Chereads / THE CHASE ESCAPE (ALGEA SERIES #1) / Chapter 13 - CHAPTER THIRTEEN

Chapter 13 - CHAPTER THIRTEEN

Masaya akong kinakausap si Harold habang nagsusulat ako, ngunit bigla akong kinabahan ng biglang nag-iba ang kanyang ekspresyon.

"Bakit ganyan itsura mo?" Hininto ko ang pagsusulat ko at tumingin sa kanya. Tinagilid ko ang ulo ko habang nagtataka.

"A-Ahh, Ellaine...a-ano kasi..." Nauutal niyang tinawang ang pangalan ko na lalo kong ikinakaba ngunit nginitian ko lang siya.

"Oh, bakit?" tanong ko habang nag-iisip ng isusulat ulit

"Paano kung hindi na kita gusto? Magagalit ka ba sa akin?" biglang tanong niya.

Naramdaman kong huminto ang mundo ko. Ha? Anong sinasabi nito? Bakit nagtatanong siya bigla ng ganito sa 'kin?

"H-Ha?" lito kong tanong sa kanya. Wala ng ibang bagay ang nasa isip ko kung hindi pagkalito at pagtatakang ano ang ipinapahiwatig niya sa akin ngayon.

Bumuntong hininga siyang tumitig sa mga malamlam kong matang nagtatanong pa din hanggang ngayon.

"Magagalit ka ba kapag sinabi kong hindi na kita gusto?" tanong niya pang hindi nakangiti.

Naninikip ang dibdib ko habang nagtatanong pa rin ang isip sa malabo niyang katungan. Hindi ba at nangako siyang aabot pa kami ng altar? Bakit siya ganyan ngayon?

"A-Ano ang ibig mong sabihin?" utal kong tanong upang maiwaksi na sa isipan ko ang sinasabi niya. 

Sana lang at hindi tama ang nasa isip ko.

Suminghap ako ng hangin at sinubukang umisip muli ng isusulat ko pero wala talaga akong maisip na iba kung hindi ang sagot niya sa tanong ko pero kinakabahan pa rin ako sa sagot na 'yun.

"Ellaine..." Tawag pa lang niya sa pangalan ko ay kinakabahan na ako. Hindi niya ako tinatawag na Ellaine kaya alam kong seryoso siya sa sasabihin niya. "Yadi..." Lalo akong kinabahan sa pagtawag niya sa nickname kong gawa-gawa niya lang na nakasanayan ko ng marinig galing sa kanya. Suminghap muna siya ng hangin bago tinapus ang sasabihin niya. "Hindi na kita gusto, Ellaine..." Nabitawan ko ang hawak kong panulat. Sinandal niya ang noo niya sa balikat ko habang tulala akong nakatingin sa kawalan. Ano raw? Hindi niya na ako gusto? "Sorry..." Sorry? Sorry na ano? Hindi niya na ako gusto?

Para akong nabingi. Parang hindi ko matanggap. Two years ang tinagal namin tapus sasabihin niyang hindi niya na 'ko gusto? Tama ba ang pagkakarinig ko o biro niya lang 'to? Pakisabi na lang kung biro lang 'to kasi ang sakit naman ng biro na 'to.

"A-ano?" tanong ko muli baka mali lang ako ng dinig.

"I don't like you anymore, Ellaine." Dahil doon ay alam kong hindi mali ang pagkakarinig ko sa sinabi niya kanina. My heart's aching. "Sorry..." Binangon niya ang ulo mula sa balikat ko habang tulala pa rin ako. Wala akong ibang iniisip kung hindi 'bakit'? Bakit bumitaw na siya? Bakit kailangan niya ng tapusin? Bakit hindi na ako ang gusto niya? Bakit? May mali ba sa akin? Bakit hindi na lang ako?

Hindi ko magawang umiyak nang maramdaman ko ang pagtayo niya sabay pag-alis niya sa harapan ko. Hinabol ko siya gamit na lang ang mga mata. Ayokong makita nilang malungkot ako sa kinahinatnan namin. Dalawang taon din ang nasayang, kaya naman sa mismong oras na 'to ay napagdesisyunan kong hindi na muna ako magbibigay ng tiwala muli kahit kanino, kahit na magkaroon ulit ako ng bagong MU. Hindi ko na ibibigay ang puso ko sa isang lalaking hindi naman karapat-dapat. Hindi na ako aasa pa. Hahanapin ko ang para sa akin. 

He resets everything. He started again my chase for the man for me. The man I prayed to God to love me for who I am and won't leave me in my 'downs'. The man who will give me the strength to build myself more. And I swear to Harold that the 'Ellaine' he once loved was not the same when the time comes that he comes back. No more 'Yadi', just Ellaine Yezdaeca Gonzales.

