Chereads / THE CHASE ESCAPE (ALGEA SERIES #1) / Chapter 18 - CHAPTER EIGHTEEN

Chapter 18 - CHAPTER EIGHTEEN

"Ano kaya pwedeng gawin?"

December 17, 2018. Walong araw na lang bago ang pasko. Bumuntong hininga ako dahil boryong boryo ako sa bahay. Paulit-ulit na lang kasi ang ginagawa ko. Linis ng bahay, magbasa at magsulat sa Wattpad. Hindi ba pwedeng gumala?

Wala naman kaming ibang pupuntahan at hindi kami papayagan kung hindi kasama sina mommy kaya stuck kami sa bahay. Lalo pa kasing nakakaboryo at limitado lang ang oras namin gumamit ng cellphone. 

Binuksan ko ang Messenger ko pagkatapus kong magbasa at pinindot ko ang personal message namin ni Jason. Nagba-backread sa pinag-usapan namin kahapon nang bigla kong napindot ang like button. Pucha! Aho chau, self?!

From: Jason Dela Rosa

Bakit???

To: Jason Dela Rosa

Ehh anong 'bkit'?

Ay pucha, self, tinangahan mo pa lalo!

From: Jason Dela Rosa

wala wala

To: Jason Dela Rosa

Ahhh okie

Nakahinga ako pagkatapus 'nun. Kinabahan ako doon. Buti na lang at nagpatay-malisya na lang siya sa ginawa ko pero nagmukha akong tanga sa reply ko sa kanya. Bakit tinanong ko pa kung 'bakit' siya nag-'bakit'? Tanga lang talaga?

Lumipas ang mga araw at wala akong ibang ginawa. 'Yun lang ulit at nadagdag lang ang pag-aayus ng Christmas Tree sa bahay nina lola at ang paggagawa ng krema. Isang araw na lang at pasko na. Lampas alas-dose na ng hapon at kakatapos ko lamang kumain. 

Nakapag-usap kami ni Dylan ng maayus kahit papaano at wala naman akong reklamo tungkol doon. Kausap ko man si Dylan sa ngayon o hindi ay walang nagbabago. Nagiging malamig na siya o ano man. Sumasabay siya sa paglamig ng panahon habang papalapit ang pasko. 

Basta ang ginagawa ko ngayon ay kausap ko na naman ang abnormal na si Jason na kung anu-ano na naman ang sinasabi sa akin. Naging mas close pa kami sa chat ni Jason dahil kay Lynarne, dahil itinatanong niya sa akin kung paano gamitin ang Instagram para makausap niya ang crush niya 'slash' mahal niya raw. Abnormal ba naman siya. Sinong tao ang sasabihin na kapag crush mo ang isang tao ay mahal mo rin? 

Then, a while ago, sinabi sa akin ni Dylan na itigil na namin ang pagsasabihan ng 'I like you' sa isa't isa, dahil wala namang kami. Kasalanan ko ba 'yun ? Hindi naman ako ang nagpanimula 'nun. Bakit mukhang parang kasalanan ko? Kaya hanggang ngayon ay masama ang loob ko sa kanya. Wala akong maramdaman sa sinabi niya. Mayroon din akong isinulat sa iPad na rant message tungkol sa kanya patungkol sa magsisisi siya pag nawala ako sa kanya. Well, speaking about it, hindi naman ako umiyak. Ayokong sayangin ang luha ko sa kanya. Hindi naman siya kawalan.

"Magsisisi ka naman na. Paano kaya kung napunta ako kay Jason after natin? Magsisisi ka ba ng sobra?" tanong ko na para bang kausap ko si Dylan sa harapan ko. "Pag nakita mo ba akong masaya kasama siya, sasamaan mo ulit siya ng tingin, kahit hindi na tayo MU?" tanong ko pa.

I'll make sure you do that.

Para akong wala sa sarili sa naiisip ko ngayon para kay Dylan. Apat na buwan na kaming mag-MU at walang improvement sa ugali niya. Seloso pa rin. Puro salita lang. We cannt talk to each other through personal talks, because no one's doing the first move, lalo akong mataas ang pride sa bagay na 'yun. Ayokong mangulit lalo kung para sa atensyon lamang, dahil alam kong hindi 'yun mabibigay sa akin.

Ilang oras na lamang ay pasko na at inip na inip na ako para doon, para naman makapag-enjoy ako kahit papaano ngayong taon sa double pain na nararanasan ko. Una kay Harold, ngayon naman kay Dylan. Pucha, ang sakit nila sa ulo.

"Pwede ba maghintay mamaya ng hanggang 12 am, 'my?"

Gusto ko kasing makapagpuyat para maranasan namin, dahil never sa buhay naming naranasan at ni Elle na magpuyat, pwera na lang noong pumunta kami ng Bacolod ngayong taon noong May. Nawala lahat ng problema ko doon. Hanggang 11 pm. gising pa kami nung pumuta kami sa Paulca Dash sa Hinoba-an. 

Hindi rin naman ako nakasama sa swimming' nun, dahil dinatnan ako. Malas pero masaya naman ang trip namin. Nanibago kami sa kung paano sila magsalita at puro katanungan ang nasasambit ko doon. Hindi rin ako sanay makipag-usap sa iba kaya puro ngiti lang ako 'nun. 

