Chereads / Dare to Love Again / Chapter 16 - CHAPTER 16: I CAN’T FALL IN LOVE AGAIN

Chapter 16 - CHAPTER 16: I CAN’T FALL IN LOVE AGAIN

"Huh!" Dali dali akong tumayo at tinulak ang walang damit na si Lance papalayo sa akin.

Kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mat ani Audrey at alam kong iba ang naiisip ng batang ito ngayon. Ramdam kong parang bigla akong nagka tremors dahil nanginginig ang buo kong katawan at parang ramdam ko ring namumula ako dahil sa init ang uncomfortable kong nararamdaman.

Hindi ko alam kong paano ito ipapaliwanag kay Audrey. Dahil agad din itong lumabas pagkakita niya sa amin sabay sara ng pintuan.

"Ayan! Hubad pa!" Dabog kong sabi saka nagmamadaling tumayo.

"Huh! Ayan! Dulas dulas pa."

"Hoy! Sa tingin mo ba sinadya ko 'yon?"

"At sino ba ang nagpatanggal ng damit ko? Diba ikaw?"

"Oo! Para magamot yang mga pasa mo! Bakit gusto mo ipabugbog kita ulit doon?"

"Gutom na'ko!" Pag-iiba nito ng topic sabay kamot sa kaniyang ulo at nagmamadali ng kinuha at isinuot ang kaniyang t-shirt.

"Serve youserlf!" Pagtataray kong sigaw. Hays! Hindi ko na alam kong may mukha pa ba akong ihaharap kay Audrey. Una 'yong boxer tapos ngayon subsob sa abs naman. Baka isipin niya na nag-aano kami ni Lance.

"Hays!" Inis kong sinampal sampal ang sarili ko.

"Okay ka lang?" Tanong ni Lance at bago pa ako maka sagot ay may naamoy na kaming mabaho na parang may nasusunog at nagulat na lang ako nang makitang umuusok na ng itim ang aking stove at kawali.

"Sunog!" Nagpa-panic kong sigaw at natataranta na hindi alam ang gagawin. Buti nalang at mabilis na na turn off ni Lance ang stove saka binuhusan ng malamig na tubig ang ilalim ng aking kawali.

Oh! No. Ano na ang kakainin naming ngayon? Napa buntong hininga na lamang ako sa sunod sunod na kamalasang dumating sa akin kanina hanggang sa ngayong gabi.

"Sa akin ka na lang kumain. Magluluto lang ako sandali." Una ng nagsalita si Lance na siyang nagpagaan ng aking pakiramdam.

"Sige. Sunod na lang ako. Magpapalit lang ako." Ika ko.

"Sige, iiwan ko na lang bukas ang pintuan." Paalam niya saka naglakad na pabalik sa kaniyang silid.

Dali dali na akong nag half-bath saka nag palit sa aking pantulog at sinuklay na rin ang aking buhok at naglagay ng kaunting pabango.

"OMG! Ano ang ginagawa ni Ate Sabina d'yan sa room ni Kuya Cutei? Hala! No, no! Hindi puwede!" Sinampal sampal ni Audrey ang kaniyang pisngi at hindi mapigilang hindi mag overthink kina Lance at Sabina dahil sa kaniyang nakita.

"Hindi kaya mag-aano sila? Hala!"

"Audrey!" Sino bang kausap mo diyan?" Halos mapalukso na lang ito sa gulat nang tawagin siya ng kaniyang Tita Miranda saka dali dali ng sinara ang pintuan at pumasok na ulit sa kaniyang kuwarto.

"Nako! Ang batang 'to." Pakamot kamot na bumalik na rin si Miranda sa kanilang kuwarto.

Sa pintuan pa lang ako ay amoy ko na ang masarap na lutuin ni Lance at ang linis linis at guwapo din niyang tingnan suot suot ang apron. At mas lalo pa akong namangha sa ganda ng ayos at theme ng kaniyang silid. Plain white at gray lang ang pintura na makikita mo sa kaniyang silid at ganoon din ang kulay ng karamihan sa mga gamit niya. Lakas maka-rich din ang pagkaka ayos niya ng mga gamit niya tulad ng mga sapatos, mga frame, aquarium at iba pa. May mga gitara at piano din siya.

"Tumutugtog ka?" Agad kong tanong habang pinag mamasdan ang isa sa kaniyang mga frame.

"Oo, back when I was in College."

