Chereads / Dare to Love Again / Chapter 11 - CHAPTER 11: THE SURPRISE ENCOUNTER, THE SURPRISE CALL

Chapter 11 - CHAPTER 11: THE SURPRISE ENCOUNTER, THE SURPRISE CALL

"A-ahh! Lance! Kanina ka pa nand'yan?" Pagtatanong ko upang ibahin ang topic.

"Oo."

"Eh, wala ka naman sigurong narinig 'no?"

"Narinig? Syempre marami…mula simula hanggang dulo mong kataga."

Napapikit nalang ako nang wala sa oras sabay muling tumalikod sa kaniya.

"Alam mo kasi…" Napansin kong naglakad ito paunahan at magka-level na kami ng kinatatayuan na parehong naka tingin sa ibabang mini-garden ni Tita Miranda. "Tatlong araw na kasi akong may napapansing kakaiba sa mga gamit ko." Dagdag niya.

"Ah, talaga? Bakit? May nasira bang mga kagamitan sa silid mo?" Pag papalutang luting ko para 'di mabistong nasa akin ang isa sa mga pag mamay-ari niya.

"Seryoso ka ba?" Tiningnan ako nito sa mata. Agad ko ring binaling sa iba ang aking paningin sabay kamot sa aking batok.

"Ano?"

"Seryosong wala kang kinalaman sa nawawalang boxer ko?"

"Ay! Ambaboy mo naman Lance!" Nagsusumigaw ang Ate niyo. Syempre kunyare inosente tayo. "Hoy! Babae ako at dalaga, kaya't bakit mo sa akin hinahanap ang mga bagay bagay na gan'on? Respeto naman oh!" Namumula kong pagdadahilan saka agad na nilisan ang main Balcony.

"Biro lang! Pinapatawa lang kita, ang seryo-seryoso mo kasi." Pahabol niya pang sigaw.

"Che! That's never been funny!" Padabog kong tugon saka tuluyan ng pumasok sa aking kuwarto.

Ang sarap na sana ng ulam na luto ni Tita Miranda, pero panira talaga si Audrey at Lance. Gusto ko pa sanang kumain ng marami. Hays!

Napahiga na lang ako sa aking malambot na kama habang nakatingin sa aking ceiling nang biglang may nag text sa akin.

Si Ate.

"Talaga?" Nagulat na lamang ako pagkabasa ko ng text ni Ate.

"Don't ever disregard my call or text again, Sabina. I'm seriously worried about you so I'm taking this thing far for I'll hire an expert professional hacker or internet genius tomorrow to tract your location dahil ayaw mo namang sabihin kong nasaan ka. Ako ang pupunta sa'yo kung ayaw mong umuwi. Seryoso ako!"

Saktong napalunok na lang ako sabay hawak sa may bandang dibdib ko habang iniisip kong ano ang puwedi kong gawin bukas.

"Patay!" Hindi puweding malaman ni Ate ang kinaroroonan ko at saka ayaw ko ring umuwi sa bahay dahil paniguradong madadamay sila sag alit ng mga wild fans ng dalawang demonyong artista na 'yon.

What should I do?

"Huh!" Huminga muna ako ng malalim bago nireplayan si Ate. This is the only way I know para hindi siya maka tungo dito.

***

Kinaumagahan ay maaga akong gumising at dali daling nag shower.

I slide to my closet to look for something pretty o 'di kaya sexing damit para naman hindi ako mukhang miserable sa tingin ni Ate. Pero ano ang sasabihin ko sa kaniya? That I broke up with Cairo? Hay! Ano ba 'yan. Naguguluhan na ako.

Kinamot kamot ko ang aking mala-witch na mga buhok saka humarap sa salamin.

"Tell me, ano ba ang puweding irason ko for staying in the country at kung bakit ayaw kong bumalik sa bahay?" Kinakausap ko ang aking sarili sa harapan ng salamin.

"Hay! Bahala na nga!"

Bumalik na ako sa aking closet at kinuha ang aking pastel-colored string under the knee na dress na siyang yumayakap sa mala-Coca-colang hubog ng aking katawan.

"Ganda mo naman 'te." 'Di ko mapigilang matunganga sa aking angkin kagandahan.

The next thing I did was to put a light peach make-up and add some glitters above it to emphasize my brown-colored eye saka nag apply ng kaunting pink tink sa aking labi at hinayaang nakabagsak patalikod ang aking mahahaba at maiitim na buhok.

3 inches stick heels lang ang sinuot ko para hind ako mag mukhang beauty queen na rumarampa sa daan dahil paniguradong maglalakad ang Ate niyo ngayon pag wala na dito si Lance.

Pagkalabas ko palang ay agad ng nagtinginan ang mga taong nasa labas na kasalukuyang nag go-group study sa may main balcony. Mga college medical students sila.

"Hala! Diba siya 'yong nasa video?"

"Oo, siya nga 'yong trending na babae."