"Matulog kayo. Gigisingin na lang kayo mamayang 11:30," sagot niya.

Sa isip-isip ko ay napasimangot na lang ako sa sagot niya. Badtrip. Kailan ko mararanasan magpuyat? Kailan namin mararanasan 'yun? Kapag may 'tarabaho na' kami? Hihintayin pa namin 'yun? Hindi na namin na-enjoy highschool days namin.

Tango na lang ang naisagot ko sa sinabi niya pero ang utak ko ay bumubulong ng sagot para doon. Wala naman talaga kasi kaming magagawa kasi ang magiging rason na naman niya ay magulang namin siya na dapat respetuhin kasi para sa ikabubuti rin naman namin ang ginagawa o sinasabi niya. But daddy says otherwise.

Nasa baba pa rin ako gamit ang iPad dahil 'yun lang ang pupwede kong magamit na gadget sa ngayon. Lumuwas naman si Jason sa Maynila para doon mag-pasko kasama ang pamilya niya. Nagpaalam pa ang dakilang mokong sa akin. Bakit hindi siya magpaalam sa 'mahal niya?! Ako ba si Lynarne ha? Ako?! Habang si Dylan naman ay hindi magpapasko dahil Iglesia siya. Hindi ko siya mababati. Nakakalungkot naman.

Nakaupo ako sa dulo ng sofa at nakasandal ako sa pader na malapit sa isa sa bintana. Lagi nga akong napapagalitan dahil daw baka bumagsak sa akin ang kurtina at masira ko pa. Palagi namang ganun ang eksena pero wala pa naman akong nasisira. Hinahayaan ko na lang dahil masyado lang ang reaksyon ni mommy sa ganung bagay. Puro akala nang akala sa 'kin, wala naman akong nasisira.

Ilang oras na lang ay paskong pasko na. Hindi na talaga ako makapaghintay. Bukod sa madami akong babatiin ay madami rin namang magpapamasko sa amin. Alam kong 13 na kami pero sila naman kasi ang naghahanap sa amin kahit ayaw na talaga naming nabibigyan kami ng pera. Ang alam kasi namin sa tradisyon ay paliit nang paliit ang laki ng pera na ibibigay sayo kapag nadadagdagan na ang edad mo, kaya naman mas gusto ko na lang samahan ang maliliit naming mga pinsan sa kanila habang namamasko, kahit na hindi na lang ako makakuha ng pera.

Ibinaba ko sa tabi ko ang iPad at itinaas ko ang braso ko upang mag-inat. Idineretso ko na rin ang likod ko para mag-bending para hindi ako matipalok mamaya at baka titigas-tigas ang katawan ko. 

Umalis ako sa sofa dala-dala ang iPad at umakyat sa taas. Ang talukab ng mata ko ay nagbabadya ng sumara dahil sa kaantukan. Kaya rin hindi ako nakakapagpuyat kasi nasanay kaming laging maaga pinapatulog. Pinihit ko ang busol at binuksan ang pintuan. Pumasok ako at sinara ito. Binitawan ko ang busol. Hinahayaan ko itong sumara sa loob. Hinubad ko ang tsinelas ko at umakyat sa aking kama. Kinuha ko ang charger ng iPad sa nightstand sa gitna ng mga kama namin ni Elle at isinaksak ito sa outlet na malapit sa pintuan sa dulo ng aking higaan, at ibinaba ito sa lapag.

Bumuntong hininga ako sa lungkot. Hindi ko na nga mababati si Dylan, hindi rin siya nakapag-on ngayong gabi. Ang dami nilang responsibilidad bilang kapatid sa kanilang kapilya. Kahit man lang chat lang naman bago sila umalis ay ayus na sa akin. Baka ML na naman ginawa niya bago sila umalis pero ayus lang. At least alam ko kung anong oras sila pumupunta sa kapilya. Ayus ng update 'yun para sa 'kin. Tsaka, ano bang inerereklamo ko? Wala namang kami, 'di ba? Siya naman ang nagsabi 'nun.

Pero teka...May isa akong kilalang pupwede kong batiin bukas...siJason!

Biglang nabuhayan ang diwa ko nang maalala ko siya. Humiga ako at inisip kung paano ako babati sa kanya 'in a good way' na hindi ako magmumukhang may gusto sa kanya o kaya naman ay gusto ko ay 'yung maaasar siya sa bati ko. Wala akong maisip kaya bahala na bukas kung ano ang masabi ko.

"Bakit pa kasi naging INC si Dylan?" bulong ko sa sarili ko. "First impression ko pa naman Katoliko siya tapos ganun malalaman ko." Suminghal ako habang kinakausap ko ang sarili ko. Buti na lang at wala si Elle sa loob ng kwarto namin at baka kanina pa ako sinasabihan 'nun ng 'baliw'. "Aish! Hayaan na! Ganun talaga!" Itinuloy ko ang pakikipag-usap sa sarili ko sa isip ko at habang nagsasalita para makatulog.

"Merry Christmas!"

Katatapos lang namin magsimba at dumiretso na agad kami sa bahay nina Lolo Ryan. Nagmano kami sa mga tito, tita, ninang, ninong, lolo at lola namin na naroroon. Kakadating lang din ng tatlo naming pamangkin. 'Yung panganay ay isang taon ang tanda sa amin at naging kaklase naming ng Grade 1 hanggang maka-graduate kami ng elementary.  Isang taon ang tanda niya sa amin dahil tita si mommy ng tatay niya at pamangkin ni lola namin ang lola nila sa tatay, kaya pinsan namin ang tatay niya, kaya pamangkin namin siya. 