"Bakit ngayon? Hindi ka na ba tumutugtog?"

"Busina na lamang ng kotse ang pinapatugtog ko." Birong tugon niya sabay tawa.

"Oh! Halika na. Handa na ang pagkain." Tawag niya sa akin.

Wow! Husband material talaga si Lance. Ang linis at sarap tingnan ng kaniyang mga lutuin. Masasabi ko talagang ang suwerte suwerte ng kaniyang magiging asawa. Dahil bukod tangi itong si Lance.

"Gusto mong manood ng TV?" Tanong niya pa saka umupo sa tabi ko. Sa couch na kami kumain sa harap ng TV.

Tumango lang ako sa kaniya dahil hindi ko na mabukas ang bibig ko upang magsalita pa. Gutom na gutom na talaga ako kaya para akong baliw sa bilis kong kumain.

"Dahan dahan lang. Baka hindi ka matunawan." Nakangiti pa niyang pigil sa akin sabay abot sa akin ng isang mineral water at binuksan na rin ito.

Ang bait talaga nito.

"Bat ang bait mo?" Biglaan siyang napahinto sa tanong ko at tiningnan ako.

"Hoy! Seryosong tanong 'yon." Pag dadagdag ko pa.

"Hindi ko rin alam." Kibit balikat niyang sagot sa akin.

"Alam mo, sana naging kapatid na lang kita. Hindi talaga ako magsasawang makasama ka dahil bukod sa masarap ka na magluto, at bait bait mo rin. Puwede b akita maging adopted brother?" Punong puno ang aking bibig pero nagagawa ko pa ring magsalita ng kung ano-ano.

"Hindi." Malimit niyang saad ng hindi man lang ako tinitingnan.

"Sus! Ayaw mo sa maganda, matalino at artistang kapatid?." Pag yayabang ko sabay na nag-puppy eyes pa sa kaniya.

At hindi na lamang ito kumibo.

Matapos naming kumain ay hindi na muna ako umuwi dahil hindi pa tapos ang movie na pinapanuod namin. Saka medyo hindi pa naman ako inaantok. 'Yon ang akala ko pero bigloa na lamang akong dinalaw ng antok sa kalagitnaan ng panonood namin at hindi ko na namalayang napikit ang aking mga mata.

"Hindi kita puweding maging kapatid." Ang malamig at malambing niyang boses ang pumukaw sa akin muli ngunit hindi ko muna binukas ang aking mga mata dahil ramdam kong nakatitig siya sa akin at dama ko ring naka sandal ako sa kaniyang balikat.

"Alam mo kung bakit? Kasi higit pa doon ang pagtingin ko sa'yo. Sobrang higit na 'yong tipong ayaw na kitang mawala sa aking paningin kaya't sobra akong nasasaktan sa tuwing nakikita kitang nagdurusa." Bigla akong nanghina at nanlanta sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. All this time, wala akong ka ide-ideya na ganito pala ang nararamdaman niya sa akin. Bakit? At kailan pa?

"Please, take good care of yourself always, because I can't afford to lose you without even telling you how much I care for you, my little Sasa."

Bigla akong napa isip sa sinabi niya and the way he calls me by my childhood nickname. Sasa kasi ang tawag sa akin ni Dad, and aside from him ay may kababata din akong kalaro noon na Sasa rin ang tawag sa akin. Back then kasi masyado pa akong bata at wala akong pakialam sa panga-pangalan ng aking mga nakakalaro. Basta't may makalaro lang ako noon sapat na and that kid are always around at the park whenever I go there and for some reason, we became close up to the point na nagbibigayan na kami ng mga pagkain at iniimbita din niya akong sumasa sa kanilang munting bahay. Pero simula noong lumipat kami dito sa Manila ay hindi ko na siya muling nakita o nakausap man lang at ang mas masama pa, hindi man lang ako nakapag paalam sa kaniya.

But hearing him calling me Sasa makes me think na what if siya nga ang kababata kong iyon? Pero Malabo diba? Dahil kung siya nga, bakit hindi siya nagpakilala sa akin.

"Ah!" Unti unti akong kumilos at dahan dahang minulat ang aking mat ana kunwari ay tulog na tulog talaga ako.

"Oh! Tapos na pala ang movie." Ikaw ko saka dahan dahan ng tumayo at inayos ang aking sarili. "Sige, balik na ako sa room ko." Dali dali na akong lumabas without waiting for his response.

