"Ayiee! Si Dylan nakabunot sa kanya!"
Inirapan ko si Abi nang sinimulan niya na ang asar sa akin. Martes na ngayon at nagkaroon kami ng bunutan kinaumagahan para sa exchange gift para sa magaganap na Year End Party sa Biyernes. Nabunot ko si Carlo at nabunot naman ako ni Dylan. Nanggigil ako sa kanya, dahil walong arnis sticks daw ang bibilhin niya.
Ang nakalagay lang naman sa wishlist ko ay dalawang arnis sticks na ang ibig sabihin ay isang set lang at hindi walong arnis sticks na apat na set, at isang libro. Simple lang ang gusto ko pero iniiba niya pa. Alam kong madali lang niya 'yun mahahanap at hamak na mababa lang 'yun kaysa sa given amount na napagkasunduan naming lahat para sa exchange gift, pero 'yun ang mga gusto kong makuha dahil wala pa ako ng mga 'yun.
Nasa gawi ako ng grupo ko sa TLE para sa ginagawa naming activity. Kailangan kasi naming makagawa ng extension. Bubuuin namin 'yun bilang isang grupo at ako ang leader ng grupo namin. Hindi na talaga natapus ang pagiging leader ko.
Pinapanood ko sina Daniel, Jason at Mariel maggawa sa sample na extension na meron kami. Hinahayaan ko silang ikabit ang wire sa male plug at sa female socket. Natatawa na lang ako dahil maturingang lalaki ang iba sa mga kagrupo namin ay hindi pa rin nila magawa ng maayos ang activity. Halatang hindi sila naturuan ng mga ama nila. Baka dahil na din sa hindi sila malapit dito. Naiintindihan ko 'yun pero ang hiling ko lang ay sana makinig rin sila sa sinasabi ko, lalo na si Mariel na nagmamarunong na naman sa gawain namin pero hindi naman magawa ng maayus ang pinapagawa ko. Napapahampas na lang ako sa noo ko sa inaasta niya.
"Ellaine! Ellaine!" rinig kong tawag sa akin ni Dylan na ikinabibingi ko.
Minsan talaga ay nasosobrahan na siya sa pang-aasar at hindi siya tumitigil hanggang sa maasar niya ako. At kahit pa maasar niya ako ay hindi niya pa rin ititigil ang pang-aasar niya, dahil 'yun ang ugali niya. Makulit, mapilit at mapang-asar. Nakakatuwa, 'di ba?
"Ano?!" pasigaw kong tanong.
Paglingon ko ay umakyat na lahat ng inis ko mula sa dibdib ko hanggang sa ulo. Nakangisi siyang nakatingin sa akin. Nang-aasar na naman. Nabunot niya ako at alam niya ang nasa wishlist ko. Alam kong gusto niya na naman ako pagtripan dahil 'dun pero hindi na ako makakapayag pa.
Hinilot ko ang sentido ko at tinitigan ko siya ng sobrang sama tsaka siya sumagot sa katanungan ko nang tila hindi natatakot sa titig ko. Minsan talaga ay hindi ko rin maintindihan kug saan niya nakukuha ang tapang niya makipag-usap sa akin pero madalas, wala siyang tapang. He's really a weirdo. Parehas sila ni Jason.
"Anong klaseng libro ang bibilhin ko sayo? Tungkol sa love o horror?" tanong niyang may halong pang-aasar habang tumatawa at hinahampas kung sino man ang katabi niya.
Lalong nag-init ang ulo ko sa ginagawa niya. Ginawa niya ng biro lahat ng sinasabi ko at hindi na ako natutuwa doon. Halata namang hindi na ako natutuwa doon pero hindi niya pa rin ako tigilan.
"Alam mo kung ano ang gusto ko, Dylan. Tanungin mo ako kung hindi mo alam ang gusto ko, hindi 'yung tatanungin mo ako nang alam mo kung ano naman talaga ang gusto ko," pabalang kong sagot sa kanya.
Umiwas kaagad ako ng tingin pagkatapus kong magsalita at baka pabalang na naman akong sumagot. Masyado siyang mapang-asar kaya binabalik ko sa kanya ang asar niyang laging nati-trigger ang galit ko.
"Oh!" sigaw ng lahat na.
Ramdam ko ang pagkadismaya niya dahil sa sagot ko pero wala na akong pakialam sa kung ano mang nararamdaman niya, dahil siya ang nauna. Hindi naman masamang palasahin ko siya ng sarili niyang gamot, 'di ba? I just gave his medicine back. He played the chess and I just played my side. The difference was his pun is captured again by my pun.
