new rules' for yourself and cannot stop you from escaping from the wrong person, and these 'new rules' may bring you to the right path and light.
Hingal na hingal kami nang tumayo kami at nagtapat-tapat para yumuko. Nagpasalamat rin kami sa kanilang panonood. Pinalakpakan kami ng aming guro bago pinasayaw ang grupo nina Ashton. They are parted into three groups.
"One...One...One...One...One..." Ashton did a solo dance in front of the class while the other members are waiting for their turns.
Nang magsimula na ang first verse ay pumasok ang unang pangkat para sumayaw sa harapan. Nagtuloy-tuloy ang routine nila sa pagpapalit-palit ng posisyon at grupo. Manghang mangha akong nakaakma ang tingin kay Lynarne nang sumayaw siyang mag-isa bilang bridge choreo nila. Natawa naman ako sa posing ng mga nakapaligid sa kanya dahil nakapamewang sila habang nakataas ang mga daliri nila para ipakita ang 'one', 'two', o 'three' sa chorus ng kanta. Halata sa mga mukha nilang boryong boryo na sila sa role nila.
Dumaan ang paningin ko sa kanila at nakita si Dylan na nakatingin ng masama sa akin pero nagkibit-balikat na lang ako at tumingin sa harapan ko. Sakto pa talagang si Jason ang iniharap sa akin ni tadhana nang nagpalit na naman sila ng grupo. Namangha naman ako sa galing niya. Pinagpraktisan ba niya ng maigi 'to?
Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Ashton habang tinitignan isa-isa ang mga kasama. Ngumisi na lang siya nang dumapo ang paningin niya kay Jason. Hindi ba ganito kagaling si Jason para mapangisi siya ngayon? I know he's amazed when he does that.
"Don't let them in, don't let them in...Don't, don't, don't..." They did the last part and we clap our hands. I can tell Ashton did a really great job with their choreography. Napakaganda ng kinalabasan. No doubt he was considered the dance machine of the class. Mapa-pambabae o mapa-panlalaking sayaw kasi, nagagawa niya.
"Great job, everyone!" bati ng teacher namin. "All of you did a great job and I can tell you gave efforts for the choreo. Ang ganda ng moon and sun effect ng Group One, at 'yung nagsama-sama 'yung lahat sa Group Two para mag-form ng parang peacock choreo. Ang ganda! All of you, perfect kayong lahat sa akin!"
Napapalakpak ako nang marinig kong perfect rin ang grupo namin at nag-apir pa kami ni Abi sa tuwa. Hindi ko naman akalaing pati kami ay makakakuha ng perfect score sa sayaw dahil mas maganda talaga ang kala Ashton.
"Now, kailangan nating mamili ng sasayaw para sa Moving Up Ceremony niyo."
"Bakit po kailangan naming sumayaw?" tanong ni Ashton.
"Isasabay na kasi ang Moving UP ng mga Grade 10 sa inyo. Junior High Graduation, ganun ang mangyayari."
"Special event pala."
"Kaya pipili ako ng ilang sasayaw sa inyo. Si Hill at ang dalawang Gonzales ay kasama na kaagad. Sino pa ang gustong mag-volunteer? Isama niyo na rin si Rocha at ang galing sumayaw sa outro kanina."
"Ha, ma'am?" Lumingon bigla si Sheedise sa harapan.
"Ayaw mo ba, Sheedise?"
"Ma'am, wala akong sinasabi ha."
"Decided. Sino pa?"
"Ako, ma'am." Itinaas ni Rain ang kamay niya.
"Ako rin, ma'am." Itinaas ni Lynarne ang kamay niya.
"Sino pa? Dela Cruz, hindi ka sasama? Magaling ka kanina."
I looked at him and saw his shocked face. Nawala rin naman agad 'yun nang lumingon siya sa direksyon ko. "Ma'am, hindi na po," aniya nang ibalik niya ang paningin sa guro namin.
Alam kong ayaw niyang sumali dahil nandun ako. Buti naman at hindi siya sumali dahil ayoko ng gulo habang nagpapraktis kami. It will give us closure but the closure can result to a fight and he can hurt me again. That's what I want to avoid.
