Chereads / THE CHASE ESCAPE (ALGEA SERIES #1) / Chapter 17 - CHAPTER SEVENTEEN

Chapter 17 - CHAPTER SEVENTEEN

"Hoy, babae!"

Kinalabit ako ni Rain. Napabalikwas ako  dahil doon at tumingin sa kanya kahit inaantok pa ako dahil sa init. Lunch na at bumaba na kami galing gym kanina. Dumiretso agad kami papuntang room dahil may aayusin pa ako sa mga gamit ko at gusto ko na munang umupo para magpahangin sa aircon at baka mamatay na ako sa init dito. Yumuko ako at pumikit upang mapigilan ang pagkahilo ko galing sa init kanina sa gym. Hindi kasi kami naka-aircon don at mahina pa ang hangin galing sa electric fan. Na-heatstroke pa nga yata ako.

"Pumunta daw sa room ng Grade 10 at mage-exchange gift na. Bawal matulog! Lunch na pagkatapos kaya bilisan mo na, gugutom na ako!" bulyaw nito sa akin.

"SPG na SPG ah! Patay na patay na kumain? Chill ka ha? Hindi pa ako nahihimatay." papilosopong sagot sa kanya.

"Gaga. Sabunutan kita diyan makita mo."

"Sige! Payt meh!" ani kong may pa-kamao pang hinarap sa kanya.

Nagtitigan kami ng masama na para bang magsisimula na kaming mag-sparring dito. Natawa kaming parehas sa walang kwentang argumento na naganap sa pagitan namin. Puro kalokohan lang naman kaming magkaibigan at walang totoo na magaganap sa pinaggagagawa namin. 

Tumayo na rin naman ako at lumabas kasabay sila. Nagtungo na kami sa silid ng Grade 10. Nagsimula na ang pagpapalitan ng mga regalo. Katulad na nga lang ng dati ay mauuna ang Grade 7 sa pagpapalitan kasama ang kanilang butihing guro. Nagtulakan pa sila sa pagpwesto sa gitna. Pabilog silang pumwesto doon at nasa loob ng bilog ang guro nila. Nakakatuwa silang tignan sapagkat mga bagong estudyante ang bumubuo sa kanilang seksyon at walang magkakakilala, pero lumipas lang ang anim na buwan ay magkakasundo at magkakalapit na sila sa isa't isa. 

Nang matapus na sila ay klase naman namin ang ang magpapalitan. Pumwesto kami sa kung saan-saan. Basta makaporma na lang kami ng bilog ay ayus na. Unang pinabigay ng regalo si Carlo at nagkasunod-sunod na. Nang bumalik sa kanya ang pwesto ng magbibigay ay nagtawag ng ibang taong magbibigay. Ibinigay ni Dylan sa akin ang isang bag na may lamang arnis stick at Stitch na stuff toy. Napangiti ako sa nakita ko. Ang cute.

Nang matapus ang palitan ay pumila kaming magkakaklase sa Principal's Office para makuha ang regalo namin galing sa principal namin. Nagpabunot kasi siya ng mga numero bago ang Year End at 'yun ang numero ng regalo na ibibigay niya sa amin. Matapus ang aking pagkakataon sa pagkuha ng aking regalo ay dumiretso ako sa silid namin at kinuha ang regalo naman na para sa aming guro, tsaka ako dumiretso sa faculty, at ibinigay 'yun sa kanya.

"Happy Year End, Ma'am!" bati ko sabay abot ng regalo ko. "Ma'am, hindi ko na po naisama si Ellenie papunta dito kasi po may kinukuha po kaya po ako na lang po," dagdag ko pa habang naakngiti.

"Happy Year End din, anak. Salamat sa regalo. Akala ko wala na akong matatanggap na regalo ngayong araw," aniya. 

Napansin ko rin kasing walang nag-aabot kay Ma'am Liza ng regalo kaya naman naawa ako na nakayuko lang siya at gumagawa ng mga ipapasa nila. Si mommy talaga ang nakaisip na bumili ng regalo para kay Ma'am. Tsaka, wala ba silang exchange gift ng mga teachers?

Lumabas ako ng faculty at dumiretso sa TLE Lab para kumuha na ng kakainin dahil sobrang gutom na ako at wala pa akong kinakain simula nang nagsimula ang program. Dali-dali akong kumuha ng kubyertos at pinggan, at nagpalagay ng spaghetti at chicken sa plato.

