Matapos ang naturang event ay agad na nagdagsaan ang mga tao sa aking harapan. May iilang mga fans na nag-aabot ng mga litrato, posters at kung anoa no pa asking for an autograph. May iba namang gusto lang magpa picture at 'yong iba ay medyo hindi pa ako makapaniwala, dahil mga may-ari sila ng iba't ibang mga brand at famous na product sa bansa na nag o-offer kung puwede rin daw ba akong mag guess or maging endorser at model nila. Medyo hindi na rin ako makapaniwala sa mga nangyayaring kaganapan ngayon sa buhay ko dahil sobra sobra na itong binibigay na biyaya sa akin ni lord. I only asked him to reach my dream but then he gave me more than that.
Ang saya din talaga minsan diba, lalo na if you're already living in your dream and doing what you're passionate about. Grave, wala akong masabi sa mga moment na ito.
Makalipas ang ilang oras ay naka alis na rin kami doon at sinabi kong babalik muna ako sa Neo para kunin ang mga naiwang gamit ko doon.
Pagkalabas ko pa lang ng exit door ay may nakita na akong tatlong lalaking nakatayo about a meter of far from me pero hindi ko ito pinansin at tumayo na lang sa may tabing kalsada to wait for the taxi nang bigla silang naglakad patungo sa aking direksiyon.
Agad akong nakadama ng takot at nangilabot dahil kakaiba ang mga pormahan at lakad nila, 'yong halatang ganster na ganster ang datingan.
Hindi na ako nakapaghintay pa at naglakad na lamang ako upang makalayo sa kanila pero gosh! They're still tailing me.
Wearing my pencil-cut skirt and 5 inches heels makes it harder for me to move para tumakbo at saka hindi ko rin naman sila kayang kalabanin dahil ang lalaki ng mga katawan nila.
Bigla akong napahinto sa paglalakad the moment I saw that girl na nanggulo sa makeup room namin kaninang umaga.
"Pearl?"
"Yes? Are you afraid?" Malakas itong humalakhak na siyang aking napagtanto na baka siya ang nag utos sa mga lalaking ito. Ganoon ba talaga ang lalim ng galit niya sa akin at gustong gusto niyang akong patahimikin? Dahil lang hindi na siya ang face of the company ay hand ana siyang gawin ang mga bagay na alam niyang mas lalong sisira sa pangalan at imahe niya once the company knew it.
"Alam mo, iba ka rin. Para kang batang musmos na nagtatawag ng Kuya when you can't no longer handle your opponent. Does that mean na white flag ka na talaga sa akin?" Mas lalo ko pa itong inasar pero mahigpit ko rin hinawakan ang handle ng aking bag para in case sugurin ako ng mga lalaking nasa likuran ko eh hindi nila ako agad mahawakan.
Hindi ko rin alam bakit biglang namatay ang ilaw dito sa posting malapit sa aming kinatatayuan at pati ang mga kotse ay kulang ang dumadaan. Mukhang mapapasabak ata ako ngayon gabi.
"Wala akong paki kung ano man ang isipin at sabihin mo. Dahil isa lang naman ang gusto ko, ang mawala ka sa landas na tinatahak ko. At sabi mo nga diba, na mas priority na ngayon ng industriya ang ganda kaysa talent, puwes! Tinggan natin kung kakailanganin ka pa ba ng Neo once na madurog ko ang buong pagmumukha mo." Kasabay ng kaniyang kataga at inilabas din niya ang isang bote ng asido sabay halakhak.
Agad naman akong kinilabutan, dahil seryoso nga siyang gagawin niya ang lahat para mawala lang ako sa landas niya.
"Hold her!" Sigaw niya at unti unti nang lumapit sa akin ang tatlong lalaking may mala wrestler na mga pangangatawan. Diyos ko!
"Stop!" Sabay sabay kaming napa tingin sa aming may likuran nang may marinig kaming malakas na sigaw banda doon at nagulat akong mapagtantong si Lance ito.
"Walang gagalaw sa kaniya! Dadaan muna kayo sa akin bago niyo siya masaktan!"
"Baliw ka ba?" Bulong ko pa rito. Dahil alam ko namang hindi niya kayang patumbahin ang mga dambuhalang nilalang na ito.
"Oh! Sayang naman ang ka-guwapuhan mo dahil pinili mong mapasama sa isang talunang katulad niya." Ika pa ni Pearl.
"Sige, unahin niyo na siya, boys."
At hindi nga nagdalawang isip ang tatlong lalaki at pinagsasakal nila ang walang kalaban labang si Lance at pinagsusuntok ito habang hinahawakan ang dalawang kamay niya.
"F*ck!" Hindi ko na napigilang hindi makialam ng makita kong may marka na ng dugo sa tagiliran ng labi ni Lance.
