Apat na linggo na ang nakalilipas nang mangyari ang project shooting namin at ngayong araw naman ay magso-softball kami. Nasa byahe pa din kami papuntang school at sobrang traffic, kaya naman nahiga na muna ako sa malapit na sandalan sa akin at doon hiniga ang aking ulo, at pumikit. Kahit panandalian man lang ay makapagpahinga ako sa mga nakakapagod na mga pangyayari. Hirap na hirap na rin ako sa sitwasyon ko dahil sa pagbabantay ni Dylan sa akin, dahil kay Jason. Selos pa rin ang nangingibabaw sa kanya sa lahat ng oras kahit mag-explain ako o wala naman akong ginagawang ikaseselos niya.
Gumayak na kami at kinuha na ang mga kailangan dalhin para sa gagawing activity sa MAPEH. Softball ang activity at hindi ko alam kung kakayanin ko dahil sipaan ang mangyayari, at nakabase doon ang aming mga grado. Nabago ang iba naming mga guro para sa isang gawain ng eskwelahan at iyon ay kailangang gawin upang sa isang partisipasyon.
Lumabas na kami at pumunta sa basketball court sa likod ng SHS Building. Nakita lang namin 'yun noong una kaming pumasok dito at in-enroll. Namangha ako sa lawak 'nun nang makarating kami. Hindi naman namin alam na ganito 'to kalaki. Sa malayo kasi ay aakalain mong maliit lang ang yardang nasasakupan nito.
Hati kami sa dalawang grupo at nasa grupo ko si Dylan. Hindi na ako nailang sa kilos ko sa kanya dahil kailangang seryosohin ko ang larong ito, dahil dito nakabase ang grado namin. Ipinaliwanag ni Ma'am Sheila ang gagawin namin at parang baseball na normal lamang ang lalaruin. May mga magbabanatay sa bawat base at pagkatapus mong sipain ang bola na naibato ng kabilang panig ay dapat makatakbo ka pa-ikot sa apat na base. Ang may maraming puntos ang magkakaroon ng mataas na grado. Matapos ang pagpapaliwanag ng aming guro sa gagawin ay pumwesto na ang lahat para sa magaganap na paligsahan. Stretching muna ang aming ginawa bago magsimula ang laro.
Nasa pangatlong pwesto ako sa mga sisipa at kinakabahan ako sa pagtakbo. Baka matapilok ako sa mga batong ginawang marka para sa mga base. Ang kabilang grupo ay nakakalat sa paligid para magbantay sa amin at sa bola, kabilang na roon si Jason. Ang iba ay nasa gilid at ang iba naman ay nasa loob ng base.
Ang unang sisipa sa amin ay si Ash. Supia siya pagkatapos ng senyas ni Ma'am Sheila. Homerun ang dating ng sipa niya at umabot sa labas kaya nakaabot siya sa pangatlong base at doon huminto, upang hindi siya mataya ng kalaban. Sumunod naman ay si Dylan. Hindi gaano kalakasan ang pagkakasipa niya kaya naman umabot lang siya sa pangalawang base, at kasabay noon ang pagtakbo at pagtapak na din ni Ash sa aming pang-apat na base o pinaka-base ng grupo. Susunod na ako sa sisipa at sa kaba ko ay hindi ko nasipa ng maayos ang bola sa unang tira. Nasita pa tuloy ako ni Ma'am Sheila, iayos ko daw kaya naman bumuntong hininga ako at sumipa ng malakas, at umabot ako sa pangalawang base, at muntikan pa akong maabutan ni Lexie.
Nagpatuloy ang laro hanggang sa mangyari ang hindi namin inaasahan lahat. Biglang sumigaw si Ma'am Sheila sa gawi ng mga lalaking nagtatawanan sa hindi kalayuan. Binigyan na sila kanina ng babala pero hindi pa rin sila nagpatinag. Nakatingin na lang kami sa kanila habang pinagsasabihan sila.
"Binigyan ko na kayo ng babala, boys! Ang sabi ko ay maglalaro at hindi magchi-chikahan! Umalis na kayo sa harap ko kung ayaw niyong ako ang umalis sa harap ninyo!" sigaw ni Ma'am Sheila.
