"Mga anak, pumunta na daw kayo sa 3rd floor sa Gymnatorium at doon natin gaganapin ang ating Year End Party. Dapat din kayong makilahok sa mga isasagawang aktibidad. Umakyat na kayo roon. Paakyat na din ang Grade 7 doon."
Ika-14 na ng Disyembre, Biyernes, at nasa loob na kami ng aming silid. Ako'y nakaupo lang at nakapalung baba habang nakikinig kay Ma'am Liza. Simple lang ang sinuot ko ngayong araw. Maong na pantalon lang at Canada T-shirt.
"Ano? Tara na?" tanong ni Rain sa amin.
"Itatanong pa. Labas! Labas!"
Tumayo na ako at lumapit kala Rain upang sabay-sabay na kaming umakyat sa Gymnatorium. Tinulak-tulak ko pa siya sa likod habang palabas kami.
"Harsh ka? Makatulak parang walang katapusan ha?" tanong nito na ikinaikot ng mata ko sa hangin.
"Baliw!" sigaw ko habang tinutulak pa rin siya palabas at naglakad na kami paakyat sa third floor.
Habang naglalakad ay nag-iisip pa rin ako. Ang hilig ko talagang mag-overthink ng mga bagay. Buti at kaya pa ng utak ko lahat ng iniisip ko? Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa mga nangyari. Sa pagseselos ni Dylan kay Jason hanggang sa pagkukulang niya na ng oras sa akin. Nanghihinala na rin akong may namamagitan sa kanila ni Lexie pero ipapaubaya ko na lang 'yun sa hangin, dahil paniguradong walang katuturan ang iniisip ko. Malabong magustuhan ni Lexie si Dylan at ganun din naman si Dylan sa kanya. Kaibigan lang ang tingin ni Lexie dito at wala ng iba.
Sabagay, at meron na rin namang natitipuhan si Lexie kaya ganun na lamang ang pagtanggi niyang pwede sila ni Dylan at isa pa ay Katoliko si Lexie kaya naman hindi maiaakilang tatanggi talaga siya kay Dylan. Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ang dahilan ko para magduda. Is it because he is lacking time for me? In the past weeks, I noticed he's always playing ML with Ate Lyra. Hindi ba pupwedeng ipagpaalam niya naman minsan na kakausapin niya ako?
Malapit na kami sa hagdan papuntang 2nd floor nang makarinig ako ng mga paang tumatakbo papunta sa direksyon namin. Napalingon tuloy ako roon at nakita kong tumatakbo si Jason papunta kala JV para sumabay sa paglalakad papuntang gym. Mukhang kakarating niya lang rin. Late na naman siya.
"Huy, Ella." Kinalabit ako ni Rain at tumingin ako sa kanya. "Tara na. Tulala ka pa. Baka ma-late tayo sa program." Tumango ako sa kanya. Umakyat na lang kami at hindi na ako tumingin pa sa likuran ko. Suminghap ako ng hangin at pinakawalan 'yun nang makarating kami sa 2nd floor.
"Oh, anong problema mo?" tanong ni Rain.
Napansin niya yata ang pagkadismaya ko. Sana hindi naman.
"Wala." I shrugged my shoulders. "Masama bang huminga? Eh 'di namatay ako kung hindi ako mage-exhale at magi-inhale," pamimilosopo ko bilang palusot.
"Gaga!" bulyaw niya sa akin na ikinatawa ko.
Tumuloy kami sa pag-akyat at nang makarating kami doon ay hindi pa bukas ang gate papuntang gym. Pinaupo kami sa mga upuan na naroroon at nagsalita ang host sa stage upang ipaliwanag sa amin ang mga magaganap.
"Welcome to our Year End Party, Heroes and Heroines. Today, we will encounter activities, dance battles, and criteria for this event. After this, you may proceed to the TLE Lab for lunch and exchange gifts with your perspective sections. Please see to it that you will clean your rooms afterward. For now, we will group you into four groups, therefore you can talk to the other schoolmates in different sections that vary here. And now, let's start," ani ni Ma'am Angela sa harapan na ikinakaba ko. Kinakabahan ako. Posible kasing maging kagrupo ko si Dylan at magkatabi kami, ngunit may parte rin sa aking gusto ko siyang kasama sa grupo. May parte rin sa aking gusto kong si Jason ang kasama ko at hindi si Dylan. Pucha, napakagulo ko! Hindi ko alam kung anong gagawin ko at parehas ko silang gusto sa iisang grupo kung saan man ako mailagay. Maybe, I am just overthinking things. Nakakarindi!