Naiba ang ngiti ko sa pang-aasar nilang lahat kay Dylan. Napangisi ako ng sobra at wala akong pinagsisihan sa sinabi ko. He deserved it and I am welcome for that. Para akong namumuhay sa isang teleseryeng may kopya ang galaw at linyang sasabihin sa harap ng camera kahit alam kong reyalidad ang aking tinatapakang mundo. Ang galaw ko ay nababase sa kung ano ang iaaksyon at iaasta sa akin ng tao at kung ano man ang reaksyon ko sa aksyon niya ay pinaninindigan ko. Katulad na lamang ngayon kay Dylan, he started the game and I just finished it winning. Hindi ako magpapatalo 'no.
Tinuruan ko na lang ulit ang grupo ko ng gagawin sa extension at hindi na lang pinansin ang mga nang-aasar, idamay niyo na rin si Dylan. Wala na rin naman ako sa mood pang pansinin sila kaya dedma na lang sila sa akin.
"Ella!" tawag sa akin ni Abi.
"Oh, ano?" Nakakunot ang noo ko nang lingunin ko siya.
"Samahan mo nga muna ako sa canteen," ani niyang hinahatak na ako sa braso.
"Eh, kung si Elle na muna? Kasi tuturuan ko pa 'tong sila Jason," sagot ko.
"Gusto ko ikaw." Ngumuso siya at lalong kumapit sa braso ko.
"Ah! Bakit ayaw mo sa 'kin, Abby?! 'Di mo na 'ko love?" Ngumuso rin si Elle sa tabi ko. Eh, kung mag-kiss na lang kaya sila? Tutal, parehas silang nakanguso. Ako pa talaga pinagitnaan. Napairap na lang ako sa away-bata nilang pagtatalo.
"Alam mo, Elle, dito ka na lang muna," ani ni Abbi at hinatak ulit ako. Hindi talaga siya papatinag.
"Hoy, ate ko 'yan! Aba! Hindi mo jowa 'yan!" sigaw naman ni Elle.
Halos lahat ng mga kaklase namin ay napapatingin na sa gawi namin, pati si Jason ay napatigil sa ginagawa niya. Hinampas kong muli ang noo ko sa ginagawa ng dalawa. Ang kapal naman ng mga mukha nito. Sa harap pa talaga ng grupo ko nag-aaway! Eh, kung sila kaya awayin ko?!
"Jowa ko si Ellaine, 'di ba?"
Tumingin si Abi sa akin at napailing na lang ako bago ako nakisakay sa trip niya at tumango. Tamang tawa na lang ang naging reaksyon ko sa lalong pag nguso ni Elle na nagpapahiwatig na gusto na niyang sabunutan si Abi. Mapang-asar din kasi ang bruha.
Lumabas kami ng room at tumungo na ng canteen. Habang naglalakad ay bigla kong tinanong si Abi. "Crush mo pa din ba si Jason?" Kami na lang naman ang nasa paligid at may mga pasok pa ang ibang estudyante sa campus kaya walang katao-tao kahit saan. Kita ko ang panlalaki ng mata niya sa tanong ko nang lingunin niya ako. "Hm?! Bakit?" tanong niya pabalik sa akin habang humimig siya.
Naghiwalay na rin sila ni Gio mga ilang linggo na rin ang nakalilipas at pansin kong ang bilis ring naka-move on si Abi. Siguro hindi rin naman seryoso si Abi kay Gio kaya ang bilis niyang maka-move on. Laro-laro lang ba sa kanya ang pagbo-boyfriend?
"Wala naman, pero crush mo pa ba?" tanong ko ulit.
Nabanggit niya kasi sa akin na crush niya si Jason noong nagkaroon kami ng play sa Science at simula noon ay gusto ko siyang tanungin nang tanungin. Pero sabi niya ay hindi naman seryoso ang crush niya kay Jason at alam niyang crush ako ni Jason kaya hindi niya ipu-pursue. Wala ring nakakaalam na hindi ako ang crush ni Jason kaya ang alam ni Abi ay ako pa rin ang crush nung mokong na 'yun.
"Hindi na ah." Nakita kong tumigil siya sa paghimig at tinitigan ako. Binigyan niya ako ng ngisi bago tinuro ang mukha ko. "Bakit? Crush mo? Hoy, isusumbong kita kay Dylan pag ganyan!" Napairap ako sa reaksyon niya. Nagtanong lang, crush na agad? Tsaka, bakit ako isusumbong? Paglabag na ba sa batas ang pagtatanong?
"Huh?! Hindi ah!" Winagayway ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya. "Sasabihin ko lang sana sayong may crush na iba si Jason kung may crush ka pa sa kanya." Nawala ang ngisi niya nang sabihin ko 'yun. "Ahh. Eh, sino? Ikaw? Parang wala namang bago doon." Lalo niyang binilisan ang paglakad niya at inartehan niya 'yun. Natawa na lang ako sa iniasta niya. Hindi naman ako ang crush ni Jason pero gustong gusto niyang ako na lang at si Jason ang MU ko kaysa si Dylan. Hindi ko rin alam kung bakit sila ganoon, pero duda rin ako kung bakit botong boto sila sa amin kahit pa Iglesia din itong si Abi. Malandi rin kasi ang bruha. Maganda naman kasi siya.
