Chereads / THE CHASE ESCAPE (ALGEA SERIES #1) / Chapter 11 - CHAPTER ELEVEN

Chapter 11 - CHAPTER ELEVEN

From: Dylan Dela Cruz

kaya layuan mo siya

khit sa groupings. pwede

ka namang magpalipat

kung gusto mo. kasama

ako, dba?

Hinilot ko ang sentido ko sa nabasa ko at bumangon sa kama. 

"Nasisiraan ka na ba ng bait, Dylan?!" biglang sigaw ko at kinakausap ang sarili.

"Hoy, sigaw na sigaw? Pwedeng pakihinaan volume mo? Mas malakas pa kasi boses mo sa music ko. Ano ba nangyayari sayo? Nakawala ka ba sa hawla huh? Tigre ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Elle sa akin nang nakakunot ang noo.

"Eh, si Dylan kasi layuan ko raw si Jason kapag naging ka-group ko. Huwag ko rin daw kausapin. Paano 'yun? Eh ako leader lagi kapag kagrupo ko 'yun. Maluwag ba turnilyo nito sa ulo?"

"Ay, ganun? Alam mo 'di ko bet yung ugali ni Dylan sayo. 'Di kayo compatible."

"Manahimik ka na lang kug basher ka."

Umirap siya. "Natitiis mo 'yan? 'Yung pati school groupings madadamay sa selos niya? Kung ako 'yan, ngayon pa lang, titigilan ko na 'yan."

"Whatever, Elle."

"Whatever, Elle," panggagaya niya sa akin.

It's been a week after ng Intramurals at Periodical Test Day na namin. Huling araw na rin ng pagsusulit namin, kaya tuwang tuwa kaming lahat nang matapos na naming sagutan ang mga test papers namin. Pagkatapus kasi ng pagre-relax namin nung Intramurals, bumuhos na ang maraming activities at quizzes sa amin galing sa mga teacher namin. Binuhusan rin nila kami ng mga lessons nila na ang sakit sa utak. Lalo 'yung sa AP. Sauluhin talaga lahat.

Pagkatapos naming lahat ay dederetso na agad kami sa bahay ni Abi para sa shooting sa English project namin. Kailangan kasi naming gumawa ng music video at dapat kami 'yung mga cast. Napili namin ang tugtog na Happier ni Ed Sheeran, dahil halos sa amin ay sawi sa pag-ibig. Joke. 

Mas madali lang kasi para sa amin gawan 'yun ng mga eksena dahil may mga dugong actors at actresses naman siguro kami. Naging main role ako nung una at si David naman ang naging leading man ko. He's an American, pero ilang buwan na lang ay aalis na rin siya para bumalik sa bansa niya. 

Sa shooting namin last week ay  madami kaming inulit at binago, dahil sa insidente na namang pagseselos ni Dylan. Shooting lang namin noon, at kailangan sa music video na buhatin ako ni David pagkatapos naming maghabulan, dahil ako ang main role na babae sa kwentong ginagawa namin sa bawat eksena. Ang role kasi ni David ay ang ex-boyfriend ko at ang present boyfriend ko ay si Daniel. Ang plano namin ay madadaanan ni David at ng isa niyang kaibigan si Daniel, at magkakabungguan sila, at biglang flashabck ni David ang ipapakita tungkol sa nakaraan namin noong 'kami' pa. 

Patapos na sana kami sa mga eksenang 'yun, kaso doon na umeksena at pumasok ang selos ni Dylan. Hindi ko naman pwedeng pigilan ang selos niya, kahit sabihing kaibigan lang talaga ang ka-partner ay hindi noon matutumbasan ang hinalang may namamagitan sa ka-partner ko at sa akin kung tatawa ako at magiging masaya, kahit kailangan sa eksena.

Hindi rin ako pwedeng makipag-holding hands. kahit kailangan sa eksena. Hindi rin ako pwedeng yakapin nino man kahit kailangan din sa eksena, kaya wala akong ibang choice kung hindi sabihin kay Mariel na magki-quit na ako sa role ko at palitan na lang ako ng iba. Pero ayaw niya sanang pumayag, dahil daw uulitin pa namin ang mga eksena na nagawa na nami last week sa may tambayan sa harap ng JHS Building.

