Napairap na lang ako nang magtama ang tingin namin ni Jason. Hindi ko naman alam na tototohanin nila ang tinanong ni Jason. Dapat pala hindi ko na pinaalam kung nasaan ako. Lalo tuloy akong kinabahan.
Suminghap ako ng hangin bago ko kinondisyon ang utak ko para sa laro. First time kong maglaro nito kaya ayus lang kung matalo kami pero gagawin ko pa rin ang best ko para manalo. Sumeryoso ang mukha ko habang nakatingin sa mga tiles. Doon ko itinuon ang aking atensyon. Mabigat na ang tensyon sa laro at mas lalo pang nadagdagan ang tensyon nang dahil sa titig ng dalawa sa akin.
Bawat sambit ko ng mga salitang nakikita ko sa tiles, siya ding dinig kong hiyaw ni Dylan kay Jason. Minsan ay nahahagilap pa ng tingin kong inaalog-alog niya pa si Jason kapag may nasi-steal ako sa kalaban. Hindi naman ako expert dito. Napapansin ko lang ang words ng kabila kaya ganito ako maglaro. Madali lang rin naman ang mga kinukuha nila kaya madali lang rin 'yun hanapan ng butas para ma-steal namin ang mga 'yun.
Nadidinig ko din ang pang-aasar sa akin ng mga nasa paligid, ngunit hindi sa kanila nakatuon ang buong atensyon ko. Nakikinig lang ako pero ang paningin ko ay nakatuon sa mismong labanan na nagaganap ngayon sa harapan ko. Nang naka-sambitla na naman ako ng mahirap agawing mga salita ay nadinig ko ang mahinang hiyaw ni Jason sa paligid. Bigla na lang tumibok ang puso ko sa kaba at lalong nanlisik ang mga mata ko sa mga tiles na nakababa sa lamesa, 'tila doon ko binuhos lahat ng pagtataka ko sa hiyaw niya. Wala namang sigurong halong malisya 'yun, 'no? Putek na yan, nagawa ko pang mag multi-task ng iniisip.
"Quale," ani ng lalaking SHS student sa kalaban namin. Pucha, mahirap na word 'yun ah.
Inabangan kong magkaroon ng letter I, T at E sa mga tiles at nang hindi nila mapansin ang mga 'yun ay nagsalita na naman ako.
"Steal Quale! Qualities!" At kinuha ko ang tiles nila. Kitang kita ko sa mga mata nila ang disappointment na hindi nila napanatili ang word na 'yun sa kanila. Siguro naisip nila ay hindi masi-steal 'yun.
Nagpatuloy ang laro at ang paligid ay bigla na lang natahimik. Parang may dumaang anghel bigla dahil ang paglapag lang ng tiles at ang tunog ng electric fan ang rinig sa paligid. Kahit sina Dylan at Jason na kanina pa humihiyaw ay nanahimik na rin. Inaabangan din siguro nila kung sino ang mananalo.
"Steal Palms! Sample. Samples." Sunod-sunod akong nagsalita nang makakita ako nang magkasunod na letra na pwede naming makuha. Hindi na ako naghintay pang makapagsalita ang iba. Kung pakapalan na ang mukha ang basehan para sa larong 'to, panalo na ako. Kanina pa ako sigaw nang sigaw dito ng mga unfamiliar words kaya hindi nila makuha sa amin ang ibang salitang nabanggit ko. Sa dulo ng match namin, ang team ko ang nanalo, dahil sa akin. Hindi ko rin naman alam na mananalo kami dito.
Pagkatapus ng game, tumambay muna ako sa room namin dahil tapos na ang laban. Ang babalik na lang kasi 'dun ay ang mga teams na natalo. Bukas ang final scoring kaya sobrang aga din naming susunduin. Wala na namang pahingahan 'to.
"ELLA!" Dinig na dinig ko ang sigaw ni Elle habang papasok lang sila ng silid. "Kanina pa kita hinahanap at china-chat! Saan ka ba galing?! Halos dalawang oras ka ding nawala sa paningin ko ah!" Nagpamewang siya sa harapan ko habang nakasunod naman sa likod niya si Rain. Hindi niya ba alam na may laban ako kaya ako nawala?