"Hindi ako."
Nahinto siya sa sinabi ko at tumingin sa akin ng matalim.
"Ha? Panong hindi ikaw?"
"Hindi na ako, Abby," pag-uulit ko.
"Pero 'di ba nung mga nakaraang buwan ikaw pa rin ang alam ng lahat na crush niya? Paanong hindi na ikaw?" tanong niya pa na ikinatawa ko na lang.
"It's a long story. Kung pwede lang sabihin at may permiso ako ni Jason, doon ko pwedeng ipagsabi. Pero sa ngayon, hindi pa pwede. Wala eh, hindi pa pwede sabi ni Jason."
Itinuloy ko ang paglalakad at sumabay siya sa akin habang nagtatanong pa rin ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Ako tuloy ang kinakabahan sa bawat hakbang ng paa niya. Baka mamaya matipalok 'to dahil nasa akin ang tingin niya at hindi sa dinadaanan niya eh. Medyo boba rin talaga siya minsan kapag tungkol sa chismis.
"Nag-uusap kayo?"
"Oo, pero tahimik ka lang ah."
"Yes, ma'am!" ani niyang kunwari nag-zipper ng bibig.
Natawa na lang ulit ako sa ikinilos niya. Ganto talaga si Abby pag kasama ko. Masyadong makulit at matanong pero maaasahan sa mga bagay na dapat manatiling sikreto lamang at dapat na kami lang ang nakakaalam. Pero talagang boba lang talaga siya sa pagtingin-tingin sa dinadaanan kapag chismis.
"Hindi mo na crush ah. Baka meron pa."
Ngumuso siya at hinampas ako. Umiwas naman ako doon. Asar na asar ang gaga sa akin.
"Gaga! Ano papaka-tanga 'yung maganda mong kaibigan? Syempre, mas maganda ka sa 'kin!"
Muli na naman akong natawa. Nang-aasar pa rin ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa canteen. Bumili lang siya ng pwedeng makain at nilibre niya ako ng Marty's at bumalik na rin kami sa silid pagkatapus 'nun. Itinuloy lang namin ang ginagawa namin at nagklase sa ibang subjects hanggang sa matapus ang araw at makauwi. Ganun rin ang nangyari kinabukasan.
Tumunog ang alarm ko na ikinairita ko. Ayoko pang gumising pero kailangan. Kahit walang pasok ngayong Miyerkules ay may gagawin pa rin kaming paghahanda para sa magaganap na Year End sa Biyernes. May praktis kami nina Elle, Zyrille at Ash sa isang sayaw. Syempre, kami na naman ang mga representatives ng section namin, dahil kami daw ang magagaling sumayaw. Papuri man 'yun o hindi ay tatanggapin na lang namin dahil isang pagkakataon na naman ito na ibinigay sa amin para ma-expose na naman sa harap ng madaming tao na matagal ko ng hindi nagawa, dahil na din bumalik na naman ang ugali kong nahihiya sa harap ng maraming tao, or what we called, stage fright or Glossophobia.
The main reason for that is Dylan.
Hindi ako sanay sa kanya at hindi din kami ganun kalapit sa isa't isa para hindi ako mahiya. Kapag recitations ay sinisikap kong hindi tumingin sa gawi niya upang makapagpokus ako sa sinasabi ko sa harapan o sa guro namin. Napabuntong hininga na lang ulit ako sa naiisip. Umagang umaga ay ganun ang nasa isip ko. Tumayo ako at lumabas ng kwarto at kinuha ang tuwalya ko bago pumasok sa banyo para maligo.
"Simula pa nung una...Hindi na maintindihan nararamdaman...Naging magkaibigan...Ngunit 'di umabot ng magka-ibigan..." Kinakanta ko 'yun habang naliligo. 'Yun daw kasi ang 'theme song' namin ni Dylan na hindi ko pa din pinaniniwalaan hanggang ngayon dahil para sa akin ay parang hindi naman din namin kwento ang ibig sabihin ng kanta.
Tanggap ko 'yun noon
Kampante na ganun na lang
Sapat na nakasama kita
Kahit hanggang dun na lang
Naisip ko na naman si Jason sa kantang 'yun, dahil parang siya ang naiisip ko na sobrang relateable sa kanta na hanggang tingin na lang siya kay Lynarne sa malayo at kahit pa kung makakalapit siya dito ay hindi pa rin siya makakaamin sa nararamdaman niya, dahil alam niyang kaibigan lang ang tingin sa kanya nito.
