Chereads / THE CHASE ESCAPE (ALGEA SERIES #1) / Chapter 20 - CHAPTER TWENTY

Chapter 20 - CHAPTER TWENTY

"B-Bakit ako nakahiga sa balikat mo?!"

"Nahihirapan ka sa pwesto mo. Ayaw mo ba ng komportable?"

"Baka maisyu tayo nito," ani ko.

Tumitibok ang puso ko sa kaba. Ayokong maisyu dito sa kanya lalo at siya ang pinagseselosan ni Dylan. Pero kung maisyu man kami ay hindi ko na lang siguro papansinin ang mga bulungan ng mga nasa paligid. Magaling naman ako 'dun. But...I think this will be the downfall of my and Dylan's MU.

"Nag-chat ako kay Dylan, huwag kang mag-aalala."

Tumigil ako sa pag-iisip nang sabihin niya 'yun.

"A-Anong sabi?"

"Ayus lang raw. Matutulog ka lang naman, Lai. Huwag kang maarte. Panigurado namang ayaw ka rin niyang nahihirapan.Nakikita ka rin daw niya kanina."

Isinandal niya ang ulo niya sa bintana at tumingin sa labas. Siguro ay nahihiya rin siya sa ginawa niya. It gave me butterflies in my stomach. Kanina ko pa kasi iniisip na humili sa balikat niya pero hindi ko magawa kasi hindi nga pwede. Hindi ako komportable sa posisyon ko kanina pero gusto kong magtiis sa posisyon na 'yun para komportable siyang katabi ako. I am still respecting my relationship with Dylan and Jason's also. Kaibigan ko siya pero siya pa rin ang pinagseselosan ni Dylan.

Pinagkrus ko ang mga braso ko. "Sana hindi mo na lang ginawa."

"Huwag kang mag-umok diyan. Nagpaalam rin ako kay tita."

"Tita?"

"Si mommy mo."

Napatingin ako kay mommy at nakatingin siya sa labas ng bintana.

"Pumayag si mommy?" Nakakunot ang noo ko habang tinatanong 'yun.

"Oo, bakit?"

I scoffed. "Ikaw? Ang imposible!"

"Anong tingin mo sa 'kin? Hindi magalang? Hoy, Lai! Pinalaki ako ng mama ko ng mabuting bata ah!"

"Wala akong sinabing iba, Aso." Umirap ako.

"Sabi mo 'imposible' pero huwag kang mag-alala sa isyu."

"Whatever, Jason."

"Eh 'di wow."

Hindi na kami nag-usap hanggang sa makarating kami sa Star City. Binigyan nila kami ng 'All Rides' bracelet. Kinabit ko 'yung sa akin at ganun rin ang iba. Bumaba kami isa-isa at ipinakita ko 'yun sa guard. Kasama ko sina mommy, Elle at Rain pero sa pag-iikot namin ay hindi namin alam kung saan kami magsisimulang sumakay.

"Saan tayo?" tanong ko.

"Hindi ko saulo 'tong lugar na 'to eh kaya 'di ko rin alam," ani ni Rain.

"Nakarating na kami dito ni Kuya Dian niyo dati." Lumingon kami kay mommy nang sabihin niya 'yun.

"Kuya Dian?" Pabulong na tinanong 'yun ni Rain sa akin.

"Pinsan naming lalaki. Nasa states na. 'Yung model ng school uniform nating JHS."

"Ah."

Nakakita ako ng Tower na tumataas baba at Pirate Ship na nagse-sway habang pataas 'yun nang pataas. Gusto ko sanang subukan' yun kaso aayawan lang rin ako ni mommy. Nakakabanas lang isipin na ganun. Wala rin naman kasi akong lakas ng loob para makipag-usap sa bantay doon kaya kung hindi sila sasakay 'dun kasama ko ay huwag na lang.

Nakakita rin kami ng Rollercoaster pero hindi ko tipo sakyan 'yun dahil ako pa ang dapat na manguna makipag-usap. Hindi ko rin naman makita ang nagbabantay doon kaya huwag na lang.

Nag-ikot-ikot pa kami hanggang sa makarating kami sa taas nang Star City at nakita ko ang dalawang Horror House. Kuminang ang mga mata ko nang makita 'yun. Pangarap kong makapasok sa mga ganun!

"'Uy, horror house! 'Dun tayo!"

Tinuro ko ang unang Horror House na nakita ko. Tumingin naman sa akin sina mommy at Elle. "Ayoko." Umiling si Elle at humawak kay mommy. Sumimangot ako nang marinig 'yun. Sigurado akong kakampihan na naman ni mommy 'tong bunso namin.

"Ate," Here it comes. "Ayaw ng kapatid mo. Huwag na lang."

Told you, self.

"Oo na lang."

Bumuntong hininga ako bago naglakad ulit. Lalampasan na sana namin ang isa pang Horror House nang mahagip ng paningin ko sina Em sa pila.

"Sila Rowveri 'yun ah?" Tinuro ko ang pila sa Horror House at napalingon doon si Elle at Rain.

"Oo nga 'no."

"Hoy, Em! Sama ako!" sigaw ko.

"Ate, ayaw nga ng kapatid mo sa ganyan!" ani ni mommy sa akin at tinignan ko siya nang wala man lang ekspresyon. Pagod na rin ako sa paninita niya.

