Chereads / THE CHASE ESCAPE (ALGEA SERIES #1) / Chapter 5 - CHAPTER FOUR

Chapter 5 - CHAPTER FOUR

"Ayusin niyo! Kahit para lang sa grades!"

Riel is shouting because the boys won't listen to her. Kanina pa kami paulit-ulit. They keep playing around while we are practicing. 

Nandito ulit kami sa lugar kung saan kami nag-meeting kahapon bago umuwi dahil mas malawak ang paligid dito kaysa sa loob ng room. Also, to avoid the copying of movements na rin. Baka mamaya may gumaya na pala ng steps namin for the performance later on Friday.

The practice went well because I am scolding the boys and eventually, they would listen to every word I said and ignore Riel's words. I don't even feel guilty for yelling or scolding them. They knew how much this will cost our grades. And the day came when we performed the Si Patokaan steps we prepared. It went well and Elle and Ash's group got a perfect score! Well, I must say Ash was the best dancer in the room and we were the witnesses for that.

The day went chaotic with studies and groupings again. Each day seems like a deja vu for me. Kuya Smith confessed through a coded letter which Ate Eri gave me when we are on our way to the canteen. Well, he got rejected. Another random thing that happened again today was Dylan was very talkative to me today and the past days. I think his serotonin is hyped every single day.

Again, at the end of the day, we went inside the service and we were lessened. We're already in the new service. 'Yung iba hindi na raw magse-service kasi medyo mahal ang bayad bawat buwan, but our parents insisted. We are already teenagers and I know they are being protective, but we also need to learn how to carry ourselves outside their barriers. But we cannot.

Pauwi na kami at dahil kaunti lang kami sa loob ng service ay nabawasan rin ang ingay, kaya may nag-suggest sa aming mag Truth or Dare. Truth or Dare na naman.

"Oh laro tayo. Pero ganto paikot. Hindi tayo pwedeng gumamit ng bote dito," ani ni Kuya Tantan.

"Oh sige! Game kami!" pagsasang-ayon naman ni Lourine. 

Kahit kailan talaga maingay siya.

Nagsimula ang laro sa 'maiba-taya' para malaman kung kanino magsisimula ang ikot at nagsimula kay Mariel ang laro. And yes, I participated because we are just a few, inside the service.

"Truth or Dare," tanong ng lahat habang ang iba sa kanila ay nakangisi, handang handa na sa mga ipang-aasar nilang ibabato sa mga matatanong.

"Truth," sagot niya.

"Sinong crush mo?" Halatang hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Lourine sa tanong niya.

"Wala," tipid niyang sagot.

"Hindi kami naniniwala~" sabi ni Lourine nang may tonong pang-aasar.

"Wala nga, aba!" reklamo ni Mariel.

"Kung wala, eh 'di abnormal ka!" bulyaw ni Lourine.

Mag-aaway pa nga.

"Next!" sigaw ni Lourine.

Ang susunod na tao ay si Abegail.

"Oh, Abegail! Truth or Dare!" tanong ng lahat.

"Truth!" sigaw nito.

"Ilan na naging jowa mo?!" tanong ni Lourine.

Napairap na lang ako. What's up with the questions?

"Aba! HAHAHA!" Humalakhak si Abi. "Wala pa ako nagiging jowa! Hindi tayo maganda, sis! Chill ka!"

"Weh?" tanong ng lahat sa kanya, maliban sa akin.

I knew some things about her and she can have a list of her exes. She's beautiful. Her hair is short and straight ending up on her nape. She has round lips, almond eyes, and an upturned nose. She's beautiful all in all so I know she's just denying all of it. But the eyes cannot lie.

"Aba! HAHAHA! Wala nga! Putangina! HAHAHA!" reklamo uli niya habang tumatawa.

I sighed and draped my arms on the window pane. These people are a bunch of weirdos, not until they reached me to ask hurtful questions I cannot counter.

"Truth or Dare, Ellaine!" sigaw agad ni Lourine nang ako na ang tatanugin.

"Truth." I don't want dares when we are in a moving vehicle.

"Anong pangalan ng ka-MU mo dati? 'Yung sinabi mo sa aming iniwan ka," tanong niya.

She's already ready to ask, huh?