Ngayon naman ay inanunsyong magbilang kami ng isa hanggang apat. Nalagay ako sa pangatlong pangkat at hindi narinig pa kung sino ang mga kasama ko na kapuwa ko ka-seksyon. Pinatayo kami at pinapunta sa mga pangkat namin. Nakasama ko sa grupo si Ate Eri at si Ash kaya paniguradong magiging komportable ako.
"Ash!" sigaw ko sabay lapit ko sa kanya.
"Ay, ka-grupo kita?" tanong niyang nagulat nang makalapit ako.
"Ay, hindi! Hindi! Hindi mo ako ka-grupo! Doon ako sa labas, oo!" pamimilosopo ko habang tinuro ang bintang malapit sa amin. Nagsama-sama kasi ang pangatlong pangkat sa kaliwang bahagi ng stage, malapit sa hagdanan.
"Ay, hindi ba? Kaloka ka!" ani niya sa akin na ikinanguso ko.
"Nababaliw ka na."
Nahagilap ng panigin ko si Jason na nasa isang sulok. Kagrupo ko ba siya?
Hindi makapaniwalang tumitig ako sa kanya bago lumapit upang itanong ko kung totoong kagrupo ba talaga namin siya. Kinalabit ko siya at tinitigan niya lang ako bago umiwas ng tingin. Napansin ko ring humakbang siya papalayo sa akin at tipid siyang sumagot sa akin nang hindi nakatingin.
"Group 3 ka?"
"Oo." Sumagot siya nang hindi nakatingin sa akin. Ano bang kasalanan ko sa kanya? Ayus naman kami nung mga nakaraanga raw ah? Anong ginawa dito ni Dylan? Nakaka-badtrip.
Napansin ko ring kagrupo ko si Chilia at iba pang kaklase ko na kapangkat ko rin. So, napunta halos lahat ng Grade 8 dito sa grupo ko? Ayus pala eh.
Pinaupo kami sa mga upuan sa kanan. Katabi namin ang pang-apat na pangkat. Sa kabila naman ang pang-una at pangalawang pangkat kung saan naroroon sina Elle at Dylan. Sila ang magkagrupo kaya naman napapansin ko ang mga masasamang titig na pinupukol ni Dylan kay Jason.
Hindi pa ako nakakaupo dahil naubos na agad ang pwedeng pwestuhan. Tumingin pa ako sa paligid upang maghanap at nakita ang bakanteng upuan sa tabi ni Jason. Napailing na lang ako bago napagdesisyunanng doon na lamang ako uupo. At isa pa 'yun sa mga naging dahilan ng pagpukol ulit ng sama ng tingin ni Dylan sa gawi namin.
Halatang nailang ang lokong si Jason sa presensya ko ngunit wala na akong pakialam doon. Wala akong mapepwestuhan na iba kung hindi dito sa tabi niya at wala siyang magagawa doon. Wala rin naman akong magagawa doon. Hindi naman pwedeng sa sahig ako umupo at baka ma-guilty rin ang mga lalaki sa grupo namin at sila naman ang umupo sa lapag. Ayoko ng ganun.
Naging awkward ang atmospera sa pagitan namin. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid at tinignan sina Chilia at Ash na mag-usap. Wala akong magawa kaya sinira ko ang katahimikang kanina pa namamagitan sa amin, dahil binabagabag na ako nito.
"Anong balita?" tanong ko.
"Saan?" tanong niya pabalik sa akin at kunot-noo siyang tumingin sa akin.
Nakakapag-usap kami sa chat at hindi ganito ka-pormal. Hindi rin kami magkalapit at magkatabi kung mag-uusap man kami sa personal. May distansya kami lagi kaya ito ang unang beses na nag-usap kami ng magkalapit at hindi lang para sa activities. Hindi kasi pwede dahil iniiwasan naming pagselosin si Dylan.
