Chereads / THE CHASE ESCAPE (ALGEA SERIES #1) / Chapter 8 - CHAPTER EIGHT

Chapter 8 - CHAPTER EIGHT

Para naman akong pinagsakluban ng langit sa narinig ko. Sa lahat ng pwedeng i-dare sa akin at sa lahat ng pwedeng maging alternative dare, 'yun pa ang naisip niya? Dylan o Jason na naman? Ano 'to? Heneral Luna? 

'Ang sarili o ang dare? Dylan o Jason? Mamili ka!'

I'm hesitant because never kasi naming nagawang mag-picture ni Dylan ng kami lang. Masyado akong nahihiya o naiilang kapag katabi ko siya o malapit siya sa akin, kaya imposible kong magawa ang alternatibong dare na ibinigay ni Mariel. Siguro, wala na talaga akong choice na gawin ang unang dare niya sa akin. 'Yung kay Jason. Ngayon ko lang naman pipiliin si Jason sa ganito, pwede naman siguro, 'di ba? Inuuna ko lang naman ang mararamdaman ko. 

O kaya sinasadya 'to lahat ni Mariel, para mapagselos si Dylan? Hindi ako judgemental na tao pero parang ganun ang gusto niyang mangyari. Pero alam kong papalalain ko lang 'yun. Nandito na lang din naman ako. Bakit pa ako uurong? Pero kung nandito naman si Dylan, gagawin ko ang alternative dare, kaso wala sila. Bakit pa kasi sumama ka papuntang Vista, Dylan?

Jusko, mahabagin.

"Eh ano...wala sila dito. Paano ko magagawa 'yun?" utal na tanong ko.

Tsaka ko nahagilap ang ngisi niya. Lalo akong kinabahan sa binabalak niya.

Oh, no. I know where this is going. 

"Eh, 'di wala kang choice, Ella. Gagawin mo ang dare ko sayo kay Jason ngayon." Lalong lumawak ang ngisi niya nang may diin ang pagkakasabi sa huling salita ng sinambitla niya. Lalo akong kinabahan. Tumingin ako sa likuran niya kung nasaan si Jason. Kasama niya ang tropa niya at naglalaro. Suminghap ako ng hangin. Paniguradong iwasan na naman ito, Ellaine.

Napabuntong huninga ako at napasinghal ng mahina. Alam kong kaya kong gawin ang dare pero kapag naiisip kong magagalit si Dylan, matinding kaba ang lumalamon sa sistema ko. Tumayo ako at pumunta sa gawi nila. Tumingin silang lahat s naroroona akin nang mapansing lumapit ako sa gawi nila habang sinisimulan na nilang asarin si Jason. Hindi siya makatingin sa akin at nakayuko lang ang ulo niya. Tulala sa desk sa harapan niya. "Jason." Lalong umingay ang paligid, napuno nang pang-aasar nila sa amin na hindi naman dapat mangyari, dahil wala namang namamagitan sa amin. Pwera na lang kung may nagkakagusto sa amin dito. 

So anong ibig sabihin ng reaksyon ng mga boys? Ibig sabihin ba nung may gusto sa akin ni Jason? Palakas pa ng palakas lalo ang asar nila sa kanya at ang iba ay tinutulak-tulak pa ang braso niya habang siya ay tulala pa rin.

"Hoy, Jason, tawag ka ni Ellaine. Pansinin mo," ani ni JV na kinakalabit na siya.

"Oo nga. Pansinin mo crush mo, gago." Hinahampas-hampas naman ngayon ni Sheedise ang likod niya.

"Huwag niyo nga akong guluhin! May ginagawa ako!" patay-malisyang tugon ni Jason na lalo kong ikinakaba. Kahit wala naman siyang ginagawa ay sinabi niya 'yun para lang makatakas sa presensya ko. Ganun ba talaga kalakas ang epekto ng presensya ko sa paligid niya? Ang tanong, bakit?

