Chereads / Dare to Love Again / Chapter 14 - CHAPTER 14: FIGHT AFTER FIGHT

Chapter 14 - CHAPTER 14: FIGHT AFTER FIGHT

Ilang oras na lang at pupunta na nga kami sa event ng Versace at hindi ko maintindihan kong bakit kabadong kabado ako ngayon. Alam kong ito ang first time ko pero I need to stay elegant and act classy whenever possible dahil dala dala ko na ang pangalan ng Neo Entertainment.

"Excited?" Agad akong napalingon sa nagsasalita mula sa aking likuran dahilan upang mapatigil ang aking make-up artist sa pag aayos ng aking buhok.

Binigyan ko muna ito ng senyalis na ihinto muna ang pagbe-braid ng aking buhok dahil mukhang may gusting pag usapan atah itong si Miss Blonde na ala Koreana ang datingan. She's Pearl, ang dating fac of the company pero napalitan na ito nang magka contract na ako dito.

"Yes." Nakangiting kong sagot sa kaniya. Ako kasi 'yong tipo ng tao na unang una kong pinapakita ang bait ko. But once na hindi ako nasiyahan sa asal at ugali ng isang tao then she better be ready to talk with the demon dahil wala akong sinasanto.

"Not that obvious for you had your hair braid in advance kahit ilang oras pa bago ang naturang event."

Hindi ko alam kong saan ang pinanggagalingan niya at mukhang hindi siya nasisiyahan sa akin. At hindi ko rin alam ang rason kung bakit parang mainit ang dugo niya sa akin.

"Sino ba namang hindi. Eh Versace 'yon. Sayang nga lang at ako lang ang ipapadala ng ating network, but…you can still go and become one of my audiences. Dahil mukhang hanggang El Tacuyo na lang kita ngayon." Naturang masasakit na salita ang ibinato ko sa kaniya na sing sakit ng sampal sa kaniyang mukha.

I am a woman who never tolerate any type of public shaming. And disrespecting other's just because they're way good than you are something that I never accept, lalo na kung ako ang kaniyang tinatapakan.

Actually, kahapon pa ako nagtitimpi sa kaniya dahil sa hindi niya pag kamay sa akin after the meeting pero hindi ko iyon pinansin dahil baka hindi niya lang nakita ang kamay ko. But now, at my own make-up room? She better not mess up or I'll let her swallow one of the make-up brush ng malinisan ang madumi niyang bibig.

"At ano ka sa tingin mo? Anak ng CEO? Eh, alam naman nating she only offered you a 2-year contract dahil madagungdong ang pangalan mo sa publiko. In summary, he only needs you for the promotion of the network dahil wala naman silang mapapala sa babaeng ganda lang ang mayroon." Aba! Mga sis. Mukhang sinubukan atah ako ni Ate girl.

"Huh!" Huminga muna ako ng malalim and slowly rose to my feet. Dahan dahan kong hinarap siya saka ito tinitigan mula ulo hanggang paa. Ramdam kong medyo na curious siya sa ginagawa ko.

"Ganda!" Pagsisimula ko. "Oo, maaaring tama ka at ganda lang ang mayroon ako pero 'yang talent na sinasabi mo ay puweding puwedi kong matutunan in less than a year by taking classes and practice. Pero 'yang nakakamatay mong insecurity wala ng gamot d'yan at never mo na 'yang mababago. At mabalik ko nga ang tanong, may talent ka ba? Dahil kong oo, e-bakit nalalampasan na kita ngayon? Does that mean that network and industry nowadays are more into beauty rather than talent? Kasi mukhang lamang na lamang na ako sa'yo inggeterang palaka! Kaya lumayas ka sa room na ito kung ayaw mong ipakain ko sa'yo ang make-up brush na ito!" Kitang kita kong nanlaki ang kaniyang mga mata sa oras na itutok ko sa kaniya ang make-up brush.

"Ano? Wag ako Ate girl, dahil kong demonyo ka, mas lalo ako!" Pahabol ko pang sigaw at hindi na ito nakapag salita pang muli at nilisan na ang room at malakas na isinara ang pintuan na pakiramdam ko ay masisira ng wala sa oras.