Hindi ko mapigilang hindi manghina at mapaluhod ng tuluyan nang makapasok na ako sa aking silid at maisara ang pintuan. Hindi ako makapaniwala na may nararamdaman pala siyang ganoon sa akin kaya gano'n gano'n na lamang siya kabait at ka-matulungin sa akin.

No! I can't let that happen. Habang maaga pa kailangan ko ng umiwas dahil ayaw ko ng maulit na naman ang lahat.

Pagod na akong umiyak, magmukmok, maglasing, uminom ng kung ano-anong gamot at tangkaing tapusin ang aking buhay. Pagod na ako. I'm so much drained to experience another heartbreak. Hindi pa ako tuluyang naghihilom. I'm still on the process of moving on from my past with Cairo. Kaya't habang maaga pa ay kailangan ko na siyang iwasan.

I can't fall in love again. I can't let any guy destroy my world again while I'm busy hardly picking up each piece of it to fix myself. Lance is such a good guy, but he is no more than a good friend to me, and he will always be kahit ano pa ang gawin niya.

***

The next morning headed out early para hindi na kami magsipag abot pa but I guess mali ako the moment I saw him at the lobby reading a magazine na parang may hinihintay siya,

"Hey, good morning." Nakangiti niyang bat isa akin pero hindi ko na ito pinansin pa at nagmamadali na lamang naglakad palabas.

"Oy! Grave naman ito. Ang aga-aga nagsusungit. Tatanda ka niyan." Dinig kong sinusundan pa ako nito.

"Not now, Lance." Ang tanging ika ko at lumabas na ng gate.

"Saan ka pupunta? Andito ang kotse oh!" Sanay na kasi siya na siya ang palaging naghahatid sa akin tuwing umaga at minsan ay sinusundo pa niya ako.

"Maglalakad lakad muna ako. Kailangan ko rin kasi para pumayat pa ako ng kaunti." Pag papalusot ko.

"Sus! Ayan ka na naman." He's still following me while he's inside his taxi and driving slowly at ilang oras pa ay may bigla na akong nakitang papadaang taxi. Omg! Life savior.

"Sabby? Seryoso bang ayaw mong ihatid kita? Galit ka ba? Dahil ba sa nakita kagabi ni Audrey?" Dinig ko pang sigaw nito pero hindi ko na ito pinansin pa at nagmamadali ng sumakay sa taxi at sinabihan ang driver na papunta ako ng Neo Entertainment building.

"Sabina? Keep up the fierce. Maintain the face, darling." Dinig kong sambit ni Sec. Noemi habang nasa gitna ako ng isang photo shoot.

"Okay, break muna. Mukhang kailangan muna niya ng pahingan." Sabi ng Photographer.

"May problema ba?" Usisa ni Sec. Noemi.

"Wala po. Puyat lang ako." Pagsisinungaling ko.

Hindi ko pa rin matanggal tanggal sa isipan ko ang sinabi ni Lance sa akin kagabi. Hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko.

Gabi na nang matapos kami sa iba't ibang klase ng photo shoot at mga advertisement video shooting at nagpasya kaming sabay ng mag dinner sa labas kasama ang ibang mga staff sa kompanya at si Sec. Noemi at upang mag celebrate na rin dahil birthday ng isa sa mga dancers namin.

At kahit sa masayang celebration, kantahan at kainan ay hindi ko pa rin maalis alis sa isipan ko ang hindi isipin kung ano na ang gagawin ko pag bumalik na ako sa apartment. Siguradong mangungulit na naman si Lance.

"Oh! Nag text ang guard sa kompanya sa akin. Nandoon daw naghihintay sa labas ang driver mo." Balita ni Sec. Noemi.

"Huh?"

"Iyong Guwapong driver mo nasal abas daw ng kompanya naghihintay sa iyo." Pag uulit niya dahilan upang mahimasmasan ako at agad na tumayo at nagpa alam na sa kanila. Hindi para puntahan si Lance kundi para bumalik sa apartment upang kumuha ng mga damit dahil mag ho-hotel muna ako ngayon gabi para makaiwas sa kaniya.

Pagkarating ko sa apartment ay agad agad din akong tumakbo paitaas nang mapagtanto kong wala pa dito si Lance at dali dali ng kumuha ng mga kakailanganin ko at saktong pagkalabas ko ng pintuan ay siya ring pag akyat niya sa taas.

