Chereads / THE CHASE ESCAPE (ALGEA SERIES #1) / Chapter 10 - CHAPTER TEN

Chapter 10 - CHAPTER TEN

Day 2 na ng Intramurals at maaga na naman kami. Hindi pa kasi tapos ang finals ko sa squabble pero sa totoo lang, hindi ako ayos ngayong araw pero lalaro ako. Buong gabi kahapon ay overthink ang inabot ko kay Dylan. Hindi ko alam. Nanlalabo na kaagad kami, dahil sa selos niya, dahil sa walang kwentang dare, at dahil na din sa walang pagkakaunawaan at hindi pag-intindi sa mismong ibig sabihin ng pagpapaliwanag ko. Pina-detalye niya pa sa akin sa chat lahat na ikinainit ng ulo ko. Ilang beses ko uulitin ang pagpapaliwanag? Hanggang sa lalo siyang mainis? Hanggang sa iwanan niya ako? Kung 'yun ang nais niya ay pupwede ko namang tuparin ang kahilingan niya para sa pansarili niyang interes.

Pagkababa ko pa lang sa service ay diretso tungtong na ako sa hallway ng SHS building.

"Oh, saan punta mo?" tanong ni Elle.

"Sa Senior Faculty," sagot ko.

"Ano namang gagawin mo 'don?"

"Squabble," tipid kong sagot.

Wala akong kaene-enerhiya simula pa nung isang araw after kong masabi ang tungkol sa dare kay Dylan at sa nangyari kahapong pagsasarkastikuhan namin. Alam lahat ni Elle pero pagdating sa kung saan ako pupunta ay tatanga-tanga 'tong babaeng 'to. Kagabi ko pa sinabi sa kanyang may laro pa ako kaya bakit bumubuntot na naman siya? Tuta 'yan?

"Hindi ka ba muna pupunta sa room?" tanong niya.

"Hindi na." At kumibit-balikat ako.

"Bakit?"

Gumilid ang ulo niya habang nakakunot ang noo dahil mainit sa pwesto niya. Napangiwi na lang ako at hindi sumagot sa kanya. Yumuko ako at nagsimulang maglakad palayo. Hanapin niya na lang ako mamaya. Hide and seek ganun. Sinabi ko na agabi na may laro ako kaya dapat tinandaan niya. Ang dami-daming space for story ideas ang utak niya, sa paalala ko wala?

"Hoy, bastos ka! Gumaganyan ka na ah!" sigaw niya sa akin, pero naglakad pa rin ako palayo sa kanya hanggang sa hindi ko na marinig ang nakakabinging boses niya. Ayokong dumiretso sa silid namin dahil sa isang dahilan. Simple as it is for me, but not for the 'not meritorious'.

Ayokong makita ang pagmumukha niya. Alam kong ipapakita niya ang panghihingi niya ng kapatawaran sa lahat sa akin gamit ang mga mata niya. Madali kasi akong ma-attach sa isang tao kaya madali din akong masaktan, kaya ngayon lang ako nagpapakatatag para sa sarili ko at para na din sa kapakanan ko.

"Query," ani ko habang nagpapraktis.

"May word bang ganun?" tanong ng kinakalaban namin ngayon. Hindi ako sumagot at nakatingin pa rin sa mga tiles.

"Yes, meron," sagot ng isa sa mga kasama naming may hawak ng cellphone para i-check sa Merriam Webster ang mga words na sinasabi namin.

Napabuntong hininga ang kalaban.

"Grabe, ang dami mo namang alam para sa isang junior high school student, 'day," ani niya nang may halong pagsisisi na kinalabanan niya pa ako para lang sa praktis.

Ngumiwi ako. Nanatili ang paningin ko sa mga tiles na fini-flip namin sa harapan.

"Devoid," ani ko pa nang walang pag-aalinlangan. Nakapalung baba lang ako habang naglalaro. Naboboryo sa tensyong naririto sa pagitan ko at sa kalaro naming walang makuhang words sa amin at walang maipanalo.

Sa bawat flip nila ng tiles, nagmimistulang paningin ng agila ang mga mata ko dahil sa sunod-sunod kong pagkuha ng tiles.

"Querying."

"Palmers."

"Revalidation."

Halos wala na silang nahulaan at nakuha sa amin dahil ang laking points ng mga salita at parirala ng mga nakukuha ko at walang mara-rumble sa mga 'yun.

