Chereads / THE CHASE ESCAPE (ALGEA SERIES #1) / Chapter 23 - CHAPTER TWENTY-THREE

Chapter 23 - CHAPTER TWENTY-THREE

"Hindi ka talaga titigil hangga't hindi mo nakukuha si Ellaine 'no? Akala ko ba napag-usapan na natin 'to?"

Nakatingin lang ako sa kanila habang nagkakainitan na sila. They're burning us without even fueling a fire.

"Dylle, kumalma ka. Ikaw ang magdesisyon kung ano ang ibibigay kay Ellaine." At nakita kong tumingin sa akin si Jason nang mabanggit niya ang pangalan ko. Napatalon ako ng kaunti sa kinauupuan ko bago ko iniiwas ang tingin ko sa kanila. I can still feel him staring. "Wala lang Valentine's sa inyo kaya ako ang gagawa. Mali pala ang salitang ginamit ko, ako ang magbibigay sa kanya."

Narinig ko ang pag-usog ng upuan na nagpapahiwatig na umupo na si Dylan at kumalma kaya muli akong sumilip sa gawi nila. Now, he's the one looking at me. Napaiwas ako ng tingin at yumuko na lang. Ano ba ang trip nila? Mag-away tungkol sa akin? May competition bang na gaganapin?

"Huwag na, 'dre. Labag pa rin 'yan sa patakaran namin," ani ni Dylan.

Iginilid ko ng kaunti ang ulo ko para sumilip sa kanila. Nakatakip ang buhok ko sa mukha ko kaya hindi nila mahahalatang nakasilip ako. Nakita kong tumango si Jason sa sinabi ni Dylan bago humarap sa direksyon ko kaya ibinalik ko ang ulo ko sa pagkayuko.

"Dylan, buo notes mo sa Science?" tanong ni Jason.

"Hindi, keywords lang nasa akin, baka 'di mo maintindihan. Kay Ellaine ka manghiram."

Ako na naman? Oh, 'tas pag nagselos siya, ako ulit ang masisisi, ganun? Ano bang nasa utak ni Dylan at ako ang tinuro? Pwede namang si Lynarne, si Mai...Ang daming iba diyang pwedeng pagpasahan oh!

"Sige, 'dre. Salamat."

Nakarinig ko ng mga yabag ng paa papunta sa direksyon ko at nararamdaman ko ang bigat sa tiyan ko. Kinakabahan ako. Nasa utak ko pa rin ang nangyari sa plaza kaya hindi ko maiwasang mailang sa kanila at sa mga boses nilang hindi ko maiiwasang marinig.

"Woi, Laing." Iniangat ko ang ulo ko nang marinig ko ang itinawag niya sa akin. So nadagdagan na ng 'ng' ang 'Lai'? Ginawa na talaga akong pagkain nito! "Pahiram ako ng Science notebook mo."

Nakakunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin habang umupo naman siya sa katabing upuan sa kaliwa ko. Inilagay niya ang braso niya sa sandalan ng upuan at tinignan ako ng mariin. Kumuyom ang kamao ko sa kaba. Hindi ko alam kung pormal ko ba siyang kakausapin habang pinapakinggan kami ni Dylan o hindi. Nasa akin pa rin ang desisyon pero ang kaba ay awtomatiko ng hindi matatanggal sa sistema ko. Nakakainis.

"Bakit? Wala kang notebook?" tanong ko.

"Meron," sagot niya.

"Oh, eh 'di doon ka mag-review. Magre-review rin ako, huwag ka nang manghiram."

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at kunwaring nagbasa sa Science notebook ko kahit hindi ko na naman kailangang mag-review. 'Yung solving na lang naman ang kailangan kong pagtuunan ng pansin. Bilang palusot na lang ang pagbabasa ko para hindi niya mahalatang naiilang ako.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang pag-usog ng upuan. Akala ko ay umalis na siya pero inilapit niya lang pala ang upuan niya sa lamesa ko at kinuha niya ang notebook ko, at iniharap 'yun sa kanya. Napakurap ako ng ilang beses sa ginawa niya. Nahihibang na ba 'to? Ang sabi ko ay mag-review siya gamit ang notebook niya, hindi gamit ang notebook ko!

"Maluwag ba ang turnilyo ng ulo mo o bobo ka lang?" tanong ko habang nakatingin sa ulo niyang nakayuko na habang binabasa ang binabasa ko kanina.