Hindi na lang ako lalapit
Hindi na lang titingin
Para hindi na rin mahulog pa
Sayong mga mata
Siguro nga napamahal na ako sayo, oo
Hindi naman inaasahan
Hindi naman sinasadya
Pero alam ko rin naman
Hanggang dito na lang
Lilimutin ang damdamin
Isisigaw na lang sa hangin
Mahal kita...
"Mahal kita..."
"Hoy! Ang ingay mo, Ella! Naliligo ka lang! Feeling may concert ka, ha?!" sigaw ni Elle sa akin mula sa labas ng pintuan ng banyo. Daig niya pa ang speaker ng cellphone ko sa lakas ng sigaw niya.
"Wala kang pakialam!" sigaw ko pabalik.
Kahit kailan talaga ay kontrabida siya kapag nagda-drama ako mag-isa. Susulpot ng parang kabote bigla-biglaan sa kung saan man at biglang magsasalita o maninita o magkekwento ng wala sa lugar o oras.
Naisip ko lang din kung crush ko lang ba talaga si Dylan o hindi, pero alam ko sa sarili ko na hindi lang crush ang nararamdaman ko sa kanya at hindi rin naman pagmamahal. Ang labo. Idagdag pa ang hindi ko maintindihan at sobrang labo ding nararamdaman ko kay Jason na hindi ko maipaliwanag. Ginulo ko ang buhok ko habang hinuhugasahn 'yun sa shower. Bakit parang nagtu-two timer ang puso ko pero 'yung utak ko, hindi? Ugh! Bakit ba kasi may pinaparamdam din si Jason sa akin na ayoko rin namang maramdaman pero hindi ko maiwasang maramdaman? Ang gulo!
Idagdag pa ang unti-unti na naming pagiging malapit sa isa't isa ni Jason na lalo pang ikakasanhi ng selos ni Dylan. Ang komplikado. Wala na akong maintindihan sa mundo. Kahit sabihin kong sanay na ako ay nagugulumihanan pa rin ako sa mga nangyayari. Malabo din naman kasi ang mga pinapahiwatig ng mga nasa paligid ko.
Pinatay ko ang shower at kinuha ko ang twalya ko. Tinuyo ko ang buhok ko at katawan. Ipinalupot ko ang tuwalya sa katawan ko at lumabas ng banyo bago humarap sa salamin. Tinignan ko ang sarili ko at ang ngipin kong sungki-sungko. Napaisip na naman ako. Maganda ba ako? I got a wavy hair, thick eyebrows and big eyes. Medyo matangos rin ang ilong ko at small lips. My cheeks are chubby and I have an hourglass body.
Alam kong mataas ang proclamation ko sa sarili ko na maganda ako sa harap ng pamilya at mga kaibigan ko, pero sa totoo lang ay hindi ganun ang tingin ko sa sarili ko. Marami ring tumitingin sa aking mga lalaki sa campus tuwing madadaanan ko sila at ang masama ay sinasamaan ko lang sila ng tingin, dahil hindi ko gusto ang mga tingin nila sa akin. That's me. The 'maldita' twin. I don't want to be liked by boys. If I met someone that is almost perfect, they will just end up as my friend. Then, I will just knew that they liked me.
Napabuntong hininga na lang ako. Beauty was seen, but sincerely devilish. That defines me. Magand nga, mainitin naman ang ulo. Hindi sila makakampante kapag nagalit na ako. Takot na lang ang mararamdaman nila. Kahit pa si Dylan ay hindi ako kayang pigilan kapag galit ako.
Hindi ko alam kung pang-ilang buntong hininga na ang nagawa ko sa nakalipas na mga buwan, pero isa lang naman ang hiling ko. Ang may isang taong kayang pakalmahin ang dagundong ng bagyo sa puso ko kapag nasa sitwasyong naging demonyo na ako sa galit. Natawa na lang ako. Sino ba ang may kaya noon? Eh, halos nga lahat takot sa 'kin. Hanggang imahinasyon ko na lang ang taong 'yun na kayang patahimikin ang bagyo sa akin at kakayaning paiyakin ako.
I never cry for a boy or for a man. I have no guts to do that. I just set my mind for that and if someone did manage to make me cry for him? He's 'that' so-special person and I will be considered fucked up.
Buntong hininga na lang ulit ang nagawa ko hanggang sa matapos ako sa pagsuot ng aking damit, tsaka bumaba upang kumain ng almusal.
"Si Elle?" tanong agad ni mommy pagkababa ko.
"Kakapasok lang ng CR," sagot ko.
"Pera na lang ang ibibigay mo kay Carlo," ani niya na ikinairita ko.