"Harold," sagot ko nang walang pag-aalinlangan. It's not bad to answer with his name because they asked, right?

"Bakit?" biglang tanong ni Abi.

"Ha? Anong 'bakit'?" tanong kong nagtataka. I already told them the story, actually, but not the whole reason.

"Bakit ka iniwan?" tanong niya ulit.

I felt my throat dry up. I don't know if I should answer or not but I guess I have no choice.

"Pinagpalit ako sa mas malapit."

"Ouch naman, 'te!" Lourine held her chest.

"Hoy, MaeMae, umupo ka nga!" sigaw ni Mariel sa kanya.

"Ito na nga!" Umupo siya bago lumingon ulit sa akin. "Oh, ituloy ang kwento. Bakit sa malapit? May ginawa ka?"

Is this still Truth or Dare? Or a Q&A portion?

"Hindi ko alam. Maybe, kasi malayo ako."

"Who's the girl, 'te?" biglang sumingit naman ngayon si Mariel. 

Umiling ako sa kanila.

"Huwag niyo na alamin kung sino si girl. Mabait 'yun kaya hindi imposibleng magkagusto doon si Harold. Tsaka, matalino 'yun," pagdedepensa ko.

"Ay, ang baduy! Name lang eh!" reklamo ni Lourine, pero gusto ko lang protektahan ang privacy ng dati kong kaklase na nagustuhan ni Harold. She deserved it, actually. She's beautiful, talented and smart. She's more smart than me and I know that. She's also near him so it's not really impossible for him to like her.

"Hoy, MaeMae, tigilan mo nga si kambal at baka hindi talaga pwede!" rinig kong sigaw ni Kuya Tantan sa likod. He's also a classmate of Kuya Ranran and Ate Eri, and the cousin of Chilia.

"Ay, epal ka lagi, Kuya Tan!"

And the fight went on until we reached home. As usual, bumaba kami at pumasok ng bahay. Binaba namin ang bag namin ni Elle sa may hagdanan at umakyat para magpalit ng damit. After changing clothes, I immediately open my cellphone to check the reads in my story.

'The Mystery Love'

Reads - 271 reads       Votes - 30       Parts - 10

After that, I checked my Messenger. I saw that he chatted me yesterday but I didn't give him a reply.

From: Dylan Dela Cruz

I think gusto mo si kuya tantan noh

Kasi gusto mo malaman kung crush ka nya

Napakunot ang noo ko sa nabasa ko. Kahapon ay naglaro rin kami ng Truth or Dare kahapon at kasabay namin sila sa service pero kanina ay hindi na kasi sumasabay na sila kay Ate Yhesa sa pag-uwi at ang nanay ni Ate Yhesa ang driver. Same goes with Kuya Ranran.

To: Dylan Dela Cruz

Sinungaling kasi! D ko crush un no! Close lng kmi. Friends lng hahaha

At assuming ka ata na crush ako nun hahaha la lang, curious ka?

From: Dylan Dela Cruz

Ahhh hahahahaha oo

'Ahhh' lang? Am I unbelievable?

Saan niya naman kasi nakuha 'yung sinend niya? Si Kuya Tantan crush ko? No way! He's handsome, clean, clear-skinned, and looks smart, too, all! But no. Just because I am thinking Kuya Tantan has a crush on me doesn't mean I like him. I am just thinking of it that way because of his stares. He's staring at me awkwardly yesterday and today. It just felt...not right.

From: Dylan Dela Cruz

Bakit nga pala sinasabi nyo na parang may something sa amin ni lexie?

I shrugged my shoulders before replying.

To: Dylan Dela Cruz

Kasi ang close close niyo. Kulang nalang maging kayo hahaha joke

And I sent him a peace sign.

From: Dylan Dela Cruz

Ayy ang sama diko crush yun noh pero nasa room yung talagang crush ko kaya nga nagawa ko yung tanaga eh

To: Dylan Dela Cruz

Sino crush mo sa room?

From: Dylan Dela Cruz

Ayoko

Pakipot pa nga.

From: Dylan Dela Cruz

Pano pag sinabi kong ikaw?

What the fuck? Ako?

From: Dylan Dela Cruz

Charot hahahaha joke lang

Charot? Ano 'yung 'charot'? Nevermind.