"Eh lokaret ka! May laban ako!" singhal ko sa kanya pero nagpamewang pa din ang lola niyo at nag-sunget pa din sa akin na para bang hindi ko siya sinabihan kanina na may laban ako.
"Aba'y alam ko ba?!" singhal niya pabalik sa akin habang nagmumukha na siyang timang sa paningin ko.
Bago ako umalis ay nagsabi ako pero busy yata ang lokaret sa kanyang 'own business' kaya hindi narinig ang paalam ko kaya buong umaga yata ay hinahanap niya ako. Magkadikit pa ba pusod namin hanggang ngayon? 'Di ba naisilang na kami? Wala na kami sa sinapupunan ng mommy namin, 'di ba? Baka kasi hindi ako na-inform na nailuwal na pala kami.
Wala naman akong ibang papadpadan kung hindi sa G Room lang kung saan nagaganap ang laro ko kanina. Minsan ang OA na lang din nitong kapatid ko at hindi din ginagamit ang utak sa pag-iisip ng mga posibilidad kung bakit ako wala sa paligid. Kaya hindi ko siya pwedeng iwanan mag-isa. Baka maligaw bigla at 'di na namin makita. Nasobrahan yata ang pagka-inosente.
"Nagsabi ako sayo, loka-loka!" singhal ko rin.
Ngumuso siya ng nakakaloka at parang wala pa ring kaide-ideya kung may laro ba talaga ako kanina o wala. Parang ayaw pa niyang maniwalang may laro ako kanina kaya ako nawala. Sino ba ang pupuntahan ko? Eh, wala naman akong jowa para may samahan ako. May ka-MU nga ako pero hindi ko naman kailangang sundan nang sundan si Dylan kung saan siya pupunta at kung saan nila balak manood ngayong araw. Hindi niya ako tuta at hindi rin kami gaanong close sa personal kaysa sa chat.
"Eh mamaya? May laro ka pa?" tanong niya.
Ngumiwi ako. Atat na atat yata siyang makasama ako 'no?
"Oo," sagot ko habang kinukuha ang lunch box na nasa paanan ko. ".Wala." At parang lumiwanag ang mata niya sa sinabi ko. Kaming tatlo lang kasi nina Rain sa silid ngayon dahil ang galing ng iba, tumakas na naman palabas ng campus para makapag-Vista Mall na naman.
Binubuksan ko pa lang ang lunch box ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko. Bakit may nagcha-chat? 'Di ko ba na-off ang data ko? Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan 'yun. Nakita ko ngang hindi ko napatay ang data ko. Sa ganitong oras, alam ko lang ay may inaasahan akong mensahe galing kay Dylan at wala na kung kanino man kaya naman ay nakakagulat kung sino na naman ang nag-chat sa akin ngayon. Like lang naman ang mensahe niya. Pucha, anong trip ni Jason? Si Jason ba 'to o si Dylan? Fuck, ginugulo nila ang utak ko!
Nag-seen na lang ako sa mensahe na 'yun dahil hindi naman 'nun deserve ang reply ko. Hindi ko rin naman kasi alam kung si Jason ba ang re-replyan ko o si Dylan. Simula nung nagka-problema kasi kami dahil sa dare ay nag-uusap na kami ni Jason kahit sa messenger man lang. Pero mini-minsan namin o dinadalang lang namin ang pag-uusap, dahil nag-iingat nga kami sa part na baka magselos si Dylan sa ginagawa namin. All about school and all about Dylan lang naman ang pinag-uusapan namin since we're making a plan for how we should talk when Dylan's around. Nagiging magka-grupo rin kasi kami at ako pa ang leader madalas kaya hindi pupwedeng hindi kami nagkakausap. For now, I am thankful that I can talk casually to Jason. Akala ko ay forever nang wala kaming pansinan. If yes, for sure, that's awkward for the next school year kaso makapal naman ang mukha ko as a leader so I know I will be fine.