Huwag ako ang sisihin nila. I'm just considering someone here because of the feelings of 'not meritorious'.

Once in my life, it's my first time that I did cutting on one of our classes. Lumabas ako noong recess pa lang at bago mag-Filipino, pero hindi ko namalayan ang oras at nakapag-cutting na pala kami ni Abi sa drama ko. Zyrille was there, too. Alam kong mayroon siyang suspension kaya community service ang pinapagawa sa kanya ngayon. Pagbalik namin sa room ay doon pa lang namin nalamang nag-cutting kami. Akala kasi namin ay recess pa kaya naman tumagal pa kami at hindi na namin namalayan ang oras. Ang dinahilan na lang namin ay nasa clinic kami magdamag dahil sumakit ang tiyan ko, at binantayan ako ni Abi. Effective naman ang ginawa naming palusot, dahil naniwala naman si Ma'am Liza. Kapani-paniwala 'yun dahil laging may sumasakit ang tiyan sa section namin, kaya normal nang maniwala ang advisory namin. Madalang naman kasi akong mag-clinic kaya hindi niya ako pupwedeng paghinalaan na palusot ko lang 'yun.

Pagkatapos noon ay walang ideya sina Rain, Mariel at Elle kung bakit ako nawala kasama si Abi. Hindi ako nagsabi. Hindi kami nagsabi ni Abi ng totoong dahilan dahil hindi rin naman sila nagtatanong. Sa amin na lang 'yung katotohanan kung sakali dahil si Elle at si Mariel naman ang may kagagawan ng mental breakdown ko at sila ang dahilan kung bakit ako nagka-ganito.

Parehas kasi nilang sinabi sa akin na hayaan ko raw si Dylan magselos. Shooting lang naman daw 'yun. Wala naman daw namamagitan sa amin ni David o ni Daniel, kaya ano ba daw ang kailangang ika-selos ni Dylan o ika-praning ko. Syempre, nagmakaawa ako kasi ayokong mawala si Dylan sa akin. Pinagpipilitan kong palitan ako. They can't feel what I'm feeling. I just don't want someone to leave me again. Tanga na kung tanga.

I also suggested na sasama na lang kako ako sa mga director at nagvi-video ng film, para naman may ambag ako kahit papaano, kahit na wala ako sa eksena. Ayoko namang lalo pang magselos si Dylan, to the point, na baka may gawin na naman siyang binabalak niyang hindi ko magugustuhan. Ayoko namang may gulo ulit, kaya gusto kong pigilan ang umaagos niyang pagseselos sa kung sino mang lalaki ang papalibot sa paligid ko. Kahit na sarili kong tropa at ako na ang gagawa ng tamang kilos para mawala na kaagad ang namumuong selos sa kanya. Kalaunan naman ay pumayag rin si Mariel sa request ko.

"Hindi pa ba tapos si Abi?" tanong ni Mariel na inip na sa kakahintay.

Hindi pa kasi tapus sa pagsusulit si Abi. Ang tagal kasi talagang prumoseso ng mga bagay at equations ng utak niya. Hindi lang talaga siya katulad naming mabilis maka-analyze ng mga bagay-bagay na nakalagay sa test paper, pero matalino siya. Nakalimutan lang niyang ilabas 'yun dahil sa pressure at family problems na iniisip niya. 

"Hindi pa. Huwag ka ngang mainip!" singhal ni Elle sa kanya na nabwisit na sa kaartehan niya.

"Nasaan ba sila Ludovico?" pag-iiba ni Mariel ng usapan. Si Ludovico ay si David, apelyido niya lang 'yun at nasanay ang lahat na 'yun ang itinatawag sa kanya kasi parang mas formal pakinggan kapag kausap namin siya.

"Nauna na yatang magsi-uwi," sagot ko.

Maya-maya pa ay lumabas na si Abi sa room kung saan siya kumuha ng pagsusulit at pumunta sa amin para kunin ang cellphone niya.

"Nandiyan na ba ang service?" agad niyang tanong.

"Wala pa," ani kong wala pa rin sa modo.

"Tara, canteen muna," pag-aaya niya at sumunod kami sa aya niya.