"Walang turnilyo ang ulo at mas masama kung walang ulo. Tsaka, pang-3rd grading 'tong binabasa mo, hindi ang ite-test. Sino ang mas maluwag ang turnilyo sa 'tin? Sabaw na ulo mo ah." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pang-third ang binasa ko?

Napatingin ako sa binabasa niya ngayon at tama siya. Napasampal na lang ako sa mukha ko. Nakakahiya!

Nilipat niya ang pahina ng notebook ko sa 4th grading at doon niya pinakita sa akin ang sulat ko. Nakasulat sa taas ng pahina ay '4th Grading'. Naka-calligraphy pa 'yun. Hays! Ang tanga ko!

"Kung magpapalusot ka, sana tama ang binasa mo. 3rd grading ka pa lang 'tas ite-test mo 4th? Talino 'yan?"

"Shut up." Humalukipkip ako at pabulong kong ni-recite ang mga terma na dapat sauluhin para sa test namin habang siya naman ay nagbabasa sa notebook ko. Ngayon ko lang naalalang hindi ko nga pala siya pinayagang gamitin 'yun kaya tinanggal ko 'yun sa harapan niya. "Mag-review ka gamit ang notebook mo, hindi 'yung akin. 'Di kita, pinayagan, remember?" Tinasaan ko siya ng kilay.

"Dylan! Notebook mo na nga lang at madamot 'tong syota mo!"

Nanlaki ang mata ko sa isinigaw niya. Napatingin rin tuloy ako sa gawi ni Dylan at nakita kong nakakunot na ang noo niyang nakatingin sa amin. Talaga naman, gago 'tong si Jason!

"Hoy, anong syota ka diyan?! Wala akong syota, Jason!"

"Ouch. Hindi ka pala syota, Ella." Hinawakan niya ang dibdib niya na parang siya pa ang nasaktan sa sinabi ni Dylan.

Nawala ako sa modo at kinuha ang journal ko. Nagaulat ako 'dun ng kung anu-anong tanong sa isipan ko. Nasaktan ako sa sinabi niya kahit totoo.

Dumating ang kinabukasan at February 15, ang araw kasunod ng Valentine's Day. Wala naman akong natanggap na kahit ano kahapon at ayus lang 'yun. Medyo umasa ako sa parteng nagpaplano si Jason na siya ang magbigay sa akin ng gustong ibigay ni Dylan kaso hindi rin natuloy, kaya nawala rin ang pag-asa sa isipan ko na mayroong mangyayari kahapon.

"Wala kang natanggap na kahit ano?" tanong ni Rain sa akin nnag makapasok na sila sa silid.

Tapus na ang pagkuha namin ng mga exams at ngayong araw kami magtse-tsek ng mga test papers namin. Ang iba doon ay meron ng score at 'yun ang gagamitin naming basehan ng tamang sagot.

"Wala," sagot ko.

"Wala kaming Valentine's Day, Rain, kaya walang binigay sa kanya si Dylan," pagpapaliwanag ni Abi. "Pero, ililibre na kang kita mamaya, Ellaine! KeriToh, K4. Alam kong fave mo 'yun!"

"Alternative ba 'yun para sa kahapon?" tanong ko.

"Consider it as a treat na lang. Heart to heart treat! Para hindi malayo sa Valentine's, kasi wala talaga kaming Valentine's Day, sorry. Happy Holidays na lang!"

Niyakap niya ako at nakapagpagaan 'yun ng loob ko. She never fails to comfort me. Mabuti na lang at naging kaibigan ko siya. Alam niya ang struggles ko when it comes to Dylan and their religion. Wala akong palag sa beliefs at patakaran ng kapilya nila but I am still finding something pero wala 'yun kay Dylan. Hindi ko 'yun maramdaman sa kanya. Parang lalo niyang nilalayo 'yun sa akin at hindi ko alam kung ano rin ang nilalayo niya.

"Salamat."

The day ended and we went home. Nag-chat rin sa akin si Harold na pupunta siya sa bahay kasama sina Trix at Angel kaya naman nagpalit kaagad ako ng damit at nag-intay sa kanila sa labas sa may payong.

Ise-celebrate raw kasi namin ang Valentine's Day ngayon dahil wala kaming oras ni Elle kahapon kaya ngayon sila bibisita sa amin.

Nang dumating sila, pinagbuksan ko sila ng gate at pinapasok sa loob. Nakita ko pang may dalang cake si Harold. Nakangiti naman si Trix at Angel sa akin.

