Chereads / Dare to Love Again / Chapter 10 - CHAPTER 10: SABINA’S HIDDEN ITEM

Chapter 10 - CHAPTER 10: SABINA’S HIDDEN ITEM

"Boyfriend mo?" Nahihiya pang tanong ni Aeres nang makita akong kasama si Lance.

Pauwi na kami dahil na discharged na rin siya makalipas ang halos 24 oras.

"Hoy! Hindi ah!" Agad kong sagot saka kaunting dumistansya mula kay Lance.

"Nako! Hindi moa ko maloloko. Eh kalian ka pa sumama maglakad sa isang lalaking hindi mo kakilala." Pang aasar na namang saad niya.

"Hindi nga! He's a neighbor sa kina uupahan kong Flat." Pagtatama ko.

"Sure ka?" Tumango ako.

"Ikaw?" Tinanong niya rin si Lance na siyang tango din ang sagot na kaniyang natanggap.

"Hala! Sign na ba 'to, Lord?" Para itong tangang tumingin sa may ceiling na pati kami ni Lance ay napatingin na rin.

"By the way, I'm Dr. Aeres Cassandra Suarez. One of the working Doctor here." Pabebeng wika nito then extends her arms to Lance for a handshake at hindi nga siya nabigong mahawakan ang kamay ni Lance dahil agad din siyang kinamayan ni Lance.

"Lance Zario Gal…Lance nalang for short." Hindi na tinapos ni Lance ang sasabihin niya at hindi man lang sinabi ang apelyido niya.

Kita ko namang mamula mulang ngumiti at nagpa kimbot kimbot si Aeres habang nginingitian siya ni Lance.

"C-can I ask for y-your number?" Nauutal pang dagdag ni Aeres na mismong hindi ko na nagustuhan. Parang hindi na nila ako nirespeto at maglalandian pa mismo sila sa harapan ko.

At itong guwapong sakitin namang ito ay kung makangiti sa mga taong nakikila o nakakausap daig pa si joker na abot taynga ang ngiti. Sayang saya ka? How I wish mabinat 'to. Che!

"Hoy! Tama na nga 'yan! Hindi niyo na ako nirespeto. Kung makapag harutan kayo sa harapan ko 'yong parang isang paslit na walang muwang lang ako." Pangangaral ko sa kanila saka hinila na paunahan si Aeres at kita kong sumunod naman si Lance na siyang ngumingiti ngiti pa.

"Sayang saya ah!" Pag uumpisa ko nang makapasok na kami sa Taxi.

"Bakit? Ano bang masama sa ngumiti?"

"Wala! Kung normal na ngiti lang. Pero daig mo pa ang batang nabigyan ng sangkatutak na candy at laruan kung makangiti ka kanina."

"Masaya lang akong makakilala ng mga tao."

"E-ee-ee. Meseye daw!" Parang tanga kong bulong.

"Oh ikaw! Ba't ka ba nagagalit? Ayaw mo bang may kausap akong iba?" Saad niya sabay kindat sa akin.

What? Seriously?

"Ahh-eh ano kasi…" Diyos ko! Ano ba ang sasabihin ko? Anon ga bang valid na puwede kong irason sa kaniya? Ayan, magalit galit pa kasi ako. Akala mo ako ang Nanay kung makapangaral sa kaniya.

"Oh! Ano?" Muli na naman niyang usisa.

"Basta!" Hindi ko namalayang napasigaw na pala ako na siyang dahilan upang makatingin sa amin ang Taxi Driver. "Sorry po." Agad akong humingi ng paumanhin.

"Ikaw kasi ang kulit mo!" Nanlilisik ko itong tiningnan sabay kunot noo. Char! Para paraan lang ang Ate niyo para hindi na ako niya tanungin ng kung ano ano pa.

"Sus! Nag seselos ka lang." Saad niya sa pinakamababang tono pero sapat na ito upang marinig ko.

"An'sabi mo?"

"Wala." Agad din itong tumingin sa may labas ng bintana ng kotse saka pinkit ang kaniyang mata upang magpahinga.

Totoo ng aba ang sinabi niya? Nagseselos ng aba ako oh talagang medyo hindi ko lang nagustuhan ang ugali at kilos nila kanina? Ang labong magselos ako dahil alam ko na sa sarili ko na hindi na ako muling iibig pa at ma a-attached muli sa kahit sino mang lalaki.

"Ewan ko sa'yo." Tumingin na rin ako sa kabilang bintana upang pagmasdan ang medyo nag gagabi nang kalangitan.

"Hay! Mabuti naman at nakalabas ka na." Agad ding bungad ni Tita Miranda at Tito Pascual nang makarating na kami sa Flat.