Gusto ni Carlo ng ArtWork wallet. 'Yun ang nasa wishlist niya, kaso magaling si mommy at tamad pumuntang tindahan doon sa Orion na nakita ko na nagbebenta ng ArtWork Wallet, kaya pera na lang ang ibibigay ko kay Carlo sa Year End. Hindi naman ako tamad na katulad niya. Bibili ako ng ArtWork wallet kung papayagan lang akong lumabas kaso hindi naman ako pinapayagan kaya hindi rin ako makakabili. Bad trip talaga.
Lagi naman kasing kapag ayaw niya at kahit kailangan namin para sa ibang tao ay hindi niya kami papayagan, dahil hindi naman daw para sa amin 'yun at dagdag gastusin pa daw. Pero kapag siya naman ang may gusto, todo suyo kay daddy na pumunta sa Balanga. Hindi ko ba alam kung bakit ganun si mommy. Pag kami ang may sama ng loob sa kanya, sasama rin ang loob sa amin kapag nasagot ko siya kapag mali siya at papalabasin na kami ang mali, kaya naman kami ang mapapagalitan ni daddy. Nakakainis lang talaga.
Wala na siyang tinanong pa nang makaupo na ako sa harap ng lamesa at nagsimula ng kumain. Hindi ko pwedeng hintayin si Elle na matapus sa paliligo niya at magsusuot pa ako ng sapatos at magsisipilyo. Pagkatapus kong magawa ang mga gagawin ko ay kinuha ko ang bag na gagamitin ko ngayong araw at lumabas para doon na lang mag-antay para kay Elle at kay mommy dahil sasamahan niya raw kami. Wala akong nagawa tungkol doon kung hindi sumang-ayon na lang kahit gustong dumahilan na paano kami matututo kung lagi kaming sinasamahan.
Sila rin naman ang nagrereklamo sa amin kung 'bakit masyado raw kaming mahiyain' o kaya kung 'bakit hindi kayo lumabas-labas para masanay kayo'. Sa tuwing gusto naming lumabas, hindi kami papayagan tapus kapag nasa loob na kami ng bahay ay sasabihan naman kaming lumabas. Gustong gusto nila kaming masanay pero ang dinadahilan naman lagi sa amin kapag gusto kong lumabas ay mararanasan ko rin naman 'yung mga bagay na 'yun pagtanda namin ni Elle.
Limitado ang buhay sa adult life at alam nila 'yun. Laging nasa trabaho dapat ang panahon mo. Kung hindi, walang patutunguhan ang pinag-aralan mo. Ganun ang society sa Pilipinas. Kung may pinag-aralan ka, dapat gamitin mo. Kung teenager ka na, dapat nakakalabas ka na para masanay ka sa labas pero sa tuwing gusto mong lumabas ay hindi ka naman papayagan ng mga magulang mo. Gandang ganda sila sa ibang suot ng mga kabataan pero kapag ikaw ng mismong anak ang may gustong magsuot ng tinitignan nila ay hindi rin pwede at masyado raw revealing o kung ano man ang masabi nila para hindi mo makuha 'yun.
Nakatulala na naman ako habang nakadungaw sa bintana ng masda na sinasakyan namin ngayon patungong Balanga. Marami na ring tao at sobrang bilis magpatakbo ng nagmamaneho kaya naman naiinis ako. Ang earphones ko ay nalalaglag na mula sa tenga ko sa bilis ng pagpapaandar ng driver. Hindi naman rush hour ngayon. Byahe to heaven ba 'tong ginagawa ni manong?
Alas-nuwebe na ng umaga at maaga ang mga nagta-trabaho at nag-aaral pumasok, panigurado. Ang ibang nakasakay sa kanya ay pangkaraniwang gagala o may importanteng pupuntahan lamang na hindi naman kailangang madaliin ang byahe. Napahikab na lang ako sa antok sa bilis ng pagpapatakbo nitong masda. Isabay mo pa ang isang tingin ng isang binata sa akin na mukhang nasa kolehiyo na. Masyado bang nabibighani 'to sa akin at ang titig niya ay hindi matanggal-tanggal?
Bigla na naman nabuhay ang kademonyohan ko. Ayokong may tumitingin o tumititig man na lalaki sa akin na hindi ko kilala at iba ang pagkakatitig o pagkakatingin sa akin. I can make their eyes pop if I have to. They can't kid with the devil. They will fear me after.
Bago ko pa man samaan ng tingin ang kuya na nakatingin sa akin kanina ay tinawag na ng konduktor ang pangalan ng paaralan namin. Hindi ko man lang napansin na nandito na pala kami sa tapat 'nun kanina. Masyado akong nadala sa titig ng lalaki.
"Bataan Heroes College!" ani ng konduktor.