"Ang galing," papuri pa nila, pero masyado akong naka-focus sa praktis namin ngayon.

"Dapat ganyan ka din, Ellaine, sa laro mamaya. Good job," sabi ng coach naming si Ma'am Vivien, pero hindi pa rin ako kumibo. Kaya ako dumiretso dito, hindi lang para sa praktis, kung hindi para malimutan ko ang mga problema ko.

At lalo na si Dylan. Gusto kong malimutan ang problema naming dalawa. Kung 'yung iba ay idadaan ito sa inuman, ako idadaan ko sa paglilibang at hindi siya makita sa paligid ko, pero alam kong hindi ko siya maiiwasan makita sa buong campus dahil nasa isang lugar lang naman kami. Buntong hininga na lang muli ang aking napakawalan sa sobrang pag-iisip.

"...27...28...29!" pagbibilang nila sa scores at naboryo ako sa kakahintay matapos 'yun, dahil sinadya yata ng panahon pabagalin ang oras. Napabuntong hininga na naman ako sa kaboryohan.

"'Uy kanina ka pa diyan pakawala nang pakawala ng hininga. Ayus ka lang?" tanong sa akin ng ka-partner ko kaya napalingon ako sa kanya habang hindi ko alam ang sasabihin ko.

"A-Ah, opo, ayus lang ako." Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa nililigpit ng mga tiles sa harapan ko.

"Oh, bumaba na kayo sa G Room. Tawag na tayo 'dun," ani ni Ma'am Vivien sa amin kaya nagsigayak na kami sa aming kinauupan. Bago pa man ako makalabas ng pintuan ay tinawag ako ni Ma'am Vivien na siya kong ikinalingon. "Good luck. Galingan mo. Don't be pressured," pagpapalakas niya ng loob ko. Ngumiti na lang ako dahil sa sinabi niya, at gdire-diretsong pumunta sa G Room.

Natapos ang laro ng talo kami, pero okay lang. Hindi naman kami lagi mananalo. Nangiti na lang ako sa pagtatapos ng laro. Tinapik ni Ma'am Vivien ang balikat namin ni Ate Jocelyn.

"Good job, girls," ngiti niya sa amin.

Ngumiti na lang ako pabalik. Pagod na pagod ang utak ko sa laro. Simula kanina ay hindi ko pa naman nakikita si Dylan. Buti na lang at hindi ito pumunta sa G Room.

Nagpaalam na ako sa kanilang babalik na ako ng silid ng Grade 8 at nagpaalam rin sila pabalik sa akin. Pabalik na ako sa room nang makasalubong ko sina Jason. Paalis yata. Naglalakad kasi sila sa daanan ng mga etsudyante papunta sa gate.

"Saan punta niyo?" tanong ko.

"Computer shop," sagot ni Jason.

Napanga-nga ako sa sinabi niya. Computer shop? Ang alam ko ay bawal pumunta sa kung saan man kapag walang paalam sa adviser ah.

"Nagpaalam na kayo kay Ma'am Liza na lalabas kayo?" pataray kong tanong habang nakapamewang.

Napakamot sa batok si Jason. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Gusto niyo bang isumbong ko kayo? Bawal 'yang pagtakas niyo."

"Eh..." Napakamot na naman sa batok ni Jason na para bang naiirita na sa pakikipag-usap ko sa kanila at kating kati nang makapunta sa computer shop. "...Huwag mo nang sabihin. Huwag mo na kaming isumbong, Ellaine. Sige na," pakiusap niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay at dinaanan silang tatlo ng masasamang tingin. Hindi tumingin sa akin sina Sheedise at JV habang si Carl ay pinapaikot ang Bench & Bath niya sa kamay niya. Bumuntong hininga na lang ako. Kasiyahan naman nila 'to. Palampasin ko na siguro.

"Basta ayusin niyo. Huwag niyo nang uulitin 'to, kung 'di ako mismo ang magsusumbong sa inyo," ani kong tinuro sila isa-isa.

"Yes, Ma'am!" Nag-salute sa akin ni JV na nagmukha ng timang sa ginawa niya.

"Oh siya, siya, alis na, baka mamaya mahuli pa kayo!" Winagayway ko ang kamay ko sa kanila dahil pinapaalis ko na sila sa harapan ko.

"Salamat," ani ni Jason. Lumingon ako sa kanya. Did he just smile at me?