"Oh, ang dami mo kumuha, Ellaine. Ang payat mo, ganyan ka kumuha?" ani ni Sir Josh, ang TLE Teacher namin. Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba siya o binabati niya ako dahil marami ako kumuha ng pagkain ngayong araw. 

Binigyan ko na lang siya ng ngiti bilang sagot sa sinabi niya. Bumalik agad ako sa aming silid, umupo at sumubo nang sumubo. Gutom na gutom na talaga ako. Tumabi na rin sa akin sina Rain at Elle. Naubos ko na ang aking pagkain at hinihintay na lang sila matapus kumain para sabay-sabay na kaming magtatapon ng mga paper plates namin. 

Habang kumakain pa sila, sinuot ko muna ang earphones ko at nag-soundtrip habang nagbabasa sa Wattpad. Maya-maya pa ay biglang nadinig kong tinawag ako ni Elle. "Ellaine." Napatanggal ako ng isang plug ng earphones para marinig siya ng maayus kung sakaling magsasalita ulit siya. "Bakit?" inis kong tanong sa kanya. Exciting part na kasi 'yung binabasa ko eh! Ano ba yan?! Pabitin naman 'tong babaitang 'to!

"Sa iyo na nga lang 'yung spaghetti. Ayoko eh, may sibuyas at mga ayokong kinakain." Mukha pa siyang nasusuka habang sinabi 'yun. Tinitigan ko ang tira niyang pagkain at kinuha 'yun. Sayang naman kasi 'to kung 'di ko kakainin. Sa aming dalawa, mas maselan si Elle pagdating sa pagkain. Ako, sa bahay lang nag-iinarte sa pagkain. Sa labas, hindi. Nakakahiya sa labas kapag ganun. 

"Sa susunod pilitin mo. Kumain ng ganito, kahit may sibuyas. Masustansiya naman 'yun." Sinubo ko 'yun nang sinubo kahit pa alam kong pati ako ay masusuka sa lasa ng sibuyas. Kung ang pinsan naming lalaki ang kakain nito pwede pa. Mahilig sa sibuyas 'yun eh. Kami, hindi. Kadiri pero pinilit kong kainin ang nasa plato ni Elle.

"Ayoko nga," reklamo niya. 

Napairap na lang ako sa iniasta niya. Nag-uwian na ang iba naming mga kaklase pagkatapus kumain maliban kina Dylan, Lexie, at Rain. Nabuksan ko na din ang regalong natanggap ko galing sa principal namin at swinerte ako. KitKat box 'yun na parang Toblerone ang lalagyan, na madami ang nasa laman na Kitkats. Binigyan ko ng isa si Lexie, Rain at si Dylan.

"Thank you sa Stitch at sa arnis. Appreciated," ani ko kay Dylan nang maabutan ko siya ng Kitkat.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob kong magsalita ng diretso sa harapan niya ng hindi naiirita, naiinis o nababanas. Baka rin dahil kanina lamang ay nasa kanya ang Stitch stuff toy ko at pinapaglaruan 'yun. Pinapasuntok niya rin 'yun sa hangin na ikinakatawa ko. Pati si Jason ay ginawa 'yun at nakita ko siyang ngumiti sa akin kahit kaunti. Tumibok na naman ang puso ko nang pagkabilis-bilis at nawala rin kaagad 'yun nang tumalikod na siya. Hindi ko alam kung ano ang meron sa akin at ganun ang nagiging reaksyon ko sa kanya. It's weird and I don't want to pursue that feeling. I need to forget about it.

"Thank you?" nagtataka niyang tanong. "First time mong hindi mairita habang kausap ako. Hindi ka magtataray?" tanong niya pa.

"Hindi and you're welcome," tugon ko. Tumalikod ako ng mabilis at nanahimik. Did I just talking to him straightly? If yes, then achievement achieved!

Nagpaalam na sila sa amin at naiwan kaming mga cleaners sa silid. Kasama ko sina Rain at Elle. Tinignan ko ang paligid at  ang kalat ng silid namin. Parang pinagkulungan ng ilang taon ng mga presong hindi nakakalabas ang kwartong 'to. 

Napasinghap na lang ako ng hangin. Kinuha ko ang walis at dustpan, at nagsimulang magwalis mula sulok sa likod hanggang sa harap pero madami pa ring mga basura. Nakababa pa ang mga upuan sa paligid at magulo ang mga desk. Mayroon ding mga pinagbalutan ng mga regalo sa sahig. Napahilot na lang ako sa sentido ko nang matapus kong itapon ang nasa laman ng dustpan na hawak ko. Masipag ako pero sobra naman yata ang kalat na iniwan nila.