Si Rain ay hindi makakasama sa lakad namin sa Lamao para sa shooting, kasi hindi pinayagan ng lola niya. Malayo raw kasi kaya hindi pinasama. Siya na lang daw ang mage-edit ng music video namin kaya i-send na lang daw namin sa kanya ang mga eksenang makukuhanan namin mamaya.

Gaya ng sinabi kanina ni Abi ay umalis na kami at pupuntang canteen pero huminto muna kami sa tapat ng fishball at palamigan ni Kuya Bert. Lagi kaming bibili dito kapag kulang pa kami sa service at may hinihhintay pa.

"Kuya Bert, bente pesos pong fishball tapos po fifteen pesos po na hotdog," ani ko.

"Kuya, ako din," ani ni Rain.

"Kuya, kuha na din ako ng melon ah," sabay abot ko na din sa kanya ng sampung piso.

Ang saya lang sa school namin, dahil hindi lang talaga siya isang simpleng campus, kung 'di welcome school siya kahit sa mahihirap. Mayaman ang nagpundar ng eskwelahan pero magtataka ka kung bakit hinahayaan nila magtinda ng fishball dito ang isang simpleng tao.

And to think na lahat ng tindera dito ay sulit ang pagbabayad sa renta nila dahil bentang benta sa mga suki nila ang mga paninda nila, at bawing bawi rin dahil doon ang ipinundar na budget para sa negosyo.

Hindi kasi lahat ng pumapasok sa private schools ay mayayaman ana agad. Katulad namin, hindi naman kami makakapasok dito kung walang tumutulong sa amin. Mukhang mayaman lang naman kami dahil napaka-pormal ng mga suot namin. Red vest, blouse, red checkered necktie, white knee socks and black shoes are the style for the uniform of the JHS girls, and vest, blouse, grey necktie, slacks, white ankle socks and black shoes for the uniform of the boys. Iba pa ang uniform para sa mga SHS, Criminology at iba pang mga departments sa college.

Ginawa ang kolehiyong ito noong 1979 bilang isang monumento para sa pagkilala para sa mga bayaning nagpakamatay sa Battle of Bataan sa pamamagitan ng pagsasanib pwersa ng Philippine Commonwealth at ng Amerika laban sa Kolonya ng Hapones na pinaplanong masakop ang bansang Pilipinas bilang kanilang teritoryo. Ang kolehiyong ito ay isa sa mga ipinundar at ipinagawa nina Engineer Sesenio Sanchez Rosales at Doktora Laureana San Pedro Rosales. Ilang lang 'yan sa mga impormasyon tungkol sa BHC.

Bumalik kami sa JHS building pagkatapus naming mamili at nagtipon-tipon muna sa isang bench sa labas ng building para hintayin ang service, at para hindi maboryo ay pinag-uusapan na muna namin ang mga gagawin mamaya.

"Elle, alam mo naman ang ginawa ni Ella nung una, 'di ba?" tanong ni Mariel sa boses ng isang leader.

Sa totoo lang, hindi naman talaga siya ang leader, pero nagpapaka-bossy siya sa aming lahat. Her way is her way, pero sumosobra siya sa yabang kapag tingin niya ay maganda ang vision niya, kahit sa akin nag-agree ang iba sa gagawin naming concept.

Ipipilit niya ang gusto niya nang paulit-ulit hanggang sa mapapayag niya kamipara sa sarili niyang interes. Yes, that's Mariel. Mayaman at maldita, bossy pa kung tutuusin. Akala niya yata ay hindi ko siya inoobserbahan. Masyado kasi siyang kampanteng bossy siya sa lahat ng bagay at napapasunod niya kami kapag nasa paligid siya.

"Oo," sagot ni Elle at umirap na nagpapahiwatig na naiirita siya sa kung ano ang sinabi ni Mariel sa kanya ngayon.

"Eh, 'yung mga boys ba nasaan na?" tanong ni Abi.

"Susunod na lang daw sa Lamao, gamit sasakyan nila Daniel, " sagot ko.

Nag-uusap pa kami nang dumating na ang service namin. Gumayak kami dala-dala ang aming mga gamit. Kung maglakad ako ngayon ay parang lantang bulaklak na hindi nadiligan kahit isang beses man lang o kaya naman ay hindi nasikatan ng araw. 'Yung malapit na mamatay. Ganun.