Tumayo ako para umalis sa kinauupuan ko at nakiraan sa dami ng taong nakatayo sa masda para makababa. Ganun pa rin ang tingin sa akin ng binatang lalaki. Dismayado pa yata siyang bumaba ako ng masda at sinundan niya pa ako ng tingin. Kung ako sa kanya, huwag siyang pumatol sa hamak na mas bata sa kanya. Batuhin ko kaya siya ng bato para naman matauhan siya. Ano siya? Wattpad? Love at first sight sa masda? Patawa.
Tumawid kami at pumasok sa entrada ng eskwelahan. Agad akong tumingin sa paligid at iniisip kung naroroon si Jason, kahit alam kong hindi siya pupunta dito, dahil hindi naman siya kasali sa sayaw namin para sa Year End Party sa Biyernes. Hindi ko rin alam kung bakit siya kaagad ang naisip kong hanapin pagkapasok na pagkapasok pa lang namin kahit alam ko namang wala siya. Napailing na lang ako. Jason. Jason. Jason. Ano ba talaga ha? Isa ka ring patawa sa 'kin eh.
Kakatingin ko sa paligid ay nahagip na rin ng paningin ko sina Ash na naghihintay sa isang gilid at kasama niya si Zyrille. Buti naman at maaga siya. Kapag sa klase kasi kung hindi siya late, absent naman. Buti na lang at sayaw 'tong aatendahan niya. Mga trip niya ang ganito kaya rin naging kasundo namin siya. Sayaw eh, kaya maaga siya.
"Oh, bakit ang tagal niyo?" Parang galit pa si Ash nang sabihin niya 'yun.
"Na-traffic pa sa may bandang Pilar kaya natagalan. Sorry na, sis," ani kong pabiro.
"Sana lumipad na lang kayo. Potek niyo, katatagal!" biro niya pabalik.
"Oh siya, tara na!" aya ni Elle.
Naglakad kami papuntang court kung nasaan ang stage na sinasabi nilang pagpa-praktisan namin. First time naming tutungtong doon dahil nung Intramurals ay hindi naman kami umatenda ng panimula ng may ari ng BHC at hindi rin nakinig sa speech ng mga heads.
"Oh, start na tayo. Simula doon sa una."
"Ash, 'yung speaker nga pala," ani ni Elle na nilabas ang dala naming speaker sa bag.
"Ay, oo nga! Salamat naman at may nagdala ng speaker." Humawak pa siya sa dibdib niya na para bang gulat na gulat.
"Magsisimula tayo sa Bebot, tapus 'yung ibang step. Ituturo ni Zyrille sa atin, kasi hindi pa kompleto lahat," dagdag pa niya.
Pumunta kaming gitna ng stage at pumunta sa kanya-kanyang posisyon. Sinimulan naming sayawin ang mga nalalaman na namin bago itinuro ang mga steps na hindi pa namin nalalaman.
"5...7...8!" pagbilang ni Zyrille upang magsimula kaming sumayaw.
Tumugtog ang 'Bebot' at nagsimula kaming sumabay sa kanila. Pagkatapus 'nun ay nag-isip na agad ng panibagong step si Zy na pwede naming idagdag. Mas magaling siya sa bagay na 'yun at pati na rin si Ash. Taga-execute lang kami ni Elle ng steps nila. Thanks to our long-term memory at nasasaulo agad namin ang mga steps na ginawa namin ngayong araw.
Natapus ang araw ng nakasaulo kami ng marami pang steps pero gahol pa rin kami sa oras dahil Miyerkules na ngayon at Biyernes na namin kailangang sayawin 'to, sa harap pa ng maraming tao. Nagpaalam na kami kala Ash at Zyrille. Bago mag-lunch kami umuwi ngayon dahil patakaran na naman ni Mommy ang nasunod. Kung wala lang siguro siyang patakaran ay hanggang 2pm kami dito sa campus para makompleto na namin ang steps na kailangang sauluhin.
"Mommy, 'di ba dadaan muna tayong Vista?" ani ni Elle habang palabas na kami ng eskwelahan.
"Hindi ba pwedeng makapaghintay 'yan?" pagbabalik ng tanong ni mommy sa kanya.
"Pagpinagpaliban pa ba natin ang pamimili, mommy, may mag-iiba ba?"tanong ko.
"Ikaw ayusin mo ang bibig mo ha. Nanay mo ako. Dapat hindi ka ganyan magsalita sa akin."
As I thought so, I am considered as being disrespectful again when I'm not. Ganun naman talaga ang tingin niya kapag mayroon kaming pinapa-realize sa kanila. Dahil alam daw nila lahat at naranasan na raw nila lahat, wala raw kaming karapatang pangaralan sila. 'Wow' is only my reaction for that statement. Pwera mas matanda sila ay alam na nila lahat? There are still several things out there that yet to be explored at ayaw niyang ipakita namin sa kanya 'yun, dahil nga alam niya na lahat.