Nagwalis ako at walang nagawa dahil kami ang cleaners. Nagulat ako ng puntahan na kami ni Ma'am Liza sa silid dahil hinahanap na kami ng service namin. Kumunot ang noo niya ng makita ang paligid. "Ellaine, Ellenie, mga anak, kanina pa kayo hinahanap ng service niyo at ang tagal niyo raw. Kanina pa kasi nakalabas ang Grade 7 to 10," aniyang hindi nakangiti. Panigurado ay hindi siya natutuwa sa nadatnan niya.

"Ma'am, kasi po...sabi...kailangan pong malinis ang room po pagkatapos ng event, kaso po ganito po ang itsura ng room." Itinuro ko ang hawak kong walis sa paligid. "Hindi po sila nagtatapon sa tamang tapunan. May mga nagkalat pa pong mga pinagkainan nila sa mga table po. Iniwan pa po nila. Pati po gift wrappers. Nakikita niyo naman po, Ma'am," pagpapaliwanag ko kahit alam kong nakita niya na kanina pa nang pumasok siya sa silid.

"Sa dami nito, mga anak, matatagalan tayo, pero bilisan na natin para makauwi na din kayo. Simula pasukan, sa susunod na taon, sila ang maglilinis ng room natin ng dalawang buwan. Hindi kayo kikilos. Exempted kayong maglinis ng silid na 'to. Hayaan niyo sila para matuto. Mga anak, ito pa lang mahirap na task na sa inyo pero ginagawa niyo para sa kanila. Excuse me, anak," ani niya habang kinukuhanan ng litrato ang mga basurang naiwan ng mga kaklase namin bago siya tumulong sa amin sa paglilinis.

Kinuha niya ang walis at dustpan sa kamay ko at siya na ang nagtuloy ng paglilinis ng sahig. Sina Rain at Elle naman ay nagpupulot ng mga pinagbalutan ng regalo sa sahig at ako naman ang nag-aayus ng desk at upuan. 

Natapos namin ang paglilinis at inayus ulit namin ang mga upuan at desk bago umalis sa room. Nakakunot pa rin ang noo ni Ma'am Liza nang magpaalam kaming tatlo. 

Kakasampa pa lang namin sa likod ng service ay narinig ko na ang reklamo ni Mariel habang nakatingin sa cellphone niya at kita rin ang kunot ng noo nina Lourine at Chilia. Tinignan ko ang group chat ng section namin at bumungad sa akin ang pagpapangaral ni Ma'am Liza. Pinadala niya rin ang itsura ng silid kanina.

"Ellaine, Ellenie, ano 'tong sinend ni Ma'am Liza sa gc natin?" tanong ni Mariel na nakakunot rin ang noo.

Nagkunwari akong hindi narinig ang tinanong niya at sinuot na lang ang earphones ko para mag-soundtrip.

"Hoy, ano 'to, kambal? Maglilinis kaming lahat next year ng dalawang buwan ng hindi kayo kikilos dahil kayo ang naglinis ngayong araw?" ani ni Chilia na galit pa.

Kung matatandaan ko ang itsura kanina ng silid kanina, isa ang desk niya sa may maraming kalat at nag-iwan ng pinagkainan sa ibabaw ng desk, kaya sino siya para pagtaasan kami ng boses?

Tinanggal ko ang earphones ko at nagsalita. "Kitang kita naman diyan kung ano 'yan, 'di ba? At kahit free data kayo ay maiintindihan niyo 'yan kasi hindi naman mahihina utak niyo, at hindi kayo bulag. At oo, hindi kami kasama next year sa maglilinis, dahil nilinis LANG naman NAMIN ang DABUNDOK na basura sa room. Happy?"

Binigyan ko siya ng nakakaasar na ngiti at alam kong umirap siya dahil doon. Ganun rin ang ginawa nina Mariel at Lourine. Alam kong ayaw na ayaw nilang kumikilos kaya naman napangisi ako sa pag-alala ng parusa ni Ma'am Liza sa section namin except sa aming mga naglinis.