Malalim pa din ang iniisip ko tungkol sa mga bagay-bagay. Kung natuwa na ba si Dylan sa ginawa kong pagpaparaya sa parte ko sa project namin at pinakawalan ko ang pinakamalaking parte ng buong video, o hindi. But neither way won't make any sense. Sa sobrang seloso ba naman ni Dylan ay hindi imposibleng mag-isip pa siya ng ikakatamang hinala niya, kahit sa totoo lang ay mali halos lahat ng hula at hinala niya.

Nakaupo kami ni Elle sa harap, sa shotgun seat. Dalawa ang upuan kaya kasya kami. Nag-earphones na lang ako para hindi ko madinig ang ingay ng mga ka-service naming nasa likod. Sobrang ingay nila ay para silang nakalunok ng speaker. Daig pa nga siguro nila ang speaker sa ingay nila. 

I am just quiet and just chat with Kuya RC. He's my classmate last year but sadly, he's not going to continue his studies this year and for the next years. May kapansanan kasi siya. He's not that capable of doing the normal things we can do. I think his condition is near dyslexia or not, but he's not hard to talk to. He's obeying all of the things I will ask him to do or the things I want him to answer. He's smart in things he knew and I'm proud of him for that.

It's a long way ride. Isang oras at tatlompung minuto din ang ginugugol namin sa byahe. Minsan pa nga ay pwede ng maging kwarto 'tong service dahil sa sobrang kaboryohan ng mga kasama namin sa loob. Para kasi silang mga nakawala sa zoo at nadadamay pa kami minsan sa kalokohan nila. 

You can have a slumber party for free gamit ang mga sarili niyong mga gamit. Taguan ng cellphone, taguan ng bag, taguan ng ID. Anything na pwede nilang ikasaya para lang mahigitan ang kaboryohan nila sa loob ng service. That's why it's fun having friends you didn't know from the start. Unique ones to be exact. They're the type of friends that won't let you feel bored throughout a trip.

Nakarating na kami sa bahay ni Abi at matiwasay nila kaming inimbitahan pumasok sa simple at maliit nilang bahay. Nakangiti naman kaming pumasok doon. Nang makapasok kami ay nakita naming nakangiti silang sinalubong kami. Meron na ding pagkain sa lamesa sa sala nila para sa amin. Pinayagan din nila kaming pumasok sa isang kwarto doon para makapagpalit kami ng damit namin. Sa silid na lang kami ni Abi nagsiksikan para makapagpalit at pagakapasok na pagkapasok pa lang namin ay kitang kita na ang posters niya ng BTS.

"Oh, hindi naman halatang fangirl ka?" biro ko sa kanya.

"Hindi nga," sarkastikong sagot niya.

Pumunta siya sa isang cabinet doon at naglabas pa ng ibang posters. Naka-lock naman ang pinto kaya walang makakapasok na kahit sino. Ayaw rin naman naming masilipan 'no.

Natipuhan kaagad ni Mariel ang isang poster sa nilabas ni Abi at halatang gusto niya 'yung hingin. Napairap na lang ako. Ito na naman tayo sa kung anong gusto niya ay dapat makuha niya. Buti na lang at mabait si Abi at binigay rin 'yun sa kanya.

"Pwedeng sa 'kin na lang?" tanong ni Mariel.

"Sige, madami pa naman akong poster. Kayo, Ella? Gusto niyo din ng isa?" tanong ni Abi na nag-aabot ng isang poster sa akin.

Winagayway ko ang kamay ko, agad na tumatanggi. Koleksyon niya 'yun at mahirap na hanapin ang mga posters na katulad noon, pwera na lang kung nakatira ka sa South Korea para madali mong mapalitan ang pinamigay mong posters sa mga kaibigan mo. Eh, hindi naman siya nasa Korea. Nasa Pilipinas siya.

"Ay, hindi na, Abi. Sayo na 'yan."

Ngumuso siya at tumayo para ibalik sa drawer ang mga poster na inilabas niya pwera sa ibibigay kay Mariel. "Nahiya pa." Para pa siyang maiiyak dahil tumanggi ako. Tumawa ako dahil sa reaksyon niya.

"Okay lang naman kasi." 