Napangiti ako sa naisip na nakaraang sinisimulan ko ng lampasan. Nagpapasalamat na lang akong iniwan niya ako kung hindi ay wala ako kung nasaan ako ngayon. Kung hindi ay hindi ako ganito kasikap sa pag-aaral. Hindi na ako nagpapaapekto sa lahat, at sarado ang puso ko sa pag-ibig na hindi ko muna matatanggap sa ngayon. Nasaktan na ako dati at winasak ako ng matindi 'nun, kaya naman mahirap na muli magtiwala. Hindi din malaki ang tiwala ko kay Dylan. Hindi ako nagbibitaw sa kanya ng mga salita basta-basta excpet for the fact that I won't cheat. 

Binaba ko ang aking cellphone at yumuko sa lamesa. Iiglip na lang muna ako habang nakikinig sa music. Napairap na lang ako sa isiping posibleng bumalik si Harold sa akin sa pagpaparamdam ko sa kanya at sa mabait kong pakikitungo, ngunit nagkakamali siya kung umaasa pa siyang may nararamdaman pa ako sa kanya. Kailanman ay utang na loob ko sa kanya ang pang-iiwan niya sa akin, ang pagpalit niya sa akin kay Cinth, dahil hindi naman ako mapupunta sa tamang tao sa dadating na hinaharap kung hindi niya ako nasimulang saktan. He's the first man who made me feel special but he also ended that VIP treatment.

Kailanman din ay hindi na ako babalik sa kung saan man kami nagsimulang dalawa. Sinayang niya ang mga pagkakataong binigay ko sa kanya sa loob ng dalawang taon, at kung babalik man siya ay may isa pa siyang pagkakataong itama ang mali niya. Iyun ay kung magtitino siya sa paraang hindi na siya magdedesisyong magpakatanga sa hindi naman karapat-dapat na tao at hindi na niya sasaktan ang isa pang karapat-dapat na susunod sa yapak ko na darating sa buhay niya sa hinaharap. Mahirap humanap ng katulad kong napaka-faithful na halos hindi na nga lumandi, tapus pinakawalan niya lang? Ang kapal talaga. But I cannot deny the fact that the next girl in line will experience the bare minimum from him.

Pagkalipas ng ilang araw, sa buwan ng Nobyembre, ay napansin ko ang unti-unti ng pakikipag-usap sa akin ni Jason. Hindi na 'yun pilit at lalong hindi ako ang unang nagcha-chat. Nag-uusap kami tungkol sa isang group activity dahil kagrupo ko siya doon habang si Dylan ay naglalaro pa rin ng ML at hindi man lang ako naisipang padalhan ng isang chat. Dahil wala rin naman akong gagawin ay habang nag-uusap kami ni Jason ay inasar ko na lang siya nang inasar. Nabu-bwiset na nga ang loko sa akin dahil naglalaro rin pala at nasa computer shop. Bakit ito nakakapag-reply pa sa akin habang naglalaro? Palagi ba siyang patay sa laro niya? Ang hina naman.

Nahinto ang pang-aasar ko nang muntik na siyang magalit. Hindi na bwiset, galit na. Puro raw siya hit ng tab para lang ma-replyan ako dahil ang kulit ko raw hanggang sa hindi na siya naglaro at kinausap na lang ako. Marami rin naman siyang tinanong tungkol sa group activity kaya sinagot ko na lang 'yun hanggang sa napunta na ang usapan namin sa kung sino ang crush niya. Hindi ako namilit kung sino ang crush niya pero gusto kong mamilit kung bakit ako nila-like zone ng loko na 'to! Aba, ang kapal ng mukha! Nila-like zone ang leader niya sa group activity!

Tinanong ko siya kung sino pero makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya nagre-reply kaya naboboryo na ako. Siya lang ang pwede kong i-chat sa mga members namin dahil siya lang naman ang slow.

From: Jason Dela Rosa

wait lang kasi

Nag-pop ang notification na 'yun sa cellphone ko kaya binasa ko kaagad 'yun. Nag-reply na lang ako ng 'oo na' sa kanya at hinintay ang magiging reply niya doon. Mag-iisang oras na at wala pa rin akong balita sa nangyayari kay Dylan. Pati ba siya pinatay na ng heroes sa Mobile Legends?

Mga tatlong minuto pa ang nakalipas bago ko ulit nakitang may notification ako sa Messenger. Inaasahan kong si Dylan 'yun pero si Jason pa rin pala. Ano ba, Messenger? 'Yung isa 'yung lagi mong pinapa-message! Pwede ba 'yung ka-MU ko naman? 

Napairap na lang ako bago ako nag-seen.

From: Jason Dela Rosa

madaya ba ako? kasi

alam ko kung sino crush

mo tas yung akin hindi

mo alam

Napaamang na lang ako sa nabasa ko. What the hell? Anong sinasabi nito? He is giving me a bare minimum right now. Lord, bakit naman ang taas ng mga standards na ipinapakita mo sa akin? Paano ako mag-aasawa niyan in the future? Huwag na lang kaya? Joke.