Pero ngayon, wala naman kaming magagawa kung hindi sirian ang katahimikan para hindi kami mailang sa isa't isa. Gusto ko lang na komportable kami habang nagaganap ang program. Ang hirap naman sigurong tahimik lang kami tapus magkatabi pa kami.
"Tungkol sa nyo ni ano. Alam mo na," ani kong muli. Itinagilid niya ang ulo niya habang nakaawang ang bibig. "Ano umamin ka na ba?" dagdag ko pa.
Kinamot niya ang ulo niya at tinanggal ang bandanang nakapulupot sa leeg niya. Buti naman at na-gets niya na kung ano ang itatanong ko. Kailangang detailed pa talaga ah?
"Hindi. Bakit ako aamin?" pabalang niyang sagot.
"Baliw, malamang." Sumimangot ako.
Tinignan niya lang ako ng saglit bago iniiwas 'yun ulit. Iwas na naman? Sinamaan ko siya ng tingin habang nakatingin lang siya sa harapan. He's just wearing a plain white T-shirt and a pair of black maong pantaloon. His hair is already long. Hindi na siya mukhang Criminology student, hindi katulad nung una ko siyang nakita.
"Kayo ba?"
Napalingon ako kay Kuya Aries at kumurap ng ilang beses. Nakaupo siya sa upuang nasa harapan lang namin. Hindi ko napansin na kagrupo ko rin pala siya.
"Hindi ah! / Hindi!" sabay naming sagot ni Jason.
Nagkatinginan kaming dalawa sabay iwas din. Natawa ako ng kaunti dahil nagsabay kami. Kambal lang?
"Kambal tayo, Jason! Sabay!" ani ko sa kanya pero nakatikom pa rin ng bibig niya at nakaiwas ulit ng tingin sa akin. Ang hilig niya talagang umiwas. Lumingon ako kay Kuya Aries at napansin kong nagtatanong pa rin ang mga mata niya. Kinawayan ko siya sa harap ng mukha at natauhan naman siya doon. "Friends lang kami! Grabe sa 'kami' ah," reklamo ko.
Lalong itinago ni Jason ang mukha niya. Nahihiya yata sa sinabi ni Kuya Aries tungkol sa amin. Walang namamagitan sa amin except for the fact that we're just friends and we don't need to break the limitations we have. Hindi pwede. Mayroon akong MU. At si Jason? May iba na siyang natitipuhan ngayon kaya walang kami at hinding hindi magiging kami. And so I thought.
"Ah, parang kasi. Masyado ka kasing malapit sa kanya," pang-aasar ni Kuya Aries.
"Ay, ay, ay. Hindi ba pwedeng usap as a friend lang? Eh hindi naman kasi siya ang nagfi-first move sa usap. Oh eh 'di magvo-volunteer na ako na 'ako na' ang mag-initiate, 'di ba?" pamimilosopo kong nagpaparinig. Pag kasi ako at si Jason ang nag-uusap o mag-uusap, laging ako ang gagawa ng first move, dahil pilit niyang nilalayo ang sarili niya sa akin. Ako naman 'tong gustong gusto siyang makausap dahil nga lagi kaming magkagrupo.
Nanahimik si Kuya Aries bigla at napalingon ako kay Jason na nasa tabi ko na bumalik sa pagka-blangko ang mukha at walang planong kumibo na para bang walang nangyari. Na parang hindi kaming pinagkamalang mag-jowa. May tensyon pa ring namamagitan sa amin at gusto ko itong sirain ulit kaso baka masobrahan na ako.
Napapansin ko na rin ang masama at malalamig na titig ni Dylan sa gawi namin na ikinairap ko, kaya naman hindi na muna ako nakipag-usap kay Jason. Nakinig na lang muna ako kay Ma'am Angela habang nagsasalita ito tungkol sa magaganap ngayong araw.
Nagsimula na ang mga palaro at ang unang palaro ay ang egg roulette. Ang egg roulette ay ang larong pangdalawahan kung saan may isang itlog bawat dalawang tao na galing sa bawat pangkat at ito ay kanilang pagpapasa-pasahan habang naglalakad sila papalayo nang palayo sa isa't isa, at ang makarating sa dulo ng hindi nababasag ang itlog ay siyang magwawagi.
