Chereads / THE CHASE ESCAPE (ALGEA SERIES #1) / Chapter 4 - CHAPTER FIVE

Chapter 4 - CHAPTER FIVE

Pumasok kami nang maaga dahil maaga kami sinundo ngayon. Pagkatapus naming bumaba ng sasakyan ay diretso na agad kami sa room para ibaba ang mga gamit namin. Wala pang tao nang makarating kami kaya tahimik pa ang paligid. Kinalikot ko na lang muna ang cellphone ko habang nakaupo. Pagkarating ng tropa namin ay nagkumpulan na naman kami sa desk ni Rain kung saan ang usual na tambayan namin sa silid. Wala pa si Rain at Ash kaya kami pa lang magkaka-service ang nasa tambayan.

"Musta na?" tanong ni Abi sa akin.

"Mukhang selos kay Jason," buntong hiningang hinaing ko.

Today is August 9. It's almost been two months since the day we started attending BHC. I am still playing the mind game with Dylan but I am getting worst at maintaining my feelings. I can feel that I am starting to fall hard with the teases around me about him.

Fuck. Dapat hindi ako magka-gusto eh. Bakit parang ngayon pilit na lang ang hindi ko pag gusto kay Dylan? Shit, I'm getting worst.

"Bakit naman? Ano? Crush ka nga?" tanong din ni Mariel.

Our topic is Jason. The reason is the whole month of July he was hinting to us that he has feelings for me and that started when Dylan told me that Jason has a crush on me. I don't know why but I found myself wanting to confirm it and confront him with questions I know he will avoid.

"Mamaya matanong ko," sagot kong naboboryo.

Hindi pa din ako naniniwala hanggang ngayon na crush raw ako ni Jason. That information confuses me. It's not like he directly confessed to me that he has a crush on me. I know it's not required to confess to your crush if you have a crush on them but this case is different that's why I want to know the truth. Never ko kasing na-imagine na magkaka-crush sa akin 'yung loko na 'yun. Eh, hindi nga ako pinapansin! Paano pa magkaka-crush sa akin?! 'Di ba? Malaking imposible!

"Tapang ah." Tumawa si Abi habang nang-aasar ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"I need to confirm kasi," sagot ko.

"Hindi pa ba sapat na sinabi sayo ni Dylan?" tanong ni Mariel.

Haha, ang funny niya. 'Di ba kasasabi ko lang kanina na 'I need to confirm' kasi nga hindi ako sure kung crush nga ako ni Jason o hindi? Well, really, why am I also curous anyways? Ugh! I hate myself.

"Hindi ako naniniwalang crush ako ni Jason eh. Kung crush niya ako, eh...malay ko," kinakabahan kong tugon.

"Sana all mahaba hair," ani Abi.

"Pahingi isa," dagdag pa ni Elle.

"Mga puta kayo, hindi pa natin alam kung totoo," gigil na ani ni Mariel sa dalawa sabay batok.

Ayan! Namura tuloy kayo! Ayan kasi! Mga patay na patay malaman ang katotohanan habang hindi ko pa rin kasi alam. Mga uhaw rin kasi ang tropa ko sa chika.

"Aba! Joke lang eh!" gigil din na sagot ni Abi habang nakahawak sa batok niya.

Feeling ko kasi na oo na hindi 'yung sinabi ni Dylan. Pwedeng ginawa niya 'yun para guluhin lang ang isip ko o ginawa niya 'yun para piliin ko siya. Pwede ring pinagseselos niya lang ang sarili niya. O kaya totoo ang sinabi niya. O kaya all of the above. Bwiset, nakakalito!

"Lunod ka na?" Hindi ko namalayan ang pagdating ni Rain at Ash. Halos magkasabay lang sila dumating. "Anong balita ba?" tanong niya.

"Crush raw siya ni Jason," ani ni Abi na inunahan pa ako sa pagsasabi ng chika kahit hindi pa naman namin sure kung totoo ang nalaman namin.

"Ahh, confirmed?" tanong pa ni Rain. 

Umupo siya sa upuan niya at nilapag ang mga dala niya sa desk. Si Ash naman ay hinatak ang upuan niya papalapit sa desk ni Rain at nakinig na rin.

"Confirmed kay Dylan," sagot ni Elle.