Naramdaman ko ang hiya sa sistema ko. 'Yun ang una kong beses nakitang ngumiti siya sa akin sa ilang buwang magkasama kami sa isang lugar. Nailang ako ng kaunti sa pag ngiti niya. Hindi ko alam kung bakit nakakailang 'yun, pero bigla kong naramdaman ang pagtibok ng puso ko sa kaba at sa kakaibang damdamin. Ano 'to? Jusko, mahabagin. Ngiti-ngiti pa kasi.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at sigurado akong namula na ako. Panigurado ay nakita niya 'yun. "Alis na. Ingat kayo," pagtataboy ko sa kanya.

Lumampas na siya sa akin. Dinig ko ang mga hakbang niyang papalayo. Napangiti ako sa galak. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang ginawa niya. Nginitian niya ako. Pucha, oo! Nginitian niya ako! Tangina.

Wala pa akong nahahakabang ni isa ay bigla ulit siyang nagsalita. Lord, bakit hindi na lang po ako kainin ng lupa?

"Wala ka ng laro?" tanong niya.

Medyo nagtaka ako kung bakit niya naitanong 'yun. Lumingon ako sa kanya at nakita siyang nakapamulsa na ang mga kamay niya sa kanyag pants. Bakit niya natanong?

"Wala na," walang pag-aalinlangan kong sagot, kunwaring hindi ako naiilang sa presensya niya.

"Ahh,"pabulong niyang hinaing. "Panalo?" dagdag niya pa.

"Hindi. Talo kami," sagot ko.

"Eh, saan ka pupunta ngayon?" tanong niya pa.

Why so concern, Jason? Shit, lupa kainin mo 'ko, please.

"Sa room lang. Wala na naman akong ibang pupuntahan na iba pa."

"Kung hinahanap mo si Dylan pumunta silang Vista Mall para mag-lunch. 'Yun lang," pagtatapos niya ng usapan namin. Tinitigan ko ang likuran niya habang naglalakad siya palayo. Nakapamulsa ang isang kamay sa bulsa ng kanyang suot na pantalon.

Nang mawala na siya sa paningin ko ay nakahinga ako nang maluwag. Para akong sinasakal kanina dahil sa presensiya niya. Puta, bakit ganito?

At tsaka, bakit niya sinasabi sa akin kung nasaan si Dylan? Messenger ba siya 'nun? At bakit masyado rin pala siyang concern? Ay Ellaine, huwag kang mag-isip ng kung anu-ano! Okay? Kaibigan mo lang 'yun! As a friend! AS! A! FRIEND!

Sinabunutan ko ang aking sarili sa naisip na namang kabaliwan na wala namang katuturan, pero hindi ko pa rin iwasang maisip na may ibig sabihin lahat ng kilos niya sa paligid ko. Pero hindi rin naman ako pwedeng umasa ng basta-basta.

Hindi ko rin alam minsan kung bakit titibok ang abnormal kong puso kay Jason, at tahimik ito kapag kay Dylan. Pero isa lang ang alam ko, hindi ako magchi-cheat kay Dylan dahil lang sa nararamdaman ko. Pero ano nga ba talaga ang totoong nararamdaman ko?

Kinalimutan ko ang mga iniisip ko at pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa silid namin. Bumungad sa akin si Alluka, Mariel at Abi na nasa isang sulok. Kasama na din nila Riel. Naghahanap yata ng mga signal para makapaglaro ng ML o kaya makapanood ng kung ano man tungkol sa GFriend si Alluka.

Dumiretso na lang ako papuntang upuan ko at umupo, at binato ang small bag ko sa desk. Kinuha ko ang earphones sa bag at kinabit ito sa aking cellphone, at nagpatugtog. Nagbasa na lang ako dahil sobrang drained ang utak ko at kailangan ko ng paglilibangan sa ngayon.

Gusto ko ring malimutan ang nadama ko kanina nang magkaharap kami ni Jason. Ngayon pa gumulo ang damdamin ko sa mga sitwasyong nangyayari. Sana nga ay wala lang ang nararamdaman ko kanina dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nagloko ako. Sabagay, magaling naman ako makalimot. Iyun na lang ang tanging magagawa ko, dahil sa abnormal kong puso. Ano ba kasi talaga ang problema ng puso ko? 'Di ba gusto mo si Dylan, 'di ba? Huwag kang tanga. Bibigyan kita ng sarili mong utak, sige ka.

