Parang mga isdang tinanggalan ng tubig na nagkagulo ang buong building ng SNS nang mapanuod nila ang bagong mainit na balita na siyang bagong artista ng Neo Entertainment.
"At kumpirmado na ngang isa ng contracted actress and babaeng tinaguriang Jaw Drop Gorgeous ng CEO at may-ari ng Neo Entertainment matapos itong maglabas na ng kaniyang statement at ilang mga larawang kasama ang kaniyang bagong pambato na si Miss Sabina Blythe Guidotte."
"What?" Napanganga na lang si Kazumi sa kaniyang narinig at biglaang napatingin sa TV the moment she heard the newscaster mentioned Sabina's name.
"Hala! Diba siya 'yong babae sa Korean restaurant?"
"OMG! Bakit doon siya nag signed ng contract?"
Ang mga katagang pinag bubulungan at pinag uusapan ng mga empleyado ng SNS. Hindi sila makapaniwalang si Sabina nga ang isa na namang banta sa kanilang maniningning na mga artist.
"Who the hell is Sabina Blythe Guidotte?" Sigaw ng manager nina Kazumi at Felix nang makapasok na ito. Agad ding lumapit ang secretary nito sa kaniya.
"She's the new…"
"I know! Ang tinatanong ko ay kung sino at ano siya dati at bakit mas pinag uusapan and contract signing siya kaysa sa bagong MV ni Kazumi at Felix?" Agarang putol ng manager sa kaniyang secretary at mahabang talumpati ang kaniyang ibinato dito ngunit walang ni isa ang nakapag bigay ng kasagutan dahil pare pareho nilang hindi kilala si Sabina.
"Kayong lahat! Contact all the reporters, newscasters, paparazzi at iba't ibang mga news outlet and tell them to shut up and turned down the articles at suhulan niyo sila kung kinakailangan para matahimik agad ang Neo Entertainment dahil paniguradong sermon na naman ang aabutin natin sa CEO nito." Dagdag pa ng manager nina Felix at Kazumi.
"No way! Sisiguraduhin ko na parang isang bula ay maglalaho ka agad sa mata ng mga tao. Tingnan ko lang kung ano ang gagawin nila pag napanood nila kung gaano ka kamiseble noong gabi ng iyong debut." Saad ni Kazumi sa kaniyang isipan habang ngumingiti na parang isang demonyo.
***
Ilang oras lang makalipas ang aking contract signing ay agad na muling nagpatawag ng meeting si Mr. Reece.
"Urgent meeting daw, Miss." Magalang na balita sa amin ng isang staff habang nasa isang dressing room kami ni Sec. Noemi.
"Puntahan na muna natin?" Tanong niya sa sabay tango ko naman.
Pagkapasok pa lang naming sa room kung saan naroroon ang mga matataas na tao sa kumpanya at mga ibang artista din ay agad silang napalingon sa akin sabay palakpak lahat.
"For the first time, after 5 long years ay muling umingay ang ating company, and that's a big thanks to our new star, Miss Sabina Blythe Guidotte." Agad akong pinakilala ng CEO sa mga taong naroon.
Hindi ko naman mapigilang mamula at mahiya pero ika ng ani Sec. Noemi eh kailangan ko na daw masanay dahil simula ngayon ay kaliwa't kanang camera na ang nakatutok at nakasubaybay sa akin.
Umupo na ako malapit sa isang babaeng naka blond ang hair na mukhang isang Koreano. Sa palagay ko ay isa din siyang Artista. Ngumiti siya sa akin at nginitian ko naman siya matapos noon a ibinaling na namin ang aming atensiyon sa CEO na patuloy sa mag discuss ng mga mission at future plan nila para sa aming mga artista nila.
Mag gagabi na ako nang makauwi ulit sa aking flat dala dala ang sangkatutak na mga documents, at mga regalo at bulaklak din na galing sa kompanya.
"Surprise!" Nalanghap kong muli ang aking hininga ng isang malakas na sigawan at sorpresa ang aking natanggap mula kina Tita Miranda. Gulat din ako nang makitang sobrang kinang at ganda ng dekorasyon sa may mini park ni Tita Miranda.