Agad-agad naman akong niyakap ng dalawa at nag-ngitian na lang kami ni Harold. That's better than having a physical contact. Nirerespeto niya pa rin ang pagiging may ka-MU ko.

Nagmano sila kay mommy nang lumabas siya bago sila umupo paikot sa payong. Tinawag lang nilang 'payong' 'yun dahil may payong sa gitna ang pabilog na lamesa habang nakapalibot doon ang mga upuan. It's like a hut but also not a hut.

"Hoy, Free, doon ka! Sa tabi ni Yadi!" ani ni Trix na binibigyan ako ng mapang-asar na tingin. She likes to play tricks with us kaya nga 'Trix' ang pinalayaw namin sa kanya kahit Beatrixelle ang buong pangalan niya.

"Oo na, oo na. Mang-aasar ka na naman." At tumabi nga sa akin si Harold. He became taller than me. Nung huli nilang bisita rito ay pantay lang kami ng height. Ano bang ginagawa nito at biglang tumangkad? From 5'2, he's now around 5'5, I think?

"Kunwari ka pa, Free! Naku, Ellaine, bukang bibig ka niyan sa 'min!" daldal pa ni Trix. Sinabi pa niyang mahal na mahal raw ako ni Harold at laging sinasabi sa kanilang pupunta siya tuwing may okasyon, at nagpaplano na raw sa March 13 kung ano ang dadalhin niya. March 12 ang birthday namin ni Elle at sa susunod na buwan na 'yun kaya naging interesado ako sa sinasabi niya.

Ayoko kasi ng nga sinkreto at hindi naman effective sa amin ni Elle. We will eventually find out what's the gift before the occasion. Mas KJ pa ang mga mata namin kaysa sa mismong 'kami'.

"Ellaine, may gunting kayo?" pag-iiba ng topic ni Harold.

"Ah, oo, wait kunin ko lang sa loob. Palabasin ko na rin si Elle para may kausap kayo habang wala ako," ani ko at tumayo para umalis.

Pumasok ako sa bahay at nakita kong nakahiga si daddy sa sofa, nanonood ng One Piece sa laptop niya. Binuksan ko ang kitchen cabinet malapit sa sofa at kinuha ang gunting doon.

Umakyat ako sa taas para tawagin si Elle at sinabi kong bumaba siya, at nasa labas sina Harold. Narinig ko namang agad-agad siyang kumilos. Magba-bra raw muna siya at bababa na rin kasunod ko kaya lumabas na ako.

"Oh, ito ang gunting."

Inabot ko 'yun kay Harold at kinuha niya 'yun para buksan ang box ng cake na dala niya. Umupo ako sa tabi niya habang hinihintay na mabuksan niya 'yun. Pinaghiwalay ko na rin ang mga naka-prepared na mga platito sa lamesa at nilagyan 'yun ng tig-iisang tinidor. Chocolate cake ang dala ni Harold.

Nakalabas na rin si Elle nang ma-prepare namin ni Harold lahat. Marami pang natira sa cake dahil apat lang namab kaming kakain.

"After nito, maglaro ng tayo ng Truth or Dare," aya ni Trix.

"Hoy! May motibo kayo sa 'kin ha! Huwag ganyan!" reklamo naman ni Angel.

"Echosera, wala!"

Natawa na lang ako sa kanila habang itinuloy ko ang pagkain. Walang humawak sa amin ng gadgets habang nagchichikahan kami at kumakain.

Nabanggit rin nila na totoong nagkagusto si Harold kay Cinth pero hindi rin nagtagal at nagsawa raw ang tanga. Nagulat rin ako sa sinabi nilang may nagkatuluyan raw sa kaklase namin nung elementary at nagka-isyu raw ang mga 'yun sa school nila. Ang isa pa naman doon ay bully at ang isa naman ay maldita. Wow, nagkatuluyan pala sila?

"Si Yvonne pa ba at Sean?" tanong ni Elle.

Wala na rin kaming balita tungkol sa dalawang 'yun. Si Yvonne ay ang dati naming kaklase na ka-service namin at kinakapatid niya dahil ginawang ninong ni Elle ang tatay ni Yvonne noong nangumpisal kami. Hindi kami parehas ng ninong.

"Hindi na yata," sagot ni Angel.

Hanggang sa matapus kaming kumain ay nagchichikahan pa rin kami. Naglabas naman ng walang lamang tubig na bote si Trix para masimulan na namin ang larong sinabi nila kanina. Truth or Dare na naman.