Magulong magulo 'yun at hanggang ngayon, kahit naiintindihan na namin 'yun ay magulo pa rin sa amin kung paano nangyaring ganun nga ang sitwasyon, dahil malayo ang apelyido nila sa Escaler na pinanggalingang angkan ng lola namin. Dela Cerna kasi ang apelyido nila at sobrang layo rin ng middle name nila sa Escaler kaya paano namin malalaman na pamangkin namin siya simula pa nung elementary kami? Buti at walang nagka-crush sa amin sa isa't isa kung hindi gulat na gulat na kami ng super bongga pag nalaman nga naming na ganun pala ang 'behind the scene' ng buhay namin bilang mag-tita. Nakakakilabot naman isipin 'yun. 

Si Vaughn ang panganay sa kanilang magkakapatid. Pangalawa si Lheyra at si Althea naman ang bunso. Hindi pa naman kami ang nagpapamasko sa kanila kasi wala pa naman kami sa stage na pupwede na kaming makapaglabas ng mga sariling pera namin, at isa pa ay mga estudyante pa lamang kami kaya wala pa kaming kinikita dahil wala pa naman kaming mga trabaho.

"Oh, magsipila na kayo at magbibigay na ako ng aguinaldo," ani ni Lola Nida namin. Pinasama rin kami sa mga pipila dahil 'yun ang nakagawian. Inabot niya ang mga pamasko sa mga nauna sa pila hanggang sa makarating sa akin. "Oh, sino ka nga ulit?" tanong niya sa akin nang makarating ako sa harap niya. Medyo natawa pa ako sa tanong niya. Kahit na madalas niya akong nakikita kapag may okasyon sa pamilya namin ay hindi pa rin niya makilala kung sino ako o si Elle dahil magkamukha pa rin kami hanggang ngayon. 

"Ellaine po. Lola Nida naman eh, matagal niyo na kaming nakikita. 'Di niyo pa rin alam kung sino si sino," ani ko.

"Ay, teka. May regalo din sa inyo si Lola Dory niyo," aniya bago umalis sa pagkakatayo sa harapan ko. 

Si Lola Dory ang isa sa mga tumutulong sa amin sa pag-aaral sa BHC. Sa totoo lang, kung wala siya, wala rin naman kami sa eskwelahang 'yun. Dahil kung titignan ninyo sa side ni daddy, kung siya lang ang magtataguyod ng pamilya namin ay hindi sapat ang kinikita niya sa trabaho para sa tuition namin sa school. Idagdag pa 'yung iba pang mga bayarin at hindi pa kami mayaman, at sakto lang ang pamumuhay namin, kaya matatawag ko na lang talaga na swerte kami. 

Pero sa lahat ng naibibigay ni Lola Dory sa amin, wala kaming inabuso ni isa, kahit pa ang tingin sa 'min nina Lolo Ryan ay kami ang nagsasabi kay Lola Dory at nanghihingi ng malaking halaga ng pera sa kanya para sa pangtustos sa amin. Awtomatiko siya nagbibigay sa amin at 'yun ang nagsasanhi ng lalo pang pagdududa ng buong pamilya namin. I think they are thinking that we are gold diggers.

Mayaman ang pamilya nila Lola Dory at kahit siya rin ay mayaman dahil naging nurse siya at ang naging asawa naman niya ay 'somehow' a scientist. Marami siyang alam at nakarating na sa iba't ibang bansa para sa mga medical missions na ginagawa niya. Her name is all over the internet kaya hindi na rin nakakapagtakang iisipan nila kami ng ganun.

Hindi na lang namin pinapansin ang mga paratang nila at ngumingiti pa rin kami sa tuwing binabati nila kami. Palagi rin naming naririnig sa kanila na mag-aral kami ng mabuti para hindi masayang ang tinustos sa amin ni Lola Dory. Hindi naman na nila kami kailangang paalalahanan pa tungkol doon dahil ginawa namin 'yun nung nagsimula pa lang kami ng high school. 

Nag-promise kasi kami ni Elle na mag-aaral na kami ng mabuti pagtungtong namin ng high school dahil line of 8 at 7 ang nakukuha namin noong elementary dahil sa nauusong favoritism. Kabobohan rin talaga ang pinairal namin 'nun at nagpakasaya lang talaga kami sa buhay namin 'nun. Sulit naman ang kasiyahan namin at hanggang ngayon ay malapit pa rin sa amin ang mga kaklase namin.

"Oh, heto."Iniabot ni Lola Nida sa amin ang dalawang parisukat na may balot at ang sobreng pamasko. "Salamat po," ani ko pabalik bago umalis sa pila. Kinuha ko na rin ang iniabot niya at iniabot ko ang isang regalo at sobre kay Elle. Kinuha niya 'yun habang nakangiti.

Ang sabi namin ay hindi na kami tatanggap ng pera galing sa mga pamasko nila pero hindi yata talaga kami pinapatakas ng tadhana. Ang kasunod naming pinuntahan na tita ay binigyan rin kami ng sobre. 300 pesos pa ang laman ng sobre na 'yun. Pucha, ang laki pa rin. 