"Hala! Ang ganda pala niya."

"Model ba siya?"

"Hindi, artista daw sabi nang iba pero nag la lay-low daw siya sa industriya."

Ang mga katawagang tsismisan na narinig ko habang pababa na ako ng hagdanan ng aking flat.

"Is that you?" Agarang tanong na narinig ko mula sa tagiliran at ang shirtless hunk na si Lance.

"Hala!" Ang tangi kong nasambit habang pinagmamasdan ang kaniyang makisig at matipunong pangangatawan. "Nako Mare! May pa Pan de Sal si Mayor."

"Isuot mo nga ang damit mo!" Agad kong iniwas ang aking paningin at naglakad patungong gate.

"Bakit po?"

"Ayan ka na naman sa po na 'yan. Bilisan mo na, may kailangan akong puntahan. Ihatid mo ako."

"Ah, sige po, ma'am." Marahang niyang saad. At ilang sandali pa ay bumalik na ito na nakadamit n maayos pati ang kaninang messy looks niya ay medyo umayos na. Ibang klase rin.

"May special occasion bang pupuntahan ang boss ko?" Tanong niya habang nasa daan na kami.

"Just drive na nga lang. At saka, anong boss ang pinagsasabi mo diyan?" Naiirita kong wika.

"Kasi nga kung maka utos ka sa akin kanina para mo akong personal driver."

Napa buntong hininga na lang ako ng maalala ang asal ko kanina. Sabagay, may punto naman siya. Hindi na lang ako kumibo matapos noon at nag cellphone na lang to act like I'm busy.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa isang Cake Shop na paborito naming puntahan ni Ate dahil kaibigan niya ang may-ari nito.

Nagpa alam na rin si Lance para mag grocery dahil may pinabibili daw sa kaniya si Tita Miranda para sa handaang magaganap sa ikalawa na hindi man lang niya sinabi sa akin kung anong handaan ba iyon.

"Sabina," Agad na bat isa akin ni Chezka, ang kaibigan ni Ate. "Wow! Looking so classy today huh! May ka-date?"

"Nako! Wala." Agad kong sagot sabay iling iling.

Nagdesisyon akong sa baba na lang umupo habang hinihintay si Ate dahil most of the time ay sa VIP room talaga kami dahil sobrang crowded dito sa main area dahil na rin siguro sa sobrang dami ng costumer nila.

"May usapan kasi kami ni Ate." Malimit kong paliwanag na siyang nakuha naman agad ni Chezka at tumango tango pa.

"Sige, tawagin niyo lang ako or any from my staff kung may kailangan kayo, okay?" Mabait niyang saad.

"Sige. Salamat."

Umupo na ako upang hintayin si Ate at ilang oras pa ay dumating na rin siya.

"Wow! I'm Impressed by how you carry your self today my younger sister." Pasimula ni Ate ng hindi poa ito nakaka upo.

Agad na akong tumayo at nakipag beso-beso dito saka hinawakan sa kaniyang kamay upang dalhin sa VIP room. Alam kong Malaki ang himutok nito sa akin kaya't mabuting doon na niya ito mailabas dahil walang makakarinig sa amin doon kahit magsigawan pa kami.

"You can start narrating." Agad din niyang sabi sakto nang maisara ko ang pintuan ng isang VIP room.

Sabi ko na nga ba.

"You're right, again." Malimit kong sabi saka unti unting umupo habang siya ay nakatirik mata pa ring pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

"That?" Parang gusto niya pa talaga sayangin ko ang laway ko na ipaliwanag sa kaniya ang lahat dahil alam ko namang alam na niya kung ano ang ibig kong sabihin pero nag tatanga tangahan lang siya.

"That men are all the same…manloloko."

"Oh! 'yan na nga ba ang sinasabi ko Sabina. You know for yourself how harder I go to stop you from falling pero na in love ka pa rin. Then I tried again to remind you not to give everything pero sinuway mo then for the third time I tried to stop you again from picking choices between your family and him, yet you and your stupid little brain decided to chose him over us and now what? Nga nga?" Saad niya at tumayo mula sa kaniyang upuan ng dahan dahan.

"Mabuti at mukhang nasiyahan pa ako sa itsura mo ngayon. Dahil kahit konti ay medyo nagtanda at natuto ka, that boys are not worth dying or spending tears even just a little amount of it." Dagdag pa niya.

Sabagay tama nga si Ate. Medyo hindi ko rin napansin na hindi na ako kamiserable ngayon kumpara noong naghiwalay kami ni Felix. Is it because I learned or baka may rason lang para hindi ako magmukmok?