Sumandal ako at nagbasa pa nang nagbasa hanggang sa mag-isa na akong ngumingiti sa binabasa at mag-isang tumatawa. Kahit pa nagmumukha na akong nababaliw sa kinauupuan ko ay wala akong pakialam kung ano man ang makita nila, basta ako ay naglilibang lamang para makalimot sa lahat ng nangyayari at makatakas sa reyalidad.

Habang binabasa ko ang kwentong Detective Files ay kinikilig ako sa bawat galaw ng bida, o kaya naman ay mamamangha sa kung paano niya dinadala ang mga salita para maresolba ang kaso at para na rin mahanap kung sino ang salarin doon. Mahilig pa naman ako sa mga detective stuffs kaya naman ay nae-enjoy kong magbasa ng mga ganitong bagay o storya. 'Yun din ang dahilan kung bakit na-engganyo akong mag-aral ng codes. Isama mo na din ang nakonsyuma ko ng mga scenes at mga lines sa anime na Detective Conan.

You can get many knowledges as you want in a young age, lalo na at hindi ka lamang nanonood ng mga ganoong bagay para sa ikasasaya mo, kung hindi natututo ka rin tungkol sa iba't ibang bagay-bagay na hindi mo pa nalalaman sa buhay mo.

Nadinig ko ang pagbukas ng pintuan pero wala ang atensyon ko roon. Kahit pa maiwan akong mag-isa dito ay okay lang, basta nagbabasa lang ako. Biglang may humatak sa earphones ko kaya nairita ako. Kumunot ang noo ko at walang pakundangang nlingon ko ang humatak 'nun. Istorbo ang putek!

"Baka ne," ani ko sa wikang niponggo na ang ibig sabihin ay 'You idiot' dahil sa pagkairita ko.

"Hoy! Wala akong saltik! Bakit mag-isa ka lang dito?!" singhal niya sa akin na para bang may nagawa akong mabigat na kasalanan sa kanya.

Napangiwi ako.

Putek, istorbo. Nagbabasa ako 'tas sesermonan pa ako.

"Shiranai yo," tamad kong sagot sa kanya, gamit na naman ang niponggo na ang ibig sabihin ay 'I don't know' sabay balik ko ng earphones sa tenga ko.

"Anong hindi mo alam?!" sigaw na naman niya. Wala pa rin naman akong pake sa kung anong sasabihin niya. Eh, hindi ko naman talaga alam kung bakit nila ako iniwang mag-isa dito sa silid namin. Wala naman akong nilagay na CCTV sa mga 'yun para malaman ko. Obvious namang nagbabasa ako at wala akong pakialam sa paligid ko kanina pa, 'di ba?

"Pwede ba, Elle? Tigil-tigilan mo ako sa pag-iinarte mo. Ako pa ginagawa mong hindi independent. Kaya ko sarili ko kahit mag-isa ako, kaya ikaw masanay kang kayanin magdala ng sarili mo kapag hindi mo ako kasama. Hindi ako laging nandiyan para sayo bilang ate mo. At tsaka, putek naman, kitang kita mong nagbabasa ako. Panigurado hindi ko malalaman kung saan 'yan nagsipuntahan. Check mo canteen o kaya check mo bawat games. Hindi naman nila kailangang magpaalam sa akin. Jusko ka!" Umirap ako at bumalik sa pagbabasa. Normal na 'to sa amin. Mag-aaway talaga kami sa ganito. Hanapin ba naman sa akin ang mga kasama ko kanina. Bakit? Nasa bulsa ko ba sila? Mindset sana.

Tsaka, naiirita ako sa kanya. Maistorbo ba naman ako sa ginagawa ko. Isabay mo pa ang pagtanggal niya ng earphones ko sa tenga ko. Hindi ba nakakairita 'yun? Isasabay pa ang pag tanong kung nasaan mga kasama ko. Ay, hindi naman siya tanga eh. Tanga-tangahan lang. Kakambal ko ba talaga 'to? Bilihan ko kaya bagong utak?

"Wala akong pakialam." Binelatan niya ako.

"Saan naman kayo galing ha?" tanong ko.

"As usual, sa canteen. Hindi naman pwedeng lumabas, loka-loka ka. Tsaka, saan lang ba tayo pwede pumunta? Hindi naman tayo katulad ng iba nating mga kaklase na lumalabag diyan sa mga rules na 'yan," pilosopo niyang sagot sa akin.

Napakibit-balikat ako.

"Sila Jason nakasalubong ko kanina," ani ko sa kanila na gusto kong magkwento sa nangyari. Nasa harapan ko na rin si Rain.

