"Hoy, Dylan! Ayus lang namang tumabi si Jason sa jowa mo 'no?"
Jowa?
"Hoy, Arne, nandiyan 'yung nanay!" paninita ni Mai sa kanya.
"'Ay, sorry! Pero, Dylle, tabi muna si Jason kay Ellaine. Kawawa naman 'to."
Wala akong narinig na sagot galing kay Dylan kaya napalingon ako sa likod. Nakatingin lang siya sa akin habang si Jason ay nakatingin rin sa akin. Natulos na siya sa kinatatayuan niya. Nasa tapat siya kung naasan si Lynarne. Napansin siya ni mommy at pinalipat niya ako sa bakanteng upuan sa tabi ko na para sana kay Rain.
"Ate, lipat ka sa kabila. Paupuin mo diyan kaklase mo." Tumingin muna ako kay Dylan bago kay Jason, at bago kay mommy. "Si Rain katabi ko. Reserved ang upuan," ani ko pero sinamaan niya ko ng tingin kaya wala akong nagawa kung hindi magkibit-balikat na lang bago lumipat.
Pinagkrus ko ang braso ko at tumingin kay Jason. "Upo," ani ko sa kanya. Nakita kong lalo pa siya natulos sa kinatatayuan niya at nakita ko ang pagtingin niya sa gilid kung nasaan si Dylan at katabi niya si Lexie. "Wala namang sigurong masama 'no, Dylan? Uupo lang siya?" ani kong ikinatingin ng lahat sa kanya.
Hindi ko intensyong mamahiya pero kailangan kong tanungin 'yun para sa permiso. Tumango na lang siya bilang sagot.
"Oh, nakita mo na ang sagot, Jal. Upo."
"J-Jal?" rinig kong sabay sabay na tanong nina Lynarne, Mai at Lourine. Tumingin ako sa kanilang tatlo. "Oo. Jal. Nickname niya. Kaklase niyo siya last year tapus hindi niyo alam? Hindi kayo kapani-paniwala ha."
Umiling ako habang nakita kong nakaawang ang mga labi nila. Nagkibit-balikat ako bago tumayo sa kinauupuan ko at pinadaan muna si Jason. Nang mapatingin ako sa gawi ni Dylan ay nandidilim na ang paningin niya. Dahil ba sa tinawag ko kay Jason?
"Pati ba naman ikaw hindi mo alam kung anong nickname ng best friend mo?" Napatingin siya sa akin habang nakaawang ang labi. "You're unbelievable, Dylle."
Lalong umawang ang labi nina Lourine sa sinabi ko. "Dylle?!"
"Huh? 'Di ba tinawag ni Arne kay Dylan 'yun kanina?"
"E-Eh, kinausap mo kasi bigla si Dylan. Hindi ka naman ganyan, Ellaine," ani ni Lourine.
"Huh? Hindi ko ba pwedeng pansinin ka-MU ko?"
Pagkatapus kong sabihin 'yun ay nakita kong nakalingon na rin sa amin ang mga Grade 7 sa likuran. Mga chismoso at chismosa rin pala 'tong mga 'to?
"P-Pwede naman," sagot niya.
"Buti naman. Akala ko hindi eh."
Umupo na ako sa pwesto ko at binaba ko ang hawakan sa gilid. Nagpalung baba ako habang nakita kong naka-earphones si Jason sa tabi ko. Sinong kausap niya?
Sumilip ako sa cellphone niya at nandun sina Sheedise. Ka-video call niya pala ang mga mokong na nasa likod. Hindi talaga sila mapaghihiwalay 'no?
Nakita kong nagulat pa si Sheedise at tumuro siya sa screen. Wala akong naiintindihan sa sinasabi niya dahil hindi naman ako ganun kagaling magbasa ng bibig ng tao. Kumaway siya kaya kumaway rin ako sa screen.
Nang iangat ko ang tingin ko ay nakatingin na sa akin si Jason. Medyo nakaawang ang bibig niya, halatang nagulat sa ginawa ko. Inilayo niya ang cellphone niya sa akin at lalong itinago. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Anong problema nito?
"Hindi, pre. Wala akong balak na ganun. Sige na, bye na at iiglip ako." At narinig ko ang pagpatay niya ng call.
Tumingin siya sa akin at naguluhan ako kung bakit parang dismayado pa ang itsura niya. May mali ba akong nagawa?