Maraming tao din ang naroon na sa palagay ko ay mga taong umuupa din dito dahil kilala ko rin ang kanilang mga mukha ng kaunti.
"Ano 'to?" Bulong ko habang niyayakap si Tita Miranda. Nakipag beso-beso na rin ako sa mga ibang taong lumapit sa akin at ang huli ay si Lance na parang may kung anong tinatago sa kaniyang likuran.
"Welcome home, superstar." Malawak niyang ngiti ang binungad sa akin sabay abot ng tatlong magagandang sunflower.
"OMG! How'd you know my favorite flower?" Usisa ko. Pero agad din namang umepal si Audrey.
"Pag si Sabina may flower, pero ako itong may birthday ay wala ka man lang ibinigay." Nakasimangot nitong wika.
"Oh! Ito. Mga pabango at make up daw 'yan. Kunin mo na kung gusto mo." Inabot ko sa kaniya ang isang paper bag na regalo din sa akin at Nakita ko namang agad nagbago ang kaniyang mukha.
"Really? OMG! Alam mo bang ang tagal tagal ko ng gusting magkaron nito?"
Ngumiti lang ako sa kaniya saka dali dali na itong nagtungo sa may upuan at doon inilabas ang regalo.
"Ah! Birthday pala ni Audrey." Saad ko.
"Oo, Hija. At saktong napanood din naming ang video mo sa kani-kanina lang ay laman ng lahat ng balita na ikaw na daw ang bagong star ng Neo Entertainment." Putol naman ni Tita Miranda.
"Kaya naisipan naming isorpresa ka na rin." Dagdag naman ni Tito Pascual.
Wala ako sa sariling kong pamilya pero sa kanila ay damang dama ko parin ang tinatawag nilang sincere love. At kahit papaano ay nagiging kampanti ako sa aking sarili at paligid dahil alam kong napapaligiran ako ng mabubuting tao na may mala-ginintuang mga puso.
"Tita? Kailan ba tayo kakain? Kanina pa naghihintay ang mga bisita." Muli na namang dabog ni Audrey.
"Ay, oo pala. Muntik ko nang makalimutan. Nako halina kayo kumain na tayo at ng masimuloan na natin ang munting kasiyahan dito."
Masayang sabay sabay kaming kumain at nagsalo salo sa munting handaan at tapos noon ay may mga sumayaw, kumanta, nag tula, at may munting palaro naman para sa mga bata.
And for the first time in my entire life, ngayon lang ako nakaranas ng ganito katagal na kaligayahan. I was happy kanina that I'm finally stepping on my dream the moment I signed the contract at nagtagal ito hanggang sa inanunsyo ng CEO na nag iingay nga ang pangalan ko sa buong lupalop ng Pilipinas at dumagdag pa ang gabing ito. Na halos walang ni isang segundong nakatikom ang aking bibig. Puro tawa, halakhak, ngiti at magagandang mga kataga ang lumalabas sa aking bibig at siya ring aking natatanggap mula sa mga tao.
"Now, let's welcome our the most handsome guy in this building. Kuya Cutei!" Pag i-introduce ni Audrey at lumabas na sa may maliit na entablado ang bihis na bihis at nag uumapaw na kaguwapuhan ni Lance bitbit ang isang gitara.
Ito ang unang beses na Nakita ko siyang may dalang instrumento. Hindi ko alam na may talent din pala siya bukod sa kaniyang kapogian.
"Kay tagal na, ito'y tinatago,
Hindi ko alam kong sasabihin ko ba sa'yo,
Na ikaw ay aking iniibig,
Pero iwan ko, manhid o tanga lang siguro,
Dahil ako'y natutulala pag ikaw na ang kaharap ko."
Nakangiting halos hindi kumukurap akong tinitigan ni Lance habang kinakanta ang mga linyang iyon na hindi ko rin mapigilang hindi tumungin sa kaniyang mala anghel na mga mata at malamig na boses.
"Sabby?" Tawag sa akin ni Lance nang papasok na ako ng aking silid.
"Oh?"
"Pupunta ka ba sa kompanya ng Neo bukas?"
"Oo. Siguro araw araw na akong pupunta doon."
"Ahh, gusto mo hatid na kita bukas?"
