(FLASHBACK)
"Happy Birthday to you! Happy Birthday, happy birthday dear Sabby, happy birthday to you!"
"Yeah!" Sabay sabay na nagsihiyawan ang lahat.
It was the party night of debut, and everyone's invite, si Teacher, mga Classmates ko at mga kaibigan pati na rin ang aming mga iba pang family member.
At dahil ako na ang kahuli hulihang magde-debut sa pamilya ay tinodo na ni Mama ang handaan dahil wala na rind aw balikan.
Sobrang gaan at saya ng aking puso sa mga gabing iyon na para bang nagkaupo ako sa ulap habang binibigay sa akin isa isa ang mga bulaklak na dala ng aking 18 roses na mga makikisig at guwapong kalakihan. Naroon ang mga pinsan ko, mga kabigan at syempre…ang pinaka mamahal kong boyfriend, si Felix.
"May I have aa dance with my future Queen?" Nakangiting binuka niya ang palad niya sa akin na may hawak na bulaklak.
"Oo naman." Hindi na ako nag pakipot pa at inabot na ang kaniyang kamay. Walang kalam alam si Mama at Ate na boyfriend ko si Felix at tsaka sa mga panahong ito ay hindi pa siya masyadong sikat dahil trainee pa lamang siya kaya medyo kaunti pa lang ang nakaka kilala sa kaniya.
Napag usapan na rin namin na sa amin muna siya matulog ngayong gabi dahil ipapakilala ko siya kay Mama at Ate pagka medyo kulang kulang na ang bisita. Dahil si Mama na rin ang maysabi na saka na daw pag nag 18 na ako saka siya papaya na magka jowa ako, kaya ito na 'yon mga Sissy.
"Hoy! Tagal naman. Isayaw mor in kami, Ate Sabby." Dinig kong angal ni Ethan at Nate: Ang cute na kambal kong pinsan from mother side.
"Oo na!" Kumindat muna ako kay Felix bago tuluyang bumitaw sa kaniya.
"Thank you so much everyone for being around tonight. Alam niyo namang napaka espesyal ng gabing ito sa akin kaya't lubos akong nagpapasalamat sa inyong pagdalo lalong lalo na sa aking guwapo at mabait na boyfriend na si Felix." Pagsisimula ko na siyang gumawa ng ingay at pagkabigla sa bawat bisitang imbitado.
"Ano 'to?" Dinig kong saad tanong ni Mama sabay na tumayo ngunit agad din itong nilapitan ni Ate para siguro ipaliwanag sa kaniya dahil kinausap ko kanina si Ate sa may restroom at hindi naman siya nagalit dahil total nasa tamang edad na rind aw naman ako.
Sorpresa ko na rin ito para kay Felix dahil sa ilang taon naming pagsasama ay bihira ko lang siya naso-sorpresa o di kaya napapasaya. Siya ang palaging bigay ng bigay at palaging may paandar sa tuwing may okasyon o di kaya monthsary namin.
"Everyone, meet my handsome and supportive boyfriend, Felix Chad Galileo." Sabay turo ko sa mesang kinauupuan niya.
Kita kong manual at medyo nahihiya siya pero tumayo rin ito at lumapit sa akin sa taas ng entablado na mas lalo pang nagpalakas ng hiyawan ng mga tao.
"Sana All!" Ang katagang paulit ulit kong narinig mula sa mga bisita and of course mga palakpakan din nang biglang bumukas ang gate ng hotel kong saan ko dinadaos ang aking debut party.
"Galing! What an introduction," Agad namatahimik ang lahat at napatingin sa tatlong babaeng pumasok. Si Kazumi at ang dalawa niyang malditang kaibigan.
Kazumi is our schoolmate from the B section at palagi ko siyang nakikitang kinakausap si Felix even before naging kami pero wala namang sinasabi sa akin si Felix dahil wala rind aw naman siyang koneksiyon kay Kazumi at mula noon ay palagi nalang parang Tigreng galit na galit sa akin si Kazumi.
"Oh! Did I surprise everyone?" Dagdag niya at napahigpit nalang ako ng hawak sa braso ni Felix.
Hindi ko inembeta si Kazumi dahil una sa lahat hindi naman kami close at isa pa alam kong mainit ang dugo niya sa akin pero anong ginagawa niya dito ngayon?
"Pasensya na kung nahuli ako ng dating dahil hindi ako inembeta ng kabit ng Fiancé ko!" Para akong tinamaan ng palaso sa aking puso sa mga oras na narinig ko ang katagang iyon.
"Ano'ng pinagsasabi niya?" Marahan kong usisa kay Felix habang tinitingnan ito sa mata.
"Oh! Ang sakit naman! Hindi ka ba sinabihan ni Felix na may Fiancé siya at binabalak na kaming ikasal ng aming mga magulang sa susunod na taon?" Mas lalo pang lumapit sa amin si Kazumi.