Kasunod ng message na 'yun ay nakita kong nag-chat si Dylan sa akin gamit ang sarili niyang account. I'm relieved for that. Kahit wala naman kaming tinatago ni Jason, nakahinga ako nang maluwag. Ikaw kaya ang hindi kabahan na biglang iba na pala ang kausap mo, 'di ba? Kunwari na-kidnap ka habang nagcha-chat ka sa kaibigan mo tapus 'yung kidnapper na pala ang kausap ng kaibigan mo 'tas hindi pa alam ng kaibigan mo 'tas bigla napansin niyang hindi ganun ang typings mo kaya kakabahan siya, 'di ba? Ugh! I'm overthinking things!
Sinabi niya lang 'dun na magvi-Vista raw ulit sila katulad kahapon. Vista na naman. Hayaan na lang namin silang mahuli. Sila naman ang mapapagalitan, hindi naman kami. Medyo bati na rin naman kami sa mga nangyari, pero ikokonsidera ko pa ring hindi pa rin kami maayus. Medyo lang eh, kaya hindi pa maayus 'yun.
Tumambay lang kami buong oras sa room. Naglaro na rin sina Alluka at Mariel ng ML sa kaboryohan. Kasama kasi namin ngayon si Riel at Alluka sa room. Hindi rin mga nagsipa-Vista. Naglalaro rin pala sila ng ML? Akala ko kasi 'yung mga boys lang namin ang naglalaro 'nun.
Ilang oras rin ang tinagal ng mga kaklase namin sa Vista bago makabalik. Nakabalik na sina Dylan at may dala siyang dalawang regular size ng Jollibee fries at iniabot sa akin 'yun. Siya ang nagkusa at nagprisinta na bilhan ako ng fries kaya meron akong pagkain ngayon.
"Thank you," ani ko habang nakayuko pagkaabot niya ng fries sa akin. Bigla siyang humila ng upuan at umupo sa harap ko at tinitigan ako habang magka-krus at nakapatong sa desk ko ang mga braso ko. Nabigla ako at napatingin sa mga mata niyang nangungusap.
"Sorry," ani ko sabay iwas ng tingin.
Bigla akong nagulat sa sumunod na ginawa niya. Ginulo niya ang buhok ko at pilit na tumawa. Lalo akong nailang at kinabahan. Tinitigan ko siya nang mapansin kong dumilim ang paningin niya nang banggitin ko 'yun.
Kasalanan ko ang lahat.
"Dylan, sama ka sa amin? Pupunta kaming vending machine," aya ni Chilia sa kanya.
Tumingi siya doon bago ibinaling muli ang tingin sa akin na para bang walang mababakas na problema sa mukha niya. But his eyes can't lie. A great pretender he is.
"Susunod ako," ani niya kay Chilia kahit nasa akin pa rin ang kanyang paningin. Napatingin na din ako sa mga mata niya, parang hinihigop nito ang mga iniisip ko. Tumayo siya at tumalikod sa akin nang wala man lang kaekspe-ekspresyon at kaemo-emosyon na makikita sa mukha niya. "Lumayo ka." ani niya habang nakapamulsa at nakatingin sa blackboard sa harapan.
"H-Ha?" utal kong tanong kahit sigurado akong narinig ko ang gusto niyang iparating sa akin. Gusto ko lang talagang ulitin niya para maintindihan ko kasi medyo inaantok pa ako at hindi pa gising ang wisyo ko.
"Lumayo ka. Kung hindi ka lalayo, ako ang lalayo," pag-uulit niya nang may halong pagbabanta.
Natigil ako. Kinabahan sa iniwan niyang sambitla sa dulo bago tumuloy sa kanyang paroroonan. Siya ang lalayo? Para saan? Alam kong nagseselos siya kay Jason at naiinggit dahil parehas kami ng relihiyon, pero sapat na bang dahilan 'yun para sabihin niya ang banta na 'yun sa akin? Wala din namang masama kung gagawin ko ang sinabi niya, ngunit kaibigan ko lamang si Jason, kaya anong masama kung mag-uusap kami? Dahil lang ba sa nagka-crush din siya sa akin dati kaya niya ako pinapalayo? Dahil ba takot siyang bumalik ang feelings ni Jason sa akin?