"Sabby. Nandito ka na pala. Pumunta ako sa kompanya niyo pa-"

"Hindi kita inutusan na magpunta doon." Malamig kong tugon at nilagpasan na siya at dali daling bumaba.

"May problema ba? Pansin kong kaninang umaga ka pa umiiwas sa akin?"

"Wala. At wala akong dapat ipaliwanag." Tugon ko habang nagpapatuloy sa paglalakad.

"Dahil ba sa nakita ni Aud-"

"Hindi. At saka puwede ba. Hindi 'yon big deal sa akin."

"Then why are you doing this? Bakit moa ko iniiwasan? Ano bang ginawa ko sa'yo?" Patuloy pa rin itong sumusunod sa akin hanggang sa makalabas na ako ng gate. Ang buwesit naman at wala pang dumadaan na taxi.

"Diba sabi ko wala akong dapat ipaliwanag."

"So, bakit ka nga umiiwas sa akin? At saan ka pupunta?"

"Can you please stop following me? And please stop being so nice to me."

"Ganito naman ako sa lahat, hindi lang sa'yo. Bakit ka ba nagagalit? At bakit gustong gusto mo akong iwasan?"

"You know it for yourself kung bakit ako umiiwas." Hinarap ko ito at tiningnan ng mariin sa kaniyang mga mata. "Alam mo naman diba kung gaano kamiserable ang buhay ko dahil sa tinatawag nilang pagmamahal, dahil nandoon ka sa bawat pagkadapa at pagbagsak ko pero para saan? Para pumalit sa puwesto nila? At para ano? Para saktan din ako? Alam mo namang traumang-trauma na ako sa pagmamahal na 'yan kaya't ngayon pa lang iiwasan na kita."

"So, you heard what I said last night?" Malamig at malungkot niyang tanong.

I wiped my tears and nod at him.

"Yes, lahat lahat ng sinabi mo. Kaya't wag mo na akong tatanungin pa kung bakit ako nag kakaganito. I'm just trying to protect my poor heart by keeping distance from anyone who can possibly break it again."

"So, you're seeing me as one of those?"

"Oo, dahil kumbinsidong-kumbinsido na ako na ang lahat ng lalaki ay pare-pareho lang. They just want me to treat them good in bed. And after that, parang basura lamang na itinatapon nila ako sa paligid ligid kaya't mong masabing iba ka sa kanila, and I'm not even interested na subukang bigyan ka ng chance dahil alam kong iiwan mo rin ako gaya ng ginawa ng mga lalaking nauna sa iyo." Hindi ko mapigilang hindi maluha at mapahikbi habang binabanggit ang mga masasakit na alaala at karanasang dinanas ko sa kamay ng mga lalaking minahal at pinahalagahan ko.

"I'm sorry for hearing that pero hindi ako katulad nila. I truly treasured yo—"

"Treasured? Nagpapatawa ka ba? Eh less than a month pa lang tayo nagkakilala."

"Iyon ang akala mo. Dahil higit dalawampung taon na kitang iniingatan at inukit sa aking puso." Malumanay niyang tugon. And for the first time, I saw him cry.

"Alam kong maaaring nakalimutan mo na ako, pero ako? ever since that day na huli tayong naglaro, naghabulan at nagpalitan ng candy sa park ay hindi na kita inalis sa aking puso at isipan. At baka nga pati ang childhood memories natin ay nakalimutan mo na, pero ako hindi. Dahil ganoon kita minahal at pinahalagahan. I stayed single in my entire 24 years dahil hinihintay ko ang araw na muli kitang makita at makasama. Pero ba't gan'to? Wag mo naman akong ipagtabuyan." Maluha luha niyang dagdag habang tinititigan ako sa aking mga mata. And from there I started tracing back and remembering the past. Could he be that child? Siya nga ba'yon?

"Tanggap kong hindi mo ako kayang mahalin o suklian ang pagmamahal na pinapakita ko, but at least, hayaan mo akong mahalin ka kahit bilang kababatang kaibigan ko. Just allow me to let you feel how much I care for you. Just give me a chance, please. Can you do that, my Sasa girl?" Saktong pagka banggit niya ng old nickname ko ay siya ring pagka alala ko sa nakaraan. Siya nga, ang lalaking sobrang nagpasaya sa aking puso bago ito nawasak.

"Mister Lobster?" Ang tangi kong nasambit matapos niya akong muling tawagin sa aking nickname noong bata pa ako.