Tumango siya sa akin bago lumapit kay Dylan para siguro makipag-usap sa nangyari kanina. Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis na sila sa harapan ko. They are giving me a heavy atmosphere.
"Oh, ayus ka lang?" tanong ni Rain sa akin.
I smiled at her. The truth is I am nervous when I asked Jason. Hindi ka ba naman kakabahan kung katabi mo rin ang isa pang may crush sayo. It's really giving me a headache. Also, for the moment, I forgot that Elle was at my desk earlier.
Napalingon tuloy ako sa kaliwa ko para tignan kung naroroon pa siya at nakita kong binalik niya na ang upuan niya sa desk niya at nagbabasa siya habang nakaupo. Siguro naramdaman niya rin ang init ng sitwasyon ko kanina. Jason was in a hot seat and I am in a hot situation earlier.
Pinagpapalitan kami ng tingin kanina ni Dylan at pinakaba ako 'nun pero hindi ako nagpahalata sa kanya at naging chill lang habang nagtatanong at inaabangan ang isasagot sa akin ni Jason. Furthermore, I am relieved he didn't ask more questions.
"Ayus lang ako," tipid kong sagot.
"Kinabahan ka?"
I shrugged my shoulders.
"Syempre. Sinong hindi kakabahan sa isasagot ni Jason at sa titig ni Dylan? But I'm relieved naman, Rain, at nalaman ko na ang katotohanan. Maghahanda na lang siguro ako sa mga asar na ibabato sa akin. 'Matic nang mangyayari 'yun dito kapag may nalamang may nagka-crush ulit sa kaklase."
"Let's just hope you will not ruin anything sa ginawa mo."
"I hope so." At binigyan ko siya ng ngiti.
The day ended and it's the next day. May activity kami na gagawin kung saan gagamit kami ng mga construction papers. Hindi namin alam kung para saan pero sabi kasi sa amin ay magdala ng construction paper para raw sa activity sa ESP.
Pagkapasok namin sa room ay nakapabilog na ang mga desk. Umupo ako malapit na naman sa bintana, malayo sa mismong pintuan ng room namin. Halos magkatapat lang kami ni Jason, habang ang lamig ng titig ni Dylan. Pumasok na si Ma'am Liza para ipaliwanag sa amin ang gagawin. Siya rin ang teacher namin sa ESP kaysa sa Filipino.
"Okay, mga anak, ganito ang gagawin natin," panimula niya. "Mayroon kayong mga construction paper at gunting para sa gagawin ninyong activity. Kumuha kayo ng yellow and red construction paper. Gagawa tayo ng messages. Para sa dilaw na construction paper ay gugupit kayo ng hugis bilog at star. Sa bilog ay lalagyan niyo ito ng nakangiting mukha nang sa gayon ay malaman ng pagbibigyan ninyo na masaya kayo sa mga mabubuting nagawa nila para sa inyo. Sunod ay ang bituin, ilalagay ninyo ang mga hinangaan niyo sa isang tao doon. Itatala ninyo lahat doon ang paghanga sa isang katangian ng tao na inyong susulatan. Sa pulang construction paper naman ay puso ang inyong gagawin. Dapat nilalaman nito ang pagmamahal ninyo sa inyong kaibigan o kaklase. Kung wala na kayong katanungan ay inyo nang simulan ang paggawa."
At 'yun nga ang ginawa namin pero habang ginugupit ko na ang pulang construction paper ay nag-iisip ako kung kanino ko ibibigay 'yun kung hindi pwede sa kapatid ko? Imposible namang ibigay ko 'yun kay Dylan. Naba-blangko ang isip ko. Hindi ko alam kung kanino ako susulat dahil hindi ko malaman kung kanino ko 'yun ibibigay.
Dumaan si Ma'am Liza sa amin at nagdadalawang isip ako kung itatanong ko kung pwede bang sa kapatid ko na lang ibigay 'yun kahit alam kong hindi pupwede. Pero hindi na ako nagdalawang isip pa ulit at tinawag ko na lang si Ma'am Liza para makasigurado.
"Ma'am!" tawag ko. Hindi siya lumingon. Hindi yata ako narinig.
"Ma'am! May tanong po ako!" pag-uulit ko at sa pagkakataong 'yun ay nilingon niya na ako.