"Sasama ako sa kanila sa ayaw at sa hindi niyo. Ang mag-enjoy ang pinunta natin sa Star City at hindi makinig sa inyo. Kung gusto ko, gusto ko. Gusto ko rin maranasang makapasok sa Horror House. Huwag niyo naman akong pigilan."

Naglakad ako paalis at pumila doon kasama ang iba pang mga kaklase ni Rowveri. "Yo!" bati ko sa kanya.

"Ate! Sama ka?" Nakangiti siya habang tinatanong 'yun.

"Oo. Pwede pa ba?"

"Laine, sama ako!"

Narinig ko ang sigaw ni Rain sa akin at napatingin ako sa likod ko. Nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin.

"Rain! Nasaan na sila Elle?" tanong ko.

"Sabi sa akin samahan kita. Ngumiti nga kanina. Ang tapang mo kasi!"

Tumawa ako sa sinabi niya. Mukhang hindi naman totoo ang sinabi niya. Never kong narinig kay mommy na matapang ako sa pagsagot sa kanya bilang anak niya dahil laging siya ang nagdadahilan sa akin na magulang ko siya at kailangang respetuhin ko siya, at hindi sagut-sagutin.

Napakalaking pintig talaga sa tenga ko na sinabi niya 'yun dahil napaka-imposible para sa akin. Bilang panganay, ako ang inaasahan niya sa mga bagay at sa pagiging modelo ko kay Elle pero hindi niya naman maiaakilang nagmana ako kay daddy. Kay Ellezeor Gonzales na napangasawa niya at isang sikat na lakwatsero sa Bacolod noong kabataan niya.

Nakuha ko ang ugali niya pero nananahimik lang ako. Ang hindi ko lang nakuha ay ang pagiging babaero niya dati. Napakarami niya raw chicks dati at marami ring ni-reject. Tama naman siyang pogi siya dati at ang best friend niya pero ako naman ang sumalo lahat ng sakit ng lalaking dumaan sa akin. Nako nga naman, babaero pa more.

Pinakita lang namin ang bracelet namin at pinapasok na kami. May kasama kaming dalawang lalaki galing sa ibang eskwelahan.

"Miguel, teka lang naman!" ani ng isang lalaking mas maliit sa isa pang lalaki. Parehas naman silang matangkad pero mas matangkad lang talaga ang isa. Mga nasa 5'6 na siguro siya.

"Aquino, you're slow."

Englishero pala.

"Pasensya na." Napakamot ito sa batok bago napatingin sa amin sa likod. Nasa pinakaharap sina Rowveri at ang isa pa niyang kaklaseng mas maliit sa kanya. Nakatayo lang si Eilasa sa tabi niya habang may nakahawak ring babae sa balikat niya.

"Wah!"

Sumigaw kunwari ang tinawag na 'Aquino' ng 'Miguel' kanina. I think they are 2 years ahead of us. Hindi ako natakot sa sigaw niya dahil alam kong peke lang 'yun habang ang mga kasama namin nina Rowveri at Elaisa ay naniwala doon at muntik pang matumba. Nakita ko pang tumawa si 'Aquino'.

"Mga takot ang bata!" Napairap na lang ako sa sinabi niya. Hindi naman lahat natakot sa pananakot niya. Isip-bata ang pucha.

"Aquino, tigilan mo sila. You're being childish again. They're just Grade 7."

Huh? Paano niya nalamang Grade 7 lang sila Rowveri?

"And I think the other two are Grade 8." Sinabi niya 'yun namg mapatingin siya sa akin. Umirap na lang ulit ako. Nakakainis ang kasama niya. Kina-cool niya 'yun?

"We're from USTe and you're from?" pormal niyang tanong.

"BHC sa Bataan. Heroes. Search niyo na lang," ani ko.

Niyakap nang kasama niya ang sarili bago nagsalita. "Ang lamig niya, boy!" Sinamaan siya ng tingin ni 'Miguel'. "'Cause you made them to, Aquino. Anyways, do you have a FB? I can send you the video of us in this horror house if you ever have a timeline project?" tanong niyang ikinataas ng kilay ko. Ganito ba humarot ang mayayaman?

"Abegail Plaga. Sa kanya mo na lang i-send."

"Who's that?" Tinaasan niya ako ng kilay. He's taller than me but he's far away so he looks around my height.

"My friend," sagot ko.

"Okay, I'll do that. Tell her a 'Miaxel Perez' will send her a friend request or a message request, can you do that?" Tumango ako dahil tinatamad na ako. Kanina pa kami nandito. "Okay, then. Let's keep going."

Hinatak niya sa kwelyo ang kasama niya at nanguna na sila sa paglalakad. Sumunod na lang kami sa kanila.

"Wow, parang Wattpad lang ang encounter mo ah," bulong sa akin ni Rain habang naglalakad kami. Biglang tumunog ang robot sa gilid namin na ikinasigaw ng mga kasama namin. "Jusmeyo marimar! Mahabagin! Sorry po?"

Parehas kaming lumingon sa gilid at nakita ang isang robot na nakahubog bilang isang bruha habang may dalawang scented candles sa baba 'nun. Napataas ako ng kilay. Tama bang sumama ako dito? Pambatang Horror House yata 'tong sinalihan ko. May totoong tao kaya dito? Kung wala, walang thrill 'to. Boring.