"Bye raw sabi ni Sheedise." Iniiwas niya ang tingin niya sa akin at isinandal niya ang ulo niya sa bintana sa tabi niya. "Tsaka, huwag raw kitang pabayaan. Babae ka pa naman." Biglang tumibok ang puso ko sa sinabi niya. Binilin ako ni Sheedise sa kanya?
"H-Ha?"
"May tenga ka ba? O kailangan pa kitang pahiramin ng tenga para maintindihan mo ang sinabi ko?"
"Narinig ko naman."
"Narinig mo na pala. Iiglip muna ako."
Ipinikit niya ang mga mata niya habang nakasandal pa rin ang ulo niya sa bintana. Nasa paanan niya ang pulang bag niya at magka-krus ang mga braso niya.
"Bakit iiglip ka pa?" tanong ko. Binuksan niya ang isa niyang mata para tumingin sa akin pero sinara niya rin 'yun kaagad. "2 am na ako nakatulog kaya isang oras lang ang tulog ko kaya huwag kang magulo diyan, Eca."
Eca?
"Eca?" Tinaasan ko siya ng kilay. Walang tumatawag sa amin ng ganun sa buong buhay ko. Saan naman nanggaling 'yun?
"Yezdaeca, please lang. Gusto ko lang matulog."
"Bakit 'Eca' tawag mo sa 'kin?"
"Bawal ba? Ang gandang nickname 'nun sa katulad mo. Hindi mo naman siguro magugustuhan kung 'Yadi' ang tawag ko sayo, 'no?"
Natulala ako sa mukha niya nang tanungin niya 'yun. Yadi...That nickname echoes in my head and it was painful for me. It is still painful for me.
"Malamang...ayoko."
Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Tumingin na lang ako sa entrada ng bus para abangan si Rain. Dumating siya ng 4 am at nagtaka kung bakit si Jason ang nakaupo sa tabi ko. Ngumuso siya nang mapagtantong hindi kami magkatabi sa field trip.
"Wala ng pwesto sa likod kaya dito 'to," ani ko.
"Tulog siya?" tanong niya.
"Oo, one hour lang pa lang raw tulog niya, sabi niya kanina."
"Update ka pa nga, gaga." Pabulong niyang sinabi 'yun para hindi marinig ni mommy. Ayaw na ayaw niya kasing nakakarinig ng nagmumura. Ako, sanay na. Araw-araw ba naman at maya-maya ka nakakarinig ng mga pagmumura sa paligid mo.
Tumingin ako sa orasan sa taas ng bus, malapit sa entrada. 4:47 am. Kinuha ko ang notebook ko sa bag at nilagay ang oras doon at nilagyan ko 'yun ng label, 'umalis sa plaza'.
Umupo si Rain sa upuan sa harapan ng upuan ni Jason at inilagay naman niya ang bag niya sa tabi niya. Dumating na rin ang speaker at ang mga advisers namin. Nagsimula na ring umandar ang bus.
"Para simulan ang field trip na 'to ay, Ms. Silvan, pwede vang ikaw ang magdasal para sa atin ngayon?" ani ni Ma'am Liza.
Tumayo si Lynarne at sinimulang magdasal sa harapan. Gusto ko sanang gisingin si Jason dahil ang crush niya at mahal niya 'raw' ang magdadasal sa harap, kaso baka pag nagising ko siya ay magalit pa sa akin. Puyat na nga ang tao tapus iistorbohin ko pa ang tulog.
Puyat pa more.
Ipinakilala rin nila sa amin ang speaker namin. Siya si Kuya Juel, ang tour guide namin. Ang driver naman namin ay si Kuya Buddy.
5:04 am na at nasa daan pa rin kami papuntang Manila. Inilista ko 'yun sa notebook ko. Kailangan kasi naming gumawa ng timeline ng field trip namin sa AP subject namin kay Ma'am Jane. Halata ko ring walang nililista ang mga kaklase ko kaya mas mabuting meron akong notes para meron silang mapagtatanungan ng mga oras kung kailan kami pumunta 'dito' o kaya 'doon'.
Medyo tinatamaan na ako ng antok pero pinipigilan ko 'yun. Kailangang gising ako buong byahe. Tsaka na ako matutulog kapag pauwi na at kapag gising na si Jason. Sabi ni Sheedise, ako ang babantayan pero bakit ang ending ay ako ang nagbabantay sa kanya?