Agad na nanghina ang aking mga tuhod dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Napahiya ako at ng aking pamilya dahil dito. Dama kong naka focus sa amin ang atensiyon ng bawat isa.
"My dear Felix, why don't you tell her the truth and maybe show her the duplicate of this ring na palatandaan ng ating engagement." Nakaka binging dagdag ni Kazumi habang itinataas niya ang kaniyang kaliwang mga daliri. At tama nga siya, dahil Nakita kong mayroon ding ganoong klaseng singsing si Felix pero hindi na niya ito sinusuot simula nang maging kami.
"How can you do this to me? Pinag mukha mo akong tanga a-ang sama sama mong tao!" Naluluha at nauutal kong pagkasabi.
I didn't see that coming. Medyo nabulag lang ako siguro sa kaniyang lambing at pagmamahal kaya hindi ko na inusisa ang kaniyang nakaraan. Pero it turns out na ang bobo ko pala. Ang bobo ko na pumasok sa relasyon nilang dalawa.
"Sabina!" I heard Mom calls my name as I stormed outside the hotel room wearing my vibrant peach-colored gown.
Hindi na ako makapag isip ng mabuti dahil sa sobrang kahihiyan at tanging pag lisan nalang sa lugar na iyon ang tangi kong alam na paraan.
"Sabina!"
"Sabby!"
Dinig kong tawag nila Mama at Ate. Nakita ko ring patakbo pa akong hinabol ni Felix bago magsara ang elevator.
Parang baliw akong nagsisitakbo sa gitna ng daan. Wala na akong pakialam kong masagasaan pa ako ng mga sasakyan dahil wala na talaga ako sa katinuan sa mga oras na iyon.
"Sabina! Are you crazy!" Dinig ko pang sigaw na pahabol ni Mama at nakitang hinahabol din niya ako.
Nag mistulang rambulan ang kalsada dahil sa isa isang pag hinto ng mga sasakyan habang naghahabulan kami. Nakakabinging ingay din ng mga busina ng iba't ibang sasakyan ang siyang umalingawngaw sa gitna ng daan hanggang sa biglang panandaliang huminto ang mundo at nawala ang ingay sa kapaligiran nang marinig ko ang lakas ng sigaw ni Ate Sabrina.
"Ma!"
Siyang sabay kong lingon ay siya ring naabutan kong nakalutang sa ere ang tumilapong katawan ni Mama matapos itong mabangga ng isang malaking Delivery Truck.
"Ma!" Ang unang katagang lumabas sa aking bibig saka tuluyang tumakbo pabalik sa kanila.
At mula noon, pinangako ko sa aking sarili na habang buhay kong kasusuklam sina Kazumi at Felix dahil sa pamabababoy, pangloloko at paninira nila sa buhay at pamilya ko. Sila ang dahilan kong bakit nasira ang masayang debut party ko at kung bakit ako nag walk-out at kung bakit nangyari 'yon kay Mama.
End of flashback
"Salamat," Ay ang tanging katagang aking nasabi kay Lance. Hindi ko alam ko paano ko siya mapapasalamatan hindi lang dahil sa kabaitan na kaniyang binibigay at ipinapakita kundi maging sa pagiging palaging nasa tabi sa mga oras na sobrang kailangang kailangan ko ng matatakbuhan at makakausap.
Una ay 'yong binigyan niya ako ng Tissue noong pauwi na ako mula Airport, pangalawa ay 'yong binalik niya ang naiwan kong cellphone, tapos 'yong pinasakay niya ako sa Taxi that moment na una kaming nagkita ni Felix, at ngayon…nandito siya hindi lamang para tulungan ako, kundi para magbigay ng balikat na aking maiiyakan at masasandalan. Feel ko talaga, biyaya at hulog ng langit ko siyang nakilala. That even in a small span of time, maraming magagandang nangyari sa aming bawat pagkikita.
"Wala 'yon." Malimit niyang saad habang may kung anong hinahanap sa bandang likurang upuan ng kaniyang kotse. "Oh!" Inabutan niya ako ng isang puting tuwalya.
"Pa'no ka?" Usisa ko naman nang mapagtantong isa lang ang tuwalya niya.
"Okay lang ako. Matibay 'to." Sagot niya saka lumipat na sa may bandang driver's seat.
"Sigurado ka?" Paniniguro ko dahil kita kong nilalamig din siya dahil nagpu-purple na ang kulay ng kaniyang labi.
"We can share." Ako na ang nag alok dahil alam kong nahihiya ito.
"No, okay la…" Bigla niyang natikom ang kaniyang bibig nang akbayin ko siya mula sa kaniyang likuran para magkasya kami sa iisang tuwalya.