Ngumiti ako para umayos na ang kondisyon niya at nagwagi naman ako doon.

Natapos na kaming magbihis ng civilian para maging komportable kami sa paglalakad at paglilibot sa pupuntahan namin para sa gagawin naming proyekto. Lumabas kami ng silid papunta sa balkonahe nina Abi para makita kung naroroon na ang mga lalaki na kagrupo namin at natulos ako bigla sa kinatatayuan ko sa nakita ko.

Pucha, bakit kasama nila si Jason?

Wala siyang role sa amin at lalong hindi namin siya kagrupo, kaya nakakapagtakang naririto siya. Akala ko din ba ay may shooting rin sila? 'Yun ang paalam sa akin ni Dylan. Sila ang tunay na magkagrupo, plus ang tropa ni Dylan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at naririto siya kasama nila Daniel.

Napa-face palm na lang ako sa kakaisip ng rason na posibilidad kung bakit nandidito si Jason, pero wala akong ideya kung ano man ang rason, at naubusan na rin ako ng iisipin. Nase-stress na naman ako kakaisip tungkol doon. Ano na namang gulo 'tong pinasok ko? 

Kapag nalaman na naman ni Dylan 'to, malilintikan na naman ako. Selos na naman ang bungad sa akin sa Messenger at susuyuin ko na naman siya hanggang sa maging maayus siya kahit ginawa ko na ang lahat para lumayo sa mokong na kasama ng mga lalaking kagrupo namin. Bakit kasi lagi na lang kung nasaan ako ay nandun din 'tong lalaking 'to? Sumpa ba 'to?

Kakapasok pa lang nila ng gate ay tinahulan na agad sila ng aso nina Abby kaya napairap ako nang biglang pumunta si Jason sa likod ni Daniel. Kalalaking tao takot sa aso?

"Ano ka? Bakla?" ani ko bigla habang nakakunot ang noo.

Napalingon siya sa gawi ko at tinignan ako. Ngumisi ako na siya niyang ikinaiwas ng tingin nang wala man lang nababakas na kung ano mang damdamin sa mukha. Snob ang 'extra' mamaya.

"Kain muna kayo. Malamang ay mga gutom kayo." ani ng nanay ni Abi na kadarating pa lang sa sala dahil lumabas muna saglit sa likod ng bahay nila.

Pumasok na kami sa loob habang inulungan ni Abi makadaan sina Daniel. Hindi pa rin kasi bitawan ni Jason ang balikat ni Daniel. Takot na takot lang? 

Pagkapasok namin ay dumiretso na kami sa sala nila at umupo sa sofa doon. Sa totoo lang ay nagmumukhang malaki lang ang bahay nila sa labas dahil may terrace ito. Pero sa pagpasok niyo ay sobrang liit lang, pero kasya na ang isang pamilya sa loob. Dalawa ang kwarto doon, isa pagkapasok niyo at makikita niyo na paglingon niyo sa kanan; at isa naman sa may sala; ang kusina naman nila ay isang hakbangan lang mula sa sala; ang banyo ay malapit sa kitchen counter sa kanan. Maliit pero maaliwalas tignan ang kanilang tahanan. Light colors lang rin ang pinintura sa dingding at kisame kaya mas nagmukhang malawak pa ang bahay.

Kumain muna ang mga bagong dating na mga kagrupo namin kasama si Jason kahit hindi namin siya kagrupo. 'Di bali na at gagawin na lang namin siyang extra. Sana man lang ay may mai-ambag siya para naman hindi masayang ang pagsama niya kala Daniel papunta dito.

Pagkatapus nilang kumain ay nagpalit na rin sila ng damit sa kwarto ni Abi. Ayus lang naman raw pumasok doon ang mga boys dahil magpapalit lang naman. Si Jason lang ang naka-uniform pa rin sa kanila pero wala na ang suot na vest, blouse, gray necktie and ID. He was left with his white plain T-shirt, slacks, white ankle socks and black shoes. Mabilis lang naman silang nakapagpalit kaya pagkatapus nila ay nakasakay na kami sa sasakyan nina Daniel. 