Nasama dito si Jason at pinabantayan niya ang gamit niya sa akin. "Sayo na muna ang bag ko," aniya. Binuhat niya ang pulang bag niya at nilagay sa hita ko. Inilahad ko rin ang kamay ko sa kanya at iginilid niya na naman ang ulo niya katulad kanina. Nagtataka na naman siya sa akin.
"ID mo akin na," bulyaw ko para maintindihan niya.
Tinignan niya ako ng nakakunot-noo bago niya ito hinubad at ibinigay pabato sa akin. Buti at nasalo ko 'yun. Napanguso ako sa ginawa niya. Natamaan pa ang hinliliit ko at nagasgasan. Humapdi ito, ngunit ininda ko na lang. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapus kong maramdaman ang hapdi. Mamaya ka sa akin, Jason!
Hawak-hawak ko pa rin ang kanyang mga gamit habang nanonood sa kanya at sa mismong laro. Sa tuwing masasalo niya ang itlog ay napapangiti ako o humihiyaw ng mahina at ganun rin sa kanyang kapareha. Ang ibang pangkat ay nakabasag agad ng itlog nang ibato 'yun sa pang-apat na pagkakataon. Samantalang natira ang grupo namin at nina Ate Lyra.
Kasama siya doon kahit pa babae siya. Halos lahat kasi ng sumali ay lalaki. Siya lang ang napansin kong sumali na babae. Kahit sino naman ay pwedeng sumali pero hindi ko lang inaasahan na sasali siya dahil mukha siyang hindi sumasali sa mga ganitong palaro. Nagkamali pala ako.
Itinuloy ko ang panonood at pinagpapalitan ko ng tingin ang grupo ni Jason at Ate Lyra. Sa huli ay nanalo sina Jason at may natanggap silang premyo. Pabalik pa lamang siya ay ibinato ko na sa kanya ang ID niya at sinamaan niya ako ng tingin.
"Bakit ka namamato?" tanong niya.
"Ikaw nauna kanina." Ngumisi ako na ikinasinghal siya.
Tumawa ako sa reaksyon niya bago siya tuluyang umupo sa tabi ko at binuhat ko ang bag niya na nasa hita ko. Pabagsak ko 'yung inilagay sa hita niya. Nang samaan niya ako ng tingin ay nag-peace sign na lang ako. Idinaan na lang niya sa pagkibit-balikat ang inis sa akin.
He never did angry at me. Mula sa pangungulit ko sa kanya dati hanggang ngayon na pinagtitripan ko siya, hindi siya naiinis sa akin. Bakit kaya? Kung iba-iba 'to ay inis na inis na sa akin. Kahit nga si Elle naiinis sa akin. Nakakaasar naman 'tong lalaking 'to! Hindi ko maasar!
"Nga pala, congrats! Nanalo kayo sa laro. Anong premyo?" bati ko.
Nagkibit-balikat na naman siya. Naririndi na yata siya sa akin pero ayaw niya lang idaan sa pagsasalita. "Hindi ko pa alam."
Inilagay niya ang nakabalot na premyo sa arm chair ng upuan at nagpalung baba siya. Nakatingin lang doon bago ko ibinalik ang tingin ko sa kanya. "Buksan mo na." Pakiramdam ko ay kumikinang na ang mata ko. Ano kayang laman 'nun? Wallet? School supplies? Ano kaya?
"Chill ka lang, Ellaine. Sayo ang premyo?" tanong niya.
"Aba!" Ngumuso ako. Tinawanan niya lang ako habang asar na asar ako sa kanya. "Ah! Haha! Asar na asar!" Hindi pa rin siya tumigil sa kakatawa dahil halatang halata sa mukha ko ang pagkaasar. Nakakainis. Ganun lang ang ginawa niya ay asar na asar ako. Mas matindi pa pala tama nito sa ulo kaysa kay Dylan.
"Ah? lagot ka sa akin mamaya!" bulyaw ko sa kanya.