Napunta ang tingin ko kay Jason na sa mga panahong 'yun ay kinukuha ang bolang gagamitin namin para sa laro, ngunit, dahil sa hindi siya nakita ni Ma'am Sheila na nakahiwalay sa mga boys ay napaalis na din siya nito. Nadamay siya sa kagagawan ng kapwa niya lalaki nang wala siyang kaalam-alam kung anong kasalanan niya.
"Jason! Umalis ka na! Isa ka pa! Ang kapal naman ng mukha niyong makipagdaldalan sa oras ng isang activity sa subject ko! Wala na ba kayong natirang mga hiya sa mga katawan niyo ha?! May teacher sa harap niyo ganyan ang ikinikilos niyo! Alis!" ani pa niya na ikinainit na ng ulo ko.
Inaasahan kong may sasabihin si Jason kay Ma'am Sheila at sasagot pa but his lips are sealed. Halata rin sa mga mata niya ang gulat nang tawagin ng ma'am namin ang pangalan niya.
Pinagulong niya ang hawak na bola papunta sa amin, bago umalis ng walang imik. Biglang nag-init ang ulo ko sa nangyari. Walang kasalanan si Jason sa nangyari. Kitang kita ng dalawang mata ko ang ginagawa niya sa mga panahong nakita ang ibang boys na nagkakasatan lamang at nagdadaldalan.
Ang natira na lang ngayon sa mga lalaki ay sina Dylan at Ash, kaya masakit sa mata ang nasa paligid. Nakakaboryong puro babae na lang ang natira, at dalawang lalaki. Wala akong ganang maglaro, ni sumunod man sa kung anong sasabihin ni Ma'am Sheila, lalo pa akong naging seryoso sa mga oras ngayon dahil mainit ang ulo ko.
Bakit ba kasi pati si Jason? Tsk. Bulag ba siya para hindi niya makitang hindi kasama si Jason sa mga lalaking nagdadaldalan? Fuck it.
"Oh may magtatangka pa bang lumabag at hindi magseryoso? Pwedeng pwede naman basta wala na kayong grado pagkatapos niyong gawin ang hindi prubadong galaw ninyo," ani pa niya na may pagkasarkastiko.
Ang mata ko ay nanlisik na sa pagkadismayang sumagot sa kanya ng pabalang. Napabuntong hininga na lamang ako sa pagdadalawang isip na huwag na lang sumagot para hindi na mapahamak pa ang iba ko pang mga kasama at masabihang wala kaming respeto sa katulad nilang mga guro namin, ngunit tama din bang patawan ng parusa ang wala namang kasalanan?
Kung papatawan niyang may kasalanan din si Jason sa aktibidad na ito na nakipagdaldalan sa ibang boys ay nagkakamali siya. Ang daming nakakitang sobrang layo ng rason ni Ma'am Sheila sa pagpapaalis kay Jason sa court, at kung ako ang tatanungin ay alam ko na hindi totoo ang pinapataw niyang kasalanan sa tao at kulang na lang ay naka-video pa ang nangyari, upang mamulat siya sa katotohanan.
Kung may kapangyarihan akong gawin 'yun ay pwede ko na sanang gawin 'yun ngayon, ngunit isa lang naman akong estudyanteng nag-aaral dito na kailangang bigyang respeto ang mga gurong nasa paligid namin at nagtuturo sa amin ng mga leksyon, tamang mga gawain at aktibidad. Ngunit napapaisip din ako minsan, sapagkat mali din sila kung minsan, at iniisip pa din nilang tama sila.
Hindi ako katulad ng ibang walang kwenta ang utak sa mga bagay na ganito na kaagad kong babalewalain. Hindi ako bata kung mag-isip at hindi din naman matanda kung mag-isip. Nasa gitna ako kung saan ang tama at kung saan ang mali, at alam ko kung saan ako papanig kung sakali mang may mangyaring sigalot na katulad nito, pero sa ngayon ay nakapanig ako sa maling desisyon ko na walang sabihin sa nangyari, dahil alam kong mapapahamak ako at bababa ang grado ng mga kasama ko kapag dinagdagan ko pa ang nangyari.