"Wow! Bravo! Ibang klase talaga ang awrahan mo, madam!" Pumapalakpak pang wika ng aking make-up artist at nagsipalakpakan na rin ang iba pang mga make-up artist at dancers sa loob ng room. Pero may isang babaeng naka salamin ang nahawi ng aking paningin na kumukuha ng video sa amin at ng akmang pupuntahan ko na sana ay siya namang pasok ni Sec. Noemi.

"Okay, everyone. We only have 45 minutes left. Bilis bilisan niyo na." Wika niya at saka mabilis na nagsikilos ang mga dancers at mga iba pang make-up artist at tinutulangan na kami sa pag dadamit at pag aayos ng aking buhok.

***

"Woah!" Isang nakakabinging hiyawan at nakaka bulag na flashes ng mga camera ang sumalubong sa akin pagka labas na pagkalabas ko palang ng aming white Limousine.

Kasama ko si Sec. Noemi at ang aming make-up glam.

"Never mind who's looking. Just slay the night." Bulong sa akin ni Sec. Noemi.

And from there I walked with class and sassy factor wearing my dazzling red gown na may slit, showing the entire right legs of mine and poses a bunch of time like I owned the red carpet. Slay kong slay mga sis.

At matapos nga noon ay naglakad na ako paitaas kung saan mayroon mini stairs na may limang steps pero baliwala iyon sa akin despite wearing 5 inches stick heels.

But I paused for a while waiting for Sec. Noemi to walked up dahil medyo nahihirapan siyang umakyat. Buti nalang at may mga mababait ng mga guards ang Versace at tinutulungan na nila si Sec. Noemi.

"Ah!" Ang tangi kong nasabi ng naramdaman kong may nakabangga sa aking likuran. At dali dali ko itong nilingon and surprisingly saw Felix. It his brown tuxedo. He is glam very well at bigla ko tuloy naalala si Lance. Kung hindi ako nagkakamali ay may resemblance silang dalawa ni Lance.

"Miss are you o—Sabby?" Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin ng mapagtantong ako ang kausap niya. It took him seconds bago ako makilala. I mean gano'n ba talaga ako kaganda ngayong gabi? Char.

"I don't talk to strangers." Agaran kong sabi saka nauna ng naglakad papasok sa main entrance dahil bigla na namang sumikip and aking dibdib the moment I saw his face again.

"Don't be like that, Sabby." Ramdam kong humabol din siya pero agad din siyang hinarang ng aming make-up glam.

"I apologize Mister Galileo but our superstar didn't come here for a chit-chat. She will be walking with the CEO and owner of Versace kaya sana maintindihan mo. Excuse us." Dinig kong paliwanag ni Sec. Noemi sa kaniya at hindi na ako muli pang lumingon at nagtungo na lang deretso sa maybandang backstage para makapag prepare.

"Omg! She's finally here. A round of applause please sa ating dazzling jaw dropping new model." Masayang anunsyo ni Miss Versace the moment I arrived at the make-up room at gulat nga akong ginawa niya iyon. I mean, hello. Ako lang 'to.

"Thank you so much, Miss Versace. That was so pleasant, and I feel fluttered at the same time."

"Gosh! That's why I like you. Dahil bukod sa maganda, magalang din." Saad niya at agad din itong nakipag beso beso sa akin.

At matapos ang aming usapan at nagtungo na muna ako sa rest room para hubarin ang aking gown at makapag palit na sa mga designed gowns na gawa mismo ni Miss Versace at ng kaniyang team.

"Enjoy na enjoy ah!" Napatigil na naman ako sa pag huhugas ng aking mukha the moment I heard a voice coming from the door and to my surprise it was Kazumi. In her lava red lipstick and smokey eye make-up ay nakangising pumasok at ni-lock ang pinto.

Pero kalma lang ako dahil alam ko kung paano depensahan ang aking sarili. Ano't nag take ako ng Taekwondo at Martial Art class kung hindi ko naman mapag tanggol ang sarili ko.