"Ano 'yon, anak?" malumanay na tanong niya sa akin habang may ngiti sa kanyang labi. She's wearing a simple black pencil skirt and a ruffle blouse again.
Kahit kailan talaga, mabait si Ma'am Liza sa amin. Kailan kaya namin siyang makikitang galit? Ayokong intayin ang panahon na 'yun dahil panigurado ay mabagsik siya magalit. Ang mabait ay dapat na hindi galitin, dahil mas mabangis pa sila sa laging galit.
"Ma'am, pwede po bang sa kapatid ko na lang ibigay 'yung puso?" tanong ko.
Nginitian niya ako.
"Hindi pwede 'yun. Kailangan sa iba kasi kilala mo na ang kapatid mo, anak," sagot niya at napanguso ako.
"Pwede, Ma'am?" pamimilit ko. "Please~" pakikiusap ko hanggang sa mapapayag ko siya.
At napapayag ko naman si Ma'am. Nanaig ang tuwa sa loob ko. Kung hindi siya pumayag, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. It's either I will give it to Rain, Abi, Ash or Mariel.
Habang gumagawa ako ay napalingon ako sa gawi ni Dylan dahil may nararamdaman akong mainit na ihip ng hangin roon. Nakita kong nakasulyap pala ang loko kaya may nararamdaman akong may nakatingin sa akin.
Halos maramdaman ko din ang mga sulyap ni Jason. May parte sa aking gustong makakuha ng sulat galing sa kanya, kasi expected na meron akong matatanggap na sulat galing kay Dylan. I'm expecting so much para sa puso galing kay Jason, pero nevermind. Pero bakit nga ba ako umaasang bibigyan niya ako ng puso? Eh, 'yung pansinin nga ako hindi niya na magawa, 'yung pagbibigay pa kaya ng sulat.
Natapos ang lahat sa ginagawa at tumatayo na isa-isa para ibigay ang mga sulat nila sa mismong taong sinulatan nila. Paikot namin ginawa 'yun. Naunang ibigay ang mga puso. Sumunod ang smiling face, bago ang star.
Turn ko na para magbigay ng puso at binigay ko 'yun kay Elle at binigay niya din sa akin ang sa kanya. Natawa na lang kami. Napasulyap ako sa dalawa. Walang pakialam si Jason habang napaasa naman si Dylan. Natapos ang ikot doon.
Sumunod naman ang smiling face. Umikot na sa iba at tumapat naman ngayon kay Jason. Nakatingin siya sa akin pero kay Dylan niya ibinigay 'yun. Nanikip ang dibdib ko. Nasaktan ako kahit hindi naman talaga kailangan. Ano ang ibig sabihin ng titig niya? Pinaasa niya ako sa wala.
And also, why am I expecting? Ugh, Ellaine, stop!
Turn na ni Dylan at tumayo siya at lumapit sa akin. Kumabog ang dibdib ko nang ibigay niya ang hawak na sulat sa 'kin habang nakangiti. Nang makuha ko na 'yun ay biglang nawala ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Pawang wala akong imik at wala akong maramdaman sa ginawa niya. I am flustered because of his gesture but I don't understand why my heart stopped beating when I already got it from him. My feelings are so weird but I appreciate his letter.
Hindi ko alam pero baka dahil na lang din sa disappointment na hindi ako 'yung binigyan ni Jason. Binasa ko ang bigay ni Dylan habang paikot pa lang naman ang iba at nagbibigayan.
'To: Ellaine
Ikaw ang nagpapasaya sa akin dahil
naging mabait ka sa akin, ikaw din
ang naging aking inspirasyon kaya
nagbubuti ako sa aking pag aaral
from: Dylan :)'
His handwriting is beautiful. It seems like a girl wrote the letter.
Umikot na naman at binigyan rin ako ng smiling face ni Elle. Natapos na naman ang ikot doon at sumunod naman ay ang mgastars. Umikot na naman. Unang nakapagbigay sa akin ng star ay si Bella. She's our new classmate. Ysabella Maglaque. She just transferred last week and she's easy to get along with. Her skin is tan and she has a curly hair which compliments her face. She's also tall. She's so beautiful. Binasa ko ang bigay niya at napangiti na lang ako sa nakasulat doon.
