Chereads / THE CHASE ESCAPE (ALGEA SERIES #1) / Chapter 7 - CHAPTER SEVEN

Chapter 7 - CHAPTER SEVEN

Kumunot naman ang noo ni Dylan sa ginagawa namin. Natawa na naman ako sa reaksyon niya. Kung nakakapatay lang ang masamang titig, malamang kanina pa malamig na bangkay si Abi. Super seloso niya.

"Humanap ka ng ka-MU mo, Abegail!" sigaw na naman ni Dylan, isang desk ang pagitan namin.

"Akin na siya!" 

Inangkin na naman ako ni Abi habang hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakayakap niya sa akin at nilabas na naman ang dila niya, inaasar pa lalo si Dylan. Lalo pang nainis si Dylan pero hindi siya makalapit sa akin. Tinutulak kasi siya ni Abi papalayo para hindi makalapit sa 'kin. Tawa na lang ako ng tawa sa kanila. Pinag-aagawan nila ako ng wala sa lugar ang bangayan nilang dalawa. Talaga naman. 

Idagdag mo pa si Jason na nililito ako sa nararamdaman niya. It's been months at iniisip ko pa rin kung totoo ba o hindi ang pagka-crush niya sa'kin. Umamin siya sa akin dati at nang makalipas na naman ay hindi na naman raw, 'tas kasunod 'nun ay oo na naman raw. Ugh! Nakakainis rin ah! Parang sinasadyang magmaang-maangan ng loko!

"Huwag nga kayong mag-away!" sigaw ni Lexie nang makapasok siya sa silid.

Ngumuso parehas sina Dylan at Abi habang nakatingin sa kanya.

"Inaangkin nila si Ellaine!" reklamo ni Dylan habang patuloy pa ding sinisikap na makalampas kay Abi para mahatak ako.

Hindi ko alam kung anong nakain nitong si Dylan at saan niya nakuha ang tapang niyang lumapit sa akin. Basta natatawa na lang ako sa kanila. Ilang buwan na rin naman ang nakalipas at naging close ko naman ang iba sa kanila. Ang iba ay nasusungitan ko pa pero 'yung tropa ko sanay na sanay na sa pagka-maldita ko. Minsan nga wala na lang silang pakialam kung umiirap ako o kung sasamaan ko sila ng tingin, dahil alam nila normal na sa akin 'yung mga 'yun.

"Gago! Kaibigan nila yan!" ani ni Lexie at hinatak si Dylan sa braso. Lumingon siya sa akin at kumindat. Nang-aasar yata pero natawa na lang ako. Para kasi siyang nanay ni Dylan sa tropa nila. "Bumalik ka na nga dito, Dylan! Pati babae pinagseselosan mo! Hindi lesbian si Ellaine. Magising ka nga! Pota ka!" 

Lalong ngumuso si Dylan at parang lantang bulaklak na bumalik sa tropa niya.

"Good boy," pang-aasar ni Lexie habang ginugulo ang buhok ni Dylan na parang tutang nakinig sa amo niya.

Ngumuso siya at tumingin sa 'kin na parang nanghihingi ng saklolo. Ang hilig niyang magmakaawa. Nakakarindi na madalas. Ang dali niyang magselos kahit kaibigan ko lang naman ang taong kaharap ko o kakasatan ko. Sumasabay lang talaga ako sa trip ng tropa ko kaya nakikitawa ako pero sa isip ko ay naiinis na ako sa pagka-seloso niya. Hindi ba siya magbababa ng pride niya para sa mga kaibigan ko? Kahit sa mga kaibigan ko lang na nanghaharot sa akin? Kasi alam ko namang hindi ako jojowain ng mga 'to. 

Okay na sana kung kay Jason lang dahil hindi ko din naman makausap ang tao dahil lumalayo 'yun sa 'kin, at for a fact na pinaniniwalaan pa din niyang may crush pa sa akin 'yun. Eh, hindi nga namin alam kung crush pa ako 'nun. Kahit ako naguguluhan.

Ilang beses na rin ang pangyayaring ilang na ilang si Jason sa 'kin kapag tinatanong ko kung crush niya ba talaga ako. Pagkatapus niyang makaamin noon ay lagi na siyang tumatanggi ngayon, kaya lalo akong napapaisip kung totoong wala lang ba talaga. Hindi ko alam. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit 'the curiosity is killing me'. Patay na siguro ako kung pinapatay talaga ako ng sarili kong kiyuryosidad. Nagsisimula ko na ngang isipin na sa tuwing lalapit ako para kausapin siya ay bumabalik ang feelings niya para sa 'kin. 

The past few months ay inaasar siya kay Mai. Medyo napapaisip ako doon. Dahil crush daw ni Mai si Jason, kaya nabawasan din ang issue sa aming 'love triangle' kuno ng mga abnormal naming mga kaklase. May issue din tungkol kay Leo at Riel, na naging MU daw ang dalawa at naging sila, tapos nag-break. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba 'yun o hindi, basta ang alam ko lang ay nagkaroon nga yata ng something sa dalawa. Ang dami na din kasing nangyari sa nakalipas na mga buwan, kaya medyo gulong gulo na din ang isipan ko.

Nagkaroon na din ng surprise para kay Lexie, para sa advanced celebration ng birthday niya. Si Daniel ang nag -prepare lahat, mapa-cake man at gimik, at syempre, hindi pwedeng mawawala ang regalo niya kay Lexie. Neck pillow lang naman. Nagbigay din ang tropa ni Lexie ng ibang regalo, katulad ng T-shirt. Tama ngang may gusto siya dito at nalaman kong nanliligaw siya. Nasurpresa na din namin noong October 5 ang aming pinakamamahal na adviser. First time niyang ma-surprise at galing pa sa sarili niyang advisory class, dahil first time niya ring maging adviser since she graduated. Hindi pa siya nakakakuha ng board exam pero sure akong malapit na din 'yun.

