Halos mga kalahating-oras na akong nakaupo dito sa isang waiting shade naghihintay sa daraang taxi pero wala talaga. Bihirang dumaan ang taxi dito sa medyo may kadilimang kalye na ito.
Kasama ang aking sangkatutak na mga groceries na pinamili sa akin ni Ate Sabrina dahil alam niyang hindi ako marunong pamili ng mga pagkaing kakailanganin ko kaya siya na ang bumili nito sa akin bago sila umuwi ni Zeeya.
"Pip!" Isang malakas na busina ng kotse ang pumukaw sa akin at nakitang si Lance ito.
"Okay ka lang?" Dagdag niyang pukaw saka nagmamadali ng lumabas ng kaniyang kotse. Pasimpleng tumango lang ako sa kaniya kahit ang totoo ay hindi talaga ako okay.
Ang bigat pa rin sa aking dibdib 'yong nangyaring sinapit naming kanina ni Ate. 'yong ako na nga ang niloko nina Kazumi at Felix pero ako pa itong lumalabas na masama sa paningin ng mga tao.
Ang hirap lang na naipit ako sa isang sitwasyong kahit anong gawin ko ay hindi naririnig o nakikita ng nakararami.
"Hoy! Ano ba'ng nangyayari?" Bigla nalang napahinto si Lance sa pagbubuhat ng aking mga pinamili nang makita niyang tumulo na pala ang aking mga luha ng hindi ko man lang napapansin.
Minsan kasi sa buhay natin darating yung oras na ta-traydorlin tayo ng ating mata. Kasi its our eyes who shows what our heart's feeling. Makikita sa ating mata kung nalulungkot, masaya o 'di kaya may dala dala tayong problema. At ngayong gabi ay mismong binigo ako ng aking mata at malayang inilabas ang sakit at hinanakit na aking nararamdaman ngayon sa pamamagitan ng pag-iyak na kahit anong pigil ko ay hindi ko na talaga mapigilan.
"Sabby?" Hinawakan na ako ni Lance sa aking may balikat at umupo sa tabi ko at aktong kukuha siya ng panyo pero hindi ko na ito hinintay pa.
"Lance, pasensya ka na." Hindi ko na napigilang mapahagulhol sa kaniyang balikat sabay mahigpit siyang niyakap. "Lance, ang sakit. Sobrang sa-sakit." Paputol putol kong wika habang humihikbing umuiyak sa kaniyang balikat.
Ramdam ko ang dahan dahan niyang pag dapo dapo sa aking likod to comfort me. He also snaked his hands around me at nilipat ang aking ulo mula sa kaniyang balikat patungong dibdib niya.
Dinig ko ang malakas na nagwawalang tibok ng kaniyang puso ngunit hindi ko na ito pinansin pa at nagpatuloy na sa pag iyak upang mailabas ang lahat ng sakit.
Ito ang pangalawang beses na nariyan sa aking tabi si Lance para damayan at magbigay ng balikat sa tuwing kailangan ko ito. I don't understand why he always come whenever I'm about to fall to the ground. He's like my living guardian angel who is always around to lend a helping hand and lift me when I'm at my lowest. Somehow, masasabi kong nagpapasalamat ako na nakilala ko ang palabirong taxi driver na ito.
Hinawi niya patalikod ang mga buhok kong nagsisiliparan na sa aking mukha at pinunasan ng kaniyang panyo ang aking mga luha nang medyo huminto na ako sa pag-iyak.
"Tara na?" Malumanay niyang tanong and extended his arm.
Inabot ko na ito at sabay na kaming pumasok sa kotse. Sa tabi ng driver's seat na niya ako pina upo. Tahimik lang kaming dalawa sa kabuuan ng biyahe at ilang sandali pa ay inihinto niya na ang kotse.
Agad kong nilibot ang aking paningin sa pamilyar na kapaligiran at nalamang nasa may lawa kaming muli. At lugar na tinawag kong mini-South Korea.
"Okay lang ba kung dito muna tayo?" Tanong niya ng hindi pa kami nakakababa ng kotse.
"Oo naman." Ngumiti ako dito saka sabay na kaming lumabas.
Paano't parang alam na alam niya kung saan dalhin ang isang taong nagdurusa o di kaya nasaksaktan kagaya ko. Ang hirap lang kasing paniwalaan na ang galing galing niya sa halos lahat ng bagay. He even knows how to treat a girl right or comfort her. Ang suwerte siguro ng magiging asawa nito.
"You want some?" He offers me some beverages and curls habang pareho kaming naka upo sa isang upuan at pinagmamasdan ang maliwanag na syudad ng Manila.