"Kumusta na? Malakas na ba ulit? Kayang kaya na bang makipag sparring muli?" Natatwa pang biro ni Tito Pascual kay Lance.

"Malakas n amalakas na Tito!" Responde niya habang tinataas taas pa ang magkabilang mga kilay.

Alam niyo ewan ko lang mga Mare pero wala sa tamang oras at lugar akong napapangiti sa tuwing nakikita kong umaaktong bata si Lance. Dahil ba 'to sa wala akong bunsong kapatid? O sadyang nakakatuwa lang siyang tingnan.

"Oh! Sige titig pa hangga't sa bumulwak ang mga mata." Agad nawala ang mga ngiti sa aking mga labi nang marinig kong bumulong sa akin si Audrey.

"Che! Hindi siya tinitingnan ko!"

"Eh 'di sino? Si Tito? Bakit kaya mo na bang makipag sabunutan kay Tita?"

"Hoy! Hindi rin si Tito Pascual."

"Edi, si Kuya Cute inga. Kasi dalawa lang sila ang nakatayo diyan." Walang ka emo-emosyong saad niya na para bang ang seryo-seryoso niya.

"Hindi nga!"

"Sus! Deny pa more!" Ika nito saka lumapit kay Lance at kung may anong binulong dito.

Para naman akong agad nan amula at nanlamig sa kinatatayuan ko. I feel freezing. Anon ga ba ang binulong niya kay Lance dahilan upang ngumiti ito sabay tingin sa akin.

"A-ahh! Mauna na po ako Tita Miranda, Tito Pascual." Agad na akong nagpa alam dahil medyo hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko. Medyo na a-out of place na ako.

"Oh! Sige. Nga pala Hija, sa amin ka na mag hapunan." Pahabol ni Tita Miranda.

"Opo Tita."

"At ikaw rin, Lance."

Agad akong muling napalingon nang imbetahan din ni Tita Miranda si Lance.

Hay nako! Ano ba 'yan. Sigurado akong pagpipiyestahan na naman nila ako ni Audrey.

Matirik ko itong tinitigan sa kaniyang mga mata habang umiling iling bilang senyalis na tanggihan niya ang offer ni Tita Miranda ngunit…

"Oon naman Tita. Na-miss ko na po ang sarap ng lutuin niyo." Napakalmot nalang ako sa aking mukha saka nagmamadaling pumasok na sa silid ko.

"Ayy salamat!" Ika ko nang makahiga nang muli sa aking malambot na kama matapos ang halos ilang kong mapapalagi sa Hospital.

Binuksan ko muna ang aking laptop upang e-check ang aking mga email at natitirang pera ko sa card ko nang may biglang notification akong natanggap mula sa Twitter at 'di sinasadyang napindot ko ito at nakitang Number 1 trending ang #SabinaAgawEksena pati ang isa pang hashtag na #SabinaPapansin na siyang biglang parang tinusok ang aking puso ng kutsilyo.

Tama nga ang sabi ng Secretary kaninang kumausap sa akin, na pinagpipiyestahan na ako ng buong Pilipinas.

I wanted to make an instant short statement to defend my name and to clear my image na dinumihan nila, lalong lalo na si Felix pero para saan? May lakas baa ko upang tapatan ang dalawang bigating pangalan sa industriya? Dahil para lang akong isang butil ng bigas kumpara sa milyo-milyong nilang mga taga suporta na siyang galit na galit na rin sa akin ngayon sa pag aakalang ako ang may kasalanan at gumawa ng iskandalo doon sa may Restaurant.

"They don't know the past kaya wala silang Karapatan husgahan at i-cancel ako sa lipunang kinabibilangan ko. This is a Democratic country, and everyone has an equal right to freedom and choices." Saad ko sa aking isipan nang may narinig akong katok sa aking pintuan.

"Pasok,"

Tinatamad na akong tumayo upang pagbuksan ang sinomang kumakatok kaya't pinapasok ko nalang dahil hindi naman 'yon naka-lock.

"Audrey." Saad ko nang makitang si Audrey at saka dali dali ng pinatay ang aking laptop.

"Gan'to na talaga ka miserable ang kuwarto mo?" Ang paunang bungad niya habang iniikot ikot ang kaniyang mga mata sa loob ng buong apartment room ko.

Aba! Iba rin 'to.

"Makaka alis ka na kung ang pinunta mo lang dito ay para punahin ang mga dumi at kalat ko na hindi ko na nagawang iligpit at linisin dahil nag alaga at nag bantay ako sa Kuya Cutie mong sakitin." Mahaba kong talumpati sabay na umupo at tiningnan siya habang nakataas ang aking kaliwang kilay.