Halos madami na ring nangyari sa pagitan nina Dylan at Jason. Napapahawak na lang ako sa sentido ko sa mga panahong 'yun. Madalas ay nakikita ko silang nagkakasatan at masyado akong naririndi sa tuwing magsusumbong si Dylan dahil daw sinasaktan siya ni Jason. Hindi na ako naniniwala minsan, dahil nababasa ko ang mata ni Jason na hindi naman totoo ang mga paratang ni Dylan sa kanya, ni pananakit na kagagawan niya raw ay hindi na ako naniniwala, pero lagi ko siyang nabubulyawan. Nagmumukha tuloy siyang kawawa, dahil sa pangungutyaw ko sa ginagawa niya kay Dylan. 'Yung ibang sumbong sa akin ni Dylan ay wala namang katuturan. Kunwari nang-aagaw ng pagkain at ang pagkakasatan nilang nagiging sakitan sa sumbong niya. Sinusubukan niya lang siguro ako kung poprotektahan ko siya at 'yun naman ang ginagawa ko.

Lunch na at ang tagal pa ng oras. Lahat ay naiinip na at nakatutok sa mga cellphone nila habang ako ay nakikinig lang sa music sa earphones ko. Gusto na rin kasi naming makita kung saang grupo kami nakapaloob para sa Intramurals. Nakakakaba pero may parte sa aking hinihiling na sana hindi kagrupo si Dylan. Maiilang kasi ako kung kagrupo ko siya. Baka hindi lang ako makakilos ng tama.

Wala akong pakialam sa paligid ko kahit sa cellphone ko nang biglang mag-chat si Harold sa akin. Nagre-reply siya chat ko noong nakaraang dalawang buwan pa. Nangamusta lang naman ako. Kaya ko lang din naman 'yun nagawa ay dahil wala akong magawa sa room 'nun, pero wala din naman akong intensyong mag reply ngayon. Pero mukha yatang kailangan. Baka isipin kasi niya na ako ang unang nag-chat, tapos ako pa ang mangdededma. Ang kapal naman ng mukha kung ganun, 'di ba?

From: Frith Castillo

Ok lang naman. Ikaw ba?

To: Frith Castillo

Ayus lng rin naman.

Pagkatapus kong mag-reply sa kanya ay pinatay ko na muna ang data ng cellphone ko at nakinig na lang sa music ko nang kalabitin ako ni Rain. Lumingon na lang ako para tignan kung ano ang kailangan niya pero iba yata ang natanggap ko.

"Sinong ka-chat mo?" tanong niya. Napansin niya pala 'yun?

"Ah, si Harold," kaswal kong sagot.

"Si Harold?!" rinig ko namang sigaw ni Elle.

Napahampas na lang ako sa mukha ko. Buti na lang at wala si Dylan sa loob ng silid, kung 'di kanina pa 'yun puro tanong.

"Eh, ano? Bakit raw?" sunod na namang tanong ni Elle.

"Nangamusta lang ako. Dalawang buwan na nakakalipas 'nun."

"Ah, hindi pa kayo MU ni Dylan." Rain was relieved.

"Ang sabi niya rin ay okay lang siya 'tas nagtanong kung ako raw ay okay, kaya sabi ko okay lang."

"Eh, kamusta puso, mars?" tanong niya pa.

"Puso pa rin." At ngumisi ako.

Ala-una na ng hapon at time na para tignan namin kung saan kaming grupo mapapaloob. Ang mga cellphone ay kinuha na nila Lourine, at dinala sa faculty room para i-surrender kay Ma'am Liza. Kami naman nina Rain at ang tropa nina Lexie ay lumabas na ng room para pumunta sa SHS Building sa may cashier. Maraming estudyante na ang naroroon, including the SHS and college students. Sigurado akong nandito ang listahan dahil dito sila nagkukumpulan.

Hindi ko alam kung nasaan sina JV, dahil hindi pa din sila nakakabalik sa room. Baka nasa canteen pa din sila, o nasa kanila pa ang mga gadgets nila at naglalaro pa din ng ML. Nang umonti ang mga estudyante ay doon kami nakisiksik para sumilip sa malaking board doon na mayroong mga naka-pin na mga papel. Blue Griffins. Pink Vulture. Red Dragons. Orange Jaguars. Green Phoenix. Yellow Vipers. Una kong tinignan ang sa Pink Vulture dahil wala lang at favorite color ko ang Pink. Nakita ko lang doon ang pangalan ni Kuya Ranran at ni Dylan. Tinignan ko ang apelyido ko doon. Wala.

Lumipat ako sa listahan ng Green Phoenix para tignan kung naligaw ang apelyido ko doon. Baka kasi ibang grupo pala ang umampon sa akin. Nagbabakasakali lang naman akong naampon na ako ng Green Phoenix kaya dito muna ako magtitingin. Isa pang dahilan ko para tumingin dito ay 'yung pinaka-kulay ng asawa ko sa anime ay green. Nakita ko ring nagtitingin si Abi sa Green Phoenix kasabay ko. Sa ilang segundo at minutong masuring pagtitingin ay nakita ko na rin ang apelyido ko. Sa wakas! Yes! Green Phoenix!

Umatras ako para 'yung ibang estudyante naman ang maghanap ng kanilang mga pangalan sa listahan. Maya-maya pa ay umatras na din si Abi at pumunta sa gawi ko. Nakalabas na rin sa kumpulan ng mga tao sina Rain at Elle. Si Mariel na lang ang hindi pa.

"Anong grupo kayo?" tanong agad ni Abi.

"Magkasama lang kami ni Elle. Blue Griffins," sagot ni Rain. Nice agad. Magkasama sila.

"Green Phoenix naman kami ni Abi," sagot ko.

Kakalabas lang ni Mariel sa mala-prusisyong dagsaan ng mga tao. Natanaw ko na din sila Chilia na nakalabas na din. "Red Dragons ako, kayo ba?" tanong niya.

"Green Phoenix," sabay naming ani ni Abi.

"Kami Blue Griffins," ani naman ni Elle.

"Hala, wala kang kasama, Mariel!" gulat na sambitla ni Abi at nagtakip pa ng bibig niya.

"Sila Riel ba?" tanong ko.