Napansin ko si Kuya Aries na nakatingin lang sa aming dalawa kanina pa habang nag-aasaran kami ni Jason kaya naman lumingon ako sa kanya. "Oh, bakit, Kuya Aries?" tanong ko nang nakangiti. Kinalimutan ko muna ang pang-aasar ni Jason at nanahimik na rin ang loko nang mapansin niyang hindi na nakapokus sa kanya.
"A-Ahh, Ellaine...May aminin sana ako sayo..." ani nitong ikinakataka ko. Feeling ko isa na naman 'tong aamin na nagkaka-crush sa akin. Can someone tell me why me again?
"Ano 'yun?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"Baka kasi magalit ka na pag sinabi kong sayo--"
"Kuya Aries, kahit ano pa 'yan sabihin mo na lang. Pinapahaba pa eh."
Nainip ako nang sabihin niyang baka magalit ako sa aaminin niya. I don't get mad when someone confessed that he or she likes me or have a crush on me. It's normal and I know that. That's why I am not stopping them, but I don't do courting or liking them back now. When I did that, I suffered and now, I am suffering for the same reason. I am enduring it. After Dylan, I think I won't crush back anymore. I just tried...again to discover if things will work out this time.
Tumingin siya sa paligid bago lumapit sa tenga ko para bumulong. Napakunot ang aking noo ng marinig ang ibinulong niya. Sinabi niyang crush niya ako ng kaunti at ayus lang sa akin 'yun. "Okay?" patanong kong pagtugon sa pag-amin niya. "So, ano?"
Gulat pa rin ako sa narinig ngunit kailangan ko maging kalmado aat ipaalam na hindi ako na-offend o makaka-offend sa pag-amin niya. Inaamin kong medyo nalito ako at kasabay noon ang pagtatanong sa sarili ko kung bakit ako ang nagugustuhan o natitipuhan nila. What's with me? Mukha lang ba? Kagandahan?
Kung oo at 'yun ang nakikita nila sa 'kin ay ayoko ng ganoon. Tatanggapin kong may gusto sila sa akin kaso hindi ako papayag kung manliligaw sila, dahil hindi ako handang magpaligaw ng hindi ako handang sumugal sa mapipili ko nang hindi ko nasasaktan ang iba pa.
"Hindi ka galit na nagka-crush ako sayo?" tanong niya sa akin.
Ako naman itong si tuliro sa pangalawang pagkakataon kong narinig 'yun ay sumagot ng kalmado kahit sa loob-loob ko ay nagwawala na ako. Bakit kasi ako na naman? "Ah hindi ah. Bakit naman magagalit? Pero deretsuhin na kita, Kuya Aries, may MU ako. Kaklase namin at si Dylan 'yun." Halatang nadismaya siya sa narinig at pilit-ngiting tumingin muli sa akin.
"Saan siyang team?" tanong niya.
"Kagrupo ng kakambal ko," tugon ko sabay turo sa kanya sa kung nasaan sina Elle.
Nagulat ako sa biglang pagkalabit ni Jason sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Bakit?" tanong ko.
"Makikiraan," tipid niyang tugon sabay turo sa binti kong nakaharang sa dadaanan niya dahil kanina pa siya nakatayo.
Umusog ako upang maalis ang binti ko sa dadaanan niya dahil masikip lang naman ang pwesto namin, at dumaan na siya bago ko ibinalik ang binti ko sa dati nitong pwesto.
"Saan ka pupunta, Jason?" tanong ko pa.
"Doon." Tinuro niya ang entabladong isang pangkat at kalahati ang pagitan mula sa pwesto ng pangkat namin. "Manonood ng laro. Gusto mo doon ka? Nandoon si Dylan," ani niyang nag-aaya habang lamang ang pang-aasar.
Umiling ako. "Huwag na."
Tumango siya at tumalikod. Nagsimula siyang tumakbo papunta doon. Patago akong ngumiti ng mapait. Iniisip ang lahat ng sinabi ni Dylan sa akin tungkol kay Jason. Bagay daw kami. Parehas daw kasi kaming Katoliko. Hindi daw siya nababagay sa akin dahil Iglesia siya at magtatalo lang kami tungkol doon pagdating ng panahon. Handa naman daw siyang magpalaya kung kinakailangang ikabubuti ko.