Dahil sa mga pang-aasar na ginagawa nila, nadagdagan pa ang kaba ko. Napalunok tuloy ako at pinagdikit ang dalawang kamay para pigilan ang kaba ko. Nagtuloy-tuloy ang pamimilit nila kay Jason na kausapin ako pero ayaw pa rin patinag ng loko. Pero napilit na rin naman nila kaya lumingon siya sa akin habang ang mga mata niya ay malamig. Naka-civilian lang kami so iba-iba sila ng mga suot doon at si Jason ay nakasuot ng yellow shirt na may logo ng team nila. Sa Yellow Vipers siya kasama.

Kaunting katahimikan ang nangyari pagkatapus niya akong lingunin bago ko tinibag ang katahimikan. "Pwedeng yakapin kita? Dare lang ni Mariel sa 'kin." My fingers fidgeted. Nakita ko rin ang paglaki ng mata niya sa narinig. Fuck, parehas pala kaming kinakabahan.

Kahit kinakabahan ako ay sinubukan kong lumapit sa kanya para magawa na ang dare para na rin matapus na 'to. Tsaka, 'di na naman siya kumibo pagkatapus kong magtanong kaya kinonsidera ko na ring payag na siya dahil 'di naman niya inalis ang tingin niya sa akin, kaso bigla siyang umiwas nang itinaas ko pa lang ang mga braso ko. Yumuko siya at pumunta sa likuran ko sa tapat ng locker namin sa room. Ang layo na tuloy ng distansya namin sa isa't isa.

Napairap na lang ako bago naglakad papunta sa kanya pero umiwas na naman siya, kaya naghabulan tuloy kami sa room hanggang sa mahawakan ko ang pala-pulsuhan niya. Winawagayway niya ang kamay niya para matanggal 'yun. "Ayoko! Ayoko!" sigaw niya. Panigurado akong rinig na rinig 'yun hanggang hallway.

Natanggal niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya at lumayo ulit sa akin. Napayuko na lang ako sa inis at pinipigilang sigawan siya. Gusto ko lang naman matapus na ang dare na 'to. Bakit ba kasi ayaw niya pa? Hayup.

"Bakit ba ayaw mong magpayakap?" Iniangat ko ang ulo ko habang nakakunot ang noo ko.

Nagtakbuhan na naman kami at ang naging ending ay bumalik rin siya sa unang pwesto niya. Nakisiksik pa siya kala Daniel kaya rinig na rinig ang reklamo ng mga boys sa ginawa niya. Pero hindi rin naman siya nakatakas sa akin dahil nagawa ko pa rin ang dare sa kanya. Hindi nga lang 'literal na yakap' 'yun. Nakapulupot lang ang kamay ko sa kanya pero hindi naman nagkadikit ang balat namin. Floating hug, ganun.

After I did the dare, I went back to Mariel. Siguro namang considered na 'yung ginawa ko, 'no? Bahala na nga.

"Nagbabalik ang nag-tagumpay!" sigaw ni Abi at binatukan ko siya dahil 'dun. Nakakahiya.

"Aray!" Hinawakan niya ang batok niya. "Mapanakit ka na ah! Hoy, ang gaga mo kasi, Mariel! Pinapagawa mo pa 'yung dare kay Ellaine, nadadamay tuloy ako! Putangina."

"Oh, lagot ka na niyan kay Dylan?" tanong ni Elle sa akin. Kinabahan na naman ako.

"Kung 'di niya naman ikekwento, walang magaganap na away," kana naman ni Mariel.

"Gagawin mo namang sinungaling 'tong si Ellaine kapag tinanong ni Dylan kung anong ginawa niya. Eh, chinat niyo nga 'di ba? Bobo lang?" pambabara ulit ni Abi sa kanya.

"Oh, eh 'di si Ellaine nang bahala mag-explain. 'Di niya naman 'literal' na niyakap at saksi tayo 'dun. May ebidensiya tayo."

"Wala tayong video, gaga."

"Padukot natin kay Dylan mga mata natin para makita niya rin ang nakita natin. Ganun lang 'yun!"

"Gaga! 'Di pwede 'yun!"