'Ellaine,
Humahanga ako sayo dahil
sa pagiging ate mo kay Ellenie.
- Bella'
She's so sweet with her letter. I like her so much as my classmate. She's very thoughtful and considerate. I envy her for being brave also. She's the epitome of bravery here because she can speak for herself when she's still considered a transferee, but we don't let her feel she is. She was a transferee and she's our classmate now. She's already part of this family.
Sumunod ng magbibigay si Lexie, then si Dylan. Siya na naman ang tumayo at nakangiti na naman ang loko. Papunta na naman siya sa akin. Seriously? Sa akin na naman?
Binigay niya sa akin ang star at 'dun na nagsimula ang pang-aasar sa paligid. Kahit pa si Ma'am Liza ay sumama na rin. Napairap na lang ako. Hindi pa talaga ako masasanay sa pang-aasar nilang lahat.
"Mukhang may gusto si Dylan kay Ellaine ha, tama ba?" pang aasar ni Ma'am.
"AYIEE!" sigaw ng halos lahat sa kanila na ikinairap ko ulit.
Hiyang hiya ako sa pang-aasar nila at ngumingiti na lang bilang maskara.
"Hindi po. Hindi po."
Dahil sa kahihiyan, binasa ko na lang ang nakalagay sa star na bigay ni Dylan.
'To: Ellaine
Hinahangaan kita dahil ikaw
ay matalino at napagsasabihan
ko ng aking problema.
from: Dylan :)'
Napangiti ulit ako 'nun pero katulad kanina ay biglang nawala rin ang nararamdaman ko. Mixed signals ka, puso?
Nanahimik rin si Dylan dahil sa pang-aasar na nangyayari sa paligid. Namula pa ang tenga niya sa hiya. Samantalang si Jason ay nakikisabay rin sa asaran na nagaganap pero may parte sa aking umaasa pa din na sana ay nabigyan niya ako ng kahit isa man lang galing sa ginawa namin ngayon pero...wala talaga.
Umiling-iling ako para malimutan ang iniisip ko. Nevermind.
Nakabalik na rin si Dylan sa upuan niya at nakita kong inaasar-asar pa rin siya ni Lexie, at si Bella na nagtatanong sa kanila. Siguro tungkol sa kung bakit inaasar si Dylan at kung totoo ba ang sinasabi ni ma'am na may gusto sa akin si Dylan kanina. Well, if I am to answer that, it's a yes, but I said no earlier to avoid the teases.
Natigil naman ang pang-aasar sa paligid at lahat ay nakinig nang magsalita na si Ma'am Liza sa harapan pagkatapus makaikot ng lahat para ibigay ang mga natitira nilang gawa para sa sinulata nila.
"Ngayon naman ay magbibilangan tayo ng natanggap ninyo. Ang mga may pinakamadaming puso, smiling face or stars ay makakakuha ng sampung puntos. Ang ibang matitira ay walong puntos lamang," pagpapaliwanag ni Ma'am.
Nagsimula na ang bilangan at nakakuha ako ng sampung puntos dahil isa ako sa may pinakamadaming natanggap na stars. Nainggit naman ang tropa ko sa 'kin, dahil raw famous agad ako. Pero ang nasa isip ko ngayon ay bakit hindi man lang ako nabigyan ni Jason ng isang puso, smiling face o star man lang? Para akong nagtatampo na galit na ewan. Napairap na lang ulit ako sa naisip ko. Just...nevermind.
Sinabunutan ko na lang ang sarili ko para kalimutan ang iniisip ko. Nababaliw lang yata ako. Maybe I was hallucinating. Yes, that's right! Maybe, I am!
The next day was weekends. Wala naman akong masyadong ginawa kung hindi tumulong sa gawaing bahay at magsulat dahil tapus ko na lahat ng activities na ipapasa next week. Then again, classes in weekdays and activities lang hanggang matapus ang buwan.
Also, nadala na nga ako sa tukso at naging MU kami ni Dylan. What teases can do, really. But I just have a little crush on him. Just a little because of his efforts, I think? I don't know. I just confessed in chat so I think it's not that genuine.