"Yellow."

"Kahit si Ash?"

"Yellow din."

Kawawa naman pala 'tong si Mariel, walang kasama.

"Okay lang yan. Baka meron namang galing sa ibang grade level na kakilala mo tapos kasama mo," pagpapalakas namin ng loob sa kanya. Sabagay, hindi naman siya takot kahit may kasama man siya o wala. Masyado siyang ma-tomboy para matibag ng tao. Sa totoo lang, bossy siya. Para niya kaming ginawang alipin in the past few months na kasama namin siya. Palipat-lipat na din siya ng tropa. Napupunta siya kala Riel at Alluka, tapos mapupunta sa amin. Hindi ko rin alam. Minsan naiisip kong ayaw na din niya sa tropang pinalooban niya kasama kami. Hindi ko lang alam kung niloloko niya na kami at pinagsisinungalingan. Napansin ko lang na minsan pag may kailangan lang siya at tsaka siya lalapit sa amin.

Ganoon na din ang nagagawa ni Abi pero sa amin siya lagi nagsasabi. Naging sinungaling si Abi nung mga nakaraang buwan pero ngayon ay nawala na 'yun. Dahil rin sa pressure siguro sa kanya bilang panganay at family problems. Napagsasabihan naman namin siya na huwag nang uulitin ang mga pagkakamali niya. 

Parang may ibang tao pa kasing naiimpluwensyahan siyang magsinungaling sa amin. Ilang beses na din siyang nahuling nandaya sa quizzes or sa test man lang. Pero nanditopa rin kami para sa kanya. Nandito kami para tulungan siya, mapalago ang kanyang katalinuhan at kakayahan. Mahalaga naman kasi sa magkakaibigan ang pagtutulungan, hindi yung nagpapataasan.

Si Mariel naman, war freak naman talaga 'yun. Mataas ang pride. Kung anung gusto niya, dapat 'yun ang gagawin niya o gagawin mo kapag inutusan ka niya. Rinding rindi na din kami madalas, pero hindi lang kami nagsasabi. Si Ash lang ang nakakapigil sa kanya. Doon lang siya takot, sobrang takot. 

Pag nakita kasing galit si Ash ay nanlilisik na agad ang mata nito at para kang papatayin na kakainin. Ganoon magalit 'yun, 'tila tigre o leon na gutom. Lahat naman ay nananahimik pag nagalit at nagbawal na ang presidente namin. Si Ash lang ang may kakayahan at kapangyarihang gawin 'yun. Para siyang haring namumuno sa kanyang nasasakupan.

Bumalik na kami sa room at wala pa rin kaming magawa dahil ang tagal din ng mga teachers. Baka wala nang klase? Hindi kami sigurado. 

Nag-recess na at lahat pero wala pa ring dumating na teacher kaysa kanina, si Ma'am Liza. May mga ibibigay daw na mga lugar kung saan magaganap ang mga meeting ng bawat grupo at sinabi niya na rin sa amin kung kailan magsisimula ang Intramurals Day namin. Bukas raw ang walk from Plaza De Mayor hanggang school. Sanay naman akong maglakad ng malayo kaya piece of cake na lang ang gagawin naming mahaba-habang lakad, to think na mainit din 'nun panigurado. Sikat ang araw at umaga pa ang lakad namin. Madadaanan rin namin ang highway for sure.

"Pre, green ako!" dinig kong sigaw ni Sheed.

"Yellow ako!" sigaw naman ni Jason na parang timang na tumatalon, akala mo kalalabas lang sa mental.

"Orange ako." Malungkot na ani naman ni Daniel.

Ang swerte ko pa pa lang meron akong kasamang tropa o kaklase kasi ang hirap pag wala kang kaklase sa bawat grupo. Wala kang makakausap. Baka matulala ka lang sa meeting. Lalo na sa Orange. Baka halos ng makasama mo ay college o kaya SHS students. Kung bihasa ka sa socialization, okay pang maging mag-isa ka, dahil walang ilang na magaganap sa pagitan mo at ng kolehiyo at sekundarya. Pero kung hindi, goodluck na lang. Bawi na lang next life.

"Ako rin. Green," ani ko kay Sheedise kahit hindi niya naman tinanong.

"Kami ni Chilia, pink," ani ni Dylan.

"Kami naman ni Ash at Riel, yellow," ani ni Lexie.

"May mga kasama kayo?" Matamlay na namang tanong ni Daniel.

Sad life. Ang lungkot naman ng Intrams niya. Sana may kasama siya kahit kakilala niya man lang sa Orange Jaguars. Dapat kasi ay walang Orang Jaguars at Pink Vulture, kaso rumami daw ang mga estudyante sa kolehiyo at sekundarya kaya nadagdagan ang team. Kamalas-malasan na nga lang ni Daniel at doon siya napunta sa mga extra groups na 'yun. Goodluck na lang siguro?

Lumipas na naman ang mga araw para sa paghahanda sa magaganap na Intramurals Day. Ngayong araw gaganapin ang mga meeting sa mga spesipikong mga lugar. Pero ang tanong namin ni Abi, saan ang AVR Room?  Doon kasi kami magmi-meeting kasama ang mga kagrupo namin sa Green Phoenix.

Sinusundan lang namin buong magdamag si Sheedise, para masaulo ang school, at malaman kung nasaan ang AVR. Nasa senior high building daw kasi ang room ng meeting ng Green Phoenix. Mas madali pa kung napunta ako sa grupo na canteen lang ang location ng meeting. Mas madali 'yun mahanap kaysa sa AVR na 'to, promise. Limang buwan na kaming estudyante sa Heroes pero hindi pa rin namin saulo 'tong school. Napakalaki naman kasi!

Pumasok na kami sa AVR. Madami ng college students at SHS ang mga nakaupo. 'Yung iba ang sarap titigan ng masama dahil sa mga ngiti at titig nila sa 'kin. Alam ko namang maganda ako pero masarap pa ring dukutin ang mga mata nilang nakatitig sa akin na para bang anytime ay tatanungin nila kung single ako at pwedeng ligawan. Hindi ako assuming pero pwedeng posible talagang mangyari sa 'kin 'yun. Pero sana naman hindi.