Natapos ang laro namin at bumalik kami sa room. Ang iba ay nagsiakyatan sa second floor ng JHS Building para sa magpalit ng pantaas, dahil hindi pwedeng hayaang matuyo ang pawis sa likod. Malapit na ako sa pintuan sa harap ng silid namin nang maaninag ko sa pintuan sa likod ang mga kaklase naming lalaki. Tahimik sila sa loob at mukhang walang planong umimik pagkatapus ng nangyari.
Nagawi ang tingin ko sa isang tao at naagaw nito ang atensyon ko, si Jason. Nakayukyok siya sa desk niya at wala man lang ka-imik-imik. Nakita ko rin ang mga titig ng mga lalaki sa kanya pero wala man lang lumapit sa kanya para tignan kung bakit siya nakayuko. Napatakbo ako papasok ng silid namin at napatanong agad kay JV kung anong ginawa nila kay Jason.
"Anong nangyari diyan?" tanong ko ng walang halong biro.
Iniangat niya ang tingin sa akin habang nanlalaki ang mga mata. Nagulat yata siyang kinausap ko siya out of the blue. "Umiiyak," sagot niya ng walang pag-aalinlangan. Nagwawala ang dibdib ko sa kaba at pag-aalala.
"Bakit?" tanong ko pa.
"Dahil sa napaalis siya kanina," sagot niya pa at lalo akong nag-alala. Lumapit ako kay Jason at kinalabit siya pero hindi niya iniangat ang ulo niya. Pucha, ang laaks ng impact sa kanya ng nangyari.
Hinimas ko ang likod niya para kumalma siya at nag-abot ako ng panyo para ipamunas niya sa pumapatak niyang mga luha, ngunit ayaw niya 'yung tanggapin. Sa totoo lang ay unang beses kong nakakita ng lalaking ganito kahina ang loob sa mga bagay na katulad 'nun. 'Yung tipong sinigawan sila ng teacher nilang umalis kahit wala naman silang ginagawa. But this is a normal reaction, because who wouldn't cry because of the false accusation? Kinuha lang naman niya ang bola tapus napaalis na siya. Can't our teacher say 'thank you' to him? What a close-minded person our teacher was. Nagpadala lang sa galit.
"Jason," bulong ko habang hinihimas pa rin ang likod niya. "Heto oh." Kanina ko pa inaabot ng panyo ko sa kanya pero patuloy niya pa ring tinatanggihan 'yun. Hindi ko alam pero hindi ko magawang mainis sa kanya. Dapat naiinis na ako sa mga oras na 'to eh.
Kinuha ko ang kamay niya at iniabot 'yun. Naging malambot ang puso ko sa nakikita ko at nasasaktan ako. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak at hindi ko alam kung bakit.
"Huwag mo na munang ibalik sa 'kin, at alam naming hindi ka kasama sa ibang boys na nakikipagdaldalan kaya tumahan ka na. Alam mong wala kang kasalanan kaya wala ka ng dapat iyakan pa," ani ko pang pinapakalma siya.
"Totoo namang hindi siya kasama sa 'min. Nagulat kaming nakasunod 'yan sa amin kanina. Pagkabalik talaga dito, hindi na 'yan kumibo at yumukyok na agad," ani ni Sheedise.
Lumingon ako sa kanya ng panandaliandahil kumibo siya bago bumalik sa pagpapatahan kay Jason. Wala akong magawa kung hindi himasin ang likod niya at patahanin lang siya gamit ang mga salita ko. Umeepekto na naman kahit papaano dahil tumahan na siya. Pumasok na ang iba pa naming mga kaklase at nakitang nasa tabi ako ni Jason, kaya naman nagsimula na silang mag-alala.
"Oh, anong nangyari diyan?" tanong agad ni Lourine nang makalapit siya sa amin. Her seat is only in front of Jason.