Sumabay na lang ako sa takbo nila at nagkunwaring takot hanggang sa makarating kami sa kabilang side ng Horror House. Mukhang sementeryo naman ang kasunod.

May mga puntod doon at hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil nandilim ang paningin ko. Mga kandila lang ang nagsisilbing ilaw namin doon at maya-maya pa ay mga may tunog akong narinig. Tumatawang babae at mga aso.

Tinahulan ko na lang rin 'yun habang natatakot pa rin ang kaklase ni Rowveri. Nauna na pala kami ni Rain sa kanila. Kami na ang nasa likuran nina Miguel at Aquino.

"Lhojelle, huwag kang manghatak ng buhok!" sigaw ni Em.

"Kasi naman, bakit ito una nating pinuntahan?"

"Ikaw ang nag-aya dito, gaga!" ani ng isa pa nilang kaklase.

Huminto si Miguel sa paglalakad habang nakakapit na sa braso niya si Aquino, nanginginig na ang mga binti. Lumingon siya sa amin at madilim kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Katulad lang rin kanina, hindi ko rin naaninag ang mukha niya kaya hindi ko alam kung ano ang itsura niya. Ang kay Aquino lang ang nakita ko.

"Are your companions okay?" tanong niya.

"Oo, normal lang namang matakot sila," sagot ko.

Napakagat ako sa labi ko. He's making me talk. Hindi naman ako extrovert pero pipilitin kong magsalita dahil nahihiya rin si Rain.

I heard him scoffed, fighting the urge to laugh.

"Yeah, just like this guy right here." Tinuro niya si Aquino. "Tapang mo kanina, bro. Anong nangyari sayo?" Napalingon siya sa kasama at ngumisi.

Napakagat ako sa labi ko. Pinipigilan kong tumawa. Nanginginig na kasi si Aquino pero nakuha niya pang samaan ng tingin si Miguel.

"A-Aba, hindi ba kasing pwedeng nag-joke lang ako kanina?" tanong ni Aquino.

Umirap ako sa sinabi niya. He's a cat that caught his tongue. Mayabang lang pala kanina pero katulad lang naman pala siya ng mga kaklase ni Rowveri at Elaisa.

"Anyways, can you tell your friend that my pfp is 'a man wearing a suit sitting in a swivel chair'? I forgot to mention it earlier."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay at medyo lumapit ako sa kanila. Sumabay si Rain sa akin at sina Rowveri. Mga takot na rin siguro 'to pero ayaw lang umamin.

"For what?" tanong ko.

"For her to recognize me. Baka sabihing nagkukunwari lang ako."

Tumalikod siya at napaisip ako bigla. He's right. Baka talaga pagkamalan siyang nagkukunwari ni Abi. His name is unusual. Miaxel Perez. I will remember that.

"Let's move." At itinuloy namin ang paglabas sa Horror House.

Pagkatapus ng sementeryo ay dumaan naman kami sa isang selda na parang hospital. It's like a mental hospital, for short. May mga kama roon at may mga nakahiga. May mga naka-uniform rin at may mga nakabihis na para ba silang mga pasyente o kriminal. Sino ba ang gumawa nito? Parang tinamad na yata sa paggawa?

Biglang yumanig ang isa sa mga kama at medyo napabalikwas ako sa gulat dahil doon. Tumataas-baba ang babaeng nandun. Ah, robot ulit.

"Eek!"

Humawak si Rain sa braso ko at naramdaman ko ring may humatak sa buhok ko. Napabalikwas ako palikod at tumakbo palabas ang isang kaklase ni Rowveri. Kung tama ang pagkakaalala ko ay Lhojelle ang pangalan niya.

Napahawak ako sa buhok kong hinatak niya. Ayus. Dapat talaga hindi na ako sumama dito. Hindi ako na-inform na may mananabunot sa akin dito. Hindi nga ako masasabunutan dahil naging kabit ako o nang-away ako, masasanubutan pa ako dahil lang sa puchang Horror House na 'to. Hindi ba sila na-inform na kaya Horror kasi pwede silang matakot?!

Nakarinig ako ng mga boses ng babae at lalaki na para bang nawawalan na sila ng hininga o mamamatay na at gustong manghingi ng pagkain sa akin. Nagkibit-balikat ako at nagtuloy sa paglalakad. Nakita ko kasi ang mga speaker sa tapat ng entrada ng parteng 'to kanina. Panigurado ay doon nagmumula ang pananakot at sa speaker na nasa ilalim ng kamang nagtataas-baba.

Meron ding kamay na acryclic na nakalagay sa baba na nagsisilbing tao na gustong abutin ang mga paa namin at tumalon si Rain dahil doon. Napabuntong hininga ako at nakipagpalit na lang ng posisyon sa kanya. Sa lahat ng nadaanan namin, dito lang siya natakot. Mas madilim kasi amg lugar na 'to kaysa sa mga nadaanan namin kanina.

Nakakapit siya braso ko hanggang sa makarating kami sa eleganteng pasilya na mayroong mga litrato ng kalansay. Nakasuot sila ng mga korona at iba pang mga eleganteng kasuotan. They're royalties but dead.

Sa itsura ng lugar na 'to ay ito na ang huling destinasyon sa Horror House na 'to. Kasunod siguro nito ay labasan na. Hindi ako nagkamali at nakita ko na ang itim na kurtina sa dulo. Lumabas kami doon habang narinig kong may sumigaw sa may entrada ng Horror House. Mga kakapasok lang siguro ng mga 'yun.