Nasa dulo ako at malapit na naman sa bintana. Nakaupo naman sa upuan sa harap ko si Jason. Sobrang gulo nila at sobrang ingay. Nanahimik lang silang lahat nang tumawag na ang tatay ni Daniel. Sinabi niya sa aming magbayad daw kami ng isang daang piso para sa pagsakay sa sasakyan nila at nagsimula na silang magkagulo dahil doon. Saan daw sila mga magsisipulot ng isang daang piso? Mga kuripot sa ambagan pero sa pagkain ang dami nilang pera. Napairap na lang ako at dumungaw na naman sa bintana. Buti na lang at hindi kasama si Rain dito.  

Ako nga walang pakialam dahil wala akong intensyong magbayad, dahil katulad nila ay wala na rin akong pera. Hindi naman kasi kami binibigyan ni mommy ng malaking pera para sa baon namin, dahil nagbabaon naman kami ng recess at lunch namin. Lahat ay napabuntong hininga nang sinabi ni Daniel na biro lang raw lahat ng pinapasabi sa kanya ng kanyang tatay.

Buti na lang at wala akong planong magbayad.

"Akala naman namin totoo na, 'pre. Kinabahan ako 'dun ah. Wala akong pera." Nakahawak pa sa dibdib niya si Jason habang sinasabi 'yun. Kabang kaba siya ha?

"Huwag kang mag-alala. May pera naman yata si Ellaine, palibre ka na lang." Nakita ko ang pag ngisi ni Daniel nang tumingin siya sa akin. Kumunot ang noo ko dahil 'dun. Ginawa pa niya akong wallet ni Jason ah. Kapal ng mukha.

Naka-earphones ako at nakatanggal ang isa kaya nadidinig ko silang nag-uusap. Sinimulan na nila kaming asarin at nanahimik na din si Jason sa harap. Ako naman ay walang pakialam at nakatutok sa labas ang paningin. Maganda ang tanawin na makikita mo habang nasa byahe pero nakakakaba din, dahil accident prone area ang dinadaanan namin bago makarating sa lugar na gagamitin namin para sa proyekto. Dadaan na din kami kala David para malaman kung saan ang plaza. Hindi kami pwedeng lumayo pa ng mga lugar dahil mahirap na kung maligaw pa kami lalo na at hindi pamilyar sa daan at lugar ang taga-pamaneho ng pamilya nina Daniel, dahil hindi naman sila nakatira dito. 

Halos lahat ng aming mga kaklase namin ay nakatira sa Balanga kung nasaan ang aming pinapasukang eskwelahan, kaya pahirapan din kung sa ganitong lugar namin gagawin ang proyekto namin, but it will cause risks if you want to have a good footage, right? Mapilit lang talaga ang iba at matitigas ang mga ulo na dito kami mag-shoot kahit malayo para lang makagala. 

Nagugulumihanan na din ako sa mga nangyayari simula nang maging MU kami ni Dylan. Laging kailangang bantay sarado ako sa mga kilos ko sa paligid kapag malapit sa akin si Jason. Kahit kasi wala naman akong gagawing ikaseselos niya ay magseselos pa din siya, kaya hindi ako nakikipag-usap kay Jason ngayon. Dahil Isa 'yun sa mga dahilan.

Nakarating kami ng maayos sa lugar na pupuntahan para sa shooting. Wala pa doon sina David kaya naman sinimulan na namin ang shoting kala Daniel at Elle. Ang eksena ay nag-uusap sila sa isang kanto na parang masayang masaya sila. Habang vini-video sila ni Mariel ay nasulyapan ko si Jason na naggagala-gala lang sa paligid. Binuksan ko ang aking cellphone at pumunta sa camera. Kinuhanan ko siya ng litrato nang palihim habang nakaupo siya sa isang monumento sa isang gilid habang nakatingin siya sa gilid. Pagkatapus kong gawin 'yun ay tinitigan ko ang litrato na nakuha ko sa cellphone ko. Napangiti na lang ako sa itsura niya doon. 

Maamo ang mukha niya doon na para bang hindi puro kalokohan ang alam sa eskwela. His features are unique but there's still something bugging me. Napaka-misteryoso niya pa rin sa likod ng mga tawa at ngiti niya kasama ang mga boys at binabagabag ako 'nun. I just felt I need to know something about him. Tumitig ako sa mukha niya habang nakatingin pa rin siya sa malayo. Jason, sino ka ba talaga?