"Ma'am, si Jason na lang po." I smirked because of his suggestion. Si Jason pa nga.
"Selos, ex mo, sis," ani ni Abi. Siniko ko siya dahil 'dun at napadaing naman siya ng tahimik.
"Oh, Dela Rosa, isa ka pa sa mga magagaling kanina. Hindi ko alam na ganun ka pala kagaling sumayaw, hindi ka naman ganun kagaling noong Grade 7. Ano? Payag ka?"
"Sige lang po, ma'am," sagot niya.
"'Yun! Kasama mo naman si Ellaine. Sayo na 'yan," ani ni Dylan. Umismid ako dahil 'dun. Dahil lang sa kasama ako ay papasamahin niya si Jason sa dance troupe? Parang timang ang gago. Nagseselos pa rin ba siya kahit wala ng 'kami'?
"Wala akong planong angkinin si Ellaine. Kung anong mangyayari, mangyayari, 'dre."
"Kunwari ka pa."
"Gago."
Napairap na lang ako dahil sa pinag-uusapan nila. Ako na naman ang topic ng dalawa, hindi ba pwedeng si Lourine naman ang bukambibig niya? Ako na naman ang pinagdidiskitahan niyang iasar kay Jason. Ugh! Nakakarindi na kasi sa tenga ang pang-aasar niya. Si Lynarne ang crush niyan, buang! Pero hindi ko pwedeng ipagsigawan 'yun, hunghang!
Nagtuloy ang araw nang wala nang masyadong ginagawa kaya sumayaw na lang ako ng Navillera ng GFriend habang ang iba ay pumuntang cafeteria para bumili. Hindi ko pa masyadong saulo ang steps dahil 'yung kay SinB ang sinasaulo ko. She's my bias.
"Al su isseosseo neol bon sungan...Mwonga teukbyeolhadaneun geol...Nunbit maneurodo neukkyeojinikka...Maeumi umjigineun geol..."
Tumugtog ang first verse ng kanta at sumayaw ako nang hindi nahihiya dahil kami-kami lang nina Ash ang nasa loob ng silid. Mas ayus ng ganun kaysa naman pinapanood ako ng mga taong alam kong ija-judge ako sa sayaw ko.
"Huy, hindi ko saulo 'yung sa part ng may tugtog diyan! 'Yung walang lyrics, 'yung parang break dance nila," ani ni Ash sa akin.
"Ang hirap sauluhin 'nun pero saulo ko na," sagot ko.
"Paano?"
"Ganito." Tinuro ko sa kanya kung kailan itataas ang paa at kung kailan namin itataas ang kamay namin. Nakuha niya naman 'yun pero mahirap lang talagang i-execute dahil mabilis ang music.
Nang mapagod ako ay umupo ako sa sahig habang siya ay nakatayo pa rin at pinapraktis ang tinuro ko sa kanya. Iba talaga ang level ng energy niya para sa sayaw. Matalino, gwapo, moreno at magaling pang sumayaw si Ashton pero hindi ko siya naging crush. Naging MU sila ni Elle pero saglit lang kasi naging bakla na si Ashton. Bumigay na siya nang masimulan niyang mapakinggan ang BlackPink. Nararamdaman na rin naman niyang may pusong babae siya, dati pa, pero in denial pa rin siya.
"Ella, ayus ka na ngayon?" tanong niya habang sumasayaw pa rin.
"Oo naman. Tungkol ba 'to sa kanina?" Ngumiti ako sa kanya habang sinasabi ang sagot ko. I am totally fine about what happened earlier. "Si Lourine at Dylan yata ang hindi okay 'dun."
"Pa'no sila magiging okay kung nakakaramdam sila ng guilt sa pinagsasabi at ginawa nila sayo?"
Tama naman siya. I know they feel guilty. They betrayed me after all.
"At least, going strong sila, 'di ba?"
"Asa kang tatagal sila. Baka nga wala pang dalawang buwan 'yan, mawala agad. Infatuation lang nararamdaman niyang mga 'yan. Ilang buwan kayo ni Dylan?"