To: Dylan Dela Cruz

Weh? Ok lang

Sure kang okay lang 'yun, Ellaine?

To: Dylan Dela Cruz

Pero cno nga?

From: Dylan Dela Cruz

Secret

Basta secret

Aba! Nagmamatigas pa!

Pinahula niya ako kung sino at sinabi ko na lahat ng pangalan ng mga kaklase naming babae pero puro hindi lang ang sinasabi niya. Tinanong niya rin ako kung sino ang pwedeng maging crush ko sa room kung sakaling magka-crush ako sa isa sa kanila, pero sa totoo lang ay ayoko sagutin ang tanong niya kasi wala naman talaga akong natitipuhan sa kanila. I am not yet ready to have someone I like again.

Si Ash ang sinabi ko bilang palusot at naasar pa nga ako nang matindi. Biglang uminit ang ulo ko sa kanya. Ano ba ang problema niya? Nagpapaka-jowa sa akin na parang selos na selos nung sinabi ko na baka si Ash. Pero 'di ko naman siya jowa. Crush ba ako nito?

Pero ayoko umasa. Bahala siya.

Hinuhulaan ko pa din kung sino ang crush niya pero may feeling ako na ako na basta na hindi na ayokong umasa sa kanya. Mahirap ako maging crush nino man. Masyado akong masungit at nagmamaldita sa room para magkaroon ng crush sa akin ang mga lalaking kaklase namin. Including him.

Baka iba ang tinutukoy niyang crush niya and he's just talking to me about it. 

To: Dylan Dela Cruz

Sino na?

And I sent him an expressionless emoji.

From: Dylan Dela Cruz

Sige ganto nalang, ano yung title na ginawa ko sa tanaga

Nagpaisip pa nga.

Inisip ko na lang rin naman ang isasagot sa tinanong niya. Tinandaan kong mabuti ang mga ni-recite ng mga kaklase ko noong nagsulat kami ng tanaga. His 'tanaga' poem went like...

'O' aking binibini 

Wari'y talang marikit

May taglay na pangakit

Ikaw ang motibasyon

Sa aking araw-araw

Lubos na kasiyahan

Aking nararamdaman

Pag ika'y nasilayan'

Along with those lines.

To: Dylan Dela Cruz

Ikaw?

Hindi ako sigurado sa sinabi ko pero bahala na kung ano ang sasabihin niya tungkol doon.

From: Dylan Dela Cruz

Oo ikaw

Yan ayus na

Natulala ako sa reply niya, hindi naniniwala sa sagot niya. Joke ba 'to? Kung joke 'to, pakisabi na sa akin para hindi ako nagugulat ng ganito. I waited for several minutes to prove I read it wrong and it was a joke, but nothing came up.

Fuck...So, all this time the things that they are making me feel were true?! My thoughts were true?! Oh my gosh. This is one of my worst nightmares. I think my downfall will begin.

Nag-reply na lang ako ng ''di kita lalayuan' bago ko ibinagsak ang cellphone ko sa kama at nahiga. I cannot think straight. Medyo nailang ako nang mag-sink in sa akin na sinabi niyang crush niya ako.

Bakit kasi ako? Ang daming ibang babae diyan. Bakit ako? Bakit ngayon pa?

Lumipas ang mga araw at halos asarin ko lang si Dylan na crush niya ako kahit pa medyo naiilang ako sa ginagawa ko, dahil alam ko ngang crush niya ako. Lagi rin siyang tinutulak ni Lexie sa akin at wala naman akong pakialam 'dun. He's free to have a crush on me and that's okay, pero medyo nahuhulog na rin ako sa patibong. Sa patibong na panunukso and that's my greatest weakness to crushback someone I really don't like. 

That's why I always hurt myself. That's why I learn about feelings and love at a young age because I am battling with it without weapons. Without comrades. I am battling it myself. And now, I am starting to build some walls around me and am now aware that I need to prepare for my next battle.

"Mabait naman si Dylan, 'di ba?" sabi ni Rain sa akin.

Maaga pa at hindi pa nagsisimula ang klase kaya naman nagchi-chikahan na muna kami sa desk ni Reign. Doon kami paikot na uupo habang nagke-kwento ng kung anu-ano. Nasabi ko na rin sa kanya na alam ko na kung sino ang crush ni Dylan dahil alam niya na rin naman kung sino, pero hindi niya naman sinabi sa akin na ako pala 'yun.