6:14, huminto kami sa isang lugar kung saan pwedeng bumaba ang mga kasama namin. Bumaba halos lahat pero hindi ako sumama.
"Hindi ka bababa, ate?" tanong ni mommy sa akin at umiling ako. Tinuro ko si Jason na natutulog pa rin sa tabi ko. "Kailangan kong bantayan 'tong katabi ko. Baka biglang magising tapus baka hindi niya malaman kung bakit wala ng tao sa bus." Tumango na lang si mommy at umalis kasama si Elle.
May mga natitira pang Grade 7 sa bus pero ayus lang 'yun. Baka hindi naman sila madaling maihi. Hindi pa rin naman ako naiihi kaya ayus lang na magpaiwan ako dito.
Wala akong magawa kaya sinubukan kong gisingin si Jason. "Jason, bumaba na 'yung mga kasama natin. Bababa ka rin ba?" Inalog ko ang braso niya at hindi pa rin siya nagising. "Huy, Jason." Inalog ko ang ulo niya ngayon pero wala pa ring epekto 'yun sa kanya. Tangina, tulog mantika.
"Jason!" Inalog ko naman ngayon ang katawan niya pero wala pa ring epekto. Sinampal ko ang magkabilang pisngi niya, nagbabakasaling magigising siya, bago ko ulit inalog ang katawan niya. Nakita ko ang pag galaw niya at nag-inat siya nang magkaroon ng muwang.
"Oh, good morning. Bumaba silang lahat para umihi. Iihi ka rin ba?" Umiling siya.
Napakagat ako sa labi ko nang maalala ko ang ginawa kong panggigising sa kanya. Abuse 'yun, self! Siraulo ka!
"Sorry pala sa pananampal sayo."
"Huwag mo nang alalahanin ang panggigising mo. Kung ano man ang ginawa mo, salamat. Ang lalim ng tulog ko." Kinukusot niya ang mata niya na parang pusa.
"Hindi mo pa rin dadaigin si Sleeping Beauty," ani kong natatawa.
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Ano ba 'to? Hindi nakapanood ng kahit isang Disney Princes?
"Ha? Sino 'yun?" tanong niya.
Tama nga ako at wala siyang alam sa Disney Princesses.
"Wala." Patay-malisya akong sumagot bago nagsalita ulit para magkaroon ng palusot sa tanong niya. "Nga pala, Jal, pwede kang bumaba kung gusto mo. Pwede mo ring hanapin sina Carlo at bumaba lang para umihi at - -"
"Huwag mo akong tawaging 'Jal', 'Lav' na lang."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano raw? Huwag ko raw siyang tawaging 'Jal', 'love' na lang?
"L-Love?"
"'Lav', hindi love. Jowa ba kita?" Tumawa siya at sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil siya. "Sa Lavin ko. Pwede naman."
"Hilig mong gumawa ng nicknames 'no?"
"Nickname ko rin 'yun. 'Di lang masyadong ginagamit dahil nagmumukhang bakla ang mga tropa kong lalaki. Akala kasi nang akala ng iba ay tinatawag nila akong 'mahal' nila kaya 'Jal' lang ang ginagamit nila palagi kaysa sa 'Lav', kaya 'yun at 'yun lang rin ang naririnig mo."
"Ah..." Tumango-tango ako. Bagong impormasyon na naman ang nalaman ko nang hindi man lang ako nagtatanong. "Jal na lang rin tatawagin ko sayo o kaya...Aso!"
"Ano?" Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Siguro nabuhayan ang diwa niya nang sabihin ko ang huling nickname na suggestion ko. Pwede naman kasi!
"Aso. Galing sa 'Jason' pero tanggalin mo lang ang 'J' at 'N'," pagpapaliwanag ko pa. Wala lang talaga akong magawa kaya naisip ko 'yun.
"Eh 'di pwede kitang tawaging 'Lai'?"
"Lai?" Kumunot ang noo ko. Nakangisi na siya habang nakatingin sa akin. Pucha, binabawian niya ako ng asar! "Saan naman nanggaling 'yan? Hindi ako isda, Jason! Ginawa mo naman akong 'laing' bigla!"
"Galing sa first name mo, pero tanggalin mo lang ang 'E', 'L' sa unahan at 'N', 'E' sa dulo. Lai!"