"Hm...August nag-start MU namin 'tas...September, October, November, December, January, February...Six months."
"Six months tumagal sayo?"
"Oo."
"Sayo yata pinakamatagal 'yan."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi kay Mai?
"Hindi kay Mai?"
"Hindi."
"Bakit?"
"Dahil sa ML. Dahil nawalan ng time."
"Same reason 'yung sinabi sa akin nung natapus kami."
"Ikaw ang nagtapus?"
"Hindi. Simula nang sabihin niyang hindi niya na 'ko crush, tapus na kami."
"Ang sakit 'no?" Umupo siya sa tabi ko.
"Syempre pero mas masakit na may napalit agad after ilang days pa lang kaming 'hiwalay' as MU."
"After kay Mai dati, wala pang sumunod. Ikaw ang sumunod."
"Ako?" Kunot-noo akong lumingon sa kanya habang tinuturo ko ang sarili ko. Nang tumango siya ay sarkastiko akong tumawa. "Baka naman hindi lang ako."
"May naikwento ba si Dylan na iba pa?"
"Wala na."
"Eh, 'di ikaw lang kasunod."
Bumuntong hininga ako bago muling nagsalita sa kanya.
"Parehas lang pala kami ni Dylan," panimula ko. Tumingin siya sa akit nang nakakunot-noo. "Nagpapadala sa tukso na crush ako o kaya 'bagay kayo' ganun. Hindi ko alam, pero ang dami kong na-realize after ng kanya."
"Ginusto mo ba siya?"
"At first? Hindi." Umiling ako. "Crush back lang. Pero nung lumaon, nung nakita ko 'yung effort, 'yung dedication sa akin, nagkagusto na ako pero itinutulak niya ako kay Jason. Kesyo parehas kami ng religion ganun."
"Paano kung bumalik si Dylan? Kung crush ka pa niya? Welcome pa rin ba siya?" tanong niya.
"Oo," sagot ko. "Pero...bilang tao na pwedeng kaibiganin na lang. Ayoko na ng 'as MU' o 'as lovers'. Sapat na ang sakit na ginawa nila ni Lourine. Na-betray ako, beh. Haha."
"Kahit naman kaming mga tropa, na-betray. We're disappointed also." Itinukod niya ang kanyang kamay sa likod niya at tumingala sa kisame. "Hindi namin expected na ang aga palang papatulan ni Lourine si Dylan. Hindi rin namin alam na tapus na kayo ni Dylan."
"Kaunti lang siguro ang nakakaalam, Ash."
"Kung si Jason ba..."
"Hm? Anong si Jason?" Nagtataka ko siyang nilingon.
"Kung si Jason ang manliligaw sayo, payag ka?"
Natulos ako sa kinauupuan ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Halatang hindi siya nagbibiro sa itinanong niya at hindi ako handa para sagutin 'yun. Crush pa rin ni Jason si Lynarne hanggang ngayon at wala akong kasiguraduhang papatulan niya ako ulit.
"Hindi ko alam, sis. Go with the flow na lang siguro."
"Naranasan mo na bang magka-crush sa isang taong hindi ka naman crush o gusto, Ellaine?" tanong niya pa.
"Hindi," I quickly answered. Totoong hindi pa ako nagkakagusto o nagkaka-crush sa isang lalaki kung hindi rin naman ako gusto. Naiisip ko kasi dati na kung hindi naman ako gusto ay paano ko siya gugustuhin. Hindi ko rin alam sa sarili ko. Basta, bobo ako sa ganitong bagay. Mataas ang IQ, mababa naman ang EQ ko. Mabait lang talaga ako at nangka-crush back.
"Paano kung dumating sa point na ganun? Na magkagusto ko sa hindi ka naman gusto?"
"Eh, 'di himala kapag ganun. Kapag nga napasagot rin ako ng 'oo' o nagpaligaw na ako before ako maka-graduate ng college, himala rin kasi wala akong planong mag-BF ng high school at college."
"Ang swerte naman ng lalaking 'yan."
"Totoo." Ngumiti ako sa kanya.