Pero alam kong napaka-imposible nang bumalik ng nararamdaman ni Jason sa akin, dahil na rin alam niyang MU kami ni Dylan. Mukha namang alam 'yun lahat ni Jason. Wala naman siyang saltik sa ulo o may sira sa utak niya para hindi magparaya. Halatang nagparaya na siya para kay Dylan noong simula pa lang. Sobrang pinipigilan pa nga yata niya ang nararamdaman niya. Wala na rin naman akong pinansin kay Jason pwera na lang talaga sa hindi pa rin ako naniniwalang wala na talaga.
Babalik at babalik sa akin ang isiping 'yun kahit lumipas pa ang isang taon. Hangga't hindi sa akin malinaw kung sino ang gusto niya ay wala akong paniniwalaan kung hindi ang aking nadinig na kaalaman. And it's getting frustrating. Putek kasi na crush 'yan! First time ko pang ma-encounter na sabay na nagka-crush sa akin ang dalawang taong hindi ko pa lubusang kilala kaya ayaw akong tigilan ng bagabag. Ay, jusko mahabagin talaga!
"Huy! Hello!" pagwagayway ni Rain ng kamay niya sa harap ng mukha ko.
"Earth to Ella please!" sigaw naman ni Elle.
Napailing ako nang marinig ang sinabi ni Elle at ngumiti na lang sa kanila, tanda na okay lang ako sa nangyari. Datapwat, hindi sila naniniwala sa ekspresyong pinapakita ko.
"Dahil sa dare, tama?" tanong ni Rain.
Kung tanungan lang ng problema ang pag-uusapan, at takasan 'yun gamit ang simpleng ekspresyon ng pagngiti, hindi gagana 'yun kay Rain. Tatlo kami nina Rain at Elle ang may alam kung paano basahin ang isang tao sa pagtingin lamang sa mga mata nila, kaya walang makakatakas sa amin. Kahit ang pinakamagaling pa na mananago ng kanyang nararamdaman ay walang takas sa amin. Hindi niya maitatago ang kanyang mga emosyon kung ang kanilang problema ay matutukoy at mababasa lamang ng tao gamit ang kanilang mga mata. Kung susubukan nilang magsinungaling at baguhin ang mga mata nila, wala pa ring takas sa amin 'yun. Reverse Psychology lang naman ang gagamitin mo para doon.
Napabuntong hininga ako sa tanong niya at humalikipkip sa upuan ko. Tumayo at kinuha ang small bag ko at ang plastik ng fries. Naglakad ako para lumabas. Bago pa man ako makalampas sa pintuan ay humarap ako sa kanila.
"Oo, dahil sa dare kaya ganun siya umasta. Nagselos, nagtampo. Mahirap siyang suyuin kung tutuusin," sagot ko sabay alis sa paningin nila.
Sa halos lahat ng nangyayari ay naiilang na ako kapag tinanong na nila ang problema namin ni Dylan. Kung bakit nawalan na kami ng ganang makipag-usap sa isa't isa. Kasi hindi mo naman masisigurado kung sino ang maniniwala sayo o hindi; kung sino ang tutulong sayo ayusin ang problema o hindi; at kung sino ang totoong makikinig sayo o hindi. Even your friends, you can't say that they will listen to you. Kaya nananahimik na lang ako kapag tinanong na nila ako kung anong nangyari. Bahala na si Dylan kung ano ang maikwento niya, nasa sa akin na din kung magpapaapekto ako kung kasinungalingan din ang lahat nang lalabas sa bibig niya. Kasalanan ko at ako ang gumawa, pero sana ay manatili na lang sa amin ang problema. Dahil pag nadamay pa ang ibang tao ay malamang sa malamang ay maraming masasabi ang mga ito, dahil wala naman silang kaalam-alam o kaide-ideya sa dahilan o kung paano nabuo ang sigalot o kung paano nagsimula ang lahat. Wala silang nalalaman kaya kung kasinungalingan ang ipapakalat nila at sisiraan nila ako, wala akong pakialam.