Napairap ako nang sumagot siya. Ginigigil nila ako. Pinagkalat na nila sa tropa ang chikang nasagap nila kahit wala pa kaming confirmation galing kay Jason kung totoo ba 'yung chismis o hindi. Pagbabatukan ko 'to mamaya eh.

"Kay Jason hindi pa," dagdag ko.

"Eh confirmed naman pala kay Dylan, hindi ka pa naniniwala?" tanong pa ni Rain.

Nagpalung-baba ako at napairap ulit. Really? Can you tell me? Are they siblings? Pare-pareho kasi ang mga sinabi nila eh! Pagbubuhulin ko 'tong mga 'to!

"Nope, not until si Jason 'yung mismong magsabi sa akin na crush niya nga ako," tugon ko.

"Baka magselos naman si Dylan," pag-aalala nila.

That's what I'm thinking all along. I cannot ask Jason if Dylan's around. For sure, sa ayaw ko at sa hindi, magseselos 'yun, kahit wala naman kaming gagawing masama ni Jason. Kahit nga mag-usap lang sa grupo parang hindi rin pupwede. Pero wala namang 'kami' para magselos siya, but I am validating his feelings.

Nawala ang pag-iisip ko nang biglang pumasok na sa pintuan sina Dylan at JV sa silid. Hininaan na rin namin ang mga boses namin para hindi nila malamang topic namin si Dylan at Jason. Mahirap na at baka may magpakalat ng false information habang hindi pa rin namin nakukumpirma ang katotohanan.

"Baka magselos si Dylan," ulit ni Abi nang pabulong.

Paulit-ulit?

"Ano bang masama kung itatanong? Tatanungin lang naman." Umirap ako.

"Ikaw bahala manuyo diyan kapag nagselos, ateng," maarte na ani ni Ash.

Ngumuso ako. Kaibigan ko ba talaga sila?! Tsaka, bakit ko susuyuin eh wala namang kami? 'Walang label' care, ganun?

"Hindi ako marunong manuyo." Bumuntong hininga ako.

"Ayy tumpak!"

"Magaling!"

"At hindi din naman kami MU para magselos siya, 'di ba?" dagdag ko pa.

"Kahit na, Laine," ani ni Abi,biglang naging seryoso ang tono niya. "Sinanay mo yung tao."

And that hit me. She was right. Sinanay ko na ang tao at nasanay na rin ako sa kanya. So what does that mean? Wala kaming label so what should I call our relaionship? Flings? Chatmates? I really don't have an idea.

"Panigurado nagkakaroon ka na din feelings sa kanya, nasanay ka na din eh," dagdag pa ni Rain.

Lalong nagulo ang isipi ko sa sinabi niya. Totoo kaya na nagkakaroon na ako ng feelings kay Dylan? Pero ayoko naman kasing sumugal na naman. Pero...nagseselos ako kapag magkalapit na naman sila ni Lexie. But I think it's unnecessary, right? I am just playing the mind game with him and I am not playing the love game, right? I don't want to start a chase again. Not yet.

"Laine?" tawag sa akin ni Rain.

Nawawala ako sa katinuan at nakatulala lang sa kawalan habang lumilipad ang isip. Posible bang sumugal na naman ako?

"Ellaine to Earth please!" sigaw ni Abi.

Umiling ako at pumikit bago tumingin sa kanila. Siguro kanina pa ako nakatulala kaya ganun na lang ang sigaw ni Abi sa akin. Well, it doesn't matter. Wala namang masama kung mag-iisip ako, 'di ba? May utak naman kasi ako, kaya pwede.

Nakapalung-baba pa rin akong lumingon sa kanila at walang pakialam sa ekspresyon ko habang hinahanda ko na ang sarili ko sa mga ibabato nilang mga asar sa akin. Nasanay na rin naman ako sa mga pambabara nila dahil ako pa lang naman ang nababalitaan sa aming may matagal ng ka-chat.

"Natulala na dahil lang sa tanong ah. Totoo 'no?" tanong ni Mariel at ngumisi.