Lagi niya akong pinag-iisip kung anong tumatakbo sa isipan niya, kung anong problema niya sa buhay, dahil alam ko lahat ng tao ay hindi pwedeng maging sobrang saya sa labas ng kanilang pamamahay nang walang tinatagong problema sa loob ng pamilya niya. Nabanggit na niyang wala na siyang tatay. Iniwan na sila, pero mayroon daw siyang stepfather. 

Napapaisip ako kung anong ginagawa sa kanya ng stepfather niya. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit nagkakaroon pa ako ng pake sa mga bagay na 'yun. Kuryosidad ang bumabalot at bumabagabag sa akin na maghanap ako ng impormasyon kahit hindi ko naman kailangan sa buhay ko ang impormasyon ng buhay niya. Mababaliw na yata ako dahil sa mga iniisip ko ngayon.

"Ellaine!" Bumalik ako sa katinuan at itinigil ang pagtitig kay Jason nang marinig ko ang sigaw ni Mariel. "Kailangan ka na namin dito!" Agad naman akong lumingon sa kanya at sinenyasan siyang papunta na ako sa kanila bago ko binigyan ng huling sulyap si Jason. Tsaka, pumunta kung nasaan si Mariel.

"Dito naman kayo. Tatakbo kayo," ani ni Mariel kay Elle at David.

"Here's where you will run, David!" Pasigaw ko 'yung sinabi dahil hindi nakikinig sa akin ang kanong kasama namin at nakikipagdaldalan lang kala Zyrille.

"Yeah, I heard you. What do I need to do again?" tanong niya at napa-face palm na lang ako sa pagkayamot sa kanya.

Anak ng. Narining niya raw tapus tinanong ulit kung anong gagawin. Sinong niloloko nito?

Tinigil ko ang inis ko sa kanya at sinabi na lang ang instructions para naman hindi kami magahol sa oras. "You will run around here, and do you remember what you did to me last time?"

"I did hug you and lift you up," sagot niya.

Napabuntong hininga ako sa sagot niya. Buti naman at naaalala niya. Kung hindi, kahit hindi niya pa nararanasang mabatukan, mababatukan ko siya. Wala akong pakialam kung kano siya.

"Good. So in our cue of 1, 2, 3, you will do what you have said. Ready?" 

Tumango naman si David.

"Ikaw, Ellaine, ah, nano-nosebleed ako sayo," asar ni Zyrille.

"Normal na 'yun kapag hindi Tagalog ang ginagamit ng kausap mo at foreigner," ani ko bago sinimulang kumuha ng video. Dalawa kaming kumukuha ng video para iba-ibang anggulo ang gagamitin namin. Plano pa nga naming paalisin na lang muna sana ang mga hindi namin mga kagrupo para hindi sila makakuha ng ideya sa ginagawa namin kaso mukhang malabong mangyaring mapaalis namin sila. 

'Yung iba ay hindi pwedeng lumayo sa amin lalo na si Jason na kasabay namin papunta dito, kaya sa ibang eksena ay isinama na lang namin sila. Kung gagala sila kung saan-saan ay mahihirapan kaming hagilapin sila kung nasaan silang lugar at baka maubusan pa ng gas ang taga-pamaneho namin kapag sinubukan pa naming hanapin sila. Buti na lang at nakisama sila hanggang sa matapus namin ang shooting.

Nakasakay na kami ng sasakyan nang nakangiti kahit ang mga katawan namin ay parang mga patay na isda at mga halaman sa pagod. Si Jason naman ay nahiga na sa upuan niya dahil wala naman na siyang katabi. Iilan na lang kami sa loob ng sasakyan, kaya ang tahimik at halatang walang nagtatangkang umimik ang isa sa amin. Kami na ang sunod na ihahatid kaya naman boryong boryo na ako. Si Elle naman ay umiiglip sa tabi ko.

"Hoy, JaeJae, kapal ng mukha mong humiga diyan ah!" sigaw ni Daniel mula sa passenger's seat.

Bumangon si Jason at inalis ang blazer niyang nakatakip sa mukha, mukhang inis na inis sa sita ng kaibigan. Napalingon na lang rin ako para makitang nagtatalo sila sa walang kwentang bagay.