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Total bibyahe rin naman ako."
Tumango tango ako sa kaniya at saka may punto naman siya saka wala rin akong masasakyang kotse dito.
"Sige. Payag na ako. Basta ha, maaga kang gumising." Paalala ko saka pumasok na sa silid.
Pagkahiga ko habang hinahayaang mag flashback sa aking utak ang mga magagandang nangyari sa araw na ito ay biglang naalala ko ang kanta ni Lance. Ang galing pala niyang kumanta.
"Ang suwerte talaga ng magiging asawa mo bata ka." Ika ko habang tinitingnan ang naka latay niyang boxer sa tabi ng lampshade ko.
Iwan ko ba doon kay Audrey at bakit dito pa ito nilagay. Hays!
***
Kinabukasan ay maaga akong nagising at gaya ng dati ay muling naghanap ng magandang damit at naglagay ng kung ano anong palamuting pampaganda sa aking mukha upang mas mamangha ang mga tao sa akin. Lubos lubusin na natin ang pagkakataon mga Sis.
"Pagkababa ko palang ng ground floor ay agad na naghiwayan ang mga studyanteng sa palagay ko ay mga classmates ni Audrey.
"Oh! Anong say niyo sa aming superstar." Sigaw ni Audrey sa mga ka klase niya. Pero hindi man lang siya nito pinakinggan at isa isa ng nagsitakbuhan sa akin sabay abot ng mga papel at marker nila sa akin asking for an autograph.
Halos mga limang minuto ako doon bago ako tuluyang nakalabas at nakitang nakatayo na sa labas ng gate ang matipuno, maputi, matangkad, mukhang mabango at nakakalaglag panting kaguwapuhan ni Lance.
Hindi ko mapigilang hindi mapatunganga sa itsura niya ngayon.
Nakasuklay ng maayos ang buhok niya ngayon at suot suot ang kaniyang brown long sleeve at black trousers na parang isang modelong naghihintay sa labas.
"Iba rin." Bulong ko sa kaniya ng makapasok na kami sa kotse.
"Syempre. Kailangan guwapong guwapo din pati ang driver mo." Pagmamayabang pa nito sabay kindat sa akin at inayos ayos pa ang kaniyang buhok. Hindi ko tuloy mapigilang hindi matawa sa mga kilos niya.
Pagkarating ko sa kumpanya ay agad na bumungad na akin ang mamula mulang bibig ni Sec. Noemi na hinihingal dahil sa pagtakbosiguro. At sa akin ay agad na may sinabi sabay bukas sa dala niyang iPad.
"I have good news for you." Agad na lumiwanag ang aking mukha. Kung ikaw ba naman, good news ang bubungad sa iyo, syempre mapapangiti ka rin.
But I stay composed para 'di mahalatang excited ako.
"What good news?"
"The Versace fashion brand sent us an invitation for the first time asking for your presence and kung pwede daw maglakad ka wearing one of their expensive and rare newest gowns." Para naman akong statue na nanigas sa aking kinatatayuan nang marinig iyon. Cause as far as I know Versace is one of the leading fashion brands in the country and in abroad for its unique gowns, dresses and even shoes and bags. At alam kong maraming bigating mga tao ang dadalo doon. At mga sis, this is just my second day as a newly artist in this company at wala pa akong experience sa mga lakad lakad o pag attend sa mga bigating event gaya nito.
"Don't worry, the entire glam will be with you to guide and teach you of some basic poses or walk that you can execute doon. And mind you, imbitado rin panigurado ang mga ibang artista galing sa iba't ibang kumpanya, kaya be ready and make sure to outshine everyone." Paalala pa sa akin ni Sec. Noemi habang naglalakad kami patungong elevator.
Hindi ko mapigilang hindi kabahan at mag overthink kung ano ba ang gagawin ko once I meet Felix or Kazumi doon. Dahil gaya ng sabi ni Sec. Noemi, baka daw imbitado rin ang mga artistang galing ibang network. Gosh! Nadi-drain ang utak ko kaka overthink mga sis. But one thing for sure, I will stick to my plan…ang lampasan ang kinang at kasikatan nila.
The time has come for them to taste what it feels down here.