"May I remind you that breathing is essential for every living organism, yet there you are, saving oxygen." Tiningnan ko ito ng mata sa mata. "Wag kang mag alala, hindi mauubos ang hangin kaya huminga ka habang nabubuhay ka pa!" Dagdag ko pa dahil pansin kong hindi siya humihinga sa loob ng mga ilang Segundo. Siguro nahihiya lang siya or awkward lang para sa kaniya na may babaeng naka akbay sa kaniyang likuran
"Pasensya na, hindi kasi ako sanay." Paliwanag niya. "Ah-ahh, puwede na ba tayong bumalik sa flat? Baka magkasakit ka niyan dahil basing basa ka kanina ng ulan." Pag iiba niya ng topic. In his voice I can since sincerity and care, not sympathy because I can tell which between those. I think sa mga oras na ito mattawag ko ng masuwerte ako, dahil aside sa may driver na ako, may Karamay pa ako, mala-guidance counselor ang datingan ng peg.
Tumango na lang ako sa kaniya saka nagsimula na itong paandarlin ang sasakyan.
"Salamat ulit." Muli ko na namang pasasalamat hindi dahil sa hindi na naman niya tinanggap ang pasahe ko kundi dahil sa kabutihang puso niya at pagdamay sa akin. "Dito na muna 'to sa'kin. Lalab'han ko muna." Bahagya kong itinaas ang tuwalya upang malaman niya kong ano ang tinutukoy ko. Tumango lang siya sa akin saka bahagyang ngumiti.
Nauna na akong pumasok habang siya pina-park pa ng maayos ang kotse at sinara na rin ang gate.
Matapos ang ilang minuto kong pag sa-shower ay nakalabas na rin ako ng bathroom at saktong may narinig akong kumakatok sa may pintuan ko.
"Wait!" Pasigaw ko at dali daling isinuot ang aking pantulog bago ito pinagbuksan.
"Audrey." Ika ko nang makitang nakatayo siya sa labas na may dalang plastic bag.
"Pinapabigay po pal ani Kuya Cutei," Sabay niyang abot sa akin.
"Sing Kuya Cutei?"
"Dito oh!" Turo niya sa Room 20 kung saan nakatira si Lance.
"Bakit hindi na lang niya binigay sa akin?"
"Ay, may ginagawa pa sa baba. Binahaan kasi ang ilang mga pananim ng bulaklak ni Tita kaya ayon iyaayos niya para hindi tuluyang masira. Take out daw niya sa restaurant na pinuntahan niyo dahil hindi ka daw kumain." Madaldal na paliwanag ni Audrey.
Sabagay tama nga naman si Lance, 'yong dahilan pa mismo kaya kami nagpunta doon sa Korean Restaurant ay upang mag dinner ay nauwi sa sigawan, walaan at iyakan. Hays! Ano bang puwedi kong gawing sukli sa kabaitan ni Lance sa akin.
"Ay, ate. Akin po pala 'yong isang plastic. Bigay daw niya yan sa akin." Saad ni Audrey saka nagpa giling giling sa kilig.
"Hoy! Ang bata bata mo pa huh!" Feeling close kung tinuro turo si Audrey. "Pag Kuya, kuya lang talaga, wag ng mag Crush-crush pa!" Dagdag ko pang pangangaral saka inabot sa kaniya ang isang plastic bag.
"Sige na, salamat dito pakisabi kay Kuya Cutei mo." Wika ko at bahagyang napangiti habang binabanggit ang nickname niya.
"Wow! Sakto!" Walang pa aalanganing agad ko ring kinain ang mainit init pang Bulgogi at Samgyeopsal.
Matapos kong kumain ay nagdesisyon akong bumaba na may dala dalang tuwalya payong upang iaabot kay Lance dahil kanina pa 'yon sa ulanan. Baka magkasakit na siya sa sobrang kabaitan at matulungin niya.
"Oh! Hija." Nakangiting bay isa akin ng may-ari ng flat na ito na si Tita Miranda.
"Ah, nandito pa po ba si Lance?" Usisa ko.
"Ay nako! Kani kanina lang umakyat. Bakit ba?"
"Ah, wala lang po may gusto lang sana akong iabot sa kaniya."
"Hay nako! Katukin mo nalang ang Kuwarto. Mabait na bata 'yon kaya hindi ka ma o-awkward sa kaniya."
"Oo nga po eh." Pag sang-ayon ko.
"Oh! Siya nga pala, nag hapunan ka na ba?"
"Opo,"
"Nako sakto, sumama ka muna sa akin. May dala akong mga prutas galing sa aming munting farm." Agada gad din niya akong hinila sa aking kaliwang at naglakad pabalik sa ikalawang palapag.
