Biglang kumulo ang dugo ko at nagdilim ang aking paningin hindi dahil sa sobrang dami ng tao kundi dahil sag alit ko sa kaniya.
"Oh! Saan ka pupunta? Hindi ka ba kakain?" Pagpigil nito sa akin.
"Excuse me, just cancel my order please as I have something urgent to do." Paliwanag ko sa lalaking crew saka dali dali ng umalis.
"Hey! Sabby? Why are you avoiding me?" Tawag niya sa akin.
Dinig ko ang malakas niyang boses ngunit binalewala ko na ito at nagmadali na lamang naglakad upang maka alis na dito.
"Sabby? Talk to me, come on!"
"Why should I have to talk to someone who ruined my life and mom's! Sige! Sabihin mo nga! Ano bang magandang rason at kailangan pa kitang bigyang halaga sa buhay ko?" Pagkalakas lakas kong sigaw sa kaniyang mukha na dahilan upang matahimik ang parang langaw na kani kanina lang na nag iingay na mga tao.
Maging ang Banda ay panandalian na munang pinahinto ng manager.
"Because I still care for you. And I'm here to show you na nagsisisi ako sa kung ano man ang nangyari noon. Please."
"P*tangina! Lamunin mo ang care na sinasabi mo, Felix! Dahil hindi ko na yan kailangan ngayon at hindi hindi ko kakailanganin sa mga susunod pang araw, buwan o taon dahil para sa akin matagal kanang patay. Kaya lubayan mo na ako!" Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang aking luha dahil sa sobra kung pagiging emosyunal.
Iba kasi ang epekto niya sa akin. 'Yong tipong gusto kong maging criminal sa tuwing nakikita ko ang makapal niyang pagmumukha.
"Diba si Felix 'yan?"
"Hala! Sino siya?"
"Ang alam ko siya 'yong babaeng nagging dahilan ng break up ni Felix at KazumiKourtnee."
"Third wheel lang ang peg!"
"Aba! Ang kapal!"
Yan ang mga katagang aking narinig mula sa mga taong nakapaligid sa amin sa mga panahong iyon. Bulungan dito, bulungan doon, flash dito flash doon. Nag mistulan akong si Taylor Swift na naglalakad sa Red Carpet dahil sa sobrang dami ng camera na nakapalibot sa akin. Hindi ko na rin alam kong hanggang saan ko ito kakayanin. At ngayon nalantad na ako sa social media, alam kong mas lalo pang dadami ang taong mang gugulo sa akin, unang un ana dito ang fans ni Felix at Kazumi.
"Bakit ka ba nagkakaganiyan? Ano bang kasalanan ko at…"
"Kasalanan? Marami! Sobrang dami na kahit ipambayad mo pa'ng lahat ng pera mo ay hinding hindi kailanman magiging sapat para mapagbayaran mo ang ginawa mo sa akin at sa pamilya ko! Kaya wag na wag mo akong matanong kong bakit ako nasusuklam sa'yo!" My voice break as I say those hurtful line. Patuloy ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mat ana halos hindi ko na masyadong maaninagan ang mukha ng mga tao dahil dito.
Hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko at kung paano baa ko makakalabas sa nagkukumpulang mga tao dito.
"Handang kong pagbayaran ang lahat mapatawad mo lang ako, Sabby." Pag mamakaawa niya.
"Talaga?" Bigla akong parang sinaniban ng demonyo at mabilis kong inikot ang aking mga mata sa loob ng restaurant hanggang sa may Nakita akong mga mamahaling antique, imported vase at mga painting saka ko ito isa isang nilapit.
"Sigurado kang handa kang pagbayaran ang lahat? Puwes bayaran mo muna ang lahat ng mga 'to!"
Kita kong isa isang nasindak, natakot at nanlaki ang mga mata ng mga taong nakapaligid sa amin ng isa isa kong hinulog sa sahig ang mga Vase, Paintings at mga antique habang pinagmamasdan lang ako ni Felix na gaya nila ay nabigla rin.
"Ano?" Pagtataray ko sa kaniya.
"Guard! Stop her!" Sigaw ng manager ng restaurant.
"Ano Felix? Tutunganga ka lang ba diyan habang pinag pi-piyestahan na ako ng mga guwardiya!" Mas lalo ko pang nilakasan ang aking boses. Ayokong magmukhang mahina. There's no room for that sa mga oras na ito.
"Bitiwan niyo siya!" Sigaw niya sa mga Guwardiya. "Babayaran ko ang lahat ng sinira ni Sabby. Kaya bitiwan niyo siyaaaa!" Nakakabinging sinigawan niya ang mga Guwardiya sabay habak sa kaniyang ulo. Alam kong nahihilo na siya sa nangyayari. Ganiyan nga. Mahilo ka, dahil kulang pa yan kumpara sa dinanas ko.
Kitang kita kong namula ang kaniyang mata dahil sa sobrang galit. Hingal na hingal din ito.
"Gan'yan nga! Serve the Queen well!" Dagdag ko pa nang bitawan na ako ng mga Guwardiya saka nagmamadali na akong lumabas at kumaripas ng takbo na para bang hinahabol ako ng sangkatutak na mababangis na aso.
Halong iyak, hagulhol, sigaw at kaba ang siyang naghahalo halo ngayon sa aking dibdib na parang matumtumba na lang ako ng wala sa tamang oras.
Tumakbo ako papalayo ng Restaurant at hindi ako nagpunta sa apartment dahil ayaw kong malaman nino man kung saan ako nakatira.
"F*ck!" Pagkalakas lakas kong sigaw sa gitna ng kawalan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sobra akong napagod dahilan upang sumuko ang aking mga paa at tuluyang napaluhod sa maputik at madilim na kalsada. Hindi ko na alam kong nasaan ako. Dahil sa mga sandalling ito ay muli na naman akong nawala sa aking sarili.
Ang lahat ng mga sugat na noo'y unti unti ng naghihilom ay muling nagkasugat sugat muli at mas lalo pang lumama. This is the same and exact amount of emotion na naramdaman ko 4 years ago. Sa ngayon, kaya ko pa kayang magpatuloy? Dahil ang lahat ng natitirang rason ko noon upang mabuhay ay unti unting naglaho na parang bula the moment Felix returned.
Kung gaano kalakas ng ulan ay siya ring lakas ng aking iyak at sigaw hanggang sa mapaos na ang boses ko at tanging pag hikbi ko na lamang ang siyang nagsisilbing tinig na lumalabas sa aking bibig hanggang sa may naramdaman at narinig akong yapak ng mga paa papalapit sa akin.
Hindi ko ito pinansin dahil hindi ko rin naman makikilala kung sino man siya dahil sa dilim ng paligid ko.
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at dahan dahan kong naramdaman ang mahigpit at mainit niyang yakap.
"Ilabas mo lang ang lahat. Nandito ako, handang makinig sa'yo ng magdamag." Malumanay at nasasaktang wika niya habang hinahaplos ang aking buhok.
At doon, sa puntong iyon ay may isang bulaklak na nagawang tumingkad sa gitna ng unos. Dahil sa kaniya nagkaroon ako muli ng isa pang rason upang lumaban. At sa unang pagkakataon…may kasama akong nasaktan at umiyak sa gitna ng ulan.