"Oo, pero ayoko muna," sagot ko.

"Wala namang masama kung i-try, 'di ba?"

"Alam ko, pero hindi mo ako masisisi," ani ko.

I was hurt. I was, well, betrayed and I felt cheated. Parang nawalan ng kwenta kasi 'nun ang dedication ko sa pag-aaral dahil hindi lang naman para sa akin ang pagsusumikap ko 'nun sa pag-aaral kung hindi para sa amin at para sa 'kung sakaling' naging future namin. Kaso wala eh. Natapus. Natapus dahil siya ang malapit at hindi ako.

Days passed again with activities and lessons. Medyo nakakausap ko na rin ang iba pa naming mga kaklase. Kaysa dati na hindi talaga ako umiimik sa kanila. Above all of that, Jason was the exempted one on the list of who I can talk to. Simula nung nag-pre-test kami at lumipat na ng mga upuan ay hindi na kami nagkausap. Even I have him in my group in ESP, wala pa rin. 

He's not deaf and he's also willing to do things per instruction, but he's annoyingly ignoring my presence. How infuriating.

"Punta tayo canteen, wala pa namang time," prisinta ni Abegail.

"Mukha na naman 'tong KeriToh," pang-aasar ni Elle sa kanya. Pag nag-aya na kasi si Abi sa canteen, alam nang sa KeriToh-han agad ang diretso niya.

"Ang sarap kase," pananakam ni Abegail.

Tumawa kami dahil sa sinabi niya bago kami tumayo para sumama sa kanya. Lumingon ako kay Ash dahil siya na lang ang nakaupo at mukhang natutulala pa ang lolo niyo. Kinalabit ko siya at aagd-agad namang nawala ang pagkatulala niya, at ibinaling ang paningin niya sa akin.

"Sama ka?" tanong ko.

"Sige, libre niyo ako?" tanong niya.

Kahit kailan talaga mukha siyang libre.

"Oo na! Oo na! Tara!" aya na ni Rain.

Lumabas na kami at dinig na dinig sa hallway ang lutong ng mura ng ibang lalaki na nasa labas sa mga upuan.

"Push kase!"

"HOY! Samahan niyo ako dito, mga tanga!"

"Bobo Alucard!"

Medyo naiintindhan ko sila pero wala na akong pakialam. Ganun rin naman ang naririnig kong ingay sa tuwing lalabas kami araw-araw. Hindi ko alam kung naiisipan rin nilang kumain o 'yung nilalaro na lang nila ang nagsisilbing pagkain sa kanila sa umaga at hapon? Malay. Hayaan ko na lang.

"Uy, saan punta niyo?"

Hindi ko alam kung sino 'yun dahil sa iba nakatuon ang paningin ko pero narinig kong sumagot si Rain sa nagtanong.

"Sa canteen. Sabay kayo?" tanong ni Rain.

Napalingon tuloy ako sa kanila at kamalas-malasang kaswertehan, kasama nila si Dylan. Nagkasalubong ang mga mata namin. Ngumiti ako sa kanya na ikinaiwas niya ng tingin.

"Oh, Dylan, nababaliw ka na 'ata?" Kinalabit siya ni Lexie at inasar. Namula siya dahil doon. "Masyado ka bang nabighani sa ganda ni Ellaine?"

Itinuloy lang ni Lexie ang pang-aasar kay Dylan habang hindi na alam ni Dylan kung anong gagawin niya, dahil para na siyang kamatis sa kapulahan ng mukha niya. Nangiti ako sa reaksyon niya.

"Nako, hayaan niyo na 'yang si Dylan. Hindi pa ata nahihimasmasan hanggang ngayon," ani ko nang natatawa.

"Nako po. Namumula na naman ang kanyang tenga," asar na naman ni Lexie kay Dylan.

"Hindi kaya!" singhal ni Dylan na lalo niyang ikina-pula.

"Ah, weh? Iba ang sinasabi ng mukha mo oh!"

"Sa-Sabi nang hindi eh! Tigilan mo 'ko, Lex!"

"Ayie!"