Nakita ko sina Rowveri sa labas na hinihimas ang likod ni Lhojelle, umiiyak na. Habang nakamulsa naman si Miguel habang tinatawanan ang itsura ni Aquino. Tinitigan ko ang mga mukha nila.

They're both handsome. Mayaman pa. Eh 'di sila na ang mayaman.

"Ayoko na! Huwag na tayong magho-Horror House kahit kailan, bro! Na-trauma ako!" rinig kong sabi ni Aquino and Miguel laughed.

"Who made me go inside that cave?"

"Ako! Pero..." Hinabol pa niya ang hangin. "Pero kasi--Hindi cave 'yun! House kasi! Tigilan mo ako sa English mo! Alam kong mas mayaman pamilya mo sa 'kin pero tigilan mo!"

And Miguel laughed again before they left.

Pumunta naman kami ni Rain kay mommy at Elle. Nagkibit-balikat ako nang huminto kami sa harapan nila. Nakatingin ako sa likod nila at pinanood ang pag-ikot ng Ferris Wheel. Alam kong masama na naman ang loob ni mommy sa akin kahit sabihin niyang hindi. Lagi namang ganun pero sa likod ko ay parang proud na proud siya sa akin at hindi ko mapaniwalaan 'yun. Hindi ko alam kung totoo pa ang pinapakita niya o hindi sa pag-appreciate sa sinusubukan kong gawin sa mga bagay-bagay. Minsan nga, napapaisip na lang ako kung 'Paano kung lalaki ako?'

"Nakakatakot sa loob? May narinig akong sigawan kanina nung pumasok kayo," tanong ni Elle.

Tumingin ako sa kanya at umiling. Hindi naman talaga nakakatakot. Puro robot lang ang nasa loob at sound effects na pwedeng katakutan ng iba habang ako ay kaswal lang na naglalakad kanina. Pang-matatakutin lang talaga ang Horro House na 'yun. Pambata.

"Wala namang nakakatakot. Puro robot lang."

"Pero, sumisigaw sila pagkapasok."

"Ah, may robot na witch kasi sa loob na iikot kapag nakapasok ka na. Naka-function yata na ganun kapag may na-detect na may nakapasok na mismo lampas sa entrance." I jerked my thumb out to point to the entrance of the Horror House.

"Oh, eh 'di sana sumama ka kay ate mo, bunso."

Napataas ako ng kilay nang sabihin 'yun ni mommy at umiwas ng tingin. Sino ba talaga kinakampihan nito? For her own convenience?

"'Di naman pwede 'yun." Nagkibit-balikat ako at ibinalik ang tingin ko sa kanya. Tumingin ako ng diretso sa mga mata niyang masama nang nakatitig sa akin. "Kung hindi ako pumsok 'dun, hindi malalaman ni Elle na mga robot ang mga 'yun. Tsaka 'di niya magugustuhan 'yung mga robot sa dulo. To-traumahin 'yan."

"Ate, bakit ganyan ka magsalita?! Hindi mo ba gusto mag-enjoy rin 'tong kapatid mo?!"

Here we go again.

Nagsalita pa siya nang nagsalita sa akin at napasampal na lang ako sa noo ko. Wala naman akong sinabing ayokong magsaya si Elle. Ayaw niya lang talagang makakita ng mga ganun lalo na 'yung nagtataas-babang kama na may pekeng babaeng umaangat at ang pekeng kamay na inaabot ang mga paa ng mga taong dadaan 'dun.

Mato-trauma siya 'dun at alam ko 'yun kaya ayus lang na saluhin ko lahat ng bulyaw ni mommy sa akin kaysa naman dumating na sa puntong si Elle na ang mapapagalitan dahil matatakutin siya. Ayus ng ako na panganay ang sumalo kaysa siya. Nagpapasalamat na lang talaga ako na hindi ako nagmana sa kanya ng damdamin dahil hindi ako madaling umiyak sa mga ganitong bagay.

"Nevermind, 'my. Tara na."

Nag-ikot-ikot pa kami at gusto ko sanang sumakay sa Rollercoaster na bumabali-baliktad dahil nakita ko sina Dylan at ang tropa niya 'dun, pero ayaw na naman ni mommy. Masusuka lang raw sila doon. Siya ba ang sasakay?

Napasimangot na lang tuloy ako habang naglalakad ako sa tabi ni Rain. Nilibang niya na lang ako at nagkwento siya ng kung anu-ano. Kahit walang kwent ay kwinento niya na rin. Natawa na  lang ako dahil desperada siyang pasayahin ako. 

Nang mag-aya si Elle sa Ferris Wheel ay pumayaga agad ako. Kung 'yun ang gusto niya ay ayus lang. Mas pabor pa 'dun si mommy kaysa sa mga 'buwis-buhay' na rides na gusto ko. Ganun lang ulit ang ginawa namain. Ipinakita lang ulit namin ang bracelet na suot namin at pinasakay na kami sa Ferris Wheel. Katabi ko si Rain.

Umakyat na pataas ang Ferris Wheel at medyo umuga 'yun.

"Jusko!"