Malalim pa din ang iniisip ko nang makarating sa G Room. Kumain na lang ako ng fries sa gutom ko, kahit kakakain ko lang ng lunch kanina. Binigyan ko na din si Ate Eri. Bigla niya akong tinitigan habang kumakain din siya ng fries, sabay buntong hininga at inayos ang pagkakaupo niya.
"Mukhang may malaki kang problema ah," ani niya.
Nagpalung-baba ako at bumuntong hininga.
"Eh, Ate Eri, nag-away kasi kami ni Dylan," sagot ko sa kanya.
"Ha? Bakit?"
"May dare kasi sa akin si Mariel tapos kay Jason ko raw gawin. Yakapin ko daw. Hindi ko naman niyakap. 'Yung pinaligid lang naman braso tas hindi naman nakadikit, edi hindi yakap 'yun." I demonstrated it while explaining.
Napakunot ang noo niya sa narinig. Isa lang din naman si Ate Eri sa mga napagsasabihan ko ng problema ko, kaya pwede akong magsabi sa kanya anytime na may problema ako kay Dylan. Wala rin naman kasi siyang ibang komento kung hindi kaya ko namang ayusin 'yun. Bilib naman siya sa akin pero hindi ako bilib sa sarili ko. Palpak kasi ako ngayon.
"Nagselos?" tanong niya.
Bumuntong hininga na naman ako sa pagkabagot at lungkot.
"Obviously, Ate Eri, hindi naman pwedeng hindi. May crush din kasi sa akin 'yun dati, pero hindi ko pa din sure kung hanggang ngayon meron pa. Pero sinabi ni Jason, wala na raw."
"Kaya naman pala nagselos. Teka, sino nga ba ulit si Jason?" tanong na naman niya. Ito lang ang problema ko kay Ate Eri. Pag nagkwento ako, kailangan pati mga tao makilala niya, at kailangan detalyado mong pinapakilala ang mga taong 'yun. Minsan, matatawa na lang ako kasi parehas sila ni Elle na hindi tinutuon ang atensyon sa kwneto ko kaya walang alam sa sinasabi ko.
Pagkatapos kasi ng ilang linggo lang ay malilimutan na nila ang pangalan ng mga 'yun, lalo si Elle, kaya hindi ko pwedeng asahan 'yun o utusan man lang na may dadalhin sa isang spesipikong lugar o tao, kasi wala nga siyang matatandaan. Maturingan siyang writer, mahina naman ang utak sa pagsasaulado ng mga lugar at tao. Pahiramin ko kaya muna siya ng utak ko? Joke.
"Ate Eri naman." Ngumuso ako at nagkunwaring nagtatampo.
"Oh, siya magsa-start na. Tara nood na!"
Malapit nang mag-uwian pero tulala pa rin ako at lumilipad pa rin ang isipan ko. After ng nangyari sa room nang tinalikuran ako ni Dylan ay lalo akong nasabog.
Lumayo ka...
Paulit-ulit pa rin ang mga salitang 'yun sa akin. Magdamag akong nakatingin sa kung saan o kaya nagbabasa sa cellphone ko habang lumulutang ang isipan. Hindi ko alam ang dapat isipin pagkatapos ng mga nangyayari ngayong araw. Wala na ring makonsyuma ang utak ko at naibuhos ko lahat ng kaalaman ko sa squabble. Drained ako sa ngayon. Medyo malamlam na rin ang mga mata ko dahil sa antok kakahintay kanina na matapos na ang laro.
Nagdadalawang isip pa din ako kung gawin ko na lang o hindi ang sinambitla niya sa akin. Ngunit parang sobrang hirap para sa akin na lumayo, dahil kung minsan kagrupo ko si Jason sa group activities. Hindi naman niyang pwedeng sabihin sa akin tuwing kakausapin ko si Jason ay hindi pwede. Paano kung ako ang team leader at kagrupo ko si Jason? Kailangan ko siyang makausap kung gayon. Hindi lahat sa pagkakataon ay pwede ko siyang iwasan kaya may punto din naman ang ginagawa kong pagpapapansin sa tao.