"Oh, alam niyo na naman ang rule nito. Hindi kayo mga gurang at mga mas bata kaysa sa 'tin," pagbibiro niya. Para siyang si Abi, kaya close ko rin siya.

"Oo na, simulan mo na. Ang dami mong ebas," reklamo naman ni Angel. Iwinagayway niya pa ang kamay na nagpapakita na simulan na ni Trix ang pagpapaikot sa bote.

Ipinaikot ni Trix ang bote at sa bawat segundong pabagal nang pabagal ang pag-ikot 'nun ay kinakabahan ako. Sana hindi ako ang unang hintuan 'nun.

Umikot pa 'yun at unang tinuro 'nun ay si Elle. Tumingin kaming lahat sa kanya at wala ng pagdadalawang isip na tinanong na agad siya ni Harold.

"Truth or Dare, Elle?" tanong niya.

"Truth," sagot ni Elle.

"Ang hilig niyo talaga sa katotohanan, kambal." Kinamot ni Trix ang ulo niya. Gigil na gigil siya sa amin huh? Siniko siya ni Angel at napadaing naman siya dahil doon.

"Sino ang crush mo ngayon?" tanong ni Harold.

"Kaklase naming nakaupo sa likuran ko, pero bakla na," aniya.

"'Ay, sayang. Pogi ba?" tanong ni Angel. Tumango naman si Elle. Totoo namang pogi si Ash, naging bakla nga lang.

Ipinaikot ni Elle ang bote at tumapat 'yun kay Trix. Binigyan ko siya ng nakakaasar na ngisi at nginisihan niya ako pabalik. Aba, lumalaban pa nga.

"Truth or Dare," tanong ko.

"Dare! Malakas kutob kong malala ang itatanong mo, Yadi!"

Napakagat ako sa labi ko ng banggitin niya ang nickname kong nauso noong elementary. Nararamdaman ko na ang kilabot sa katawan ko nang maalala kong katabi ko nga pala ang gumawa ng nickname na 'yun. Bwiset naman 'tong si Trix! Ang lakas mang-asar!

"Name reveal ng jowa."

Nakita ko kung paano siya namutla sa sinabi ko. Napangisi ako dahil sa naging reaksyon niya. Ganun lang rin naman ang sasabihin ko sa truth kung 'yun ang pinili niya. Alam kong may jowa na siya kaya hindi siya pwedeng magsinungaling sa akin pero hindi ko alam ang pangalan ng lalaki.

"Si Axel Soleil Aquino."

Aquino? That sounds familiar to me.

"Wait, saan siya nag-aaral?" Sinabi ko 'yun habang nakakunot-noo.

"Hoy, ang dare 'name reveal', hindi kung 'saan siya nag-aaral' si Axel."

"Bakit, Yadi? Kilala mo?" tanong ni Harold.

My ears ring pain when I heard my nickname that is 'made by Harold'.

"Huwag mo na akong tawaging 'Yadi'. Ella na lang," paninita ko.

"Ow~" Sabay nang-asar sina Trix at Angel.

"Okay, 'Ella'. Kilala mo si Axel?" he asked again.

"His surname sounds familiar kaya ko naitanong kung saan siya nag-aaral."

"USTe pero dito siya umuuwi sa Bataan. He lives around Townsite."

"Ah, parang kapit-bahay niyo lang pala," ani ko.

"Oo."

"Mayaman, Ellaine," singit naman ni Angel.

"Hoy! Pero hindi naman siya katulad ng ibang lalaki!" pagdedepensa naman ni Trix.

"Hindi mo sure." At siniko ni Angel si Trix bilang pang-aasar.

Pinaikot ni Trix ang bote at tumapat 'yun kay Harold. Talagang sunod-sunod kami ha?

"Talagang pati bote ayaw sa akin? Ang sakit niyo ha!" reklamo ni Angel.

"Ang ingay mo. 'Di ka lang crush ng crush mo ganyan ka na," ani ni Trix.

"I have 9 more." Tinaas-baba ni Angel ang kilay niya habang sinasabi 'yun. Hindi ko rin talaga makuha minsan kung bakit kaya nilang magkaroon ng sampu o mas marami pang crush. Samantalang kami ni Elle ay isa lang. Hindi ko rin alam. Siguro, naiisip lang naming nanloloko kami kung marami kaming magiging crush. Nagugustuhan rin naman kasi kami ng mga nagugustuhan namin kaya hindi kami nagkakagusto sa iba kapag nagkagusto kami.