Nag-earphones ulit ako pagkatapus kong sabihin 'yun at nakinig na lang sa music. Lagi na lang akala nila ay madadala nila kami sa paawa effect nila. Sila lang ang mapapahamak sa sarili nilang tira sa larong chess na pinapatupad ko sa mundo ko habang tinatakasan ko pa rin ang nakaraang humahabol pa rin sa akin.

Buong byahe ay walang nagsalita sa amin dahil ang bigat ng paligid. Hindi siguro nila inaasahan ang bawi sa kanila ng iniwan nila sa cleaners kanina. Panigurado ay iniisip nilang papansin kami sa ginawa namin pero hindi naman kami tumawag sa faculty para maging papansin. Nakita ni Ma'am Liza 'yun at wala silang magagawa roon.

Hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kanila dahil alam kong mga judgemental sila, lalo si Chilia at Mariel. Pero ako, hindi nila ako kaya. Kung sila ang may ganang magtaray last year sa batch nila, ibahin na nila ngayon, dahil may kalaban na sila sa pagka-judgemental nila. 

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing papasok kami sa isang panibagong paaralan ay may mga ganitong brats o mean girls. Hindi ko rin sila maintindihan. Ano ang nakukuha nila 'dun? Fame?Tapang? Saya sa pamamahiya ng iba? So, they're pathetic losers?

Napakaraming tanong ang gumulo sa akin habang nasa byahe. I will just remove the question mark from the last question in my mind. They're really pathetic losers.

Nakauwi kami at dumiretso kaagad sa kwarto nang makapasok kami sa bahay. Nagpalit ako ng damit at humiga para magpahinga. Pagod ang katawan ko at idagdag pa ang kaninang dabundok na kalat na nilinis namin. Halos hindi na nga nagkasya sa trash bin namin sa silid ang mga kalat na nawalis at napulot namin.

Pinadalhan ko na lang ng chat si Dylan. Nagpasalamat ulit ako sa mga regalo niya at inasar siya. Sinabi ko ring inaangkin na ni Elle si Stitch. Mukhang may kaagaw na yata ako sa stuff toy. Nagreklamo si Dylan tungkol doon pero agad-agad rin siyang nagpaalam sa akin dahil nasa Vista raw sila at gagala.

Lumipas ang Sabado. Nagsilbing pahinga lang ang panahon na 'yun sa amin. Dumating ang linggo, ika-16 ng Disyembre, dalawang araw matapus ang Year End Party. Sobra akong naboryo sa bahay dahil simula na rin ng sembreak namin. Ikaw ba naman ang masanay na kasama ang mga kaibigan mo ay hindi ka maboryong tulalang parang tanga sa sala ng bahay niyo. 

Lalo pa at nag-away na naman kami ni Dylan sa walang kakwenta-kwentang bagay. Nanghihingi siya ng tawad sa akin paulit-ulit pero paulit-ulit lang rin naman niyang ginagawa ang nagawa niyang kamalian noon. Ako rin naman itong mabait ay pinapatawad siya ng mabilisan. Sana magtino na siya...Sana.

Pagkatapos ng away, habang ako ay nakikipag-usap kay Kuya RC ay biglang nag-chat si Dylan tungkol sa pagkita niyang naka-block siya kay Jason. Ano na naman ang problema nila?

From: Dylan Dela Cruz

Nakakaewan ehh Ellaine

si Jason nag chat ng emoji

na galit tapos blinock ako

To: Dylan Dela Cruz

eh? ss mo nga tas send mo sakin

Pinadalhan niya ako ng litrato ng chat nila ni Jason. 7:58 pm siya pinadalhan ni Jason ng 'angry' emoji at 'You can't reply to this conversation' na ang sumunod doon. Kumunot ang noo ko at napaisip. Bakit naman siya iba-block ng best friend niya? Marunong pala mang-block si Jason? Bakit ako hindi naman bina-block kahit nangungulit na ako ilang beses na? Baka naman galit lang kasi sa kanya. 

Kasunod ng litrato ay nagpadala ulit ng mensahe si Dylan na tanungin ko raw si Jason kung bakit siya naka-block. Talaga naman oh. Bakit ako pa ang ipapatanong? Naipit na naman ako!

Wala akong magawa kung hindi gawin ang gusto niya. Pinindot ko ang back button sa aking cellphone at tsaka, pumunta sa personal private message space namin ni Jason sa Messenger.

To: Jason Dela Rosa

Jason, i-unblock mo raw si Dylan

Bkit mo daw siya blinock

at ano daw ang ginawa niya?