"Naman. Ikaw lang ata ang asim na asim. Daig mo pa ang sinampal ng sangkatutak na sampalok." Sarkastikong sinagot sagot ko ito ng hindi man lang siya nililingon dahil kitang kita ko naman ang repleksiyon niya sa salamin.

Malakas itong humalakhak na parang isang Witch saka agad na huminto.

"Do you really think magtatagal ka sa tinatamasa mong kasikatan at impluwensya ngayon?"

"Bakit? May balak ka bang tapusin agad ang kaligayahan ko?" Agad ko ring supalpal sa kaniya.

"Oo, at gagawin ko ang lahat maibalik lang kita sa basurang buhay mo kung saan ka nababagay."

"Wow! Salamat ah. Kung makasabi ka namang basura ang buhay ko e-parang hindi nagmakaawa ang tatay mo noon sa tatay ko para lang hindi siya tanggalan ng trabaho. Mukhang nakakalimot ka na ata sa nakaraan. At sasabihin ko sa'yo Kazumi. Hindi tulad mo ang tatanggal ng koronang suot suot ko ngayon."

"Huh! Siguraduhin mo lang Sabina. Dahil marami akong alas na hawak para pabagsakin ka."

"Putang*nang alas na 'yan! Gusto mo pagsamahin ko kayo sa empyerno? Dahil kahit magsama pa kayo ni Felix ay hindi hindi niyo ako mapapabagsak."

"Sigurado ka? Baka 'yong nudes mo kaya kang pabagsakin."

Biglang nag init ang aking dugo nang marinig ang katagang iyon at muling naalala ang ginawa niya noon. Pinahiya at binaboy nila ako ni Felix. They got me drunk, then took me home at doon ay pinag kukuhanan niya ako ng litrato ng hubo't hubad kasama si Felix sa kama. And I can't believe that she still has those pictures hanggang ngayon dahil akala ko ay binura niya na 'yon dahil muntikan ng magpatayan si Felix at Cairo dahil doon back then when I'm still with Cairo.

"Wag na wag mong uubusin ang pasensya ko Kazumi!" Walang pagdadalawang isip ko itong piniga sa kaniyang leeg and hardly pushes her back against the wall. "Don't wish for your early death dahil ngayon, handa na akong makulong mapatay ko lang ang sinumang magtatangkang sumira sa buhay ko o ng pamilya ko." Bulong ko pa dito at ilang sandali pa ay agad siyang nakawala mula sa aking kamay at na lock naman niya ako mula sa aking likuran gamit ang kaniyang braso.

"Wag kang magmadali Sabina. Dahil ang tulad kong masamang damo ay mahirap mamatay. Baka maiuna pa kita."

"Siguraduhin mo lang dahil wala pang storyang lumalabas na ang kontrabida ang nagwagi kaya akin pa rin ang huling halakhak! Hah!" Malakas ko itong siniko sa kaniyang tagiliran at agad din kaming nagsagupaan dahil pareho kaming nag take ng Martial Art at Taekwondo class.

At ilang sandali pa ay may kumatok na mula sa pintuan sabay tawag sa pangalan niya.

Nagdadalawang isip pa ako kung bibitawan ko ba siya pero mula sa labas ay narinig ko na rin ang tawag sa akin ni Sec. Noemi.

"Mag kikita din tayo muli." Ika niya saka binitiwan ang aking braso.

"Hihintayin ko iyon." Tugon ko naman saka binitawan ang kaniyang buhok.

"Huh!" Napabuntong hininga na lang ako sabay inayos ang aking sarili nang maka alis na si Kazumi.

Ano ba 'yan. Ang ganda na ng umaga ko pero mukhang matatapos ata na tragic ang araw na ito. Ito na ang pangalawang napa away ako sa araw na ito. Dumadami nga ang mga supporters ko pero dumarami din ang mga nagagalit at naiingit sa naabot at natatamasa ko ngayon.

"Fight after fight!" At tangi kong nabanggit sa aking isipan saka lumabas na upang magpa make-up na ulit sa aming glam team.