"Sige, Free, Truth or Dare?" tanong ni Trix.

I can see Harold's glance to me when Trix asked. I don't know why he felt the need to glance at me before answering the question.

"Truth," sagot niya.

"Mahal mo pa rin ba si Ellaine at kung oo, bakit mo iniwan? At kung hindi, bakit si Cinth?"

Teka, tatlong tanong 'yun ah.

Tumingin ako kay Harold at nakita ang mga mata niyang nakatingin na ng masama kay Trix pero nang lumingon siya sa akin ay nginitian niya lanh ako. Kinakabahan ba siyang sagutin ang tanong ni Trix dahil masasaktan ako? Mas mainam nang masaktan ako sa katotohanan kaysa hindi ko alam ang rason, 'di ba?

Umayos siya ng upo at suminghap ng hangin bago 'yun binunton. Nakapukol lang ang mga mata ko sa kanya habang hinihintay ang sagot niya. He gave me mind questions so he needs to answer it so I can eacape the chase. Napakalayo na ng nararating ko pero nadadapa pa rin ako sa sakit. When will this stop? Sa katapusan ng mundo?

"Yes, I still love Ellaine," he answered. Umiwas ako ng tingin dahil nakaramdam na ako ng ilang. Napakatagal na panahon rin ang ginugol ko para ipunin ang lakas ng loob ko kung sakaling makakaharap ko ulit siya 'tas mahal niya pa rin pala ako? I know that and he told me that through chat but it hits different in person. The pain hits different. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

"So, bakit mo iniwan?" tanong ni Trix.

"Nagkagusto ako sa iba and that's the biggest mistake I've done," aniya.

Nanikip ang dibdib ko at nanatiling tikom ang bibig ko. Biggest mistake niya ang pinakawalan niya ako at nang iwanan niya ako ay alam ko na kaagad 'yun. No one did take care of him as much as I did kaya puro tanong ang isipan ko. He fell first but I fell harder. I started liking him when he told me it was all over.

Tsaka, bakit ko ba binabalikan na naman? Napakasakit na at kasalanan ng flash drive kong utak ang hindi paglimot sa memoryang 'yun. Ang dami namang storage ng utak ko. 'Yung utak ko na kaya ang itapon ko?

Saglit na nanahimik ang paligid bago ko napagdesisyunang patunugin ang tinidor na hawak ko. Hindi ko pa pala nabibitawan ang tinidor, kanina pa nang simulan nila ang laro. Lalo pang hindi ko 'yun nabitawan dahil sa tanong ni Trix kay Harold. She's a savaga always. Kung hindi savage, she's bringing out the truth. For sure, gusto niya ring malaman ang katotohanan.

"Okay, why Cinth?" tanong pa ni Trix.

Kumunot ang noo ko nang tanungin niya 'yun. Nag-yes na si Harold at sinagot niya ang 'bakit' kasunod ng 'oo' kaya bakit niya pa tinatanong ang para sa sagot na 'hindi'?

"'Di ba para 'yan sa'hindi'?" tanong ni Elle. Nagkibit-balikat lang si Trix dahil alam niya at alam kong sasagutin ni Harold lahat ng ibabatong tanong sa kanya tungkol sa akin, dahil siya ang nang-iwan.

"Siya ang malapit."

Ouch, masakit 'yun ha? Pinagpalit ako sa malapit.

"Bobo mo sa part na 'yan 'no?" tanong ko. He looked at me with questioning eyes. "Kaya mo ko iniwan dahil mas malapit si Cinth. Mas malapit ang babaeng bantay ko sayo."

"Bantay?"

Napabuntong hininga ako. Naguguluhan siya dahil wala siyang alam na may bantay pala siya dati. Now is the time to reveal it to him. Wala na namang mawawala sa akin.

"Yes, Hyacinth is my 'spy' for you. She's updating me except for private matters, of course. Updated lang ako sa mga nangyayari sa school and out na ako tungkol sa kung sino ang makakasama mo dahil sila Trix lang naman at sina Cinth ang kasama mo, wala akong pakialam 'dun," panimula ko. "And the whole time na inaakala kong 'ako lang', hindi pala. You are developing feelings for her. Alam ko lahat pero nanahimik na lang ako. Ngayon ko lang sinabi, Free." Ngumiti ako ng mapait sa kanya pagkatapus kong masabi lahat-lahat ng gusto kong ibunton sa kanya.