At nagsagutan na sila habang ako ay kinakabahan sa mangyayari. Inaabangan ko na lang rin ang chat ni Dylan kahit nagawa ko na ang dare. Mamaya ko na lang siguro ikekwento lahat sa kanya pag natapos na ang araw at nakauwi na. Nakaka-stress.

Kakauwi lang namin at nakapagpalit na rin ako ng damit. Nakahiga ako sa kama ko habang kinakabahan pa rin sa nangyari kanina. Damay na naman si Jason, putek. Hindi ko pa nasasabi kay Dylan ang tungkol sa dare. Hindi pa kasi online ang kumag. 

Madaming nangyari ngayong araw at ayoko nang balikan ang mga 'yun. Kabilang na doon ang tungkol sa dare. Bwiset kasi si Mariel at 'yun pa ang naisip. Nakaka-tanga lang. Parang hindi ko rin tuloy kayang aminin kay Dylan 'yung tungkol sa nangyari kanina dahil sa kaba ko, pero aaminin ko rin naman. Hahanap lang nga ako ng tiyempo para ma-open 'yun. Bahala na sa mangyayari at kasalanan ko naman 'yun.

Ala-sais na ng hapon nang makapag-on ako. Nangyari pang naging rude ako sa kanya kanina sa chat dahil may tinignan lang naman talaga ako sa Messenger kaninang hapon noong nasa school pa kami. Tampo ang inabot ko ngayon kay Dylan dahil doon. Alam kong hindi ako perpekto at kilala ko ang sarili ko kaya huwag siyang feelingero na magpapaka-'nice girl' ako sa kanya. Ayokong namamlastik ako kahit gusto ko pa ang tao. Tanga na lang ang magbabago ng katauhan niya sa harapan ng mga tao.

Lahat naman ng tao ay may nakatagong negative sides at nilalabas lang nila 'yun kung mamarapatin. Nasobrahan lang yata ang sa akin. Tumatagos ang bawat salitang nababasa ko sa puso ko sa chat niya nang mag-online na siya. Hindi kami ayus habang nag-uusap. Sabagay, lagi naman ako ang may mali sa lahat ng away kaya sanay na ako sa mga binabato niya sa akin ngayon. 

Inaamin ko naman ngayon na mali ako pero hindi ako mali sa ibang bagay na lalapit ako kay Jason dahil kailangan ko ng contribution niya sa group namin. That's school stuffs, but this? Kahit naman ako sa sarili ko, ayokong palampasin ang mali ko. I need to face the consequences, ang matinding selos niya kay Jason.

Hindi naman kasi pwedeng sisihin kong wala siya roon kanina kaya hindi ko nagawa ang alternative dare ni Mariel sa akin. Tanga na lang ako kapag sinisi ko siya. Eh nasa Vista sila eh, anong magagawa ko 'dun? Dapat bang pina-rentahan ko siya ng van tas pina-kidnap ko para hindi ko ginawa ang dare kay Jason? Para sa kanya ko nagawa 'yung bigay na alternative dare ni Mariel? Note my sarcasm, please.

Napaisip na naman ako sa mga nangyari kanina. Niyakap ko si Jason dahil sa dare, pero hindi 'literal' na yakap ang ginawa ko. Ang braso ko lang ang pumalibot at hindi naman dumikit ang balat ko sa kanya, so hindi maikokonsiderang yakap 'yun. Para sa 'kin, ganun, pero kasi iba ang tumatakbo sa isip niya kapag magpapaliwanag pa lang ako. Mahirap kasing ipaintindi ang mismong gusto mong ipahiwatig kung ang nakikinig sayo ay mahirap umintindi sa isinasalaysay mong eksplanasyon.

Huwag ko na kayang sabihin sa kanya ang nangyari? Para hindi na lumala ang tampo niya at para hindi na madagdagan pa ang bigat na binibigay ko sa kanya. Masyado akong nag-aalala, pero hindi naman pwedeng mag-sinungaling at magtago ako sa kanya ng mga ganung klaseng bagay. Lalo siyang magtatampo kung magtatago ako ng mga bagay-bagay sa kanya.