Humawak sa dibdib niya si mommy at napatingin na lang ako sa kanya nang walang ekspresyon sa mukha ko. Cause of her birth. Hindi ko alam kung normal pa 'yun but for me, it's not and I cannot tell her that she needs to see a doctor for a proper treatment. Dahil sa pagkakaalam ko ay hindi naman nagtatagal ang postpartum nang ganito katagal. 

It's been 13 years since she gave birth to us so how come she's still experiencing postpartum? Is it for a lifetime or did it just double for her because she gave birth to twins? I cannot understand it at all but I might search for it. But I still think her postpartum is not normal.

Kumuha kami ng mga litrato at kaunting videos para sa gagawin naming timeline bago ko iginala ang paningin ko sa paligid. Tanaw ko ang mga malalaking building sa paligid at ang gandang tignan 'nun sa taas. 

"'Uy, 'yun ba ang USTe?" 

Tumuro ako sa isang direksyon. Tumingin rin doon si Rain at siningkitan ang mga mata niya na para bang ginawa niya 'yung telescope.

"Hindi yata."

Sumimangot ako sa sagot niya at siniko ko ang braso niya. Nagreklamo siya dahil 'dun at tinawana ko siya.

"USTe?" tanong ni Elle.

"School 'yun sa Manila. May nakasabay kami kaninang dalawang lalaking nag-aaral 'dun," ani ko at itinaas ko ang kaliwang hintuturo at hinlalato ko. "Suot nila ang PE uniform nila at ID. 'All Rides' rin sila kanina. Kung tama ang pagkakantanda ko ay Grade 10 na sila."

"Ah, 2 years ang pagitan."

"Oo. Ang apelyido ng isa ay Aquino," ani naman ni Rain. Nag-chikahan na lang kami dito.

"Kaano-ano niya si Benigno Aquino?" tanong ni Elle.

"Baka ka-apelyido lang," sagot ni Rain. "Hm...'Yung isa kasi ang complicated ng name. 'Di ko tuloy matandaan." Hinawakan niya ang sentido niya at hinilot 'yun.

"Miaxel Perez," sagot ko.

"Perez?" tanong ni mommy. 

Lumingon ako sa kanya. Nakakunot na ang noo niya habang nakatingin sa akin. Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya para basahin 'yun at halatang nagtatanong ang mga mata niya at ang isip niya sa sinabi ko. Anong meron kay Miaxel?

"Bakit, 'my? Does it ring a bell?"

"Ring a bell? Bakit? May ikakalembang ba 'yun? Sa simbahan ba siya nagtatrabaho?" tanong pa niya. Napasampal na lang ako sa noo ko. Minsan talaga ang daming alam ni mommy, minsan rin nasosobrahan siya sa katangahan. Hindi ko alam. Normal pa ba ang nanay namin?

"Hindi, ang ibig sabihin ko ay kung meron bang related kay Miaxel na natatandaan niyo o kaya pamilyar kayo? Ganun," pagpapaliwanag ko.

"Ah...oo. Katunog niya ang pangalan ng anak ng may hawak ng Reziel Star Company. 'Yung isa sa mga sikat na model company dito sa Manila at naka-extend rin ang kompanya nila sa ibang lugar katulad ng New York," aniya.

Kung maaalala ko ay nabanggit ni Aquino na mayaman si Miaxel kaysa sa pamilya niya. Posible kayang siya ang Miaxel Perez na anak ng may ari ng Reziel Star Company na sinabi ni mommy? Kung oo, nakahanap na ako ng type ni Abi.

Napakamot ako sa ulo ko. Shit! Bigla kong naalalang kay Abi ko ipapa-send ang video na sinasabi ni Miaxel habang nasa Horror House kami. Nakalimutan kong nagvi-video nga pala sila 'nun! At...'Yung profile picture niya raw ay nakasuot ng suit habang nakaupo siya sa swivel chair! Shit, siya nga yata ang anak ng may hawak ng Reziel Star Company.

Nagkatinginan kami ni Rain at parang parehas lang kami ng nasa isip.

"Ganun pala sila kayaman?!" Parehas kaming sumigaw.

"Huh?! Anong sinisigaw niyo?" tanong ni Elle.

"'Yung 'Miaxel' na sinabi namin...Posibleng siya ang anak ng may hawak ng Reziel Star Company na sinabi ni mommy," ani ko.

"HEH?! Hoy! Hindi kayo nagbibiro 'no? Englishero ba?!" tanong ni Elle.

"Oo," sagot ko.

"Nakausap niyo?"

"Oo."

"Bakit?! Paano?! Para saan?!"

"May ipapasa raw siyang video sana sa akin kaso..."

"Kaso ano?!"

"Account ni Abegail ang binigay ko, ehehe."

"Ang tanga!"

"Bunso, ang bibig mo!" sita naman sa kanya ni mommy at tumingin sa kanya ng masama. Nag-peace sign na lang ang loka-loka kong kapatid. "So, kay Abi niya ise-send ang video niyo?" tanong niya.

"Oo."

"'Yun! Pero type naman siguro ni Abi 'yung 'Miaxel' 'no?"

"Hindi lang type! Baka siya na nga ang dream man ni Abi!" Kumikinang-kinang pa ang mata ni Rain nang sabihin niya 'yun. Magkadikit rin ang dalawang palad niya na para ba siyang magdadasal kaya siniko ko siya sa braso niya. Napaupo naman siya dahil sa ginawa ko. Nakatayo na kasi siya sa sinasakyan namin. 