"Malay," tipid ko na namang sagot sa kanila. Bumuntong hininga ako pagkatapus kong kumibo. Hindi ko naman rin talaga alam. Hindi ko alam kung gusto ko na 'yung tao. Basta ang alam ko, madali akong nadala na kausap siya, pero hindi naman ibig sabihin 'nun na nahulog na rin ang loob ko sa kanya, 'di ba? Napaka-imposibleng mahulog agad ako sa mga patibong sa paligid ko.

"Hindi ka na naman sigurado," singhal ni Elle.

"Paki mo ba?" pagtataray ko.

"Si Jason pa nga," asar niya pa.

Hindi ko alam kung bakit kasi first month na first month namin sa BHC ay dalawa agad ang magkaka-crush sa akin? Actually, tatlo, kasi si Kuya Smih pa pero nawala lang siya sa listahan dahil na-busted ko na agad pagkatapus niyang umamin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa iniisip ko.

I just really don't like involving myself in the love game. It's an example of destruction for me. I would like to play along with the mind game rather than chase someone, which I don't have a plan to do in my life, ever.

"Potek ang haba-haba ng hair mo, ay!" dagdag pa ni Abi.

"Elelele~" And Rain wiggled her fingers in front of me. I rolled my eyes and faced my desk. My arms are crossed and rest above my desk while I rest my head above my arms and I dozed to sleep while still overthinking.

Lumipas ulit ang oras. Nagklase kami hanggang sa mag-lunch break na. Nag-aayos lang ako ng gamit ko sa desk nang sumulpot si Dylan sa harapan ko at sinusubukan akong gulatin.

"BAH!"

Tumitig lang ako sa kanya nang hindi man lang nagulat sa ginawa niyang kalokohan. Ano bang pinakain ni Lexie sa kanya at bigla-bigla niyang naiisip na manggulat?

"Haha funny," malamig kong sabi at tinuloy ko ang pag-aayus ng gamit ko.

"You're so KJ, Ellaine. Hindi ka ba happy sa 'kin?" Humalukipkip siya sa harapan ko at nagpa-cute.

"Kung magpapa-cute ka, umalis ka na," banta ko but the truth is he's cute.

Ngumuso siya at ginulo ang buhok ko.

"Suplada si crush ko ah," ngisi niya.

Tinabig ko ang kamay niya at nagsimula nang tumibok nang mabilis ang puso ko sa ginawa niya. Pero hindi ko pinahalata at pinatiling maldita ang itsura ko sa harapan niya. Pinipigilan ko ring ngumiti. What the fuck is this? Am I already starting to have feelings for him? No. I need to stop this. 

"Tigil," saad ko. "Anong sasabihin mo? Hindi ka mangungulit sa akin sa personal kung wala kang importanteng sasabihin."

Tumingin muna siya sa paligid. Kami lang ng tropa ko at tropa niya ang nasa loob ng room at umalis na ang iba para mamili sa canteen.

"Tungkol kay Jason." Nawala ang kaninang mapang-asar na ngiti niya at biglang napalitan 'yun ng seryosong tono na para bang binibigyan ako ng banta. Nanlisik ang mata niya at umupo sa malapit na upuan sa tapat ng lamesa ko.

Lalong sumeryoso ang mukha ko nang mabanggit niya ang pangalan ni Jason. Nanuyo ang lalamunan ko at kinakabahan sa sasabihin niya but I kept my cool and looked at him straight in the eyes like I am trying to read him.

"Anong tungkol sa kanya?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya bago sinalubong ang tingin ko. 

"Hanggang ngayon hindi ka pa rin naniniwala sa sinabi kong crush ka niya, 'di ba?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Oo," mabilis kong sagot.

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita ulit. "Tinanong ko siya sa personal kung totoo, at sabi niya 'oo'. Nainis ako sa sarili ko. Nag-tanong pa kasi, tsk."

Naiinis kasi selos. Iyun ang gusto kong sabihin habang nagsasalita siya pero hindi ko na lang ipinahalta.

"Ano?" tipid kong tanong na naiinis na. 

Ayoko magsayang ng laway sa walang katuturan na bagay. This will make me sick. I don't want us to use Jason as our topic. He's making the situation more awkward. Dahil lang crush niya ako ay magseselos na siya? Dahil lang ka-chat niya ako ay magseselos na siya? May 'kami' ba? Ang alam ko ay wala kaya hindi ko alam kung kailangan ko pa bang ituloy ang pag-validate ng selos niya kay Jason. Nakaka-bad trip.