Inalis ko sa isipan ko ang mga bumabagabag sa akin at sinabi na lang sa kanya ang totoo na ginawa ko ang dare ni Mariel, kahit pa ang hula ko ay maba-bad trip siya sa malalaman niya. Bahala na. Basta ang alam ko ay nagsabi ako ng totoo at hindi nagsinungaling.

Dumating ang kinabukasan at alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin kami maayos ni Dylan. Buti na lang kagabi nakausap ko si Jason mga bandang 8:30 pm dahil nag-sorry ako sa kanya tungkol sa dare. Alam kong napilitan na lang rin siya 'nun. Sinabi ko na lang sa kanya na minsan na lang kami maglapitan o madalang na lang dahil kahit sabihin ko pang kaibigan o kaklase lang ang turing ko sa kanya ay hindi mawawala sa kokote ni Dylan na may something sa 'min.

Kagabi, sobrang nakakapanghina dahil ayokong magsinungaling pero na-bad trip ng sobra si Dylan sa pag hindi ko pagtago ng sikreto. Sana raw hindi ko na lang sinabi para hindi niya na nalaman at hindi siya nagalit. Alam ko namang pagkakamali ko 'yun pero kung mismong naroon siya nung mga panahon na 'yun ay magagawa ko ang alternative dare ni Mariel kahit na mailang pa ako. Pero hindi ko siya pwedeng sisihin kung na-bad trip siya sa pangyayari, pero sana'y hindi siya mainis kay Jason. Ako ang may kasalanan, ako ang gumawa. Kaya dapat sa akin lang siya magalit. Sana nga lang wala siyang gawin kay Jason. Sana wala akong mabalitaan na sinuntok niya na lang bigla 'yun dahil sa dare ko. Sayang pa naman ang mga mukha nila.

Nasa school na kami 6:35 am pa lang. Ang aga-aga namin sa kadahilanang marami sa amin ay players sa mga magaganap na laro ngayong araw, kasama na ako roon. Alam kong may laro ako ngayon, pero iba ang bumabagabag sa isipan ko. Kaysa kaba sa laro, ay kaba sa mangyayari kay Jason at Dylan. 

Noong nagkausap kami ni Dylan sa Messenger ngayong umaga ay sobrang lamig nang pakikitungo niya sa akin. Hindi niya pa din ako mapatawad sa pagkakamali ko. Seloso kasi ang loko. Nawawalan tuloy ako ng gana sa lahat ng mangyayari, pero let's pretend that I'm enjoying the day, kahit hindi naman talaga.

I'm wearing a green T-shirt provided by our team and we paid for it kasi hindi naman 'yun pinamigay ng libre. Pinapunta ako sa faculty room para magpraktis bago man lang maglaro ng seryosohan mamaya sa G Room. Nasa SHS Building 'yun malapit sa lugar sa school kung saan puro bench at puro puno. Tanaw sa room na 'yun ang magaganap na larong Win, Lose, or Draw. 

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung mananalo kami o hindi pero bahala na. Seseryosohin ko na lang ang laro ko lalo na at binabagabag pa din ako ng konsensya ko sa nagawa kong pagkakamali. Gusto ko nang magkabati kami. Gusto ko nang maayos ang lahat. Pero ang tanong, paano? Gusto niya bang ayusin?

Nakarating na kami sa G Room kung saan magaganap ang laro. Praktis lang muna ang ginagawa naming magkakalaban. Medyo hindi ako nailang dahil kasama naman pala si Lourine at Ate Eri sa squabble pero nasa ibang team sila at kalaban. Naging ka-close ko na din ang kakampi kong si Ate Jocelyn, isang SHS student. Kailangan kasi ng isang junior high at isang senior high para sa squabble.

Nakaupo lang ako sa isang arm chair dito sa G Room, naghihintay na magsimula ang laro. Naghihintay na din ako sa message ni Dylan. Hindi na siya masyadong sumasagot sa akin. Naging malamig na siya simula pa kahapon. Nakatulala na naman ako sa kakaisip. Mas malalim pa yata sa malalim na karagatan sa buong mundo ang iniisip ko ngayon.