"Aso naman ang sayo!"
"Anong klaseng aso?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Chihuahua."
"Ang sama mo, babae!"
"Mas masama ka! Katunog ng 'laing' ang binibigay mong palayaw sa 'kin! 'Lai' pa nga!"
"Bagay naman kasi sayo! Mukha kang fishda!"
"Fishda?!"
"Fish at isda equals sa fishda. Ano ba 'yan? With high ka na niyan?"
"Ikaw nga 'with high sa kalokohan'!"
Nang dumating na sina mommy at Elle ay tumigil na kami sa asaran. Kasunod rin nila sina Dylan. Nakita ko ang matalim na tingin ni Dylan kay Jason. Nagkibit-balikat na lang ako. Lagi namang ganun ang nangyayari, kailangan ko nang masanay.
Nakiraan sa akin si Jason at bumaba siya. Inaya ko rin si Elle bumaba para manguha ng mga litrato para sa gagawin naming timeline. Si mommy ang kukuha ng litrato namin. Dumating na rin si Rain kaya inaya namin siyang pumunta kami sa may damuhan sa gilid.
Kumuha kami ng ilang litrato habang palabas pa lang ang araw. Tinignan ko ang mga litrato at ayus naman ang pagkakakuha niya kaya sumakay na ulit kami sa bus.
Pagkabalik ko sa upuan ko ay tulog na naman si Jason. Nakahili na ulit ang ulo niya sa bintana at magka-krus na naman ang mga braso niya. He's sleeping like an angel pero demonyo mang-asar kapag gising.
I tap his shoulder at tumingin siya sa akin nang inaantok. I tap my left shoulder and his eyes widened. Umiling siya at ibinalik na lang ang paghili ng ulo niya sa bintana.
"Bakit ba ayaw mo? Mahihirapan ka diyan. Uuntog-untog ka diyan," ani ko.
"Eca, huwag kang makulit. Kahit sabihin mong walang malisya, may malisya 'yan sa best friend ko kaya huwag kang makulit. Alam kong mabait ka pero limitahan mo. May masasaktan ka."
His words hit me really hard. Hindi siya nakakakuha ng 'with honors' o kahit anong rewards sa recognition days namin pero ang talino niya sa ganitong bagay. Kahit pala ang may line of 7 o 8 ay merong tinatagong talino sa ibang bagay.
"Tigilan mo 'yang paninitig mo sa akin. Napapansin ka ni Dylle," ani niya. Napalingon tuloy ako sa gawi nina Dylan at nakatingin lang naman siya sa bintana. "Hindi naman ah," ani ko.
"Tigilan mo, Lai." At bumalik na siya sa pagtulog.
7:17, nakarating na kami sa Toll Plaza. Sinabi sa amin ni Kuya Juel ang haba 'nun at ang mga lugar na pwedeng mapuntahan kapag dumaan ang mga sasakyan doon.
7:28, nakarating kami ng Valenzuela. Tulog pa rin si Jason at naririnig ko na ang paghilik niya. Mahina lang 'yun kaya hindi makakaistorbo ng ibang tao. Umiglip na rin ang iba naming mga kasama habang masa byahe at ako, gising pa rin. Kailan ko kasing maglista para sa timeline.
Apat na minuto ang nakalipas ay nakarating naman kami ng Quezon City. 176.76 square kilometers raw ang sukat 'nun at pag-aari ng Tuazon Family. Ang 15.39 hectares ay binili ni Quezon at 'yun ang naging Quezon City.
Pitong minuto pa ang lumipas at tulog pa rin si Jason. Umiglip rin si Elle sa byahe pero nagising na rin. Nakarating kami sa Balintawak.
Tatlong minuto ang nakalipas ay nasa EDSA na kami. Kaunti pa lang ang mga sasakyan dahil ang aga pa namin pero halatang rush hour na rin sa kanila ngayong araw.
23 minutes after, nakarating na kami sa Navotas at 11:56 am ay nasa Roxas Boulevard na kami. Ginising ko si Jason dahil malapit na kami sa unang destinasyon namin. Nagising naman agad siya at inaantok pa siyang tumingin sa 'kin. Kinusot niya ang mata niya.
"Nasaan na tayo?" tanong niya sa kagigising lang na boses.
"Roxas Boulevard na tayo. Huwag ka na munang matulog. Mamaya na pag-uwi."