May dala akong ballpen at notebook pero feeling ko mawawalan din 'yun ng saysay mamaya once magsimula nang magsalita ang nasa harap or ang team leader. First time ko kasing maranasan ang mga ganito kaya litong lito ako sa mga nangyayari. Kahit si Abi, first time maranasan 'to. Wala naman kasi kaming intramurals noong elementary days or noong freshmen pa kami. JS Prom naranasan pa namin.

Ang ingay ng mga college at SHS students. May nagkakasatan at nagdadaldalan. May mga tahimik at may mga naglalandian. Palengke at bar party yata ang theme ng meeting at hindi ang makinig sa nagsasalita. Nakakunot lang ang noo ko at inaantok na dahil wala pa ring nasisimulan ang meeting na 'to. Napahikab na nga ako sa kaboryohan. Walang kwenta. Awit.

"Hello, fellow Green Phoenix-es! Ready na ba kayo sa meeting natin?" pagsasalita ng leader namin.

Nagising ako sa boses niya. Ang daming sumagot ng oo pero kabilang ako sa sumagot ng hindi. I normally do that lalo pag ayokong makinig, kasi boryong boryo na ako at inaantok na sa sobrang ingay ng mga estudyante at sa sobrang tagal nilang magsimula kanina. Buti na lang mahaba ang pasensya ko. Swerte na nila doon. 

Hindi ko masyadong marinig ang sinasabi ng team leader mula sa pwesto namin kaya nagkunwari na lang akong nakikinig. Ang pwesto kasi namin ay nasa likod. Puro SHS students kasi ang nasa upuan sa harapan kaya wala na kaming mapwestuhan doon o kaya masyado lang kasing malapit ang mga silid nila kaya ang dali nilang nakarating dito. 

Ang narinig ko lang ay mayroong mga laro na gagawin sa Intrams: Squabble; Win, Lose or Draw; GOG; Amazing Race; Badminton; at Volleyball. Mayroon ding dance competiton at speech choir. Interesado akong sumali sa speech choir, kaso paano kung maligaw ako sa school kasi hindi ko alam kung ano 'yung location na sasabihin nila? Paano ako?

Nagsisimula na namang mangibabaw ang antok ko kaysa sa makinig sa team leader namin. Nagigising lang ang diwa ko nung may nagpapasa lang ng pipirmahan at ililimbag roon ang ngalan namin at pirma. Laging ganun lang ang mood ko simula nang nagsimula ang meeting na wala naman talaga akong marinig, kaya para sa akin ay walang kwenta 'tong meeting. Panigurado 'yung mga tao lang sa harap ang nakakaintindi sa sinasabi ng team leader namin.

"Huy!" kalabit ni Abby sa akin.

"Ano?"

"Huwag kang matulog."

"Wala din naman akong maiintindihan."

"Gaga."

"May naintindihan ka ba?" tanong ko.

"Sabi ko nga wala."

Kulet baga. Na-gaga pa nga ako, eh siya rin pala wala ring marinig.

Wala talaga akong naintindihan buong meeting kaysa sa detalye sa speech choir at tungkol sa dance competition. Nagpalista ako sa speech choir kahit alam kong mahihirapan ako sa mga practice locations at sa pakikipaghalubilo. Wala akong mapili sa ibang activities. Wala akong alam sa lahat. Alam kong maglaro ng badminton pero hindi ako ganoon kagaling para makipagkompitensya sa kolehiyo at sekundaryang mga sasali roon kaya 'di ko na rin naisip na magpalista doon. Tsaka, baka mamaya maligaw na naman ako sa school kapag binigay na ang practice location. Ayoko pa namang magtatanong ako sa mga etsudyante sa paligid.

Nag-ayus lang ulit ng mga booth ang iba at wala ring masyadong klase. Uwian na namin at kinakabahan ako sa mga susunod pa na mangyayari, lalo na sa mismong intramurals. Napag-alaman na din namin ang mga names ng mga bagong ka-service namin. Si Meraldinem Rowveri Wayne at si Elaisa Aphresindella Lopez. Parehas silang mga 1st year high school students at kaklase ni . Ang komplikado ng names nila dati para sa amin pero ngayon ay sanay na kaming magkaka-service.

"Em! Em!" tawag ni Lourine kay Rowveri sa palayaw niya. "Anong plano niyong salihan ni Elaisa?" tanong niya.

"Hindi pa namin alam, ate, eh." Ngumuso siya at humalukipkip. "Wala naman kasi kaming alam sa mga laro, ate." 

Tama naman siya. Wala pa naman kaming alam sa mga laro na nilagay nila para sa Intrams at tsaka mga bago pa lang din kasi kami. Kahit sabihing ang tagal na din namin at ilang buwan na ang nakalipas, wala naman silang nababanggit tungkol sa Intrams nila last year, pwera sa mga kaklase namin. Pero kasi mga pictures lang at mga experiences lang nila ang mga nabanggit nila sa amin at hindi naman nila pinagmukhang first time nila dati kaya wala talaga akong ka-ide-ideya kung anong gagawin sa Intrams. Naiisipan ko na ngang hindi umimbita kaso required kasi may mga gagawin rin kami for the event.

"Kahit kami nung last year wala kaming mga alam sa bagay-bagay nung nag-Intrams. Hatak dito, hatak doon ang mga teachers sa amin para may maisali lang sa laro. May humatak na ngang teacher sa 'kin para lang may maisali ang team namin sa GOG eh. Kaso hindi ko din alam laruin 'yun. Tamang hatak lang kasi sa 'kin, pero masaya siya laruin. Kakaibang laro kaysa sa nakasanayang mga larong kalye pero masaya 'yun! Kakaibang experience!" pagke-kwento ni Lourine na sobrang dinig na ng buong service, kahit ang kausap lang naman niya ay si Rowveri.

"Kaso baka iba na ang rules at mechanics na gamitin nila ngayon," dagdag pa niya.