After the confession, hindi ko na masyadong pinapansin si Dylan. The atmosphere became heavy between us. Or at least, for me. The reason was that since then, I think all my actions were guarded and I did expect all along that I cannot talk to Jason properly if I confessed.
"MU na kayo?!"
Napatakip na lang ako sa tenga ko nang sumigaw silang dalawa sa akin nang masabi ko na sa kanila ang tungkol sa aminan na nangyari sa chat sa pagitan namin ni Dylan.
"Jinjja?!" dagdag pa ni Rain sa Korean na ang ibig sabihin ay 'Really?'.
Napapikit ako at bumuntong hininga muna bago sumagot sa kanya.
"Oo nga, napakatanga niyo. Gulat na gulat?" tanong ko pa.
Nakaawang ang labi nilang dalawa ni Abi at hindi nila inaalis ang titig nila sa 'kin. Si Mariel at Ash naman ay mukhang walang pakialam sa sinabi ko. Si Elle? Siya naman ang unang nakaalam kaya wala na siyang reaksyon nang sumigaw ang dalawa.
"Pansin ko halos dumistansya ka pag magkalapit kayo," ani ni Mariel.
Bumuntong hininga na naman ako. Totoo naman ang sinabi niya. Kung dati ay nang-aasar pa ako kapag nagkakalapit kami ni Dylan, ngayon hindi na. Bigla akong nahiya sa mga gagawin ko nang makaamin na ako. Pero hindi pa naman ganun kalalim ang nararamdaman ko para kay Dylan eh, so I think I can also leave him if I have to, right?
Nakatikom lang ang bibig ko at hindi sumasagot sa isinambit niya sa 'kin. Bukod kasi sa nahihiya ako ay hindi ko din alam kung bakit ko nilalayuan ang mokong na 'yon. Sinabi ko pa naman na hindi ako lalayo. Kinain ko lang ang sariling salita ko. Boba talaga.
"Nung una naman, nag-uusap kayo. Tapos ngayon, iniiwasan mo? Nasanay na sayo 'yung tao, Ella," tanong ni Rain na may halong pagtataka at awa para kay Dylan.
And that strike me. Kinain ko na nga ang sarili kong salita, pinamukha pa talaga sa akin ng sobra. Guilty naman ako, pero kasi ganito talaga ako kapag nakaamin. Hindi ko rin alam kung kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob para kausapin ang mga nagiging crush ko o magugustuhan ko. Hindi ko alam kung kailan pero sana dumating ako sa puntong maranasan ko rin ang mailalabas ko ang sweet side ko sa isang tao nang hindi ako nahihiya.
"Eh paano 'yan? Okay lang sayong hindi mo siya pinapansin?" ani ni Abby din na nag-aalala.
Nagkibit-balikat ako bago sumagot. "Bahala na siya kung magse-stay siya o hindi," bulong ko sa kanila.
And that's my toxic trait when I am hurt. Sasabihin ko talagang bahala sila kung mananatili sila o hindi. Kung hindi sila mananatili, eh 'di huwag. Kung mananatili sila, eh 'di goodluck! Dito naman nasusukat kung hanggang kailan nila ako kayang matiis sa ugali ko at kung tanggap nila ako nang hindi lang sa panlabas na itsura ko. It's just that...It became normal for me pero toxic trait ko pa rin 'yun.
"Mahirap 'yan, sinasabi ko sayo," sambit ni Rain sa akin at alam ko 'yun.
"Ayaw mo ba talaga mamansin?" tanong ni Mariel.
"Mamamansin 'yan, kaso ang awkward naman kasing kakaamin lang pansinan agad. Palipasin muna," pagbabaliktad ng sitwasyon ni Elle.
Kanina pa sila nagsasalita tungkol sa kwento ko kanina kaya hindi ako makapagsalita. Nang huminto na sila sa mga sasabihin nila ay nagsalita na ako.
"It is awkward," ani ko sa kanila bago pa tuluyang makapasok si Dylan at ang tropa niya.
Automatic akong napatalikod para hindi ko siya makita. Ramdam na ramdam at damang dama ko ang presensya niya kahit nakatalikod ako.
Gosh, save me, please!
"Hey." bati niya sa akin mula sa aking likuran.