To: Jason Dela Rosa

oo nga, sabihin mo 

na kung cno, d ko

naman ipagkakalat

e, sabihin mona,

napakadaya mong

nilalang e

From: Jason Dela Rosa

secret, walang clue

Ay, pakipot pala 'tong bugok na 'to? Kabanas naman. Sinubukan ko siyang pilitin ng isang beses pa at nagpapilit naman siya. Sinabi niyang nasa room daw ang crush niya. Room na naman. Mag-best friend talaga sila ni Dylan. Nanghingi pa ako ng dalawa pang clues at sinabi niyang maganda at matalino raw ang crush niya pero...maraming magaganda at matatalino sa klase namin kaya sino?

Hinulaan ko nang hinulaan kung sino ang crush niya at wala pa rin siyang planong sabihin 'yun sa akin, kaya naman namilit pa ako ng namilit, kahit pa maistorbo ko siya sa ginagawa niya ay wala akong pakialam. Huwag na muna siyang maglaro kung hindi niya pa sasabihin sa akin kung sino ang crush niya! Gusto ko lang naman malaman kung sino ang crush niya, kaya mamimilit ako nang mamimilit dito hanggang sa sabihin niya sa akin kung sino 'yun. No one can stop me!

Nakukulitan na ang loko sa akin sa kakahula ko kaya naman sinasagot niya na ang mga katanungan ko ng mga nakakalokang sagot rin. Pucha, hinahamon ako nito ah!

Dahil pilitera ang lola niyo, namilit ako hanggang sa maubusan na ako ng panghula kung sino ang crush niya pero natagalan pa ang loko bago niya sinagot kung oo o hindi ang kasunod kong hula. Naglaro na yata dahil sa inis sa akin. Maya-maya pa ay nag-reply na siya. Napangisi ako sa reply niya dahil hindi naman ganun ang isinagot niya sa ibang hula ko. Oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ko pero iba ang sagot niya sa isang 'to kaya alam kong iyun ang crush niya. Mission successed!

To: Jason Dela Rosa

C Lynarne?

From: Jason Dela Rosa

Opx, tama na

To: Jason Dela Rosa

Hindi nga? Totoo?

C Lynarne?

Natutuwa ako na nalulungkot. Umaasa pa naman akong ako ang crush niya, pero nagkakamali pala talaga ako. Maling umasa ako sa ilang buwan na nakalipas na ako pa rin ang hinahangaan niya. It's against the rules, right? May ka-MU ako pero bakit ako nalulungkot? Tsaka, bakit ako umasa? Fuck feelings. Ano ba, puso? Sino ba talaga?

Umiling ako at tinapik ang magkabilang pisngi ko. Pagkatapus kong gawin 'yun ay nakaramdam ako ng pag-aalala. Makakaamin kaya siya? Binabagabag 'nun ang sistema ko. Inaalala ko 'yun. Bakit nga ba? Ang alam ko lang naman ay mahina ang loob niya sa ganoong bagay at ang lola ni Lynarne ay strikta sa mga bagay na patungkol sa panliligaw. Alam kong napakaaga ko namang naiisip 'yun pero hindi rin naman imposible na naiisip rin 'yun ni Jason, 'di ba? Isa pa ay ang alam namin ay may iba ring natitipuhan si Lynarne. Triangle pa nga ang mangyayari.

Lumipas ang mga araw na lagi na kaming nagkakausap ni Jason tungkol sa mga activities, assignments at tungkol kay Lynarne, kasabay noon ang paunti-unti ng hindi ako pinapansin ni Dylan at ang pagsisimula ng panlalamig niya. Iyun ang nararamdaman ko paunti-unti sa paglipas ng panahon. Puro ML kasama si Ate Lyra ang lagi niyang paalam sa akin at puro naman ako payag pero napapagod na rin ako, pero mas pinipili kong manatili. Hindi ko kayang mang-iwan. Hindi ko kakayanin kung ako ang mang-iiwan. Hindi ko rin alam kung ano na ang nangyayari, ngunit sasabayan ko na lang ito at patuloy na lalabanan. 

Wala pa rin siyang kaalam-alam na nagkakausap na kami ni Jason, pwera na lang sa mga panahong hawak niya ang account ni Jason. Hindi ko rin kasi alam kung magkekwento ako sa kanya na lagi kong kagrupo si Jason sa grouping dahil parehas lang naman kami ng klase na kinabibilangan at alam kong naririnig niya naman ang announcement ng sa groupings lagi, kaya minsan naiisip ko na lang na huwag na ring sabihin.

Ika-pito na ng Disyembre, Foundation Day na namin at naghihintay na lang kami na magsimula na ang misa bago magsimula ang mismong event. Nasa bench lang kami nina Rain at nagse-selfie para mayroon kaming mga ala-alang mababalikan next year at sa mga susunod pang mga taon. Nagpaalam si Abi sa amin na pupunta muna sila ng canteen ni Mariel para mamili ng pagkain at pumayag naman kami na umalis sila. Pinanood namin ang paglakad nila hanggang  sa mawala sila sa paningin namin. 