"Kung mas matalino si Jason sa akin, siya ba pipiliin mo?" he asked out of the blue.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa tanong niya at tinaasan ko siya ng kilay. Anong klaseng tanong 'yun?!

"What?! Tanong ba yan?!" Parang tanga na lang akong napatanong din dahil sa walang katuturang tanong niya. Bakit ba kasi kailangang tanungin niya 'yun sa 'kin?

"Oo," sagot niya sa akin habang nanlilisik pa rin ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil nabibigatan na ako sa atmospera na namamagitan sa 'ming dalawa.

Napahalukipkip ako at nag-isip. I cannot consume everything he just said. Lalo na ang tanong niya. Kung mas matalino si Jason sa kanya, wala akong pakialam. Wala rin akong planong pumili. Tsaka, bakit ako pipili? Ano ba sila? Choices sa test?

"Well," Iniisip ko kung ano ang isasagot ko sa kanya dahil hindi ko talaga alam kung saan nanggagagaling ang tanong niya. "Hindi kita masasagot sa katanungan mo, Dylan." 

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya matapus kong sabihin ang sagot ko. Seriously, dude? Pinapapili niya ako sa kanilang dalawa? 

Well, they're both cute and handsome in their own ways but the question is about intelligence and I don't how to answer his question. They can excel in different ways so I cannot say if Jason is more intelligent than him. And it's been only two months! Hindi naman pwedeng kilala ko na agad sila, 'di ba?

"Bakit? Pipili ka lang naman." Halata ang lungkot sa boses niya nang sinabi niya 'yun. Ngumuso siya bago magsalita ulit nang panibagong tanong. "Mas gusto mo siya 'no?"

Nagtampo pa nga.

Paano ko ba kasi siya kailangang sagutin? Kailangan bang sabihin kong siya ang gusto ko para matigil na 'tong Q&A Portion niya? Wala tayo sa Miss Universe, dude!

"Wala akong gusto kay Jason. Period!" sagot ko. 

Kanina pa ako nanggigigil sa mga tanong niya. Napairap na lang tuloy ako.

"Talaga?" tanong na naman niya na parang batang binigyan ng regalo sa birthday niya sa tuwa at ngiti niya.

"Nanghihinala ka na naman sa 'kin?" Itinaas ko ang isa kong kilay bilang pagtataray. Nakakaasar na ang mga tanong niya ah. Next question please! 'Yung matino-tino naman sana at hindi puro tungkol kay Jason.

"Sabi ko nga wala kang gusto sa kanya."

Ngumuso siya pagkatapus niyang ulitin ang sinabi ko na ikinairap ko. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag ngiti niya.

Tuwang tuwa sa sagot ko ang gago.

Narinig kong bumukas ang pintuan sa harapan kaya nabaling doon ang paningin ko. Nakita kong nakabalik na si Elle at si Rain dala-dala ang mga pinamili nilang pagkain at inumin. Umalis kasi sila kanina bago lumapit sa akin si Dylan kaya sina Abi, Ash at Mariel lang ang naiwan sa room kasama ko. Nakita kong pagtingin ni Elle sa gawi ko ay natulos siya sa kinatatayuan niya. Kumurap pa siya ng ilang beses bago nahimasmasan at nang-asar.

"Uy! Anong kaguluhan 'to?" 

Dumaan siya sa gilid namin at pumuntang desk niya na nasa tabi ko. Nakangisi pa rin siya at wala yatang balak na alisin ang tingin sa amin ni Dylan. 

"Shut up, Elle." 

Napairap na lang ako sa pang-aasar niya. Lagi namang ganito ang eksena.

"Oh, shut up, Elle~" panggagaya niya sa akin bago hinila ang upuan niya papunta sa desk ko para maki-chismis, panigurado.

"So, what's the chismis?" 

Sabi na nga ba makiki-chismis lang 'to eh.

"Ano na naman ang chismis ang pinag-uusapan ninyo, love birds?" ani pa niyang nag-beautiful eyes.

Beautiful eyes pa nga.

"Si Jason," sabay naming sagot ni Dylan. 