"So, ano na ngayon ang balak mo na ngayon ay pinag pipiyestahan ka na ng buong mamamayang Pilipino? Kaya mo bang i-handle ang lahat ngayon may umalis pero may nagbabalik, at ito ha, muli kong paalala, nagbalik siya hindi para pasayahin ka o bumawi, bumalik siya upang wasakin at saktan kang muli kaya wag kang tatanga tangang ma fa-fall muli Sabina. Huling beses na ito, hindi ko na kayang palampasin pa o hayaang gawin mo pa ng paulit ulit ang mga maling nagawa mo dahil makikita mo talaga ang tunay na Sabrina." Paninindak pa niya sa akin na siya namang parang kinilabutan ako dahil sa biglang pag-iiba ng kaniyang tono.

"I understand…and I have learned, so far." Ang tangi kong tugon sa kaniyang mahabang paalala.

"Good. Now, let's talk about your current situation. Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kong nasaan ka? Wala ka bang balak bumalik sa bahay?"

"Ate, alam mo naman kong gaano kainit ng pangalan ko ngayon. Ayoko lang madamay kayo sa gulong ito. Saka na siguro pag medyo humupa na ang issue na 'to."

"Okay." Tumango tango siya saka muli ng umupo.

Inabot kami ng halos isang oras sa loob at napag usapan ang kung ano anong klaseng topic na puweding pag usapan doon na para bang isang buong taon kaming hindi nagkita. At pagkatapos ay lumabas na rin kami dahil susunduin pa raw niya si Zeeya sa nursery school nang saktong pagbaba naming ng palapag ay nagkasalubong ang aking mga mata sa mga tatlong babaeng nakasabunutan ko noong isang araw sa isang restaurant. And this time medyo marami rami sila. Mga pito siguro sila kung hindi ako nagkamali sa pagbilang.

"Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Ate upang mahintuin muna ito at ako na ang nauna. Na a-alarma kasi ako sa mala demonyong mga titig nila sa amin na parang nagbabantang in any seconds ay susugurin nila kami.

"Siya nga." Sabi ng kabilang leader na hanggang balikat lang ang buhok.

"Ahh." Sabay sabay nilang saad saka walang pag dadalawang isip silang sabay sabay na sumugod.

"Ugh!" Dinig kong ungol ni Ate nang itulak ko ito patagilid para hindi siya madamay.

Agad kong naramdaman na may humihila sa aking mahahabang buhok. Mabilis ko rin itong tinulak nang pagkalakas lakas ang isa dito ngunit may humawak ng biglaan sa aking dalawang kamay dahilan upang hindi na ako maka kilos pa.

"Humanda ka!" Isang malakas na sigaw ng kanilang leader matapos niyon ay isang malakas na sampal ang siyang dumapo sa aking pisngi na panandaliang nagpawala sa aking pandanig at nagpa manhid ng aking buong mukha. Ang sakit.

"How dare you to slap my sister!" Dinig kong sigaw ni Ate at dali daling hinablot ang buhok ng sumampal sa akin at sinampal din ito ng hindi lang isang beses kundi dalawa.

"Stop them!" Agad na nagsigawan at nagkagulo sa paligid at dumating na rin ang mga guard para awatin kami.

"I'll make sure na makukulong kayong mga kutong lupa!" Sigaw pa ni Ate sabay isa isa silang dinuduro sa mukha.

"Ate, tama na." Inawat ko na siya.

Agad ding may dumating na pulis at dinala na ang apat na mga babaeng 'yon sa malapit na presento habang kami ay pinaupo na muna ni Chezka.

"Kilala mo ba 'yon?" Usisa ni Ate habang nilalagyan ng yelo ang ramdam kong namamaga kong pisngi at mas lalo pa akong naantig nang makitang napunit at bandang tagiliran ng damit ni ate dahilan upang makita ang kaniyang tagiliran at kaunting parte ng kaniyang Bra.

"Hindi." Marahan kong sagot at 'di na napigilang makimkim ang aking mga daliri dahil sa sobrang galit.

Alam ko at naiintihan ko na na-misinterpret lang ng lahat ng mamamayan ang naging tagpuan naming noong gabing iyon ni Felix dahil wala silang alam sa tunay na nangyari pero ang personalan na nila akong atakihin ng wala akong ginagawa sa kanila ay iba na. Its already below the belt. At mas lalo pa akong namumula sa galit dahil pati pamilya ko ay dinadamay na nila.

Panahon na ba para ako naman ang gumanti? Panahon na kaya para ang boses ko naman at 'yong side ko naman ang malaman nila? Panahon na kaya upang pasokin ko ang industriyang kanilang kinabibilangan to seek protection and equal power like what they have had?

Panahon na ba upang tanggapin ko ang alok na minsan ko nang ni-reject?

"Wait lang Ate." Pagpapa alam ko saka kinuha ang cellphone ko at hinanap ang email sa akin ng Neo Entertainment Company kung saan ay sapilitan pa rin nilang in-email sa akin ang kanilang mga contacts kung sakali daw magbago ang isipan ko.

"Hello."

"Yes? Secretary Avellino on the line," Dinig ko ang malakas na tinig ni Secretary Noemi.

"It's me, Sabina. And I call to say that I'm…"