Noong maliliit kasi kami ay 500 pesos ang laman ng bawat pamaskong natatanggap namin o kaya ay 1,000 pesos. Pero ngayon, malaki pa rin? Akala ko ba nababawasan ang ibibigay sa amin? 200 lang nabawas? Sure silang nagbabawas sila? Nahiya pa sila. Pwede namang bawasan pa. Mga 100 pesos na lang ganun.

"Salamat po," ani ko.

"Nako, Lannie at Lezor, ang laki na ni kambal! Parang kailan lang ang liliit pa niyan nung pumupunta dito! Sayang at wala na si Ian," pambabati sa amin ni Tita Joy.

Ngumiti lang ako sa kanya habang ganun na lang rin ang ginawa ni Elle. Wala kaming ganang kumibo sa bati niya sa amin. Lumang luma na 'yun at gamit na gamit na nila simula pa nung maliliit kami. Habang nadadagdagan kasi ang edad namin bawat taon at bawat bisita namin sa kanila ay ganun ang sasabihin nila at saulo na namin ang linyang 'yun.

'Ang laki niyo na, kambal! Malalampasan niyo na si mommy niyo!'

'Lampas na kayo kay mommy niyo, siya na ang bunso. Congrats!'

At iba pang pwede pa nilang masabi para mabati lang kami. Hindi kami makibo sa kanila at hindi ko alam kung kailan kami matututong masanay sa mga pekeng ngiti nila at mga pekeng bati nila na nagmumukhang maganda para sa iba.

We can see through their masks and we can also tell if they are really trying to lie to us. Eyes cannot lie and so they cannot blame us for pretending, too.

"Si Pat din ba susunod na sa ama?" tanong ni mommy kay Tita Joy.

"Oo, baka sa next month pa."

"Eh, kamusta na ba si..."

Umalis na ako doon bago ko pa marinig lahat ng pag-uusapan nila. It's all about the father of Kuya Patrick and Kuya Enzo again. It's not new for me to hear. Simula nung nag-bakasyon kami pagkatapus naming mag-moving up ay lagi ko ng naririnig ang tungkol kay Tito Oregon. Nagtataka rin ako kung bakit wala siya rito sa Pilipinas. Ang alam ko ay nasa ibang bansa siya apra magtrabaho at hindi pa rin nakakauwi hanggang ngayon.

Umupo ako sa terrace sa labas at tinignan ang mga batang nagpupuntahan sa bawat bahay. Nakikita ko ang kasiyahan sa mga mukha nila habang ako ay lumulutang ang isipan. Paano ko kaya mae-enjoy ang pasko?

Hanggang sa matapus mag-usap sina mommy at Tita Joy ay naroroon lang ako sa terrace at nakaupo. Hindi rin naman kami makibo sa mga 2nd cousins namin kaya hindi ko masyadong kinakausap sina Kuya Patrick at Kuya Enzo nang bumaba sila kanina para magmano kay mommy. Sa totoo lang, sinamahan lang naman talaga kami dito. Wala rin naman talaga kaming planong mamasko talaga.

Lumabas ng pintuan si mommy at nag-tricycle na kami. Tahimik kaming sumakay at umalis pero tinamaan ako bigla ng kyuryosidad ko. Ano ba ang pinag-usapan nila tungkol kay Tito Oregon? Parang napakalalim kasi kanina tignan ng mata ni Tita Joy. Alam kong nasasaktan siya at bakit? Dahil ba hindi pa nakakauwi si Tito Oregon? Dahil ba feeling niya mag-isa siya dahil wala sa tabi niya ang asawa niya? O hindi kaya...may ibang pamilya na si Tito Oregon at kami na lang magpipinsan ang hindi nakakaalam? Sana lang nga ay hindi totoo ang iniisip ko.

"'My, may tanong ako," panimula ko. "Ano' yun?" Nakatingin pa rin siya sa labas habang umaandar kami. Nasa may bandang munisipyo na kami ng maisipan kong magtanong. "Ano 'yung tungkol kay Tito Oregon?" tanong ko sa kanya. Tikom ang bibig niya kaya nabingi ako sa katahimikan. Lalo lang akong naghanap ng sagot sa tanong ko. "Ano,' my?"

"May iba si Tito Oregon niyo."

"Ha?!" Sabay kaming nagsabi ni Elle 'nun.

"Oo. Parang hindi kayo naniniwala."

"Kaya pala hindi na namin siya nakikita kapag pupunta tayong Townsite," ani ni Elle.

"Kailan pa?" tanong ko.

"Last year. Nalaman na lang ni Tita Joy niyo."

"Pero bakit? 'Di ba nandiyan na sina Kuya Pat, si Kuya Enzo. Bakit kailan niya pang maghanap ng iba?"

"Hindi ko rin alam. Ganyan din ang nangyari kala Ate Nicole niyo."

Nanahimik na ako pagkatapus 'nun. Sa lahat ng ayoko ay ang may nagloloko. Fuck, boys. They pretended to be men. Kahit pa ganun sila ay parte pa rin sila ng pagkatao ko dahil tito ko sila at 'yun ang hinding hindi ko gagawin.

I know it caused trauma to our boy cousins. It caused a lot of pain to our aunties. Kaya pala ganun na lang ang nakita kong sakit sa mata ni Tita Joy kanina. She was cheated. Where did she go wrong? Pasko na pasko pa naman.