Gumaan ang pakiramdam ko sa pag-uusap namin. Mas ayus na alam kong hindi nila tino-tolerate ang ugali ng kaibigan nila sa ganitong sitwasyon dahil hindi naman totoo ang mga pinaparatang sa akin o kay Jason. Malakas lang talaga ang loob naming dalawa para labanan ang mga paratang nila kaya marami pa rin silang nasasabi at alam kong hindi pa 'dun hihinto 'yun. Hindi pa katapusan ng panghuhusga nila.
Nang mag hapon na ay pumunta kaming TLE Room para gumawa ng kanya-kanyang ibebenta sa buong campus. Pastillas ang amin; polvoron ang sa boys; fries ang kala Bella; at mangga at bagoong ang kala Lourine. Bukas ay pwede na kaming magsimulang magbenta sa campus kung may bakante kaming oras o kung break time o lunch na.
Bumalik na kami sa silid at akmang uupo na ako nang magtanong sa amin ang isang Grade 10 student kung pwedeng hiramin na muna nila lahat ng upuan at lamesa namin. Pumayag naman kaming lahat at tinanggal ang mga gamit namin sa kanya-kanyang desk at upuan. Nang makuha na nilang lahat ang desk at upuan ay pinalitan nila 'yun ng arm chair nila. Maganda naman ang kalidad ng arm chair. Kulay gray at black 'yun.
Pinagdikit-dikit na lang namin ang mga upuan namin, apat bawat column. Mula sa kanan, katabi ko si Jason, ako, si Elle at si Rain. Sa harapan naman namin nakaupo ang tatlong marias, sina Lourine, Lynarne at Mai. Tumabi na rin sa kanila si Ash.
Dumating ang kinabukasan at nakita ko ang pagbigay ni Dylan ng chocolate kay Lourine nang makaupo ako sa upuan ko na saktong nasa likuran lang ni Lourine. Nag-palung baba na lang ako at tumingin sa labas ng bintana bilang palusot na wala akong pakialam sa chocolate na binigay ni Dylan kay Lourine. Ang lalandi naman.
"Salamat," ani ni Lourine.
"Walang anuman, babs. May gusto ka pa?"
Bumuntong hininga ako at kunwaring naubo. Kinuha ko ang panyo ko para takpan ang bibig ko at tumingin sa kanila. "Sorry, sorry! Maingay ba 'ko? Sorry, Lourine."
Nakita ko ang pag-irap niya at pag-igting ng panga ni Dylan. Hinawi niya ang buhok niyang lumaylay sa mga mata niya at tumingin sa labas. Halatang inis na inis na sila sa akin sa lagay na 'to ah. They deserve it. Dapat sa akin ang chocolate na 'yun ngayong araw.
"Happy birthday, kambal!" Niyakap kami ni Rain nang makalapit siya sa amin.
"Salamat," sagot ko. Ngumiti ako sa kanya para hindi halatang nanggulo ako kanina sa lovey-dovey sa harapan ko. It hurts my eyes.
Nakita kong napatingin siya doon at tumingin sa akin nang medyo natatawa na. "Woi, chocolates?" Pabulong siyang nagtanong habang natatawa pa rin. "Ano bang meron?"
"Birthday namin ni Elle, ano pa bang meron?" sagot ko at umirap. Hindi niya na napigilan ang tawa niya at hinampas ako.
"Sana all may gift," pang-aasar niya sa 'kin. She knows Dylan told me that he will gave me chocolates in my birthday.
Pero dahil wala na kami, kaya siguro niya binigay kay Lourine. Pwede namang sa akin pa rin para naman matupad niya ang pangako niya kaso maluwag ang turnilyo niya sa ulo kaya sa iba niya tinupad ang pangako. Ang layo pa ng birthday ng pinagbigyan niya. Mga two months away pa naman.
"Sana all hindi sipsip," ani ni Lourine.
"Lourine, ikaw ang kausap?" Tinaasan siya ng kilay ni Elle. "Sumasabat pa. Natamaan ka ba?"
"Sino bang sinasabihan ng kaibigan niyo? Ako lang naman binigyan ng regalo dito."
"Kami ang may birthday. Birthday mo ba? Hindi ba pwedeng nang-aasar si Rain dahil wala kaming regalo?"