Halos lahat sila ay nakapalibot kay Jason, dahil sa kyursodidad sa nangyayari.
"Umiyak kasi kanina napaalis," ani ni Elle. Pumasok siya pagkatapus ko kaninang tumakbo sa silid.
"Ayan kasi daldalan pa," tonong pambabara pa ni Lourine.
"Hoy girl, nasama lang si Jason kanina. Hindi mo nakita? Siya ang humabol sa bola para may malaro tayo,"ani ni Mai sa kaibigan sabay hampas sa balikat nito.
"Ay, ganon ba? Ay, sorry, sis." Humingi siya ng tawad pero wala ang tonong panghihingi ng tawad doon. More of, she's being sarcastic.
"Nakakapagtaka ngang pinaalis 'yang si Jason sa court nang hindi naman kasama sa mga nagdadaldalan," ani rin ni Lynarne pagkadating niya.
"Talagang itong mga 'to ang may kasalanan tapos nadamay lang si Jason."
Tinuro ni Riel sina Sheedise, Carlo, JV at Daniel. Naramdaman kong gumaan doon kahit kaunti ang loob ni Jason dahil nabawasan ang pagkatahimik niya kanina at narinig ko na ang hikbi niya ngayon. Mas maayus nang mailabas niya 'yun kaysa hindi.
"Tumahan ka na," ani ko pa kay Jason habang patuloy pa rin siya sa paghikbi. Hinihimas ko lang ang kanyang likod nang makadinig ako ng ikakairita ko. Umirap ako matapus kong marinig ang sinabi ng kakarating pa lang. "Wow, pinapatahan. Ayiee~" dinig kong asar ni Dylan sa hindi kalayuan sa akin. Ano namang masama kung pinapatahan ko? Normal lang namang magpatahan ng tao at walang malisya 'yun. Magkakaroon ng malisya kung isipin mong mayroong namamagitan sa amin, at sa malamang ay ganun ang nasa isip ni Dylan ngayon. Na may namamagitan sa aming hindi niya alam kahit wala namang katuturan at katotohanan ang kung ano mang nasa isip niya ngayon.
"Manahimik ka nga. Pinapatahan lang, bibigyan mo pang malisya," pangbabara ko. Hindi na ako nakatiis na sabihin 'yun dahil na rin sumosobra na siya.
"Wala ba?" Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, mula sa mapang-asar ay naging seryoso na ito. Wala yata siyang muwang na madaming tao ang nakapaligid sa amin at ganoon pa din ang inaakto niya. Bumuntong hininga na lang ako. Jusko, parang bata.
"Alam mo kung magbibigay malisya ka sa lahat ng kilos ko, ikaw ang matatalo sa dulo, Dylan," ani ko at umalis para itigil ang ginagawa, dahil alam kong tumigil na rin si Jason sa pag-iyak niya.
Nararamdaman ko ang malamig na titig ni Dylan na binalewala ko na lang at nagkibit-balikat sa pagkairita sa sobrang pagka-seloso niya. Kung ibang tao ang gagawa ng pagpapatahan kay Jason ay panigurado ay walang magtatangkang gawin 'yun dahil sa hiya. Kahit ako ay nahiya pero nilakasan ko ang loob ko makalapit, kahit pa expected ko ng tatabuyin niya ako, pero hindi 'yun nangyari. Tsaka, puha naman, ano bang masama sa pagpapatahan? Malisyoso lang kasi at seloso. Nakakainis! Nakakairita!
Umupo na lang ako sa pwesto ko at nagpalung baba at bumuntong hininga, at hindi na pinansin ang mga nang-aasar sa paligid.
"So if last time we discussed about Solving System of Linear Equation by Substitution, today, we're going to do it again, but in the Elimination Method. So first of all, recap muna tayo. Who wants to answer the equation on the board?" ani ni Ma'am Jera, ang math teacher namin.
Nakatunganga ako at nakikinig. Wala man lang nagtataas ng kamay sa kanila kaya nagboluntaryo ako pero hindi ako ang natawag.