"Oo na, Lai." Sinamaan ko siya ng tingin sa tinawag niya sa akin at nginisian niya lang ako. Nakakainis! Ang pangit pakinggan! Para akong isda!
Lai pa nga.
Nakarating kami sa unang destinasyon namin, Manila Ocean Park. Pinapila nila kami by height nang makababa kami bago pumasok sa mismong entrada ng Ocen Park. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay halos lahat sa amin ay nag-CR, kasama na ako 'dun. Hindi ako nag-CR nung nag-stop over kami kaya kailangan kong umihi ngayon. Ayokong magka-UTI 'no, mahirap 'yun.
Narinig ko ang chismisan sa loob ng CR.
"Anong school 'yun? Ang dami namang pangit sa kanila. Puro matataba ang nakita ko."
"Bet ko 'yung naka-grey na jacket 'dun." Is she talking about Jason? Siya lang naman ang naka-grey na jacket sa section namin.
"I know right. Like for real, he's a hottie. Subukan kong hingin ang FB niya mamaya, Yanni."
Lumapit ako sa tapat ng cubicle kung nasaan sila. Nakatalikod sila at nasa tapat ng salamin doon. Ang tinawag nilang 'Yanni' ay naglalagay ng lipstick. Lipstick ba 'yun? Hindi ko alam, basta liquid na amoy lipstick ang nilalagay niya sa labi niya at sa pisngi niya. Huh? May nilalagay bang lipstick sa pisngi? Kaya nga lipstick kasi 'di ba para sa labi lang?
Ang isa naman kanina na nanglait sa mga kaklase kong lalaki ay naka-cardigan at ayus na rin ang itsura, at ang isa namang nag-English kanina ay malaki ang suso at ayus lang rin ang itsura pero...Ang pangit na nila dahil sa ugaling pinarinig nila sa akin. Anong masama sa pagiging mataba at pucha nila. Ang cute kaya nila Sheedise! Ang kakapal naman ng mga mukha nito.
Bubuksan ko pa lang sana ang pintuan ng cubicle na papasukan ko nang hindi na ako nakatiis magsalita sa sunod kong narinig.
"Bet ko sana 'yung singkit na mataba kaso nga lang 'mataba'! Like parang sasama sa Sumo Slammer! Haha! Magpapayat siya and I will bet on him!" ani ng babaeng naka-cardigan.
"Huh?" Napatingin sila sa akin. "Pinag-uusapan niyo ba ang nakapila sa labas katabi ng mga estudyante sa school niyo?" tanong ko sa kanila.
"So, kung sila nga, loser?"
Humigpit ang hawak ko sa handle ng cubicle na papasukan ko. Ang kapal ng mukha nito ah!
"Bakit? Kasi kilala ko 'yung naka-grey na jacket. 'Di ba bet niyo 'yun?" Tinaasan ko sila ng kilay habang nakangisi. Nakita kong lumiwanag ang mukha ng dalawa niyang kasama. "Close ko pa, pero sayang..." I made a sad face that made them look at me with furious eyes.
"At bakit?" Tinaasan ako ng kilay ng naka-cardigan. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ikaw ang type?"
"Hindi, pero 'naging'."
"What?!" She laughed with her goons. "Ikaw?! 'Naging' type 'nun?! Haha! Dream on, girl! Haha!" Nginisian ko siya. Para namang baboy 'to tumawa. Hindi ako nangja-judge ng tao pero kasi kalait-lait naman 'tong mga 'to.
"Oo, 'With High Honors' ako eh. Kayo ba? Puro landi lang?" Nakita ko ang galit sa mga mata nila na nagsasabing totoo ang sinasabi ko. "Hindi ko sana kayo lalaiti at tutulungan ko pa sana kayo kasi single ang naka-grey na jacket kaso..." Binuksan ko ang pintuan ng cubicle. "Hindi kayo ang tipo ng mga babaeng type niya. Hindi kayo 'yung magagandang type niya. You're all bitches."
"Anong sabi mo?!" sabi ni Yanni.
"Oh, gusto mong ulitin ko ang sinabi ko sayo, bitch? Hindi ka niya type." Lalong sumama ang timpla ng mukha niya. Itinuloy ko ang paghakbang ko papasok ng cubicle pero may nakalimutan pa pala akong sabihin sa kanila. "Tsaka, his name is Jason Lavin Dela Rosa. Try niyong gayumahin mamaya, tignan natin kung gagana mga gayuma niyo, witches." At iniwan ko sila roon nang may galit sa akin.