Natawa na lang ako kay Lexie. Ang tindi niya pala mang-asar kay Dylan kapag tungkol na sa mga ganitong bagay. Bigla ko tuloy nakalimutan na may crush nga pala sa akin si Dylan nung  minutong sinimulan ko na rin siyang asarin dahil sa mukha niya.

"Oh siya mauna na kami," pagpapaalam ko. "Ingatan niyo tenga niyan, baka matanggal sa pula," dagdag ko pa, sabay alis namin habang natatawa pa rin ako dahil lalo lng namula si Dylan sa sinabi ko.

Tahimik kaming lumabas ng JHS Building para pumuntang canteen nang magsalita si Rain pagsapit namin sa gitna ng daanan ng mga estudyante papuntang SHS Building. And believe me, I didn't like her joke.

"Lakas mong mang-trip kay Dylan, Ella, ha. Baka mamaya malaman naming MU na kayo," pang-aasar niya sa akin.

"Hindi 'no. Wala pa 'to."

"Wala PA! Baka papunta pa lang"

"Ewan ko sayo."

Lumipad ang oras. Lumipas ang mga araw. I realized that I need the attention of Dylan. Palagi niya kasing pinapatunayan at pinapakita sa akin na dapat i-like back ko siya, or i-crush back. But that's not what I want. Natatakot ulit akong sumugal. Kahit sabihin nating crush lang 'yon eh nakakatakot pa din. Kasi pa-pangakuan ka na naman na ikaw lang tapus sa susunod malalaman mo na lang na niloko ka na pala niya at pinagpalit sa iba. That promise is a toxin and I don't want that toxin.

"Ayiee! Hoy, Ella, mag-usap daw kayo ni Dylan," asar ni Ellenie sa akin.

Lagi na kasi kaming magka-chat ni Dylan pero hindi pa rin kami makapag-usap sa personal. We're both busy with our friends and own businesses.

"Lagi nga siya na kala Lexie. Okay na 'yan, Elle," sagot ko.

"Ano ka? Seselos? Ayiee! ano crush mo na?" asar na naman niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sira ka?" tanong ko at umirap.

"Tinatanong lang eh."

Today's July 31. Halos nababagot na ako. Nagbabasa na naman ako sa Wattpad, walang magawa sa lunch. Tinapus ko na kasi 'yung mga assignments daw sa Math na mahirap pagkatapus ng oras namin kay Ma'am Jera para lang may magawa ako, para pag-uwi mamaya ay magbabasa at magsusulat na lang ako ng story ko.

"Ellaine! Ellaine! Ellaine!" dinig kong tawag ni Dylan.

Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang pangalan ko. Tatlong beses pa ngang natawag. Ano 'to? Mandatory lingon?

"Tinatawag ba ako ni Dylan?" pabulong kong tanong kay Rain. 

Hindi kasi ako sigurado kung si Dylan ba ang tumawag sa akin kahit pa alam ko na ang boses niya. He's not very vocal to me in person so i found it weird if he was really the one who yelled my name. 

"Silipin mo nga," dagdag ko pa.

Sumilip si Rain. "Mukhang hindi naman."

"Ellaine! Yoohoo!" Lalong kumunot ang noo ko nang marinig ko na naman ang pangalan ko.

"Sure ka?" tanong ko na naman. Tumango si Rain. 

Sa pang-ilang pagkakataon, narinig ko na naman ang pangalan ko. Lumingon na akong nakakunot pa rin ang noo ko, naiinis sa paulit-ulit na pagtawag ng isang tao sa akin habang nagbabasa ako. 

"Bakit?" tanong ko kala Dylan. I can see that his left arm was resting on his desk and the other was resting on the backrest of the chair. The buttons of his vest were opened exposing the necktie and the blouse with the pocket inside. The same goes for Jason but his necktie was a little bit loose and both of his arms were on the desk. And also, his right foot was placed above his left knee. 

Nagulat si Dylan nang magtanong ako. Biglang napaiwas ng tingin sa akin si Dylan nang titigan ko siya sa mga mata niya at tinaasan siya ng kilay. Habang si Jason ay mukhang broken na hindi mo malaman habang nakatingin sa akin nang walang kaekspre-ekspresyon.  He's the typical Jason who I cannot probably talk to.