Aalis rin si Kuya Patrick para sumunod kay Tito Oregon dahil kinukuha na siya. He's also going to look for a job there. Napakalaki rin naman kasi ng opportunity doon at malaki rin ang pwedeng swelduhin. He took Mechanical Engineering as his course and he will fly to Australia. Maiiwan na sina Tita Joy at Kuya Enzo dito sa Pilipinas pero sigurado naman akong magpapadala siya ng pera sa kanila.

Hanggang sa makauwi kami ay iniisip ko ang tungkol doon. It must be hard for Tita Joy. Napakabigat ng dinadala niya ngayon at nagpapakatatag lang siya para sa mga anak niya. She's a strong woman.

Hindi ko rin talaga maisip minsan kung bakit kailangan nilang maghanap ng iba. Kadalasan ay iyun ang balita sa mga lalaking nagka-asawa na, iniwan ang asawa sa Pilipinas at lumipad sa ibang bansa para 'raw' magtrabaho, pero mababalitaan na lang na may babae na pala. Saan nila nakukuha ang lakas na mambabae? Dahil hindi malalaman ng mga asawa nila? Pathetic reason.

The only thing in this world that you cannot give a reason for is the truth and justice. Sabi nga ni William Penn, 'right is right, even if everyone is against it, and wrong is wrong, even everyone is for it'. Also, for the record that it was in the Bible that you shall not commit adultery. But why did Uncle Oregon do it? He committed it.

Never kong irerespeto ang desisyon niyang lokohin si Tita Joy dahil hindi niya deserve 'yun at kahit sinong babae ay hindi deserve 'yun. Sinayang niya ang 20 years nila. Hindi naman siguro nagkulang si Tita Joy sa 20 years na 'yun, 'di ba?

Halos nalaman namin ang buong storya nila at wala ni isa sa kwento na narinig namin ang may ginawang kalokohan si Tita Joy kaya bakit kailangang lokohin? Dahil naakit sa babaeng nasa ibang bansa? Dahil maganda, malaki suso at sexy? Dahil ba mas malapit 'yun kaysa sa asawa niya? Then, he's really fucked up. Ang lame ng rason na 'yun.

Binati ko si Apollo bago ako pumasok sa bahay namin para ibaba ang mga gamit ko. Pagkatapus ay dumaan na muna ako kala Lolo at Lola para magmano at bumati.

Wala kaming hinihingi kay lola pero bawat taon ay mayroon siyang binibigay na sobre sa aming mga apo nila. Isama niyo na rin kapag birthday na namin.

Nakipag-usap pa kami sa kanila ng saglit bago lumipat sa bahay sa kabila. Nagmano kami kina Tito Ronlyn at Ninang Clarisse. Pinapasok nila kami sa bahay nila para ibigay sa amin ang regalo nila at tig-isang sobre.

Last year ay regalo lang pero ngayon yata ay good mood sila kaya nag-sobre rin. Napaka-elegante naman ng pamilyang 'to, pero hindi naman sila ang mayamang mayabang. Siguro, dahil nasanay na kami sa mga pinsan namin ay naging wala na lang siguro sa amin ang pagiging mayaman nila.

"Hoy, ate, baka may boyfriend ka na ah! 'Di ka nagsasabi!"

"Ha? Paano mo nasabi?"

Tinaasan ko siya ng kilay. That's Kuya Klarde Adrielle Juntura a.k.a Kuya Arc. Pangalawa siya sa magkakapatid at pangalawa sa pinaka-matanda sa aming 1st cousins. Ang panganay nila ang pinaka-matanda sa amin.

"Hoy, Arc, tigilan mo 'yang pinsan mo at tumulong ka dito sa packaging!"

Biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Kuya Arc nang marinig si Ninang Clarisse. Sumunod naman siya doon nang walang sinasabi at nginitian ko na lang si Ninang Clarisse nang mahagilap niya akong nasa sala pa rin.

"Alis na po ako. Thank you po dito." Iniangat ko ang dala ko at umalis. Baka mamaya ay makarinig na naman ako ng mga sigawan. Sana wala at pasko na pasko pa naman.

Kahit pa gaano karami ang pera nila ay nakakapagtakang wala silang mga katulong. Mas sinanay nila sina Kuya West, Kuya Arc, Era at East sa gawaing bahay. Apat na lalaking mga sanay sa gawaing bahay. Ang ganda tignan at magandang pakinggan pero halos wala rin silang kalayaan maging masaya sa sariling pamamahay nila.

Kapag hindi sila nakitang kumikilos ay maririnig naming masisigawan sila. Lalo na si Kuya Arc. Siya ang laging napapagalitan dahil nakasimangot raw lagi. Nagtataka naman akong hindi na nasanay si Tito Ronyln sa mukha niya at nagmana sa kanya ang bata.

Bumalik ako sa bahay at nilagay ang sobre sa bag ko at nilapag sa sofa ang regalo. Tumulong ako sa paghahanda ng spaghetti at cake para sa mga ita na dadating para mamasko. Taon-taon ay ganun ang ginagawa ni mommy at gusto ko ring gawin 'yun kaya ako tutulong. Wala namang masama kung pati sila ay mabibigyan ng pagkaing minsan lang nila matikman.