"Fria," tawag ni Ma'am Julia sa ibang apelyido na ikinasimangot 'ko. Ako lamang ang nagboboluntaryo, ako pa ang hindi natawag para sa pagsagot. Nakakabanas ka rin minsan, ma'am ah.
Agad namang tumayo si Mai nang walang pag-aalinlangan at sinagutan ang equation na nasa pisara nang wala man lang pagkakamali.
"Very good, Fria," papuri ni Ma'am Julia sa kanya.
Ang pinagtataka ko lamang ay kung bakit takot na takot silang magtaas ng mga kamay nila para magboluntaryong sumagot kung alam naman nila sagutan ang equation na nakalagay sa pisara. Nagsulat naman ng panibagong equation si Ma'am sa pisara at lahat ay kunot noong tinignan 'yun habang kinokopya. Habang ako ay nakapalung baba habang kinokopya 'yun at diretsong sinagutan 'yun.
"Who wants to try answering the equation with the method we used in the last lesson? Let's see if it will end up with the same answer later but with the use of the Elimination Method," aniya na naman sa amin.
Hindi ako boryo sa pinag-aaralan namin, 'dun lang sa mga letra at ang mga numerong nakasulat sa pisara. Naiintindihan ko nama ang mga 'yun pero ayoko lang talagang intindihin ngayon. Kinopya ko na lang ang equation na nasa blackboard.
15x + 12y = 66
-14x + 12y = - 64
____________________
Agad ko 'yung kinopya at sinimulang hulaan kung paano ito mareresolba, at medyo nakukuha ko na din kung paano ang gagawin. Lumulutang ang aking utak sa naiisip at tuliro kahit na may guro pa sa harapan. Binabagabag pa din ako ng nangyari kanina, umiyak si Jason. Wala man lang ako nagawa at hindi ko rin naman pwedeng sugurin si Ma'am Sheila.
Ibinalik ko na lamang ang aking atensyon sa aralin sa harap, tinititigan ang pisara at bawat numerong isusulat nila. Inaanalisadong mabuti kung paano ba ito gagawin para malaman namin kung paano sasagutan mamaya ang ipapagawang short quiz ni Ma'am Jera. Lagi namang ganoon. Bawat asignatura ay may mga maiikling pagsusulit na ibibigay ang mga guro pagkatapos o bago man magklase.
Hindi ko na namalayan na may tinawag na pala si Ma'am Julia para sagutan ang equation sa pisara gamit ang substitution. Nakinig na lang ulit ako nang matapus na ni Lynarne ang sinagutan niya sa pisara.
"Thank you, Silvan," saad niya nang maiabot ni Lynarne ang yeso sa palad niya at humarap sa amin. "As you can see, you can't solve it with the substitution like we used in the last lesson, so that's why in this equation, we're going to use the elimination method for us to solve it quickly. To be familiarized with the elimination method, let me ask you all first, what is 'elimination'? Anyone?" dagdag niya.
Wala man lang kumibo o nagtaas ng kanilang kamay upang sumagot.
"No one? Okay, I'll call someone to answer. Dylan Dela Cruz," tawag niya na ikinalingon naming lahat kay Dylan na para bang nagpa-panic na sa pag tawag ni Ma'am.
"Ma'am, pwede Tagalog?" ani niya na ikinairap ko.
"Pwede, but please, students, sanayin ninyong English ang pagsagot ninyo sa akin. We don't have the system of public schools na Tagalog ang kanilang Mathematics subject. So as whom you may concern about, if you want to get better grades in recitation, then, please practice your English vocabulary kahit sa subject ko lang, understood?" ani ni Ma'am.
Sabay-sabay sumagot ng pagsang-ayon ang lahat at hindi nag-alinlangang tumango na din.
"So, now, Mr. Dela Cruz, what's elimination for you?" pag-uulit ni Ma'am ng tanong. Nahihiya ako sa madidinig kong isasagot ni Dylan, dahil ayokong mapahiya siya, kaya hindi na din ako tumingin. Iwas na rin 'yun sa pagbibigay ng ilang sa kanya.