"Ano ba dati, ate?" tanong ni Rowveri.

"Tao lang ginamit bilang mga piyesa. Kami ang kukuha ng flag. Agawan ng flag 'yun. Kung sino makadami ng flag, siyang panalo. Protektahan ng General. May spy."

"Ha?" litong tanong pa din ni Rowveri.

"Tuturuan na naman kayo. May mga practice times din naman 'yan, kung masasali nga lang kayo 'don. Hindi katulad namin last year, hinatak lang kami papunta sa GOG, para may maglaro sa team. Mas mahirap 'yun," sagot ni Lourine.

"Eh paano naman ung squabble, ate?" tanong ni Elaisa.

"Ang alam ko lang ay maglilista 'yun ng words sa isang papel, paramihan ng maisusulat. May ifi-flip na mga tiles ng scrabble sa harap niyo. Ang gagawin niyo is sa letters na nakababa na doon sa table ay gagawa kayo ng words na pasok lang dapat 'don. Hindi pwedeng sobra. Dapat 'yung words na magagawa ninyo, 'yung mga letters dapat galing lang sa naka-flip na na mga tiles. 4 letters yata 1 point; 5 letters, 2 points; and 3 letters, 3 points. Habang pataas ng pataas 'yung dami ng letters ninyo, mas mataas na points 'yung makukuha. Parang sa normal na laro, kung sino makakuha ng pinakamataas, 'yun yung panalo," pagpapaliwanag niya.

"Mukhang 'don na lang ako ah," prisinta ni Rowveri na nag-iisip.

"Lahat naman mahihirap. Kailangan maiging pag-aralan lang talaga, 'yung mechanics and techniques kung paano mo tatalunin kalaban. Baka this year magbago ang mga rules ng lahat, kaya dapat ready tayo for changes," ani ni Lourine.

"Eh 'di nalito na 'yung mga may alam ng laro last year?" nguso at takang tanong ni Rowveri. Kahit ako ay naguguluhan na rin dahil tama naman si Lourine at baka mabago nga ang mechanics ng mga laro.

"Kayo ba, Ellaine, saan kayo sasali?" tanong niya sa amin, sadyang iniiwasan na ang mga tanong ni Rowveri.

"Speech choir sana ako," ani kong malamig ang boses.

Nagkibit-balikat ako habang hawak ang cellphone kong nakabukas, nakalantad ang binabasa.

"Wow!" gulat agad nilang lahat.

Ano bang nakakagulat sa pagsali sa speech choir? Eh, madali lang naman 'yun kung sa perspekto ko. Sa totoo lang parang declamation lang 'yun. Kung tutuusin nga, grupo pa 'yung sasalihan ko. Mas mahirap i-handle ang synchronization ng mga ganoon pero okay lang din kung nakikinig lahat ng miyembro. Hindi naman siguro magugulo ang mga magiging miyembro dahil pili lang naman lahat. Siguradong makikinig naman lahat, pero hindi pa din ako sigurado. Gusto ko lang naman ng matitinong mga ka-miyembro para makakasabay ako sa flow ng practice at madali akong maging komportable sa paligid ko, at makuha ko agad ng tama ang timbre ng magiging salitaan namin o bigkasan.

"Ate, maganda nga speech choir!" bulalas ni Rowveri.

"Pero hindi ba mahirap para sayo, Ellaine? Wala kang kasamang may alam sa junior sa school na nakasali sa speech choir," ani ni Lourine.

Nagkibit-balikat na lang ako dahil sa sinabi niya. Well, she's right pero wala naman akong magagawa, 'di ba? Ginusto ko 'yun dahil gusto kong 'yun ang salihan ko kaysa naman sumali ako sa ibang laro na hindi ko naman alam kung paano gagawin doon. Hindi na ako sumagot sa kanya at nagbasa na lang ako ng basa sa cellphone o kaya naman ay ibabalik ko sa messenger ang nasa screen ko para tignan kung meron ng bagong chat sa gc or chat galing kay Dylan. Nagpapatay kasi siya ng data at hindi nagcha-chat kasi may vehicle sickness daw siya, kaya hindi siya pwedeng gumamit ng cellphone sa byahe dahil lalo siyang mahihilo kung gagamitin niya pa 'yun.

"Uy, ka-chat mo na naman si Dylan 'no, Ella?" asar ni Abi. Nasa harapan ko siya sa service at tumatalikod lang para daldalin ako.

Tinignan ko siya ng masama. "Baliw, hindi." Iniharap ko sa kanya ang screen ng cellphone ko. "Nagbabasa ako. See? See?" pagtataray ko at umirap.

"Galet na galet?" natatawang tanong ni Abi at binigyan ako ng nakakaasar na tingin. Sumandal na lang ulit ako sa upuan ko at inalis na sa kanya ang tingin ko. Tinuon ko na lang sa binabasa ko ang mga mata ko hanggang sa makauwi. 

Mahilig na talaga silang mang-asar sa akin simula nung nalaman ng buong klase at lahat ng subject teachers and advisory namin na MU na kami ni Dylan. Lalo pang lumala nang naasar din ako parehas kay Jason at Dylan one time sa Filipino. Pinapili ako kung sino ang pipiliin ko sa kanila at ang masaklap pa ay pinapamukha nila kay Jason na wala akong feelings sa kanya. 

Sa lahat ng kinapalan ko ng mukha at nawalan ako ng pake sa damdamin ng mga lalaki, kay Jason lang ako na-guilty dahil for sure nasasaktan siya noong pinapapili ako, at si Dylan ang awtomatikong sigaw ng mga kaklase namin na pipiliin ko. Siguradong nakatatak na din sa utak niya na wala siyang chance sa akin. Kahit totoo naman. Pero May chance pa din naman siyang maging kaibigan ko, kung kakausapin niya pa ako at hindi iiwasan. Kaso mukhang malabo 'yun.