Pumikit muna ako bago humarap sa kanya at humugot ng hininga para magkaroon ng lakas ng loob para makaharap sa kanya habang nakikita ko sa gilid ng mata ko ang pagpipigil ng tawa ni Abi.
"Ano?" pagtataray ko sa kanya pero sa utak ko ay nagmumura na ako dahil super awkward.
Nakita ko namang yumuko muna si Abi at natakpan na ng buhok niya ang mukha niya. Paniguradong natatawa na siya sa 'kin. Pero keri mo pa 'yan, self!
"Ang taray ni crush," pang-aasar niya sabay nguso.
Ang cute.
"So?" taas-kilay ko na namang pagtataray sa kanya.
Narinig ko naman ang medyo paghagikhik ni Abi. Sinamaan ko siya ng tingin at nag-peace sign siya sa akin nang palihim. Buti na lang at hindi kami nakikita ni Dylan.
Humalakhak siya bago ulit tumingin sa akin.
"Cute mo lang." He complimented me. My face flushed for sure.
Nilapag niya ang hawak niyang KeriToh sa desk ko. May tira pang french fries at dalawang cheesesticks 'dun. Ooh, my faves!
Naghuhugis puso ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon. Tumingin ako sa kanya ng naka-ngiti bago ko ibinalik ang tingin ko sa KeriToh na nakalapag sa desk ko. Binitawan niya 'yun at nagpamulsa. "Sayo na lang 'yan."
Lalong naghugis puso ang mga mata ko at nananakam. Titirahin ko na sana 'yun nang malaman kong wala ng laman ang iced tea. Napanguso ako at hinampas siya ng mahina sa kamay na siyang ikinatawa niya. His eyes disappear when he smiles. "Bwiset ka!"
Tumawa na naman siya nang nakakaloka. Nakakainis! Akala ko pa naman sweet na 'yun, hindi pala!
"Wala akong sinabing titirahan kita ng drinks, Ella."
Patuloy pa rin ako sa paghampas sa kanya at patuloy rin niya 'yung sinasangga. Tumigil na ako pero hindi ko pa rin inaalis ang sama ng tingin ko sa kanya. Pero parang wala yata siyang pakialam sa sama ng tingin ko sa kanya at nakangiti pa rin ang mokong. Nakakainis!
"Dapat hindi mo na binigay sa 'kin 'to. Wala naman pa lang drinks!" reklamo ko.
"Next time. Sabihin mo lang kung gusto mong kalahatiin ko na lang ang pag-inom, para 'yung natira sayo. Pero mag-ingat ka sa straw, baka 'yun yung mainuman mo." Then, he winked before leaving me stranded with my thoughts. Nag-init ang ulo ko nang mapagtanto kung ano ang sinabi niya. Hay, loko! He's being a jerk again! Nabaliktad yata ang sitwasyon at siya na nag nang-aasar sa 'kin? Naaasar naman ako. Kaasar talaga!
Pagkatapus 'nun ay kinuha ko ang isang cheesestick sa KeriToh at kumagat habang naiinis pa rin ako sa nangyari.
"Oh, sa pagkain binubuhos ang galit ah?" pang-aasar ni Mariel.
"Manahimik ka," pagtataray ko.
"Ano?" panggagaya ni Abi sa akin nang makausog siya sa desk ni Rain. Lumayo kasi siya kanina dahil kailangan niyang kontrolin ang tawa niya.
"Abi, tigilan mo."
"So?" panggagagaya niya ulit.
Binira nila ako ng binira hanggang sa marinig ko sina JV na nag-iingay sa gawi nila.
"Ulol mo! Hindi kaya, tanga!" dinig kong sigaw ni Jason.
Ang lutong ng pagkakabitaw niya 'dun. Napakunot na lang ang noo ko. Anong meron sa side nila?
"Ay, teh, parang pinag-aagawan ka nila Jason,"ani ni Mariel.
"Hoy, huwag kayong paniwala dito kay Mariel. Naiinggit lang 'yan," pambabara naman ni Ash.
"Tse! Hindi naman. Papansin ka lang?"
"Oh, tapos?"
At nag-away na sila. Napairap na lang ako. Mananahimik na sana ang magulo kong isip nang marinig ko na naman ang usapan nina JV.
"Suntukan na lang!" rinig kong sabi ni Jason na ikinainis ko.