Pagkaalis na pagkaalis nila Abi ay bigla akong kinamusta ni Rain sa akin si Dylan. I was caught off guard with her question. Hindi ko rin alam ang isasagot ko. "Kamusta kayo ni Dylan?"

Nanahimik ako ng ilang minuto. Sa lumipas na mga linggo ay hindi ko masasabing maayos kami at hindi ko rin naman masasabing hindi rin kami maayos, dahil minsan ay nagkakausap kami ng dire-diretso, ngunit madalas ay nagtatalo kami sa kaartehan ni Dylan sa haba ng oras na kailangan naming mag-usap sa loob ng isang araw. Gusto niya palaging magdagdag ng limang minuto para lang makausap niya ako, kahit pa sabihin kong mapapagalitan na ako nila mommy, dahil kailangan na naming lumipat sa bahay nila lola dahil nagka-stroke si lolo. 

Namimihasa siya sa pagdadagdag pa ng limang minuto sa oras ko. Ilang beses na akong humingi ng ilan pang minuto kay daddy bago lumipat kala lola para makausap lang siya, pero sumobra na siya. Hanggang ngayon ay wala pa ring preno ang maling galaw niya.

Oktubre naman ay may nangyari ring ganun. Bigla-bigla niya akong binigyan ng dare. Tanungin ko raw si Jason kung crush daw niya ako at dapat ay i-record ko 'yun. Sana talaga ay kinain na lang ako ng lupa nung ginawa ko 'yun. Kinapalan ko ang mukha ko  nung ginawa ko 'yun. Hindi ko rin alam na crush niya si Lynarne 'nun. Tangina na lang talaga. 

'Hindi', 'oo', 'baka' ang natanggap kong sagot 'nun kay Jason. Marami ring tao sa paligid nang gawin ko 'yun. Sa canteen pa mismo. Kasama ko si Rain 'nun at tinulungan niya ako sa pamimilit ko kay Jason, pero ngayon ay nagsisisi akong ginawa ko 'yun. Nakakahiya.

Pagkatapus 'nun ay pinarinig ko kay Dylan ang recorded audio. Maririnig naman doon ang boses ni Jason. Nahalo nga lang rin ang boses ni JV at Sheedise dahil kasama ni Jason ang dalawa sa canteen. That happened in lunch time bago mag-1 pm. Minulat ko ang aking mga mata matapus kong isipin 'yun. Nakakahiya talaga 'yun. Sinugod ko si Jason sa dami ng tao sa canteen? Ang kapal ng mukha mo, Ellaine.

"Oh, Ellaine, Ellenie, and Rain, pumwesto na kayo sa mga upuan at malapit ng magsimula ang misa," ani ni Ma'am Jane, ang AP Teacher namin, nang madaanan nila kami sa daanan ng mga estudyante.

"Oh, nga pala, mga anak, nasaan na ang iba niyo pang mga kamag-aral?" tanong naman sa amin ni Ma'am Liza, ang adviser namin na teacher rin namin sa ESP at Filipino.

"Baka nasa canteen po ang iba, Ma'am," sagot ni Rain.

"Ah sige, pumwesto na kayo 'dun," ani pa ni Ma'am Liza. Tinuro niya ang mga upuan na hindi kalayuan kung nasaan kami. Wala pa namang nakaupo doon kaya tumayo na kami at pumunta na doon. Hindi na rin ako pinilit ni Rain na sagutinang pangangamusta niya dahil alam kong ramdam niyang hindi ako komportable sa tanong niya. 

Bumaba na muna kami ng hagdanan at pumunta sa gawi ng mga upuan. Nagkukumpulan na rin ang mga kolehiyo at iba pang mga sekondarya sa mga upuan. Buti pa ang ibang mga juniors ay nakaupo pa rin at hindi naubusan ng mauupuan. Nakaabot na rin naman sina Dylan sa magaganap na misa kahit na Catholic mass lang 'to. Pinaupo lang talaga sila para makinig. Hindi naman nila kailangang magdasal kasabay namin.

Nagsimula ang misa sa pag-antanda ng krus at sa pagbati ng pari. Kumanta rin ng mga panimulang kanta hanggang umabot na ng homiliya. Sa gitna ng homiliya at habang nakikinig ay napapatingin ako sa likod para tignan kung dumating na si Jason, ngunit hindi ko siya makita sa paligid kaya naman nanlumo ako. Nasaan na kaya 'yun? Nagchat ako sa kanya habang nakikinig sa homiliya ni Father at ni isang chat ng sagot sa tanong ko ay walang reply. Pati ba naman sa event late 'tong mokong na 'to? Kabanas.