Saan na kaya ngayon si Dylan?

Napapatanong na lang ako sa sarili ko ng kung anu-ano. Masyado kasing seloso si Dylan. Pero dahil sa dare na 'yun, doon ako sobrang nakonsensya, but at the same time, naiinis ako. Sinubukan kong magpaliwanag ng paulit-ulit sa kanya na niyakap ko pero hindi talaga yakap na mismong yakap, pero ang paniniwalaan pa din niya ay ang pananaw niya. 

Tama siya, sana hindi ko na lang sinabi. Kung hindi ko sinabi, sana ay okay pa kami ngayon at wala ng iniisip na iba pa kung 'di ang mga laro na lang namin. Pero dahil sa sobrang honest ko naman sa kanya ay sinabi ko ang katotohanan, kahit pa inunahan niya na ako kagabi na hindi siya magagalit sa kahit anong sabihin ko sa kanya. Problema ko man o hinaing. Mabuting balita man o hindi. 

Ang kaso nga lang ay kinain niya rin ang sarili niyang salita at nagalit. Para bang hinarangan niya ng balakid ang mga mata  niya para hindi na makonsyuma ang iba ko pang pagpapaliwanag sa kanya kahapon.

Nalulutang pa rin ako kahit nagsimula na ang laban sa pagitan ng Yellow Vipers at Pink Vulture habang ako naman at si Ate Jocelyn ay nagse-search ng mga words na nakapaloob sa letter Q para walang makaagaw sa amin sa game mamaya.

Binuksan ko muna saglit ang data ko at binuksan ang Messenger ko para tignan kung may tatambad sa akin na chat ni Dylan. Pero sa halip na si Dylan ang makita kong nag-chat ay si Jason pa. Talagang ikaw, Jason? Napairap na lang ako bago buksan ang chat namin.

From: Jason Dela Rosa

Yoohoo!

Ano na nangyari sa inyo ni Dylan

Biglang kumunot ang noo ko sa nakita ko. Wow, so concern na siya ngayon? Sabagay, nadawit siya sa sitwasyon.

To: Jason Dela Rosa

Bkit?

Nasa room lang kau?

From: Jason Dela Rosa

Wala eh

Lalong kumunot ang noo ko. Kung wala sila sa room, eh nasaan sila? Wala naman silang sinalihan sa games ngayong taon. Pa-type pa lang ako kung nasaan sila nang mag-chat ulit siya.

From: Jason Dela Rosa

Pinapanood namin sila Lexie. Win Lose or Draw.

Katabi ko nga si Dylan masyadong sabog

To: Jason Dela Rosa

Ahh ok. Bkit sabog?

From: Jason Dela Rosa

Parang sobrang lungkot niya.

To: Jason Dela Rosa

Bkit naman?

From: Jason Dela Rosa

Dko alam

Baka dahil sa kagabi kaya nagkakaganun 'yun. Nanlumo ako sa naisip ko at napabuntong hininga na lang bago bumalik sa pagre-review ng mga salita na nagsisimula sa letter Q o letter Z. Pabulong lang naming inaaral 'yun para hindi kami marinig ng ibang team.

"Quartz, Quay, Quizzical, Quesadilla --"

Nag-vibrate na naman ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nag-chat sa 'kin dahil iniwan kong nakabukas ang data ko.

From: Jason Dela Rosa

Nasaan kaba?

Kumunot ang noo ko. Bakit ganito 'to magtanong? Nakakapagtakang tinanong niya ako ng ganito dahil ang alam ko ay wala siyang pakialam sa presesnya ko simula nung una naming pagkikita, pwera na lang sa pagbibigay niya sa akin ng libro nang akala mo anghel siya sa bait at nung pre-test namin nung nagpaka-gentleman siya 'nun. After that, wala na, kaya nakakapagtakang parang curious pa siya kung nasaan ako. Ni-replyan ko na lang siya na nasa G Room ako dahil maglalaro ako ng squabble kasi nga kasama ako 'dun. Nahatak lang din naman ako dito pero nagpahatak na lang ako.