O kaya sabhin mo na lng sakin

kung  anong problema mo

From: Jason Dela Rosa

Yan ok na

Agad kong pinadalhan ng chat si Dylan na in-unblock na siya ni Jason. Kinausap ko pa si Jason tungkol sa kung bakit naka-block sa kanya si Dylan.

To: Jason Dela Rosa

Tell me, bkit mo blinock un?

Napikon ka?

From: Jason Dela Rosa

Ewan ko?

To: Jason Dela Rosa

Ehh?

Eh bkit mo blinock?

From: Jason Dela Rosa

Mamaya na pls

Antok na antok ako e

Biglang nagwala ang dibdib ko sa chat niya. Fuck, this is so wrong.

To: Jason Dela Rosa

Geh, tulog kana

Hinawakan ko ang dibdib ko. Gulong gulo na ako sa nararamdaman ko. Nang-crush back ako at naging MU ko ang na-crush back ko, so what's the point of feeling this way? Is this my true feelings? No, I think it's just an illusion. I am just overthinking and overexaggerating it.

Hindi pa ulit siya nagsi-seen o nagre-reply kaya ibinaba ko muna ang cellphone ko at lumapit na ulit kala Kuya Ranran. May pauso na naman kasi ang pamilya namin. Dance number pa nga. Nag-bakasyon na nga kami, nagkaron pa kami ng ganito. Nakakapagod pero masaya naman.

Nagkwentuhan kaming tatlo nina Kuya Ranran nang mapagod na kami kakasayaw.

From: Jason Dela Rosa

Hey kamusta na po?

Naginginig ang kamay ko nang mabasa ko 'yun. What the fuck? Anong 'hey'? Tsaka, bakit siya nago-'opo'?!

To: Jason Dela Rosa

Luh, kala ko ba antok ka?

From: Jason Dela Rosa

Ewan ko. Ano raw? ok na?

Mas concern pa talaga siya kung ayus na ang pagkaka-block niya kay Dylan kaysa sa tulog niya.

To: Jason Dela Rosa

oo, tagal mo magreply

nagpapraktis kami d2 e

From: Jason Dela Rosa

ay, ako pa may kasalanan?

And he sent it with three 'laughing' emoji. Kumunot ang noo ko doon. Tuwang tuwa ang lolo niyo sa china-chat niya sa akin. I just sent him three 'laughing' emoji, too, just so to match his mood.

From: Jason Dela Rosa

geh na baka nakakaistorbo pako

I rolled my eyes. Siya? Nakakaistorbo? Eh parang ang lumalabas ako ang nakaistorbo sa tulog niya.

To: Jason Dela Rosa

ha? ikaw pa istorbo ha?

may ubo ka ba sa ulo?

From: Jason Dela Rosa

sab konga matutulog nangako

To: Jason Dela Rosa

cge goodnight

From: Jason Dela Rosa

anong goodnight???

To: Jason Dela Rosa

sab mo matutulog ka eh

kaya goodnight

From: Jason Dela Rosa

hapon pa lang, babae

wala na dina ako inaantok

ikaw kasi e

Natawa ako sa sinabi niya. So it's my fault that he cannot sleep, huh? Is he that conscious about my presence?

To: Jason Dela Rosa

ako pa tlga may kasalanan ha

From: Jason Dela Rosa

pano ingay mo

And I laughed again before telling him goodbye and end our conversation. I talked to Dylan but it didn't last an hour. Maglalaro na raw ulit sila ng ML ni Ate Lyra habang nilibang ko ulit ang sarili ko sa pagpapraktis. Pagkatapus 'nun ay nagbasa ako ng Wattpad. Mag-iisang oras na akong nagbabasa nang may notification akong natanggap. Galing 'yun sa Messenger kaya pumunta agad ako sa Messenger para tignan 'yun. Si Jason na naman.

From: Jason Dela Rosa

kelan ung pasahan ng

project sa fil?

To: Jason Dela Rosa

huh? ano un?

From: Jason Dela Rosa

Yung drawing, kelan?

"Ewan." ani ko habang tina-type ko rin 'yun.

Ang tinutukoy niyang drawing ay para sa aming Florante at Laura. May naka-assign na mga karakter sa amiin para i-drawing. Pwede naman raw magpa-drawing sa iba kaya 'yun ang ginawa namin ni Elle. Naging si Laura ang akin at Florante naman ang kay Elle. Maaga kami nagpasa 'nun pero hanggang January ay pwede pa magpasa ang iba pang hini nakakapasa sabi ni Ma'am Liza.