"Oh! I see." Ang tangi niyang tugon tapos ay nagsimula nang maglalakad kung saan saan at nagtungo na rin sa may mini balcony ko.

"Wow! Impeyerses ha, ikaw lang pala ang katapat ni Kuya Cutei," Medyo hindi ko na iintindihan ang nais niyang tukuyin.

"Anong katapat?"

"Kasi saka palang ngayong ikaw na ang naka renta dito saka siya nahiyang magsampay ng kaniyang mga underwear sa may balcony niya. Kasi noong isang matandang babae pa ang naka renta dito ay panay sumbong at angal araw araw kay Tita dahil baka daw mamatay na ang mga bulaklak niya dahil sa amoy singit na mga underwear ni Kuya Cutei." Pahabang eksplanasyon ni Audrey saka muli na itong pumasok at saka ko lamang na tandan na may Boxer pala si Lance dito sa akin na hindi ko pa nasasauli at…OMG! Nasa ibabaw pala iyon ng mesa!

"Stoppp!" Mabilisan kong talon mula sa aking kama patakbo sa mesa na nasa likuran ni Audrey nang…

"OMG! Kay Kuya Lance 'y—"

"Shut up!" Nakakaninging sigaw ko sabay takpan ng kaniyang bibig nang makita niya ang boxer bago ko pa ito makuha at maitago mula sa kaniya.

***

"May nangyari ba? Bakit wala kayong kibo d'yan?" Tanong ni Tita Miranda nang mapansing wala kaming kibo ni Audrey ngayon nasa hapag kainan na kaming lima.

Silang tatlo lang kasi nina Tito Pascual at Lance ang nag-uusap usap habang kami ni Audrey pawang tahimik at nakikiramdam sa isa't isa.

"Ay wala po Tita. Na e-enjoy ko lang po ang pagkain. Masarap po kasi." Pagsisinungaling ko.

"Ah gan'on? Hindi crush, pero ninakaw mo ang kaniyang boxer para may pag trip-pan ka. Saad ni Audrey sa kaniyang isipan.

"Subukan mo lang magsalita at ipapakain ko sa'yo ang buong buo na apple na 'to" Ika ko naman sa aking isipan habang pawang tirik matang tinititigan namin ang isa't isa.

"Ah, nag aaway ba kayo?" Usisa ni Lance.

"Hindi!" Sabay naming saad saka sabay ding tinanggal ang pagkakatitig sa isa't isa at ang Malala pa ay sabay kaming kumuha ng fried chicken na mismong sa iisang paa lang nakatusok ang aming bawat tinidor.

"Sige subukan mong agawin 'to sa akin at malalaman ni Kuya Cutei ang katotohanan. Magnanakaw ng Boxer!" Muling wika ni Audrey sa kaniyang isipan.

"Subukan mo lang! At makikita mo ang kamandag ni Sabina!" Ika ko naman sa aking isipan.

"Ano ba'ng nangyayari!" Napatili na rin pati si Tita Miranda dahil ramdam kong hindi na ito nasisiyahan sa aming pinag gagawa.

"Siya kasi Tita, kinuha niya ang box-"

"Ah!" Agad akong tumayo sabay supalpal ng buong apple sa bibig ni Audrey dahilan upang matahimik ito saka dali daling nag paalam na ako kina Tita at Tito Pascual.

"Hay! Nako! Mga batang 'to talaga. Daig niyo pa ang mag karibal na may pinag aagawang lalaki!" Napa buntong hininga na lang si Tita Miranda.

"Okay lang sana kung sing-bait at guwapo ni Lance ang pinag aagawan niyo." At wala sa oras na sabay kaming napa ubo ni Audrey. Hay! Ang bobo talaga.

Nagmamadaling uminom ng tubig si Audrey saka pumasok na sa kaniyang silid habang ako naman ay nagpatuloy na at lumabas na ng Apartment room nina Tito at Tita Miranda.

Nagpahangin muna ako sa main balcony. Ang pinakalamaking balcony ng Apartment kung saan kadalasang tumatambay ang mga nakatira dito. Pero ngayon ay walang naka tambay dito kaya dito na muna ako dumeretso para mag labas ng sama ng loob.

"Ano ba 'yan! Ayan kasi! Lilipad lipad ka sa aking balcony kahit hindi naman ako ang may ari sa'yo. 'Yan tuloy, akala ni Audrey magnanakaw ang ng boxer ni—"

"Kaninong Boxer?"

Agad akong naninigas sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pamilyar na malalim, malamig at malambing na boses mula sa aking likuran.

"Patay!" Bulong ko sa sarili ko habang kinakagat ang aking mga kuko.