"Oh, anong nangyari?" tanong ni Rain.

"Pumunta silang computer shop," pagtatapos ko.

"Weh?!" sabay nilang sigaw.

Napairap na lang ako sa lakas 'nun. Expected ko na ang mga reaction nila. Ikaw ba namang hindi magulat na lumabas ang mga hindi lumabas nung first day.

"Yes," tipid kong sagot.

"Buti hindi sila nahuli?!" ani ni Elle.

OA as it seems pero normal 'yun dahil hindi naman talaga pupwedeng lumabas ng campus, sadya lang talagang matitigas lang ang ulo ng mga kaklase namin kaya walang epekto ang mga ganung rules sa kanila.

"Hindi mo pinigilan?" tanong ni Rain.

"Hindi," tipid kong sagot.

"Ano ba 'yan? Ang tanga mo sa part na 'yan," Mukhang inis na reklamo ni Elle sa akin.

Hindi ko naman talaga mapipigilan, dahil sila ang may gusto 'nun. Kaya ko silang pigilan pero alam kong hindi rin sila papapigil sa akin. Mga lalaki 'yun, at wala naman akong karapatan para pigilan sila kasi sila naman ang magkakaroon ng pagkakamali at hindi ako. Hindi ko rin naman kasalanan na hindi ko sila pinigilan kahit sabihing pare-parehas kaming magka-kaklase na mayroong responsibilidad na pigilan ang isa't isa sa mga maling gawain.

"Hayaan niyo na sila," ani ko bago nagpatuloy sa pagbabasa.

"Tanga lang talaga?" Inirapan niya ako bago umupo na rin sila sa mga bakanteng upuan na nasa paligid.

Maya-maya pa ay naboboryo na kami at pumunta sa laro ni Dylan ng Win, Lose or Draw. Yes, nakabalik na sila sa school pagkatapos nilang labagin ang isang rule ng school, and yes, it's a sarcasm. Note it out.

Nakita ko kung paano sila maglaro doon. Mahirap din pala dahil hindi ka pwedeng lumingon sa kakampi mo kung hindi ay magkakaroon kayo ng violation. Nakita ko din si Ma'am Liza sa paligid. Nagulat ako ng kalabitin niya si Dylan at pinalingon sa akin. Nahiya ako nang magsimula na naman silang mang-asar, pero hindi ko pinahalata ang hiya ko. Seryoso pa rin ang mukha ko, pero hindi ko na napigilan ang ngiti ko nang asarin ako ni Ma'am Liza, at sumama pa si Ma'am Angela. Nahiya na ako ng sobra at hindi mapakali. Napangiwi na din ako sa konting inis ko sa pang-aasar nila. Hindi ako nagagalak sa kanilang ginagawa.

"Dylan, galingan mo raw! Nanonood si Ellaine oh!" sigaw ni Ma'am Liza kay Dylan na lalo kong ikinahiya.

"Go, Dylan! Nandito kami for you! Support ka din ni Ellaine oh! Nanonood oh!" dagdag pa ni Ma'am Angela.

"Ma'am Liza, Ma'am Angela, naman oh." Napakamot na lang ako sa ulo ko. Jusko, lupa, kainin mo 'ko. Mas malala pa pala mang-asar ang mga teachers namin.

"Oh, bakit? Hindi mo ba sinusoportahan kaya ka nandito?" tanong ni Ma'am Angela na may halong pang-aasar sa tono niya.

"Hindi naman sa ganun, Ma'am." Napayuko ako sa hiya pero agad ko rin namang yung binawi at tumingin ulit sa larong ipinunta namin doon.

"Hindi naman pala eh, anak. Support lang naman. Kaya mo 'yan, Dylan! Galingan mo, anak!" sigaw muli ni Ma'am Liza na lalo ko pang ikinahiya.

Nasa open area pa kami kaya naman hindi ko maiwasang mahiya sa dami ng taong nanonood. Ang iba ay napatingin kanina nung inasar ako ng mga teachers ko. Gusto ko na lang talagang lamunin ng lupa dito.

Team pa naman ang labanan sa Win, Lose, or Draw, pero parang walang pakialam si Dylan at focus na focus maglaro. Turn na niya at nagdo-drawing na siya sa board. Nahulaan ng grupo nila ang word, pero lamang pa rin ang Red Dragons kaysa sa kanila.