Ayokong may manlalait sa mga kaklase ko lalo kung pupuriin lang nila si Jason. He's handsome but it's his friends that they are laughing about. Ayoko ng ganun. SIgurado akong rejected sila mamaya paglabas ko.
Itinuloy ko ang puntirya kong umihi sa banyo bago lumabas. Nakita kong pinaligiran na nilang tatlo si Jason. Nasa gilid niya sina Sheedise. Lumapit ako kay Rain at tumabi sa kanya. Wala na rin namang nakapila ng 'by height' sa amin kaya ayus lang na tumabi ako sa kanya.
"'Oh, may lumapit na tatlong babae kay Jason," aniya.
Nagkibit-balikat ako. "Bet raw nilang tatlo." Tinignan niya ako ng masama at itinagilid ang ulo niya. "Nakasalubong mo sa banyo?"
"Oo. Nilait sina Sheedise."
"Yuck."
Naririnig namin ang usapan nila sa pwesto namin. Tumingin sa akin si Jason at binigyan ko lang siya ng ngisi. Alam niya na sigurong may sinabi ako sa tatlong babae na nasa harapan niya.
"Pasensya na pero wala akong type sa inyo. Ayokong nilalait niyo ang mga kaibigan ko," rinig kong sabi niya na ikinatawa ko. Serves them right!
"Huh?! Bakit?!"
"Meron na akong crush." Tumingin na naman siya sa 'kin.
"Sino?" Nagbago ang boses ng naka-cardigan. Parang kanina ay kargador ang boses niya nung kinausap ko pero kay Jason ay parang babaeng babae siya. Maluwag ba turnilyo ng utak nito?
"Someone from my class."
Oh, shit, English 'yun!
"Gagi, English 'yun," bulong ni Rain sa 'kin. It's a good thing we're cheering Jason.
"Oo, ayun oh." Tinuro ako ni Sheedise at sinamaan ko siya ng tingin.
"What?! That ugly girl?! We met her earlier sa banyo! She's a bitch! You shouldn't like her!" sabi ng Yanni. Ang kapal naman ng mukha nito! Sila nga ang mga nanglait sa mga kaibigan ni Jason tapus ako pa ang bitch? Boba ba siya?
"Sorry, girls, pero mas maganda siya kaysa sa inyo kaya siya ang type ni Jason. Eh, kayo? Tingin ulit kayo sa salamin. Mas cute ako sa inyo 'no." Binelatan niya ang mga babaeng nasa harapan nila. Hindi na maipinta ang mga mukha nila habang nagmamakaawa ang mata ng naka-cardigan kay Jason. "Hindi mo ba 'ko type? My name's Yvonette Fernandez."
"Not interested," ani ni Jason na umiwas ng tingin sa kanya.
Pinalupot naman ng isa ang braso niya sa leeg ni Jason. Ang kakapal naman ng mga mukha nito. Nasa Ocean Park sila, wala sa bar.
"Eh, ako? I am Shantallian Rion Chavez," pagpapakilala naman ni Yanni.
"Pass," ani ulit ni Jason.
Sumama ang mukha ni Yanni sa narinig. Bumaba ang kamay niyang nakalahad sa harap ni Jason. Napangisi na lang ako.
"What?! Mayaman ang family ko! Aayaw ka pa?!" Her eyes screams anger. Kumuyom ang kamao niya at umiigting na ang panga niya. She's mad at him. Mukhang ayaw niyang hindi niya nakukuha ang gusto niya. Tinignan siya ni Jason nang walang ka-ekspe-ekspresyon. "Ano naman kung mayaman ka? Wala akong pakialam, basta hindi kita type."
"Ooh!" Nagtakip ng bibig si Sheedise, itinapat ni Carlo ang kamao niya sa bibig niya, at pinipigilan naman ni Daniel ang tawa niya.
"Jerk! Sinasayang mo 'ko!"
"Ang sinayang ko lang ay ang oras kong magsalita para sayo, kaya umalis kayo sa harapan ko."
"You'll pay for this!"
"Wala akong pangbayad, Chavez. Ilibre mo na lang ako tutal mayaman ka naman."