For 11 months or almost a year, dinala ko ang sakit. And now that I have the chance to unvail it, I did. Ayokong may samaan kami ng loob habang nagkukunwari akong ayus lang ako. We're still friends after what happened and that's more important than anything else.

"Alam pala niya eh! Huh? Pero wala namang na-chika si Cinth na alam ni Ellaine lahat?" Humawak si Trix sa kanyang baba at akmang nag-iisip.

"Malamang, sa amin lang kasi 'yun," bulyaw ko sa kanya.

"Ah...Tanga mo pala, Free! Pumatol sa bodyguard ng syota. Ang tanga talaga!" aniya pang inaasar si Harold.

"Bunganga mo, Trix."

"Bibig lang, Free. Grabe sa bunganga. Magpapasok ba tayo ng shotgun dito, huh?" BinuksanĀ  niya pa ang bibig at tinuro ang loob 'nun. Natawa naman ako sa pinaggagagawa niya. Wala talaga siyang pinagbago, nagka-BF lang.

"Oh, spin na. Hayaan mo na 'yun, Harold. Past is past. At least ngayon ay alam mo na ang totoo," ani kong nakangiti...Pero syempre, may parte pa rin sa aking nasasaktan ako. The healing will take long.

"Sorry, Yadi."

"I told you na stop calling me 'Yadi'. 'Ella' na lang."

"Okay, sorry, Ellaine."

He's too formal.

Pinaikot niya ang bote at kumabog ang dibdib ko sa kaba. Sana naman ay hindi ako ang kasunod ja matatapatan ng bote dahil kung oo, pucha, delikado.

Umiikot pa rin ang bote habang lahat kami ay nakatingin doon. Huminto 'yun sa tapat ni Angel at nagulat kami nang bigla niyang hampasin ang lamesa na gumawa ng echo sa paligid.

"Salamat naman at pinili na ako kahit sa laro lang! Ayus lang kahit dito lang mapili na ako, huwag lang sa recitation." Nagmistulang nagsasaya pa siya sa isang pahdiriwang sa pagseselebrasyon niya mag-isa. Nag-shake hands pa siya sa sarili. "Congrats, self. Pinili ka na rin sa wakas! Angelixa France "Pinili" Villanova! Grabe, bagay!"

Napairap na lang ako bago tumawa. Grabe, hindi ba talaga siya pinili? Hindi ba siya pinili ni Villaruz dati?

"Pinili ka dati, inayawan mo lang," pang-aasar ni Trix.

"Sino?"

"Si Vern."

"Vern who?"

"Vern Villaruz, tanga."

"Who?"

"MU mo dati."

"Ah, pinili ba ako 'nun?"

Napahampas na lang ako sa mukha ko nang magtanong siya. Wala akong alam sa nangyari sa kanila ni Vern pero alam kong hindi naman mga manloloko ang mga lalaking kaklase namin dati, kaya panigurado ay pinili siya ni Vern dati.

Hindi na kami nagsalita pa tungkol kay Vern at baka makagat niya ang dila niya. Pinaikot ni Angel ang bote at tumapat ulit 'yun kay Harold. Dumapo sa kanya ang paningin namin at halata sa itsura niyang hindi na siya nagulat sa pagtapat sa kanya ng bote. Is he expecting it o marami lang ang gustong itanong ng bote sa kanya? The bottle is doing the job for me.

"Truth or dare, Harold," ani ni Angel, hindi 'yun patanong.

"Truth."

Truth? Puro truth siya ngayon ah.

"Why do you call Ellaine 'Yadi'?"

"You are the infinity," sagot niya.

Nagtanong ang isipan ko sa isinagot niya. You are the infinity? Paano naging 'Yadi' 'yun?

"Y is for You. A is for Are. D is for The. I is for Infinity. You are the infinity and always will be, Yadi." Lumingon siya sa akin at ngumiti ng mapait. I can see the pain in his eyes and it made my chest tightened. Ang sakit. Lalong sumakit sa akin dahil mataas pala ang kahulugan ng nickname na 'yun pero niwalang saysay niya lang.

"Before...always...Ngayon? Wala na 'yun, Free," ani kong naglakas-loob nang magsalita. "You wasted the meaning of the nickname when you liked another girl. She will be Yadi already, not me."

"No, walang papalit sa nickname na 'yun. Ikaw lang." He stared at me like there is no tomorrow. Para niyanh tinitignan ang buong pagkatao ko at pinili ko namang labanan 'yun. "Ikaw lang, Yadi."