"Umupo ka," ani ko.

"Sorry na." At ngumuso siya.

Nnag matapus kami sumakay sa Ferris Wheel ay pumunta naman kaming Snow World. Nakasalubong namin sina Dylan at Jason paunta doon at napahinto ako nang makita ko sila. 

"Oh, nasaan sina Bella?" tanong ko at parehas silang napatingin sa akin. "Bakit 'di niyo kasama?"

Tinitigan lang ako ni Dylan at nilabanan ko ang titig niya hanggang sa siya ang umiwas ng tingin. Ano bang problema niya sa 'kin? Sasagot lang naman siya, hindi pa magawa.

"Nandun sa may pirate ship, nagpapahilo yata. Kasama nila tropa ko," sagot ni Jason sa akin.

"Ah...Saan kayo ngayon?" tanong ko pa. He jerked his thumb to Snow World. "'Dun sana, kaso wala pa ang mga may pera. Hihintayin muna namin."

"Ah, magpapalibre."

"Oo, wala kaming pera eh. 'With High' ka, huwag kang may saltik, Lai."

"Tse!" Binelatan ko siya, tsaka umalis.

Tumuloy kami sa pila sa Snow World. Ang haba naman! Pinatunog ko na lang ang paa ko habang nag-iintay na umandar ang pila. Bumili kami ng snow gloves at headphones nang makarating kami sa pinakadulo ng pila. Ang magsisilbing panangga lang namin para sa katawan namin sa lamig mamaya ay ang dala naming sweater jacket dahil ang mahal ng snow jacket na tinitinda nila. Wala kaming perang pambili 'dun 'no! Kung nandito lang si Perez, papalibre na lang sana kami! Joke.

Ayoko sa malamig pero nakuha kasi ng atensyon ko ang lugar na 'to kaya tumuloy ako sa sinasabi ng isip ko. Pumasok kami sa isang malamig na lugar at sumarado ang pintuan 'nun. May mga kasama rin kaming mga bata sa loob kasama ang mga magulang nila. Mayroon ding mga taga-ibang school na naroroon. Nakakita pa ako ng taga-La Salle. Ang yayaman naman pala ng mga naggagala dito. Tour rin nila o gala lang? Ang galante naman nila kung gala lang 'tas naka-'All Rides' bracelet sila.

Bumukas ulit ang isa pang pintuan sa gilid namin at doon kami lumubas. Sumalubong sa akin ang napakalamig na hangin. Shit, ang lamig! Snow World talaga! Feeling ko ay magiging yelo na ako dahil naninigas na ang paa at braso ko. Naka-sweater jacket na ako at gloves pero parang hindi pa rin 'yun sapat para sanggain ko ang lamig na nasa loob ng kwartong 'to. Para akong nasa loob ng refrigerator!

Nakakita ako ng ice slide at agad kong inaya 'dun si Elle. Nag-pass si Rain dahil baka hindi raw kayanin ng slide ang weight niya. Hindi naman siya mabigat eh! Yakang yaka naman siya 'nun! Pero hinatak ko pa rin siya kahit ayaw niyang sumama.

Sumakay kami sa isang inflated floater at 'yun ang ginamit namin para magpadula sa ice slide. Tuwang tuwa pa ako habang nagpapadausdos hanggang sa may nabundol ako sa dulo ng slide. Nakabundol ako ng isang lalaking naka-salamin at kinabahan agad ako sa ginawa ko kaya nag-sorry ako kaagad.

"Sorry po!" 

Yumuko pa ako at winagayway niya ang kamay niya sa harap ko habang napakamot na lang siya sa ulo niya at inayus ang tumabinging salamin.

"Ayus lang. Hindi mo naman sinasadya."

Tinignan ko ang ID strap niya at nakalagay 'dun ang pangalan ng school niya. Tiga-La Salle pala. Nahagilap ko rin ang pangalan niya sa ID niya nang hindi sinasadya. 

Cleo Mythse Martinez. Senior High School Student.

Ah, mas matanda sa 'min.

"Huy, Ellaine! Ayus lang ang nabunggo mo?" tanong agad ni Elle sa akin nang makatayo na ako mula sa floater.

"Oo. Tiga-La Salle."

"Ano ka? Nakatira sa Wattpad? Ang galing mo naman maka-encounter ng ganyan. Baka 'yan talaga forever mo!"

Piningot ko ang tenga niya at napa-'aray' na lang siya dahil doon.

"Sira ka. Wala akong planong pumatol sa hamak na mas matanda sa akin."

"Huh? Bakit?" tanong niya.

"Senior High School na 'yun, boba!" 

"'Ay! Oo, ayoko rin. Pwede 'yung isang taon agwat sa akin o dalawa, pero 'yung tatlo ang agwat? Huwag na! Baka mag-away lang kami!"

"Kahit sino aawayin mo."

Umalis na kami sa slide at nag-ikot-ikot. Nakita namin ang iba-ibang sculpture doon. May nakita pa akong Olaf. Nagpicture rin kami sa photobooth doon para may mababalikan kami next school year. Baka kasi first and last na namin 'to ni Elle.