Gusto kong umalis pero hindi pwede. Wala akong magagawa sa kung saan mang puntahan ko. Ang tanging mapupuntahan ko lang na matino dito ay ang canteen o sa silid o kaya manood ng ibang laro sa campus dahil tapos na ang laro ko. No choice ako kung 'di maglibot.

Natapos ang laro nang nanonood lang ako nang nanonood sa bawat drawing nila sa board at sa bawat hula. Umiinit na din ang paligid pero nagsikap akong manatili para lang makita ng maayos ang laro. Tumayo si Dylan sa kinauupuan niya at pumunta sa coach nila bago lumingon sa akin. Malamig ang titig niya sa akin na para bang gusto niya akong takutin. Sanay na ako sa mga ganung estilo, kahit isang beses pa lang ako naloloko.

Ang malamig na titig niya ay natunaw nang tumitig din ako ng masama sa kanya. Hindi niya kinakaya ang mga titig ko dahil parang espada ang mga ito. Kung nakakapatay lang ang mga titig ay kanina pa siya nakahiga sa kinatatayuan niya, at naliligo sa sarili niyang dugo, pero hindi ko hihilingin 'yun. Kailangan niya pang mabuhay para sa sarili niyang kapakanan.

Nakita ko siyang bumuntong hininga bago tuluyang tumalikod sa akin, halatang gustong umiwas sa tingin ko. Gusto niyang magbati kami pero mataas din ang pride niya kaya hindi rin talaga kami nagbabati.

Tinapus ko ang panonood sa game niya pero natalo sila. Parehas namang magaling ang mga teams kaya ayus lang din kung matatalo sila o hindi. Mas lamang lang talaga sa panghuhula ang Red Dragons. Lumipas ang mga araw at sabado na. Pinipilit ko sina mommy na gusto kong pumasok dahil 3rd day ngayon ng Intramurals. Nangako kasi ako kay Jason na manonood ako ng laban niya bago pa magsimula ang Intramurals tapos malalaman ko na wala naman pa lang service ngayong araw. Sayang naman. Gusto ko pa naman ng laban ngayon.

"Sige na, 'dy, 'my. Gusto ko lang manood ng Amazing Race," pamimilit ko.

"Eh, ano namang gagawin mo after? Wala 'di ba? Wala namang service. Kung meron, pwede, kaso wala," ani ni mommy sa akin.

Napasimangot na lang ako sa inis ko. Gustong gusto ko makapanood. Baka magtampo pa si Jason sa akin dahil hindi ako makakapunta. Napaakyat ako sa taas nang nagdadabog at malungkot. In-open ko ang messenger ko at nag-chat kay Dylan kung nasaan na siya. Nasa room na raw siya kasama si Jason at mukhang malungkot raw. Inaasahan raw yata akong makakapunta at makakapanood ng laban niya ng Amazing Race.

Pinasabi ko na lang na hindi ako makakapunta kaya daw parang lalong nalungkot. Nag-send pa ang lolo niyo ng pic na nakaupo sa lapag si Jason sa gitna ng silid namin. Ganun ba talaga siya kalungkot sa hindi ko pagpunta?

Napa-overthink na naman ako. Malungkot siya? Baka naman mali ang pagkakaintindi ni Dylan sa lungkot ni Jason o sa pagtalikod nito. Alam kong maiintindihan ni Jason na hindi ako makakapunta. Wala naman talaga kasi kaming service. Wala rin naman kaming sasakyan pang punta sa school. Kahit ako nalulungkot na hindi ako makakapunta at hindi makakapanood. Kung meron lang eh 'di sana nakapanood na din ako kahit pa Green Phoenix ako, 'tas susuportahan ko si Jason sa Yellow Vipers bilang kaklase ko. Pero hindi ako pinayagan at hindi ko pa raw kaya. Sana talaga mabilis lang ang panahon at mag-SHS na kami para napapayagan na ako.

Kahit wala ako ay malaki ang suporta ko kay Jason na kaya niya ang mga obstacles. Pero nakakalungkot dahil nakita ko kung paano in-assemble ang Amazing Race bago pa man ang Intramurals kaya gusto ko 'yung mapanood. Mahilig rin kasi ako sa mga obstacles kaso putek na edad ko, hindi pa pasok sa standard ng mga magulang namin na pwedeng payagan. Lalo kay mommy. Baka mapapano pa raw kami.