Nanahimik na lang ako at napairap ng hindi ko pinapakita sa kanya, dahil awtomatiko, pagkauwi ng bahay mamaya ay kung anu-ano na naman ang sasabihin niya sa akin. Kesyo hindi ko siya nirerespeto, kesyo ipakita ko naman daw na karespe-respeto siya, at sarili niyang anak ay hindi siya magawang respetuhin at hindi naman daw ako ganun dati. Well, let's just say, the comparison is appearing again, and I'm compared with my past image. Like what the hell? Note the words sarcastically that I'm not paying for her words again for such bullshits.
Nakasakay na kami sa isang tricycle papuntang Vista para bumili ng mga regalo para sa Biyernes. Tahimik na lang akong nakadungaw sa bintanang malapit sa akin. I randomly thought of something and I sighed because of it.
Sana naman hindi ako iwan ni Dylan. Buong byahe ko na lang inisip ang bagay na 'yun at umaasang makakasalubong ko siya saVista katulad ng nangyayari sa Wattpad, pero masyadong malaking walang katuturan naman yata ang inaasam ko na' yun at paniguradong napaka-imposibleng mangyari sa totoong buhay.
Nakababa na kami sa Vista Mall at hinintay na lang si mommy na makapagbayad sa tricycle driver. Tumingin ako sa langit habang malalim pa rin na nag-isip. Ayoko ng umasang may patutunguhan pa ang kung ano mang nasa imahinasyon ko. Hindi ko kakayanin ang balik na sakit sa akin kung iisipin ko pa ang lahat ng kung ano pa man ang iniisip ko kasama si Dylan. Hindi ko na alam. Lito ang nadadama ko.
Ayokong isipin ang hinaharap ng kasama siya dahil isa si mommy sa nagsabing tigilan ko na at huwag na huwag ko raw papalalimin pa ang kung ano ang meron sa amin ni Dylan. INC siya at Katoliko ako. Sagradong INC ang pamilya niya at sagradong Katoliko naman ang akin, kaya sabi ay hindi talaga pwede. May parte sa aking iniisip ang hinaharap pero mahirap magdesisyon kapag wala ka pa mismo sa sitwasyon at hindi pa naman kami seryosong seryoso sa kung ano ang mayroon kami ni Dylan. MU-MU lang at walang seryosohan. Hindi rin naman siya nanliligaw at hindi rin naman kasi ako magpapaligaw kaya malabong maging 'kami' sa hinaharap kung ngayon pa lang ay ganito na ang mga pamilya namin.
Tumawid kami at pumasok sa loob ng mall. Kumain muna kami upang makasiguradong hindi na kami gutom kapag maghahanap na kami ng mga ireregalo namin para sa Biyernes. Sa totoo lang ay hahanapan lang namin ng regalo ang nabunot ni Elle, dahil pera lang naman ang ibibigay ko kay Carlo, dahil 'yun ang sabi ni mommy. Nakakabanas.
Nasa AllHomes kami at tumingin sa paligid. Earphones lang naman kasi ang gusto ng nabunot ni Elle kaya iyun ang hahanapin namin. Maganda ang quality ng mga earphones sa mall na 'to kaya dito kami maghahanap kaysa doon sa Limay na hindi kami sigurado kung second-hand lang rin ang mga 'yun. Lumabas kami ng AllHomes at natanaw ko si Ate Lyra sa hindi kalayuan kaya napakunot ang noo ko. Bakit siya nandito?
Napaisip tuloy akong nandito rin si Dylan dahil nandito si Ate Lyra. Parang wala naman kasing naganap na bunutan sa Grade 10 kaya nakakapagtakang nandito si Ate Lyra. Imposibleng bibili siya para sa monito o monita niya. Nilingat ko ang tingin ko dahil maglalakad kami papunta sa kung nasaan siya. Nilampasan namin siya at nahagilap ng mata ko ang presensya ni Dylan sa tabi ni Ate Lyra, kararating lang.
Napansin kong napansin ni Ate Lyra ang presensya ko pero hindi ako napansin ni Dylan. May tinipa siya sa cellphone niya bago humarap ulit kay Ate Lyra. Nawala na sila sa paningin ko ng makarating kami sa gitna ng mall at pumuntang escalator para pumuntang 2nd floor.
"Nakita ko si Dylan kanina," ani ni Elle sa akin.
"Nakita ko rin. May mata ako."
"Hinahanapan ka na rin yata ng regalo 'nun."
"Eh 'di maghanap siya."
Nakaakyat na kami sa taas at nag-ikot ulit hanggang sa makahanap kami ng tindhang nagtitinda ng mga best quality earphones. Nagpabili na rin ako ng isa pang earphones para naman mapalitan ko na 'yung akin. Lumang luma na eh, hindi na rin gumagana ang isang ear plug.