At napatingin na lamang ako sa kaniya nang ipatong niya sa may likuran ko ang kaniyang brown jacket dahil kita niyang medyo nilalamig na ako.
"Salamat." The only word that I was able to utter.
"Walang anuma." Tugon naman niya at ngumiti pa sa akin. Sa unang pagkakataon ay ngayon ko lamang ito nakitang ngumiti ng pagkaluwag luwag. Ang kaniyang mga mapuputing ngipin at kumikinang na mga mata ay ang mas lalong nagpapatingkad sa kaniyang kaguwapuhan kahit sa ilalim ng medyo may kadilimang sulok na ito.
"Doon ka dapat nakatingin." Dagdag niya pa sabay na binalik sa may unahan ang aking mukha.
"Ang ganda diba?" Tanong pa niya nang may biglang may mga makukulay na mga fireworks ang nagsiputukan sa himpapawid. Ano kayang mayroon doon?
Muli ay hindi ko pa rin mapigilang 'di mapalingon sa kaniya ng pabalik balik sa tuwing may binabanggit itong mga nakakatawang kataga. Sa mga sandalling iyon ay panandalian akong nakalimot ng lahat ng mga problemanag nakadagan sa aking dibdib dahil sa pilit na pagpapatawa sa akin ni Lance na kung ano-ano na ang pinagsasabi sumaya lang ako. At hindi nga siya nabigong pasayahin ako dahil nakangiting umuwi kaming dalawa pabalik sa apartment ng gabing iyon.
"Lance?"
"Muli kong tawag sa kaniya ng papasok na ito sa kaniyang kuwarto.
"Hmm?"
"Salamat huh. Salamat sa gabing ito."
"You're always welcome, Miss Beautiful." Sambit niya sabay kindat sa akin saka pumasok sa kaniyang silid at…
"OMG! Ang landi niyo!" Parang multong bigla bigla nalang sumusulpot si Audrey kong saan saan.
"Ano ka ba! May balak ka ba talagang patayin ako sa takot?" Naiirita kong pinagalitan ito.
"Nako! Wag mong maiba iba ang usapan." Bigla bigla na lang itong pumasok sa aking kuwarto nang mabuksan ko na ang pintuan.
"Tumigil ka nga. Tulungan mo nalang akong bitbitin ang mga ito." Pag uutos ko pa.
"Seryoso ako. Babae sa babae. Tapatin mo nga ako, may namamagitan ba sa inyo ni Kuya Cutei?" Hindi ko alam kong matatawa o maiirita ako sa pinagsasabi ni Audrey. Lakas maka asawa vibes ang peg. Anong akala niya sa akin? Kabit? 'Yong kunyari aagawin ko sa kaniya si Lance.
"Alam mo ikaw, tigilan mo kakapanood mo ng mga kabitang-palabas. Ang bata bata mo pa pero kung ano-ano ng pumapasok sa isipan mo. At sasabihin ko sa'yo walang namamagitan sa amin ng Kuya Cutei mo kaya lamunin mo na siya ng buong-buo at lumabas ka na dahil magpapahinga na ako." Pahaba kong pasalaysay.
"Sure ka?"
"Oo nga! Kaya labas!" Hinabol ko na ito palabas na parang aso at pusa saka sinara ang pinto nang makalabas na siya at humiga na ako sa aking kama.
"Hay! Thank you, Lord for having him by my side." Hindi ko mapigilang magsalita ng walang kasama saka binalot ang aking sarili ng makapal kong comforter.
***
Kinaumagahan ay maaga ulit akong nagising at nagluto ako ng agahan. Desididong wala akong kaalam alam sa pagluluto pero susubukan ko na. Kasi kailangan ko na ngayong maging independent at matutong mabuhay ng hindi umaasa kay Ate.
Panay tingin ako sa Youtube videong pinanunuod ko upang masundan ang mga instruction na kaniyang itinuturo ng sa gan'on ay maging perpekto naman ang pagluluto ko.
"Charan!" Saad ko nang matapos na akong mag prito ng itlog at hotdog.
Oo mga sis, 'yon lang ang niluto ko pero kailangan ko pa talagang manuod ng video tutorial dahil gusto kong maging perpekto ang lasa at itsura ng niluluto ko dahil bibigyan ko si Lance ng mga ito bilang pasasalamat sa pagsama niya sa akin kagabi.
Marahan kong binuksan ang aking pintuan at noong kakatukin ko n asana ang pintuan ni Lance ay saktong bumukas din ito at iniluwa ang napaka guwapo niyang mukha na may dalang isang platong nakatakip.