Nakinig na lang ako nang nakinig sa misa hanggang sa mag-Ama Namin na at wala pa rin ang iba. Natapos ang misa ng matiwasay na sinundan ng pagsasalita ng iba pa naming taga-pagsalita na sina Sir Aguila at Ma'am Laurice. Sila ang nagpapatakbo ng aming eskwelahan at ang namamahala dito. Natapos ang introduction ng event at ang paggupit sa ribbon na sinyales na simula na ng Foundation Day. 

Makikita sa gilid ng daanan ng mga estudyante ang mga stalls, booths at kung anu-ano pang pauso ng mga estudyante. Magkakaroon rin ng Battle of the Bands mamayang gabi pero hindi na naman kami pinayagan manood 'nun dahil raw malayo ang bahay namin. Balanga to Limay kasi. 

Hinila naman ako bigla nina Abi habang nililibot ko pa ang paningin ko. Nagpadala naman ako sa kanila kahit hindi ko naman alam kung anong trip nila. Ang higpit pa ng pagkakahawak nila sa akin. Nakarating kami sa Faculty Room at pinaupo nila ako sa isang upuan sa harap ng desk ni Ma'am Julie. Hindi naman ako nagreklamo sa ginawa nila pero ano ba talagang trip nila?

"Diyan ka lang muna, Ella," ani ni Abi sa akin habang siya ay nakangisi. Tumango na lang ako sa kanya at pagkatapus 'nun ay lumabas na sila ng Faculty Room. Pinaikot-ikot ko na lang sa pala-pulsuhan ko ang suot kong bracelet habang nag-aantay sa kanila. May mga naiwan pa rin sa mga kaklase namin sa loob ng Faculty Room at binabantayan ako. Siguro akala nila ay tatakas ako kung iiwanan nila akong mag-isa dito. Ang hindi nila alam ay naboboryo akong kumilos.

Alam kong may plinano na silang gawin sa amin ni Dylan dahil may Wedding Booth ngayong taon, pero hindi ko naman akalaing seseryosohin nila 'yun. Akala ko joke lang nila. Wala rin naman akong planong tumakas kung sakaling matuloy ang kunwariang kasalan, pero kinakabahan ako. Kailangang halikan ako ni Dylan sa kung saan man malapit sa mukha ko pagkatapos ng kunwariang kasal, at hindi ako handa para roon. Sana naman ay hindi niya kuhanin ang unang halik ko. Naka-reserve pa 'yun.

Naghintay ako ng ilan pang minuto nang hindi umiimik sa kinauupuan ko. Nginingitian lang ako ng mga nagsisipasukang mga guro pwera na lang sa isa talagang alam ng lahat na madalang ngumiti sa mga estudyante. Isang oras na akong naghihintay, at pabalik-balik sa pagbukas at sara ng cellphone ko para tignan kung may chat si Dylan sa akin. Sa huli at sa wakas ay dumating na din ang pinaka-matatagal kong mga kaibigan para sunduin ako.

"Ano bang meron ha?" ani ko nang hatakin na naman nila ako. Nananakit pala 'tong mga 'to kapag excited? Nakakatakot naman sila.

Pwede na akong makalas sa pagkakahawak nila sa akin. Ang higpit kasi. Iniisip yata nilang tatakas ako kapag hindi nila ako hinawakan. Mga natitimang yata. Hindi naman ako tatakas, bitawan lang nila ako. Ilang tao rin silang nakahawak sa akin para hindi ako makatakas o magpumiglas man lang. Mayroong tao sa likod, sa harap at sa parehong gilid ko. Para akong dadalhin sa preso at sila ang mga pulis na humuli sa akin. Wedding Booth lang naman ang gagawin, bakit kailangan ko pa ng mga bodyguard?

Paglabas pa lang namin ng building ay ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko. Hindi naman ako uurong ngunit kinakabahan pa rin ako, kabang kaba na baka takasan ako ni Dylan. Naroroon pa man din ang pinsan niyang si Katlyn na excited manood sa kunwariang kasal na magaganap, at ang ate niyang si Ate Lyra, kasama pa ang isa pa niyang pinsan na si Ate Satine. Ang section nila ang gumawa ng Wedding Booth kaya naman mas lalong nakakatensyon kung hindi niya pagbibigyan ang kagustuhan ng mga kaklase namin. Sayang rin ang ibinayad nila 'dun kung may mag-back out sa amin. Sayang rin naman ang pera ko kung magbabayad pa ako para tumakas. Minsan lang naman din 'to mangyari kaya pagbibigyan ko na rin sila.

Nakarating kami sa tapat ng Wedding Booth at hindi pa naman magsisimula ang kunwariang seremonya. Binitawan na nila ako at nakatayo kami sa init. Ilang minuto pa lang ay nakaramdam na ako ng hilo kaya napagdesisyunan kong umupo sa may bench sa may daanan ng mga estudyante. 