From: Jason Dela Rosa

Ah sige. Gusto mong panoorin kita

mag laro ng squabble?

Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. What the actual fuck?! Ano bang nakain nito at ganito 'to mag-chat? Nagsisimula na tuloy akong manghinala na hindi siya ang may hawak ng cellphone na ginagamit niya ngayon. Like, why is he so nice to me all of the sudden, huh? Si Jason pa ba 'tong ka-chat ko?

Ni-replyan ko na lang siya bago pinatay ulit ang cellphone ko. Bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang. Kinakabahan na nga ako sa laro, dumagdag pa ang kaba ko sa sinabi ni Jason. Manonood raw ang loko. Ano bang nakain 'nun sa agahan at biglang gumaganun sa akin? Nakakain ba 'yun ng aspalto? Napabuntong hininga na naman ako sa naiisip ko ngayon. Medyo masama ako sa part na naiisip ko na kumain siya ng aspalto pero sana naman kasama niya si Dylan at hindi sila nag-aaway. Baka kaya siguro ako china-chat ni Jason ay para malaman ni Dylan kung nasaan ako? Tama, tama. Baka nga ganun. 

Bumalik ako sa pagsasaulo nang nag-vibrate na naman ang cellphone ko. Nanggigigil na ako dito ha! Paano ako makakapag-focus nito sa squabble kung puro siya chat ng chat?!

From: Jason Dela Rosa

Ayyy hahahaha kaya moyan

He sent it to me with two faces with tears of joy emoji. 

Wait, si Jason pa ba ang nagcha-chat sa akin? My thoughts are saying 'no'. Hindi na rin ako nakapag-focus pa sa sasauluhin ko. Buti na lang at hindi ako mabilis makalimot ng mga nasaulo ko o nakita ko. Thanks to my long-term memory at pwede akong istorbohin ng lalaking 'to o nila. Baka kasi dalawang tao na nag gumagamit ng account ni Jason ngayon. It's just my hunch but let's see. Magta-type na sana ako ng reply ko nang mag-pop na chat ulit galing kay Jason.

From: Jason Dela Rosa

Dylan po toh

And again, he sent it with two faces with tears of joy emoji.

What the hell? Bakit nasa account siya ni Jason? Nakikigamit lang ganun?

To: Jason Dela Rosa

Weh?

Even though I already knew he was Dylan, I just have the feeling that I need to confirm it.

From: Jason Dela Rosa

Oo nga po

And, again, he sent it with two faces with tears of joy emoji. Siya nga si Dylan.

From: Jason Dela Rosa

Yun ey, kasama nya si jason

Kumunot ang noo ko dahil 'dun. Ano raw? Eh 'di ba sila nga ang magkasama? Paano ko naging kasama si Jason? Nasa bulsa ko ba 'yung mokong na 'yun? 

Lagi niya na lang akong inaasar kay Jason. Lagi niyang sinasabing mas bagay kami ni Jason dahil parehas kaming Katoliko at mas compatible daw kami. Mas close pa nga daw kami, kahit walang katotohanan ang sinasabi niya. Hindi nga kami nag-uusap sa personal kaya paano kami magiging close? 

Minsan na din akong natanong ni Chilia kung willing daw akong magbago ng relihiyon para kay Dylan if ever na kami talaga ang magkatuluyan hanggang dulo at nagdalawang isip ako noon, at hindi sumagot sa katanungan niya. Dahil kung sasagot ako ng oo o hindi ay gagawin kong tanga ang sarili ko. 

Dapat ang ginagawa ko lamang ay sukatin ang kakayahan nitong maghintay sa isang bagay na malayo pa naman sa kasalukuyan. Hindi pa sila matured mag-isip katulad ko para pag-usapan na ang tungkol sa kasalan at tungkol sa pagnonobyo. At hindi pa sila matured para masagot ang sarili nilang katanungan tungkol sa pagpapabago ng relihiyon. 