"Oh! Ito. Sa'yo iyan. At ito naman ay para kay Lance, ikaw na magbigay sa kaniya total magkatabi naman ang room niyo." Abot sa akin ni Tita Miranda ng dalawang basket na punong puno ng iba't ibang klase ng prutas.
Pabalik na ako ng aking kuwarto ng biglang nag vibrate ang aking phone.
"Nako si, Ate!" Saad ko sa aking isipan.
"Hindi ko nalang ito pinansin at ibabalik ko n asana sa aking bulsa ang aking cellphone nang biglang nag message sa akin si Ate ng sangkatutak na mga sms na hindi ko na mabilang kung ilang.
"Sabina! I'm telling you! Sagutin mo ang mga tawag ko!"
"Akala ko ba nasa U.S. ka na kasama si Cairo?"
"Nasaan ka? Anon a namang katangahan ang naisip mo at hindi mo ako sinasagot?"
Ramdam ko ang galit ni Ate sa mga Text message niya habang binabasa ko ang ilan sa mga ito. Nang muli na naman siyang tumawag.
Dali dali na akong pumasok sa aking room at sinagot na ito.
"Hello."
"Oh! Mabuti at sinagot mo. Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Napanood kita sa IG live kani-kanina lang at alam mo bang pinag pipiyestahan ka na ng mga fans ng LixZumi? Sabihin mo nga sa akin, ano ba ang nangyari at nandito ka pa sa Pilipinas? At bakit hindi ka umuwi dito sa bahay at kausapin ako? Ano?" Nakakabinging haba ng dada ni Ate.
"Ano?" Bigla siyang natahimik nang marinig akong humihikbi.
"Umiiyak ka ba? Sabina! Sagutin mo nga ako! Ano ba'ng nangyari?" Muli na naman niyang usisa.
Hindi ko na mabuka ang aking bibig upang magsalita at isa pa hindi ko rin alam kong saan ako magsisimula. Sobrang dami nang nais kong sabihin kay Ate, sobrang dami na hindi ko na alam kung saan ang uunahin ko. Na tanging pag iyak na lamang ang alam ko sa mga oras na iyon.
Totoo nga ang kasabihan ng matatanda na kailanman walang hihigit sa pagmamahal ng pamilya. 'Yong kahit ilang beses kang nadapa, bumagsak, napahiya, at nagkamali ay andyan pa rin sila para sa'yo at bukas palad na handa kang tanggapin ng paulit ulit at ulit. It's true that Blood is thicker than Water at si Ate Sabrina ang nagpatunay niyon.
Makalipas ang halos mga ilang minuto naming pag uusap ni Ate ay nagkaroon din ako ng lakas ng loob sa wakas upang magsalita at sabihin sa kaniya ang lahat. Ngayon alam ko na kung saan ako magsisimula.
Dahan dahan kong pinunasan ang aking luha at huminga ng malalim saka nagsimulang isalaysay ang halos isang daang kabanata na istorya ng aking mapanakit na karanasan.
Lahat tayo ay walang ligtas, dahil may mga panahon talaga na babagsak tayo at magkakamali pero ang maganda doon ay 'yong natututo tayo sa mga maling iyon at mas lalo tayong tumitibay sa mga bawat bagsak at pagkadapa natin. Walang mal isa sumuko ng paminsan minsan and to admit failure or defeat dahil doon sa mga oras na yon tayo nakakapag isip, nakakapag muni-muni at naiintindihan kung ano ba ang kulang natin. At mula roon ay muli tayong tatayo, lalaban at magpapatuloy dala dala ang leksyon, karunungan at mga natutunan natin mula sa nakaraan na siyang ating magiging gabay, kasama at kasangga upang harapin ang bawat hamon sa ating daan patungo sa ating minimithi.
Kaya laban lang.
***
Kinaumagahan ay nagising na lang akong nakahiga sa aking Sofa. Hindi ko na namalayan kagabi ang aking pagkakatulog ni maging ang pintuan ko patungong Balcony ay hindi ko man lang naisara.
Dali dali na akong naghilamos at nag toothbrush tapos ay nagtungo na sa may kusina at…
"Hala!" Ika ko nang makita ang basket na prutas na pinabibigay ni Tita Miranda kay Lance. Dali dali ko na itong kinuha at lumabas na ng aking room.
"Tok tok!" Paulit ulit akong kumatok ngunit walang sumasagot kaya naisipan kong baka bumiyahe siya sa labas ngunit ng aking hawakan ang doorknob ay hindi naman ito naka lock.
"Lance?" Dahan dahan kong binuksan ang pintuan.
"Lance may pinabibigay si Tita Mi…" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang makitang nakatihiga pa ito sa kaniyang kama at parang lamig na lamig.
"Lance!" Dali dali kong pinatong ang aking kamay sa kaniyang noo at nabigla ako nang mapagtantong sobra ang init niya at namumutla na rin.