Nang dumating sila ay nakangiti ko silang binati ng 'Merry Christmas'. Nagulat pa ang iba nang lumabas si Elle. Ang iba ay nagtanong pa kay mommy kung kambal kami at tumango siya.

Nakakatuwa lang tignan na masaya ang mga anak nila sa pagkain at sa kaunting pera na binigay ni mommy sa kanila. Bawat bata ay binigyan niya ng limang bente pesos. Masaya na sila roon at ganun rin naman kami kung ganun lang ang mapapamaskuhan namin.

Nang umalis sila ay nagpahinga na ako sa taas habang dinala ko na rin paakyat ang mga regalo na natanggap ko at ang bag ko na puro sobre. Wala na naman kaming ibang pupuntahan pa kaya dito na lang kami sa bahay.

Binuksan ko ang cellphone ko para bumati sa ibang bumabati sa akin. Isa sa mga bumati sa akin ay si Abi at binati ko na lang siya ng 'Happy Holidays and Happy New Year' dahil wala naman silang Pasko.

To: Jason Dela Rosa

Merry Christmas! Ingat kayo jan!

From: Jason Dela Rosa

Merry xmas rin nasa mall kami

To: Jason Dela Rosa

Ay wow shopping. Anong

bibilin niyo jan?

From: Jason Dela Rosa

Cellphone

To: Jason Dela Rosa

Para kanino?

From: Jason Dela Rosa

Para sakin. Nanakawan ako.

Tangina, pasko na pasko,

may nagnanakaw pa rin?

To: Jason Dela Rosa

Pano nanakaw di mo napansin?

From: Jason Dela Rosa

Nanood kami ng sine tas

dun nanakaw

To: Jason Dela Rosa

Eh kanino ung gamit

mong cp ngaun?

From: Jason Dela Rosa

sa pinsan kong lalaki.

lowbat na rin to bye na

To: Jason Dela Rosa

Osiya ingat kau jan

And that ended our conversation. 'Yun na nga lang ang cellphone niya, nanakaw pa.

Nagpahinga na ako pagkatapus kong mabuksan ang mga regalo at mabilang ang perang pinamaskuhan namin. Nasa 5,000 pesos rin ang nabilang ko roon. Itatabi ko na lang siguro 'yun.

Dumaan ang mga araw at nag-bagong taon. Nagpalaro sila dalawang araw na ang nakalipas noong nag-bagong taon at sinayaw na namin nina Kuya Ranran ang pinaghandaan naming sayaw. May kaakibat na mga pera o regalo ang mga sasali sa mga palaro. Pinilit lang kaming sumama para hindi magkulang sa mga contestants.

Kumanta rin kami ng 'Happy Birthday' para sa mga may kaarawan ngayong buwan. Apat na araw na lang ang natitira sa amin bago ang pasukan. Lumipas rin ang panahong nanlalamig na rin si Dylan kaya anong gagawin ko sa kanya? Isasalang ko sa kawali para uminit ulit? Joke.

Nagkunwari akong walang nararamdaman sa harap ng iba at umayus ng asta sa mga larong sinasalihan ko hanggang sa dumating ang araw ng pasukan.

Naligo na ako at kumain ng agahan. Ganun rin ang ginawa ni Elle. Sinuot namin ang uniform namin at inimpake ang mga kailangan para sa pag-aaral bago kami lumabas at pumunta sa bahay nina lola para doon kami maghintay ng service.

Nang dumating ang service, pumunta kami doon at sumakay sa likuran. Binati nila kaming lahat ng 'good morning' at ganun rin ang ginawa namin sa kanila. Nagkamustahan sila sa mga ginawa nila nung sembreak at ang iba sa kanila ay pumuntang Manila at ang iba naman ay pumuntang SM Pampanga.

Nag-earphones ako at nagpatugtog ng music. Nag-chat ako din ako ng 'good morning' kay Dylan at hinantay siya mag-chat. Nakalipas na ang ilang minuto at nakarating na kami sa Orion ay wala pa rin siyang reply sa akin. Hanggang sa makarating kami sa Pilar ay wala pa rin kaya napagdesisyunan ko munang umiglip.

Pagkagising ko ay nasa Vista na kami. Umayus ako ng upo dahil malapit na kami sa BHC. Binuksan ko ulit ang data ko, nagbabakasakaling may bati na si Dylan sa akin pero wala pa rin. May problema ba kami? Ang alam ko ay wala naman.

Nag-chat na lang ako kay Jason na kumilos na at baka ma-late na naman siya sa pagpasok. Hindi rin siya nag-reply at paniguradong tulog pa ang mokong na 'yun. Computer shop pa more.

Nakarating kami sa BHC. Katulad lang ng dati ay binaba muna namin ang mga gamit namin sa loob silid namin bago pumuntang canteen. Wala pang tao sa silid nang dumating kami. Hindi ako sanay na wala pa si Dylan sa mga oras na 'to.

Nakasalubong namin sina Kuya Ranran at Ate Yhesa sa canteen. Nakakapagtakang sila lang ang nakita ko ngayong araw. Nasaan sina Ate Lyra, Ate Satine, Dylan at Katkat?

"Kuya Ran!" tawag ko sa kanya at nang hindi niya ako nilingon ay tinawag ko ulit siya. "Hoy, Raniel Zywshiah!"

