Chereads / Dare to Love Again / Chapter 9 - CHAPTER 9: ACCEPT OR DECLINE THE CONTRACT

Chapter 9 - CHAPTER 9: ACCEPT OR DECLINE THE CONTRACT

Hindi niya minumulat ang kaniyang mga mata kahit na ilang beses ko na itong tinatawag sa kaniyang pangalan at sinusubukang ibangon.

Hindi naman siya masyadong mataba ko payat, katamtaman lang ngunit hindi ko kayang ibangon siya ng mag-isa.

"Tita? Tita Miranda?"

Agad akong nag panic at humingi ng tulong upang agad siyang madala sa Hospital.

"Diyos ko! Ito na nga ba ang kinatatakutan ko sa kaniya tuwing nabababad ng matagal sa ulan." Pahilamos na sambit ni Tita Miranda.

May mga ka roommate na rin kaming dumating at tinulungan na kaming dalhin siya sa baba. Ako na ang nagmaneho ng kaniyang Taxi car habang si Tita Miranda naman ay nasa bandang likuran na naka alalay sa kaniya.

Makalipas ang ilang oras ay nakahinga hinga na rin ako ng maayos e-declare na ng Doctor na okay na siya. Nag desisyon muna akong lumabas upang bumili ng aming magiging Agahan ni Tita Miranda dahil pareho kaming hindi pa na ka breakfast.

"Is that her?"

"Oh my God! Yes, siya nga! Ang makapal na babaeng nang iskandalo kay Felix."

"Feeling artista kung makaganun kay Felix."

Muli ko na namang narinig na mga bulungan ng mga babaeng nasa likuran ko at nakapila rin para umorder.

"Puwede ba? Kung wala kayong magawa sa buhay tumahimik na lang kayo dahil wala naman kayong napapalang mabuti sa kaka tsismis sa akin 24/7!" Hindi na ako nakapagtimpi sa tatlong babaeng nasa likuran ko. Dahil sobra sobra na sila kung maka pagsalita sa akin akala mo sila 'yong nagpapalamon sa akin.

"At bakit? May napala ka ba sa pang iiskandalo at pag papahiya kay Felix?" Rebat ng babaeng may kulot na buhok.

"At totoo naman diba? Feeling mo sa sarili mo kapantay ni Felix at Kazumi. Pa famous ka girl?" Dada pa ng isang babaeng naka off-shoulder na damit.

"Wag na wag kayong makikisawsaw lalo pa't hindi niyo alam ang puno dulo ng lahat!" Sigaw ko sa harapan nilang tatlo na siyang umagaw ulit ng atensyon ng mga taong nasa paligid.

"Wag mo kaming maduro-duro dahil hindi kami natatakot sa isang feelingerang katulad mo!" Nabigla nalang ako nang bigla na lang nila akong sinugod.

"Ugh!" Isa isa silang napasigaw nang pag hahablutin ko ang kanilang mga buhok at pinapapantog sa ulo ng isa't isa. Baka hindi nila alam that I took Taekwondo Class for more than a year.

Matapos no'n ay agad na rin akong lumabas at nag desisyong sa ibang restaurant na lang ako bibili ng makakain nang may biglang lumapit sa akin na babaeng nerdo na naka-salamin, may mapupulang labi, naka formal office attire at may ID lace na Neo Entertainment: ang kompanyang matagal ng kalaban at ka-kopentensiya ng SNS entertainment kung saan nagta-trabaho sina Felix at Kazumi.

Ano kaya ang kailangan niya sa akin? Paparazzi din kaya ito?

"Hi, I'm Noemi Avellino the sexytary of one of the talent managers of Neo Entertainment." Pakilala niya nang makarating na kami sa isang Tea Shop malapit lang sa Hospital.

"I'm Sabina, Bly…"

"Sabina Blythe Guidotte, 24 years of age, a Magma Cum Laude graduate from the University of the Philippines with the degree in Business Administration and Accountancy and worked as a part-time model, endorser and tutor. Am I right?" I was completely shocked and speechless upon hearing her say those words.

"How are you able to know all those things?"

"That's what secretary does." Malimit niyang sagot. "By the way I'm here with…" Agad siyang tumigil nang pamansing nakatingin ako sa dalawang lalaking naka itim na may suot na shades.

"Don't worry, they are guards from the company, and I intentionally bring them to protect the soon-to-be star? Aren't you?" Pakindat kindat niya pang saad. Grave medyo nahihirapan akong mag catch-up dahil sobrang bilis niyang magsalita. Pero gan'on din naman talaga pag Secretary ka.

"Pardon?"

"Oh! Well, let's get straight to the point, Miss Beautiful." Panandalian siyang huminto at may nilabas na mga documents mula sa kaniyang bag at pinatong ito sa ibabaw ng mesa.