Napatingin kami sa isa't isa nang mapagtanto naming parehas na sabay naming nasabi ang pangalan ni Jason. Hindi rin naman nagtagal 'yun dahil agad siyang umiwas ng tingin habang namumula na ang tenga sa kahihiyan. Napangisi na lang ako sa reaksyon niya. Mas babae pa siyang mahiya kaysa sa 'kin.

"Ooh~ Intereseting." Pinagpalitan kami ng tingin ni Elle bago pumostura na 'tila isa siya sa mga detectives katulad nila Sherlock Holmes. "So, what's the case?" tanong niya pa habang tinaas-baa ang dalawa niyang kilay.

Wala kaming nasabi na kahit ano kay Elle dahil pumasok na sina Jason, Daniel at JV sa silid. Narinig kong umismid si Dylan pagkatapus nilang makapasok. Hindi kasi namin pupwedeng pag-usapan ang isang tao kung nasa pareho kaming lugar. Lalo at si Jason pa ang pag-uusap. The boy who gives Dylan the doubt about me.

"Bakit may Meeting de Avance tayo dito?" pang-aasar ni JV. His full name is Jesus Vinicius Atienza. He's also a former Grade 7 student in BHC along with Dylan. He's chubby and tall. The buttons of his vest were opened and he was also wearing specs. 

Nakatayo sa likod niya sina Jason at Daniel. Nakatingin sila sa amin na para bang inaabangan ang susunod naming sasabihin. Ang atensyon ko ay napunta kay Jason nang makita kong umiwas siya ng tingin. His eyes are telling me he's hoping, but I cannot tell if I thought the right thing or not.

"Potek ka, JV. Alis!" 

Binugaw ni Dylan si JV sa harapan niya at unting tinulak sa tiyan. At tama ba ang narinig ko? Potek? I thought he's not saying something like that. He said also that he cannot say curse words. Somehow, I am rethinking again. Is he lying about himself?

"Uyy potek daw oh. Bad," rinig kong pang-aasar ni Lexie at tsaka na lang napatakip sa bibig si Dylan nang marinig niya ang asar na 'yun. 

Napataas ako ng kilay sa pagtataka. He's obviously lying about the part where he said he's not saying something like that. Humingi siya ng tawad sa akin sa sinabi niya bago bumalik sa pagtataboy kay JV. 

Napahugot ako ng hininga at bago ko pinakawalan 'yun. I don't have a problem with bad words or cursing. Halos marami na akong alam tungkol doon. 'Yun lang, wala siyang nalalaman sa tinatakbo ng isip ko. I'm portraying the good girl here.

"Jason!" tawag ni Dylan bago pa man makaupo ang tao sa tapat ng desk ni JV.

Lumingon lang siya at tumungo kung nasaan kami. Bigla niya akong sinilip bago tumingin kay Dylan. Mukha namang nainis na naman si Dylan sa kilos ni Jason pero pilit pa din siyang nagbiro.

Bad trip.

"Ano?" matamlay na tanong ni Jason sa kanya habang malamig ang tingin sa kausap.

"Ngayon mo sabihin kay Ellaine na crush mo siya."

Napairap na lang tuloy ako sa sinabi niya. Asar na asar ako. Pinilit pa nga.

Wala na rin naman akong nagawa at nagtanong na rin kay Jason para hindi masayang ang oras. Para na rin malaman ko ang totoo. Hindi kasi ako maniniwala kung hindi ko mismong narinig galing sa kanya. "Totoo ba?" tanong ko. 

Bigla siyang napasinghap bago tumingin sa akin at napatitig saglit bago umiwas ng tingin.

"Totoo ba?" pag-uulit ko ng tanong sa kanya. 

Ngumiti ako para hindi ako magmukhang masungit habang tinatanong siya. Baka kaya hindi ako kinakausap ni Jason ay mukha akong masungit sa paningin niya. Nakita ko naman ang biglang pagtataka sa mata ni Dylan dahil sa biglang pag ngiti ko. Wala na akong pakialam kung magselos siya. Kailangan kong malaman ang katotohanan galing kay Jason at hindi lang galing sa kanya. Asarin ko pa kaya siya sa ginagawa ko ngayon para lalong mainis kahit wala namang meaning ang pagtatanong ko..