"Ay, putek! Hoy, Ellaine! Bakit mo 'ko tinatawag sa second name ko?!" Nilingon niya ako nang nakakunot na ano noo. Binelatan ko siya dahil sa inis niya. "Ayaw mo lumingon eh. Nasaan sina Dylan? Bakit kayo lang ni Ate Yhesa?" tanong ko.

"Ah, namatay si lolo nila. Hindi ka sinabihan?" Umiling ako. Bakit hindi ko alam 'yun? "In-excuse namin sila kala ma'am Liza."

"Ah, salamat. I-chat ko na lang siya mamaya."

Aalis na sana ako nang hawakan ako ni Kuya Ranran sa braso at hinatak sa gilid ng canteen. "Yhesa, mauna ka na sa room! May tanungin lang ako sa pinsan ko!" sigaw niya at tumango na lang si Ate Yhesa bago umalis. Binitawan niya ang braso ko at isinandal ang siko niya sa sementong nasa gilid namin. "Bakit hindi ka in-inform? 'Di ba MU mo si Dylan? Anong nangyayari sa inyo?" tanong niya sa akin. Isa kasi siya sa mga napagsasabihan ko tungkol sa amin ni Dylan.

"Hindi ko rin alam kay Dylle. Bigla-bigla na lang siyang...naging cold. Pinapakain ba ng yelo 'yun lagi sa kanila?" Iniabot ko sa kanya ang binili kong Nestea at binuksan niya 'yun bago ibinalik sa akin.

"Gaga!" Itinulak niya ang noo ko. "Aray!' Raulo." Hinawakan ko ang noo ko dahil sa ginawa niya. Ang hapdi ah!

"Check mo kung nagma-'my day' silang magpipinsan para updated ka."

"Hindi mahilig mag-'my day' si Dylan."

"Oh, eh 'di si Satine o si Katlyn."

Ginawa ko nga ang sinabi niya at nakita ko ang 'my day' ni Katlyn. Sa unang slide ay may mga beer sa harapan nila. Nag-iinom sila? At sa pangalawa naman ay plain na background lang na may nakalagay na 'iinom natin ang sakit ng pagkawala' with sad emoji.

Napabuntong hininga ako bago humarap kay Kuya Ranran. Tinapik ko ang balikat niya bago ko siya nilampasan at nilagay ang kamay ko sa bulsa ng palda ko.

"Tara na, na-check ko na."

"Oh?Anong nakita mo?"

"Nag-iinom."

"Huwag kang mag-alala. 'Di naman iinom si Dylan."

"Wala naman akong karapatang bawalan siya sa gusto niya. Kung gusto niyang uminom, uminom siya. It's his choice, not mine."

"'Ngi, nag-english. Nosebleed."

Tumawa ako sa sinabi niya at bumalik na kami sa mga silid namin. Ilang oras ang nakalipas at nag-start na ang klase namin. Kinamusta nila kami sa nangyari sa sembreak namin at ang iba ay pinasulat pa kami ng mga New Year's Resolution namin. Wala naman akong ganun. Wala naman akong dapat ipangako ko sa sarili ko ngayong taon kung hindi sana ay maging maayus na ako, dahil hindi pa ako ayus. Hinding hindi pa.

Lalo lang namang naging komplikado ang buhay ko nang bumalik si Harold. Nung sinabing mahal niya pa rin ako. Ano? Tug of war na ba 'to? Ako ang lubid?

Kukunin niya raw ako pabalik kung matapus kami ni Dylan at sinabi kong susubukan kong ibalik ang feelings ko sa kanya pero ang alam ko talaga ay wala na. Hindi ko na maibabalik 'yun at wala na akong magagawa tungkol 'dun.

Pagkatapus ng libing ng lolo nina Dylan ay lalo pa siyang naging cold. Lalo pa 'yung lumala pagkatapus naming umatenda ng party ni Lola Dory. Nang gabing 'yun ay nahirapan pa kaming pauwiin si daddy dahil lasing na siya at gustong doon matulog sa venue ng party. Resort rin kasi 'yun at ang iba sa mga bisita ay doon matutulog.

Nang makauwi kami ay inihiga ni mommy si Elle sa may sofa dahil lalo pang sumama ang pakiramdam nito kaysa nung nandoon pa kami sa venue. Isama pa ang tensyon dahil nagalit si daddy. Hindi pa raw namin siya iniwan sa venue at sana nauna na kami kung emergency naman pala ang tungkol kay Elle.

Na-ospital si Elle. UTI at amoeba ang tumama sa kanya kaya pala ganun na lang siya mamilipit. Nang ma-confine siya ay laging ako na lang ang mag-isang pumapasok.

Sa ospital na rin ako pinapatuloy ni mommy at kumuha na rin daw sila ng mga damit kong pamalit. Kinabukasan ay hindi ako nakapasok dahil nadamay ako sa sakit ni Elle. Sumakit ang tiyan ko at kailangan kong magpahinga dahil doon.

Alas dos ng gabi nang magising ako at napagdesisyunan kong i-chat si Dylan tungkol sa kondisyon ko. Sinabi kong hindi ako makakapasok. Ganun rin ang sinabi ko kina Carlo at Jason para makasigurado akong makakarating ang excuse ko sa mga guro namin.