Ang pinaka-ayaw ko rin sa lahat ay ang may bayolente sa paligid. Hindi ako mayabang sa kaalaman ko sa martial arts at defense dahil normal na sa pamilya namin ang mag-aral 'nun. Kaya kung may manununtok dito ngayon, kaya ko silang pigilan nang wala akong iiimik na kahit ano.
"Ellaine oh!"
Nang marinig ko ang pangalan ko ay napapikit ako ng marahan at pinigilan ko ang sarili ko na pumutok. Kumakain ako dito ng cheesestick 'tas tatawagin niya 'ko?!
Lumingon ako nang naiinis at nakakunot ang noo. "Ano na naman ba?" tanong ko sa kanila. Nakita ko ang pagtulos ni Jason sa kinauupuan niya at ang biglang pagtahimik ni JV. Biglang nanahimik silang lahat pero binasag agad 'yun ng ka-MU kong loko.
"Si Jason kasi, susuntukin daw ako eh," panunumbong niya.
Lalong kumunot ang noo ko. Maliit ba siyang bata para magsumbong sa 'kin ng ganito?
Napahawak ako sa sentido ko at nag-isip ng sasabihin ko para matapus na lahat ng 'to. Nang makaisip na ako ng kung ano ang sasabihin ko ay tumingin ako ng diretso sa taong pagsasabihan ko habang malamig ang pananalita ko.
"Jason, tigilan mo nga 'yang si Dylan. Pag 'yan nasaktan, ikaw tatamaan sa akin."
Sorry kaagad, Jason.
"Oh, tigilan mo daw ako!" sigaw ni Dylan kay Jason.
Lalong natulos si Jason sa lugar niya at nakatingin sa akin ng diretso kaya naman kinalaban ko na lang rin ang tingin niya. Halata sa mga mata niya ang inis sa pagkampi ko kay Dylan pero isa rin 'yun sa mga kaya kong gawin para sa crush ko. Ang ipagtanggol sila. Pero alam kong mali ang ginawa ko. Maling mali na ipinagtaggol ko si Dylan kahit pa alam kong kalokohan lang naman ang ginagawa nila. Nagpapaka-tanga lang talaga ako sa parteng pinagtanggol ko siya.
Iniiwas ni Jason ang tingin niya sa akin at bumalik sa pakikipag-usap sa dalawa habang si Dylan ay tuwang tuwa na pinagtanggol ko siya kay Jason. I think he thought he did achieve something.
Nang humarap ulit ako sa tropa ko ay nakakunot na ang noo ng iba sa kanila habang si Ash at Elle ay busy sa kanya-kanya nilang mundo.
"Oh, bakit?" tanong ko kaagad sa kanila.
"Ayus ka lang? 'Yung dugo mo baka tumaas ha. Kumalma ka," ani ni Rain.
Napairap na lang ako sa sinabi niya.
"Ayus lang ako."
"Sure ka? Dalawang lalaki ang nilalaro mo sa palad mo, Laine," dagdag pa ni Abi.
"Isa lang." Nagkibit-balikat ako.
"'Yung isa nasa kanang kamay mo. 'Yung isa nasa kaliwa. Sino ang una mong wawasakin in the future? Malalaman natin."
"Baka ako pa ang mawasak," sagot ko.
"You're not even escaping the chase, Ella." Umiling-iling si Rain.
She's right. I am not trying to escape the chase. The chase of my heartbreak. The chase for my comfort.
"Alam naming hindi ka pa rin nakaka-move on kay Harold, tama?" tanong naman ni Abi.
I am nearly done with him that's why I am trying to restart my feelings again, but I kept going back. I keep hitting backspace.
"Naka-move on na, matagal na."
I denied my feelings. I have moved on but not healed.
"Eh, bakit hindi ka pa rin nagbabago 'yung mukha mo? Hindi ka pa genuinely masaya. Huwag mong ipilit kung hindi mo kaya."
"Kaya ko 'tong i-handle." Ngumiti ako sa kanila.
"Oh, basta nandito lang kami kapag nasaktan ka na."
"Salamat."