Inihakbang ko pa lang ang isa kong paa para sana pumunta sa malapit na bench nang bigla na naman nila akong hinawakan sa pulsuhan at hinatak. Nagpumiglas ako sa hawak nila kaso sa sapilitan nilang panghahatak sa akin ay nasira ang cross bracelet ko na pangalawang palit na ni mommy. Pucha naman oh, pati ba naman bracelet ko nadadamay. "Bitawan niyo nga ako! Akala niyo tatakas ako! Hindi ako tatakas, FYI lang! At pwede ba? Paupuin niyo ako? Hinatak niyo na nga ako, kayo pa masusunod. Pupunta ako diyan kung okay na lahat, ano?" Nahulog ang mga beads ng bracelet ko sa lupa at nang mapansin nila ang ginawa nila ay binitawan nila ako. Nakatingin rin sila sa mga beads na nalaglag. Pagkatapus 'nun ay hindi na nila ako tinangka pang hawakan. Nagkaroon na rin ng bakat ang kanang pulsuhan ko kung saan nakasuot kanina ang bracelet.

Nakayuko ang iba sa kanila at lalo naman si Abi. "Sorry, Ella..." Sinamaan ko siya ng tingin at humalukipkip. Itinuloy ko ang pagpunta sa bench at umupo doon. Ano ang sasabihin ko kay mommy ngayon? Na naputol ang bracelet dahil sumabit 'yun?

Kakaupo ko lang ay biglang sumigaw na babae na hindi ko mawari kung sino. "Ayun si Dylan oh!" Napalingon ang lahat sa harap ng JHS building at nakita ko doon si Dylan na nag-aalinlangang maglakad kasama ang tropa niya. Nang makita niyang patakbo na sa kanya ang mga kaklase naming lalaki ay kumaripas na rin siya ng takbo sa gilid ng SHS Building. Napailing na lang ako habang tumatawa. Nakihabol na rin kasi ang mga Grade 10 students para mahuli si Dylan. Wedding Booth pa lang 'to, tapus ganyan na sila ka-effort.

"Ellaine! Tara na dito!"

Narinig ko ang tawag ni Lourine sa akin sa tapat ng Wedding Booth kaya tumayo na ako at tumungo doon. Sinuotan nila na ako ng belo at wedding dress kuno. Nagsisimula na ring umandar ang imahinasyon ko. Sobrang kinakabahan ako. Naiisip ko kung ano ang aking gagawin kapag nasa mismong harapan na ako ng kunwariang altar. Kahit pa isa lang itong malaking kalokohan ay ramdam kong ganito rin ang pakiramdam ng isang ikinakasal. Lupa, kung pwede lang kainin mo na ako.

Nahuli na rin ng mga boys si Dylan at dinala sa altar. Nakita kong kinausap siya ni Ate Lya pero hindi na ako nag-abala pang pakinggan kung ano ang pinag-uusapan nila. Nagsimula na ang imahinasyon kong ikinakasal na ako sa kanya sa tapat ng kunwariang altar at inihahanda ko na ang sarili ko sa mga dapat mangyari nang marinig ko ang sigaw ni Lourine. "Dylan! Bumalik ka dito! Peste ka! Dylan!"

Naiangat ko ang ulo kong nakayuko habang hawak ang isang bungkos ng mga bulaklak na pangkasal. Tumigil ang imahinasyon ko sa nakita ko. Nag-abot ng 50 pesos si Dylan sa lalaking kaklase nina Ate Lyra. Hinubad niya rin ang coat na siyang dapat gagamitin para sa kasal. Nalungkot ako sa nakita ko at nanlantay ang aking mga braso. Ramdam ko rin ang pangingilid ng luha ko at pagkulo ng dugo ko. Nanikip ang dibdib ko sa nakita ko. Pucha, bakit?

Tinanggal ko ang kasuotang pangkasal na iniayos pa man rin ni Ate Satine kanina at ang belo na sana ay kanyang itataas. Iniabot ko na lang din pabalik ang bungkos ng bulaklak na aking hawak para sana sa mismong kasalang magaganap, at ngumiti ng mapait sa mga kaklase kong handa na sanang manood sa magkabilang gilid ng booth. 

Nagbayad na lamang rin ako ng limampung piso kay Kuya CJ na ngayon ay malungkot rin sa sinapit ng unang kasal sana nila para sa booth. Aalis na sana ako nang kalabitin ako ni Ate Satine, upang iabot sa akin ang isang card na natapos niya ng lagyan ng laman. Napakagat labi na lang ako ng makita kung ano ang nakalagay doon.

"Sorry, Ellaine." Narinig ko ang boses ni Ate Lyra sa gilid ko habang tinupi ko ang certificate at inilagay sa bulsa ko. Hindi matinis ang boses niya at hindi rin naman ganun kababa. Hinarap ko siya at nakita ko ang masamang timpla ng mukha niya, halatang disappointed sa ginawa ng kapatid niya. "Duwag ang kapatid ko eh. Pasensya ka na ha?" Mapait akong ngumiti sa kanya. She's actually nice and she's not awkward to talk to. Ate nga talaga siya.