Nakasalubong naman namin sa bilihan ng hot chocolate sina Mariel, Abi, Riel at Alluka. Nakasuot rin sila ng snow gloves at headphones at halatang nalalamigan na rin. Palabas na rin kami dahil nagrereklamo na ang kakambal ko na ang lamig-lamig na sa loob. Naninigas na rin talaga ang kamay ko kahit naka-gloves ako pero tinitiis ko lang kanina pa. Ayaw rin namang bumili ni mommy ng hot chocolate dahil sayang raw sa pera. Sayang ba ang mamili 'nun kung iinumin naman namin? Mindset ba, mindset. Joke.

"Lalabas na kayo?" tanong ni Abi sa akin bago humigop sa basong hawak niya.

"Oo. Nga pala, Abi, may magfe-friend request sayo o magme-message. Check mo na lang. Basta, ang name niya Miaxel Perez. Naka-suit raw siya at nakaupo sa swivel chair sa pfp niya."

"Miya-ano? Ang komplikado naman ng name niya pero kung pogi, patulan ko." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Ito na naman po tayo sa kalandian ng kaibigan kong maganda. Humigop ulit siya sa basong hawak niya bago ulit nagsalita. "Pero, bakit? Chatmate mo o nakilala sa FB? Bakit ako?" tanong pa niya.

"Na-meet namin kanina sa Horror House. Fb ko sana hinihingi para ise-send ang video namin sa Horror House kaso sabi ko ikaw na lang dahil alam mo naman ako, hindi ako naga-accept basta-basta sa FB. Tsaka, dream guy mo ang ipapa-request ko sayo, huwag kang mag-alala."

"Alam mo kung saang school galing?" tanong niya.

"Oo, USTe, sabi niya kanina."

"Yayamanin, pre!" Siniko siya ni Mariel.

"Perez? Hindi ba 'yun yung anak ng may hawak ng Reziel Star Company?"

"Reziel Star Company? Dream company ko 'yun eh!" bulyaw ni Abi.

"Ganun? Oh, eh 'di swerte ka pala!" ani naman ni Riel.

"Hindi niyo sure kung siya 'yun. Huwag kayong assuming." Nagkibit-balikat ako habang sinasabi 'yun. Ang lamig na dito pero konting tiis na lang.

"Pero pogi ba? Mayaman?" tanong pa ni Abi.

"Oo," sagot ko.

"Pogi, in my league. Mayaman, out of my league. Hindi ko kaya standards niyan pero kung 'yung tungkol lang naman sa video niyo, icha-chat ko. Magpapaka-cold na lang ako 'tas sabay ghost."

"Ang lakas mo." At tumawa si Alluka.

Umalis na kami pagkatapus naming tapusin ang pag-uusap. Tinanggal ko kaagad ang snow headphones ko at pinagdikit ko ang dalawang kamay ko habang naka-gloves pa rin para gumawa ng heat friction bago ko hinimas ang braso ko. Mas ayus na 'yun kaysa manigas ako.

Nag-ikot-ikot pa kami. Nakita ko ang pagsakay nina Jason sa pirate ship habang dumadaan kami. Nang lumingon sa gawi ko si Sheedise ay kumaway ako sa kanya at agad-aagd niyang inalog ang balikat ni Jason. Napatingin agad ang mokong sa akin habang halatang may inis sa mukha niya dahil sa ginagawa ni Sheedise sa kanya. Hindi pa nagsisimula ang ride nila ay hilo na siya. Natawala na lang ako sa reaksyon niya.

Itinuloy namin ang paglalakad hanggang sa makarating na kami sa mga stalls. Nagtingin-tingin ako ng pwede kong mapagbilihan ng phone case. Nabulok na kasi ang gamit kong case dahil clear phone case lang 'yun.

Nang makakita ako ay lumapit agad ako 'dun at tumingin ng case na pwede sa cellphone ko kaso wala akong makita sa mga naka-display. Limited lang ba ang cellphone ko?

"What can I do for you,  miss?"

Napalingon ako sa sales lady at halata sa mata niyang nagtataka siya kung bakit mag-isa ako at kung nasaan ang mga magulang ko. Tingin ba nito ay pupunta ako dito nang hindi ko kaya?

"May case po ba kayo para sa Huawei Y5 2017?" tanong ko at nilabas ko ang cellphone ko, at ipinakita ko sa kanya.

"Tignan ko po, miss."

"Thank you in advance," ani ko.

Naghanap siya sa loob habang nakasunod na sa akin sina mommy, Elle at Rain.

"May bibilin ka?" tanong ni Rain.

"Case lang ng cellphone ko. Luma na eh, bulok na. Kailangan ng palitan."

"Isang taon ba naman 'yan kay daddy 'tas dalawang taon sayo, hindi pa mabulok 'yang casing niyan," ani ni Elle habang kumakain ng ice cream.

"Oh, ako rin ba may ice cream?" tanong ko.

"Maya, bili tayo sa pinagbilihan namin. Bigla ka kasing nawala eh," aniya at tumango na lang ako.

Nang makabalik ang sales lady ay naglapag siya ng tatlong case designs harapan ko.

"Pang-Huawei Y5 2017 po 'to?" Tinuro ko ang tatlong case sa harapan ko at tumango siya. Tinignan ko 'yun at namili. May isang One Piece ang design pero hindi naman ako mahilig 'dun kaya hindi ko 'yun pipiliin at katulad 'yu ng design ng casing ni Jason sa cellphone niya. Baka pagkamalan pa kaming mag-jowa kung 'yun ang bibilin ko. 