"Ma'am, 'yung may natatanggal po," sagot niya habang nakatayo at ang kamay niya ay nagkakahawakan na sa kaba.
"Mind explaining what Mr. Dela Cruz said, Ms. Ellaine?" biglang tawag ni Ma'am sa akin na ikinagulat ko. Nagsimula na naman ang pang-aasar sa paligid na ikinakati na naman ng tenga ko. Tinawag lang ako eh. Lupa, kainin mo na lang ako.
"Oh, ang ingay niyo. Anong mayroon sa dalawa?" tanong ni Ma'am na lalong kinahiya ng kaluluwa ko. Nakakunot na rin ang noo niya habang isa-isang tinitignan ang mga estudyante sa loob ng silid. Ang iingay naman kasi eh!
"MU sila, Ma'am!" sigaw ni Lourine na ikinabingi ko pa lalo.
Pakilagyan naman ng busal mga bibig ng mga 'to. Masyado silang maingat tungkol sa MU namin. Nagsisimula ng mamuo ang stress ko. Lalo kay Lourine. Ang daldal!
"I see..." Casual lang sinabi ni Ma'am Jera ang mga katagang 'yun pero dumagdag pa rin 'yun sa kaba ko. Dadagdag na ba siya sa mga mang-aasar sa amin? Pagkatapus ng kaunting katahimikan ay tumingin sa akin ng parang walang nalaman. She's so professional. "Explain what Mr. Dela Cruz said a while ago, Ms. Ellaine," saad niya sa akin na ikinapigil ko ng hininga.
Natahimik ako ng ilang segundo bago suminghap ng hangin bago magsalita.
"Sa opinyon ko po, may tatanggalin sa equation gamit ang elimination method. Kaya nga po tinawag na elimination method is we have a thing to eliminate from the thing that is in front of us," ani kong kinakabahan pa. Panimula ko pa lang 'yun. Nakahawak ako sa blazer at nagpipigil mautal sa pagpapaliwanag ko sa sagot ni Dylan. "Maybe, some of the numbers or variables are needed to be eliminated or remove for us to solve it. Ang hula ko lang po is baka po hindi lahat ng nasa equation ay gagamitin natin for solving the two expressions, para makuha ang x and y," dagdag ko pa bago umupo.
"Very good, Ms. Ellaine. Tama ka. We need to eliminate some numbers and variables to solve the equation, but what numbers and variables are you talking about that we needed to eliminate for us to solve this equation on the board?" aniya na ikinatulala pa rin ng lahat at ikinatikom. Kahit ako na alam ang sagot ay hindi na lang kumibo.
"I'll start discussing and solving it while you, students, write down the important things about this. First of all, what we need to eliminate here is what we called the 'like terms'. You see, the two expressions here have identical coefficient 12 and variable y. These two terms were aligned in the 'bx' variable if we talk about the expression ax² + bx + x = c. But the thing is, we have two expressions here, linked to each other, which means these two expressions here are needed to be solved, and we need to just use subtraction. We can't add, unless it is the right side which is ax² section - what I am talking about is the 15x and the -14x..."
Pinapaikot ko sa daliri ko ang aking ballpen habang nakikinig sa discussion. Nakatikom ang aking bibig at bukas ang tenga sa paligid. Ang mata ko ay 'tila mata ng agila sa natatanaw, may mga hindi nakikinig, at ang iba ay kalahating hindi nakikinig at kalahating nakikinig. But what caught my attention is masyadong nakikinig si Jason sa lesson.
After ng discussion ay may papasagutan sa pisara, siya na din mismo ang nagtaas ng kanyang kamay hawak pa din ang calculator at notebook niya. Sa nakalipas na mga buwan, napansin kong nagsisikap siya sa pag-aaral kahit na minsan nale-late siya. He really caught my attention always. Sa resitations, sinisikap at pinipilit niyang i-execute ang gawa niya sa paraang magkakaroon siya ng mataas na grado, kunwari na lang ay 30 ang grado, okay na sa kanya kahit man lang makaabot ng 16 to 20 ang grado. Every boys in our section is like that, pero ang sarap lang silang makitang masaya kasi alam nilang ginawa nila ang best nila sa performance. Kahit pa mga tamad sila sa ganoong bagay, alam pa din nilang isipin na hindi ibagsak ang mga grado nila sa final gradings.