"Para sa 'yo. Pasasalamat ko 'yan sa pagsama mo sa'kin kagabi." Marahan kong ibinigay sa kaniya ang dala kong agahan na itlog, hotdog, at kanin.
"Niluto ko rin 'to para sa'yo." Binigay din niya ang dala niyang plato sa akin. Parang exchange gift lang ang peg.
"Salamat." Sabay naming sabi saka ngumiti sa aming childish na gawain.
"Sige ha." Nagpa alam na siya at nauna nang isinara ang kaniyang pintuan at gulat na lang ako nang makitang nakatayo si Audrey sa may pintuan ko habang nakapamiwang at nakataas ang isa nitong kilay. Naalala ko tuloy si Mama sa kaniya.
"Walang palang namamagitan huh!" Ika nito saka ako sinundan at walang paalam na umupo sa aking upuan. Ito na naman ang batang 'to. Kung ano-ano na lang ang naiisip.
"Puwe! Ano 'to? Itlog na pinaliguan ng asin?" Nagulat na lang ako nang tumakbo ito agad agad sa may cr at isinuka ang kaniyang nakain.
"Hala! Seryoso? Medyo nahihiya pa akong tikman ang sarili kong luto at tama nga si Audrey. Ang alat p*ta. Ano na lang kaya reaksiyon ni Lance doon sa binigay kong agahan."
Sa bandang huli ay parehong wala kaming nagawa ni Audrey kundi itapon ang aking mga niluto at 'yong bigay na lang ni Lance ang aming pinagsaluhan. Ano ba kasi ang pumasok sa isipan ng batang ito at dito sa akin nag agahan.
Makalipas ang ilang minute ay nag shower na ako nang matapos na kaming kumain ni Audrey saka dali dali ng nilisan ang aking room. At gaya ng dati ay muli na namang nag si tinginan ang mga tao sa labas sabay bulungan.
Hindi ko nalang ito pinansin.
"Good morning, Miss Guidotte." Bati sa akin ng guwardiya ng Neo Entertainment nang makarating na ako sa kanilang building. Agad din akong pinag buksan ng pintuan ng guard saka nagulantang nalang nang makita ko ang isang malaking larawan ko na nakapost sa isang malaking billboard sa main lobby ng kanilang kumpanya.
"Wow!" Ang tanging nasabi ko sa aking isipan.
Sabay sabay ring nagpalakpakan ang mga employee nandoon nang magsimula na akong naglakad papasok.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti at mamangha sa aking mga nakikita. I'm like living in a dream. Bakit parang biglang nag iba angihip ng hangin ngayong araw? Hindi pa ako official na nag signed ng contract dito pero ramdam ko na ang init ng kanilang pag tanggap sa akin at ang kanilang suporta.
"Woah! What a jaw-dropping lady." Bungad ni Sec. Noemi sa akin at tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.
Naka white long-sleeve ako ngayon matching my brown leather above the knee skirt at naka high-ponytail saka 5 inches na brown boots na parang superstar na superstar ang dating
"Iba rin!" Dagdag pa ni Sec. Noemi habang naglalakad na kami papasok sa loob ng opisina ng CEO at may-ari ng Neo Entertainment.
"Nice to finally meeting you, Miss Guidotte." Agarang bati ng CEO sa akin.
"And so, as I, Mr. Rivero. Saad ko naman at nagkamay na kaming dalawa.
Hindi na niya pinatagal ang usapan at inabot na sa akin ang kontrata para ma review ko na ito at mapirmahan.
At habang binabasa ko ito ay hindi ko mapigilang hind imaging emosyunal dahil una sa lahat ay naabot ko na rin ang matagal ko nang pangarap: ang maging isang artista. At pangalawa ay may sapat na akong lakas at boses na ihayag ang aking sarili upang ako naman ang mapakinggan at maintindihan ng mga mamamayang Pilipino.
"It's time to step up the game. I came here well-prepared knowing that there's a possibility for me to compete or even go feet-to-feet and head-to-head with all the other stars from the other Industry." Bulong ko sa aking sarili. At dahan dahang inabot ang ballpen.
"Today, is the rebirth of the new Sabina Blythe Guidotte. The fiercer, the stronger and the fighter new me." Dagdag ko pang saad sa aking isipan at bahagyang ngumiti saka tuluyan ng pinirmahan ang Kontrata.
"So, it's now official. Miss Sabina Blythe Guidotte is the new and fresh rising-star of this company." Saad ni Mr. Reece Rivero habang inaangat ang kaniyang glass of wine at sabay sabay kaming nag toss para sa panibagong kabanata ng industriya at ng aking buhay.