Sumakit na naman ang dibdib ko sa sinabi niya. Nanikip na naman. Para akong tinusok ulit ng tinik sa sakit na nararamdaman ko. Ang sakit-sakit. The truth hurts and it will be for everlasting. Pero mas masakit ang iwanan ang taong pinaglalaban ka sana, pero iniwan mo. That's his mistake and it will be for everlasting.

"Don't call me that. Ang sakit sa tenga. Ang sakit rin dito." Tinuro ko ang dibdib ko. Wala na akong pakialam kung naririnig kami nina Trix, Angel at Elle. They also deserve the truth. They also deserve to hear it. Kahit sila na lang muna ang makaalam. "11 months mong pinadala sa akin ang nickname na 'yan habang iniisip ko kung saan ako nagkamali sayo noong iniwan mo ko and you came back like nothing happened? Ayus na sana kaso...because of this game, bumalik lahat. Well, I got to play with it pero mas ayus ang ganito kaysa hindi lumabas ang katotohanan."

Wala akong maramdaman na iba kung hindi kamanhidan sa mata ko at sa puso ko. Napuno 'yun ng galit, sakit at pag-uunawa. Galit sa pang-iiwan niya, sakit sa pang-iiwan niya at pag-uunawa sa pang-iiwan niya. Sign na rin 'yun na nirespeto ko ang desisyon niya.

"Ella, 'yan ang naging impact sayo ng pang-iiwan niya?" tanong ni Trix. Buti naman ay sumingit siya dahil nagkakainitan na kami ni Harold.

"Yes," sagot ko. "Nag-aral akong mabuti para sa kanya at para sa sarili ko para masabing hindi lang ako umaasa sa talino nito kaya ako nakapasa dati, and to you na rin, Trix, I learned math para mabawi ko mga tinuro mo dati sa akin."

"Hala ka, Free, yataps ka pala! Nagpakawala ka ng leon!" pang-aasar ni Angel.

"Woi, Ellaine oh, leon raw!" pagtatawag naman ni Harold sa akin na para bang hindi narinig ang sinabi ko kanina. Nag-asaran pa sila at natawa ako dahil 'dun. Nang matapus sila ay humarap siya sa akin. "Pero, Ellaine...pasensya na. Hindi ko alam ganun pala ang sakit na nararamdaman mo nung panahong 'yun."

"Ayus lang."

"Oh, Ellaine! Sayo tumapat!"

Napatingin na lang kami ni Harold sa lamesa nang sumigaw si Angel. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong sa akin nga nakaturo ang bote. Hindi namin napansing inikot na nila ang bote kanina dahil nasabaw ang utak ko sa sakit na nararamdaman ko.

"Dare," agad kong ani kahit hindi pa sila nagtatanong.

"Ha?!" sabay-sabay nilang reaksyon. Tinignan ko sila isa-isa dahil sa reaksyon nila bago ako ngumiti. "Bakit?"

"Puro ka truth dati eh. Wala ka ng iniiwasan ngayon?" tanong ni Trix.

"May dapat pa bang iwasan? Eh 'yung kinahihiyaan ko dati na nage-effort for me ay wala na, Beatrixelle Galeno. Si Harold Frith Castillo ay wala na kaya wala na rin si Yadi kaya go na ako sa dare!" sigaw ko.

Natulala sila at nag-isip pa nang pwedeng i-dare sa akin. Wala na silang maiisip na ipayakap sa akin si Harold dahil nirerespeto rin nila ang ka-MU ko. Nanatili ring tahimik si Elle habang hindi nakaturo sa kanya ang bote.

"Ask him if he still likes you. If hindi, I'll win you back."

Once again, we turn our heads to Harold. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. He will win me back? Ibabalik niya na naman ako sa buhay niya? Sa landas niya?

"Hindi na ganun ang feelings ko para sayo katulad ng dati, Frith," ani kong naiilang na rin dahil sa sinabi niya. Because what's that all of the sudden?

"I will bring it back." Desidido pa nga ang lolo niyo.

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Do I have a choice? Ito na naman ako sa stage ng pinagbibigyan ko sila. Matira ang matibay sa akin at siya ang isa sa mga natira sa matitibay pero nang-iwan rin.

"Try mo." Nagkibit-balikat ako. "Pero hindi na talaga ganun feelings ko sayo. Matagal na akong nagmu-move on kahit MU lang 'yan pero nasa process pa rin ako."