Namula ang mukha ni Yanni bago tumingin sa akin. Masama ang tingin niya sa akin at kung nakakapatay lang talaga ang titig ay paniguradong malamig na bangkay na ako dito. Ngumiti ako sa kanya bago siya kinawayan habang papaalis na sila.
Hindi pa rin kami umaalis sa pila namin dahil wala pang sinasabi ang mga tour guides namin. Kinakausap pa siguro nila ang mga staffs tungkol sa listahan naming mga estudyante ng BHC. Lumapit sa akin si Jason at masama ang tingin niya sa akin. Pinagkrus ko ang mga braso ko at nilabanan ang tingin niya. "Oh, bakit?"
"Anong sinabi mo sa mga 'yun?" tanong niya sa akin nang nakakunot ang noo.
"Wala. Sabi ko lang naman na hindi mo sila type. Bakit? 'Di ba totoo?" Nginisihan ko siya at ginulo niya ang buhok niya. Sigurado akong nainis siya sa ginawa ko. "At sinabi ko pa ang full name mo."
"Nahiya ka pa. Sana sinabi mo rin ang FB ko."
"Huwag ka nang magreklamo, Aso."
"Ang kapal mo, Lai."
"I know."
"Pero totoong hindi ko sila type. Hindi pa sila aabot sa ganda ni Lynarne." Pabulong niyang sinabi 'yun.
I snapped my fingers. "True ka diyan! 'Cardigan and goons' sila."
"Goons?"
"Mga pangit ganun!"
Napailing siya. "Ang kapal mo nga talaga."
Yumuko ako nang parang prinsesa sa kanya.
"Salamat sa papuri, Aso."
"Itapon kaya kita sa aquarium mamaya? Nandun naman ang mga kauri mo."
"Itali kaya kita sa labas ng entrance mamaya. Aso ka pa naman, sanay ka na 'dun."
Sinamaan ko siya ng tingin at umiling na lang siya, tsaka bumalik kala Sheedise. Ramdam ko na naman ang mainit na titig ni Dylan sa amin. Hindi siya pwedeng gumawa ng gulo dito. Nasa field trip kami.
Pinapasok na kami sa Sea Lion Show. Kasama na naman namin ang school ng tatlong mean girls kanina at nakita ko ang masamang titig nila sa 'kin. Hindi talaga ako titigilan sa mga titig nila 'no? Kasalanan ko bang naging type ako ni Jason 'tas sila hindi?
Bumuntong hininga na lang ako at itinuloy ang paglalakad ko hanggang sa makahanap kami ng bakanteng upuan. Tumabi ako kay Rain. Namili rin kami ng popcorn at tubig sa taong umiikot sa paligid na may dalang pagkain at tubig.
Nagsimula na ang Sea Lion Show at nanood lang kami ng tricks na ginagawa nila. Pagkatapus 'nun ay pumunta naman kami sa isang aquarium ng mga buwaya. Nakakulong naman sila ng maayus kaya ayus lang. Ang iba naman ay pinapalabas lang sa screen. Kumuha kami ng litrato pero saglit lang dahil ayaw raw ng ibang mga hayop ang flash ng mga cellphone at camera.
Pagkatapus 'nun ay pumunta na kami sa mismong fish aquarium. Ang ganda ng aquarium cave kung saan pinapaligiran ka ng tubig habang ang mga isda at stingrays ay lumalangoy sa gilid mo. Kumuha lang rin ako ng kaunti at nagpa-picture kay mommy kasama si Rain. Pumunta rin kami sa tinatawag nilang 'Trails to Antartica'. Buong Grade 7 at Grade 8 ay nag-picture doon. Tumabi ako kay Rain habang umupo sa harapan ko si Elle.
Pgkatapus 'nun ay pumunta kaming MOA para kumain. May isang oras raw kaming mag-ikot-ikot at bilihin ang mga kailangan at mga pasalubong namin. Hindi naman namin saulo ang MOA dahil ngayon na lang ulit kami nakapunta dito. Ang last na punta namin dito ay 'nung elementary pa kami ni Elle at kasama pa 'nun si Lola Dory.
"Saan tayo?" sabi ko pagkababa na pagkababa namin. Kasama rin namin si Rain. Dapat magpapaiwan na lang sana siya sa bus kasi may baon naman siya kaya lang hindi ako pumayag. Halos lahat sa amin ay bumaba at siya lang mismo ang maiiwan kaya inaya ko na. Mahirap na rin at hindi namin alam kung anong pwedeng mangyari sa kanya kapag mag-isa siya. She's a little careless. She cannot defend herself.