Mayroon ring Spongebob ang design at may floral rin. Tinuro ko ang floral dahil 'yun lang ang mukhang pambabae. Ayoko namang magmukhang elementary kapag Spongebob ang casing ko. "Ito na lang po. " Kinuha niya ang pinili ko at tinanggal 'yun sa lalagyan bago inilahad sa akin ang kamay niya. "Bakit po?" tanong ko.

"Hindi niyo po ba ipapalagay?"

"Uhm...may bayad po ba ang pagpapalagay?"

"50 pesos po kaya 300 pesos po lahat."

Ah, 250 pala ang casing.

"Sige po," sagot ko at iniabot ko sa kanya ang cellphone ko. Nagtingin na muna ako ng popsocket at nang makapili ako ay bumalik na rin ako sa sales lady. "Ito po, magkano?"

Tumingin siya sa akin nang saglit bago binalik ulit ang tingin niya sa ginagawa niya.

"150 po," sagot niya.

"'My, may 150 ka diyan?" tanong ko. 

Kaunti lang ang pera na binigay niya sa akin at wala ng natira sa akin kung babayaran ko ang case ko. "Para saan?" Lumingon siya sa akin habang nakakunot ang noo ko. "Para dito." Tinaas ko ang popsocket na hawak ko. "Huwag mo nang bilihin. Sayang lang sa pera."

Sinamaan ko siya ng tingin bago lumingon kay Elle.

"Meron ka pa diyan? 150 lang."

"Ah, oo. Si mommy naman nagbayad sa akin kanina sa ice cream kaya may 300 pa ako."

Naglabas siya ng 200 pesos sa wallet niya at ibinigay sa akin. Binayaran ko ang popsocket sa sales lady at sinuklian niya ako ng 50 pesos. Binigay ko ang sukli kay Elle at hinintay ko na lang matapus ilagay ang tempered glass. Pagkatapus 'nun ay kinuha ko na ang clear phone case ko at ang cellphone ko na bagong bihis. "Thank you po," ani ko at tumango siya. 

"Thank you for buying, ma'am!"

Umalis na kami doon at naglibot muli. Kinabit ko naman ang popsocket sa case ko. Bumili kami ng ice cream. Nilibre na lang ako ni Rain at baka magmukmok raw ako na hindi ako ililibre ng mommy kong may favoritism. Sanay na naman ako pero minsan napapaisip na lang rin ako kung bakit hindi niya ako magawang malibre rin. 

Laging sasabihin sa akin na wala siyang favoritism pero 'action speaks louder than voice'. Napapakita naman sa akin ang lahat. Si daddy lang naman talaga ang walang favoritism sa kanila. Alam ko namang mas mahina ang loob ni Elle kaya ganun si mommy pero paano naman akong kailangan rin ng pagtatanggol ng ina? Dahil matapang na ako ay wala na siyang karapatang ilibre ako o isama ako sa mga ginagawa niya para kay Elle?

"Oh, tigilan mo ang pagmukmok diyan." Ipinatong ni Rain ang kamay niya sa ulo ko at dinagukan ako. Aba, tangina nito ah!

"Aray! Kumakain ng ice cream 'yung tao 'tas dadagukan mo! Para saan 'yun?!" Hinimas ko ang ulo kong dinagukan niya. Parang umalog ang utak ko sa ginawa niya.

"Nakasimangot ka, para lalo ka pang sumimangot 'tas ako naman rason. Oh 'di ba? Witty!" Ngumuso ako sa sinabi niya. Anong witty 'dun? Gaga lang 'to ih! Pero napasaya niya ako, sobra sa ginawa niya. Naalog nga talaga ang utak ko at napunta sa ibang bagay ang isip ko.

Lumabas na kami ng Star City dahil wala na kaming gagawin sa loob at dumiretso sa may bus. Hindi pa kasi bukas ang bus kaya hindi pa kami pwedeng pumasok 'dun kaya mag-aantay kami nang medyo matagal dito sa labas.

Inilibot ko muna ang mata ko sa paligid at nakakita ng lumang laruan sa gilid ng Star City at nakita kong walang pumupuntang tao 'dun. Bakit kaya?

Kahit pa nasabi na sa amin kanina na may namatay na raw doon ay interesado ako sa kwento 'nun. Nakakatakot man pero gusto kong marinig ang kwento. That place is an obstacle. What happened to the child? Pero 'di ko alam kung chismis lang 'yun o totoo. If it's true then, I hope the child is not an evil spirit.

Makalipas ang ilang minuto ay binuksan na nila ang bus at sumakay na kami roon. Umupo na ako sa upuan ko at kinuha ko ang cellphone ko. Kinabit ko 'dun ang earphones ko at nagpatugtog ako habang nag-iintay sa iba.

Binuksan ko ang data ko para i-message sana si Ash kung ano na ang nangyari sa amin sa buong araw nang mag-pop sa notification ko si Harold kaya nag-seen ako sa message niya.

From: Frith Castillo

Musta?

Kumunot ang noo ko nang makita ang mensahe niya. Ang huling chat namin ay noong New Year pa noong bumati ako, at nung pumunta sila dito nung January. Nagpasalamat lang ako sa pag bisita nila kaya...Bakit siya nangangamusta? Anong nakain niya?