It's been past some days, at one day na lang before ang Intramurals. Nag-aayus pa rin ang mga estudyante para bukas. Natanggal na rin ako sa speech choir. First practice pa lang ay hindi ko na alam ang location, at ginabi pa ako noon. Lahat ng hallway ay madilim na at tila may lilitaw na kung anong multo doon na kakatakutan ng ibang taong hindi tulad kong walang pakialam sa kung ano mang mangyaring paranormal sa paligid. Umuwi na lang rin naman kami ngung araw na 'yun kaso nanghinayang ako 'nun. Siguro kung asaulo ko lang ang pasikot-sikot sa Heroes ay naka-attend ako sa speech choir practice.

Pero ayus lang dahil nasali naman ako sa squabble, kahit hindi ko naman alam kung paano 'yun laruin. Komplikado nga 'yun katulad nang pagkakasabi sa amin ni Lourine, pero for this last minute ay naiba ang rules. Katulad rin nang na-predict ni Lourine nung nakaraang araw sa service. 

Agawan ng scrabble tiles ang gagawin. Maglalapag sila ng scrabble tiles at ang mga magkakalaban ang titingin sa bawat letra. Kailangang mabilis ang kamay at utak mo para makabuo at makakuha kayo ng points at maka-steal sa kalaban ng mga salita. Para makakuha ng points ay kailangan mong makabuo ng salita: 4 letters is equals to 1 point; 5 letters is equals to 2 points; and just plus one point again for the 6-letters word.

For example, 'PALM'. Kung hindi pa nababanggit ng kalaban mo ang mga salitang 'LAMP', ay pwede mong i-steal ang word nila at magiging puntos niyo 'yun. Kung naglapag sila ng tiles at may nakita kang letter S ay pwede mo 'yung ilagay sa salitang 'LAMP', kaya magiging 'LAMPS' na 'yun. Kailangan mo pa ring sabihin ang 'PALMS'. Kung hindi ay mawo-word steal sa inyo ang salitang 'yun. Kung may nakita ka namang letter E na nilapag ulit pagkatapus mong mabuo ang 'LAMPS', pwede mo ulit iyong dagdagan at magiging 'SAMPLE' o 'MAPLES' 'yun. Ganun ulit, kung hindi mo nasabi ay pwede 'yung ma-word steal ng kalaban. And so on and so forth.

Ngayong araw ay wala kaming masyadong ginagawa. Hindi rin naman ako pinapatawag sa SHS Faculty Room para sa squabble practice. Magaling naman raw ako kaya hindi ko na kailangang pumunta doon. Masyado raw mabilis ang mata at utak ko for a first timer. Nasanay lang siguro ako dahil nagbabasa ako ng libro. 

Pinag-civilian na lang kami at small bag. Suot-suot ko ang Green Phoenix T-shirt at ang ibang mga estudyante ay suot nila ang mga T-shirt na provided ng kanilang mga grupo. Kakatapos lang ng mahabang lakad namin from Plaza De Mayor hanggang BHC. Nadaanan din namin ang Bataan Peninsula State University, or BPSU in short, nung naglakad kami. Madaming nagsisi-kawayan at nakasilip na mga estudyante sa bintana ng bawat room na naroroon sa ikalawa o ikatatlong palapag ng BPSU, tinitignan kaming maglakad na para bang nagpu-prosisyon kami dito. Mainit rin nung naglakad kami. 

Si Abi naman ay puro kuha ng litrato ang ginagawa sa lakad para raw may souvenir at para raw may mabalikan kami next school year. Papunta kaming canteen ngayon at bibili na naman ng KeriToh. Naging paborito na namin 'yun at nakasanayan na namin kumain 'non tuwing may okasyon sa school, o free time. Nandito na kami sa stall ngayon at bibili na.

"Ate, dalawang K4 tapos lahat cheese sticks," ani ko habang hawak ang isang daang ipapangbayad ko.

"Sa akin ate, dalawang K4 tapos isang K1," ani naman ni Rain.

"Sige, upo na lang kayo diyan habang naghihintay," ani ng tindera at 'yun nga ang ginawa namin. Umupo lang naman kami sa mga monoblock na upuan sa may puting folding table na naka-assemble sa harap ng stall at nag-intay. 

Masarap naman talaga kasi ang tinda nila. 'Yung K1, iced tea lang at fries pero pwede ka pumili ng gusto mong flavor ng fries mo bago nila ilalagay sa container. Either cheese, sour cream, o barbecue ang choices sa flavors. Pwede ring mag-combine ng flavors if gusto mo. K2 naman ay ganoon din pero may dalawang hotdog na kasama. K3 naman, may dalawang cheese sticks and same as the rest. Lastly, K4, lahat nandoon, pwera na lang if gusto mong apat na cheese sticks or apat na hotdog. Pwedeng ikaw ang mamili. Customized baga, ganun. 

Pero ang favorite namin is barbecue flavored fries with four cheese sticks, then iced tea. Dati may orange juice kaso nawala na. Naubos na yata. Mga healthy living yata ang mga tao sa school na 'to, kaya ganun.

"Sige po, thank you, ate," ani ko. Inabot ko ang isang daang bayad ko at hindi niya na sinuklian 'yun dahil sabi kong huwag na. Dalawang piso lang naman ang isusukli niya sa 'kin.

"Uy, maiwan muna kayo diyan ah. May bilhin lang ako sa canteen, pasama lang ako kay Elle, Ella," pagpapaalam ni Rain. Tumango na lang ako sa kanya habang kumakalam na ang sikmura ko.

"Sama na ako. May bibilhin din ako eh," ani ni Abi.

"Oh, maiwan kayo diyan, Ella at Mariel. Bantayan niyo food natin." ani ni Elle.

"Oo," pagsasang-ayon ko sabay sumubo ulit ng fries.

Maga-ala-una na ng hapon nang matapos ang binili namin. Ang iba ay tumutulong sa paggawa ng kung anu-anong iutos ng mga teachers samantalang ako tamang kain at stay lang sa room. May mga activities pa rin namang gagawin. Madalas, paglilinis ng room at outdoor games na hindi naman namin sinasalihan. May registration bawat team sa may cashier for entrance and exit, or lunch break signature. Lagi maman akong responsable doon kaso minsan talagang nalilimutan na sa kaboryohan o kaaliwan sa mga bagay-bagay na nangyayari.