"Thank you, Mr. Dela Rosa."
Nakatitig ako sa pisara at may napansing kakaiba. Ganun din ang tingin ni ma'am sa pisara habang nakakunot ang noo.
"Jason, parang may mali sa sagot mo," apila ni Ma'am Jera.
Tama siya, may mali sa isinagot ni Jason sa pisara.
"Anyone, who wants to give Jason a hand?" tanong ni Ma'am.
Nagtaas ako ng kamay at napansing ngumiti si Ma'am Jera sa akin.
"So active, Ms. Ellaine. Here's the chalk."
Pumunta ako sa harapan at kinuha ang yeso sa kanya, at iniayos ang sagot ni Jason. Pabalik na ako sa aking kinauupuan ay sinulyapan ko si Jason ng mabilisan bago iniiwas ang tingin ko pagkaupo. Nagsimula na naman ang asaran sa buong silid namin, dahil lang sa isa na namang walang kwentang rason, ang pag-aayos ko sa mali sa sagot ni Jason.
Tumibok na naman ng mabilis ang puso ko sa hiyawan ng lahat. Baka dahil rin talaga sa ingay nila kaya siguro ganito ang reaksyon ng dibdib ko. Ng puso ko.
"Enough! You're in the middle of a class, ladies and misters!" sigaw na ni Ma'am ngunit wala pa ring takot ang aking mga kaklase. Maingay pa rin sila at hindi pa nawili ay dinamay pa si Ma'am Julia sa kalokohan at pang-aasar nila sa amin. Nararamdaman ko na naman ang sensasyong nakakapanindig balahibo.
Sa kakaasar nila sa amin ay hindi nila naiisip ang kahihinatnan ng mga bagay-bagay sa buhay ko. They're making it worst every second they tease us. They don't know anything. Sumulyap ako ng tingin kay Dylan na ngayon ay malamig na nakatitig sa akin ng ilang minuto bago tinignan niya ng masama si Jason, at inirapan. Kumunot ang noo ko doon habang naririnig ko pa rin ang ingay sa paligid. Ano na naman bang masama sa ginawa ko?
May lumabas na notification habang nagbabasa ako. Boryong boryo ako kaya nag-earphones ako at nakikinig sa kpop songs habang nagbabasa na naman ng Detective Files. Kakatapos lamang naming kumain ng pananghalian kaya wala na naman akong magawa.
Sumusulyap ako sa gawi nila Dylan upang makita kung nakatingin siya sa akin at nagmamasid na naman sa bawat galaw ko, ngunit nakakagulat ngayon, na parang wala siyang pakialam, kaya naman sinulit ko na ang pananahimik ko sa sarili kong pwesto. I am talking to Harold about his courting and he admitted he was rejected.
Napangiwi ako sa nakita ko. Kinarma na nga. Ang bilis naman.
Nagkwentuhan pa kami at natatawa ako ng mag-isa, dahil sa pagiging tanga niya. Kilala ko na si Harold. Isang magpapaka-tanga para lang sa isang babaeng gusto niya o sa crush niya, dahil 'yan din ang ginawa niya sa akin. Pero ang lakas naman yata ng karma sa kanya nang pang-iiwan niya sa akin?
Matagal ko na siyang pinatawad, ngunit ang sakit ng nakaraan ay nasa akin pa rin. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas mula noong Marso, tatlong araw pagkatapos ng aming kaarawan, nang iniwan niya ako. Nang sinabi niyang hindi niya na 'ko gusto. Pero ayoko na sa kanya at wala na akong plano pang ituloy siya kung babalik siya sa akin, dahil masyado niya akong nawasak.
He was the one who gave me the bare minimum's but he's also the one who caused my trust issues. He set my standard up high while he also set my doubts up high.
Hindi na kita gusto, Ellaine.
And that's always replaying to my mind.