Lumipas ang mga araw at natapus na naman ang mga gawain namin at mga aralin. Intrams naman ngayon ang inaasikaso. It's our first time to experience this kaya naman medyo kinakabahan ako habang excited rin. Hindi ko alam kung ano ang mga ginagawa sa intrams kaya naka-stand by na lang ako sa kung ano ang mangyayari.
"1 to 1:30 pm daw yata titignan natin kung anong team tayo," pag-announce ni Ash sa harapan.
Si Ash ang President namin sa room kaya siya din ang nagsasabi ng lahat announcements. At nalipat na rin pala siya ng tropa, pero tinuturing pa din naming siyang part ng tropa namin, kasi siya pa rin naman nag taga-kain ng tira naming mga ulam. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto niya 'yung mga tirang ulam namin. Dati ba siyang aso?
"Ano nga ulit 'yung mga name ng team?" tanong ni Elle.
"Blue Griffins, Pink Vulture, Red Dragons, Orange Jaguars, Green Phoenix, and Yellow Vipers. Nakalagay naman yun sa page ng BHMC hindi mo pa nakita, Elle?" sagot ni Mariel nang nagtataray. Maldita talaga.
Nagkaroon na din kami ng isang hindi pagkakaunawaan ni Mariel pero naayos na 'yun, pero may mga nagbago after mangyari noon. Halos hindi na siya nagsasabi sa akin ng mga problema tungkol sa best friend niyang crush niya kung nag-aaway pa ba sila, o kung nag-uusap pa ba sila. Ang tanging nalalaman ko na lang ay hindi na sila magkaibigan. 'Yung totally friends over na.
Wala na akong nalalaman pa na bago tungkol sa kanya at sa best friend niya pagkatapos ng insidenteng nagtalo kami ng sobra, dahil sa hindi niya pagtanggap sa kaartehan niya. Umabot pa sa puntong naiyakan ko siya at nagsumbong na ang iba naming kaklase kay Ma'am Liza, para lang maayos ang sigalot.
"Sana isa sa atin may kasama galing sa tropa. Mahirap na kung mahiwalay," ani ko.
"Sana magkasama kamo kayo ni Dylan," pang-aasar ni Abi sa 'kin habang nakangisi.
Nginusuan ko si Abby. "Baby, huwag kang ganyan sa 'kin."
"Sorry na, baby ko," sagot niya sabay yakap sa 'kin. Yumakap naman ako pabalik paikot sa beywang niya dahil nakatayo siya sa gilid ko habang ako ay nakaupo.
"Hoy, putangina niyong dalawa. Tumigil nga kayo. Pag nagselos si Dylan sa kagagahan niyong dalawa, tapos biglang sasabihang tomboy si Ella, 'no?" reklamo ni Mariel habang nang-aasar rin.
Ngumuso ako pati na din si Abi.
"Pota, bakit mo kami minumura? Minura ka namin?" pagtataray ni Abi. "Eh 'di magselos siya! Jojowain ko si Ellaine. Akin na lang siya. Hmph!" Sabay balik niya ng yakap sa 'kin.
Maya-maya pa ay may narinig kaming sigaw habang nagkakasiyahan kami.
"Hoy, Abi, akin 'yan!"
Napairap na lang tuloy ako sa pagsigaw ni Dylan bago natawa. Nadinig niya pala sinabi ni Abi? Well, friends thing naman kasi ang biruan na ganun sa amin kaya normal na sa amin na mag-angkinan kahit hindi naman talaga namin jojowain ang isa't isa. Babae kaya si Abi, sadyang malandi lang talaga sa 'kin ang babaeng 'yun at ganun din naman ako sa kanya. Hindi kami parehas na bi. Si Rain lang ang bi-sexual sa amin. The rest are straight.
"Akin na siya!" ani ni Abi na niyakap ako ng mahigpit na halos mauntog na ako sa dibdib niya.
Ngumiti ako nang nilabas niya ang dila niya para belatan si Dylan na halatang halatang asar na asar na sa ginagawang pang-aasar ni Abi sa kanya. Lalo pa akong yumakap kay Abi para madagdagan ang pagka-asar ni Dylan. Namumula na ang tenga niya sa inis at nangingiti na lang ako sa reaksyon niya. Rinig ko pa rin ang patuloy na pang-aasar ni Abi sa kanya.
Hay nako, baka sumiklab na ang World War III nang wala sa oras nito ah.