"Bawal ba?" pangsasarkastiko naman niya.

"Bawal!" sigaw ni Daniel.

"Ahh pwede." Humiga ulit si Jason sa upuan niya at nagtaklob ng sarili. "Huwag niyo akong pipicture-an," dagdag pa niya na kumiliti sa tenga ko at naglagay ng nakakaasar na ngiti sa mga labi ko. Isa lang naman kasing parte ng earphones ang nakalagay sa tenga ko kaya rinig na rinig ko ang sinabi niya. Binigyan niya ako ng ideya para maibsan ko ang kaboryohan ko sa sinabi niya.

"Anong sabi mo, Jason?" ani kong patanong.

"Huwag niyo akong pipicture-an," pag-uulit niya na hindi yata namalayang ako ang sinagot niya.

Nagkatinginan kami ni Daniel at ngumiwi siya. Mukhang naiintindihan niya ang pinaplano ko. Hindi ako nakinig sa sinabi ni Jason at kinuha ko ng cellphone kong nasa binti ko. Binuksan ko 'yun at binuksan ang camera. Tinapat ko 'yun sa kanya at kinuhanan siya ng litrato nang hindi niya napapansin at sinenyasan si Daniel na huwag sabihin kay Jason ang ginawa kong kalokohan. 

Bumangon na naman siya sa kanyang pagkakahiga at tinignan kami na para bang nagsusupensiya na may ginawa kaming masama. "Hoy!" singhal niya. Tumawa kami sa pag singhal niya habang wala man lang siyang kaalam-alam sa ginawa kong kalokohan na sinabi niyang huwag naming gawin.

"Ano?" matawa-tawa ko pang tanong.

"Anong tinatawa-tawa niyo?! Pinicture-an niyo 'ko 'no?" panghihinala niya kaya lalo akong natawa.

"Ah talaga? Sure ka?" Tinaasan ko siya ng kilay habang matawa-tawa pa rin.

"Hind,." madiin niyang sinagot ang tanong ko. Nakakalimutan niya yatang ako ang kausap niya. Epekto lang yata 'yun ng antok niya. "Pero feeling ko kase!" dagdag pa niya na lalo naming ikinatawang tatlo. Nagising na rin kasi si Elle nung pinipicture-an ko na si Jason.

"Eng eng mo, Jason! Umasa kang may picture ka sa amin! Nagtatawanan lang kami!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Ngumuso siya at isa-isa niya kaming tinignan ng masama bago bumalik sa pagkahiga niya at tinakpan ulit ang sarili ng blazer. Ako naman, nilabas ko ang cellphone ko at binuksan tsaka pansamantalang tinignan ang dalawang nakuha kong litrato niya nang sadya habang hindi niya napapansin ngayong araw. Huminto ako sa litrato niyang kinuhanan ko sa may monumento habang hindi siya nakatingin. I wish I could see that smile all day.

Umiling na lang ako nang mapansin kong iba na ang iniisip ko at dumungaw na lang sa labas. Pinatay ko ang cellphone ko at itinuloy ko na lang ang pakikinig sa music hanggang sa makauwi kami ni Elle. Para akong baliw na nakangiti hanggang sa makapasok kami sa kwarto at hindi maalis sa isipan ko ang nangyari ngayong araw. 

"Hoy tigilan mo nga 'yung ngiti mo. Ang creepy, ate." Elle gave me a disgusted look. 

"Tse!"

Nagpatuloy na lang ako sa pagpapalit ko ng damit. Nawala tuloy ako sa mood ko sa sinabi niya. Pero ito ang pangalawang araw na pinansin ako ni Jason, kaya isa ito sa pinaka-memorable, at pinaka-nakakaasar na araw para sa akin. Pinaka-memorable kasi ito ang pinakamatagal na interaction namin at nakakaasar dahil hanggang sa shooting namin ay nagpapakita siya sa akin. Hindi man lang ako lubayan ng mundo. Hindi naman maliit ang mundo ah? Kung hindi nga, eh bakit lagi sa akin dinadala ng mundo si Jason? Siraulo rin ba siya?

But little by little, I know I am discovering for whom my feelings are meant, and by that, I am starting to escape the chase.