"So, there's still some feelings for me, right?"

"Oo--"

"See? Pwede pa ako."

He seems happy when I said my answer to his question but..."Oo, pero sakit ang feelings ko towards you, hindi pagkagusto. Hindi rin pagka-crush at lalong lalo na ang pagmamahal na dapat maibibigay ko na pero nawala kaya naudlot."

"What?"

Naguguluhan niya akong tinignan dahil sa huli kong sinabi. Totoo 'yun. Muntikan ko na siyang magustuhan at kung natuloy ang pagkagusto ko ay panigurado mamahalin ko siya ng buong buo pero...natapus na ang lahat dahil nagkagusto siya sa ibang babae.

"Wala, mamaya gagawin ko ang dare mo, update ko kayo kung anong nangyari. Gagabihin na kayo."

It's near 6 pm already and we just played Truth or Dare. Grabe naman ang paglipas ng oras. Ang bilis. Katulad lang ng pang-iiwan ni Harold sa akin. Joke.

"Magpaalam na muna kami kala tita."

Tumango ako sa sinabi ni Harold bago siya tumayo at pumunta sa bahay para magpaalam. Niligpit ko na rin ang mga pinagkainan namin at binalik ko ang cake sa loob ng box 'nun. Alam kong naging open forum ang laro namin pero mas ayus 'yun kaysa naman nagpaplastikan at nagtataguan pa kami ng feelings dito.

"Ayus ka lang, Ella?" tanong ni Angel sa akin at tumango ako. Wala namang dapat ikalungkot o ikasama ng loob, 'di ba? Kaya ayus lang ako kahit masakit pa. Masakit para sa aking marinig ang katotohanan at dapat lang na marinig ko 'yun. Dapat lang rin na marining ni Harold ang mga salita ko para sa ikabubuti ng kaalaman niya.

Tumango ako bilang sagot sa kanya pero hindi pa rin nawala ang pag-aalala sa mga mata niya. She knows the pain I'm going through right now and she can feel it. All of our elementary classmates feel what I feel when my and Harold's relationship status of mutual understanding ended.

Nakasubaybay sila doon mula noong nagsisimula pa lang 'yun. Mula sa page-effort ni Harold sa pakikipag-usap sa akin gamit ang papel dahil hindi ako makibo, sa pagbibigay niya sa akin ng mga regalo, sa pagbabantay sa akin, hanggang sa naging MU na kami dahil crush niya ako at crush ko siya noong Grade 6 kami. And that pains them.

That pains all of them when we happen to made a family tree. I'm the mother and you know who's the father. Trix is the youngest and Yvonne is the oldest daughter.

Well, I guess...what happened was considered as a divorce.

Pagkatapus makapagpaalam ni Harold sa magulang namin ay hinatid namin sila sa may gate at sila ay umalis na. Nang mawala na sila sa paningin ko, bumalik ako sa payong at kinuha ang mga platito habang ang mga tinidor na ginamit namin ay nasa taas 'nun. Ang box naman ng cake ay pinadala ko na kay Elle at nauna na siyang pumasok ng bahay para ilagay 'yun sa refrigerator.

Umakyat na ako at humiga sa higaan ko habang nagtitipa. Nagpadala ako ng mensahe kay Dylan gamit ang dare ni Harold. I asked him if am I still his crush, if he still likes me or not. I just need to make sure. Nararamdaman ko na rin namang hindi na kaya bakit hindi ko pa talaga tanungin?

To: Dylan Dela Cruz

Crush mo pa ba ko?

Bawat segundong lumilipas ay kumakabog ang dibdib ko sa kaba sa magiging sagot niya. I know that he will chat 'yes' but my heart is still expecting a 'no' and that will be it's breakdown after the questions is finally answered.

Nang makita kong na-seen niya na ang chat ko ay gusto kong patayin ang screen ng cellphone ko pero hindi ko magawa. Gusto ko ring makita kung ano ang sasabihin niya at gusto ko ring maramdaman ang kaba dahil 'dun.

When he finally sent it, I read it immediately and my eyes started to form liquids. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sagot niya. There was it again, the answer that repeats itself.

The answer that gave me a trauma. The answer that was once given to me by Harold and the next will serve as the second. And again, the answer that made me continue my own story without a man on its chapters. The answer that says...he doesn't like me anymore.

From: Dylan Dela Cruz

Hindi na po yata, Ellaine