"Jollibee na lang," ani ni Elle.
'Dun kami pumunta at ang daming tao. Nagdadagsaan at hindi namin alam kung saan pwedeng sumingit. Sinabi na muna namin ang mga orders namin kay mommy at naghanap ng upuan. Umupo kami malapit sa glass window at binuksan na ang lunch box niya.
"Huwag ka munang kumain," ani kong hinawakan ang kamay niyang hawak na ang mga kubyertos.
"Bakit?"
"Magdadasal pa tayo. Hintayin muna natin si mommy. HIndi kami kumakain nang hindi nagdadasal eh."
"'Ay, okay. Banal pala kayo dito."
Hinintay namin si mommy at nang pumunta siya sa amin ay may kasunod na siyang waiter dala-dala ang mga pagkain namin. Nang mailapag niya na lahat ng pagkain namin ay nagpasalamat kami at nagdasal, tsaka kumain.
Tumingin ako sa labas nagbabakasakaling dadaan si Dylan doon pero wala. Sa laki ba naman ng mall na 'to ay nagawa ko pang umasa na makikita ko siya sa paligid? Sa Vista, posible pa. Dito, hindi na.
Kumain ako nang kumain at inubos ko 'yun hanggang sa mabusog ako. Nagpa-order ako ng Royal Float at fries na pwedeng baunin pabalik sa bus. Pagkatapus kasi sa MOA ay pupunta kami ng Star City para raw ma-enjoy naman namin ang field trip na 'to. Hindi ko na-enjoy. Gusto ko sa Intramuros, joke.
Naghintay na kami sa labas pagkatapus dumating ng Royal Float ko at fries. Syempre, hindi papayag si mommy na wala rin si Elle. Malapit ng mag 12 pm at wala pa rin ang bus. Sabi nila ay dito kami maghintay. Nakalabas na rin ang tropa nina Jason at Dylan.
"May JCO siya, ate. 'Uy, saan kayo nakabili niyan? Saan sa loob?" tanong ni mommy kay Jason at napairap na lang ako. Sana kasi kanina bumili na nung tinuro ko.
"Pagpasok lang po. Baka pangatlo o pang-apat na stall po pagkapasok," sagot ni Jason. Napairap na naman ulit ako.
Lumingon sa akin si mommy.
"Ate, pahawak muna nito at papasok ulit ako. Mabilis lang." Pinahawak niya sa akin ang lalagyan ng fries at ang bag niya. Napasampal na lang ako sa sarili ko. Bakit ba kasi sumama 'to? Hindi siya gold para hintayin mamaya ng bus ha.
Maga-ala una na ng makalabas siya sa MOA at buti ay sumakto siya sa pagdating bus. Mahaba ba ang pila sa bilihan ng JCO? Dalawang box ang binili niya at pasalubong raw namin kay daddy dahil ngayon raw uuwi 'yun galing sa trabaho at kala lola.
Sumakay na kami at nauna na ako sa pag-upo sa upuan ko. Nararamdaman ko na ang pagod sa katawan ko. Hindi pa ako natutulog magmula nang umalis kami sa plaza. Iniusog ko na lang ang katawan ko palikod nang dadaan na si Jason. Hindi ako pwedeng tumayo dahil may iba ring dumadaan at pumapasok sa bus.
Itinaas niya ang hawak na JCO box at inalalayan ko siya doon. Baka kasi biglang bumagsak ang hawak niyang box at matapunan pa ako. PE shirt pa naman ang suot namin ngayon at tinanggal ko kanina ang sweater ko. Mainit eh.
Nnag makasakay na lahat ay bumyahe na ulit kami. Nagpalung baba ako at isinara ang mga mata ko para umiglip muna. Masarap ang tulog ko buong byahe. Ang komportable ng posisyon ko. Nakahili ang ulo ko sa isang balikat. Balikat?
Binuksan ko ang mga mata ko at para lang makita ko ang sarili kong nakahiga na sa balikat ni Jason. Tangina, anong oras ako humiga sa kanya?! Ang alam ko ay nakatukod ang siko ko sa hawakan sa upuan ko at...Basta! Kailan ba ako humiga sa balikat niya?!