"Huwag ka ngang tanga, Elle. Kitang kita kung sino ang pinaparinggan niyang kaibigan niyo. Bagay nga talaga kayong magkakaibigan."
"Hoy, bruha! Ikaw na nga ang nabigyan ng chocolates, ganyan ka pa. Huwag ka ring tanga. Bato-bato sa langit, huwag kang magagalit dahil tinamaan ka ng lintek na joke namin. Ang tanga ng reaksyon mo!" ani ko.
"Ellaine, huwag mong ganyanin si Lourine!" Lumingon ako kay Dylan nang marinig ko ang galit niyang boses. Nanlilisik ang mga mata niya at halatang pinipigilan niya akong sugurin. Subukan niya lang kasing sugurin ako ay kukuyugin siya ng mga kaibigan niyang babae.
Pumalakpak ako sa sinabi niya at nag-echo 'yun sa buong silid. "Wow, great tone, Dylan. Nag-workshop ba kayo?" Tinuro ko silang dalawa ni Lourine. "Ang galing kasi ng roles niyo. 'Yung tipong...alam nang katatapus lang, pumatol agad. Tsaka, gusto niya at ginusto niya habang may ibang karelasyong iba. Ganung eksena. Ang galing niyo!" Pumalakpak ulit ako.
Nakita ko ang nagliliyab na galit sa mga mata nilang nanlilisik ng nakatingin ng masama sa akin at masasabi kong natutuwa ako sa mga reaksyon nila. Ayaw ba nilang nakikitang nagsasabi ako ng totoo?
"Reunion ba natin 'to? The original..." Tinuro ko ang sarili ko. "The manloloko..." Tinuro ko si Dylan. "...At ang naghihintay na naging ending ni manloloko." Tinuro ko si Lourine.
"Shut the f up, Ella!" bulyaw ni Lourine.
I fake my gasped and looked at Dylan, shocked.
"Minumura ako oh, Dylan...Ayaw mo sa nagmumura, 'di ba?"
"Putek, Ellaine, tigilan mo na!"
"Pero nung ako ang nagsabi ng tumigil ka, hindi ka tumigil 'tas naiinis ka sa 'kin ngayon? Kulang pa 'to, tandaan mo." I seated and crossed my arms and legs while I looked at them intensely.
I smirked when Dylan looked away. Umiigting pa rin ang panga niya. I can tell he's gritting his teeth. Naiinis na 'to sa presensya ko at ganun rin naman ako sa kanya kaya nga nang-iinis ako. Naiinis ako sa kalandian nila na resulta ng panloloko nila sa akin na wala silang feelings para sa isa't isa.
"Tigilan mo na kami, Ellaine. Naiinggit ka ba? Nagseselos?" tanong ni Lourine sa akin habang nakakunot-noo.
Masama ko siyang tinignan nang marinig ko ang salitang 'naiinggit' at 'nagseselos'. Hindi. Hindi ako naiinggit o nagseselos. Galit ako sa nakikita ko at mananatili akong galit habang hindi pa sila binibigyan ng karma ni tadhana.
"And why would I, 'babs'? I am fine with myself. Mga traydor kayo kaya ko kayo pinapahirapan. Harap-harapang traydoran ng pangako." I eyed Dylan kaya napatingin rin si Lourine sa kanya bago niya ibinalik sa akin ang paningin niya. "What do you mean?" tanong niya.
"Ang chocolates mo? Pangakong ibibigay niya sa akin 'yan sa birthday ko. Birthday kong ngayon na nangyayari pero sayo ginanap ang pangako. Masaya ka ba sa natanggap mo? Kasi kung oo, congratulations! You've earned my gift and I will be pleasure to be happy for you!"
"Nababaliw ka na ba? Sabihin mo na lang kung nagseselos ka, Ellaine!"
"Hindi nga. Bakit ako magseselos sa inyo kung kasama ko naman si Jason?"
And that's the time I saw Dylan snapped. He looked at me with anger and I fought it with my death stare. I got him good with that statement.
That's when I knew he, still, has feelings for me and he was jealous...jealous of Jason being with me.