"Sayang naman at hindi natuloy. First ceremony sana 'yun. Kapal ng mukha ni Dylan, Lyra, ha! Pagkauwi niyo nga pakibatok para sa akin! Nakasuot ka pa naman din ng belo at dress, Ellaine," ani rin sa akin ni Ate Satine na halatang na-disappoint din sa nangyari. Ngumuso siya pagkatapus sabihin ang lahat ng hinanakit niya.

Mapakla rin akong ngumiti sa kanya habang tinatago ang lungkot sa mga mata ko.

"Okay lang, Ate Satine, Ate Lyra. Hayaan niyo na po, nangyari na eh," sagot ko.

Tumalikod ako sa kanila at nakitang nakasimangot si Lourine at ang iba ko pang mga kaklase. Halatang disappointed rin sila kay Dylan sa ginawa niyang pagtakas, ngunit wala na kaming magagawa sa nangyari. Ang nangyari ay nangyari na at hindi pa namin pwedeng ulitin o balikan pa. 

Umalis ako sa Wedding Booth at aakyat na sana sa hagdanan nang tinawag ako ni Katlyn. "Ate..." malungkot niyang tawag sa akin. Ngumiti ako sa kanya ng mapait. Nakita ko ang pagkadismaya sa mata niya at sa ibang kaklase niya. Nakita nilang lahat ang nangyari dahil katabi lang naman ng booth nila ang Wedding Booth. Alam nilang napahiya ako ng sobra sa ginawa ni Dylan, ngunit tatanggapin ko na lang na hindi para sa akin at para kay Dylan ang kasalan sa Wedding Booth. Nakakapagtampo nga lang, dahil napag-usapan na naming walang tatakas ano mang mangyari, pero hindi niya natupad 'yun.

Nanikip na naman ang dibdib ko sa naiisip. Bahala siya sa buhay niya. Siya rin naman ang nawalan ng pag-asa, hindi naman ako. His sister, classmates and cousins are disappointed.

"Okay lang, Katlyn. Huwag kang malungkot 'ne?" Pinangunahan ko na ang sasabihin niya dahil alam kong magra-rant na naman ang batang 'to tungkol sa pinsan niya. "Pero ate, tinakasan ka ni Kuya Dylle!" Humalukipkip siya habang nakanguso. Ang cute lang. Nakakunot na rin ang noo niya sa gigil sa ginawa ng pinsan niya sa 'kin. "Hindi ko siya mapapatawad! Nagagalit ako sa kanya, hindi niya itinuloy! Mamaya siya sa akin!" gigil na gigil niyang ani sa akin na ipinakita pa ang kamao niya. 

Ngumiti ako. Napagaan niya ang puso ko. Sa kanilang magpipinsan ay siya ang unang nagsabi sa aking gusto niya akong maging pinsan kaya dapat daw ay magkatuluyan talaga kami ni Dylan. Siya rin ang pinaka-sumusoporta sa amin sa lahat ng bagay. Masyadong sweet si Katlyn sa akin, at sobrang malapit siya sa akin pero...Hindi niya makokontrol ang tadhana. Hindi pa din namin malalaman kung si Dylan ba talaga ang para sa akin. Hindi rin namin alam kung magiging pinsan ko siya. Basta kahit anong mangyari, hindi magbabago ang turing ko sa kanya, dahil parang pinsan ko na rin talaga siya.

"Ate, kasi naman napahiya ka talaga kanina. Nag 'runaway groom' siya, ate," ani din ni Rowveri. Halata rin sa tono niya ang gigil.

Ngumiti na lang ako ng mapait sa komento ng dalawa tungkol kay Dylan. Kahit hindi ako ayos sa nangyari ay natutuwa ako sa dalawa, dahil concern sila sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung nasaan na ngayon si Dylan at kung ano ang ginagawa niya sa mga oras na ito, pero isa lang ang alam ko...Nagsisisi 'yun sa ginawa niyang pagtakas. Nasaktan niya ako eh. Ang kapal naman ng mukha niya kung hindi siya magi-guilty sa ginawa niya, 'di ba? Isa na lang siyang anak ng timang kung ganun!

"Hayaan niyo na 'yun, Katkat, Em," ani ko sa kanila. 

Hindi pa rin natatanggal ang pag-aalala nila sa akin pero nagkibit-balikat na lang ako. Natanaw ko sina Lourine na nakasimangot pa rin, pati na rin ang tropa ni Dylan na sina Chilia, Lexie at Bella ay nakasimangot rin. Galit pa rin sila kay Dylan dahil sa nangyari. Plano nila 'yung gawin para sa kasiyahan ng section namin pero sinira lamang ni Dylan ang lahat. All of them are disappointed. Kahit naman ako disappointed. He told me he will not be a runaway groom but I guess he ate his words for what he have chosen to do. Lumapit ako sa kanila ng nakangiti, upang hindi halatang nadismaya din ako sa nangyari.