Nag-aalinlangan pang sumagot si Jason at binigyan muna ng tingin si Dylan. Halos manigas siya sa kinatatayuan niya at hindi mapakali ang mga kamay. 

"Dylan, kasalanan mo 'to eh!" sigaw niya. 

Napairap na naman ako.Nagtalo pa nga.

"Aba, ako pa nga sinisi! Sabihin mo na lang kasi!" Tinanggal niya ang kamay ni Jason na nag-alog at nananabunot sa kanya kanina.

Napatawa na lang ako ng pasikreto. Jerks.

Suminghap muna ng hangin si Jason bago tumingin sa akin ng diretso. Kumabog bigla ang dibdib ko at kinakabahan sa sasabihin niya. Ewan ko kung bakit bigla akong nabighani sa mata niya ngayon. He's more charming than I saw him before.

Hinintay ko ang sasabihin niya nang mapakawalan niya na ang hangin na sininghap niya kanina.

Ito na 'to. Wala nang urungan sa maririnig ko.

"Oo, crush kita, Ellaine."

At biglang huminto ang  mundo ko. Ano?

Hindi ko alam kung ano ang mararamdam ko. Parang nabunutan ako ng tinik ng marinig ko 'yun galing sa kanya. Napatunayan ko ng totoo ang sinabi ni Dylan at napatunayan ko na ring may magaganap na gulo sa kanilang dalawa. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang gagawin ko kung masira ang pagkakaibigan nila dahil sa akin, because they are best friends. They consider each other as best friends even though they have their own group of friends. I hope I cannot ruin something between them.

"Happy ka na, Dylan?" agad-agad siyang humarap kay Dylan nang makaiwas ng tingin sa akin. Halatang pinigilan niya ang kaba at hiya kanina nang umamin siya sa harapan ko. Nagsimula na ring mamula ang mga tenga niya. Namumutla na din siya sa kahihiyan sa pag-amin niya. Napangiti ako sa reaksyon niya. Matatawa pa yata ako. He's a shy child.

"Ayie, umamin na din siya sa akin~" pang-aasar ko na ikinahinto niya sa ginagawa kay Dylan at napasinghap na naman. Gaano ba kalakas ang aura ko sa paligid mo, dude?

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pag nguso ni Dylan at pagkunot ng noo niya. So, his jealousy is activated now, huh? Matawa-tawa na lang ako sa kanilang dalawa. Mag-best friend nga talaga sila. Pareho rin silang may crush sa akin. So, what should I do? I-cancel ang isa sa kanila? I don't know what I should do next.

"Tuwang tuwa ah. Napaghahalataan ka, Ellaine," sambit ni Dylan na ikinatingin ko sa kanya.

Masama na ang timpla ng mukha niya at mukhang hindi na natutuwa sa nakikita niya. Ako naman itong si walang pakialam ay nakuha pang mamilosopo. The atmosphere's heavy and I know Jason can feel it, too. Nakatayo pa rin siya sa harapan namin at nakikinig.

Tumingin ako kay Dylan habang nakataas ang isang kilay. 

"So? Hindi ba pwedeng matuwa ako kasi nalampasan niya ang kinakatakutan niya?" tanong ko. Or..."

Ngumisi ako.

"...you're jealous?" pagtatapos ko.

Lalong sumama ang mukha niya sa tanong ko. Parang anytime ay pupwedena siyang mahimatay sa reaksyon niya. I found it funny. Napapaghalataan na rin siyang selos na selos kay Jason.

"Ha? Hindi ah." He denied.

Ngumisi na naman ako na lalo niyang ikinailang. Tumayo na siya at lumipat sa upuan niya para makaiwas pa sa sasabihin ko. Nang makaalis si Dylan, napatingin naman ako kay Jason nang mapansing nakatingin siya sa akin. Ang mga mata niya ay malamig at halatang nang-nguwestiyon ng maraming bagay.

"Ikaw? Hindi ka pa pupunta kala JV" tanong ko sa kanya na ikinaiwas niya ng tingin sa akin.

"Aalis na rin."

Tatalikod na sana siya nang magsalita ako.

"Salamat." 

Napalingon ulit siya sa akin at ginawaran ko siya ng ngiti. 

"Salamat sa pag-amin, Jason."