"Oh, Jason, bakit daw," ani ni Dylan na siniko pa ang katabi.

Tinaasan ko ulit siya ng kilay habang nagtataka. Anong meron at bakit kailangang tanungin niya pa kay Jason ang 'Bakit' ko? Eh, siya 'yung tumawag sa akin, 'di ba? Eh 'di dapat siya ang sasagot sa 'Bakit' ko! At bakit nasama rin pala ako sa asaran nila? Bakit rin kailangan pa nilang istorbohin ang pagbabasa ko?

"Manahimik ka nga," pagpapatahimik ni Jason sa katabi. Ramdam ko ang ilang niya sa akin pero nakayanan niya pa ring magsalita ng diretso kay Dylan.

Pagkatapus 'nun ay namumutlang tumingin ulit sa akin si Dylan bago nagsalita.

"A-Ahh wala naman, Ellaine," utal na sagot ni Dylan.

Tumalikod na ulit ako pagkatapus niya sabihin ang kasagutan niya. They were so weird. It creeps me out! 

And what in the world just happened? Tinawag nila ako ng ilang beses at nung lumingon na ako para tanungin kung bakit ay wala lang raw. So after all of their efforts calling me was for nothing?

Nakaramdam ako ng matinding kilabot sa dalawa. Parang magkakaroon ng mali at nararamdaman ko 'yun. I just hope na hindi tama ang nasa isip ko. Kung 'di, pwede kami magkaaway nito ni Dylan.

"Ellaine, Ellaine. Wushu," narinig ko na namang asar ni Dylan kay Jason and I cannot think straight. Why is he teasing him? Tsaka, sa akin pa! Ano bang meron?

I rolled my eyes. I am getting mad at this point. I am just controlling my temper. Ayokong sumabog at bigla-bigla na lang sisigaw dito sa silid namin.

"Manahimik ka nga," dinig kong bulong ni Jason kay Dylan.

Ano ba kasing problema nila sa 'kin at nasasama ako sa topic nila?

Lalong napakunot ang noo ko sa inis. Nawalan na rin tuloy ako ng gana magbasa at sinarado ko na lang ang cellphone ko. Yumuko na lang ako sa desk ni Rain dahil inis na inis na ako sa naririnig ko.

"Halatang inis na inis tayo diyan ah," sabi ni Mariel sa akin nang makita niya akong nag-aamok.

"Marinig ko ba naman ang pangalan ko galing sa bibig ni Dylan na inaasar ako kay Jason nang hindi naman ako crush ng tao. Duh!" reklamo ko at nagpalung-baba bago umirap sa pagkairita.

"Baka crush ka nga," dagdag pa ni Abi sa inis ko.

"Baka hindi kamo," singhal ko. Hindi naman kasi talaga. Paano magkakagusto sa akin 'yun? Eh, 'yung huling matinong usap nga namin 'nun nung nagsasagot pa ng pre-test. 

"Walang imposible. Ganda mo kasi, girl," asar ni Abegail. 

Hinaplos-haplos pa niya ang buhok ko. Napairap na lang tuloy ako sa mga asar nila sa akin. Hindi naman kasi ako naniniwalang crush ako ng isang tao kung hindi pa naman umaamin sa akin.

"Ano? Haba na ba hair mo, Laine?" tanong ni Ash.

"Malay," tipid kong sagot at umirap ulit.

"Wala ka talagang paki sa mga magkaka-crush sayo 'no?" tanong ni Mariel.

Hindi ako sumagot. Pero sa totoo lang may paki ako na wala. May paki ako dahil may paki ako sa nararamdaman nila pero wala akong pakialam sa gusto nilang magkagusto din ako pabalik. Ayokong pilitin ang sarili ko sa hindi ko naman gusto, kahit asarin nila ako. Kaunti na lang ang pinaka-pasensya ko na matiis ang hindi ko pag-crushback kay Dylan. I-crushback ko man 'yung tao ay hindi ako magiging sweet. I'm too much broken. I really don't think I can handle him if ever I crush him back. Kaya kong magmaldita at maging suplada kahit sa kaibigan ko o kaaway. O ka-MU. Wala akong pakialam and that's my toxic trait.