"Thank you po."
Pagkatapus 'nun, pumunta kaming Watsons para magtingin-tingin ng mga bagay-bagay. Hindi naman ako magaling sa girl stuffs kaya hindi ko alam kung para saan ang make-up na naka-display sa kanang bahagi ng Watsons. Bumili ng wipes, shampoo at dalawang Vitress si mommy. Napaisip na lang ako bigla. Kapag kami ang bibili ng importante sa amin, hindi pwedeng bilhin at kailangang magdesisyon kami kung mahalaga ba 'yun o hindi dahil kung hindi ay hindi namin bibilhin 'yun. Kahit pa mahalaga na, hindi pa rin nila bibilhin. Kahit na hindi pa hihigit sa 100 pesos ay kinokonsidera nilang 'mahal'.
Matapus ang lahat ng ginawa namin sa mall ay lumabas na kami at tumawid. Pumunta kami sa harapan ng mall para mag-antay ng masasakyan namin pauwi. Wala pa namang 2pm ng matapus kami sa loob ng mall. Nang may pwede na kaming sakyan ay sumakay na ako. Masda pa rin 'yung sinakyan namin at sumakay ako malapit sa bintana sa likod. Nang makaupo na ako ay inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ko ang data 'nun. Nakita ko ang message ni Dylan.
To: Dylan Dela Cruz
Hi po, nasa vista kami
anong libro pa ang wala
ka? project loki nakakita
kami sa national bookstore
kanina
ala ring arnis sa vista
san ba meron nun?
Sunod-sunod 'yun pero magkakaiba ng oras kung kailan niya 'yun pinadala. Sinagot ko lahat ng sinabi niya bago ko pinatay ulit ang data para hindi madaling ma-lowbat ang cellphone ko. Magdadalawang taon na rin kasi sa akin ang cellphone na 'to. Nasira ang cellphone ko last year dahil matagal ko na rin 'yung ginagamit. Ngayon kasi mas kailangan naming magkaroon ng cellphones.
Dati ay hindi kami pwedeng gumamit ng cellphone ng Lunes hanggang Biyernes ng hapon dahil may pasok 'nun. Confiscated ang mga gadgets namin. Biyernes ng hapon, oras ng uwi namin dati, hanggang Linggo ng hapon, ay pwede naming hawakan ang gadgets namin. Limited lang dati pero ngayon, hindi na. Pero kapag dinadala namin ang gadgets namin sa school ay ilalagay namin 'yun sa isang box at confiscated 'yun mula unang subject namin hanggang sa last subject sa umaga, bago mag-lunch. Hanggang 12:59 pm ay pwede pa kaming mag-cellphone pero pagpatak ng 1pm, lahat ng gadgets ay confiscated ulit hanggang sa matapus ang mga klase sa hapon.
Nakarating kami sa Limay ng maayus at walang nangyayari. Wala ring tumitig sa akin sa masda. Bumaba kami sa waiting shed. Umalis ang masda nung bumaba na kami at tumawag na ng tricycle si mommy. Nakatawid ang isang tricycle at sumakay kaming tatlo doon.
Bugbog ang katawan ko at wala rin akong ganang magsalita dahil sa nangyari kanina tungkol sa respeto sa magulang. Hindi rin nila ako masisisi kung napaka-mainitin ng ulo ko o kung bakit nagiging pala-sagot ako. Dahil habang nadadagdagan ang edad ko, nakikita ko ang totoo. Ang katotohanang gusto nila kaming lumaki ng marunong pero nililimitahan lang nila kami.
Nang makauwi kami, binati ko muna si Apollo bago pumasok sa bahay nang mabuksan na ang pintuan. Umupo ako sa sofa at tinanggal ang suot kong sapatos bago umakyat habang dala-dala ang hinubad ko. Inilagay ko 'yun sa kahon. Pumasok ako sa kwarto at agad kong hinubad ang suot kong shirt. Ang init sa masda sobra.
Hinubad ko na rin ang pants ko at nagpalit ng sando at checkered manang shorts. Humiga ako sa higaan habang dala-dala ko ang cellphone ko. Nilagay ko ang cellphone ko sa nigh stand sa gitna ng kama namin ni Elle at humiga ako ng maayus habang may yakap na unan.
Nag-isip na naman ako. What if we are allowed to go outside? Are we still shy? What if we are interacting with people without the help of our parents? Are we going to be ambiverts? Questions here and questions there. It confuses me. Does mommy really mean what she has said that we can decide on our own?
The false hope is undone and she went too far in the 'done' part where she limited us to do things while we're still young. We're trapped in fantasies and they cannot blame us if we will make our room a pavilion. No invited friends. No pools. And eventually, no fun. It's just me and my fictional characters, and Wattpad.