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa mismong mata ng isa sa mga lalaki at hinapas ko naman sa ulo ang isa pa ngunit agad din akong natumba ng sipain ako mula sa likuran ng isang lalaki. Ramdam kong halos mabali na ang aking spine dahil sobra ang lakas ng pagkakasipa niya rito.
"Ugh!" Paluhod kong nilapitan ang duguan at medyo nahihilong si Lance na nakahandusay sa semento na hindi ko alam kong nawala na bai to sa kaniyang malay.
"Ang ganda niyo naman panoorin!" Pagkalakas lakas na hinila ni Pearl ang aking buhok patalikod dahilan upang tuluyan akong mapahiga sa maduming semento. Ang sakit ng katawan ko, halos hindi ako maka kilos.
"Ngayon, magpa alam ka na sa maamo mong mukha." Wala na akong ibang nagawa kundi isara ang aking mga mata habang umiiyak nang makitang binuksan na ni Pearl ang bote ng asido at akmang ibubuhos na ito sa aking mukha nang may bigla kaming narinig na tunog ng isang Police car na papalapit dahilan upang magsitakbuhan silang lahat.
Nang maramdaman kong wala na sila ay saka pa lamang ako nakahinga ng maayos saka unti unting inangat ang aking katawan mula sa pagkakahiga at unti unting nilapitan si Lance.
"La-lance?" Pautal utal kong tawag dito habang ginigising siya.
"Lance? Hoy! Gising na. Wala na sila rito." Naiiyak kong wika habang tinatapik tapik ang kaniyang mukha.
"Ikaw naman kasi, sugod ka ng sugod. Alam mo namang hindi natin sila kayang labanan. Ayan tuloy ikaw pa ang napahamak." Nahihikbi kong saad at mabilis na inikot ang aking mukha sa paligid para maghanap ng kotse o 'di kaya mga taong naglalakad para tulungan akong dalhin siya sa Hospital.
"Tao po! Tulungan niyo po kami. Tulon—" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang maramdamang may kamay na humila sa akin dahilan upang mapasandal at mapayakap sa kaniyang dibdib."
"Ang ingay mo." Dinig kong saad niya.
"Huh! Gago! Akala ko tuluyan ka ng nawalan ng malay." Agad din akong humiwalay mula sa pagkakayakap niya.
"Huh! Baliwala 'yon sila sa akin."
"Ang yabang ah!" Ika ko sabay palo sa kaniyang braso at agad naman itong nag aa-acting na parang sakit na sakit.
"Hoy! Wag kang OA."
"Hindi ako OA, diyan kasi ako napuruhan."
"Hala! Talaga ba?" Nakonsensya naman ako.
"Wag mo ng hawakan lalo lang yan sasakit." Saad niya habang tinititigan ako sa mukha.
"Eh! Anong gagawin ko?"
Hindi ito umimik at dinapo dapo lang ang kaniyang dibdib na hindi ko naman malaman ang ibig sabihin.
"Ano yan?"
"Humiga ka dito…" Napanganga na lang ako nang biglang niyang muling inakbay ang kaniyang braso sa aking likuran at pinahiga ako muli sa kaniyang malapad at malaking dibdib.
Sa mga oras na 'yon ay hindi ko alam kong anong gagawin ko. Kung magagalit baa ko o kikiligin. Pero shuta! Ang bango ng papa Lance niyo. Dinig ko rin ang tibok ng kaniyang puso na parang sing lakas ng drum at sing bilis ng milliseconds kung makatibok.
"Hoy! Susuntukin talaga kita sa tiyan kung hindi mo pa ako bibitiwan." Wika ko naman na parang hindi ko na e-enjoy ang nangyayari. Charot!
"Sheshh! Sandali lang naman eh!" Ika pa niya pero hindi ko rin ito pinakinggan at humiwalay na ako sa kaniya dahil nagmumukha na kaming taong grasang naglalambingan at gilid ng kalsada.
Aba! Sino ba naman ang makikilig eh, magyakapan kayo ng nakahiga sa maduming kalsada. Okay lang sana kung sing linis ng kalsada ng Korea ang sementong hinihagaan naming.
***
Halos magka kalahating gabi na nang makarating kami sa flat na aming inuupahan at medyo tulog na rin ang lahat dahil wala ng masyadong taong nag iingay sa itaas.
Inalalayan ko na si Lance sa pag akyat sa may hagdanan dahil masakit pa rin ang tiyan nito dahil napuruhan daw. Pero alam kong eme-eme lang nito para maka akbay sa akin.
"Wag malikot ang kamay, ha! Kundi sisipain talaga kita pababa." Nanlilisik mata ko itong pinandilatan at pina alalahanan pero ngumingiti ngiti lang ito sabay tango.
"Sabi ng wag malikot!"
"Aww!" Napa ungol nalang ito sa sakit matapos kong marahang suntukin ang kaniyang tagiliran.