Isa pa ay hindi naman kami ganito talaga katagal nagkakausap ni Jason sa chat. Never kaming nag-usap ng ganito katagal kung hindi tungkol kay Lynarne. Masaya ang pag-uusap namin tungkol kay Lynarne lalo na at lagi naman siyang bukambibig ni Jason. Crush na crush niya talaga.

I feel like escaping reality for the moment when I talk to him. Feeling ko lang ay mas free ako like how I feel when Rain and Abi are around. Okay na para sa akin ang ganun. Kampante na ako sa parteng naging kaibigan ko siya na tinutulungan ko para mapalapit kay Lynarne. In other words, para makalapit sa 'mahal' raw niya. Malanding bata rin kasi ang lolo niyong gurang. Mahal niya daw kasi. Mahal, mahal his face naman, kasi hindi naman yata niya alam pinagkaiba ng crush sa mahal. Malay ko rin sa kanya. Parehas lang raw 'yun.

Si Dylan naman ay unti-unti ng nawawala sa akin. Halos ML na lang rin ang inaatupag niya at wala na siyang oras para sa akin. Lalo lang nadadagdagan ang trauma sa akin. Hindi nga siya katulad ng iba. Iba kasing trauma ibibigay sa akin. Kainis.

Tinapus namin ang praktis namin nina Kuya Ranran bago kami umuwi ni Elle. Dumating ang kinabukasan at humikab ako. Kagigising ko lang at tirik na titik ang araw mula sa bintana. Bumangon ako at kinusot ang aking mata. Bumuntong hininga ako dahil naninikip ang dibdib ko pagkagising ko. Para akong dinaganan ng mabigat na bagay habang nautulog. Laging na kaming nagtatalo ni Dylan at napapdalas na rin ang paglalaro niya ng ML. Isabay pa ang walang humpay na pagseselos niya kay Jason o kay Harold kahit wala kaming ginagawa. Selos pa nga.

Muli akong bumuntong hininga bago umalis sa aking kama. Inayus ko 'yun bago ako bumaba.

"Gising ka na pala," bati sa akin ni mommy.

Hindi ako kumibo. Wala ako panahong mamansin. Umupo ako sa sofa at binuksan ang TV. Nilipat ko ang channel sa Channel 5 kung saan ipinapalabas ang mga pambatang panoorin.

"Tapos na Sofia the First?" tanong ko.

"Wala pa namang 6:30 am, kaya paanong tapos na?" ani ni mommy sa akin.

Nagpalung baba ako habang naghihintay. Wala pa rin. Bakit kasi ang aga kong nagising?

Umayos ako ng upo at tumingin sa likod ng sofa upang hanapin ang cellphone ko, ngunit hindi ko ito makita kahit saan. "Nasaan ang cellphone ko, mommy?" tanong ko. Kinukuha kasi niya 'yun kapag matutulog na kami. May time limit na lang raw kasi kami sa paggamit 'nun sa bakasyon.

"Nandoon sa may TV," tugon niya. Tumayo ako at iniunat ang katawan ko. Medyo naninigas pa kasi ang katawan ko dahil sa lamig sa aircon.

Nang makitako ang cellphone ko ang cellphone ko ay kinuha ko 'yun at naupo ulit ako sa sofa habang diniinan ko ang power button 'nun. May good morning na kaya ako? Bumuntong hininga ako dahil sa isiping 'yun. Panigurado namang wala. Huwag ka ng umasa na gagawa ng first move sayo 'yun, self.

Binuksan ko 'yun at binuksan ko kaagad ang Messenger para tignan kung mayroon nga akong natanggap na mensahe.

Dylan Dela Cruz

Active 8 hours ago...

"Hay..." pagpapakawala ko ng hininga sa hangin. 

Tamang hinala na naman ako. Wala nga talaga. Biglang nanikip ang dibdib ko, ngunit itinago ko ito sa paghinga ng malalim at pagpapakawala nito, at ngumiti. Hintayin ko na lang. Mamaya naman may kausap na ako.

Ibinalik ko ang cellphone ko sa kung saan ito nakalagay noong una at lumingon kay mommy.

"'My, anong ulam?" tanong ko.

"Cheesedog at itlog, bakit?" sagot niya. 'Yun, favorites! 