Hindi ko 'yun sinagot gamit ang boses ko. Ginamit ko na lang ang utak ko kahit alam kong katangahan lang naman kahit oo o hindi ang isagot ko. Oo, dahil kung mahal mo ang tao kaya mong gawin ang lahat at kaya mong hamakin ang lahat para masiguradong kayo na. Kayo rin naman ang gagawa ng tadhana niyo at kung magpapadala lang kayo kay 'tadhana'? Kayo ang talo. Hindi, dahil sagradong Katoliko ang pamilya namin. Kung siya ang magpapa-convert ay ayus sa pamilya ko pero ayus lang rin naman sa akin na magpa-convert ako sa INC.

Kaya rin ayokong pag-usapan ang mga ganung usapan dahil alam kong magkakaroon ng debatehan. Alam ko na rin ang kalalabasan at mas mainam nang umiwas sa gulo ng tungkol sa relihiyon kaysa naman makikipagtalo ka naman sa walang kwentang bagay. Magkakaiba tayo ng paniniwala at alam nating lahat 'yan. Hindi natin pwedeng ipilit sa isa ang paniniwalang pinaniniwalaan naman ng isa kung ayaw naman niyang tanggapin 'yun. Ngunit kung ayus lang sa kanya ay sabihiin mo ang mga paniniwala mo sa kanila. Let's be proud of our religion. INC man o Katoliko. O kahit ano pa mang relihiyon. 'Yun ang mga paniniwala natin at 'yun ang sinusunod natin sa buhay natin. Tsaka, mga bata pa naman kami para isipin agad ang mga ganitong tanungan. Bakit? Sigurado na ba si Dylan na ako na ang pang-habang buhay niya?

Sa totoo lang, wala pa akong planong mag nobyo kung hindi pa ako tapos ng kolehiyo. Wala din akong planong magpaligaw dahil sa parehas na dahilan at alam kong hindi nila ikokonsidera 'yun. Strikto din ang ama namin at minulat kami ng mga magulang namin sa ganoong estado ng buhay. Kaya kung lalabagin ko ang mga patakaran ng pamilya namin, mahal na mahal ko na ang tao noon na hindi ko na siya kayang mawala sa buhay ko, kahit na pilitin nilang paalisin ang espesipikong taong 'yun sa buhay ko ay ipaglalaban ko ang karapatan ko. Ang karapatan namin. Ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin kahit na ang maging sanhi man 'nuun ay palayasin o saktan nila ako. Ganun kalakas ang pag-ibig. Hahamakin 'nun ang lahat hanggang sa mawala ka na sa sarili mong katinuan. 

To: Jason Dela Rosa

Di naman. Manukso ka pa, cge.

Tsaka, bkit d mo acc gamitin mo?

From: Jason Dela Rosa

Ala gusto ko lng makita

chat nyo

Lalong kumunot ang noo ko. Putek, bantay-sarado ako. Pati account ni Jason bantay-sarado. Jusko, mahabagin. Hindi naman ako cheater at alam kong hindi rin siya lolokohin ni Jason patalikod. Mahinala ang deponggol.

Tatlong question mark ang pinadala ko at pagkatapus 'nun ay naghintay ako ng ilang minuto, nagbabakasakaling magre-reply siya pero wala.Hindi na siya nag-reply. Napatitig na lang ako sa huli kong mensahe at nagbuntong hininga. So, ako pa talaga ngayon ang dinedma? Ang kapal ng mukha! 

Tinamad na rin akong sundan ang reply ko dahil naalala ko ang pang-aasar niya kanina. Nakakarindi. Nakalipas ang ilang minuto ay natapus na ang naglalaban na teams. Hindi nanalo sina Ate Eri pero maglalaro pa naman sila mamaya. Kalaban nila ang matatalo sa match namin. Paupo pa lang ako sa upuan nang mga manlalaro ay narinig ko ang pagtawag ni Lourine kay Dylan. Napalingon ako sa gawing 'yun. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko ang dalawang lalaking pumasok sa mismong pintuan ng G Room kung nasaan ako.

Pucha, tinotoo nga nilang manonood sila.