"I saw you online in many platforms and I don't know if you're aware na ikaw ang laman ng balita ngayon sa Pilipinas matapos ang medyo sabihin na nating mala K-dramang tagpo mo ni Felix sa isang Korean restaurant. Maraming nagagalit pero marami din ang medyo naguguluhan kong saang network or company ka daw kabilang dahil galing na galing sila sa iyong actingan. So, I'm here to make those assumptions and questions real. This is a contract from the Neo Entertainment, and we want you to be our new star. We saw potential in…"

"I'm not interested." Agad kong pagputol. "At isa pa, hindi acting ang ginawa ko doon sa restaturant. And sorry to burst your little bubble pero wala akong balak mag artista. Pasensya na." Tumayo na ako ng hindi man lang nagpapa alam sa kaniya.

"But you see, kahit saan ka mag punta may mga basher ka na mapanakit hindi lang online kundi maging physical-lan. And our company can shield you from those. We can give you protection aside from fame and money." Pahabol niyang talumpati ngunit nagpatuloy na akong lumabas pagkatapos noon.

Kailangan ko ba sila para mabuhay? No! I can survive without depending on someone kahit na sa pamilya ko. Saad ko sa aking isipan habang naglalakad.

***

"Ay! Nako nag abala ka pa." Wika ni Tita Miranda nang makapasok na ako sa room ni Lance.

"Kumusta ka na?" Tanong ko dito nang makitang gising na rin siya.

"Mabuti-buti na." Sagot ni Lance. Medyo namumutla pa rin siya pero halatang medyo lumakas lakas na siya dahil kaya na nitong umupo ng mag-isa.

"Ito, binil'han na rin kita ng lugaw para mainitan na rin ang sikmura mo." Isa isa kong nilabas ang mga pinamili kong pagkain saka kami sabay sabay ng kumain.

"Sabina?" Dinig kong tawag sa akin mula sa bandang likuran habang tinatapon ko ang mga tiring pagkain na aming pinag umagahan.

"Ae-Aeres?" Nagdadalawang isip pa akong sabihin ito dahil medyo hindi ko na natatandaan ang pangalan niya saka medyo nag iba na rin ang kaniyang mukha.

"Oo! Ako nga!" Sigaw ni Aeres sa akin, ang aking high school bff. Nagkahiwalay lang kami ng pinag aral na siya ng parents niya sa U.S. at mula noon medyo nawalan na kami ng connection sa isa't isa, pero ika nga ng kasabihan na ang tunay na magkaibigan ay nananatili kahit hindi kayo madalas na magka usap o magkita.

"Ibang iba ka na ngayon!" I praised her once we got out of the Hospital and sat at one of the benches na napapalibutan ng magagandang bulaklak at mga pasyenteng inaalalayan ng kanilang mga nurses.

"Ikaw din. Mas lalo ka pang gumanda!" Pabalik niya at hinawi hawi pa ang buhok ko. "Ano na ang ginagawa mo ngayon? Nag artista ka ba gaya ng pangarap natin noon?"

Umiling-iling ako sa tanong niya. 'Yon kasi ang pareho naming pangarap ni Aeres noon dahil ido na idol namin dati si Sharon Cuneta pero bigla siyang pinag proceed sa Medicine program ng mga magulang niya habang ako naiwang mag isa at kung ano anong Kurso na lang ang kinuha. Pero buti pa siya Doctor na ngayon, habang ako ito…still in search of what I'm really passionate about.

"Nga pala, anong ginagawa mo dito? May schedule ka bang dalawing checkup? Sa akin kana lang magpa kunsolta, libreng libre ka sa akin." Hindi pa rin si Aeres nagbabago. Siya pa rin ang kaibigan kong mahilig mang libre.

"Ah, hindi. May sinamahan lang akong kaibigan." Paliwanag ko.

"Wait," Dinig kong saad ng isang babae mula sa aming likuran ngunit hindi na naming ito pinansin.

"Sabina." Medyo nagulat ako nang biglang lumapit sa amin ang isang babaeng pinalilibutan ng halos sampong makikisig na kalalakihan na sa palagay ko ay kaniyang mga guwardiya.

"That's right. Ikaw nga. The instant Multimedia Star." Mas lalo pa akong nabigla nang makilala ang babaeng nagsasalita when she removes her shades.

"Kazumi?"

"Yes! It's me, darling. Bakit? Pa autograph ka?" Sarkastikong wika niya.

"Shouldn't I be the one asking you that? Dahil ikaw itong sumugod sa amin."

"Hah! Patawa ka? Bat ako hihingi ng autograph sa isang munting muchachang tulad mo. I mean, look at you dear. Isn't it obvious?"

Biglang kumulo ang aking dugo sa sinabi niya. Hinding hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa nilang dalawa ni Felix sa amin ng Pamilya ko.

"And what makes you think better than I? Dahil mayaman ka? Dahil Artista ka?" I paused for a while and gave her a malicious smile." Puwes, mag impake kana dahil paparating na ang artistang magpapabagsak sa inyo." Nanlilisik kong saad saka hinila na si Aeres papalayo.

"Huh! Baliw!" Dinig ko pang pahabol niyang sigaw.

"Sino ba 'yon? At sinong artista ang paparating?" Sunod sunod na tanong ni Aeres.

"Katabi mo lang." Sambit ko sa aking isipan at ngumiti na parang timang.

"Wala. Sinabi ko lang para matakot siya." Tugon ko sabay halakhak at naglakad na kaming muli pabalik ng Hospital.