Ang amoy ng kanyang niluluto ay nakakagutom. Kumalan tuloy bigla ang tiyan ko. Nananakam na ako doon. It's simple foods pero ayus na rin. At least may nakakain kaysa wala.

"'My, hindi pa ba luto 'yan? Nakakagutom na," reklamo ko.

"Tawagin mo na sina bunso para makakain na," utos niya.

Bumuntong hininga ako. Tumayo ako sa kinauupuan ko at inakyat ang aming hagdanan. Inuna ko ng istorbohin si daddy sa kwarto nila dahil mahirap gisingin ang pinagmulan ng mukha ko.

"Daddy! Hoy! Gising na! Daddy!"

Nakatihaya siyang nakahiga at ang isang braso niya ay nakayakap sa isang unan. Hinila ko ang braso niya at inalog-alog siya. "Hoy! Daddy! Gising na! Gugutom na ako eh!"

"Napakagulo mo baga, ate," reklamo niyang sumasabay pa din sa pangungulit ko. Ibinalikwas niya ang kamay niya para hindi ko na siya hawakan pero patuloy pa rin ako sa paghatak ng braso niya. Pati ang paa niya ay dinamay ko na rin. "Bumangon na kayo diyan! Pupuntahan ko na si Elle. Kung hindi, dadaganan ko kayo!" pananakot ko na nagbibiro.

Nang tumagilid siya at tumingin sa akin ay alam kong babangon na siya kaya umalis ako doon at pumunta naman sa kwarto namin. Hinawakan ko ang busol at pinihit ito pabukas. Huh? Wala siya sa kama niya. Sinubukan ko ring tignan kung nandun siya sa may damitan namin pero wala rin. Nasaan na 'yun?

"HOY!"

Napatalon ako ng kaunti sa gulat sa sigaw ni Elle. Nasa banyo lang pala ang loka.

"Hays, nandiyan ka pala. Masyado ka."

"Ay, nababaliw ka na naman! Saan ba ako pupunta?!"

"Malay ko ba! Baka bumaba ka na!" sigaw ko pabalik bago isinarado ang pintuan at bumaba.

Buntong hininga na naman ako habang nakatalikod si mommy. Kung kanina ay si Dylan ang nasa isip ko, ngayon naman ay si Jason. Nakakainis lang at dalawa silang tumatakbo sa isip ko. Pucha naman kasi, bakit ganun? Nakakalito.

Mahirap rin ang kondisyon ng utak ko dahil long-term memory ang mayroon ako. Hindi ko nakakalimutan lahat ng nangyayari sa akin kaya pinagkakamalan akong hindi pa nakaka-move on o kung bakit ko pa naaalala ang mga ginawala nila. Pinapahanap na rin nga ako minsan ng ebidensiya para ipakita sa kanila na ginawa nila 'yun at narinig ko ang sinabi nila. Buksan na lang kaya nila utak ko?

Naaalala ko ang mga kalokohang ginagawa ni Jason na siya din naman ang naaasar pabalik o kaya naman ay nadidisgrasya siya sa sariling katangahan. Minsan nang nauntog siya sa locker namin. Nasa room pa ang iba naming mga kaklase noon at nandoon din ako. Kita ko noon sa likod na nakahawak siya sa kanyang noo gamit ang kaniyang kaliwang kamay. Lumapit ako at tatangkain sanang tignan 'yun nang humakbang siya papalayo sa akin. Yumuko siya at tumingin sa kanan kung saan naroroon ang isa pa naming pintuan sa silid. Parang may kuryenteng dumaan lampas sa akin at may naramdaman ako noon. Napatingin ako sa pinto at nakitang nakatingin na sa amin ng masama si Dylan at hindi pa sila nakakaalis noon. Nangibabaw ang inis sa aking katawan noong makita ko ang tingin niya sa amin. Nawalan na naman ako ng pakialam sa inaasta niya sa panahong 'yun.

Normal na kasi sa aking mag-alala kung mayroon akong nakitang nasaktan na tao. Pangarap ko kasing maging nurse at nasanay na akong ganun ako simula pa lang noong limang taon kami. Wala pa nga yatang limang taon ay nag-aaral na ako kung paano maggamot ng tao, kahit first aid man lang. It's the skill that I carried until now.