Hindi na nag-chat si Dylan dahil magsisimula na raw ang Amazing Race. Naiinggit na lang ako at hinihiling na sana nakapunta ako para matupad ko ang pangako ko kay Jason. Ayoko naman kasing biguin siya. Hindi ko rin alam kung bakit gusto ko makapunta at makapanood, basta ang alam ko lang ay gusto kong suportahan ng sobra si Jason sa laro niya ngayong araw. Gusto kong naroroon ako habang lumalaban siya sa ibang mga grupo. Madali din kasi siyang kabahan sa mga ganoong bagay.

Hindi ko alam. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit ganun ang gusto ko, kung bakit 'yun ang ninanais kong gawin. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. As a friend lang naman lahat. Limitasyon ko na 'yun para kay Jason. Hindi ko na pwede pang lampasan ang pagiging magkaibigan namin dahil may ka-MU ako, pero minsan hindi ko maiiwasang isipin na ang mga kilos ko ay nagpapakita ng lampas na sa expected limitations ko sa sarili ko, at ang kilos din ni Jason ay lampas na din sa pagiging magkaibigan.

Siguro kaya ko rin gustong makapanood ay dahil sinuportahan rin nila ako nung naglaro ako ng laro ko nung first day. Tinotohanan kasi nila ang panonood sa Squabble game ko at buti naman ay hindi nasayang ang panonood nila 'nun dahil panalo kami. Siguro, gusto ko lang talagang makabawi sa kanya para naman maramdaman niyang may sumosoporta rin sa kanya.

Binabagabag talaga ako ng konsensya ko, dahil hindi ako nakapunta. Umikot-ikot ako sa kama sa kainisan na hindi ako nakapanood ng Amazing Race. 'Yun pa naman ang inaabang-abangan ko sa Intramurals.

Maya-maya pa ay nakita ko na ang chat ni Dylan habang nagbabasa ako. Nag-send siya ng picture ni Jason na puro putik ang damit at mukhang katatapos lang maglaro. Sobrang ngiti pa ng loko. Nag-send din siya ng nakahiga ito at nakapagpalit na ng damit. Dylan entitled it to me as 'iniisip niya 'yung crush niya at ikaw 'yung iniisip niya'.

Napakunot ang noo ko sa caption niya para 'dun. Can I give him a damn right now? Why does he need to give malice? Sobrang nakakainis na talaga minsan ang ugali niya kapag inaasar niya ako patulak kay Jason. I hate that attitude of his. Nakakayamot at nakakaasar na ng sobra. Dadating na din ako sa puntong hindi na ako makakatiis na pagsabihan siya at batuhan siya ng pang real talk na mga salita. Hindi pwedeng magpatuloy ang kalokohan niyang siya din ang gagawa ng ikaseselos niya tapos ako ang papalayuin kay Jason, pero sa totoo lang ay siya lang ang nag-iisip at gumagawa ng kung anu-anong bagay na ikaseselos niya mag-isa, at ako ang walang ginagawang masama sa kanya. Pero ako ang lumalabas na may ginagawa.

I had one mistake and that's the dare. I did the dare. But after that, I did nothing more. Siya na lang mismo ang nagbibigay ng meaning sa amin ni Jason.

To: Dylan Dela Cruz

Hindi ako ang iniisip niyan

From: Dylan Dela Cruz

Hindi mo sure

And he sent that with a smirking emoji.

Nag-init ang dugo ko sa reply niya. Hindi ko sure?! What the actual fuck?! Eh, kung si Jason na lang tanungin niya sa nilagay niyang caption? Tutal picture naman ni Jason 'yung sinend niya. Para namang may proof siyang ako ang iniisip ng tao. Assumero ang putek.

Napairap na lang ako bago tinanggal ang Messenger sa screen ko at pinalitan 'yun ng Wattpad para hindi na lumala pa ang inis ko. Nang tawagin na rin ako para mag-lunch ay bumaba na rin ako. Naiinis pa rin ako sa kanila pero kailangan kong kumain. Dapat hindi ako nagpapalipas ng gutom kahit payat ako. Tumulong ako sa paghuhugas ng plato at nasgulat ulit ng story ko sa Wattpad bago nagbasa ulit nang ma-boryo ako kakasulat. Natulog ako pagsapit ng 2 pm at nagising mga bandang 4:30 pm. Nagbasa na naman ako ng Detective Files hanggang sa makatapus ako ng ilang chapters habang kumakain rin ng meryenda. Nagbasa lang ako at nagsulat hanggang sa maghapunan na. Pagkatapus 'nun ay ganun ulit ang ginawa ko at nag-overthink na rin para may extra na gawin.