"Laro na lang tayo ng truth or dare. Nakaka-boring," prisinta ni Mariel nang makabalik kami sa room dala-dala ang mga pinamiling pagkain namin sa canteen. Umupo kami sa mga bangkuan sa sulok at nilapag ang mga pagkain namin sa malapit na lamesa.

Truth or Dare na naman.

Sa totoo lang, may mga tumakas na ngang mga kaklase namin. Mga pumuntang Vista Mall. Mga nangangati na kasi ang mga paa gumala. Hindi naman talaga pwede lumabas, sadyang matitigas lang ang mga ulo nila, kabilang na roon si Dylan. Kahit ano pang sabihin kong pinagbabawal ang lumabas at pagsabihan niya ang tropa niya, kung hindi talaga siya makikinig sa akin, eh wala akong magagawa. Wala din naman akong magiging kasalanan kung lumabas sila at mapagalitan pagkatapos ng kalokohang ginawa nila.

Hanggang saan aabot ang kaboryohan nila?

Paniguradong sa truth or dare, si Mariel na naman ang magbibigay ng pinaka-bwiset na dare kung ang isasagot ko sa kanila ay dare. Sure akong papapiliin na naman niya akong may gawin sa dalawa. Dahil boryong boryo na din ako ay nayuko na lang ako sa desk at naghihintay ng chat ni Dylan kung pabalik na ba sila. Matigas din kasi ang ulo 'nun. Kung go ang tropa niya, go na rin siya. Tropa goals.

"Ang tagal naman nila," boryo na ring saad ni Abi.

"Matitigas ulo eh," ani ni Elle.

"Maglaro na lang talaga tayo. Start tayo kay Abi. Truth or Dare?" lingon ni Mariel kay Abi. Hindi niya na kami hinantay na magsabi kung agree ba kaming maglaro ng Truth or Dare o hindi, kaya wala na akong choice kung hindi sumali. Siya yata ang batas.

"Syempre game ako! Syempre truth tayo!" biro niyang ani.

"Game daw tapos truth? Kami niloko mo ha, babae ka?!" batok ko sa kanya.

"Aray ko naman, Ella. Susumbong kita kay Dylan. Bad ka." Ngumuso siya.

"Bilis na."

"Sino crush mo dito sa room?" tanong ni Mariel.

"Wala ah," bulyaw ni Abi nang walang pagdadalawang isip.

Ngumiti ako nang nakakaloka sa kanya bago naging ngisi 'yun. Sinamaan niya ako ng tingin at natawa na lang ako sa reaksyon niya. Sumulyap ako ng tingin sa likod ni Mariel kung saan nakagawi ang ilan naming mga boys na naglalaro na naman panigurado, kabilang na doon si Jason. Nasa likod sila at kami naman ay nasa harap, malapit sa teacher's desk. 'Yung mga desk kasi namin ay sinandal na muna sa magkabilang pader ng silid namin, kaya maluwag sa gitna. Kung gusto naming sumayaw, eh pwede kaming maka-sayaw sa gitna. Kung gusto naman naming mag-patintero ay pwede rin. 

Habang nakatingin ako sa boys ay napaisip ulit ako. Simula talaga noong nalaman kong crush ako ni Jason ay hindi na rin natigil ang utak ko sa kakaisip ng kung anu-ano. Kung guni-guni ko lang na totoo 'yun o sadyang umaasa lang ako kahit hindi naman dapat. Wala akong karapatang umasa dahil may ka-MU ako, at si Dylan 'yun. Pero bakit sa tingin ko ay napupuno ang isip ko ng tungkol sa nararamdaman ni Jason para sa 'kin? Bakit ba curious ako?

Para bang tinutulak ako ng sarili ko na tanungin ulit si Jason kung crush niya pa ako. Kung meron pa ba siyang natitirang feelings para sa akin. Kung ano ang nararamdaman niya sa akin. Hindi ko alam. Ang labo ko. Mas malabo pa ang utak ko kaysa sa damdamin niya. He is such a mysterious person. 'Yung makikita mo siyang masaya at tumatawa kahit nababasa kong may iba pang gumugulo sa isipan niya na hindi niya maibahagi sa tropa niya, na ayaw niyang magdrama dahil nakasanayan na ng tropa niyang maayos siya kasama. Na kwela siya. Na mapagbiro siya.

Gusto kong may malaman, pero sa tingin ko hindi ko 'yun karapatan. Wala akong karapatang mangialam o mamasukan sa buhay niya. Ang magagawa ko lang sa ngayon ay mabasa siya sa mga mata niya, na hindi lang siya isang masayahing tao. Na meron pang ibang bagay na bumabagabag sa kanya na wala pang nakakaalam kung hindi siya lang. Napailing na lang ako sa iniisip.

"Weh? 'Di nga? 'Di nga?" asar ko kay Abi nang bumalik ang tingin ko sa kanya.

Pinandilatan niya ako ng mata at ngumuso. Alam ko kasi kung sino ang crush niya. Kilig na kilig pa siyang sinabi sa akin 'yun. Kaso naiinggit ang lola niyo kasi raw sa akin may crush. Lokaret talaga si Abi. Pero hindi ako mas lokaret dahil hindi ko naman pinagkakalat 'yun. Sa 'min lang nanatili ang impormasyon na 'yun at hindi na naikalat pa. Ganun ako kagaling magtago ng sikreto ng iba.

"Wala naman talaga akong crush, Ella, ah," depensa niya.

"Asus! Imposible!" asar ko pa.

"Oo na! Oo na! Meron na! Masyado kang madaldal, Ella. Bad ka talaga. Mamaya ka kay Dylan," asar niya pabalik. Sinamaan ko siya ng tingin.

Nag-asaran na kami nang nag-asaran hanggang sa naubusan ako ng choice kung 'di mag-dare dahil puro truth ang simasabi ko kanina pa. "Dare." Kinabahan ako bigla nang nasabi ko na 'yun. Walana 'tong bawian.