Wala rin naman daw patutunguhan ang MU namin, sabi ni mommy, dahil INC siya. Ayokong magsink-in sa akin lahat. I want to stay. I still want to fight. But I'm overthinking. What if he's the one that will give up? What if he's the next person who will break the promises that are said to me before?
Tinatak ko na lang sa sarili ko na pag natapos ang kung ano ang meron kami ngayon ay magiging mas iingatan ko ang puso at ang peace ko. I love myself so how can I be so selfish? I just wanted to protect my feelings. To hide it and not to be known by the others. Pag nalaman kasi nila ang tumatakbo sa isip ko, sasabihin nila na ''Yun lang, nasaktan ka na?'. Just like Chilisa said way back in my first 'Truth or Dare' with them. No one would ever know the pain I felt when Harold left me for Cinth.
"Ang swerte naman ng ka-MU mo sayo, Ellaine," dinig kong sabi ni Kuya Aries.
Nilingon ko siya at napatitig tsaka ngumiti. I am very thankful for his compliment but no acceptance in the part that Dylan is lucky to have me. Harold was, but not anymore. I am totally a walking traffic light right now. Papalit-palit sa pagiging green flag at red flag.
"Maganda ka na nga. Matalino pa. Beauty and brain ka!" papuri niya pa.
"Which part?" tanong ko.
"Ha?"
"Which part of me was beautiful?" tanong ko pa. "Kung malalaman mo kung gaano ako kademonyo, aayawan mo na agad ako, Kuya Aries. I swear. Kaya kong manuntok, manipa, at pabagsakin lahat ng lalaki sa amin. Takot sila sa akin. Isa akong halimaw na nagbabalat-kayo as an innocent. So, tell me, how come na naging crush mo ako and which part of me was beautiful?" tanong ko pa ulit.
"Ellaine, mabait ka. Hindi ka halimaw. Ano naman? Lahat ba kaya mong pabagsakin? Matalino ka, mabait, at maganda. Sapat na 'yun. Tsaka, crush lang naman kita. Hinahangaan kita kasi ganyan ka. Hindi mo naman kailangang baguhin ang sarili mo para sa isang tao," sagot niya.
And his last words hit me.
Hindi mo naman kailangang baguhin ang sarili mo para sa isang tao...
Pinipigilan kong umiyak at iniipon lahat ng emosyon ko sa dibdib ko habang minementena kong blangko pa rin ang mukha ko sa sinabi niya. I felt pain from it. Ngayon ko na lang ulit narinig 'yun. Ang huling nagsabi sa akin 'nun ay si Harold at wala nang iba pa. Now, I am just doing the standards that Dylan wanted for 'his girl'. Matalino, maganda at hindi palamura. Even though, I know to myself I cursed a lot behind his back.
Bumuntong hininga ako bago nagsalita. "Sa totoo lang, Kuya Aries, hindi naman ako matalino. With high honors lang pagkapasok dito pero hindi ako matalino. Bobo din ako katulad ng iba. Nagsumikap ako kasi mayroon akong dapat patunayan sa isang taong pinagpalit ako sa mas malapit. I take my MU seriously to know if okay ang lalaki sa akin. If pasado sila. Hindi ako naghahanap ng standards. I don't need the looks. What I need is the attitude. Pero 'di ba nasasaktan din naman ako? Tao din ako? If maganda naman pala ko, bakit pa ako ipagpapalit? Kasi hindi lahat ng magaganda pinapanatilihan ng lalaki," ani kong naalala na naman si Harold. Fuck him for replacing me. I never gave him hints that I will leave him and I never thought he would leave me. It's been 9 months since then and the trauma is still there.
"Bobo ka man o matalino. Maganda o hindi. Wala namang magbabago. Kung gusto ka ng tao, magse-stay 'yun. Kung hindi, hindi. Wala kang dapat patunayan kasi sila ang nawalan at hindi ikaw," tugon niya sa sinabi ko na ikinabigla ko.
He's right...If someone likes me or loves me most, they would never leave in the first place...They wouldn't put a scar on me in the first place. Because that is true love, it's unreplaceable and unconditional. It was the escape from the chase and the safe place to leave your expectations behind. It's the key to comfort and fantasy.
The verity of everything and that's something I wanted to feel.