Wala namang problema kung wala akong ibang intensyon kay Jason. Hindi ko naman lolokohin si Dylan at ipagpapalit para lang kay Jason. Hindi ko naman ide-date si Jason. Hindi naman kami pinag-arrange marriage ni Jason para layuan ko, 'di ba? I know I'm ovethinking things pero ganun talaga kasi ayokong madamay ang isang inosenteng tao na walang kaalam-alam na kailangan lumayo siya at lalayuan ko siya kahit wala na naman na siyang nararamdaman para sa akin. Pwede naming sabihin kay Dylan 'yun nang sabay pero hindi pwede.
Hindi pa din kasi siya maniniwala. Ang nakarehistro na talaga sa utak niya ay may crush sa akin si Jason, na may gusto sa akin si Jason kaya kailangan akong lumayo. Ganun ang nangyayari, ganun na ang mindset, kaya minsan mapapaisip ako kung tama pa ba ang mga nangyayari.
Naglalakad lamang kami papuntang canteen dahil medyo matagal pa ang iba at may mga ginagawa pa nang tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko sa nabasa ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung magpapaalam na ba ako sa mga kasama ko na babalik ako ng room o hindi, pero ginawa ko namang magpalusot na lang muna at bumalik sa room.
Gumayak ako at sinabihan rin si Elle na huwag na munang sumama sa akin at saglit lang naman ako. Buti na lang at effective sa lola niyo at hindi sumunod. Si Dylan ang nag-chat sa akin at pinapabalik ako sa room. Ipalusot ko na lang raw na may kukunin pa ako sa locker namin ni Elle para raw hindi masyadong obvious. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin pero kinakabahan ako para doon.
Tumakbo ako at pumunta sa room namin. Pag silip ko sa may salamin ng pintuan namin ay mag-isa lang siya at mukhang sinadyang iwanan siya ng tropa niya ng mag-isa para makapag-usap kaming dalawa. Nakaupo siya sa desk malapit sa blackboard habang nakataas ang isang binti sa desk at nakatukod ang braso niya roon, habang ang pisngi niya ay nakapatong sa palad niya. Pumasok ako sa room nang hinihingal pa at lumapit ako sa kanya, nag-iwan ng tatlong hakbang sa pagitan naming dalawa. Napatingin siya sa akin nang maramdaman ang presensya ko. Nakatingin kami sa mata ng isa't isa bago niya iniiwas ang tingin sa akin. Ramdam ko ang tensyon at binabagabag ako 'non.
"Alam mong hindi pa ako okay, tama?" tanong niya at tinanggal ang pagkakapalung baba niya sa sarili at binaba ang kanyang binti.
Napaatras ako ng isang hakbang. Lumunok at hindi sumagot. Hindi ko alam kung sasagot ba ako o hindi sa katanungan niya.
"Oo..," tipid kong sagot sa kanya at yumuko, nanlulumo sa lamig ng hangin at naiiyak sa tensyon sa pagitan namin habang pinagsasabihan ko ang sarili ko na huwag akong iiyak sa harapan niya.
"Oo..," pag-ulit ko sa sagot ko. Bigla kong tinaas ang ulo ko para makita siyang nakaupo sa taas ng isang desk na nasa harap ko habang ibinalik niya ang posisyon kanina. Nakapalung baba siyang muli habang nakatungkod ang siko niya sa nakataas na binti sa desk. Lalong tumindi ang bigat ng nararamdaman ko. "...alam kong hindi ka ayos buong araw. "
Tintigan ko siya habang nakatingin siya sa labas ng bintana habang hindi siguro niya alam kung kikibo siya sa akin o hindi. Napalunok ako bago magsalita para mabasag ang katahimikan sa paligid. Kami lang kasi ang nasa loob ng silid so it is a bit awkward.
"Dahil sa amin ni Jason, 'di ba?" dagdag ko sa sinabi ko.
Yumuko siya at ngumiwi. Doon ko napagtantong kay Jason talaga patungkol ang pag-uusapan ngayon. Hinawakan niya ang kanyang sentido bago hinawi ang buhok niyang hinaharangan na ang kanyang mga mata at lalong iniiwas ang tingin sa akin. Nakikita ko ang panlilisik ng mga mata niya habang nakatingin siya sa labas. Lalo akong kinabahan sa inaasta niya ngayon.