"'Yan! Ganyan dapat, hindi KJ!" Masayang sigaw ni Mariel at pumapalakpak pa ng kaunti bago umayus ng upo. Nag-iba ang pustura niya. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso at hita bago ngumisi sa akin. Napasinghap ako ng hangin dahil alam ko na ang sasabihin niya. "Yakapin mo si Jason," pagtatapos niya.

Jusko mahabagin. Bakit 'yun pa? Wala na bang ibang choice?

Lalo akong kinabahan sa dare niya. Nagdadalawang isip pa ako kung gagawin ko 'yun o hindi. Kapag ginawa ko, dapat hindi ko 'to ikekwento kay Dylan. Ang problema ko din ay hindi ako sanay magtago kay Dylan. Paano ba ito? Hindi ko alam ang gagawin ko. 

Tsaka, yayakapin ko si Jason? Eh, hindi rin naman kami close! Paano 'yun? The fudge! Ang hirap magdesisyon, fuck.

Lumunok muna ako bago sumagot sa kanya habang masama ang titig ko sa mga mata niya. "Hindi pwede 'yun. Hindi papayag si Dylan." Kumunot naman ang noo niya at halatang hindi nagustuhan ang isinagot ko. Biglang nagbago na naman ang pustura niya at naging maamo ang mukha. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa desk at humarap sa akin. "Eh 'di i-chat muna naten," ani niya na ikina-diretso ko ng upo. Kumabog ang dibdib ko. Putek na 'yan! Ime-message pa! Lalo lang niyang palalalain ang sitwasyon!

Tinignan ko ang active status ni Dylan.

Active 5 minutes ago...

'Yun ang status niya ngayon. Bago siya mag-off, nagpaalam muna siya sa akin bago sila tumungong Vista Mall. Actually, hindi paalam 'yun. Update lang. HIndi rin naman siya nakinig sa akin nung sinabi kong bawal so update lang 'yun. Considered as paalam sana kung nakinig kaso hindi naman so hindi included. Nag-iwan na din ako ng chat, baka sakaling makita niya.

To: Dylan Dela Cruz

May dare si Mariel sa akin pwede ko

bang gawin?

Yakapin ko raw si Jason

Delivered. Putek, mag-reply ka na please at nanlalamig na nag kamay ko sa kaba sa dare ni Mariel, Dylan!

Halos lahat siguro ng santo ay nadasalan ko na sa utak ko para lang hindi magalit sa akin si Dylan kapag nakita niya ang chat ko. Mahirap pa naman siyang kausapin kapag nag-selos na siya kay Jason.

"Ayan. Na-chat ko na," ani ni Mariel. Niliingon ko siya kahit kaba na ang nararamdaman ko pero casual pa rin akong nakipag-usap sa kanya. Walang nginig at walang takot.

"Chinat ko na din para masigurado nating malaman niya muna bago ko gawin yung dare," ani ko rin. 

Paninindigan ko 'to dahil ginusto ko 'to. Dare 'yun. Yes, I can refuse but I cannot refuse dares. I want challenges that's why I accept everytime. This time lang ako nag-alanganin sa dare. It's Jason. Not JV. Not Daniel. Si Jason. Si Jason na alam ng lahat na kinaseselosan ni Dylan. Isama mo pa ang impormasyong best friend niya 'yun. Ang hirap pa lang magkaibigan ang may crush sayo. Takte, feeling mo ikaw 'yung namamagitan eh.

"Maghintay tayo ng sampung minuto. Pag hindi pa 'yan sumagot. Gagawin mo na yung dare, Ella," dagdag niya pa. Batas nga yata talaga siya.

"Hindi ba pwedeng huwag na lang?" Nagkibit-balikat ako.

"Ayaw mo ng dare na 'yun?" Tinaasan niya ako ng kilay habang nakahalukipkip pa rin.

"I mean, kasi, magagalit panigurado si Dylan pag nalaman niyang ginawa ko yung dare."

"Hindi niya naman malalaman kung walang magsasabi. Ang tanong, sasabihin mo ba?"

May point pero parang masyado yata siyang desperadang gawin ko ang dare niya. Napapaisip tuloy ako. Plano niya bang magalit sa akin si Dylan? Kasi kung oo, eh bakit naman? Posible kasing pinapagawa niya 'yun sa 'kin at ikekwento niya kay Dylan pagkatapos ng lahat ng mga mangyayari ngayon nang iba na ang nilalaman ng kwento niya. Ugali niya 'yun kaya sobrang posibleng ganun ang mangyari. Patibayan na lang talaga ng loob ang labanan sa mga ganitong sitwasyon. Kung magpapasira ka, talo ka.

"Wala na bang pwedeng ibang alternative na dare?" tanong ko habang kinakabahan pa rin sa kung ano ang posibleng mangyari sa usap namin ni Dylan mamaya once na maikwento ko na nag nangyari. Sana naman kayanin ko ang mga sasabihin niya. I'm weak when I have a MU and I am willing to let my pride flow freely when I like someone. Kaya kung magagalit si Dylan, hayaan ko na lang dahil may karapatan naman siya 'dun. Pero siguro naman hindi siya magagalit kung hindi naman totoong yakap ang gagawin ko kay Jason, 'no? I'm setting my hopes high.

"Meron pa naman," sagot niyang naka-ngisi na naman.

Hindi ba siya nauubusan ng pang-asar sa 'kin?

"Ano?"

Sana naman ay matino-tino ang alternative dare na ibibigay niya. Kung hindi, no choice ako kung 'di yakapin si Jason. Hindi ko naman talaga yayakapin. Nakapulupot lang ang braso ko sa kanya at may space pa naman sa pagitan namin. 'Yun ang plano ko. Floating hug, ganun.

Ngumisi ulit siya bago sinabi ang alternative dare na tinutukoy niya. Hindi niya inalis ang mga mata niya sa akin at ganun rin ako sa kanya. Inaantay ko lang na magsalita siya at masabi 'yun para matapus na 'tong diskusyunan tungkol kay Jason. 

"Picture with your crush."