That time, Dylan grew colder and colder. Hindi ko alam kung bakit dahil sa pagkakaalam ko ay hindi ako kinulang sa pamamansin ko sa kanya sa personal ngayon at sa paga-update sa kanya ng mga nangyayari sa buhay ko.

Nang umuwi ang daddy niya ay binigyan niya ako ng chocolates na pasalubong sa kanila. Sinabi niya rin sa akin na sa birthday ko ay bibigyan niya rin ako ng chocolate at pinanghawakan ko 'yun.

Ilang araw pa ang nakalipas ay nag-anunsyo si Ma'am Liza na magkakaroon raw kami ng Tour sa February 01 sa Manila. Kasama roon ang pagpunta namin sa Star City. Hindi ko alam kung anong klaseng lugar 'yun dahil ngayon lang ulit kaming pupuntang Manila.

They gave us wavers at kami lang ang may isasamang guardian. At si mommy 'yun. Nahihiya man ako pero wala akong magagawa dahil magulang daw namin siya at masyado pa 'raw' kaming bata para maging mag-isa sa field trip na 'to. Si Elle rin naman kasi ang nagprisinta na sumama si mommy kaya wala akong magawa. At least si Rain naman ang makakatabi ko sa bus.

Dumating ang araw na 'yun at maaga kaming nagising. 3 am pa lang ay gising na kami para makaligo na at ihanda ang mga dadalhin namin. Dalawang beses pa namin 'yun tinignan para siguradong wala kaming nakalimutan.

Sinundo kami ng school service namin at sila ang maghahatid sa amin sa Plaza de Mayor sa Balanga dahil doon maghihintay ang mga bus namin. Walang nagsalita nang makita nila si mommy. Alam naman nilang kasama si mommy sa field trip at alam kong iniisip nila kung bakit kasama si mommy.

Bumuntong hininga na lang ako at tiniis ang mga titig nila. Ayokong mahiya. at iisipin ko na lang na mag-isa ako sa field trip na 'to. Guardian lang naman siya ni Elle at hindi sa akin dahil panigurado ay sasama ako nang sasama kay Rain.

Nakarating kami sa plaza at bumaba roon. 3:30 am kami nakarating doon. Mabilis lang  naman at wala pa naman kasing masyadong sasakyan sa daan. Ang aga pa. Hinintay naming tawagin kami para pasakayin na kami sa mga consecutive buses namin.

Nauna akong umakyat kaysa kay Elle at mommy at umupo ako sa pang-apat na upuan malapit sa bintana sa kaliwa ng bus. Bakante pa ang upuang nasa tabi ko dahil magkatabi si Elle at si mommy sa tapat ko sa kanan ng bus. Samantalang si Mariel at si Abi naman ang magkatabi kasama sina Riel at Alluka.

Inilabas ko ang earphones ko galing sa bag ko at sinaksak 'yun sa cellphone ko habang nagpatugtog ako. Isang ear plug lang ang sinuot ko para maririnig ko ang boses ng mga teachers kung sakaling aalis na kami.

"Hoy, ate, i-conserve mo 'yang battery niyan at yan na ang gagamitin buong byahe."

Biglang uminit ang ulo ko nang marinig ko ang boses ni mommy. Bata ba ako para hindi alam ang salitang 'conservative' at 'field trip'?

"Alam ko." 

Sinubukan kong sumagot nang kalmado pero kumukulo na talaga ang dugo ko. Para kasing hindi pa rin niya matanggap na nadadagdagan na ang edad ko. May mga bagay na hindi niya na kailangang ipaalala sa akin dahil alam niyang alam ko na 'yun. Ang ipaalala niya sa akin ay ang pagsama ko sa mga kaibigan ko dahil hindi ako masyadong maaya sa mga ganitong lakwatsa.

Ilang minuto pa ang lumipas at wala pa rin si Rain. Wala rin akong number niya kaya hindi ko siya ma-text kung nasaan na siya. Hindi rin kasi siya gaanong ka-active sa Facebook niya kaya hindi ko alam kung saan ko siya pwedeng ma-contact. Free data lang rin naman ang gamit ko kaya hindi ko siya pwedeng ma-contact sa Wattpad.

Kompleto na rin ang tropa nina Dylan at Lourine sa bus. Nakaupo si Lynarne sa likod ko at katabi niya ang bag niya habang ang dalawa niya pang tropa ay magkatabi. Hindi raw makakasama si Ash dahil may emergency sa bahay nila. Ang sad naman 'nun.

Dumating na rin sina Jason. Buti at hindi sila late. Dumiretso agad sila sa likod at doon umupo. Kasama rin namin ang Grade 7 sa bus at ang aga nilang lahat. Mga excited siguro.

Nagbabasa ako sa Wattpad para magpalipas ng mga minuto habang inaantay ko pa rin si Rain para naman may kadaldalan na ako. Maya-maya pa ay nakuha ng ingay sa likod ang atensyon ko.

"Oh, Jason, bakit ka nakatayo diyan?" dinig kong tanong ni Lourine.

"Wala ng pwesto sa likod."

"Oh, eh, wala namang katabi si Lynarne. Hoy, Lynarne, patabihin mo nga sayo si Jason!"

"Ayoko nga!" rinig ko namang sigaw ni Lynarne. "Dito oh, kay Ellaine! Wala siyang katabi!"

Fuck, bakit nadamay ako bigla sa usapan nila?