"Ano? Lalayo ka na sa kanya?" pagsagot niya sa tanong ko ng isa pang tanong.
Buntong hininga kong hinila ang isang upuan na malapit sa akin at hinila ito papunta sa harap niya tsaka ako umupo ng panlalaki. Kunwari ay hindi ako kinakabahan, pero sa loob-loob ko ay gusto ko nang umalis sa bigat ng tensyon sa pagitan namin. Kalahating hakbang na lang siguro ang namamagitan sa amin kaya lalong bumigat ang tensyon.
"Eh, kung tumingin ka kaya sa mga mata ko habang sinasabi 'yan, edi nalaman kong seryoso ka?" Humalukipkip ako at ngumisi. Huwag ako ang kalabanin mo, Dylan. Madami akong sagot.
"Why don't you just answer my question?" Tumingin siya sa akin habang nanlilisik pa rin ang mga mata niya. Nakakunot ang noo niya habang ang buhok niya ay magulo na. Napakagat ako sa labi ko dahil sa kaba. Pucha, nag-English bigla.
"And bakit mo iniiba ang question and answer portion natin?" Tinaasan ko siya ng kilay habang nakahalukipkip pa rin at pinagkrus ko naman ngayon ang mga binti ko.
Narinig ko ang pag singhal niya, halatang naiinis na sa mga sagot ko. Napabuntong hininga na naman ako at tumayo. Hindi na ako makatiis.
"Sabihin mo sa 'kin..."
Humakbang ako ng isa pa para makalapit na ako sa kanya at tinukod ko ang kamay ko sa gilid niya kaya sa akin napunta ang paningin niya. Ngumiti ako ng kaunti nang makitang mamula siya sa ginawa ko. Natulos pa nga.
"... anong meron kay Jason na kailangan kong magustuhan?"
"Marami." Umiwas agad siya ng tingin ng mapansin niya kung gaano ako kalapit sa kanya.
Sumama ang tingin ko sa kanya. What?!
"Marami? Ha! Listen here, boy. " Sarkastiko akong tawa bago lumapit ng tuluyan sa kanya at hinawakan ang baba niya para tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. He's shocked because of movements. Napakagat siya ng labi nang tumingin ng diretso sa mata ko bago napunta sa labi ko ang tingin niya. Why is he staring?
"Kung marami, eh 'di sana una pa lang nakita ko na. 'Di ba sabi mo lahat nakikita ko? Then, don't trust my eyes kung hindi ka maniniwala. I've got my ego up than yours, boy." Pagkatapus 'nun ay binitawan ko ang baba niya at lumayo ako ng tatlong hakbang mula sa kanya. Hindi pa rin maipinta ang mukha niya sa gulat at napahawak pa sa baba niya bago ulit siya tumingin sa akin nang magsalita ako. "At isa pa pala, you're not the merit in my meritorious life. So, get a grip for yourself. Hindi ako ibang babaeng ipagpapalit ka dahil magkaiba tayo ng relihiyon at pinaniniwalaan. At hindi din ako bumabase sa kung saan man, para magkagusto ako sa tao, so kung tingin mo sa akin ay katulad nila..." Huminto ako ng ilang minuto para tumitig sa mga mata niya. "...Then, can I ask? Am I allowed to give a damn for your false conclusion?" pangsa-sarkastiko ko sa kanya bago umalis sa harap niya at tumungo na sa service.
Umiigting ang panga kong naglakad pabalik ng service. Ako pa ang iyong nilabanan, hindi ka mananalo. Magkapatayan man, ang sugal ko ay ang panalo ko. Hindi ako katulad ng ibang babaeng iiwan ka dahil sa ugali mo. I am a meritorious woman, Dylan. Hindi mo ako mawawasak ng ganun kadali. Dahil noong nakita mo ako, wasak na ako. Manhid man akong maituturing, alam ko ang limitasyon ko. Don't play the chess game with me. It's not worth it. Babagsak lahat ng pyesa mo. At kapag natalo mo ako? Pyesa mo pa din ang babagsak sa kagagagawan mo.
I'm halfway on escaping the chase and you are just starting yours.