Ang likot kasi ng kamay. Parang may balak maging hair stylist ko dahil hawak ge hawak sa buhok ko.
"Oh! Saan ka pupunta?" Tanong ko nang makitang binubuksan na niya ang pintuan ng room niya.
"Sa kuwarto ko."
"Ah! Okay. Kaya mo na siguro diba? Kaya okay na 'yan kahit hindi magamot ang mga sukat sugat na 'yan. Astig ka naman d-" Hindi pa ako natapos sa aking sasabihin ng bigla itong nag iinarte na para bang sakit na sakit at pinagtuturo ang kung saan saang parte ng kaniyang katawan dahil masakit daw.
Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti sap ag uugali ng lalaking ito. Enebe, Lance!
"Sige, pasok!" Utos ko sabay bukas ng aking pinto at dali dali rin niyang sinara ang kaniyang pintuan at parang hangin ay mabilis na nakapasok sa aking room.
"Diyan ka lang. Kukunin ko muna ang first aid kit ko." Sambit ko at iniwan na muna siyang naka upo sa Sofa na nasa harapan ng TV.
Pagbalik ko ay wala na ito dito kaya't naglibot libot na ako sa paligid upang hanapin siya at nakitang nasa mini balcony pala siya at nakatingala sa itaas ng langit.
"Oh! May nakita ka bang shooting star?"
Agad din itong binaba ang kaniyang paningin at tinitigan ako.
"Oo…nasa harapan ko na ngayon."
Aba! 'yong papa niyo mukhang sinusulit ang gabing ito. Kung ano-ano na ang pinagsasabi.
"Suntukin kita diyan nang makakita ka ng totoong star." Ika ko naman saka naupo na.
"Akin na nga 'yan." Padabog kong hinawakan ang malambot niyang pisngi.
"Ilapit mo pa." Dagdag ko at agad naman akong namula at nag panic nang mapagtantong sobrang lapit ng aming mga mukha sa isa't isa na 'yong tipong pati hininga naming ay naririnig naming dalawa.
Agad din naman akong dumistansya at nagsimula ng gamutin ang duguan niyang labi. At matapos niyon ay nilagyan na naming ng ice pack ang mga pasa niya sa mukha pero hindi ko maintindihan bakit napakaamo parin ng itsura niya kahit bug bog sarado na ito.
Hays! Kung ano-ano ang naiisip ko.
Sinabihan ko na rin siyang tanggalin na muna ang kaniyang damit para makita naming ang mga pasa sa tiyan at likuran niya. Sa una ay hindi pa ito pumayag dahil baka ma-awkward daw ako pero ako na ang nagpumilit para minsanan nalang ang pag gagamot sa kaniya.
At gaya nga ng sabi niya ay medyo na-awkward ako the moment he takes off his cloth dahil hindi ako sanay na may lalaki akong kaharap lalo na 'yong walang damit.
Medyo namula, nanlanta, nanlamig, at parang nakukuryente ako habang pinagmamasdan ang malalapad niyang dibdib, malalaking braso, maputing balat at ang kaniyang 6 packs-abs. Nako mga mare! Mukhang mahihimatay ako ng wala sa oras.
"Antagal naman." Ika niya saka kinuha ang aking kamay na may hawak ng ice pack at itinapat sa kaniyang tiyan na may mga pasa.
"Ikaw na muna diyan. Paghahanda lang ako ng puweding makain natin. Medyo nagugutom kasi ako." Pagsisinungaling ko saka ibinigay na sa kaniya ang ice pack at nagtungo sa may kusina.
"Abs ko lang pala katapat mo." Dinig kong wika nito nang hindi pa ako tuluyang nakakalayo.
"Anong sabi mo?"
"Wala! Sabi ko sarapan mo ang pagluluto. 'Di gaya ng dati halos mapasuka ako sa hapag." Palusot nito gamit ang kaniyang pabebeng tono. Hindi ko alam kong maaasar ba ako dahil sinabihan niyang hindi ako marunong magluto o matatawa ako dahil sa kabobohan kong magluluto tapos ipamimigay ko pa sa kapit bahay ang walang ka kwenta kwenta ko luto.
Nagmamadali na akong nag painit ng tubig dahil wala akong balak na magluto. Mag no-noodles lang kami dahil ayokong asarin na naman niya ako sa aking luto.
At habang inaayos ako ang mesa ay nagmadali akong tumakbo sa kusina nang marinig na nag iingay na ang pinainit kong tubig nang bigla akong nadulas sa basang sahig at…
Lance was there to catch me before I fall to the ground pero dahil madulas nga talaga ang sahig ay pati siya ay nadulas na rin dahilan upang pareho kaming matumba at mapasubsob ang mukha ko sa kaniyang tiyan na sakto rin ng pagbukas ng aking pintuan
"Ahh!" Isang nakakabingi at makabasag salaaming sigaw ang umalingawngaw sa loob ng aking kuwarto.