"Galit pa din kayo?" tanong ko.

Humarap sila sa akin at tumango ang halos sa kanila.

"Nagagalit kami sa pagtakas ni Dylle. Napahiya ka sa harap ng maraming tao, Ella. Sa tingin mo, okay lang sa 'min 'yung nangyari? Ikaw nga nakisabay ka sa trip namin tapos siya naging KJ, anong klase 'yun, 'di ba?" pangsasarkastiko ni Lourine sa sagot niya. Napairap na lang rin siya sa galit.

Alam kong grupo nila ang puno at dulo ng lahat ng ito, pero nagpapasalamat pa rin ako sa kanila na ganoon ang ginawa nila para sa akin at para kay Dylan. Isa ito sa dadalhin ko habang buhay. PInaranas nila sa akin ang Wedding Booth pero ang ending, hindi naman ako naikasal. 'Yun lang ang negative doon, pero overall ay ayus naman ako. Hindi naman ako ang tumakas at na-enjoy ko naman kahit saglit ang nakasuot na belo at dress sa akin.

Umalis ako sa harapan nila at umakyat na sa hagdanan at naglakad papuntang JHS building. Nakita kong naghahabi ng dahon ng kawayan ang mga tao at isa doon si Kuya Ranran kaya naman lumapit ako para kausapin siya at wala pang isang minuto ay napagpasyahan ko na ring tumulong para mabilis na rin matapus 'tong ginagawa nila. Habang naghahabi kami ay kwinento ko sa kanya ang tungkol sa nangyari kanina sa Wedding Booth. Inasar lang ako, pucha. Sana hindi na 'to magka-jowa.

"Aw, kawawa ka naman. Tinakasan ng groom. Runaway groom."

Dahil doon ay kinaltukan ko siya at sinabunutan. Mapang-asar talaga 'tong pinsan namin kahit kailan. Wala siyang pinipilin lugar. Basta maasar ako ay aasarin niya ako. Kabwiset, pero mahal ko pa rin naman siya at maaasahan ko siya kapag kailangan ko ng ka-kwentuhan at advices. Mas matanda nga siya sa amin ng dalawang taon pero pag magkasama kami ay mas hamak na mas bata pa siya kung mag-isip sa isang baby.

"Aray naman, Ella. Ikaw ah!" reklamo niya.

Kakaltukan niya na rin sana ako pero napatigil siya nang may dumaang guro upang tignan ang ginagawa namin. Itinuloy na lang namin ang ginagawa namin. Ang lahat daw ng tumutulong sa paggawa ng Belen ay magkakaroon ng '+ 10' sa Filipino at MAPEH, kaya naman tumulong na talaga ako para makuha ko 'yun. Kahit 'yun man lang ang maging kapalit ng lungkot ko sa nangyari kaninang pamamahiya sa akin.

Naging masaya ako sa ginagawa ko nang bigla kaming palipatin sa TLE Room. Malapit ako sa pintuan habang naghahabi nang tinawag ako ng isang guro. Nasa labas raw ng building namin si daddy. Lumabas ako ng pintuan at unang nahagip ng mata ko si Dylan na lumabas sa Faculty Room kasama ang kanyang tropa. Abot langit pa din ang ngiti niya kasama sila at walang nababakas na panghihinayang sa nagawa kanina. Nababasa ko ang mga mata nina Lexie habang nakatingin sila kay Dylan na may tampo pa rin sila dito, dahil sa ginawa nito kanina.

Bumuntong hininga akong tumingin kay daddy at ngumiti, upang hindi niya mahalatang may nangyari sa akin kanina. Katabi niya si Elle na may hawak ng plastic bag. Iniabot niya sa akin ang dala niyang pagkain at mamaya daw ay siya na lang ang susundo sa amin. Chowking ang dala niya at paborito namin ang naroroon. Dumplings!

"Mamaya mag-abang na lang kayo sa entrance ng school niyo. Susunduin ko kayo gamit kotse," biro ni daddy sa amin. Kumindat pa siya. Nagyabang pa nga. Hinampas ko siya sa braso at ganun din ang ginawa ni Elle.

"Eh, akala naman merong kotse. Wala tayo 'nun, 'dy!" asar pabalik ni Elle sa kanya.

"Malay niyo mamaya meron na." ani na naman ni daddy.

"Baliw!" sigaw ko.

Natawa kaming tatlo bago siya nagpaalam sa amin at hinalikan namin siya sa pisnge bago siya tumungo paalis. Bumalik kami sa paghahabi hanggang sa matapos namin 'yun habang lungkot at dismaya pa rin ang nararamdaman ko ngayon habang naaalala ko pa rin ang nasayang na certificate na nasa buls ako ngayon.

Certificate of Marriage

This certifies that

Dylan Dela Cruz & Ellaine Gonzales 

were wed on the Wedding Booth on the day of 

December 7th in the year of 2018

At Bataan Heroes College

Officiated by: Christopher Jay Owen