Napabuntong hininga na naman ako sa naisip. Sa pagkakataong nakita kami ay napagtantuhan ko noong iniiwasan ako ni Jason para sa kapakanan at ikapapayapa ng pagka-MU namin ni Dylan, pero hindi ito sapat na dahilan para sa akin. Walang karapatan ang isang taong layuan ang kapuwa niya kung ang kapuwa na 'yun ay wala namang balak na masama o pinaplanong masama sa kanya. 

Ngunit, upang makaiwas sa gulo, lumayo na lang rin ako ng ilang hakbang at sinabi ko na lang kay Jason na kung hindi pa siya uuwi ay habang naglalakad ay maglagay siya ng piso na malamig ang temperatura sa kanyang noo sa parteng umumbok na pwedeng maging bukol mamaya makaraan ng ilang minuto, at pagkauwi ay lapatan niya ito ng yelo, upang mabawasan ang sakit at pag-umbok nito.

Sa oras na 'yun ay hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang tingin ni Dylan sa amin. Baka naman iniisip niya na namang may namamagitan sa amin ni Jason, ngunit ang totoo ay wala naman. Isang sekondaryang estudyante lamang akong ang pangarap ay maging isang nars sa pagdating ng panahon at kailangan ko pangalagaan ang kalusugan ng bawat isa kaya naman ganoon ako mag-alala. Nasa sa kanya na lamang kung iba ang iisipin niya sa mga kilos ko pero wala akong ginagawang masama. Ikaseselos niya mayroon, pero nasa tama naman ang ginawa ko. Siya lang naman ang iba ang iniisip at malisyoso tungkol sa amin kaya wala akong kasalanan sa parteng 'yun.

Lumipas ang araw at tumulong lang kami sa gawaing bahay, nagbasa at nagsulat sa Wattpad. Natulog ako nang mag-alas dos na ng hapon at nagising na lang ako sa ingay ng cellphone ko. Nakalimutan ko na naman yatang i-silent 'yun at patayin ang data. Hays, sino ba ang chat nang chat sa 'kin? 

Nag-inat ako bago inabot ang aking cellphone sa tabi ko. Kagigising ko lang at maggagabi na rin. Hindi ko namalayan ang oras. Natulog ako ng hindi man lang nakakatanggap ng mensahe kay Dylan ng pamamaalam o kung ano man. Ang huling mensahe lang sa pm namin ay ang pamamaalam ko na matutulog ako at wala ng iba pa. Binalik ko 'yun sa home ng Messenger at nakita si Jason na kanina pa nagme-message sa 'kin. At kailan pa natuto 'yung mokong na 'to na mangulit sa 'kin ng bongga?

Nanlaki ang mata ko sa siyam na pag-'hey' niya sa akin nang akala mo naman ay hindi ko siya pinansin ng isang dekada. Hindi ko rin alam kung anong trip niya at napaka-hyper niya mag-message. Ano bang pinakain ng pamilya niya sa kanya? Hindi naman siya ganito sa iba naming kaklase pero nakakatuwang nangangasat na rin siya, dahil badtrip ako kay Dylan na wala man lang pinadalang sagot sa huling chat na ipinadala ko.

To: Jason Dela Rosa

Tapos mona ginagawa mo?

From: Jason Dela Rosa

syempre ako pa! ikaw ba?

Napangisi ako sa tanong niya. Sa isip-isip ko ay natatawa na ako sa kanya. Makakalimutin ampucha. Sinabi ko ng tapus ang akin. Nabaliw na yata siya habang gumagawa ng activities.

To: Jason Dela Rosa

Wla na akong gagawin, depunggol

After that, we talked about Lynarne and other kinds of stuff. He was really interested when it comes to her, but he was still not ready to confess. He said that he has no plans to confess. He will keep his feelings to himself and I am getting confused. Why? Why would he not confess? Is he a coward or does he thinks it will be waste of time?

Really, crush, likes, or love is really confusing sometimes. It's too shallow sometimes. It's really deep and the void is still open. Why wouldn't we fill it? Why do people keep on hesitating than risking? To risk is to battle with feelings and to hesitate is to hide it from them. To not convey it to them. To not deliver it to them.

Somehow, I understand his situation but most of the time, I don't. I really don't know anything about falling in love. I didn't experience it, or I subconsciously did? Is it really okay to fall in love? Is it worth the risk?

Questions keep playing games with my mind and I am battling them. I am seeking answers. Is my escapade from the chase have connections with this love? What can you feel when you are in love? I need someone to answer these questions in the future for me to fill the void in me. To fill my unsatisfied empathy towards myself.