Inisip ko na naman kung ano ang gagawin ko kapag natapus na ang Intramurals. Paano ko kakausapin si Jason kapag kagrupo ko siya nang hindi magseselos si Dylan? Pero parang imposible naman 'yun. Paulit-ulit 'yun sa utak ko hanggang sa marinig ko na nag-vibrate ang cellphone ko. Tinignan ko 'yun at chat 'yun sa isa sa mga iniisip ko. Pucha, si Jason.

From Jason Dela Rosa

D ka nakapunta

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Na-guilty ako bigla.

To: Jason Dela Rosa

Ah oo d pinayagan sorry

From: Jason Dela Rosa

ah cge ok lang

To: Jason Dela Rosa

eh musta ang laro?

From: Jason Dela Rosa

may palaka at diaper

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Palaka at diaper? Saan naman ginamit 'yun sa obstacle? Tinanong ko kung para saan 'yun at sinabi niya namang nasa ginapangan nila ang mga palaka kaya naman medyo mahirap. Buhay raw 'yung mga 'yun at napangiwi ako sa nabasa ko. Buti na lang at hindi ako nagprisinta sa obstacle. Ayus lang akong gumapang pero huwag naman 'yung may palaka. Ayoko ng ganun. 'Yung sa diapers naman, nakabitin raw 'yung mga 'yun tas iilagaan lang nila habang may nilalampasang obstacle. Since it's his first time, he said it's somehow hard for him, but he enjoyed it.

Nag-chat na rin maya-maya si Dylan kaya naman nagpaalam na ako kay Jason. Kakauwi lang nila dahil dumaan pa raw silang Vista at hindi na siya nakapag-chat sa akin. Kasama niya ulit sina Ate Yhesa. For sure, kaya rin ako hindi pinapadalan ng mensahe nito ay dahil nga sa vehicle sickness niya. Hiluhin kasi.

He's still cold and I am trying to conceal the pain in my chest while talking to him. At least, I am trying my best to stay calm while I know my blood is boiling from the thought of him jealous while I do consider his feelings, but I just think his feelings overflowed now. It's out of control.

To: Dylan Dela Cruz

Sure kang itutuloy mo

pagka-cold mo sakin?

From: Dylan Dela Cruz

am i too cold?

Kasing lamig ng yelo, pwede na.

To: Dylan Dela Cruz

Oh, gusto mo isama kita sa

kulto mo sa ref? Pwede naman

From: Dylan Dela Cruz

Layuan mo siya at d ako

sasama sa kulto

To: Dylan Dela Cruz

Does that include the school

groupings?

From: Dylan Dela Cruz

What?

To: Dylan Dela Cruz

May mata ka naman

cguro no?

cge tagalugin konlng

gumaya lng naman ako

sa pag-english mo hays

kasama ba sa paglayo ko

kunwari kagroup ko siya?

like d naman pwede yung

kagroup ko siya tas lalayo?

From: Dylan Dela Cruz

Hindi ko alam

Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Bakit hindi niya alam? May mali ba sa tanong ko? Masasagot ko naman ng oo 'yung sinabi niyang layuan ko si Jason pero tinatanong ko lang rin kung kasama doon ang school matters. Kasi kung oo, this is over.

To: Dylan Dela Cruz

ha? bkit hindi mo alam?

From: Dylan Dela Cruz

dko alam eh

To: Dylan Dela Cruz

pnapalayo moko tas d

mo alam? school group

lng tnatanong ko.

From: Dylan Dela Cruz

pwede naman pero dapat

d mo siya kakausapin

Lalo kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Posible ba 'yun? Kagrupo pero hindi kakausapin? Maluwag ba turnilyo nito sa ulo?

To: Dylan Dela Cruz

Ah, okay, but that's

impossible, you know

that so well

From: Dylan Dela Cruz

so papalalain mo ang

selos ko, ganun?

To: Dylan Dela Cruz

wait, what? no! saan

nanggagaling ang

cnasab mo?

I'll sleep now, ok?

Think about that

'til morning.

Goodnight, sleepwell

and sweet dreams

Tatanggalin ko na sana ang Messenger ko at papatayin ko na sana ang data ko nang makita ko ang chat niya sa akin.

From: Dylan Dela Cruz

nagseselos ako kay jason