Pag nahulog na naman ako sa patibong ng pang-aasar nila, eh talo na naman ako. Magpapaka-tanga na naman ako. Gagawin ko na naman lahat ng pagtitiis para malaman ko kung iiwan na ba ako ng tao o hindi. Gagawin ko na naman ang lahat para manatili pa sila. Tapus, malalaman ko na namang hindi pala ako nasa tamang tao at may bago na namang pumalit sa akin sa storya nila. Eh, fuck shit na lang kapag ganun.

"Nako, sino nasa isip mo?" Ngumisi si Abi sa akin, halatang nang-aasar. "Si Dylan o si Jason? Ayiee~"

"Tse, tigilan mo ako," singhal ko.

"Eh, bakit nangingiti? Ashushu," asar din ni Rain.

"Tigil!"

Nangiwi ako sa pagkairita.

"Paano bang tigil?" asar din ni Ash.

"Stopeu~~" asar din ni Elle

"Haba kasi ng hair ni Ella kaya ganyan," dagdag na naman ni Rain.

"Pili ka na kase, Ellaine," asar din ni Mariel.

At talagang trip ako ngayon ng tropa ko 'no?

"Pahingi naman kami ng beauty mo, Ellaine. Baka may nagkagusto din sa amin, wushu~~" asar pa ni Abi sa akin.

"Asa," ani ko at umirap.

Lumipas na ang oras at natapus na rin ang araw. Uwian na rin namin sa wakas. Lumabas na kami at kasabay ko pa rin ang tropa. And eventually, I'm still not talking to them and I don't have a plan to talk to them for now. They made me pissed.

Nakakunot pa rin ang noo ko habang naglalakad.

"Galit na galit?" asar pa din nila, halatang walang planong tumigil sa trip nila sa 'kin.

Kanina pa 'tong mga' to sa loob ng room eh.

"Huwag niyo akong kausapin," singhal ko sa kanila at umirap.

"Ayy potek. Attitude ka?" pagtataray ni Mariel sa akin bago niya ako tinaasan ng kilay.

"Attitude mo mukha mo," inis kong sabi at umirap na naman ako. Hindi ko na nabilang ngayong araw kung pang-ilang irap ko na 'to pero alam kong maraming beses na ako umirap dahil napipikon na ako sa mga nangyayari sa paligid ko, kasama na ang nangyayari ngayon na hindi nila ako tigilan sa pang-aasar nila sa akin kay Dylan at Jason.

Nadagdagan na naman kasi ang iaasar nila sa akin kaya ayaw pa nila akong tantanan.

"Haba kasi ng hai,." asar rin ni Elle sa akin.

"Sige, dumagdag ka pa, Elle." 

Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya sa akin, pilit na inaasar pa rin ako hanggang ngayon.

"Talaga," tipid na sagot niya.

"Asar na asar ka talaga, Laine," asar rin ni Rain sa akin at ngumisi.

Seriously, what's with these people? And Jason doesn't like me or have a crush on me, right?

"Tse!" singhal ko.

"Wushu~" asar pa nila.

"Tigilan niyo nga ako."

"Narinig niyo 'yun? Huwag daw siyang tigilan," dagdag pa ni Ash sa pang-aasar nila sa akin.

Umirap na naman ako. Tell me how to escape their sarcasm, please.

Nakarinig kami ng busina ng sasakyan at napatingin sa gawing 'yun, kinalimutan na muna ang tungkol sa pang-aasar nila sa akin.

"Oh nandiyan na service niyo," ani ni Rain.

"Oh siya! Sige! Bye na!" sigaw ni Elle kala Rain.

"Bye~" pamamaalam ni Rain.

"Ingat kayo!" sigaw ko at ganun din ang kanilang sinabi sa amin. 

And the day ended just like that, leaving me with confusing thoughts.

Bakit inasar sa akin kanina ni Dylan si Jason?

Jason doesn't like me, right?

It's impossible, right?

I cannot handle another confession again. It will just mess up my feelings and my decision of who will I allow to play with me this time. To play with my feelings and thoughts. Can that next 'he' handle me, my attitude, and my confusing choice of words when I am mad? 

Or will I allow that next 'he' in my life to play with me again like a doll where he will just use me for his convenience in love and not permanently?

Just like how Harold used me for two years.